You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 2

PAGSASANIB SA MAPEH AT FILIPINO


7E’s Approach

I. MGA LAYUNIN
1. Natutukoy ang mga hanapbuhay ng mga tao sa komunidad.
2. Nasasabi ang mga taong naghahanap buhay at nagbibigay serbisyo sa
komunidad.
3. Nabibigyang-halaga ang mga hanapbuhay ng tao sa komunidad.
II. NILALAMAN
A. PAKSANG – ARALIN: Mga Hanapbuhay sa Komunidad
B. SANGGUNIAN:
CG: K-12 CG p. 46 AP2PSK-IIIa-1
TG: 46-48
LM: 152-162
C. KAGAMITAN: larawan, powerpoint presentation, video clip
D. PAGPAPAHALAGA: Pagpapasalamat sa mga taong naghahanapbuhay sa
komunidad.
III. MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
A. PANIMULANG GAWAIN
a. Balik-aral
Sabihin kung ang likas na yaman ay Yamang Lupa o Yamang Tubig.
1. Pusit
2. Kabibe
3. Kamote
4. Hipon
5. Kawayan
b. Pagganyak
Itanong: Anong gusto ninyong maging trabaho paglaki ninyo?
B. PANLINANG NA GAWAIN
a. Engagement Activity: Pagawit ng “Kaibigang Manggagawa”
b. Elicitation:
- Tungkol saan an gating inawit?
- Sino-sino ang mga taong kaibigan na nabanggit sa
awit?
- Ano ang ginagawa ng guro? Ng pulis? Ng bumbero? Ng
doktor?
- Gusto mo rin ba silang maging kaibigan?
- Dapat ba tayong magpasalamat sa kanila? Bakit?
- Paano natin maipapakita ang pasasalamat sa kanila?
c. Exploration: Maikling Kwento.

Araw ng Karera

Masayang umuwi ang magkakapatid na Ron, Aiza, Dina at Melvin isang hapon. Galing sila
sa paaralan. Pagdating sa bahay ay agad silang nagbalita sa kanilang Nanay Marissa.

RON: Nanay, magkakaroon po kami ng Araw ng Karera sa paaralan bukas. Lahat daw po ng mag-
aaral ay kasali.

NANAY: Aba! Dapat ay bilisan ninyo sa pagtakbo sa karera.

AIZA: Ha Ha Ha! Hindi po kami tatakbo Nanay. Ang araw ng karera po ay tungkol sa kung anong
gusto naming maging trabaho paglaki naming. Ang bawat bata raw po ay magsusuot ng damit ng
uniporme ng taong gusto niyang tularan.

NANAY: Ganun ba? Ano bang gusto ninyong maging hanapbuhay paglaki ninyo?

RON: Gusto ko pong maging isang pulis para ako ay makapagpanatili ng katahimikan sa
komunidad.

AIZA: Ako naman po ay gusting maging dentist para ako ang mangangalaga ng ngipin ng mga tao.

DINA: Gusto ko naman pong maging guro. Ako po ang magtuturo sa mga bata na magabsa,
magbilang at magsulat.

NANAY: Ikaw Melvin? Ano ang gusto mong maging paglaki mo?

MELVIN: Gusto ko pong maging bumbero. Ako po ang tutulong para mapuksa ang sunog.

a. Ano ang pamagat ng kwento?


b. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
c. Sino ang gusting maging pulis? Bakit iyon ang gusto niya?
d. Ano naman ang pangarap ni Aiza?
e. Bakit gusting maging guro ni Dina?
f. Sino ang gusting maging bumbero?
g. Ano ang trabaho ng bumbero?

d. Explanation:
Talakayin gamit ang PowerPoint Presentation
e. Exploration
Sino-sino ang naghahanapbuhay at nagseserbisyo sa komunidad?
MGA NAGSESERBISYO SA KOMUNIDAD
Ang mga naghahanapbuhay at nagbibigay serbisyo sa komunidad ay guro, doctor,
bumbero, pulis, karpintero, dentist, panadero, at iba pa.

f. Extension (Pangkatang Gawain)


PANGKAT 1: Kilalanin ang nasa larawan.

PANGKAT 2: Iugnay ang HANAY A sa HANAY B

HANAY A HANAY B
1. Dentista a. Buhok
2. Magsasaka b. Damit
3. Mananahi c. Ngipin
4. Sapatero d. Palay
5. Barbero e. sapatos

PANGKAT 3: Magbigay ng 5 uri ng hanapbuhay ng tao sa komunidad at sabihin ang


ginagawa nila.

g. Evaluation:
Isulat ang letra ng tamang sagot.
____ 1. Ang gumagawa ng tinapay ay ______.
a. Karpintero b. Duktor c. Panadero
____ 2. Masakit ang ngipin ni Amy. Kanino siya dapat pumunta?
a. Sapatero b. Dentist c. Guro
____ 3. Mula Lunes hanggang Biyernes, ang mga bata ay tinuturuan ng _____.
a. Bumbero b. Duktor c. Guro
____ 4. Sino ang nangangalaga ng kalusugan ng mga tao?
a. Duktor b. Pulis c. Bumbero
____ 5. May malaking sunog. Kailangan ang tulong ng ______.
a. Kaminero b. Pulis c. Bumbero

TAKDANG ARALIN:
Gumupit ng 5 larawan ng uri ng hanapbuhay sa komunidad. Idikit ito sa kwaderno.

You might also like