You are on page 1of 5

Colegio De La Purisima Concepcion

The School of the Archdiocese of Capiz


Roxas City

College of Arts, Sciences and Education

INSTRUCTIONAL LEARNING KIT/MODULE

WEEK 12 & WEEK 13

MAKRONG KASANAYAN: PAGSASALITA

Intended Learning Outcomes


Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Matukoy ang mga salik sa epektibong pagsasalita.
b. Matalakay ang mga katangian ng isang mahusay na ispiker.

Introduction
Nalaman na natin ang unang makrong kasanayan na pakikinig. At sa modyul na ito ay
ang
makrong kasanayang pagsasalita naman ang ating tatalakayin. Araw-araw ay nagsasalita tayo at
ginagamit natin ito upang tayo ay makipagkomunikasyon. Nagsasalita tayo upang
makapagpaha-
yag ng ating sariling damdamin, ideya, at opinyon sa mga bagay-bagay. Maraming dahilan kung
bakit tayo nagsasalita ngunit sa pamamagitan ng modyul na ito ay malalaman natin kung anu-
ano ba dapat ang taglayin upang maging epektibong ispiker tayo. Haina’t simulan na natin ang
pagbabasa.

Inputs

A. Pagsasalita
Ang pagsasalita ay ang pagsambit ng mga salita o mga nauunawaang tunog
upang makapagpahayag ng damdamin, opinyon, o kaisipan. Karaniwang nang ginagamit ito ng
isang indibidwal sa pakikipagpalitang-kuro, pakikisalamuha at pakikipagkapwa. Ang isang taong
nagtataglay ng kahusayan sa pagsasalita ay masasabing malayo sa gulo. Sa pamamagitan ng
mahusay na pagsasalita ay madaling natatamo ang pinipita ng isang tao.

Ang kasanayang pagsasalita ang bumubuo sa tatlumpu’t limang porsyento (35%)


ng kabuuang gawain ng isang tao sa loob ng isang araw. Pangalawa ito sa mga makrong
kasanayan na napapahusay ng tao sa patuloy niyang pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Nangangahulugan lamang na habang dumadaan ang panahon, patuloy siyang nagkakaroon ng
kadalubhasaan sa kasanayang ito.

1
B. Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita

Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga partisipant nito.


Kung gayon, malaki ang impluwensya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng
komunikasyon.

Maraming iminumungkahi ang ibang manunulat na diumano’y mga katangiang


dapat taglayin ng isang mabisang tagapagsalita. Sa pagtalakay na ito, nilimita lamang ang mga
katangian ayon sa tatlong pinakabatayan ng iba pa.

a. Kaalaman. You cannot say what you do not know. Kung gayon, upang maging isang
epektibong tagapagsalita, kailangang may sapat kang kaalaman hinggil sa iba’t ibang
bagay. Una, kailangang alam mo ang paksa sa isang usapan. Hindi magiging kapani-
paniwala kung mahahalata kang parang nangangapa sa iyong pagsasalita sapagkat hindi
mo alam o kulang ang iyong kaalaman sa paksang tinatalakay. Tandaang hindi mo laging
malilinlang ang iyong tagapakinig. Ikatlo, kailangang may sapat kang kaalaman sa
gramatika. Ikaapat, kailangang may sapat ka ring kaalaman sa kultura ng pinanggalingan
ng wikang ginagamit mo, sa iyong sariling kultura, at maging sa kultura ng iyong kausap.
b. Kasanayan. Ang pagsasalita ay isa sa apat na makrong kasanayan. Kung gayon, katulad
ng iba pang kasanayang pangkomunikasyon, ang pagsasalita ay isang kasanayang
maaaring linangin. Una, kailangang may sapat siyang kasanayan sa pag-iisip ng mensahe
sa pinakamaikling panahon. Ikalawa, kailangang may sapat siyang kasanayan sa
paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, galaw, kumpas, at iba
pang anyong di-berbal. Ikatatlo, kailangang may sapat siyang kasanayan sa
pagpapahayag sa iba’t ibang genre tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at
pangangatwiran.
c. Tiwala sa Sarili. Isa ring mahalagang pangangailangan ang pagkakaroon ng tiwala sa
sarili ng isang tagapagsalita. Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang
nagiging kimi o hindi palakibo. Madalas din silang kabado lalo na sa harap ng pangkat ng
tagapakinig o sa harap ng publiko. Ang mga ganitong tao ay mahirap makaakit,
makakumbinsi, o makahikayat ng pagsang-ayon sa mga tagapakinig.

C. Mga Kasangkapan sa Pagsasalita

Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita sa lakas ng kanyang panghikayatP sa


kanyang tagapakinig o di kaya’y sa kakayahan niyang mapanatili ang interes ng kanyang
tagapakinig sa kanyang sinasabi. Makikita ito sa reaksyon ng kanyang tagapakinig sa kanya.
Tatalakayain natin ang bawat kasangkapang ito:

a. Tinig. Ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita. Sa maraming


pagkakataon, kinakailangan ang tinig ay maging mapanghikayat at nakakaakit
pakinggan. Ano’t ano man ang lakas ng tinig na gagamitin, kailangang maging angkop
iyon sa partikular na sitwasyon at sa damdaming nais na ipahiwatig ng isang nagsasalita.
Katulad ng lakas, kinakailangang iniaangkop din ang himig ng pagsasalita sa sitwasyon at
damdamin at maging sa kaisipan o mensaheng ipinapahayag ng isang nagsasalita.

2
b. Bigkas. Napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita. Kailangang
maging matatas at malinaw ang pagbigkas niya sa mga salita. Kaugnay nito, kailangang
maging maingat din siya sa pagbibigay ng diin (stress) sa mga salita at at sa paghinto at
paghinga sa loob ng mga pangungusap at talata sapagkat nakatutulong din ito upang
maging malinaw ang mensahe ng kanyang pahayag.
c. Tindig. Sa isang tagapagsalita, lalo na sa isang pagtitipon o sa mga timpalak-
pambigkasan napakahalaga ang tindig. Hindi magiging kapani-paniwala ang isang
mambibigkas kung siya’y parang nanghihina o kung siya’y mukhang sakitin. Sapagkat
ang isang tagapagsalita ay kinakailangang maging kalugud-lugod hindi lamang sa
pandinig ng mga tagapakinig. Kailangan din niyang maging kalugud-lugod sa kanilang
paningin upang siya’y maging higit na mapanghikayat.
d. Kumpas. Ang kumpas ng kamay ay importante rin sa pagsaalita. Ngunit ang kumpas ng
kamay ay kailangang maging angkop sa diwa ng salita o mga salitang binabanggit.
Tandaan na ang bawat kumpas ay may kalakip ding kahulugan. Hindi rin magandang
tingnan ang labis, maging ang kulang o alanganing kumpas ng kamay.
e. Kilos. Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaari ring gumalaw. Ang mga
mata, balikat, paa, at ulo – ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira
sa isang nagsasalita.

Tunay na ordinaryo na lamang sa ating mga tao ang pagsasalita. Ngunit sa kabila
nito, ang pagsasalita ay isang komplikadong gawaing pantao, tulad pa ng ibang makrong
kasanayan. Maraming mga element, kasangkapan, simulain, konsepto at kosiderasyong dapat
na isaalang-alang upang maging epektibo ang paggamit nito.

D. Ang Takot sa Pagsasalita sa Harap ng Madla

Minsang sinabi ng dating Pangulo ng Amerika na si Franklin D. Roosevelt na


walang dapat katakutan kundi ang takot mismo. Ang pinakamabuting paraan ng paglaban sa
takot, kung gayon, ay ang pagharap, hindi ang pagtalikod dito.

Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na senophobia o stage fright.


Ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling postyur, malingn bigkas, at iba pa. Ito ang
takot na hindi tanggapin ng madla bunga ng kawalan o kakulangan ng tiwala sa sarili at di-
pagkaalam kung ano ang sasabihin at kung paano iyon sasabihin.

Narito ang ilang mungkahi kung paano mamiminimays ang stage fright:
 Magkaroon ng positibong atituyd. Isiping kaya mong magsalita sa harap ng madla.
 Magtiwala sa iyong sarili.
 Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na tagapagsalita.
 Harapin moa ng takot, huwag mong takasan.
 Magpraktis ka nang magpraktis.
 Mag-imbak ng maraming kaalaman.
 Magdasal.

3
Involvement (Students)
Activity 1
Panuto: Magsulat ng maikling talambuhay ng isang prominenteng tao na hinahangaan mo sa
larangan ng pagsasalita sa harap ng madla. Itala rin ang mga katangian niya kung bakit
itinuturing mo siyang isang mahusay na ispiker.

Individual Worksheets
A. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Sa patlang sa unahan ng bawat bilang, isulat
ang: (dalawang puntos bawat aytem)

A – kung tama ang dalawang pahayag


B – kung mali ang dalawang pahayag
C – kung tama ang una at mali ang ikalawaang pahayag
D – kung mali ang una at tama ang ikalawang pahayag

__________1. A. Ang isang mabisang tagapagsalita ay may sapat na kaalaman hinggil sa iba’t
ibang bagay.
B. Ang isang mabisang tagapagsalita ay kailangang may makitid na bokabularyo.

__________2. A. Ang pagsasalita ay isang kasanayang in-born at kung gayon ay hindi na


nalilinang.
B. Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi
palakibo.

__________3. A. Tindig ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita.


B. Napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang salita.

__________4. A. Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na homophobia.


B. Ang kakulangan o kawalan ng karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla ay
isang dahilan ng stage fright.

__________5. A. Hindi kailangan ng bawat tagapagsalita ang tensiyon.


B. Kung labis ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla, magiging labis itong
produktibo para sa tagapagsalita.

__________6. A. Kailangang takasan ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla.


B. Bilang isang tagapagsalita, kailangang isipin na maging ang mga taong may
depekto ay maaaring matagumpay.

__________7. A. Ang panginginig ng kamay at pangangatog ng tuhod ay mga manipestasiyon


ng stage fright.

4
B. Ang damdaming kakulangan o insekyuriti ay pinagmumulan din ng stage
fright.
__________8. A. Sa mga timpalak-bigkasan, hindi na mahalaga ang tindig ng isang kalahok.
B. Ang isang epektibong tagapagsalita ay magiliw magsalita at kawili-wiling
pakinggan.

__________9. A. Ang isang epektibong tagapagsalita ay palabasa at palaisip.


B. Ang isang epektibong tagapagsalita ay obhetibo. Hindi niya tinatanggap ang
ideya na taliwas sa kanyang sariling paniniwala.

_________10. A. Kailangang iwasan ang labis na mapalabok na pananalita sa pagsasalita.


B. Sa pagsasalita, kailangang maging mayabang o may himig-pagyayabang.

Intervention

A. Panuto: Manood ng isang pagbabalita sa telebisyon. Suriin niyo kung ang nagbabalita ba ay
mahusay na ispiker? Nakukuha niya ba ang atensyon ng manonood? Itala ang kaniyang mga
katangian bilang isang tagapagbalita.

References: Bernales, Rolando A., et al., Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Mutya


Publishing House Inc.

You might also like