You are on page 1of 8

(MJ)

REPLEKTIBONG SANAYSAY
Ayon kay Michael Stratford
Isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa
introspeksiyon na pagsasanay. Kinapapalooban ngpagbabahagi
ng mga bagay na naiisip, nararamdaman,pananaw at
damdamin hinggil sa isang paksa at kungpaano nakalikha ng
epekto sa taong sumusulat.

Introspeksiyon ay ang pagsusuri ng iyong sarili , saloobin at


damdamin.

(Micheal)

Maiuugnay ito sa pagsulat ng Academic portfolio Na


nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may-akda kung
paano umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o pangyayaring
binibigyang-pansin ng manunulat.

(Dayan)
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Ayon kay Kori Morgan
Nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang
mahalagang karanasan o pangyayari.Ibinabahagi ang kalakasan
at kahinaan ng sumulat batay sa karanasang natutuhang o
nakuha.

(Michael)

Halimbawa ng mga paksa sa paggawa ngReplektibong


Sanaysay:
•Librong katatapos lamang basahin
•kakatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik.
•pagsali sa isang pansibikong gawain

Ayww basaha
( Halimbawa ng mga pansibikong gawain:
Pagtatanim para sa kalikasan
Pagsasagawa ng seminar ukol sa usaping pinansyal
Pagkakaroon ng cleanup drive
Pagsasagawa ng medical mission
Pagtulong sa mga magsasaka)

(MJ)

Halimbawa ng mga paksa sa paggawa ngReplektibong


Sanaysay:
•Isyu tungkol sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West
Philippine Sea
• Paglutas sa isang mabigat a suliranin
•isang natatanging karanasan bilang mag-aaral.
•Praktikum tungkol sa isang kurso.
•Paglalakbay sa isang tiyak na lugar.
•Isyu tungkol sa pagka-lulong sa ipinagbabawal na gamot.

(Michael)

Mga dapat isaalang-alang sa Pagsulat ngReplektibong


Sanaysay
•Magkaroon ng tiyak na paksang iikutan ng nilalaman ng
sanaysay.
•Isulat sa Unang panauhan Ng panghalip. (ako, ko at akin)
Personal
• Bagamat Nakabatay sa personal nakaranasan, taglay pa rin
nito ang patunay o patotoo batay sa naobserbahan o
katotohanang nabasa upang higit namabisa at epektibo.
•Gumamit ng pormal na salita.
•Gumamit ng tekstong paglalahad. Gawing malinaw upang
madaling maunawaan ang mensahe ng mambabasa.
•Sundin ang angkop na estruktura:introduksiyon, katawan at
kongklusyon.
•Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata.

(MJ)

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay


•Introduksyon
•Katawan
•Kongklusyon
(Dayan)

Inroduksyon / Simula
Maaaring mag-uumpisa sa mga sumusunod na tanong:
•Ano ang aking nararamdaman o pananaw tungkol Sa paksa?
• Paano ito makaaapekto sa aking buhay?
• Bakit hindi ito makaaapekto sa aking pagkatao?

(Talledo)

Introduksyon/ Simula
•Dapat na nakapukaw ng interes ng mambabasa.
• Gumamit ng iba’t-ibang paraan ng pagsulat ng mahusay na
panimula.
•Maaaring gumamit ng kilalang pahayag mula sa kilalang tao o
Quotation ,tanong, anekdota, karansan atbp.
•Sundan ng pagpapakilala ng paksa at layunin ng pagsulat ng
sanaysay namagsisilbing prebiew ng kabuoan ng sanaysay.
Isulat lamang sa loob ngisang talata.
Katawan

•Ilahad ang pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa


na inilahad sapanimula.
•Maglagay ng obhetibong datos batay sa naobserbahan o
naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang
ipinaliliwanag.
•Gumamit ng mapagkakatiwalaang sanggunian bilang
karagdagang datos namakatutulong nang malaki sa
pagpapaliwanag ng paksa.
• Isulat din ang mga napagnilay-nilayan o mga natutuhan.
• Ilahad din kung paano umunlad ang iyong pagkataomula sa
mga karanasan o mga gintong aral nanapulot.
•Magbigay rin ng patotoo kung paano nakatulong ang mga
karanasang ito sa iyo.

Wakas o Kongklusyon

•Muling banggitin ang pangunahing paksa ng sanaysay.


•Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano
momagagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap.
•Maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na sila
namanay magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan
o kaya nama'y mag-iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan.

TANDAAN:

• Ang replektibong sanaysay ay isang personal na pagtataya


tungkol sa isang paksang maaaring makapagdudulot ng epekto
o hindi sa iyong buhay o sa mga taong makakabasa nito .

You might also like