You are on page 1of 9

Pahina | 1

MODYUL 12

PAGBASA AT PAGSUSURI
NG IBA’T IBANG TEKSTO
TUNGO SA
PANANALIKSIK
DELA CRUZ, CIARA JANE L.
GARCIA, GLIZEL ANN B.
MANILA, RAFAELITO M.
MARGATINEZ, IVILEN MARIE C.
VILLAR, MERLYN R.
Mga Guro sa Asignatura
PAGBUO NG
TENTATIBONG
BIBLIOGRAPI 12 Pahina | 2

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:

 Naiisa-isa ang paraan ng tamang pagbuo ng bibliograpi;


 Naipapaliwanag ang mga gabay sa pagsulat ng bibliograpi;
 Nakapagtatala ng mga impormasyon ayon sa nabasang artikulo o pag-aaral.

SANGGUNIAN:

Sa araling ito, magagamit ang mga nakatalang sanggunian:

 Aklat:
(1) Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ni Violeta Simbahan-
Dulatre, Lynn Duro-Sarto
POKUS SA ARALIN
Pahina | 3

Ano ang Bibliograpi?


Ang bibliograpi ay listahan ng mga napagkuhanan ng sanggunian
sa Pananaliksik o pag-aaral gaya ng aklat, mga artikulo, tesis,
disertasyon, magazins, pamphlet, mula sa internet at marami pang iba
na nakatulong sa pagkalap ng mga impormasyon at ideya sa paggawa
ng Pananaliksik.

BASAHIN AT UNAWAIN

Sa pananaliksik na gagawin, dapat isaisip ang pagbuo tentatibong bibliograpi. Ito ay


makakatulong ng malaki sa pagpapalawig ng isinasagawang pag-aaral sapagkat ang mayaman na
sanggunian ay malawak na talakayan ang maibabahagi ng isang mananaliksik.

Sa aklat, dapat itala ang pangalan ng awtor, pamagat ng aklat, petsa, ang naglimbag at
lugar ng pinaglimbagan. Sa artikulo; itala naman ang pangalan ng awtor, pamagat ng artikulo,
pamagat ng dyornal, tomo at pahina. Itala lahat ng mahahalagang makatipid impormasyon na
nakalap sapagkat makatutulong ito na sa panahong gugugulin.
Maiiwasan ang pabalik-balik na paghahanap ng nabasang sanggunian.

Sa pagbuo ng bibliograpi, ang paggamit ng mga indeks kard ay makakatulong sa pagtala


ng mga makakalap na sanggunian mula sa laybrari. Kapag sinimulan nang magbasa ng
materyales na makakalap, agad isulat sa indeks kard ang makabuluhang impormasyon nang hindi
makaligtaan ang sanggunian kung saan nabasa ito.
POKUS SA KAALAMAN

1. Ibigay ang iyong pananaw sa pagbuo ng bibliograpi.


2. Sa mananaliksik, bakit mahalagang maitala ang mga impormasyon ng pinagkuhanan ng Pahina | 4
sanggunian?
3. Ano ang gamit ng indeks kard sa pagsulat ng bibliograpi.

TANDAAN
.

May iba't ibang paraan ng pagbuo ng tentatibong


bibliograpi.

Aklat na:

1. May isang awtor


Menasche, Leonel. (1997). Writing a Research Paper.
U.S.A.: The University of Michigan Press.

2. May dalawang awtor


Garcia, Florante C. at Marquez, Servillano T. (2011).
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Mandaluyong
City: Books Atbp.

3. May tatlong awtor


Dulatre, Violeta S., Duro, Lynn A. at Tiongson, Antonio
L. (2008). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Maynila: Departamento ng Filipino, Pamantasan ng
Adamson.

4. Higit sa tatlong awtor


Austero, Cecilia S., et al. (2010). Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik (Binagong Edisyon). Pasig City:
Unlad Publishing House.
16.5 mula sa:
Artikulo

1. Pahayagan
Gabinete, Jojo F. September 2001. "Kaguluhan sa
Pahina | 5

POKUS NG PAGSULAT
Ayon sa aklat ni Galang, et al, (2007) may dalawang uri sa
pagsulat ng bibliograpi.
1. Paragraph Indent - ang unang taludtod ang nakapasok o naka-
indent.

Halimbawa: Galang, Teresita T., et al. 2004. Mabisang


Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Angeles City: Angeles
University Press.

2. Hanging Indent - ang ikalawang taludtod ng sanggunian o


bibliograpi ang nakapasok o naka-indent ng tatlo o limang espasyo.
Halimbawa:
Galang, Teresita T., et al. 2004. Mabisang
Komunikasyon Sa Akademikong Filipino. Angeles
City: Angeles University Press.
A. Isaayos ang mga datos ayon sa dalawang uri ng pagsulat ng
bibliograpi. Pumili ng isa sa dalawang uri nito.
Magasin
Magnegosyo Tayo. Ringstar Printing Enterprise, (2015),
Pahina | 6
Tandang Sora Quezon City. Pablo Baltazar

Aklat
Valenzuela City, Bernales, R. A. et al. (2001). Mutya
Publishing House. Pagbasa at Pagsulat sa Iba't ibang Disiplina.

Internet
http://www.naturalnews.com/036992_antioxidants_
best_sources_foods_html Limang Mahuhusay na Pinagmulan
ng Pagkain para sa Antioxidants, PF Louis, Huwebes, Agosto
29, 2012

SIMULAN NATIN!
Pokus sa Gawaing Interaktibo
Gawin ang hinihingi ng sitwasyon. Pahina | 7

1. Humanap ng isang babasahin mula sa aklat o mula sa at gawan


ng wastong pagsulat ng bibliograpi sa 14 indeks kard.
2. Pumunta sa laybrari at maghanap ng babasahin mula sa aklat at
dyornal patungkol sa ibinigay na gawaing pananaliksik tungkol sa
kahalagahan ng pagbabasa at epekto ng pagbubully,

Itala sa talahanayan sa ibaba ang impormasyong mga paksang


hahanapin
AKLAT1 AKLAT 2
Pangalan ng/mga awtor
Pamagat ng Aklat
Taon ng Paglilimbag
Pook ng Paglilimbagan
Pangalan ng Naglimbag

ARTIKULO 1 ARTIKULO 2

Pangalan ng/mga awtor

Pangalan ng Artikulo

Pamagat ng Dyornal
Taon ng Palimbagan

Tomo, isyu, pahina

Pahina | 8

PAGSASANAY I

Panuto: Bumuo ng bibliograping hango sa aklat, artikulo, magazine, pahayagan at

internet gamit ang mga impormasyon sa mga sumusunod na pahayag. Gawing

batayan ang wastong pagsulat ng bibliograpi ng mga ito ayon sa natalakay na

aralin.

1. Kamakailan nakatulong sa akin ang aklat na may pamagat na Creating Context

for Language Acquisition. Nailimbag ng at sinulat ni Arnulfo G. Ramirex.

Nailathala ito noong Longman 1995 na matatagpuan sa White Plains, sa New York

State.

2. Iminumungkahi kong basahin mo ang Nutritious, Healthy Refreshing Buko

Shake ni Meanne Vilay na nalathala sa Magnegosyo Tayo vol. 4 no 16 noong

2015, matatagpuan sa pahina 25-26. Ang naglathala nito ay Risingstar Printing

Enterprises, Tandang Sora Quezon City.


3. Kunin mo at basahin ang History of Applied Archaelogy Quarterly .Isinukat ito

ng isang kilalang mananaliksik na si I.M Inman. Makikita mo ito sa pahina 119

hanggang 123 vol. 86. Ang pamagat ng artikulo niya ay “Types of Clay Used in Pahina | 9

Ancient Acapulcan Pottery na nailathala sa dyornal noong September 1983.

SANGGUNIAN

Violete Simabahan-Dulatre, Lynn Duro-Sarto. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang


teksto Tungo saPpananaliksik

Pagbuo ng Bibliograpiya/Sanggunian SHS Grade 11 MELCS (2022)


https://www.youtube.com/watch?
v=zoTo0ENIiM8&pp=ygUiUEFBR0JVTyBORyBURU5UQVRJQk9ORyBCSUJMSU9HUkFQSQ%3D
%3

Rodel Sioco (2022)


https://www.youtube.com/watch?
v=AhXBRJOrcJQ&pp=ygUiUEFBR0JVTyBORyBURU5UQVRJQk9ORyBCSUJMSU9HUkFQSQ%3D
%3D

You might also like