You are on page 1of 2

Filipino

1. Ano ang ginagampanan ng pelikula sa pagpapalaganap ng kamalayang


panlipunan? Ipaliwanag.
Ang pelikula ay kilala din sa tawag na “sine”. Ito ay isang larangan na
sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining.
Malaki ang naiambag ng pelikula sa pagpapalaganap ng kamalayang
panlipunan. Dahil dito, namumulat ang mga tao sa lahat ng sitwasyon ng
ating lipunan. Ito ay may mga aral na ating matututunan na magagamit natin
sa ating pamumuhay o maitututuro sa ating lipunan.
2. Bakit mahalagang maging malawak ang ating kaalaman sa paggamit ng
bantas sa pagbuo ng pangungusap? Patunayan ang iyong sagot.
Sa aking palagay, kailangang maging malawak ang ating kaalaman sa
paggamit ng bantas sa pagbuo ng pangungusap. Ito ay mahalaga upang
maintindihan natin ang mga pahayag o mga pangungusap na ating binabasa.
Sa pamamagitan ng paggamit ng bantas, nagiging malinaw ang mga nais
ipahayag ng isang pangungusap. At maiintindihan natin ang tamang
damdamin na ipinahihiwatig sa isang pangungusap.
3. Bakit kailangan nating alamin ang paksa, layon at tono sa isang programang
pantelebisyon? Mahalaga ba mga ito? Ipaliwanag.
Ang paksa ng isang programang pantelebisyon tungkol sa kung ano ang
pinag – uusapan sa isang programang pantelebisyon. Ito ay mahalaga upang
maintindihan natin kung ano ang pinag – uusapan at upang tayo ay
makabigay nag pansariling opinion para sa paksang pinag – usapan. Ang
layon ng programang pantelebisyon ay tumutukoy sa kung ano ang nais
ipahiwatig ng isang programa sa mga manunuod. Ito din ay mahalaga upang
maunawaan natin kung bakit ipinalabas ang isang programa. Kung ano ang
mensahe na gustong iparating nito sa mga manunuod. At panghuli, ang tono
ng isang programang pantelebisyon. Ang tono ay tumutukoy sa damdamin o
saloobin ng may akda. Ito rin ay mahalaga upang mas maayos na
maipahiwatig ang mensahe ng isang programang pantelebisyon.
4. Ano ang kahalagahan ng laro sa pagpapalawak ng bokabularyo? Ipaliwanag.
Ang laro ay isang mahalagang paraan upang mapalawak ang ating
pansariling bokabularyo. Ang laro ay pangunahing paraan ng pag – aaral. Ito
ay kadalasang ginagamit ng mga guro upang mas maintindihan ng mga mag
– aaral ang nais ipahiwatig ng paksa. Sa isang laro, kailangang lahat ng
kalahok ay makisalamuha sa bawat membro. Dahil dito, mas nagagamit ng
mga bata o mag – aaral ang mga bokabularyo upang magkakaindihan ang
bawat isa.
Filipino

5. Ano ang kahalagahan ng komposisyong popular, print media, broadcast


media at video technology sa isang kamalayang panlipunan? Patunayan.
Ang komposisyong popular, print media, broadcast media at video
technology ay mga pangunahing paraan ng komunikasyon. Ito ay may
malaking papel na ginagampanan sa pagpapalaganap ng mga impormasyon
na kinakailangang maipaalam sa mga mamamayan. Ito ay mahalaga dahil
ang mga ito ay makikita kahit saan mang sulok ng daigdig. Naipapahiwatig
dito ang mga mahahalagang bagay na kailangang malaman ng mamamayan
kagaya ng kalamidad, mga importanteng anunsyo o mga babala sa isang
komunidad.
6. Bakit mahalagang bigyang-pansin ang balangkas sa pagsulat ng script ng
isang kamalayang panlipunan? Ipaliwanag.
Ang wastong balangkas sa pagsulat ng “script” ay nakakadagdag ng
kaayosan sa pagbubuo ng isang teksto. Mahalagang bigyang – pansin ang
balangkas sa pagsulat upang maging maayos ang gagawing pagsulat ng isang
teksto. Mahalaga ito upang hindi magdulot ng kalituhan sa mga nagbabasa at
sa mismong nagsusulat ng teksto. Mahalaga ring maiwasto ang balangkas
upang maiparating ng mabuti ang gustong iparating ng isang manunulat ng
kwento o teksto.

You might also like