Professional Documents
Culture Documents
PILIPINO
A. LAYUNIN
∙ Matutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian sa pananaliksik; ∙
Malikhain at mapanuring mailalapat sa pananaliksik ang konsepto at teoryang local at dayuhan na akma sa
konteksto ng komunidad ng bansa;
∙ Makapagpapahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma
sa kontekstong Pilipino; at
∙ Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan; at ∙ Makapag-aambag sa
pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at
nakaugat sa lipunang Pilipino bilang wika ng pananaliksik nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at bansa.
Panimula
Malaking bahagi ng isang pag-aaral o anomang uri ng pananaliksik ang teorya na nagsisilbing pundasyon ng
kabuuan ng pag-aaral. Ito ang magagamit ng mananaliksik sa pagsusuri ng kanyang mga datos na nakalap at sa pagsagot
ng pangkalahatan at mga espisipikong layunin/tanong ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng teorya, nagkakaroon ng
pagkakataon ang mananaliksik na bumuo ng koneksyon sa pagitan ng abstrakto at ng konkreto. Pero ano nga ba ang
teorya?
B. NILALAMAN
A. KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG MGA TEORYA
∙ Ayon kina Nuncio at Nuncio (2004), ang teorya ay binubuo ng mga pagsasapangungusap ng mga ideya at
dalumat-salita na nagpapaliwanag sa relasyon o pagkakaugnay-ugnay ng mga konsepto tungkol sa kaganapan,
karanasan at phenomenon. Ito ay tumutukoy sa estruktura ng ugnayan sa pagitan ng realidad at dalumat-salita.
Dagdag pa rito, itinuturing na ang teorya ay isang wika at makawika.
∙ Mahalaga ang paggamit ng sariling wika sa pagbuo ng sariling konsepto ng teorya.
∙ Isang wika ang teorya dahil ito ay gumagamit, lumilinang ng mga salitang ‘di payak at nakikipagtalastasan para
maunawaan at mailapat ito sa iba’t ibang tiyak na panukat, domeyn, at kaligiran ng pananaliksik. ∙ Samantala,
binanggit sa aklat na Talaban: Komunikasyon, Pagbasa at Pananaliksik na sa paghahanap ng teoryang gagamitin,
ipinapayong dapat itong suriing mabuti ng mananaliksik upang maisaalang-alang ang kaugnayan nito sa paksa at
balangkas ng pag-aaral.
∙ Tandaang malaki ang magiging epekto nito sa kabuuan ng pananaliksik, partikular na sa pagsusuri ng mga datos
kung maling teorya ang mapipili. Kaya naman iminumungkahi na dapat maging malinaw ang pagtalakay ng
mananaliksik sa teoryang pinili (Geronimo, et al., 2017).
∙ Kaugnay nito, sa konteksto ng maka-Pilipinong pananaliksik, hindi uunlad ang wika ng teorya at pagteteorya sa
Araling Filipino kung hindi wikang Filipino ang gagamitin, liban na lang sa kung nasa ibang bansa na ibayong
pananaw ang ginagamit o Filipinong nasa Ingles ang kinalululanan nila (Nuncio at Nuncio, 2004)
B. TEORYANG MARXISMO TUNGO SA KAPAYAPAANG NAKABATAY SA KATARUNGAN
∙ Ang Marxismo ay isang kalipunan ng mga sosyalistang doktrina na itinatag ni Karl Marx at Friedrich Engels na may
matibay na paniniwalang ang kapitalistang lipunan ang tunay na dahilan ng paghihirap ng mga taong nananahan
dito.
∙ Sa pangkasaysayang konteksto nito, ang isang kapitalistang lipunan ay binubuo ng mga kapitalista na siyang
nagmamay-ari ng kapital o namumuhunan at ng mga manggagawang gumagawa sa kapakanan at kayamanan ng
kapitalista (Timbreza, 2002).
∙ Sa ganitong kaayusan, sinasabi ng mga Marxista (naniniwala sa Marxismo) na dehado ang kalagayan ng mga
manggagawa dahil sa kinakasangkapan lamang sila ng mga nasabing kapitalista habang patuloy sila sa
pagkakamal ng salapi at pagyaman.
∙ Samakatuwid, nais ng mga Marxista ang isang klasles na lipunang may tunay na kalayaan, pagkakapantay – pantay at
katarungan. Sa lipunang yaon ay wala nang maniniil ( Timbreza, 2002)
∙ Ayon pa kay Timbreza (2002), sa konteksto ng lipunang Pilipino, ang Partido Komunista ng Pilipinas o Communist
Party of the Philippines at National Democratic Front ang mga nagtataguyod ng ilang simulain at pangangaral ng
Marxismo.
∙ Naniniwala ang mga miyembro ng nasabing organisasyon na ang paghihirap ng mga Pilipino mula noon hanggang sa
kasalukuyang panahon ay produkto ng kawalan ng pagkakapantay –pantay sa lipunang Pilipino bunsod sa
pananaig ng kapitalismo sa bansa at paghahari ng iilang pamilya.
C. GAWAING PAMPAGKATUTO
Pangalan: _____________________________ Kurso at Seksyon: ______________________ Pananaliksik
Panuto: Magsaliksik hinggil sa paksang “Mga Kritikal na Diskurso sa Globalisasyon”. Huwag kalimutang ilagay ang mga
sanggunian.
_________________________________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________________________________
_
Bernales, Rolando A., Ravina, Elimar A. & Zafra, Reynele Bren G. 2019. Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Malabon
City: Mutya Publishing House Inc.
G. RUBRIKS
Pananaliksik
Komponent Higit na Mahusay Hindi Hindi Puntos /
mahusay 6-8 gaanong mahusay 0- Marka
9-10 mahusay 2
3-5
Pagtataya
Komponent Higit na Mahusay Hindi Hindi Puntos /
mahusay 9-10 6-8 gaanong mahusay 0- Marka
mahusay 2
3-5