You are on page 1of 74

Goal (Tunguhin): Makabuo ng Mini-corner ng mga piling kurso sa kolehiyo

ROLE (Gampanin): Course Representative. Nagpapakilala ng mga kurso sa na maaaring


piliin sa kolehiyo.
Audience (Pinatutungkulan): Mga mag-aaral at guro
Situation (Sitwasyon): isa ka sa mga mag-aaral ng isang kilalang unibersidad at napiling
ipakilala ang kursong iyong pinag-aaralan. Sa pamamagitan ng pagbuo
ng isang Mini-corner na maaring ipapaskil sa mga silid-aralan na
naglalaman ng mga diskripsyon at katangian ng iyong kurso..
Performance/Product (Pagganap/Produkto): Pagbuo ng Mini-corner ng mga kurso.
Standard and Criteria (Pamantayan at Batayan): Ang nasabing mini-corner ay maaaring
sukatin sa pamamagitan ng rubriks sa
ibaba
4- Napakahusay 1. Malinis at organisado at maayos na naitala ang mga 4 3 2 1
3- Mahusay katangian ng kurso
2- Katamtaman 2. Naglalaman ng mga angkop na paglalarawan        
1- Nangangailangan pa ng pagsasanay sa kursong ipinakikilala
3. Kakikitaan ng pagkamalikhain sa pagdidisenyo        
ng mini-corner
4. May sapat na impormasyon o detalye ang        
kabuuan.
Kabuuang Puntos        
         
MANANALIKSIK SIYENTIPIKO

Mapanuri

PINTOR MANUNULAT

Malikhain

1. Itatanong ng guro:
a. Ano ang katangian ng mga larang na inyong nakikita?
b. Paano sila nakikilala sa kani-kanilang larang?
c. Maaari bang magpalit-palit sila ng pinagkadalubhasaan? Bakit oo? Bakit hindi?
d. Sa inyong palagay,Nababago ba ng isang panulat at sulatin ang
paniniwala,paninindigan niyo sa buhay? Bakit?
Akademikong Gawain Di-Akademikong Gawain
1. asignatura 1. isports
2. Tesis 2. malikhaing pagsulat
3. talakayan 3. pakikipagkuwentuhan
4.lektyur 4. pagsayaw
5.panood ng video 5. paglalaro
6.pagbasa ng teksto 6. pagbibigay ng sariling
opinion sa isang isyu
7. pinta

a. Ano ang katangian ng ng bawat salita/larawan na inyong


nakikita?
b. Paano sila naiiba/nagkakatulad sa isa’t isa?
Ang Akademikong Sulatin
PANGKATANG GAWAIN
PANGKAT AKADEMIKO DI- AKADEMIKO
Pangkat I Layunin Layunin
Pangkat II Paraan o batayan ng datos Paraan o batayan ng datos
Pangkat III Audience Audience
Pangkat IV Organisasyon ng ideya Organisasyon ng ideya
Pangkat V Pananaw Pananaw

Pangkat VI Pagkakaiba ng akademiko at Di-akademikong sulatin gamit


ang 2 halimbawang sulatin: A. Pananaliksik B. Sanaysay

Pangkat VII Paano makatutulong sa mga mag-aaral angakademikong


sulatin/pagsulat kapag sila ay nasa kanilang mga larangan?
Paano nakatutulong ang mga gawaing pampaaralan sa
sarili at sa lipunang kinabibilangan?
 Paano makatutulong sa mga mag-aaral ang
akademikong sulatin/pagsulat kapag sila ay
nasa kanilang mga larangan?
Malaki ang gampanin ng pagsulat sa pagpapahayag ng
saloobin, pananaw, opinion, ideya, at anumang naiisip.
Inilalapat at isinasakonteksto ng pagsulat ang mga
impormasyon na nais ipahatid mula sa sariling kaalaman
at karanasan na sinagkapan ng komprehensibong
pananaliksik upang magin akademiko. Sa larangan
din,makatutulong ang akademikong sulatin sa mga
traksaksyon na isasagawa sa trabaho.
 Paano nakatutulong ang mga gawaing
pampaaralan sa sarili at sa lipunang
kinabibilangan?
Nakatutulong ito higit sa paghahasa ng mga
kasanayan sa mga gawaing pampaaralan, at sa
kung paano mailalapat ang mga natutuhang ito
sa mga sitwasyong kinakailangan ng mga
kasagutan at ng pananaliksik na makatutulong
sa lipunan.
Mga Gawaing Pampag-iisip sa
Akademya
Ang salitang akademiya ay mula sa salitang
Pranses na academie, sa Latin na academia at
sa Griyego na academeia.
Ang akademiya ay itinuturing na isang institusyon
ng kinikilala at respetadong mga iskolar, artista at
siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin,
palalimin at palawakin ang kaalaman at kasanayang
pangkaisipan upang mapanitili ang mataas na
pamantayan ng partikular na larangan. Isa itong
komunidad ng mga iskolar.
Ang tao o ang sarili ay isang dinamikong puwersa
ng buhay na may kakayahang mag-isip nang
kritikal o mapanuri, maging mapanlikha at
malikhain, at malayang magbago at
makapagbabago. Ganito ang isang mag-aaral na
lalo pang hinuhubog ng akademya.
Malikhain at Mapanuring Pag-iisip

Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng


kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga at talino
upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at
hamon sa buhay-akademiko at maging sa mga
gawaing di- akademiko
Hindi nasasagkaan ng pagiging mapanuri ang
pagkamalikhain ng isang tao. Nagtutulungan pa
nga ang dalawang kakayahang ito upang makabuo
ng mga paniniwala sa buhay at pagdedesisyon.
Akademiko vs. Di Akademiko

Ang salitang akademiko o academic ay mula sa


mga wikang Europeo (Pranses: academique;
Medieval Latin: academicus)
Ang akademiko ay tumutukoy o may kaugnayan sa
edukasyon, iskolarsyip, institusyon o larangan ng
pag aaral n anagbibigay-tuon sa pagabsa, pagsulat
at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na
gawain.
Maaari rin itong ipangalan o itukoy sa isang tao
(halimbawa, “Nagmiting ang mga akademik”).
Kung minsan ginagamit na rin ang salitang
akademisyan bilang katumbas nito.

Isa rin itong pang-uri na tumutukoy sa gawain,


(akademikong aktibidad) at bagay (akademikong
usapan at institusyon). Halos katumbas din ng
akademikong institusyon ang salitang akademya.
Dahil pangunahing pinagtutuunan ng akademiya
ang mga gawaing akademiko, ang mga gawaing
labas dito ay tinatawag na di-akademik.
Tinatawag ang mga larangang akademik,
akademiko, akademiks o akademikong disiplina
ang mga kurso sa kolehiyo. Ang mga ito ang
pagpipilian ng mga mag-aaral kapag dinisesyunan
na magpatuloy sa kolehiyo
Sa akademiya nalilinang ang mga kasanayan at
natututuhan ang mga kaalamang kaugnay sa
larangang pinagkakadalubhasaan.

Kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita,


panonood at pagsulat ang napapaunlad sa
pagsasagawa ng mga gawain sa larangan.
Analisis, panunuring kritikal, pananaliksik at
eksperementasyon ang mga isinasagawa rito.

Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga,


katotohanan, ebedinsiya at balanseng pagsusuri.
Sa kabilang dako, ang di-akdemikong gawain ay
ginagabayan ng karanasan, kasanayan, at common
sense.
Kabilang sa mga halimbawa ng akademikong
gawain: pagbasa ng ginamit na teksto sa klase,
pakikinig ng lektyur, panonood ng video o
dokumentaryo, pagsasalita at pakikipagdiskurso sa
loob ng klase o isang sismposyum, at pagsulat ng
sulatin o pananaliksik.
Halimbawa naman ng di-akademiko Gawain ay
panonood ng pelikula o video upang maaliw o
magpalipas oras, pakikipag-usap sa sinoman ukol
sa paksang di-akademiko, pagsulat sa isang
kaibigan, pakikinig sa radio at pagbabasa ng
komiks, magasin, diyaryo.
Kahulugan ng Akademikong Sulatin

Masasabing akademiko ang isang sulatin kung


ito ay nakabatay sa isang tiyak na disiplina o
larangan na maaaring interdisiplinari o
multidisiplinari mula sa disiplinang siyentipiko,
pilosopikal, agham, humanistiko, at iba pa.
Ang isang akademikong sulatin ay mahalagang
mayroong pinagbabatayan. Pundasyon ang isip na
magluluwal ng mabungang impormasyon. Ang
impormasyon ay dapat sangkapan ng lohikal,
kritikal, maugnayin, at malikhaing paraan upang
iugnay ang kaalaman na nais ibahagi.
Narito ang mga akademikong disiplina kung saan maaaring
umikot ang paksa at paraan ng akademikong sulatin
Humanidades Agham Panlipunan Agham Pisikal
Wika Kasaysayan Eksaktong Agham
Matematika
Literatura Sosyolohiya
Pisika
Pilosopiya at Teolohiya Sikolohiya Kemistri
Mga Pinong Sining Ekonomiks Astronomiya
Arkitektura Administrasyong Inhinyeriya

Teatro pangangalakal Agham Biyolohikal


Biyolohiya
Sining Antropolohiya
Medisina
Sayaw at Musika Arkeolohiya Botanika
Heyograpiya Soolohiya

Agham Politika Agrikultura


Pagsasaka
Abogasiya
Paghahayupan
Pangingisda
Paggugubat
Pagmimina
Katangian ng Akademikong Pagsulat
1. Kompleks. Ang pasulat na wika ay mas
kompleks kaysa pasalitang wika. Ang pasulat na
wika ay may higit na mahahabang salita, mas
mayaman sa leksikon at bokabularyo. Maidaragdag
pa dito ang kompleksidad ng gramatika na higit na
kapansin-pansin sa ano mang pasulat na gawain.
2. Pormal. Higit na pormal ang akademikong
pagsulat kaysa sa iba pang sangay ng pagsulat.
Hindi angkop dito ang mga kolokyal at balbal na
salita at ekspresyon.
3. Tumpak. Sa akademikong pagsulat, ang mga
datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang
tumpak o walang labis at walang kulang
4. Obhetibo. Obhetibo sa halip na personal. Ang
pokus kasi nito kadalasan ay ang impormasyong
nais ibigay at mga argumentong nais gawin, sa
halip na ang manunulat mismo o ang kanyan
mambabasa.
5. Eksplisit. Ang akademikong pagsulat sa
ugnayan sa loob ng teksto. Responsibilidad ng
manunulat nito na gawing malinaw sa mambabasa
kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay
nauugnay sa isa’t isa. Ang ugnayang ito ay
nagagawang eksplisit sa pamamagitan ng paggamit
ng iba’t ibang salitang signaling words sa teksto.
6. Wasto. Ang akademikong pagsulat ay
gumagamit nang wastong mga bokabularyo o mga
salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa
paggamit ng mga salitang madalas katisuran o
pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.
7. Responsable. Ang manunulat ay kailangang
maging responsable lalong-lalo na sa paglalahad
ng mga ebidensiya, patunay o ano mang
nagpapatibay sa kanyang argumento. Kailangan
din niyang maging responsible sa pagkilala sa ano
mang hanguan ng impormasyong kanyang ginamit
kung ayaw niyang maparatangan na isang
plagyarista.
8. Malinaw na Layunin. Ang layunin ng A.P. ay
matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang
paksa. Ang mga tanong na ito ay nagbibigay ng
layunin.
9. Malinaw na Pananaw. Ang A.P. ay hindi
lamang listahan ng mga katotohanan at paglalagom
ng mga hanguan. Samantalang ang manunulat ay
naglalahad ng mga ideya at saliksik ng iba, ang
layunin ng kanyang papel ay maipakita ang
kanyang sariling pag-iisip hinggil sa isang paksa
ng kanyang papel. Ito ay tinatawag na sariling
punto de bista ng manunulat.
10. May Pokus. Bawat pangungusap at bawat
talata ay kailangang sumusuporta sa tesis na
pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi
kinakailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at
taliwas na impormasyon.
11. Lohikal na Organisasyon. Ang A.P. ay may
sinusunod na istandard na organisasyonal na
hulwaran. Ang karamihan ng akademikong papel
ay may intoduksyon, katawan at kongklusyon.
Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na
talata.
12. Matibay na Suporta. Ang katawan ng talataan
ay kailangang may sapat na kaugnay na suporta
para sa pamaksang pangungusap at tesis na
pahayag . Ang suportang ito ay maaaring
kapalooban ng facts, figures, halimbawa,
deskripsyon, karanasan, opinion ng mga eksperto
at siniping pahayag o quotations.
13. Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon.
Napakahalaga nito, dahil bilang manunulat,
kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa
ganap na pag-unawa ng paksa ng papel at
magiging posible lamang ito kung magiging
malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat
punto ng manunulat.
14. Epektibong Pananaliksik. Sa karamihan ng
akademikong papel, kailangang gumamit ng
napapanahon, propesyunal at akademikong
hanguan ng mga impormasyon.
15. Iskolarling Estilo sa Pagsulat. Sinisikap dito
ang kalinawan at kaiiklian. Kailangan ding maging
madaling basahin ang akademikong papel, kung
kaya’t napakahalaga na maiwasan ang mga
pagkakamali sa grammar, ispelling, pagbabantas at
bokabularyo sa pagsulat nito.
LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Nabanggit na rin na ang A.P. ay may malinaw na


layunin. Sadya, ang layunin A.P. ay matugunan ang
mga tanong kaugnay sa isang paksa, at ang mga
tanong na ito ang nagbibigay ng layunin ng isang
A.P.
1. Mapanghikayat na Layunin. Layunin ng
manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa
na maniwala sa kanyang posisyon hinggil sa isang
paksa. Kung kaya upang maisakatuparan ang
layunin na ito, pumipili siya ng isang sagot sa
kanyang tanong, sinusuportahan iyon gamit ang
mga katwiran at ebidensya, at tinatangka niyang
baguhin ang pananaw ng mambabasa hinggil sa
isang paksa. Isang halimbawa nito ay ang pagsulat
ng Posisyong Papel.
2. Mapanuring Layunin. Tinatawag din itong
analitikal na pagsulat. Ang layunin dito ay
ipaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang
tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa
ilang pamantayan. Sa mga ganitong pagsulat,
madalas iniimbestigahan ang mga sanhi, ineeksamen
ang mga bunga o epekto, sinusuri ang kabisaan,
inaalam ang mga paraan ng paglutas ng suliranin,
pinag-uugnay-ugnay ang iba’t ibang ideya at
inaanalisa ang argumento ng iba. Halimbawa nito ay
ang pagsulat ng Panukalang Proyekto.
3. Impormatibong Layunin. Ipinapaliwanag ang
mga posibleng sagot sa isang tanong upang
mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon
o kaalaman hinggil sa isang paksa. Naiiba ito sa
sinundang layunin dahil hindi tinutulak o
pinupwersa ng manunulat ang kanyang sariling
pananaw sa mambabasa, manapa’y kanyang
pinalalawak lamang ang kanilang pananaw hinggil
sa paksa. Isang halimbawa nito ang pagsulat ng
Abstrak.
TUNGKULIN O GAMIT NG
AKADEMIKONG PAGSULAT
“Academic papers are a specially-
designed torture instrument.”

http://www.vsm.sk,
Kung maisasaalang-alang nang mataimtim ng bawat
mag-aaral ang mga prinsipyo at konseptong kaugnay ng
bawat anyo ng bawat papel, susundin ang mga mungkahing
hakbang sa pagsulat ng bawat isa, at ilalapat ang iba pang
kaalaman at kasanayang linggwistik, pragmatic, diskorsal
at istratedyik sa bawat Gawain, halos nakatitiyak ang mga
may-akda ng aklat na ito na ang akademikong pagsulat ay
hindi magiging toturous sa karanasan ng bawat mag-aaral,
at kalaunan, ang pagbabasa, pagwawasto at pagmamarka
ng mga akademikong papel ng mga mag-aaral ay hindi rin
magiging torturous para sa mga guro.
Sa kabila ng pagsisikap na gawing kawili-wili
ang mga gawaing pagsulat sa paaralan, higit na
marami pa ring mag-aaral ang hindi makasumpong
ng interes sa gawaing ito. At marami sa katanuyan
ay naiinis, kung hindi man natatakot rin.
Ang katotohanan: Ang Akademikong
pagsulat ay isang pangangailangan.
1. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng
kahusayan sa wika.
-Nalilinang ang kakayahang komunikatibo ng mga
mag-aaral
-Sa pamamagitan ng paglalapat ng mga prinsipyong
pangkomunikasyon, nalilinang ang kakayahang
linggwistik, pragmatik at diskorsal ng mga mag-
aaral
2. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng
mapanuring pag-iisip. Tinitignan bilang isang
proseso, kaysa nilang awtput. Ang prosesong ito ay
maaaring kasangkutan ng pagbasa, pagsusuri,
pagpapasya at iba pang mental o pangkaisipang
gawain. Ang isang manunulat ay isang mahusay na
mambabasa.
Ang manunulat ay nagsusuri rin ng kanyang
binasa. Hindi lahat ng kanyang binabasa kasi ay
kanyang tinatanggap at ginagamit
3. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng
mga pagpapahalagang pantao. Inaasahan ding
makapagtuturo sa mag-aaral ng halaga ng
kasipagan, pagtitiyaga, pagsisikap, responsibilidad,
pangangatwiran at pagpapanatili ng bukas na
isipan.
Samantala, may mga gawaing pasulat na
kailangang gawin ng pangkatan. Kung gayon,
inaasahang malilinang sa mga mga mag-aaral ang
kooperasyon sa mga gawaing ito, maging ang
paggalang sa individual, ethnic o racial differences.
4. Ang akademikong pagsulat ay isang
paghahanda sa propesyon. Hindi lamang mga
propesyonal na manunulat tulad ng sa awtor ang
nagsusulat. Halos lahat ng maisip na propesyon ay
kinasasangkutan ng pagsulat.
Kung gayon, ang A.P. sa SHS ay hindi lamang
isang paghahanda sa mga mag-aaral sa mga higit na
mapanghamong gawain sa kolehiyo. Totoo naman
sa SHS ay nagsisilbing tulay upang mapunan ang
dating umiiral na gap sa pagitan ng hasykul at
kolehiyo. Higit na prospektibo ang layunin ng
akademikong pagsulat sa SHS at ito ay ang
paglinang ng global na kompetetibnes sa mga
Pilipinong propesyonal.
MGA ANYO NG AKADEMIKONG
PAGSULAT
Unang kategorya; Karaniwang anyo ng A.P. dahil
madalas na ipagawa ito sa mga mag-aaral sa iba’t
ibang asignatura:
Sintesis, Buod, Abstrak, Talumpati at Rebyu
Ikalawang kategorya; Personal ang mga ito.
nakatuon ang mga ito sa manunulat mismo, sa
kanyang iniisip at nadarama kaugnay ng kanyang
paksa, maging sa kanyang mga personal na
karanasan at maging sa kanyang may-pagkiling o
subjective na pananaw. Nakapaloob dito ang
Replektibong Sanaysay, Posisyong Papel, Lakbay-
Sanaysay at Pictorial Essay.
Ikatlong kategorya; Walang ibang dahilan sa
pagkakategoryang ito maliban sa residual ang mga
ito. Ibig sabihin, hindi nabibiling ang mga ito sa
una at ikalawang kategorya. Nakapaloob dito ang
Bionote, Panukalang Proyekto, Agenda at Katitikan
ng Pulong.
SALOK-DUNONG

Panuto: Bumuo ng tig-tatlong pangungusap ay


maaaring nagtatanong, nagbibigay, ng opinion,
naglalahad, o nagbibigay ng obserbasyon at
pagpapahalaga. Bigyan ng pamagat ang bawat
larawan. Pagkatapos, gumawa ng sariling
paglalarawan sa pamamagitan ng pagsulat.
Tatasahin dito ang iyong pagkamalikhain at
pagkamapanuri.
____________________
____________________
____________________

Mungkahing Pamagat:_________________
Kung ako ang kukuha ng larawan, gagawin ko ito
nang ganito:
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________

You might also like