You are on page 1of 4

Instructional Planning

(The process of systematically planning, developing, evaluating and managing the


instructional process by using principles of teaching and learning - D.O. 42, s. 2016)

Detailed Lesson Plan (DLP) Format


DLP Blg.: Asignatura: Baitang: Kwarter: Oras(haba): Petsa:
  ARALING PANLIPUNAN VI UNA 50 HULYO 8,2019
Gabayan ng Pagkatuto: Natatalakay ang pagtatag at paglaganap ng Katipunan Code:
(Taken from the Curriculum Guide)  AP6PMK-Ic-5
Ang nagpalunsad sa Himagsikan ay mai-uugat sa mga panlabas at panloob na mga sanhi.
Susi ng Konsepto ng Pag- 1. Ang panlabas na sanhi ay ang pagbukas ng Pilipinas sa pandaigdigang
kalakalan, dala ng pagbukas sa Kanal ng Suez noong 1869.
unawa 2.Ang panloob na sanhi ay ang walang-katarungang pagbitay sa GOMBURZA .
Naniniwala ni Bonifacio na isang sandatahang pag-aalsa, at hindi reporma lamang, ang makapagbabago sa kalagayan ng bansa.
Adapted Cognitive
Domain Process Dimensions Mga Layunin:
(D.O. No. 8, s. 2015)
Knowledge Remembering
 
The fact or condition (Pag-alala)
of knowing something
with familiarity gained Understanding Natatalakay ang dahilan ng pagkatatag ng katipunan
through experience or (Pag-unawa)
association

Skills Applying Nakakagawa ng maikling talata tungkol sa kahalagahan ng pagtatag ng Katipunan


The ability and capacity (Pag-aaplay)
acquired through
deliberate, systematic, Analyzing
and sustained effort to
smoothly and adaptively
(Pagsusuri)  
carryout complex Evaluating
activities or the ability,
coming from one's (Pagtataya)  
knowledge, practice,
aptitude, etc., to do Creating
something (Paglikha)  
Attitude Responding to Natatalakay ang pagiging disiplinadong mag-aaral at marunong makikiisa sa kapwa mag-
(Pangkasalan) Phenomena aaral

Values Naipapakita ang pagpapahalaga ng mga bayaning Pilipno na nakiisa sa pagtatag ng


Valuing Katipunan
(pagpapahalaga)
Samahang Katipunan
2. Content (Nilalaman)
Projector / LED TV, manila paper, pentel pen, bondpaper,
3. Learning Resources CG,Batayang Aklat-Yaman ng Pilipinas, Makabayan:Kasaysayang Pilipino, Pilipinas:
(Kagamitan) Bansang Papaunlad at AP Kasaysayan ng Mamayan ng Pilipinas mga Hamon at Tugon
sa Pagkabansa K-12
4. Pamamaraan
4.1.Panimulang Pagbabalik-aral
Gawain: Ipakita sa buong klase ang larawan o “video clip” ng mga taong nagpoprotesta sa pamamagitan ng projector.

http://pinoyweekly.org/new/wp-content/uploads/2009/12/human-rights-rallies-2.jpg
http://pinoyweekly.org/new/wp-content/uploads/2009/06/against-carper6.jpg

Itanong ang mga sumusunod:


1. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?
2. Ano sa tingin ninyo ang ipinapahiwatig sa larawan?
3. Bakit kaya nila ito ginagawa?
4. Sa inyong palagay,nagkaroon kaya ng ganitong pangyayari noong unang panahon?

4.2. Mga Magkaroon ng pangkatang gawain gamit ang KWL.


Gawain/Estratehi
ya: Know What Learn
(Ano ang alam?) (Ano ang gustong (Ano ang natutuhan?)
mapag-aralan)
Panuto:
1. Hatiin ang buong klase sa apat na pangkat.
2. Pumili ng Lider, Tagabuod/Tagatsek,Tagapagtala at Taga-ulat
3. Bawat pangkat ay bibigyan ng guro ng envelope na nglalaman ng mga kagamitan tulad ng marker,pandikit at
tsart ng KWL at punan nila ito ayon sa hinihiling na mga paksa:
*La Liga Filipina
*GOMBURZA
*Kilusang Propaganda
*Samahang Katipunan
4. Sagutan lamang ang una at ikalawang hanay.
Sabihin: Sa bawat pangkat may nakalaan na tig-iisang paksa na kailangan ninyong sagutan gamit
ang tsart. Ang napiling lider ang siyang mamumuno sa kanyang pangkat.Ang tagabuod / tagatsek ay ang
maglilikom sa lahat ng sagot galing sa ibang miyembro ng pangkat at pagtutulungang piliin ang tamang sagot.
Ang napiling tamang sagot ang siyang isusulat ng tagapagtala. Lahat ng sagot na naitala sa tsart ang siyang
iuulat sa tagapag-ulat.
4.3. Pagsusuri: Pagsusuri sa pangkatang ginawa at itanong:
1. Ano ang nararamdaman ninyo sa inyong ginawa?
2. Nakatapos ba ang lahat ng pangkat?
3. Sa mga pangkat na nakatapos, paano ninyo ito ginawa?
4. Sa hindi naman nakatapos, ano ang inyong nararamdaman?
5. Ano sa palagay ninyo ang dahilan kung bakit hindi ninyo natapos ang inyong ginawa?
Sabihin: Tulad ng inyong naranasan at naramdaman noong unang ‘’panahon ay nakaranas na rin sila nang di
pagkaka-unawaan/ di pagkakaisa na nagdulot ng himagsikan.
4.4. Sa pamamagitan ng slide presentation ay maipapakita ang mga larawan ng pang-aabuso ng mga Kastila sa
Pagtatalakay: ating mga kababayan noong unang panahon na sanhi ng pag-aalsa para makamtan ang kalayaan.

http://userscontent2.emaze.com/images/6da3dd9d-49f7-4f96-969a-
aa32f97976d2/635380996403982296_Slavesruvuma.jpg

Talakayin:
Gamit ang powerpoint presentation ipabasa sa mga bata ang mga dagadag na impormasyon:
Nang magsimula ang Himagsikan, mahigit 200 taon nang pinamumunuan ng mga Kastila ang Pilipinas.
Noong panahong iyon, nasa kamay ng mga nangangasiwa sa Intramuros at sa mga prayle ang kapangyarihan
sa kolonya, kahit sa katotohanan, sa prayle lang talaga ang kapangyarihan noon, dahil sa hawak nila sa mga
karaniwang tao. Pinahirapan ng mga Kastila ang mga katutubo (o sa termino ng mga Kastila,  indio) sa
pamamagitan ng sobrang pagpapabubuwis at sapilitang pagpapagawa ( polo)

Kung ano ba ang nagpalunsad sa Himagsikan ay mai-uugat sa mga panlabas at panloob na mga
sanhi.
1. Ang panlabas na sanhi ay ang pagbukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, dala ng
pagbukas sa Kanal ng Suez noong 1869. Bukod sa mga produkto galing sa ibayong dagat, mga kaisipan tulad
ng kalayaan at kasarinlan ay dumaan sa Suez at papunta sa Pilipinas-bagay na di lubos na nagustuhan ni ng
mga nangangasiwa kulunyal o ng praylokrasya. Ang mga taong binago ng mga kaisipang ito ay siya ring
nakinabang sa mapagkakakitaang kalakalang ito-ang mga ilustrado . Pinadala ng mga ilustrado  ang kanilang
mga anak sa mga pamantasan sa Europa, kung saan sinimulan ng marami sa kanila (sina Rizal,Lopez-Jaena,
atbp) ang nagtatag ng Kilusang Propaganda.
2. Ang panloob na sanhi ay ang walang-katarungang pagbitay sa GOMBURZA . Isang paring Pilipino,
si (Padre Pedro Pelaez) ang nagpasimuno ng isang kilusang sikularisasyon noong kalagitnaan ng ika-19 na
siglo. Layon ng kilusang ito na ibigay sa mga paring katutubo ang mga parokya na hawak pa noon ng mga
Kastilang pari.

Ang Kilusang Propaganda


Itinatag ng mga ilang mag-aaral sa europa ang kilusang propaganda, gulat sa kaibahan ng Espanya
sa kanyang kolonya sa Timog-Silangang Asya. Layon ng kilusang ito,na pinamunuan nina Jose Rizal, Marcelo
del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, tulad ng sekularisasyon at gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
Ginamit nila ang paraan ng pagsusulat upang maipahayag ang reklamo nila. Isinulat ni Gregorio Sanciangco
ang El Progreso de Filipinas na tungkol sa mga patakaran ng mga kastila na di-makatarungan tungkol din ito
sa economical state ng Pilipinas noong panahong iyon. Isa sa mga patakarang ito ay ang pagpataw ng mga
Kastila ng mataas na buwis sa mga Tsino, Mestisong Tsino at Pilipino.

La Liga Filipina
Pagkatapos ang pagbalik ni Rizal sa "[Pilipinas]" noong 1892, itinatag niya ang  La Liga Filipina . ito
ay isang samahang pilipino noong taong ding yaon. Layunin ng kilusang ito, na kinabibilangan ng mga tulad
nina Andres Bonifacio at Apolinario Mabini, na ituloy ang programa ni Rizal na panloob na reporma sa
Pilipinas. Hindi nagustuhan ng mga Kastila ang pagtatag sa kilusang ito (ito'y marahil sa isa sa mga nakasaad
sa kasulatan ng Liga), na naghihikayat ng "pagtatanggol laban s isang batang paslit na pinatay na wala lang at
noong Hulyo 7  ay dinakip si Rizal at itinapon sa Dapitan  sa lalawigan ng Zamboanga .

Samahang Katipunan
Nang madakip si Dr. Jose Rizal, umigting ang paniniwala ni Bonifacio na isang sandatahang pag-
aalsa, at hindi reporma lamang, ang makapagbabago sa kalagayan ng bansa. Higit sa lahat, ninais niya na
tuluyang lumaya sa kamay ng mga Kastila. Sinasabi sa aklat ni Teodoro Agoncillo na: “Mula nang itatag niya
ang Katipunan hanggang sa sumiklab ang himagsikan, si Bonifacio ang tunay na Supremo at kaluluwa ng
kilusang may layong hanguin ang bayan sa kaalipinan. Utang sa kanya ang pagkakaroon ng himagsikan na sa
kasaysayan ng Pilipinas ay siyang pinakamakulay at pinakamahalaga.” Ang Katipunan Noong Hulyo 7, 1982,
matapos hulihin ng mga Kastila si Dr. Jose Rizal nagpulong sa isang maliit na bahay sa Daang Azcarraga
ngayo’y Claro M. Recto, sina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at ilan pang kasama. Itinatag
nila ang Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK ito ang Katipunan. Sa
simula ng pagkatatag nito, ang Katipunan ay naglayong pukawin ang damdaming nasyonalismo at ibalik ang
kalayaan ng mga Pilipino. Naniwala din ang mga Katipunero na kailangan ng pagkakaisa upang makamit ang
minimithing kalayaan. Kaya naman pinagyaman nila ang pagtutulungan, pagmamahal sa bayan, ang
pagkakapantay-pantay, at pagkakapatiran ng mga Pilipino. Ngunit higit sa lahat, itinaguyod ng samahan ang
pamamaraang mabagsik at pangahas – ang pag-aalsa. Noong una’y isang lihim na samahan ang Katipunan.
Ang mga miyembro ay palihim kung magpulong. Ang pagpaparami ng miyembro ng samahan ang unang
pinagtuunan ng mga gawain ng mga Katipunero. Pangalawa ang pagtatalakay at pagpaplano ng mga gawaing
nagpapakita ng pagtutulungan, pagmamahal sa bayan at pagkakapatiran.
Tatlong layunin ang isinulong:
(1) kasarinlan para sa bayan,
(2) pagtuturo ng kagandahang-asal sa pag-iisip at paggawa, pagtatakwil sa mga bulag na paniniwala, at
(3) pagtatanggol sa maralita at mahihina. Nakapaloob ang mga ito sa Kartiya ng Katipunan na binuo ni
Emilio Jacinto, ang tinaguriang Utak ng Katipunan

Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa nabasang impomasyon:


1. Ano ang Kilusang Propaganda?
2. Sinu-sino ang tatlong paring nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan?
3.Anu-ano ang natamo ng Kilusang Propaganda para sa Pilipinas?
4. Ano Ang La Liga Filipina?Anu-ano ang layunin nito?
5. Ano ang layunin ng samahang Katipunan?
6. Paaano naiiba ang Katipunan sa Kilusang Propaganda at La Liga Filipina?
7. Sinu-sino ang namumuno sa Katipunan?

4.5. Paglalapat: Sa inyong kalahating papel gumawa ng isang talata tungkol sa kahalagahan ng pagtatag ng Samahang
Katipunan.

5.Pagtataya: Isulat ang titik sa tamang sagot:


_____1. Sino ang kinilalang Supremo ng Katipunan? A.Pahayagan ng Katipunan
_____2. Siya ang kinilalang Utak ng Himagsikan B.Andress Bonifacio
_____3. Ang pagkaaresto kay Rizal ay C.Pagsisimula ng
nagbigay daan sa Rebolusyon
_____4. Ang Kartilya ng Katipuan ay nagsilbing D.Emilio Jacinto
6.Takdang Lumikom ng mga larawan ng kahit dalawang bayaning Pilipino sa panahon ng mga Espanyol.Ilagay ang mga
Aralin: larawang ito sa isang bondpapaer. Lagyan ng maikling pagpapaliwanag ng mga kontribusyon para
mapahalagahan ang bawat bayani.
7. Pagtatala o Muling balikan ang pangkatang ginawa. Tumawag ng 5-8 bata na sasagot sa huling hanay o kolum tungkol sa
Panapos na kung ano kanilang natutuhan.
Gawain/Pagninila
y:

Inihanda ni:
Pangalan: JOAHER G. SODICTA Paaralan: MANGYAN ELEMENTARY SCHOOL
Posisyon: TEACHER I Sangay: CEBU PROVINCE
Telepono: Email Address:

You might also like