You are on page 1of 16

ARALIN 9: PAGSASALITA

“Sa pagsasalita,tanging iisang mensahe ang nais na marinig ng mga tagapakinig”.


-Henry David Thoreau
LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.nauunawaan ang mga kinakailangan upang maging mabisang tagapagsalita;
b.naipahahayag ang sariling kaisipan o saloobin gamit ang iba’t ibang kailangan sa epektibong pagsasalita; at
c.naisasagawa nang mahusay ang pagsasalita

Pagsasalita (Speaking)

“As it is the characteristic of great wits to say much in few words, so small wits seem to have the gift of speaking much and
saying nothing.”
-Francis de la Roche Fouauld-
“Ang pagsasalita ay isang kakayahan at kasanayan ng tao sa pagpapahayag ng kanyang damdamin, saloobin at kaisipan sa
pamamagitan ng wastong paggamit sa wika.”

- Sudario (2014)

KAHULUGUHAN NG PAGSASALITA
- Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa
pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
- Pag-uusap ng dalwa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsalita at ang kinakausap.
“Ang pagsasalita ay sining ng pagbikas at pag-arte na makalikha ng isang masining na pagpapahayag sa pag-aangkop ng
mga simbolo verbal at di verbal sa pagsasalita. Ang wikang ay simbolong verbal na ginagamit sa pagsasalita samantalang
ang simbolong di verbal sa pagsasalita ay tumutukoy sa paggamit g mga kilos o galaw, kumpas, ekpresyon ng mukha at
senyas upang makatulong sa pagiging kaakit-akit, mabisa at masining na pagsasalita.

- Sauco (1998)
“Ang pagsasalita ay sining ng pag-arte at pagtatanghal sa pagpapahayag na ang layunin na makaakit o makapanghikayat ng
mga nakikinig.”
- Tumangan Sr. (1986)
“Ang pagsasalita ay paglikha sa pagbikas ng tunog, intonasyon, himig at aksent ng wika sa paraang makapahayag ng
kanyang nararamadaman at naiisip para sa kanyang kapwa.”
- Buensuceso (1990)
KAHALAGAHAN NG PAGSASALITA
Mahalaga ang pagsasalita dahil:

- Naipaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita


- Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao
- Nakapag-anayaya o nakakai-impluwensya ng saloobin ng nakikinig
- Naibubulalas sa publiko ang opinion at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa
pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.

*Ang pagtatagumpay ng tao sa kanyang hangarin sa buhay ay nakasalalay sa kanyang pagsasalita sa pamamaraang
matapat, mabisa, malinaw at kapani-paniwala.

*Sa pamamagitan ng pagsasalita ay nagkakaroon ng pagkakataon na makipagpalitang kuro, makapagsalaysay ng mga


karanasan, makapagbigay reaksyon at iba pa

*Madaling makakuha ng kaibigan at kapalagayang – loob ang ibang mahusay magsalita.

*Magagamit din ang kasanayan sa pagsasalita sa iba’t ibang pagkakataon, kasama na ang mga gawaing pang-akademiko.
Kailangang sumagot sa loob ng klasrum, mag- interbyu ng mga tao, magkuwento, magpaliwanag, mangatwiran at iba pa.

MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG PAGSASALITA

- Kaalaman
- Kasanayan
- Tiwala sa Sarili
[Ayon kina Bernales, et al. (2002)]
Kaalaman

- Sapat na kaalaman sa bokabularyo talasalitaan


- Sapat ang kaalaman sa gramatika
- Sapat na kaalaman sa kultura at lipunan ng mga taong sangkot sa pakikipagtalastasan.
Kasanayan
- Sa mabilis na pag-iisip
- Sa paggamit ng mga sangkap sa pagsasalita
- Kalinawang magsalita- buo at malakas ang tinig

Tiwala sa sarili
-Nakakatulong sa nagsasalita na maihatid ang mensahe ng malinaw, tumpak at sa mas organisadong paraan.

MGA KASANGKAPANG SA PAGSASALITA

- TINIG
- BIGKAS
- TINDIG
- KUMPAS
- KILOS

LIMANG KASANAYAN SA PAGSASALITA

- PAKIKIPAG-USAP
- PAKIKIPANAYAM
- PANGKATANG TALAKAYAN
- PAGTATALUMPATI
- PAKIKIPAGDEBATE

LAYUNIN NG PAGSASALITA

*Pagpapaliwanag ng Sarili

-pagpapahayag ng sariling pananaw at pagpapakahulugan sa sariling bilang bahagi ng lipunan.

*Pagbibigay ng impormasyon

-Pagbabahagi ng impormasyon o kaalaman sa iba

*Paglilinaw ng Argumento

-Paglalahad ng opinion o katotohanan tungkol sa isang isyu.

*Pagkakaroon ng Pagbabago

-Pagsasalita upang matamo ang pagbabago.

KATANGIAN NG MAHUSAY NA TAGAPAGSALITA

[ Ayon kina Pagkalinawan, et al (2004)]


*May layunin at lubos na kaalaman sa paksa
*May kaalaman sa retorika at balarila
*May kredibilidad ang pagkatao
*May maayos na personalidad, wastong pananamit at matikas na tindig
*May kawili-wiling tinig
*May matatag na damdamin
*May nalilinang na ugnayan sa nakikinig
*May malinaw at wastong pagbigkas at intonasyon
*Mapananatili ang interes o kawilihan ng nakikinig
*May sense of humor upang hindi maging kabagot-bagot sa nakikinig
KASANAYAN SA PAGSASALITA

[Pagkalinawan, et al. (2004)]


*Mga kasanayang Di-Pormal

a. Pakikipag-usap
b. Pagpapakilala sa sarili sa ibang tao
c. Pakikipag-usap sa Telepono
d. Pagbibigay ng reaksyon at panuto
e. Pagbibigay komento

*Mga kasanayang Pormal

a. Masining na pagkukwento
b. Pakikipagpanayam
c. Pangkatang Talakayan
d. Balagtasan
e. Pagtatalumpati
ANATOMIYANG PAMPANANALITA

❖ Ang anatomiyang pampananalita ay ang pagsasalitang pagpapahayag na wika ang pinakamhalagang


kasangkapang anatomikal.
❖ Dahil sa anatomiyang pampananalita, ito ang pangunahing kasangkapan na ginagamit sa proseso ng pagsasalita.
❖ Dapat lamang na pangalagaan ang bawat bahagi nito ng mabuti ang paglikha ng tunog ay maging makahulugan at
nang ang salita ay mabuong malinaw at maliwanag para lubos na mainitindihan ng kausap o nakikinig.

MGA SALIK SA PAGSASALITA

1. Enerhiya – Lakas ng pagpapalabas ng hininga o presyur na nagpapakatal sa artikulador na lumilikha ng tunog sa


guwang ng ilong sa kapwa mga resonador.
2. Artikulador – Mga bagay na kumakatal
3. Resonador – Nagmomodipika ng tunog ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na resonador.

Nasa bibig ang apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog.

1. Dila at panga
2. Ngipin at labi
3. Matigas na ngalangala
4. Malambot na ngalangala

Nag-iiba naman ang mga tunog ng mga katinig batay sa:

A. Punto ng artikulasyon – ang bahaging pinakamaliit na guwang para makalusot ang hangin o di makalabas ang
hangin.
1. Panlabi – dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas.

2. Pangngipin – dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo ng dila.

3. Panlabi – pangngipin – dumidiit ang ibabang labi sa mga itaas ng ngipin.

4. Panggilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid.


5. Palatal – lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila.

6.Velar - dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila.

7.Panlalamunan - ang likurang bahagi ng dila ay dumdiit sa lalamunan.

8.Glottal – lumalpait o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hiniharang ang presyur ng papalabas na hiningang
galing sa baga at pagkatapos ay pakakawalan upang bumuo ng paimpit o pasususot na tunog.

B. Paraan ng artikulasyon – tawag sa paraan ng paglabas ng hangin


1. Pasara – harang na harang ang daan ng hangin

2. Pailong – sailong lumalabas ang hangin na nakaharang dahil sa pagbaba ng velum at hindi sa bibig.

3. Pasutsot – ang hanging tumatakas ay dumaraan sa makipot napagitan ng dila ngalangala o kaya’y ng mga
babagtinang pantinig.

4. Pagilid – ang dulong dila ay nakadikit sa punong gilagid kung kakatang hangin ay nakalalabas sa gilid ng dila.

5.Pakatal – ang hangin ay ilang ulit na hinihirang at pinababayang lumalabas sa pamamagitang ng mabilis na paggalaw
ng dulo ng dila.

6.Afrikatibo – noong una ay pinipigilan ng babagtigang pantinig ang hangin sa paglabas ngunit pagkamaya-maya pa’y

7.Malapatinig – nagkakaroon ng galaw mula sa isang posisyon.

C. Pagkakaroon o di pagkakaroon ng Tinig

SANGKAP SA MASINING NA PAGSASALITA

● Kaalaman - Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman para sa isang mabisang pagsasalita upang
magkaroon ng diwa ang paksa. Higit na magpapaunlad ang kaalaman sa pamamagitan ng mga sumusunod:
❖ Pagbabasa
❖ Pagmamasid
❖ Pagsasaliksik
● Tiwala sa Sarili - Makilala sa pagsasalita pagkilos at pagkumpas ang nagtatalumpati ng may tiwala sa sarili.
❖ Wastong pagbibigay ng diin ng mga salita.
❖ Wastong pagkumpas kaugnay sa kanyang binibigkas
❖ Nakakaganyak na tindig, tamang pananamit at relaks na mukha.
❖ Wastong pagtingin (eye contact) sa nakikinig.
❖ Wastong pagbigkas ayon sa ipinahihiwatig ng paksa.
● Kasanayan – Ang kaalaman at pagtitiwala sa sarili ay malaking kontribusyon upang magkaroon ng kasanayan sa
pagsasalita. Mga pamantayan upang lubusang magkaroon ng kasanayan.
❖ Umisip ng simple o payak na paksa maaaring bigkasin.
❖ Gumawa ng balangkas upang maging maayos ang daloy ng kaisipan.
❖ Guamit ng mga angkop na salita, retorika, tayutay o talinghaga batay sa paksa.
❖ Bigkasim ang paksa na may angkop na tinig at intonasyon.
● Pakikipanayam - Pangangalugad ng isang paraan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang harap – harapan.
May apat na uri ng pakikipanayan:
a.) Isahang pakikipanayam – Ito’y paghaharap ng dalawang tao.
b.) Pangkatang Pakikipanayam – Higit sa isa ang kumakapanayam o kinakapanayam
c.) Tiyakan at di-tiyakang pakikipanayam
❖ Tiyakang pakikipanayam – Ang mga tanong ang sasagutin ng tiyakan ng kinakapanayam.
❖ Di – tiyakang pakikipanayam – kapag nagbibigay lamang ng ilang patnubay na katanungang ang
kumakapanayam.
d.) Masaklaw na pakikipanayam - Ang kumakapanayam ay Nagbibigay ng mga tanong na ang mga kasagutan ay mga
opinion, paniniwala, saloobin at pilosopiya sa buhay.
Hakbang sa Pormal na Pakikipanayam
❖ Pagpaplano
❖ Pamimiling lugar sa panayam
❖ Pakikipagpalagayang- loob
❖ Paraan ng pagdadala ng panayam
❖ Pagtatala sa panayam

PAKIKIPANAYAM
�  Ang personal na anyo ng pakikipagtalastasan ng dalawang taong magkasundo na magtatagpo na ang isa sa
kanila’y may layunin at hangad na matupad ang layuning ito sa pamamagitan ng wastong kasagutan mula sa isa.

� Isang pakikipagpulong ng kinatawan ng pahayagan sa isang taong nais niyang kunan ng mga impormasyong
maiuulat o maipapalimbag

� Isang pagtatanong upang makakuha ng impormasyon tulad ng opinyon, kaisipan o tanging kaalaman ukol sa isang
paksang nakakatawag ng kawilihan sa madla na karaniwa'y nagmumula sa tanyag na tao o kilalang awtoridad na
kinakapanayam.

� Ito ang pinakamabilis na paraan ng pagkuha ng mga impormasyon tungkol sa isang pag-aaral o pag auditing
isinasagawa.
� Ito ang pakikipag-usap na karaniwang kinasasangkutan ng dalawang katao. Maari ring isang katao sa pangkat o
pangkat sa isang katao.

� Ito ay may layuning makukuha ng impormasyon tungkol sa kinakapanayam gaya ng mga personal na bagay,
opinyon tungkol sa napapanahong isyu higit sa lahat ang kanyang mga ideya o saloobin tungkol sa paksa o
larangang kung saan siya ay dalubhasa.

2 URI NG PAKIKIPANAYAM
Pormal
� May ginagawang pakikitipan sa pakikipanayamin sa isang takdang araw, takdang oras at takdang lugar

� Isang harapang pag-uusap ng reporter at kanyang pakikipanayamin.

Di-Pormal
� Isang pakikipanayam na walang ginagawang pakikipagtitipan sa isang taong pakikipanayamin.

� Tinatawag din itong “ambush interview”.

� Ito ay biglaang pagtatanong sa mga taong kagagaling sa isang mahalagang paangyayari na nangangailangan ng
pangmadlang kabatiran.

MGA URI NG PAKIKIPANAYAM (8)


� Pakikipanayam sa pagkuha ng impormasyon o information gathering interview ay isinasagawa upang makakuha ng
impormasyon mula sa taong kinakapanayam.

� Pakikipanayam para sa trabaho o employment interview ay isinasagawa sa mga kalahok na naghahanap ng


trabaho sa mga mag-aaral sa unang taon na nagnanais matanggap sa kolehiyo o pamantasan o sa mga mag-aaral
na gustong makapasok sa mga programa sa paaralang gradwado.

� Pakikipanayam upang magbigay payo o counselling interview ay sadyang isinasagawa upang mapatnubayan at
masuportahan ang taong kinakapanayam lalung-lalo na sa gitna ng kanyang mga suliraning personal.

� Mapanghikayat na pakikipanayam o persuasive interview ay naglalayong baguhin ang paniniwala, pananaw o


beheybyor ng taong kinakapanayam.

� Pakikipanayam sa pagbebenta o sales interview ay naglalayon namang humikayat sa mga mamimili upang bumili
ng mga ibinebentang produkto, tulad ng ginagawa ng mga ahente ng seguro, ahente ng gamot, ahente ng alahas,
ahente ng bahay, atbp.

� Pakikipanayam na tumataya o nag-eebalweyt o appraisal interview ay nakakatulong sa pagtataya ng nagawa ng


isang indibidwal kaugnay ng kanyang trabaho na magiging basehan sa pagbibigay sa kanya ng promosyon o
gantimpala o pagtanggal sa kanya sa kanyang katungkulan o pagtulong sa kanya na makilala ang kanyang mga
kalakasan o kahinaan sa pagtatrabaho.
� Pakikipanayam na nag-iimbestiga o interrogative interview na sadya namang dinisenyo upang makakuha ng
impormasyon mula sa taong kinakapanayam sa pamamagitan ng malayang pagsisiyasat.

� Pakikipanayam sa media o media interview ay nagaganap kapag ang tagapanayam ay nagtatanong sa isang
panauhin maging sa radyo o telebisyon.

HAKBANG SA PORMAL NA PAKIKIPANAYAM


Bago Makipanayam
1.Tiyakin muna ang layunin ng pakikipanayam.
2. Pumili ng kakapanayamin na nagtataglay ng mga katangiang natalakay.
3. Itakda ang panayam.
4. Hangga’t maari, kumuha ng pahintulot sa taong kakapanayamin.
5. Hangga’t maari, alamin ang lahat ng nahihinggil sa katauhan ng kakapanayamin.
6. Pag-aralan muna ang paksang tatalakayin sa panayam.
7. Tiyakin ang mga sasaklawing kasangang- paksa at ang panahong gugulin sa panayam.
8. Maghanda ng balangkas o mga bagay na tanong.
9. Magdala ng mga kakailanganing kagamitan tulad ng teyp recorder, vidyokamera, bolpen, papel, at iba pa.
10. Magbihis ng presentable.

Sa Takdang Oras
1. Dumating ng mas maaga sa itinakdang oras na pagkasunduang lugar.
2. Magalang na magpakilala at ipaalala ang pakay.
3. Maging masigla at magtiwala sa sarili.

Sa Oras ng Pag-uusap
1. Maging tuwiran at matalino sa pagtatanong.
2. Magpakita ng kawilihan sa panayam.
3. Huwag gambahin o putulin ang pagsasalita ng taong kakapanayamin.
4. Huwag labis na pakahon sa mga inihandang gabay na tanong, subalit umiwas din sa paglihis sa paksa ng panayam.
5. Makinig nang mabuti.
6. Itala ang mga kakailanganing mahahalagang kaalaman sa di-kapansin-pansing paraan.
7. Huwag makipagtalo sa kakapanayamin.
8. Maging magalang sa kabuuan ng panayam.

Pagkatapos ng Pag-uusap
1. Huwag sa pabigla-bigla sa pagtatapos ng panayam.
2. Iayos kapag daka ang mga datos o inpormasyong naitala.
3. Kung nakateyp ang panayam, itranskrayb agad iyon.
4. Sakaling may alinlangan hinggil sa kawastuhan ng tuwirang sinabi ng taong kinapanayam, makipagkita o makipag-
ugnayan sa kanya nang sa gayo,y maliwanagan at nang maiwasan ang mamis-quote ang panayam.

TALUMPATI

✔ Ang talumpati ay isang kaisipan o opinion ng isang tao na nagpapabatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad
ng isang paniniwala.
✔ Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig.

Talumpati ayon sa Layunin

● Panlibang
● Pampasigla
● Panghikayat
● Pauri
● Pagbibigay galang
● Pagbibigay – kabatiran

TALUMPATING PAMPASIGLA

● Ginagamit ang talumpating ito sa pagtatapos sa mga paaralan, sa pagtatalaga ng mga gusali sa anibersayo ng
mga bantayog na pang-aalala o sa mga kumbensiyon at rally.
TALUMPATING NAGBIBIGAY- KABATIRAN

● Ginagamit ang talumpating ito sa pagbibigay ng panayam o kaya sa panuto.


TALUMPATING PANGHIHIKAYAT

● Ang talumpating ito ay karaniwang narrinig sa mga kampanya sa panahon ng halalan, sa batasan, sa hukuman o
sa simbahan.
TALUMPATING NAGBIBIGAY-GALANG

● Ilan sa mga ganitong uri ng talumpati ay ang talumpating pagsalubong sa bagong kaanib ng isang kapisanan,
talumpating tugon sa talumpating pagsalubong o pagtanggap sa isang tungkulin.
TALUMPATING PAPURI
● Ang talumpati ng pagtatalaga, ang talumpati ng pamamaalam, ang talumpating paghahandog, ang talumpating
pagmumuhangki at talumpating parangal ay mga uri ng talumpating papuri.

TATLONG KATANGIAN NG ISANG MANANALUMPATI (LACHICA, 2001)

A. KAALAMAN
B. KAHANDAAN
C. KASANAYAN

URI NG TALUMPATI

May anim na uri ng talumpati o pananalumpati:

1. Talumpating Pampalibang – Ang manananlumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento.


Kadalasan, ito ay binibigkas pagkatapos ng isang salusalo.

2.Talumpating Nagpapakilala – Kilala rin ito sa tawag na Panimulang Talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na
kung ang pinpapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga taga-pakinig at pukawin ang
kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging tagapagsalita.

3. Talumpating Pangkabatiran - Ito ang gamit sa mga panayam, kombensyon at mga pagtitipong pang-siyentipiko,
diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubahasa sa iba’t ibang larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang
Makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay.

4. Talumpating Nagbibigay-Galang - Ginagamit ito sa pagbibigay-galang at pagsalubong sa isang panauhin,


pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.

5.Talumpating Nagpaparangal – Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga
kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyong tulad ng mga sumusunod ginagamit ang ganitong uri ng talumpati:

● Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi


6. Talumpating Pampasigla - Pumupukaw ito ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan kalimitang
binibigkas ito ng:

● Isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro

URI NG TALUMPATI AYON SA PAMAMARAAN

❖ Biglaan o Daglian (Impromptu) - Walang pagkakataong makapaghanda ang mananalumpati ngunit ang mga
pagkakataong ito ay gaya lamang ng mga simpleng okasyon tulad ng mga contest o pageant na may “Question and
Answer Portion”
❖ Maluwag (Extemporaneous) - ang mananalumpati ay mabibigyan ng maikling panahon para maghanda
pagkatapos mabigyang katanungang o paksa
❖ Handa (Prepared) – Mahabang panahon ang ibinibigayigay para maghanda ang mananalumpati; isinasaulo na ang
isang handang talumpati at pipiliin na lamang ang wasto at mabuting paraan ng pagdeliver.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG/TANDAAN HABANG NAGTATALUMPATI

a. Tindig o Postura - Mahalaga ang tindig o tayo ng nagtatlaumpati.

b. Galaw o Kilos – Tumutukoy ito sa paglipat ng puwesto o ang paggalaw ng katawan.

c. Tinig – Tulad din ng paggalaw, ang tinig ng isang mananlumpati ay naaayon sa piyesa na kanyang binibigkas.

d.Kasuotan – Kailangang disente ang kasuotan ng tagapagsalita o mananalumpati.

e. Bigkas - Mahalaga sa pakikinig ang wasto at tamang pagbigkas ng mga salita ng nagtatalumpati. Kailangang maging
malinaw at matatas ang pagbigkas sa bwat salita na kaniyang bibigkasin.

f. Mukha – Ugaliing tumingin sa mata o mukha ng mga nakikinig. Ang ekspresyon ng mukha ay kailangang angkop sa
damdamin ng talumpati o sa paksang inilalahad.

g. Kumpas – Ginagamit ang mga kumpas upang bigyang-diin ang damdamin at mensaheng nais ipahayag ng
mananalumpati.

MGA KUMPAS SA PAGTATALUMPATI

1. Palad na itinataas habang nakalahad – nagpapahiwatig ito ng dakilang damdamin

2. Nakataob na palad at biglang ibaba – nagpapahiwatig ito ng marahas na damdamin

3. Palad na bukas at marahang ibaba – nagpapahiwatig ng mababang uri ng kaisipan o damdamin

4.Kumpas na pasuntok – nagpapahayag ng pagkapoot o galit o pakikilaban

5. Paturong Kumpas – nagpapakilala ng panduduro, pagkagalit at panghamak

6.Nakabukas na palad na magkalayo ang mga daliri at unti-unting itinitikom – nagpapahiwatig ng matimping damdamin

7. Ang palad ay bukas, paharap sa nagsasalita – pagtawag ng pansin sa alinmang bahagi ng katawan ng nagsasalita

8. Nakaharap sa madla, nakabukas ang palad – ipinapahiwatig nito ang pagtanggi, pagkabahala at pagkatakot

9. Kumpas na pahawi o pasaklaw - nagpapahayag ng pasaklaw sa isang diwa, tao o pook

10. Marahang pagbaba ng dalawang kamay – ginagamit sa pagpapahiwatig ng kabiguan o kawalan ng lakas.

BAHAGI NG TALUMPATI

Nahahati ito sa tatlong bahagi: ang simula, katawan at katapusang;


Simula – sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng paksa kasabay ng stratehiya upang makuha sa simula pa lang ang
atensyon ng tagapakinig.

Katawan – dito nakasaad ang paksang tinatalakay ng mananalumpati

Katapusan o Wakas – ito naman ang buod ng paksang tinatalakay ng mananalumpati. Nakalahad dito ang
pinakamalaks na katibayan, katwiran at paniniwala para makahikayat ng pagkilos mula sa mga tagapakinig ayon sa
paksa ng talumpati.
TALUMPATI

Ang talumpati ay isang kaisipan o opinion ngisang tao na nagpapabatid s apamamagitan ng pagsasalita sa
entablado.

BAKIT MAY STAGE FRIGHT ANG TAO?

✔ Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na xenophobia o stage fright


✔ Ang stage fright ay may mga manipestasyon. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
✔ Panginginig ng kamay
✔ Pangangatog ng tuhod
✔ Kawalan ng ganang kumain
✔ Pananakit ng tiyan
✔ Di pagkatulog
✔ Pananakit ng ulo
✔ Pagka-utal

Dahilan ng Stage Fright

1. Takot sa malaki at di pamilyar na madaling tagapakinig.

2. Di kaaya –ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla.

3. Kakulangan o kawalan ng karanasan sa pagsasalitaa sa harap ng madla.

4. Kakulangan o kawalan ng kahandaan.

5. Kakulangan o kawalan ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.

6. Damdaming kakulangan bunga ng anyong pisikal tulad ng katabaan, kapayatan, di kaaya-ayang mukha o di magandang
postyur.

Tensyon

Kailangan ng bawat tagapagsalita ang tensyon. Ito kasi ang magtitriger sa katawan na lumikga ng adrenalin upang
magtulak sa isang indibidwal na magperform nang higit na mabuti at maging higit na mabuting tagapagsalita.

Mga Mungkahing Para Maminimays ang Stage Fright

1. Magkaroon ng positibong atityud.

2. Magtiwala sa iyong sarili.

3. Tanggapin mo ang iyong sarili.

4. Magkaroon ng marubdob na pagnanasa na maging mahusay na tagapagsalita.

5. Harapin ang takot, huwag mong takasan.


6. Magpraktis nang magpraktis.

7. Isiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at hindi mapanghusga.

8. Magbihis nang naayon sa okasyon.

9. Mag-imbak ng maraming kaalaman.

10. Dumating ng maaga upang maging pamilyar sa lugar at sa madlang tagapakinig.

Ang Mahusay na Talumpati

✔ May layunin – May inaabot na ganapin ang mananlumpati.


✔ Tumutukoy sa Mahalagang Paksa - May kapupuntahan ang talumpati.
✔ Responsible
Ang mananalumpati ay mayroong obligasyon at pananagutan.
Nagpapakita ng personal na kwalipikasyon ng tagapagsalita.
May kapupuntahang talumpati.
Kailangan ang mga magagaling na material.
May kredibilidad at konkretobg basehang talumpati.
✔ Kailangang Analitikal
May timbang
Mahusay na plano sa pagdedeliver ng talumpati
May metodo na sinusunod
✔ Humihikayat at Tumatawag ng Pansin
May nabubuong rapport ang mananumpati at audience.
Maayos ang manner at tono tungo sa pagtatalumpati.
Mahusay na diksyon, lenggwahe at istilo.
Sakto ang gamit ng mga salita at bokabularyo tungo sa audience at kaugnay sa talumpati.
Prinsipyo sa Pagsasalita sa Publiko
✔ Kilalanin ang Sarili
Kung ano ang kaya at hindi na kayang gawin.
✔ Kilalanin ang Iyong Tagapakinig
Alamin ang mga interes nila, kung bakit dapat silang making sa iyong talumpati.
Kumuha ng mga reaksyon mula sa tagapakinig.
Humanap ng feedback mula sa audience. Positibo man o negatibo.
Mangalap/dumiskobre ng mga materyales na may kaugnyan sa paksa.
Importanteng magsaliksik ng mga impormasyon sa inyong topic.
Magbigay ng resonableng argumento.
Pagtibayin ang kredibilidad ng argumento.

HAKBANG SA MAHUSAY NA PAGTATALUMPATI

Pagdedebelop ng paksa

- Kailangang manaliksik ng impormasyon.


- Pag-oorganisa sa bahaging isasama.
- Alamin ang mga interes nila, kung bakit dapat silang making sa iyong talumpati.
Pagtuklas at paggamit ng mga sumusportang materyales

- Paggamit ng mga sumusuportang detalye upang mapagtibay ang talumpati.


Pagsisimula

- Warm – up
Pagwawakas

- Pagbibigay ng konklusyon at karunungan kaugnay sa ideya ng talumpati.


Pagpapraktis

- Isa sa pinakamahalagang hakbang sa pagiging mahusay sa kahit anong bagay o larangan.


Pagdedeliver ng talumpati

- Kasama ang pananamit at mga kaugalian na dapat suriin.

Gawain 1

Obserbahan ang isang brodkaster o talkshow host sa telebisyon. Ilista sa mga kasunod na patlang ang mga
napuna mong positibo at negatibo niyang katangian sa pagsasalita

Inobserbahang Brodkaster o Host:__________________________________________

Programa/ Tsanel:_______________________________________________________

Petsa at Oras:___________________________________________________________

Naobserbahan:_______________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
_________________________

Gawain 2

II.Lagyan ng tsek ang kahon na katumbas ng mga sumusuod na katangian.

Maging matapat sa pag-eeebalweyt ng sarili.

❑ Magiliw akong magsalita at kawili-wiling pakinggan.


❑ Malawak ang aking kaalaman.
❑ Ako ay palabasa
❑ Ako ay palaisip
❑ Mayroon akong mayamang koleksyon ng mga ideya at babasahin.
❑ Tinatanggap ko ang mga ideya ng iba, taliwas man sa aking sariling paniniwala.
❑ Mayroon akong sense of humor
❑ Gumagamit ako ng mga angkop na salita.
❑ Angkop ang aking mga kumpas at kilos sa pagsasalita
❑ Hindi ko iniinsulto o sinasaktan ang damdamin ng aking mga tagapakinig.
❑ Maingat ako sa paggawa ng mga kongklusyon, paratang at batikos.
❑ May panuunan ako ng paningin sa aking mga tagapakinig.
❑ Iniaangkop ko ang aking kasuotan sa iba’t ibang okasyon.
❑ Pinaniniwalaan at isinasabuhay ko ang aking sinasabi.
❑ Wala akong mga mannerisms na nakakadistrak.
❑ Mainam ang aking tindig at postyur.
❑ Maayos at lohikal angpresentasyon ko ng mga ideya.
❑ Iniiwasan ko ang labis na palabok sa pananalita.
❑ Binibigyan ko ng diin ang mga mahahalagang konsepto o kaisipan.
❑ Alam ko kung kalian tatapusin ang pagsasalita.
❑ Iniiwasan ko ang magyabang o himig-pagyayabang.
❑ Mayaman ang aking bokabularyo.
❑ Taglay ko ang mga angkop at inaasahang gawi, personalidad at karakter.

You might also like