You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Pamantasan ng Cabuyao
(University of Cabuyao)
Senior High School Department
Katapatan Mutual Homes, Brgy. Banay-banay, City of Cabuyao, Laguna 4025

Erica Lagera WW2


12 E Humss 5 Sir, Manila

PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

('Here Comes the Child Bride', dokumentaryo ni Atom Araullo (Full Episode) | I-Witness)

Sa pagtatapos ng panonood sa dokumentaryo ni Atom Araullo na may pamagat na "Here Comes the
Child Bride," isang malalim palaisipan ang bumabalot sa akin. Ang pag usbong ng child marriage sa
ilang komunidad sa Pilipinas ay isang tanawin na nagdudulot ng pangamba at panghihinayang. Dahil
ang ilang mga kabataan ay limitado ang mga kanilang gustong gawin.

Ang Dokumentaryo na ‘to ay isang masalimuot na isyu na ipinakita ng mga kwento ng mga kabataang
itinakda ng tradisyon na maagang mag-asawa. Sa malas, ang kanilang pagiging bata at kahinaan ay
nahaharap sa pagsubok ng oras at lipunang kinalakihan. Ang mga kwentong katulad ng kay Roel, na sa
gulang na katorse ay iniinda na ang bigat ng pagiging may-asawa, ay naglalantad ng pangangailangan ng
malalim na pag-unawa at pag-aaral hinggil sa isang tradisyon na tila napag iwanan na ng panahon. Ang
pangarap ng edukasyon ay nagiging biktima ng mga kagustuhan ng lipunan. Si Rowelyn, na nagpasyang
itigil ang pag-aaral dahil sa pangakalahatang pangangailangan ng kanyang pamilya, ay nagrerepleksyon
ng isang masalimuot na realidad na kinakaharap ng maraming kabataan sa kanilang pangaraw-araw na
pamumuhay.

Sa likod ng mga pangarap at kakulangan, naroroon ang pag-asa at determinasyon ng ilan na patuloy na
ipaglaban ang karapatan sa edukasyon. Ang dokumentaryo rin ay nagbibigay diin sa diwa ng pagbabago.
Sa Zamboanga, makikita natin ang mga katutubong Subanen na nag-aadapt sa bagong batas na
nagbabawal sa child marriage. Ang kanilang pagtanggap sa pagbabago ay isang halimbawa ng
pagsulong at pagsanib ng tradisyon at modernisasyon. Ngunit, hindi rin natin maitatanggi ang mga
kwento ng kabataan na napilitang isuko ang kanilang pangarap para sa kinabukasan. Si Sarah, na sa edad
na labinlima ay naging ina na, ay nagmula sa isang kultura na itinatangi ang pag-aasawa sa murang
edad. Ang kanyang paglaban sa stigma at ang pag-usbong ng mga tanong hinggil sa pagiging ina at
mag-aaral ay nagpapakita ng pangangailangan para sa masusing pagsusuri at pang-uunawa ng mga
aspeto ng kanilang kultura. Higit sa lahat, ang mga kwento ng mga batang ito ay naglalaman ng isang
malalim na panawagan sa ating lipunan na ituring ang kabataan bilang tagapagtataglay ng pangarap at
pagasa. Ang edukasyon, kasama ng tamang impormasyon at suporta mula sa lipunan, ay maaaring
maging daan para sa kanilang malayang paglago at pag-unlad. Sa pagtatapos ng dokumentaryo,
natatanong ko ang sarili ko kung gaano pa katagal bago tuluyang matutunan ng ating lipunan na igalang
at protektahan ang karapatan ng bawat kabataan.

WRITTEN WORK 1
Republic of the Philippines
Pamantasan ng Cabuyao
(University of Cabuyao)
Senior High School Department
Katapatan Mutual Homes, Brgy. Banay-banay, City of Cabuyao, Laguna 4025

Bagamat malayo pa ang lalakbayin, ang mga kwento ng mga batang ito ay nagbubukas ng pinto sa
masusing pagsusuri at pagpapasya kung paano natin mapipigilan ang paglaganap ng child marriage at
kung paano natin maipaglalaban ang karapatan ng bawat kabataan na magkaroon ng malusog, masigla,
at may saysay na kinabukasan. Ngunit ako ay saludo sa mga nakakaranas ng sitwasyon na ‘to dahil
pinapatuloy at hindi binibigyang hadlang ang ganitong pangyayari sa kanilang buhay upang mawalan ng
pag asa at mawalan ng pangarap upang makamit ang kanilang mga kagustuhan, kahit man ‘to mahirap
sa kanila ay hindi nila hinahayaang na mawalan sila ng pangarap.

WRITTEN WORK 2

You might also like