You are on page 1of 3

MGA PILOSOPIYA AT TEORYASA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO1

Acquire
Pagpapahayag ng Manimdim na Pag-iisip1

Ang mga sumusunod na kataga o larawan ay may kaugnayan sa pang-araw-araw na buhay.


Ilarawan at isulat sa kahon ang naiisip mo?

1. 1Ang may malinis na kalooban ay walang kinakatakutan.

- Ang takot ay isang pakiramdam na nadarama kung tayo ay may ginawa na hindi kaaya-aya o
nasa panganib. Ang salawikaing ito ay nagpapahiwatig na kung sino ang siyang may mabuting
puso at nasa katuwiran ay hindi madaling makaramdam ng pagkabahala sa kaloob-looban.
Nabibilang ang pagiging matapat sa halimbawa ng may malinis na kalooban. Kung tayo ay tapat
hindi maipagkakaila na tayo ay may kapayapaan sa isip at puso, at tiyak na ang ligalig ay
mapapawi.

2. Kagandahang Asal ang tanging Yaman

- Ang asal ang siyang pangunahing isinaalang-alang sa pagkakilanlan ng isang indibidwal.


Nagsisilbi itong tanging yaman sapagkat isa ito sa mga bagay na hinding-hindi mananakaw sa
ating pagkatao. Ito ay yaman na hinuhulma kung ano at sino tayo.

3. Graduation Cap

- Sa gitna ng paghihirap may isang tagumpay na katapat. Bilang mag-aaral, ang pangunahing
layunin natin ay makatapos upang makatulong sa magulang. Ito ay hangad ng karamihan, ang
tagumpay na inaasam-asam sa kabila ng hamon na mayroon ang buhay.

4. Ang magalang na sagot, ay nakakapawi ng poot

- Ang pagkamagalang ay isang ugaling wagi na kinakailangang matutunan ng lahat ng kabataan.


Nang sa gayon ay sa kanilang paglaki, kanila itong maisabuhay sa lahat ng bagay. Mapapansin
natin na kung tayo ay magalang sa ating kapwa, may pagkakataon na tayo ay igagalang din.

5. Edukasyon sa Pagpapakatao

- Maraming indibidwal na may pinag-aralan subalit kulang sa asal at pagpapahalaga sa kapwa.


Tunguhin ng edukasyon ang pagturo sa mga tauhan ng magandang asal, kabutihang panlahat at
pakikipag-ugnayang sosyal. Sa asignaturang ito nahuhubog ang ating pagkatao at
pakikipagkapwa.

#NagagawaKo
Pumili ng tatlo (3) sa limang (5) Pilosopiya at mga Batayang Teorya ng PagtuturoPagkatuto ng
Edukasyon sa Pagpapakatao. Sa ibabang bahagi ng Teorya, isulat ang iyong sariling pagkatuto
(karanasan) na may kaugnayan sa teoryang napili.

2Pilosopiya 1 - Pilosopiyang Personalismo


* Elementarya pa lang ay tinuturo na sa paaralan ang mabuting asal. Ang aking karanansan na
nagpapatunay sa pilosopiyang ito ay ang pag-iwas mismo sa mga walang kabuluhang bagay
katulad na lamang ng pag-inom ng alak, paninigarilyo at pagsugal ng ilegal. Bukod pa riyan,
natutunan ko rin ang paggalang sa mga nakatatanda, pagkamatulungin at lalong-lalo na ang
pagkamasunurin sa magulang. Ilan lamang ito sa mga kabutihang asal na mismo sa aking sarili
ay naisasabuhay ko ng walang pag-alinlangan.

Pilosopiya 2 - Teorya ng Pagkatuto ng konstruktibismo (David Kolb)

* Sa aking pagbalik tanaw, ako ay may maraming pangarap na nagdadalawang-isip kung ano
nga ba ang makabubuti at angkop para sa akin na propesyon. May doktor, inhinyero, punong
tagapagluto at guro, mga pangarap na mayroon ako simula ng ako'y mamulat sa mundo ng
reyalidad. Ngunit sa paglakbay ng panahon, aking napagmuni-muni ang kapasidad na maaaring
makakaya lamang ng aking magulang. Ang suporta na kanilang maibibigay moral man o
pinansyal. Bilang panukat sa pagpasya hinggil sa anong tamang gawin at sa hindi, natutunan ko
na magtala muna ng kalamangan at kawalan bago maglagda ng pasya sa isang bagay.

Pilosopiya 3 - Teorya ng Career Development (Ginzberg, et. al. at Super)

* Masasabi ko sa aking sarili na may malaking pagbabago na nabubuo sa aking pag-iisip. Noong
una, magiging guro ako pagdating ng panahon sapagkat may malaking sweldo ito na maaaring
makatulong sa aking mga magulang at matustusan ang kanilang mga pangangailangan.
Datapwa't simula ng aking naunawaan ang kurso na mayroon ako ngayon, gusto ko na ring
magturo hindi lang para makatulong sa pamilya kundi pati na rin para matulungan ang mga
kabataan upang hindi maging mangmang at maibahagi ko ang aking mga natutunan bilang
pangalawang magulang sa loob ng paaralan.

OUTPUT#2

Hamon sa Dulo ng Tagumpay


"Indaaaaaaay!", sigaw ni Inay. Tila ako'y nasa alapaap pa ngunit tinig ni Nanay ang unang
bumungad sa aking tainga. Binuksan ko ang aking malaalmendras na mata, nanalangin, sinuklay
ang maitim at mahabang buhok, at tinupi ang higaan bago lumabas ng silid. Malaarumang amoy
at bibig ni Inay na talak ng talak ang bumungad sa akin sa hapag.

"Naku! Nakamamatay na sakit pala ang dala ng Covid 19 na iyan. Kaya mag-ingat kayo kung
nasa labas at dumistansya sa mga tao para hindi mahawaan." , tugon niya pa. Nakakalungkot
isipin na nasa ika-tatlong taon na sana ako ng kolehiyo subalit naganap pa ang mapanganib na
pandemyang ito. Wari ay sinusubok talaga tayo ng panahon bilang tagapagturo sa hinaharap,
mga hamon na maaaring ilalapat sa tinatawag na "new normal" na inaasahang hindi magtatagal
at maibabalik pa ang karaniwang pagtuturo ng mga guro.

Bilang tugon sa pagtuturo-pagkatutong paraan ng pag-aaral, ang mabuting gawi ang siyang
makabuluhang pangangailangan na karapat-dapat isulong sa panahong ito. Sariling disiplina,
makinig sa magulang at tumalima sa hakbang na isasakatuparan ng pamahalaan upang
matugunan ang kaligtasan ng bayan. Makakamit lamang ito mula sa personal na kagustuhan na
may tinataglay na tunay na pagmalasakit sa kapwa at hangad ang kabutihang panlahat.

Gayunman, kahit na umusbong ang sakunang kinatatakutan sa kasalukuyang panahon, dapat


walang puwang ang salitang pagsuko sa bawat kabataan na nag-aaral. Hindi natin ito inaasahan
kung kaya't maaari tayong mag-isip ng hakbang upang maitaguyod natin ang kahirapan sa pag-
aaral na dala ng "new normal". Isipin natin ang ating magulang, mga mahal sa buhay na
tiwalang tayo'y makapagtapos. Mga pasyang maraming dapat isaalang-alang kung maihahatid
ba tayo nito sa rurok ng tagumpay o umpisa pa lang ng pagbagsak na walang humpay.

"Gumising ka na riyan!", napabalikwas ako sa aking higaan nang sabuyan ni Inay ng malamig na
tubig ang aking mukha. Wari'y isang panaginip na likha ng aking munting isip ang mga pananaw
na inilahad at pamaraang inihayag. Ano iyong Pilosopiyang Personalismo at Teoryang Career
Development na ibinunyag ng aking isipan? Ang pandemyang nakakakilabot na kayang wakasan
ang bawat buhay, totoo ka ba o isang kathang-isip na kinakailangang mabura? Ikaw anong
masasabi mo sa kaisipang Pilosopiya at Teorya ng Edukasyon sa Pagpapakatao bilang guro sa
hinaharap, hinggil sa pandemyang mayroon ang mundo? Halina't bigyan mo ng karagdagang
paghinuha ang konseptong ito na tumutukoy sa kabutihang pantao.

You might also like