You are on page 1of 7

Komu reviewer

Ilan sa mga binigyang pansin sa Code of Ethics na kailangang pag-ukulan ng


pagkakataon:

1. Kinakailangang tumpak ang impomasyon na ibinigay o ipinamamalita. Ang mga sanggunian


o mga pinanggagalingan ng mga impormasyon ay may awtoridad.

2. Kailangang tiyak at tama ang mga gagamiting salita. Maaaring magkamali ang isang reporter
dahil sa maling gamit ng mga salita sa isang kuwento.

3. Iwasan ang mga salitang nang-i-estereotype sa mga kababaihan, katutubo, at iba’t ibang
pangkat ng tao.

(MTRCB) - Movie and Television Review and Classification Board

Ang MTRCB ay may kapangyarihan na aprubahan at hindi aprubhan ang mga programa sa
telebisyon at pelikula kung ang mga ipinakikita at mga wikang ginagamit ay hindi kanais-nais,
imoral, malaswa

Ayon sa Artikulo III, Seksyon 4 ng 1987 Konstitusyon: ito ang batas na sumusuporta sa
code of ethics for media

Ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KPB) ay kumikilala sa tamang paggamit ng


wika sa pagsasahimpapawid ng mga balita at impormasyon.

Sa Artikulo 27, On-Air Language, ng Code of Ethics ng Broadcast Code of the


Philippines, isinasaad dito na:

Seksyon 1: Ang mga bulgar at malalaswang mga salita ay ipinagbabawal.

Seksyon 2: Ang mga pananalitang nag-uudyok upang mapahintuluta ang karahasan, sedisyon
o panghihimagsik ay ipinagbabawal.

Seksyon 3: Ang pagbanggit ng pangalan at personal na pang-iinsulto ay ipinagbabawal.

Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamapangyarihang media sa kasalukuyan

Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal
na channel.

Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay ang


mga teleserye, mga pangtanghaling palabas, mga magazine show, news and public affairs,
reality show, at iba pa.
Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghaliang
programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong manonood ang dahilan kung
bakit halos lahat ng mga mamamayan sa bansa ay nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang
Filipino.

Mapapansing marami sa mga tagapagsalita sa radyo ang gumagamit ng pagpapalit-koda


(code-switching) o paghahalong-koda (code-mixing).

code switching
code mixing

Ang koda ay tumutukoy sa wikang ginagamit. Maaaring ang wikang ginagagamit na


pinaghahalo o pinagpapalit-palit ay Ingles, Filipino

Maraming mga diskusyon sa lingguwistika ang tumatalakay sa paglilipatkoda at


paghahalong-koda. Ang kasaysayan ng usaping ito ay nagsimula pa noong panahon Blom at
Gumperz.

Ayon kay Vogt, ang pagpapalit-koda ay hindi lamang natural na nangyayari kundi ito ay palasak
na napapansin sa kasalukuyang lipunan.

Sa radyo, wika ang pinakainstrumento para magawa nito ang tungkuling makapaghatid ng
balita, aliw, at impormasyon sa tao

addresee- ang mensahe ng mga tagahati

(addreser)

Wikang Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o FM.

Fm- Frequency modilated


Am- Amplitude modulation

broadsheet- english
Tabloid- Filipino

headline na naglalayong makaakit agad ng mambabasa

Pick-up Lines- May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong kung saan
may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto
ng buhay.
Ang wikang karaniwang ginagamit sa pick-up lines ay Filipino at mga barayti nito subalit
nagagamit din ang Ingles o Taglish dagil mga kabataan ang higit na nagpapalitan ng mga ito.

Nauso ang pick-up lines dahil sa impluwensiya ni “Boy Pick-up” o si Ogie Alcasid sa
programa nilang Bubble Gang

Naging lalong matunog din ito nang gamitin ni Senadora Mirriam Defensor Santiago sa
kaniyang mga talumpati; at isinulat pa niya sa aklat na Stupid is Forever.

C. Hugot Lines Ang hugot lines ay kaiba sa pick-up lines. Ito ay tinatawag ding love lines o love
quotes. Ito ang tawag sa mga linya na nakakakilig

D. Text Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na kilala bilang text
message o text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Sa katunayan,
humigit-kumulang apat na bilyong text ang ipinadadala at natatanggap sa ating bansa
araw-araw kaya naman tinagurian tayng “Texting Capital of The World”.

-Higit na itong popular kaysa sa pagtawag sa telepono o cellphone dahil bukod sa mas murang
mag-text kaysa tumawag sa telepono ay mas komportable ang taong magpaparating ng
maiikling mensaheng nakasulat kaysa sabihin ito sa pamamagitan ng tawag sa telepono.

Madalas binabago o pinaiikli ang baybay ng mga salita para mas madali at mas mabilis itong
mabuo. 160 characters

Wikang Ingles ang ginagamit sa boardroom ng malalaking kompanya at korporasyon lalo sa


mga pag-aari o pamumuhunan ng mga dayuhan at tinatawag na multinational companies. Ito
rin ang wika sa mga Business Process Outsourcing (BDO) o mga call center lalo na iyong
mga kompanyang nakabase sa Pilipinas subalit ang sineserbisyuhan ay dayuhang customer.

Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, srye ng 1988 na “nag-aatas sa lahat ng mga
kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng
mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga
transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya”

wikang Filipino sa mga silid-aralan ayon sa itinadhana ng K to 12 Basic Education


Curruiculum. Kinder hanggang grade 3 ay unang wika ang gagamitin bilang panturo at sa mas
mataas na antas ay nanatiling bilinggwal ang wikang panturo (Filipino at Ingles).

Ang mga barayting ito ay nagagamit sa iba’t ibang sitwasyong pangwikang ating natalakay rito.
Isa sa mga uri ng sosyolek ang nais bigyangdiin dito, ang paggamit ng mga jargon o terminong
kaugnay ng mga trabaho o iba’t ibang hanapbuhay o larangan.
Ang dula ay isang pagtatanghal bilang paglalarawan sa mga iba’t ibang
kaganapan sa buhay

ang dula ay isang uri rin ng panitikan, masasabing ito ay naiiba sa ibang
mga katha dahil sa paraan at istilo ng paglalahad nito.

Bahagi ng Dula

1. Yugto - Ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad ng tabing ang


bawat yugto upang makapagpahinga ang mga nagtatanghal gayon din ang
mga manonood.

2. Tanghal - Kung kinakailangang magbago ang ayos ng tanghalan, ito ang


ipinanghahati sa yugto.

3. Tagpo - Ito ang paglabas-masok ng mga tauhang gumaganap sa


tanghalan.

Mga Uri ng Dula

1. Trahedya - nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga


pangunahing tauhan.

2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood dahil nagtatapos


na masaya sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo.
3. Melodrama - kasiya-siya din ang wakas nito bgamat ang uring ito ay may
malulungkot na bahagi.

4. Parsa - ang layunin nito ay magpatawa sa pamamagitan ng paggamit ng


mga pananalitang katawa-tawa.

5. Saynete - mga karaniwang ugali ang pinaksa rito.

Mga Elemento ng Dula


1. Banghay – binubuo ng paglalahad at kakalasan ang banghay ng isang dula.
a. Paglalahad – ay isang tuwiran o pakahiwatig na panimula. Sa
bahaging ito ipinapakilala ang mga tauhan, lugar, panahon,
tunggalian at ang maaaring maganap sa kabuuang aksyon.
b. Ang Kaguluhan – sa bahaging ito lumilinaw at nababago ang
pagkatao ng pangunahing tauhan gaya rin ng kanyang
pakikipagtunggali sa anumang balakid ng kanyang kinakaharap.
c. Ang Kakalasan – sa bahaging ito pinagagaang ang daloy ng istorya
at ang matinding pagtatagisan ng tauhan o ng mga pangyayari ay
nagiging magaang.
2. Tauhan – kung pagbabatayan ang pangkalahatang paghahati ng tauhan
binubuo lamang ito ng dalawa: ang tauhang nagbabago habang umuunlad ang
aksyon sa dula; at ang tauhang walang pagbabago mula sa simula ng dula
hanggang sa matapos ito.
3. Dayalogo – ito ay may dalawang katangian: una, ito ay ginagamit upang
maipaalam sa manonood o mambabasa ang mga nangyayari na, ang
mangyayari pa at ang kasalukuyang nagaganap sa isip at damdamin ng
tauhan, ikalawa, ang pagbitiw ng diyalogo ay kinakailangang malakas kaysa sa
normal na pagsasalita.
A. Ang Pelikula
Kung kinahiligan noon pang panahon ng mga Kastila ang pagtatanghal
ng mga dula sa pinilakang tabing o sa mga teatro, ang panonood naman ng
pelikula ay nagsimula sa bansa noong panahon ng mga Amerikano.

Hindi maitatatwang Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon,


radyo, diyaryo, at pelikula. Maaaring sabihing ang pangunahing layunin ng
mga ito sa paggamit ng Filipino bilang midyum ay upang makaakit ng mas
maraming manonood, tagapakinig, o mambabasang makauunawa at
malilibang sa kanilang palabas, programa, at babasahin pang kumita sila nang
mas malaki.

Mga Gabay Para sa Pagsusuri ng Pelikula


Para maging makabuluhan ang panunuod ng mga pelikula, mainam
kung ang mga sumusunod na gabay ay gagamitin para sa pamimili o para sa
pagsusuri sa mga pelikulang panonoorin:
1. Tauhan – Naging malinaw ba ang presentasyon ng mga tauhan magmula sa
mga pangunahing tauhan hanggang sa mga tauhang pangsuporta sa mga bida
at kontrabida. Nagampanan ba nila nang may hustisya ang kanilang mga
papel sa pelikula?
2. Kuwento – Malinaw ba ang pagkakaorganisa ng daloy ng kuwento. Ito ba ay
makabuluhan sa mga tagapanood? May kaibahan ba ang kuwento sa ibang
mga kuwentong nailabas na?
3. Dayalogo – Tiyak ba at angkop ang mga palitan ng mga linya ng mga
tauhan? Malinaw ba ang pagsasalita ng mga tauhan sa kabuuan ng pelikula?
Balanse ba ang palitan ng usapan sa pagitan ng mga tauhan?
4. Pamagat – angkop ba ang pamagat ng pelikula. Nakakaengganyo bas a mga
manonood ang pagkakabuo ng pamagat? Nakikilala ba kaagad ang
simbolismong nakapaloob sa pamagat ng pelikula?
5. Sinematograpiya – Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng
pelikula? Angkop ba ang mga ginamit na visual effects para sa pagpapalutang
sa damdamin at mensahe ng kuwento?
6. Tema – Ang paksa ba ng kuwento ay makabuluhan at makahulugan sa
buhay ng mga manonood? May taglay ba itong kaisipan at diwang manunuot
sa diwa at kaisipan ng mga manonood? Ito ba ay may puso?

You might also like