You are on page 1of 13

DLP Blg.

1 Asignatura: ARALING PAN Baitang: 4 Markahan: 4th Oras:40minuto

Mga Kasanayan 1.0 Natatalakay ang pagkamamamayang Pilipino Code:


1.1Natutukoy ang pagkamamamayang Pilipino AP4KPB-Iva-b-1
Susi ng Pag – unawa sa Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa
Lilinangin: ayon sa itinakda ng batas.
Mga Layunin
Kaalaman Nasusuri ang pagkamamamayang Pilipino

Kasanayan Naitatala ang pagkamamamayang Pilipino ayon sa Artikulo IV,Seksyon 1 ng Saligang Batas ng
1987
Kaasalan Naipapakita nang tama ang mga katangian ng pagkamamamayang Pilipino.

Kahalagahan Napapahalagahan ang pagkamamamayang Pilipino.

2.Nilalaman Ang Pagkamamamayang Pilipino

3.Mga Kagamitang Projector , laptop,larawan ng ibat ibang mamamayang Pilipino,mapa ng Pilipinas,larawan ng


Pampagtuturo isang mamamayang Pilipino,envelop,pandikit,manila paper,at pentel pen
4.Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng isang mapa na napapalibutan ng ibat ibang mga
( 2 minuto) mamamayan.

Itanong:
1.Sino sino ang mga mamamayang napapalibut sa isang mapa?
2.Paano mo masasabi na ang mga tao ay mamamayang Pilipino?
3.Ano ang mga batayan ng pagka-Pilipino?
4.Ikaw,natitiyak mo bang ikaw ay mamamayang Pilipino?

Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima.


4.2 Mga Gawain /
Estratehiya (8 minuto) A.Bawat grupo ay bigyan ng ginupit na larawan ng isang mamamayang Pilipino na may hawak ng
bandila ng Pilipinas ,na nasa loob ng malaking ginawang envelop,pandikit, at manila paper.
B.Bigyan ng limang minuto ang bawat grupo para buuin ang larawan.
C.Dapat maging maayos sa pagkadikit at pagkabuo ang larawan.
D.Ang grupong mauunang makabuo ay magkakaroon ng 10 points.

Pagsusuri sa binubuong puzzle.


4.3 Pag-susuri ( 2 Itanong:
minuto)
1.Ano ang larawang nabuo?
2.Ano ang simbolo na hawak ng mamamayang Pilipino?
3.Sino sino ang mga mamamayang Pilipino?
Sa pamamagitan ng projector ay maitatalakay ng maayos kung ano ang pagkamamayang
4.4 Pagtatalakay(12 Pilipino.Ilahad ang mga sumusunod na mga impormasyon.
minuto
Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa
ayon sa itinatakda ng batas.Hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay mamamayan nito dahil
may mga dayuhang nakatira dito na maaaring hindi kasapi nito.halimbawa,ang mga dayuhang
naninirahan lamang dito sa ating bansa upang mag-aaral,mamasyal,o makipagkalakal,ay hindi
maituturing na Pilipino dahil sila ay mamamayan ng ibang bansa.Sino ang mamamayang
Pilipino?

Ang Mamamayang Pilipino

Ayon sa Artikulo IV,Seksyiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987, maituturing na mamamayang


Pilipino ang sumusunod:

1.Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987 noong Pebrero 2,1987
2.Ang ama o ina ay mamamayng Pilipino
3.Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang enero 17,1973 sa mga inang Pilipino na pinili
ang pagkamamamayang 1973 sa mga inang Pilipino na pinili ang pagkamamamayang Pilipino
pagsapit ng 21 taong gulang
4.Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas ng naturalisasyon

Ayon din sa Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 187 ,ang isang mamamayan ng Pilipinas na
nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili
niyang sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang napangasawa.

Batay naman sa Republic Act 9225 na nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo
noong Seyembre 17,2003,ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng
ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling maging mamamayang
Pilipino.Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkakamayan (dual citizenship) .Kailangan lamang
na aplayan niya ito at patunayan sa pamamagitan ng kaniyang setipiko ng kapanganakan mula
sa national statistics Office (NSO) na ang kaniyang mga magulng o ia man sa kanila ay
mamamayang Pilipino saan man siya ipinanganak.

Pagkatapos magbasa ay itanong ang mga sumusunod:

A.Ano ang ibig sabihin ng pagkamamamayang Pilipino?


B.Anong artikulo ang nagsasaad na maituturing na ikaw ay isang mamamayang Pilipino?
C.Kailan pinagtitibay ang Saligang Batas na ito?
D.Mahalaga ba sayo ang pagka mamamayang Pilipino?Bakit?
E.Paano mo maipagmalaki ang pagka mamamayang Pilipino?

Ang guro ay tatawag ng 2-3 mag-aaral at itanong ang mga sumusunod:

a.Ano ang ibig sabihin ng dual citizenship?


b.Sino ang lumagda sa Republic Act 9225?
c.Ano ang kailangan kung aaplayan niya ang dual citizenship?

Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa


ayon sa itinakda ng batas.
Tingnan ang dayagram.Isulat sa loob ng malilit na bilog ang maituturing na mamamayang Pilipino
4.5 Paglalapat. ayon sa Artikulo IV,Seksyon 1 ng Saligang Batas ng 1987.
(6 minuto)

Ang Mamamayang Pilipino

4.6 Pagtataya Sagutin ng TAMA o MALI.Isulat ang sagot sa kwadernong pasulit.


( 6 minuto )
______1.Ang pagkamamamayang Pilipino ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro
ng isang bansa ayon sa itinakda ng batas.
______2.Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas ng
naturalisasyon.
______3.Ang ama o ina ay hindi mamamayang Pilipino.
______4.Walang kailangang dalhin at gugustuhin lang ng tao kung maging Pilipino o Amerikano.
______5.Nilagdaan ni Pres.Rodrigo Duterte ang Republic Act 9225 ayon sa pagka magiging
“dual citizenip”.

Magsaliksik pa ng ibang impormasyong ukol sa mga pamamaraan ng pagiging Pilipino.


4.7 Takdang - Aralin Isulat sa kwaderno ng araling panlipunan ang mga nalikom na impormasyon at ilahad ito sa klase
(2 minuto ) bukas.
4.8Paglalagom / a.Ang guro ay tatawag ng 3-5 mag aaral upang makapagbibigay buod sa paksang tinatalakay.
Panapos na Gawain
(2 minuto)
Prepared by:
Name: Ana Marie C. Evangelista School: Sabang Elementary School
Position/Designation: Teacher I Division: Danao City Division
Contact Number : 09238987131 Email Address: anamarieevangelista41@gmail.com
DLP Blg. 2 Asignatura: ARALING PAN Baitang: 4 Markahan: 4th Oras:40minuto
1.0 Natatalakay ang dalawang uri ng Mamamayang Pilipino
Mga Kasanayan 1.1 Natutukoy ang mga katangian ng isang dayuhan na nais maging Code:
naturalisadong Pilipino AP4KPB-Iva-b-1

Susi ng Pag – unawa sa Ang mga dayuhan y maaaring maging mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng prosesong
Lilinangin: naturalisasyon.
Mga Layunin
Kaalaman Naipapaliwanag ang dalawang uri ng mamamayang Pilipino

Kasanayan Naitatala ang mga katangian ng isang dayuhan na nais maging naturalisadong Pilipino

Kaasalan Naipapahayag ng masigasig ang pangangalaga bilang isang mamamayang Pilipino

Kahalagahan Nabibigyang-halaga ang pagiging responsabling mamamayang Pilipino

2.Nilalaman Dalawang Uri ng Mamamayang Pilipino


Mga Katangian ng Isang Dayuhan na nais Maging Naturalisadong Pilipino
3.Mga Kagamitang Projector , laptopkartolina strips,manila paper,at pentel pen,pandikit
Pampagtuturo
4.Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Pagbabalik-aral at pag-uusapan ang Pagkamamamayang Pilipino.
( 2 minuto)
1.Ano ang ibig sabihin ng pagkamamamayang Pilipino?
2.Anong artikulo ang nagsasaad na maituturing na ikaw ay isang mamamayang Pilipino?
3.Kailan pinagtitibay ang Saligang Batas na ito?
4.Mahalaga ba sayo ang pagka mamamayang Pilipino?Bakit?
5.Paano mo maipagmalaki ang pagka mamamayang Pilipino?

-Alam nyo ba na may dalawang uri ang mamamayang Pilipino?


-Ano ang dalawang uri ng mamamayang Pilipino ?
-Ano ano kaya ang mga katangian ng isang dayuhang na nais maging naturalisadong Pilipino?
Pangkatin ang mga mag-aaral sa anim.
4.2 Mga Gawain /
Estratehiya (8 minuto) A.Ang unang tatlong grupo ay bigyan ng ginupit na kahulugan sa isa mga uri ng mamamayang
Pilipino na nasa loob ng envelop,pandikit, at manila paper at pangalawang tatlong grupo ay ang
larawan ng Kongreso ng Pilipinas.Ibigay sa ikalawang grupo ang isa pang envelop.
B.Bigyan ng limang minuto ang bawat grupo para buuin ang isang pangungusap.
C.Dapat maging maayos sa pagkadikit at pagkabuo ang kahulugan nito
D.Ang grupong mauunang makabuo ay magkakaroon ng 10 points
Pagsusuri sa binubuong puzzle.
4.3 Pag-susuri ( 2 Itanong:
minuto)
1.Ano ang pangungusap na nabuo?
2.Ano ang dalawang uri ng mamamayang Pilipino?
Sa pamamagitan ng projector ay maitatalakay ng maayos ang mga uri ng mamamayang Pilipino
4.4 Pagtatalakay(12 at ang mga katangian ng iang dayuhn na nai maging naturalisadong Pilipino.Ilahad ang mga
minuto sumusunod na mga impormasyon.

May dalawang uri ng mamamayang Pilipino.Ito ay ang likas o katutubo at naturalisado.

*Likas o Katutubong Mamamayan.Ang likas na mamamayan ay anak ng isang Pilipino.Maaaring


isa lamang sa kaniyang mga magulang o pareho ang Pilipino.

*Naturalisalisadong Mamamayan.Ang naturalisadong Pilipino ay mga dating dayuhan na naging


mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon.

Ayon sa Commonwealth Act No.475 ,ang isang dayuhan ay maaaring maging mamamayang
Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon.

Ang naturalisasyon ay isang legal na paraan kung san ang isang dayuhan na nais maging
mamamayan ng isang bansa ay isasailalim sa isang proseso sa korte o hukuman.Kapag
nabigyan na ng pagkamamamayang Pilipino ang iang dayuhan ,kailangan niyang sumunod sa
mga batas at kultura ng bnasa.Matatamasa rin niya ang mga karapatan ng isang mamamayang
Pilipino maliban sa mahalal sa matataas na posisyon a pamahalaan ng bansa.
Ang pagbibigay ng pagkamamamayan ay isang pribilehiyong ipinagkakaloob n gating
bansa sa isang dayuhan kay masusi itong pinag-aaralan ng korte bago igawad.

*Mga Katangian ng Isang Dayuhang na nais Maging Naturalisadong Pilipino

- Siya ay dalawamput isang taong gulang na


- Siya ay naninirahan sa Pilipinas nang tuloy-tuloy sa loob ng sampung taon.Ito ay
maaaring maging limang taon na lamang kung.

a. Ipinanganak siya sa Pilipinas.


b.Nakapag-asawa siya ng isang Pilipino
c.Nakapagturo siya ng dalawang taon sa pribado o pampublikong paaralan
d.Mayroon siyang bagong industriya o nakagawa ng isang bagong ombensyon sa
Pilipinas.
- Siya ay may mabuting pagkatao.
- Naniniwala siya sa Saligang batas ng Pilipinas
- May matatag siyang hanapbuhay at may ari-arian sa Pilipinas
- Nakapagsasalita at nakasusulat siya ng wikang Pilipino.
- Tinatanggap niya ang kulturang Pilipino
- Pinag-aaral niya ang mga anak sa mga paaralang nagtuturo ng kultura at kasaysayan ng
Pilipinas.

Kapag nagawaran na ng pagkamamamayan ang isang dayuhan, kailangan na niyang


itakwil ang kaniyang dating pagkamamamayn at manumpa ng katapatan sa ating bansa.

Pagkatapos magbasa ay itanong ang mga sumusunod:


A.Ano ano ang dalawang uri ng mamamayang Pilipino?
B.Ano ang kaibahan ng Likas o Katutubong Mamamayan sa Naturasalisadong Mamamayan?
C.Paano makikilala ang isang likas o katutubong mamamayan? Naturasalisadong Mamamayan?
D.Anong Commonwealth Act No. maaaring mapatunayan na ang isang dayuhan ay naging
mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon?
E.Ano ang ibig sabihin ng naturalisasyon?
Ang guro ay tumawag ng 5-8 mag aaral at itatanong ang sumusunod:

a.Ano ano ang mga katangian ng isang dayuhan na nais maging naturalisadong Pilipino?
b.Ano ang gagawin ng isang dayuhan pagkatapos igawad sa kanya ang pagkamamamayang
Pilipino?
c.Bilang isang mag-aaral,paano mo maaalagaan ang pagkamamamayang Pilipino?

Ang mga dayuhan y maaaring maging mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng prosesong


naturalisasyon.
Isulat sa loob ng parihaba ang dalawang uri ng mamamayang Pilipino at ang mga kahulugan
4.5 Paglalapat. nito.
(6 minuto)
Uri ng Mamamayang Pilipino

4.6 Pagtataya Sagutin ng TAMA o MALI.Isulat ang sagot sa kwadernong pasulit.


( 6 minuto )
TAMA1.Ang Likas o Katutubong Mamamayan ay anak ng iang Pilipino.

TAMA2.Ang Naturalisadong Mamamayan ay mga daing dayuhan na naging mamamayang


Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon.

MALI 3.Ayon sa Commonwealth Act No. 754 ,ang isang dayuhan ay maaaring maging
mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon.

MaLI 4.Ang naturalisasyon ay isang illegal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais
maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte o hukuman.

TAMA5. Kapag nabigyan na ng pagkamamamayang Pilipino ang isang dayuhan,kailangan niyang


sumunod sa mga batas at kultura ng bansa.

TAMA 6.Ang katangian ng isang dayuhan na nais maging naturalisadong Pilipino ay dapat siya
ay dalawamput isang taong gulang na at naninirahan sa Pilipinas nang tuloy-tuloy sa loob ng
sampung taon.

MALI 7.Ang dayuhang gustong maging Pilipino ay dapat ipinanganak sa ibang bansa at
nakapag asawa rin ng taga ibang dayuhan.

MALI 8.Ang katangian ng isang dayuhan na nais maging mamamayang Pilipino ay dapat hindi
nakakasulat ng wikang Pilipino at ayaw tanggapin ang kultura ng Pilipino.

TAMA 9.Ang dayuhang nais maging Pilipino ay pinag-aaral niya ang mga anak sa mga paaralang
nagtuturo ng kultura at kasaysayan ng Pilipinas.

TAMA 10.Kapag nagawaran na ng pagkamamamayan ang isang dayuhan,kailangan na niyang


itakwil ang kaniyang dating pagkamamamayan at manumpa ng katapatan sa ating bansa.

4.7 Takdang - Aralin Magsaliksik pa ng ibang impormasyong ukol sa mga katangian ng isang dayuhan na nais maging
(2 minuto ) naturalisadong Pilipino.
Isulat sa kwaderno ng araling panlipunan ang mga nalikom na impormasyon at ilahad ito sa klase
bukas.

4.8Paglalagom / a.Ang guro ay tatawag ng 3-5 mag aaral upang makapagbibigay buod sa paksang tinatalakay.
Panapos na Gawain
(2 minuto)

Prepared by:
Name: Ana Marie C. Evangelista School: Sabang Elementary School
Position/Designation: Teacher I Division: Danao City Division
Contact Number : 09238987131 Email Address: anamarieevangelista41@gmail.com
DLP Blg. 3 Asignatura: ARALING PAN Baitang: 4 Markahan: 4th Oras:40minuto
1.0 Natatalakay ang dalawang prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino
Mga Kasanayan ayon sa kapanganakan Code:
1.1 Naipapaliwanag ang pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino AP4KPB-Iva-b-1

Susi ng Pag – unawa sa May dalawang prinsipyo ng likas na pagkamamamayan ayon sa kapanganakan;Jus soli at Jus
Lilinangin: sanguinis
Mga Layunin
Kaalaman Natatalakay ang dalawang prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino ayon sa kapanganakan

Kasanayan Naitatala ang mga kaibahan ng dalawang prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino

Kaasalan Nagagampanan nang maayos ang katungkulan ng pagkamamamayang Pilipino

Kahalagahan Napapahalagahan ang bawat katungkulan ng isang pagkamamamayang Pilipino

2.Nilalaman Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayang Pilipino ayon sa Kapanganakan


Ang Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino
3.Mga Kagamitang Projector , laptop, mga ginupit na mga letra o puzzle letters,manila paper,pandikit,
Pampagtuturo at pentel pen
4.Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Pagbabalik-aral at pag-uusapan ang Dalawang Uri ng Mamamayang Pilipino at ang
( 2 minuto) Mga Katangian ng Isang Dayuhan na nais Maging Naturalisadong Pilipino.

1.Ano ano ang dalawang uri ng mamamayang Pilipino?


2.Ano ang kaibahan ng Likas o Katutubong Mamamayan sa Naturasalisadong Mamamayan?
3.Paano makikilala ang isang likas o katutubong mamamayan? Naturasalisadong Mamamayan?
4.Anong Commonwealth Act No. maaaring mapatunayan na ang isang dayuhan ay naging
mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon?
5.Ano ang ibig sabihin ng naturalisasyon?

-Alam nyo rin ba na pwedeng mawala ang pagkamamamayang Pilipino?


-May nga prinsipyo ang pagkamamamayang Pilipino ayon sa kapanganakan at iyan ang mga
tatalakayin natin sa ating klase ngayon.
Bago natin ipagpatuloy ang talakayan may aktibidad muna tayong gawin.
4.2 Mga Gawain / Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Ang mga buuing salita ay Jus sanguinis at Jus soli.
Estratehiya (8 minuto)
A.Bawat grupo ay bibigyan ng tiglilimang sobre na may strips of scrumbled letters.
B.Buuin nila ito at idikit sa manila paper bawat isa.
C.Bigyan ng limang minuto ang bawat grupo para buuin ang salita.
D.Dapat maging maayos sa pagkadikit at pagkabuo ang mga salita.
E.Ang grupong mauunang makabuo ay magkakaroon ng 10 points
Pagsusuri sa aktibidad na ginawa:
4.3 Pag-susuri ( 2 Itanong:
minuto)
1.Ano ano ang mga salitang inyong nabuo?
2.Ano kaya ang mga ibig sabihin sa mga salitang nabubuo?

Sabihin: Malalaman natin yan sa pagpapatuloy ng ating klase.


Sa pamamagitan ng projector ay maitatalakay ng maayos ang mga prinsipyo ng
4.4 Pagtatalakay(12 pagkamamamayang Pilipino at kung paano mawala ang pagkamamamayang Pilipino
minuto .Ilahad ang mga sumusunod na mga impormasyon.

*Mga Prinsipyo ng Pagkamamayang Pilipino ayon s Kapanganakan

May dalawang prinspyo ng pagkamamamayang Pilipino ayon sa kapanganakan.Ito ang


Jus sanguinis at Jus soli.

Jus sanguinis ang pagkamamamayan kung naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga


magulang o isa man sa kanila.Sinusunod ng mga anak ang pagkamamamayan ng kanilang mga
mgulang saan mang bnasa sila ipinanganak.Ito ang prinsipyong sinuunod ng Pilipinas.

Ang pagkamamamayan Jus soli naman ay naaayon sa lugar ng kaniyang kapanganakan


anuman ang pagkamamamayan ng kaniyang nga magulang.Ang ibig sabihin ,kung ang isang tao
ay ipinanganak sa isang bansa na sumusunod sa prinsipyong ito,siya ay ituturing na mamamayan
ng bansang iyon anuman ang pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang.

*Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino

Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala,kusang –loob man ito o sapilitan.Ayon


sa ating batas,maaaring mawala ang pagkamamamayan sa pamamagitan ng mga ito:

1. Naging naturalisadong mamamayan iya ng ibang bansa.


2. Naglingkod siya sa sandatang lakas ng ibang bansa.
3. Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa pagsapit niya ng 2 taong
gulang.
4.Nagpawalang –bisa siya ng naturalisadong pagkamamamayang Pilipino.
5.Napatunayan siyang tumakas sa hukbong sandatahan n gating bansa at kumampi sa kaaway
sa panahon ng digmaan.
6.Itinakwil niya ang kaniyang pagkamamamayan at nag angkin ng pagkamamamayan ng ibang
bansa (expatriation)

Pagkatapos magbasa ay itanong ang mga sumusunod.


A.Ano ang dalawang prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino ayon sa kapanganakan?
B.Ano ang ibig sabihin ng Jus sanguinis?Ipaliwanag.
C.Ano ang ibig sabihin ng Jus soli?Ipaliwanag.

Ang guro ay tumawag ng 5-8 mag aaral at itatanong ang sumusunod.


a.Maaari bang mawala ang ating pagkamamamayang Pilipino?Ipaliwanag kung paano.
b.Ano ano ang mga basehan sa pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino?
c.Bilang isang mag-aaral,paano mo maaalagaan ang pagkamamamayang Pilipino?

May dalawang prinsipyo ng likas na pagkamamamayan ayon sa kapanganakan;Jus soli at Jus


sanguinis
Isulat sa loob ng parihaba ang dalawang prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino Ayon sa
4.5 Paglalapat. Kapanganakan at ang mga kahulugan nito.
(6 minuto)
Prinsipyo ng Pagkamamamayang Pilipino Ayon sa Kapanganakan
4.6 Pagtataya Sagutin ng TAMA o MALI.Isulat ang sagot sa kwadernong pasulit.
( 6 minuto )
TAMA 1.May mga prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino ayon sa kapanganakan.

TAMA 2.Ang Jus sanguinis at Jus soli ang dalawang prinsipyo ayon sa kapanganakan.

MALI 3.Ang Jus sanguinis ang pagkamamamayan kung naayon sa lugar ng kapanganakan.

MALI 4.Ang Jus soli ang pagkamamamayan kung naaayon sa dugo.

TAMA 5.Ang pagkamamamayang Pilipino y maaaring mawala ,kusang –loob man ito o sapilitan.

TAMA 6.Ang pagka maging naturalisadong mamamayan sa ibang bansa ay isa sa mga
tinitingnan na maaaring mawala ang pagkamamamayang Pilipino.

MALI 7.Mananatili parin ang kanyang pagkamamamayang Pilipino kahit sumumpa siya ng
katapatn sa Saligang Batas sa ibang bansa.

TAMA 8.Mawawala ang pakamamamayang Pilipino kung nagpawalang –bisa siya ng


naturalisadong pagkamamayang Pilipino.

MALI 9.Kahit itinakwil niya ang kaniyang pagkamamamayang at nag angkin ng


pagkamamamayan ng ibang bansa ay maaari parin siyang maging Pilipino ng walang gagawin.

MALI 10.Kung napatunayan siyang tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa at kumampi
sa kaaway sa panahon ng digmaan ay Pilipino parin siya.
Magsaliksik pa ng ibang impormasyong ukol sa mga prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino
4.7 Takdang - Aralin ayon sa kapanganakan at ang pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino sa internet.
(2 minuto ) Isulat sa kwaderno sa araling panlipunan ang mga nalikom na impormasyon at ilahad ito sa klase
bukas.
4.8Paglalagom / a.Ang guro ay tatawag ng 3-5 mag aaral upang makapagbibigay buod sa paksang tinatalakay.
Panapos na Gawain
(2 minuto)

Prepared by:
Name: Ana Marie C. Evangelista School: Sabang Elementary School
Position/Designation: Teacher I Division: Danao City Division
Contact Number : 09238987131 Email Address: anamarieevangelista41@gmail.com

DLP Blg. 4 Asignatura: ARALING PAN Baitang: 4 Markahan: 4th Oras:40minuto


1.0 Natatalakay ang muling pagkakamit ng pagkamamamayang Pilipino
Mga Kasanayan 1.1 Naippaliwanag ang hindi maaaring maging mamamayang Pilipino ang Code:
ibang dayuhan AP4KPB-Iva-b-1

Susi ng Pag – unawa sa Ang pagkamamamayan ay maaaring mawala at makamit muli.


Lilinangin:
Mga Layunin
Kaalaman Naipapaliwanag ang muling pagkakamit ng pagkamamamayang Pilipino

Kasanayan Natutukoy ang mga paraan sa pagkakamit muli ng pagkamamamayang Pilipino

Kaasalan Nasasabi nang katatagan ang mga dahilan na hindi maaaring maging mamamayang Pilipino ang
ibang dayuhan
Kahalagahan Naipagmamalaki ang mga paraan sa pagiging pagkamamamayang Pilipino

2.Nilalaman Ang Muling Pagkakamit ng Pagkamamamayang Pilipino


Mga Dayuhang Hindi Maaaring Maging Mamamayang Pilipino
3.Mga Kagamitang Projector , laptop, larawan ,manila paper,at pentel pen
Pampagtuturo
4.Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Pagbabalik-aral at pag-uusapan ang Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayang Pilipino ayon
( 2 minuto) sa Kapanganakan at Ang Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino

Itanong:

1.Ano ang dalawang prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino ayon sa kapanganakan?


2.Ano ang ibig sabihin ng Jus sanguinis?Ipaliwanag.
3.Ano ang ibig sabihin ng Jus soli?Ipaliwanag.
4.Maaari bang mawala ang ating pagkamamamayang Pilipino?Ipaliwanag kung paano.
5.Ano ano ang mga basehan sa pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino?

-Alam nyo ba na puwedeng makamit muli ang pagiging mamamayang Pilipino?


-Alam nyo rin ba na hindi na puwedeng maging mamamayang Pilipino ang ilang mga dayuhan?
Bago natin ipagpatuloy ang talakayan may aktibidad muna tayong gawin.
4.2 Mga Gawain / Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat.
Estratehiya (8 minuto)
A.Bawat grupo ay bibigyan ng ginawang malaking sobre.
B.Ipadikit sa manila paper ang bawat pangungusap na nakasulat sa strip ng kartolina kung saan
ito nabibilang.May dalawang kolum na nakaguhit.

Muling Pagkakamit ng Pagkamamamayang Mga Dayuhang Hindi Maaaring Maging


Pilipino Mamamayang Pilipino

C.Bigyan ng limang minuto ang bawat grupo para makompleto ang bawat kulom.
D.Dapat maging maayos sa pagkadikit ang mga pangungusap.
E.Ang grupong mauunang makabuo ay magkakaroon ng 10 points

Pagsusuri sa larong ginawa at itanong:


4.3 Pag-susuri ( 2
minuto) 1.Ano ang nakasulat sa dalawang kolum?
2.Sa palagay nyo ba,nasa tamang kolum ang mga dinidikit na mga pangungusap?
3.Malalaman natin yan,sa pagpapatuloy n gating klase at malalaman natin kung sinong grupo ang
mananalo.

Sa pamamagitan ng projector ay maitatalakay ng maayos ang mga muling pagkakamit ng


4.4 Pagtatalakay(12 pagkamamamayang Pilipino at mga dayuhang hindi maaaring maging mamamayang Pilipino.
minuto .Ilahad ang mga sumusunod na mga impormasyon
*Muling Pagkakamit ng Pagkamamamayang Pilipino

Ang isang Pilipino na nagdesisyong maging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa ay


maaaring maging Pilipino muli sa pamamagitan ng sumusunod na mga paraan:

1.Muling naturalisasyon
2.Aksyon ng Kongreso
3.Pagbabalik sa Pilipinas at muling pagsumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas
4.Pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa isang tumakas na miyembro ng Sandatang Lakas

*Mga Dayuhang Hindi Maaaring Maging Mamamayang Pilipino

Hindi lahat ng mga dayuhan na nais maging naturalisadong Pilipino ay maaaring bigyan ng
pagkamamamayan .Narito ang mga dahilan:

1.Gumamit ng dahas upang magtatagumpay ang kanilang kagustuhan


2.Sumasalungat o nagrerebelde a nakatatag na pamahalaan
3.Nahatulan sa kasalanang may kaugnayan sa moralidad gaya ng pagsusugal at prostitusyon.
4.Hindi naniniwala sa kaugalian ,tradisyon,at simulain ng mga Pilipino
5.Pagiging mamamayan ng isang bansang hindi nagkakaloob ng karapatang maging
naturalisadong mamamayan ng Pilipinas.

Pagkatapos magbasa ay itanong ang mga sumusunod.

A. Ano ang mga paraan para makamit muli ang pagkamamamayang Pilipino?
B.Ano ano naman ang mga rason o dahilan kung bakit hindi na pwede o maaaring maging
mamamayang Pilipino ang isang dayuhan?
C.Paano mo maipagmamalaki ang isang pagkamamamayang Pilipino sa ibang dayuhan?

Ang guro ay tumawag ng 5-8 mag aaral at itatanong ang sumusunod.

a.Ano kaya ang maaaring gawin para hindi mawala an gating pagkamamamayang Pilipino?
b.Paano mo ito maibabahagi sa iyong mga kaibigan?
c.,Masaya ka ba na ikaw ay isang Pilipino? Bakit ?

Isulat sa loob ng parihaba ang mga hinihinging impormasyon.


4.5 Paglalapat.
(6 minuto)
Paraan kung paano Mga rason kung bakit
muling makamit ang hindi na maaaring maging
pagkamamamayang mamamayang Pilipino
Pilipino ang ibang dayuhan

4.6 Pagtataya Sagutin ng TAMA o MALI.Isulat ang sagot sa kwadernong pasulit.


( 6 minuto )
TAMA 1.Ang isang Pilipino na nagdesisyong maging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa
ay maaaring maging Pilipino muli.

MALI 2.Lahat ng mga dayuhan na nais maging naturalisadong Pilipino ay maaaring bigyan ng
pagkamamamayan.

TAMA 3.Ang pagbabalik sa Pilipinas at muling pagsumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas


ay isa sa paraang muling makamit ang pagkamamamayang Pilipino.

MALI 4.Ang hindi naniniwala sa kaugalian ,tradisyon,at simulain ng mga Pilipino ay pwedeng
maging mamamayang Pilipino.

TAMA 5.Pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa isang tumakas na miyembro ng Sandatahang


Lakas ay maaaring muling makamit ang pagka Pilipino.
Magsaliksik pa sa internet ng ibang impormasyon ukol sa muling pagkakamit ng
4.7 Takdang - Aralin pagkamamamayang Pilipino at ang mga rason na hindi na maaaring maging mamamayang
(2 minuto ) Pilipino ang ibang dayuhan.
Isulat sa kwaderno sa araling panlipunan ang mga nalikom na impormasyon at ilahad ito sa klase
bukas.
4.8Paglalagom / a. Ang guro ay tatawag ng 5-8 mag aaral upang makapagbibigay buod sa paksang tinatalakay.
Panapos na Gawain
(2 minuto)

Prepared by:
Name: Ana Marie C. Evangelista School: Sabang Elementary School
Position/Designation: Teacher I Division: Danao City Division
Contact Number : 09238987131 Email Address: anamarieevangelista41@gmail.com

You might also like