You are on page 1of 10

PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT

MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

Kabanata 9: Mga Kasanayan sa Pagsasalita

Layunin

• Nalalaman ang Epektibong Pagsasalita


• Natutukoy ang kahalagahan ng Pagsasalita
• Nagagamit ang kumpas ng kamay sa iba’t ibang anyo ng
Pagsasalita

Ang pagsasalita ay nakatinig na anyo ng komunikasyon


ng tao. Ginagamit karaniwan ang pagsasalita sa araw-
araw na pamumuhay. Dahil sa pagsasalita nabibigyan ng
mga posibilidad ang mga pangyayari o ang mga nais
ipabatid o ipahiwatig sa iba. Nakakatulong din ito sa
pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa. Mahalaga
ito upang malinang ang kakayahan at kasanayan sa
mabilis na pagpapahayag ng kaisipan at damdamin. Ginagamit din ito sa pakikipag-
usap, pagbabalita, pagtatalumpati, pakikipanayam, pakikipagtalo, pangangatwiran,
pakikipagtalakayan, atbp.

Kahalagahan ng Pagsasalita:

Mahalaga ang pakikipag-ugnayang pasalita sa mga


hangaring pag-unlad ng bansa, pamayanan at
mamamayan. Sa pamamagitan ng pagsasalita ay
nagkakaroon ng pagkakataon na makipagpalitan ng
kuro-kuro, makapagsalaysay ng mgga karanasan,
makapagbigay reaksiyon at iba pa. ang karunungang
natatamo sa pamamagitan ng pakikipag-usap ay higit na mabilis at mabisa sa taong
kinakausap. Ang pagtatagumpay ng tao sa kanyang mga hangarin sa buhay ay
nakasalalay sa kanyang magsalita sa paraang matapat, mabisa, malinaw at kapani-
paniwala.

Page 1
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

OVERVIEW: Ang pagsasalita ay kakayahan at kasanayan ng tao na maihayag ang


kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang
nauunawaan ng kanyang kausap. Ito ang pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng
tao:ang nagsasalita at ang kinakausap.

Para sa Karagdagang Kaalaman:


https://www.youtube.com/watch?v=qFCmMPe9iIY

Mga kinakailangan sa Mabisang Pagsasalita:

✓ Kaalaman
✓ Tiwala sa sarili
✓ Kasanayan

Kaalaman: mahalagang alam ng isang tagapagsalita ang kanyang sasabihin sa


kanyang kausap.

• Kaalaman sa paksang pag uusapan


• Kaalaman sa gramatika
• Kaalaman sa kultura ng pinanggalingan ng wikang
ginagamit, sariling kultura at kultura ng kausap.

Tiwala sa Sarili: Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay


karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo. Madalas din silang kabado lalo na sa harap
ng pangkat ng tagapakinig o sa harap ng publiko. Mahihirapan silang papaniwalain ang
ibang tao sa kanilang mensahe.

Kasanayan: kinakailangan angkinin ng tagapagsalita


ang mga kasanayan tulad ng malinaw na pagsasalita,
wastong pagbigkas ng salita, maayos na pagtayo sa
entablado, pagkumpas ayon sa diwa ng sinasabi, diin
at uri ng tinig.

Page 2
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

• Kailangang may sapat na kasanayan sa pag-iisip


ng mensahe sa pinakamaikling panahon
• Sapat na kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t
ibang genre tulad ng pagsasalaysay,
paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran.

Salik sa Epektibong Pagsasalita Ayon kina Bernales,


et al. (2002)

• Kaalaman
• Sapat na kaalaman sa bokabularyo o talasalitaan
• Sapat na kaalaman sa gramatika
• Sapat na kaalaman sa kultura at lipunan ng mga taong sangkot sa
pakikipagtalastasan
• Kasanayan sa mabilis na pag-iisip sa paggamit ng mga sangkap sa pagsasalita
• Kalinawan sa pagsasalita – buo at malakas ang tinig
• Tiwala sa sarili – makakatulong sa nagsasalita na maihatid ang mensahe na
malinaw, tumpak, at mas organisadong paraan.

Mga Kasangkapan sa Mabisang Pagsasalita:

Tinig: pinakamahalagang puhunan ng nagsasalita.


Kinakailangang ito ay mapanghikayat at nakakaakit
talagang pakinggan. May mga sitwasyon na hindi
nangangailangan n amalakas ang tinig. Ano mang lakas
o hina ng tinig, dapat ito ay angkop sa particular na
sitwasyon at sa damdaming nais na ipahiwatig ng isang
nagsasalita.

Tindig: Ang isang tagapagsalita lalo na sa isang pagtitipon ay kailangan may


magandang tindig. Kinakailangang mat tikas mula ulo hanggang paa. Hindi magiging
kapani-paniwala ang isang mambibigkas kung siya ay parang nanghihina o kung siya

Page 3
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

ay mukang sakitin. Ang isang tagapagsalita ay kinakailangan maging kalugod-lugod


hindi lamang sa pandinig ng tagapakinig.

Kilos: iwasan ang madalas na paglalakad kapag nagsasalita. Ang labis na paggalaw ay
pwedeng maging dahilan ng pagkahilo ng kanyang kausap.

Kumpas: tumutukoy sa galaw ng alin mang bahagi ng katawan. Kung walang kumpas
ang nagsasalita ay magmumukhang tuod o robot. Tandan na kailangang maging
natural ang kumpas. Hindi rin maganda tignan ang labis, maging ang kulang o
alanganing kumpas ng kamay.

Iba’t -ibang uri ng kumpas:

1. Nakabukas ang palad habang paharap sa tagapakinig


❖ Ito ay kumpas na tumatawag ng pansin.
2. Palad na itinataas habang nakalahad
❖ Nagpapahiwatig ng dakilang damdamin
3. Palad na nakabukas at marahang ibinababa
❖ Ginagamit sa paglalahad ng mababang uri ng kaisipan o damdamin
4. Nakasarang palad
❖ Ito ay nagsasaad ng kinukuyom nag alit
5. Nakataob na palad na biglang ibababa
❖ Nagpapahiwatig ng galit o marahas na damdamin
6. Bukas na palad na nakalantad sa madla
❖ Nagpapadama ng pag-aalala at pagsang-ayon
7. Nakabukas na mga palad at ang daliri ay magkalayo at unti-unting isinasara
❖ Nagpapakilala ng nag-aalimpuyong damdamin
8. Paturong kumpas
❖ Nagpapahiwatig ng pagkapoot, panlalait sa isang tao
9. Kumpas na halos pantay balikat ang dalawang bukas bisig
❖ Ginagamit ito upang ipahiwatig ang kalawakan ng paksa.

Page 4
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

Ayon kay Tumangan et al. (1986) ang kumpas ay maaaring uriin sa:

• Kumpas na naglalarawan
• Kumpas na kinaugalian
• Kumpas na gamit ang hintuturo
• Palad na nakataob at ayos patulak
• Ang palad na nakalagay sa dibdib
• Kumpas na ang palad ay nakatihaya
• Ang palad na nakataob at ayos na padapa
• Nakabukas na palad na magkalayo ang mga daliri at unti-unting ititikom
• Ang palad na itinataas habang na kalahad
• Palad na nakakuyom

OVERVIEW: Malaki nag naitutulong ng wastong kumpas ng mga kamay sa masining at


madamdaming pagbigkas. Ang mabuting kumpas ay maluwag at maginhawa. Ito ay
natural at hindi pabigla-bigla. Ang bisig ay hindi parang naninigas. Ang mga daliri ay
magkakatabi, hindi layo layo.

Para sa Karagdagang Kaalaman: https://youtu.be/zbDPKQd47Xw

Panuonan ng Pansin

Kailangang magkaroon ng kontak sa pamamagitan ng mata. Ito ay isang di-berbal na


komunikasyo. Mahalagang ginagawa ito ng nagsasalita, dito pumapasok ang mental
kontak o unawaan sa pagitan ng nagsasalita at tagapakinig.

Xenophobia o Stage Fright: ang takot sa pagsasalita sa


harap ng madla. “Walang dapat katakutan kundi ang takot
mismo” – Franklin D. Roosevelt

Dahilan ng Stage Fright

• Takot sa Malaki at di pamilyar na madling tagapakinig

Page 5
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

• Di kaaya-ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla


• Kakulangan o kawalan ng karanasan sa pagsasalita sa harap ng maraming tao
• Kakulangan o kawalan ng kahandaan
• Kakulangan o kawalang ng pamilyaridad sa lugar o okasyon

Paano maminimays ang Stage Fright: magkaroon ng positibong atityud, tiwala sa


sarili, magdasal

Pagsasalita sa Iba’t-ibang Pagkakataon

1. Ang pakikipag-usap na dadalawahan: pinaka


karaniwang pakikipagtalastasang ating
kinasasangkutan ay ang dadalawahang pag-
uusap. Ang nagsasalita at tagapakinig ay kapwa
nagsasalita ay nakikinig.
2. Ang pakikipanayam o Interbyu: Ang
pakikipanayam ay mag pinakamabilis na paraan ng pagkuha ng mga
impormasyon tungkol sa isang pag-aaral o isinasagawang pagsusuri.

Mga bagay na dapat tandan habang nakikipamnayam

❖ Dumating sa takdang oras na inyong napagkasunduan sapagkat ikaw ay


humihingi lamang ng bahagi ng kanyang mahahalagang panahon.
❖ Maging magiliw at magalang sa pakikitungo sa kakapanayamin
❖ Sa pakikipanayam makinig Mabuti sa mga sinasabi ng kinapanayam.
❖ Sikaping maging masaya ang panayam
❖ Igalang mo ang oras ng kinakapanayam
❖ Tiyakin mo sa iyong kinakapanayam na lahat ng sekreto ay sa inyo
lamang dalawa
3. Pangkalahatang talakayan: dito masusing tinatalakay ang paksa

Page 6
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

Iba’t ibang uri ng pangkatang talakayan

❖ Impormal na talakayang binubuo lamang ng lima


o sampung tao: sa ingles ito ay tinatawag na “round table”
❖ Pormal na talakayan: ito ay pormal dahil ginaganap
ang talakayan sa harap ng pormal na tagapakinig.
a. Panel discussion o tinatawag ng isang hanay na
itinakda: binubuo ito ng isang pinuno at mga kalahok
b. Simposyum: dito may tatlo o apat na tagapagsalita
na ang bawat isa ay nagbibigay ng talumpati na tatagal ng lima o pitong
minuto
c. Lektyur porum: dito may isang tagapagsalitang tatalakay o magbibigay
ng panayam sa mga isyung may kinalaman sa isang suliranin
d. Talakayin ng lupon: ito ang gamitin sa lahat ng uri kung gumagawa ng
isang plano upang maisagawa ang isang proyekto.
4. Balagtasan: ito ay ginagampanan ng
dalawang batiking makata na nagtatalo sa
pamamagitan ng maindayog na tulain. Hinango ito kay
Francisco Baltazar na kinikilalang Ama ng tulaan. Ang
DZRH ang istasyon sa radyo na nagasasahimpapawid
ng balagtasan sa pangunguna nina Ofelia Angeles at
Rey Antoniona; mga kilalang mambabalagtaas.
❖ Lakandiwa: nagbibigay ng panimula at pangwakas na bahagi ng
balagtasan
❖ Dalawang Panig: sang-ayon at di-sang-ayon
❖ Mga tagapakinig na naghahato

Kaibahan ng mga mambibikas:

❖ Manunula: bumubigkas ng tula


❖ Mananalumpati: bumubigkas ng talumpati
❖ Makata: bumibigkas ng balagtasan

Page 7
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

5. Talumpati: isang uri ng pagpapahayag ng kaisipan na


ginagawang pabigkas.

Uri ng Talumpating may paghahanda

❖ Paglalahad: Nagbibigay ng impormasyon o kaalaman


❖ Panlibang: ito ay tipong masasaya at maranay ay
binibigkas sa mga piging o pagtitipon
❖ Panghikayat: Nilalayon ng ganitong uri na sa hanay ng paliwanag ay mahikayat
ang tagapakinig na kumilos o gumawa ng pasiya.
❖ Papuri: Nilalayon nitong parangalan o bigyan ng papuri ang sinuman

Anyo ng Talumpati

a. Talumpating Pabasa: ito ay isinusulat at binabasa ng nagtatalumpati


b. Talumpating Pasa-ulo: ito ay talumpating sinulat at sinasaulo o menememorya
c. Talumpating walang paghahanda: ito ay biglaan o tinatawag na impromptu
d. Talumpating daglian: ito ay binibigyan ng ilang minutong paghahanda bago
bigkasin ang talumpati na may pinapaksa.

Bahagi ng Talumpati:

❖ Panimula: ito ay nag pambungad o isang paghahanda


❖ Katawan: ito ay laman ng talumpati
❖ Konklusyon: ito ay ang huling bahagoo na naglalahad ng buod ng paksa.
6. Pagtatalo o Debate: ito ay isang uri ng makasining na pagtatalo. Ang pormal na
pagtatalo ay pinaghahandaan nang matagal na panahon.

Page 8
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

OVERVIEW: Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinion ng isang tao na


pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga
tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko
na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig,

Para sa Karagdagang Kaalaman:


https://www.youtube.com/watch?v=KMO0BPDz3kk

Page 9
PAGTUTURO SA ELEMENTARYA 1 (ESTRUKTURA AT
MODYUL GAMIT NG WIKANG FILIPINO

SANGGUNIAN NG NILALAMAN:

SANGGUNIAN:

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pagsasalita

https://prezi.com/zhshf5mxffcd/kasangkapan-sa-mabisang-pagsasalita/?fallback=1

https://winnieannmistica.tumblr.com/

Page 10

You might also like