You are on page 1of 19

paksa 1: pagsulat ng repleksibong

sanaysay
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan:
Akademik

Antonio R. Villaraza III


Mga kasanayan
• Makilala ang mga katangian ng mahusay na repleksibong
sanaysay sa pamamagitan ng mga binasang halimbawa;
• Mabigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may
kaugnayan sa pagsulat ng repleksibong sanaysay;
• Matukoy ang mga hakbang sa pagsulat ng repeksibong sanaysay;
• Makasulat ng isang organisado, malikhain, at kapani-paniwalang
repleksibong sanaysay; at
• Maisaalang-alang ang etika sa binubuong repleksibong sanaysay.
Ano ang repleksibong sanaysay
Ito ay isang pagsasanay sa pagbulay-bulay.
Sa pamamagitan nito natutuklasan ang sariling pag-iisip,
damdamin o opinyon tungkol sa isang paksa, pangyayari, o tao
at kung paano naaapektuhan ng mga ito.

Ang sulating ito ay maaaring nasa anyo ng personal na


sanaysay, lahok sa journal, diary, reaksiyong papel, o learning
log.
Ano ang repleksibong sanaysay
Ito ay ginagamitan ng sariling pananaw ngunit kailangan ay
maging kaaya-aya at maayos ang pagkakabuo ng mga
pangungusap.
kahalagahan ng
repleksibong sanaysay
Ito ay nagpapahayag ng damdamin at dito ay may
natutuklasang bago sa sarili, sa kapuwa at kapaligiran.

Sa pamamagitan nito natutukoy ang kalakasan at kahinaan, at


nakakaisip tayo ng solusyon sa mga problemang kinakaharap.

Hinahasa rin dito ang metacognition.


Sa pag-aaral nina Di Stefano, Pisano, at Staats (2014),
magiging mas mabisa ang pagkatuto mula sa sariling
karanasan kung lalangkapan ito ng repleksiyon.

Pinapakita nila na ang repleksibong gawain ay


makapangyarihang mekanismo sa pagkatuto.
"Hindi tayo natututo sa ating karanasan, natututo tayo sa
pagbubulay sa ating karanasan"
pagnilayan
• Paano mo bibigyan ng solusyon ang
isang problema?
• Sa palagay mo, mayroon ka bang
kakayahan na suriin ang iyong
sariling pag-iisip at damdamin?
mga katangian ng
repleksibong sanaysay
• Naglalayong ipakita ang ugnayan ng manunulat sa
kaniyang paksa.
• Hindi lamang limitado sa paglalarawan o paglalahad ng
kuwento.
• Nangangailangan ng mas mataas na kasanayan sa pag-
iisip.
• Nakapagsasagawa ng pagsusuri, bumubuo ng sintesis at
nagpapasiya.
• Gumagamit ng deskriptibong wika.
• Naglalayong magsulat tungkol sa sarili ng may akda.
pagsulat ng repleksibong
sanaysay
Paano nga ba magsulat ng repleksibong sanaysay?

Bago magsimula, tanungin muna ang inyong sarili;


• Ano ang pakiramdam ko sa paksa?
• Ano kaya ang magiging epekto nito sa akin?
• Kung maaapektuhan ako nito, bakit?
• Kung hindi man, bakit?

Magtanong nang magtanong sa iyong sarili.


• Ilista ang sagot sa mga tanong at ibuod ito.
• Ito ang magiging pangunahing ideya na gagabay sa
pagsulat ng repleksibong sanaysay.
• Tukuyin ang mga argumento o ideyang sumusuporta dito.
• Gumamit ng mga ebidensya o makatutuhanang pahayag.
• Sa konklusyon, ibuod ang pangunahing ideya o tesis ng
sanaysay.
• Sa konklusyon, maaring mag-iwan ng tanong, halimbawa
at kung tungkol saan ang pananaw sa paksa.
• Kapag tapos na isulat ang papel, balikan ang mga unang
itinanong sa sarili.
• Ito ba talaga ang pakiramdam ko sa paksa?
• Iba ba talaga ang naging epekto nito sakin?
• Naapektuhan ba talaga ako ng aking isinulat?
• Kung hindi, bakit kaya?

Maging tapat sa naiisip o nararamdaman habang isinusulat ito.


Kung hindi, nawawalan ng saysay ang pagsulat nito.
• kung ikaw ay magsusulat ng
repeksibong sanaysay, tungkol saan
ang iyong isusulat?
2. Ano sa tingin mo ang pinakamalaking
hamon sa iyo sa pagsulat ng repleksibong
sanaysay?
1 Juan 3:8
Talata Konsepto
Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo; sapagka't buhat pa nang pasimula ay nagkakasala ang
diablo. Sa bagay na ito'y nahayag ang Anak ng Dios, upang iwasak ang mga gawa ng diablo.

Source: https://bible.knowing-jesus.com/Tagalog/topics/Pinagmulan-Ng-Kasalanan

You might also like