You are on page 1of 8

PANG-LIMANG PANGKAT

BSSW 2B

PAGSASALITA

IPINASA NINA:
DATUKALI, JOHAINA
DELA CRUZ, MARIA THERESSA
DELA PENA, JESSABEL
DELA PENA, KRISTINE JOY
DE ORO, ROSALINDA
DEVARAS, ALYSSA
PAGSASALITA
- Isang “skill” o kasanayan upang mabigyan ng pagpapahalaga ng
isang tao ang kanyang tungkulin sa pamamagitan ng pagpapahayag ng
damdamin, ideya at paniniwala gamit ang isang wika tungo sa mabisang
pag-unawa. Tinatawag itong “Self expression.”
Layunin nito na maibahagi ang kanyang iniisip at nadarama upang
mapanatili ang kanyang relasyon sa kapwa, higit sa lahat makapagbahagi
ng kaalaman na magiging makabuluhan sa sarili at sa ibang tao. Sa
pamamagitan din ng pagsasalita, naibabahagi rin niya ang mga bagong
tuklas, pagbabago at kaunlaran sa bayan at sa paligid.

Mga katangian ng Isang Mahusay na Pagsasalita

Dapat na nagtataglay ang isang mahusay magsalita ng mga sumusunod


na katangian:
1. Kakayahang makilala ang tunog.
2. Maayos na pagbigkas ng salita.
3. May kaalaman sa linggwistika.
4. May kasanayan at kahusayan sa angkop na pagpapahayag retorikal o
pagiging mapili ng angkop na paggamit ng salita.
5. May sapat at malawak na pananaw.
6. May matatag na personalidad o may tiwala sa sarili.
7. May mapanghikayat at magiliw na kakayahan sa pagsasalita.
8. May mapang-akit na kakayahan upang mapanatili ang kawilihan o
interest ng tagapakinig.
9. May positibong pananaw sa buhay.
10. May pagpapahalaga sa sarili, kapwa at higit sa lahat, sa Diyos.
Mga Sangkap o Salik sa Pagsasalita

1. Tinig
Mahalagang sangkap ng pagsasalita ang kakayahan sa pagkontrol ng
tamang tinig (lakas at linaw) na kailangan sa pagbigkas ng salita.
2. Artikulasyon
Hindi sapat na buo ang tinig ng pagbigkas ng salita, sa halip
mahalagang mabigkas nang tama at maayos ang mga salita
3. Kalidad ng Boses/ Kwaliti ng Boses
Bawat tao ay may kanya-kanyang kwaliti ng boses, tinatawag natin
itong Idyolek na tinalakay na sa mga naunang modyul. Ang boses na ito ay
nauuri sa:

3.1 Raspy/RASPI
Ang ibig sabihin ang tagapagsalita ay parang may sakit sa lalamunan
kung saan apektado ang kanyang pagsasalita.
3.2 pailong at De Nasal
Ang tinig na dapat sa bibig lumalabas sa halip sa ilong ito nagaganap
kaya tinatawag na "nasal at denasal naman kapag siya ay tila sinisipon.
3.3 Husky o haski
Ang boses ng nagsasalita ay parang nakulong sa lalamunan.
4. Kumpas ng Kamay
Tinatawag itong gesture. Hindi dapat naginginig o kaya'y naninigas
ang mga kamay sa pagkumpas. Natural lamang dapat ang paraan ng
pagkumpas at gamitin ito sa mga pagkakataon at sitwasyong tunay na
kailangan lamang.
5. Kilos sa Tanghalan
Hindi sa lahat ng oras kailangang nakatayo ka lamang sa isang lugar
sa halip ang paggalaw at paglalakad sa entablado ay maaaring gawin.
6. Postura o Tikas ng Katawan
Dapat isaalang-alang ang postura o tikas ng katawan sa pagsasalita
o pagtatalumpati. Dapat na maging natural lamang ang tikas at tindig.
7. Ekspresyon ng Mukha
Ang ekspresyon ng mukha at maging ang panuunan ng paningin at
"eye to eye" kontak ay dapat magamit nang tama. Dapat nararamdaman
ng tagapakinig na parang malapit lamang ang nagsasalita sa kanya at
animo'y kinakausap lamang sila nagsasalita.
8. Pananamit o "Grooming“
Nadaragdagan ang paghanga ng tagapakinig sa nagsasalita o
nagtatalumpati kung maayos at angkop ang pagpil ng damit na isusuot
ayon sa okasyon.
Karaniwang Sanhi ng Pagkatakot sa Pagsasalita
1. First time/Unang beses na humarap sa Madia
Ang aprehensyon o pangamba ay nararamdaman kapag ito ang
unang beses mong magsalita sa harap ng maraming tao.
2. Kawalan ng Tiwala sa Sarili
Ang kawalan ng tiwala sa sarili ay nangyayari kung nakararanas ng
kawalan din ng tiwala sa iba lalo na kung ito ay mula sa kapamilya tulad ng
magulang. Dahil dito, masyadong mababa ang tinatawag na "self-esteem"
o tiwala sa sarili.
3. Kawalan ng Masteri
Ang pagiging konsyus sa sarili ay nangyayari sa oras na hindi mo
saulado o praktisado ang iyong sasabihin kaya marapat lamang na
paghandaan ito upang maiwasan ang ganitong karanasan sa oras ng
pagharap at pagsasalita sa madla.
4. Takot sa Kalalabasan
Ang tagapagsalita kung minsan ay nakararanas na siya ay pinupulaan
ng mga tagapakinig. Dito nakikita ang kalakasan at kahinaan ng
tagapagsalita.
Ang Talumpati
Isang sining ang pagtatalumpati na naglalayong makuha ang pansin,
mahikayat at pamaniwala ang tagapakinig sa iyong sasabihin sa tulong
nang maayos at malinaw na pagpapahayag ng katwiran.
Uri ng Talumpati
1. Impromptu
Impromptu dahil wala itong ganap na paghahanda. Ang paksa ay
ibinibigay sa takda at aktwal na oras ng pagtatalumpati o speech.
Mga Dapat Tandaan sa Talumpating ito:
Maglaan ng oras sa pag-oorganisa
Maglaan ng oras sa pag-organisa ng ideya habang tumatayo mula sa
pagkakaupo.
B. Magkaroon ng Tiwala sa Sarili
Iwasan ang kawalan ng tiwala sa sarili, tingnan habang nakangiti ang
madla, ayusin ang tindig at magsalita nang may buong katapatan at
pagtitiwala sa sarili.
C. Magsalita nang Banayad
Ang mahalaga dito ay malhanay nang maayos at malinaw ang “punto
de vista”, ngunit mahusay na punto de vista ay nagaganap kung mayroong
pukos ang nagsasalita.
2. Ekstempo
Ayon kay James M. Copeland sa aklat ni Josefina Mangahis, 2008,
ang mahirap na extempo sa isang kompetisyon ay ang kawalan ng tiyak na
kahandaan sa pagbigkas, ay ang kawalan ng tiyak na kahandaan sa
pagbigkas.
3. Isinaulong Talumpati
Ito ay pinaghahandaan, ang tagapasalita ay gumagawa muna ng
kanyang talumpati. Dito, kailangang saulado ang piyesa bago bigkasin ang
talumpati.
Mga Katangian nang Mahusay Magtalumpati (Garcia:2006) ayon kina M.
Burrey at Wrage
1. Responsible
Dapat maunawaan ng tagapagsalita na ang pagtatalumpati ay may
kaakibat na pananagutan sa oras na hindi tama ang kanyan sasabihin.
2. Nagpapakita ng Personal na Kakayahan ng Tagapagsalita
Kailangan dito ang personal na kwalipikasyon ng tagapagsalita dahil
nangangailangan ito ng tibay ng loob upang magampanan ang tungkulin sa
pagtatalumpati.
3. Kahandaan
Ang kahandaan ng mananalumpati ay nakasalalay sa panimula o
introduksyon. Ang kabiguan sa pagbuo ng magandang panimula ay
kabiguan din sa kabuuan ng talumpati.
4. Kaalaman sa Paksa
Masasalamin ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa sa
pamamagitan ng kanyang mahusay at mabisang estilo ng paghahanay ng
mga ebidensya, paliwanag, pagbibigay ng interpretasyon, pagtutulad at
paghahanay ng solusyon sa mga suliranin.
Mga Hakbang sa Mahusay na Talumpati
1. Pagpaplano at Pagpapaunlad ng Paksa
Ang pananaliksik, panayam at palikom ng impormasyon ay mahalaga
upang mapaunlad ng paksa sa talumpati.
2. Pagsasaayos ng ideya
Bigyan ng pansin ang mahalagang ideya na mahalagang isama sa
talumpati.
3. Paghahanda ng Sumusuportang Detalye
Ang pagbanggit ng mga pahayag ng kilalang tao, paggamit ng resulta
ng pag-aaral at paggamit ng mga halimbawa ng resulta na makatutulong
sa pagpapatibay ng pahanay ng mahalagang detalye ay nakakatutulong sa
lalong pagpapatibay at kapani-paniwalang mga pahayag sa talumpati.
4. Paghahanda ng Panimula
Ang panimula ay dapat maging kahanga-hanga. Nakasalalay ang
tagumpay ng talumpati sa isang mahusay at mapangganyak na panimula.
5. Paghahanda ng Wakas
Sa bahaging ito ay dapat mailatag ang maayos na pagkalahatang
pahayag at sa pamamagitan nito ay makapag-iiwan ito ng kakintalan sa
tagapakinig.
6. Paghahanda ng Talumpati
Dapat maunawaan ng mananalumpati ang nilalaman ng kanyang
talumpati.
Mga Kailangan sa Pagtatalumpati
1. Matapat
Ang pagkakaroon ng kredibilidad ng tagapagsalita sa kanyang mga
pahayag at mga sinasabi ay isang patunay na siya’y may katapatan sa
pagsasalita.
2. Simple at Hindi Mayabang
Dapat kumilos ng naayon lamang sa tama. Iwasan ang maging
mayabang habang nagtatalumpati.
3. Dapat may Kompiyansa sa Sarili/Tiwala
Kailangan ang kompiyansa ng tagapagsalita o ang tinatawag na
tiwala sa sarili.
4. Dapat may Buhay ang Talumpati
Kailangang magkaroon ng buhay at wastong damdamin (feelings) sa
pagtatalumpati upang maging maayos at kapani-paniwala ang paghahanay
ng mga ideya at kaisipan.

You might also like