You are on page 1of 31

PAGSULAT SA FILIPINO

SA PILING LARANGAN
(AKADEMIK)
LEARNING ACTIVITY
SHEETS 1 – 3:Q2
Natutukoy ang katangian ng isang
sulating akademiko CS_FA11/12PB0m-
o-102
Nabibigyang-kahulugan ang mga
terminong akademiko na may
kaugnayan sa piniling sulatin
CS_FA11/12PT0m-o-90
Ang replektibong sanaysay ay ang
pagbabahagi ng naiisip, nararamdaman,
pananaw, at damdamin tungkol sa isang
paksa at kung paano ito nag-iwan ng aral o
paano ito nakaapekto sa taong sumulat nito.
Isa itong masining na pagsulat na
nangangailangan ng sariling pananaw,
opinyon at pananaliksik tungkol sa isang
paksa.
Mahalagang malaman ng isang manunulat na
ang replektibong sanaysay ay isang
obhetibong uri ng sulatin. Ito’y naglalarawan
ng tiyak na pangyayari sa buhay ng isang tao,
nagtatala ng kaniyang pagbubulay-bulay, at
naglalahad ng kaniyang kuro-kuro. Bunga rin
ito ng isang maingat na pagtitimbang-
timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan.
Video Clip
Ano ang Replektibong Sanaysay?
Ang replektibong papel o mapagmuning sanaysay ay
isang sanaysay sa pagbubulay-bulay. Sa pamamagitan nito,
natutuklasan ang sariling pag-iisip, damdamin, o opinyon
tungkol sa isang paksa, pangyayari, o tao, at kung paano
naapektuhan ng mga ito. Bukod dito, ang pagsulat ng
replektibong sanaysay ay isang gawaing humahamon sa
mapanuring pag-iisip. Ang sulating ito ay maaring nasa anyo
ng personal na sanaysay, lahok sa journal, diary, reaksiyong
papel, o learning log.
Kahalagahan ng Replektibong Sanaysay
Sa pagsulat ng replektibong sanaysay, tayo ay nagpapahayag ng
damdamin, at dito ay may natutuklasang bago tungkol sa sarili, sa
kapuwa, at sa kapaligiran. Ang pagsulat ng replektibong sanaysay
ay proseso rin ng pagtuklas.
Sa pamamagitan din nito, natutukoy natin ang ating mga kalakasan
at kahinaan, at nakaiisip tayo ng mga solusyon sa mga problemang
kinahaharap natin. Hinahasa rin ng pagsulat ng replektibong
sanaysay ang karanasan sa metacognition o ang kakayahang suriin
at unawain ang sariling pag-iisip.
Katangian ng Replektibong Sanaysay
Ang replektibong sanaysay ay personal. Sa sulating ito,
sinasagot ng manunulat ang mga replektibong tanong na
naglalayong ipakita ang ugnayan ng manunulat sa kaniyang
paksa. Halimbawa: Ano ang iyong naging reaksiyon sa
hakbang ng pamahalaan laban sa COVID-19? Ano ang
paborito mong asignatura sa paaralan at bakit? Paano mo
iuugnay ang sarili sa pangunahing tauhan ng binasa mong
nobela? Ano ang kalakasan at kahinaan mo sa pagsulat
Sa pagsulat ng akademikong replektibong papel,
mahalagang gumamit ng deskriptibong wika. Sa
pamamagitan nito, maipababatid sa mga
mambabasa na nauunawan at lubos na pinag-
iisipan ang paksa. Dahil ito ay nakabatay sa
karanasan, inaasahang magsusulat dito tungkol
sa sarili, mga ideya, at opinyon. Kaya naman hindi
problema ang paggamit ng mga panghalip na
“ako” sa replektibong sanaysay.
Ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay hindi
lamang limitado sa paglalarawan ng kuwento.
Nangangailangan din ito ng mas mataas na
kasaysayan ng pag-iisip, gaya ng mapanuring
kamalayan at mapagmuning diwa. Kapag nagsusulat
nito, nagsasagawa rin ng pagsusuri (Ano-ano ang mga
sanhi at bunga ng kahirapan?), bumuo ng sintesis
(Ano-ano ang mga natutuhan mo sa mga
naobserbahan), at nagsusuri at nagpapasya (Ano-
anong mga kaisipan ang tanggap o hindi mo
tanggap?).
Narito ang pangunahing bahagi ng replektibong
sanaysay:
a. Panimula – Ito ay kinapapalooban ng
makapukaw atensiyon na mga salita.
Nagtataglay din ito ng paksa o tesis na
pahayag. Maaaring gumamit ng kilalang
pahayag ng isang tao o quotation, tanong,
anekdota at iba pa.
b. Katawan – Dito inilalahad ang mga pantulong o
kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na
inilahad sa panimula. Ang mga bahagi ay mga
obhetibong datos batay sa iyong naobserbahan o
naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang
iyong ipaliliwanag at paggamit ng mga
mapagkatiwalaang sanggunian bilang karagdagang
datos na magpapaliwanag sa paksa. Sa bahagi ring ito
makikita o isusulat ang iyong mga napagnilay- nilayan
o mga tauhan, mga gintong aral at mga patotoo kung
paano nakatutulong ang mga karanasang ito sa iyo.
c. Konklusyon – Sa bahaging ito muling
banggitin ang tesis o pangunahing
paksa ng sanaysay. Lagumin ito sa
pamamagitan ng pagbanggit kung
paano magagamit ang mga natutuhan
sa buhay sa hinaharap.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay:
a. Bumuo ng isang tiyak na paksa o tesis na na magiging sentro
ng replektibong sanaysay.
b. Gumamit ng unang panauhan ng panghalip tulad ng; ako, ko,
at akin sapagkat ito ay nagpahiwatig ng personal na karanasan.
c. Maglahad ng mga patunay o patotoo na personal na
nasaksihan o naranasan upag higit na maging epektibo ang
sulatin.
d. Gumamit ng mga pormal na salita dahil kabilang ito sa
akademikong sulatin.
e. Maaaring gumamit rin ng tekstong naglalahad o
ekspositori sa pagsulat nito.
f. Gawin itong malinaw at madaling mauunawaan sa
pagpapaliwanag ng mga idea o kaisipan upang maipabatid
ang mensahe sa mga mambabasa.
g. Sundin ang mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay:
introduksiyon, katawan, at konklusyon.
h. Gawing Organisado at Lohikal ang pagkakasulat ng mga
talata.
Pagsasanay 1: Indibidwal

Video Clip
Pagsasanay 2:Pangkat 1
Panuto: Basahin ang halimbawang replektibong sanaysay na “Bakit
Ako naging Manunulat?” ni Rene Villanueva sa iyong libro sa Filipino
sa Piling Larang-Akademik, pahina 134-139. Pagkatapos, sagutin
ang worksheet na matatagpuan sa Pagsasanay 1 sa iyong sagutang
papel.
Pagsasanay 3: Pangkat 2
Panuto: Pakinggan ang awiting pinamagatang “Anak” ni Freddie Aguilar
at sumulat ng isang replektibong sanaysay gamit ang mga
katanungan sa Pagsasanay 2. Pagkatapos, tukuyin ang mga katangiang
ginamit sa pagbuo ng sulatin gamit ang worksheet. Isulat ito sa iyong
kuwaderno. Bigyang-pansin ang rubrik para sa pagpupuntos ng sulatin.
Mga Batayang Tanong (Pangkat 3)
1. Ano ang replektibong sanaysay?
2. Ano ang kahalagahan ng sanaysay?
3. Ano ang katangian ng isang replektibong sanaysay?
4. Bakit maiuuri ang replektibong sanaysay bilang isang
personal na sanaysay?
5. Bilang mag-aaral sa senior high, paano nakatutulong ang
replektibong sanaysay sa pagpapaunlad ng iyong kaalaman
at kasanayan?
Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik
Pagsasanay 4: HULAAN MO! (Pangkat 4)
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang at subuking tukuyin
kung anong bahagi ito ng replektibong sanaysay. Pagkatapos, bigyan
kahulugan ang kasagutan. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Bahagi: _______________ Sariling Pakahulugan: ________________
Pagsasanay 6: SUMULAT TAYO! (Pangkat 5)
Panuto: Sumulat ng isang replektibong sanaysay gamit ang mga
pangunahing bahagi at mga dapat isaalang-alang sa pagsulat nito.
Gamitin ang mga katanungan sa worksheet bilang gabay sa
pagsulat.
Mga kahingian sa sulatin:
a. Lagyan ng pangalan, baitang at seksyon.
b. 3-5 pahina (maaaring kompyuterisado o sulat kamay)
c. May pamagat, panimula, 2-5 pangyayari, 2-5 pagsusuri sa
Mga pangyayari, at katapusan.
Bahagi: _________ Sariling Pakahulugan: _____________
Bahagi: _________
Sariling Pakahulugan:
Hango mula sa Replektibong Sanaysay ni Rogelio Sicat na “Hindi
Ngayon ang Panahon” (Pangkat 6)
Pagsasanay 7 (Pangkat 7)
Panuto: Sumulat ng isang replektibong sanaysay gamit ang mga
pangunahing bahagi at mga dapat isaalang-alang sa pagsulat nito.
Gamitin ang mga katanungan sa worksheet bilang gabay sa
pagsulat.
Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik
Karagdagang Kaalaman:
Ang replektibong sanaysay ay hindi lamang
pagsasanay sa pagdidili-dili, kundi sa pagsusuri at
pag-unawa sa sariling pag-iisip, damdamin o
kilos.
Personal at subhetibo ang sanaysay ngunit hindi
ibig sabihin maaari nang isulat ang lahat ng
pumasok sa isipan. Kinakailangang sumunod pa
rin ito sa mga kumbensiyon ng akademikong
pagsulat.
Karagdagang Kaalaman:
Sa pagsulat ng replektibong sanaysay dapat
tandaan ang pangangailangan nito. May
kawili-wiling panimula, maayos na
pagsasalaysay at paglalarawan ng mga
pangyayari, malalim na pagsusuri sa mga
pangyayari at malinaw na pagtatapos o
konklusyon.
Repleksiyon
Ang natutuhan ko sa araling
ito ay …
SALAMAT…
MAGANDANG ARAW

You might also like