You are on page 1of 5

Pangalan

ARALING PANLIPUNAN 10
Mga Kontemporaryong Isyu
Handout #1

Modyul 4 Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan


Aralin 1: Pagkamamamayan
Markahan: Ikaapat

Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Pamantayan sa Pagganap (Performance


Standard)
Ang mga mag-aaral ay may pag- Nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa
unawasakahalagahan ng pagkamamamayan at kalagayan ng pakikilahok sa mga gawaing
pakiki-lahok sa mga gawaing pansibikotungo sa pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa
pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, kanilang sariling pamayanan.
mapayapa, at may pagkakaisa.

Alam mo ba?
Mamamayan/Citizen - Tawag sa taong kabilang sa isang samahan o bansa.
Pagkamamayan/Citizenship- Kalagayan ng isang tao at pagiging kasapi nito sa isang bansa o
samahang
pampulitiko.
Dayuhan/ Foreigner - Mga naninirahan sa Pilipinas na may ibang pagkamamamayan.

Paksa: Ligal at Lumawak na Konsepto ng Pagkamamamayan


Ang dalawang pananaw ng pagkamamamayan: ang ligal na pananaw at lumawak na
pananaw.

A.Ligal na Pananaw:

• Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan)o ang kalagayan o katayuan ng isang


tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng
daigdig. Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng
citizen

• Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na polis. Ito


ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin .
Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan. Ang pagiging
citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung saan may kalakip na mga karapatan at
tungkulin. Ayon sa orador ng Athens na si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga
citizen kundi maging ang kalagayan ng estado. Ang isang citizen ay inaasahan na
makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga pampublikong asembliya at
paglilitis. Ang isang citizen ay maaaring politiko, administrador, husgado, at sundalo.

• Sa paglipas ng maraming panahon, ay nagdaan sa maraming pagbabago ang konsepto


ng citizenship at ng pagiging citizen. Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang citizenship
bilang isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado. Ayon kay
Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng
estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung
saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.Sa Pilipinas,
inisa-isa ng estado sa Saligang-batas ang tungkulin at karapatan ng mga mamamayan
nito.
• Dito rin makikita kung sino ang mga maituturing na citizen ng isang estado at ang kanilang
mga karapatan at tungkulin bilang isang citizen. Bilang halimbawa, tunghayan ang
kasunod na teksto. Ito ay tungkol sa ikaapat na artikulo ng Saligang Batas ng1987 ng
Pilipinas na nagpapahayag ng tungkol sa pagkamamamayan. Iniisa-isa rito kung sino ang
maituturing na mamamayan ng Pilipinas.

• Sinu-sino ba ang mga mamayang Pilipino? Ako ba? Ikaw? Paano ba natin natutukoy na
ang taong kausap o kakilala natin ay Pilipino?

Uri ng Mamamayang Pilipino:

1.Likas/Natural born citizen– nakukuha ang pagkamamamayan ayon sa lugar ng


kapanganakan o sa pagkamamamayan ng magulang

2 Prinsipyong Pinagbabatayan ng Likas na Pagkamamayan:


-JUS SANGUINIS o Karapatan sa Dugo (ayon sa pagkamamamamayan ng magulang)
-JUS SOLI o JUS LOCI o Karapatan ng Lupa (ayon sa lugar ng kapanganakan)

2. Di-Likas/ Naturalized citizen– dumadaan sa proseso ng batas bago makuha ang


pagkamamamayan.

NATURALISASYON- pormal na paghingi ng pagkamamamayan ng isang dayuhan sa


pamahalaan.

ARTIKULO IV PAGKAMAMAMAYAN

SEKSIYON1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:


(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili
ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.

Ang Likas na Mamamayan


• Mula sa Saligang Batas 1987, Artikulo IV, Seksyon 1 makikita ang mga pamantayan ng
pagiging isang mamamayan ng Pilipinas.
Mga naging mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng SB 1987
Ang ama at ina ay mamamayan ng Pilipinas
Mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay piniling maging
Pilipino na pagsapit sa tamang edad o legal age (18 taong gulang).

SEK. 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa


sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o
malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging
mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong
inianak na mamamayan.

SEK. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang


itinatadhana ng batas.

SEK. 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na


mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay
ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.

SEK. 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at


dapat lapatan ng kaukulang batas.

• Ayon din sa Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, ang isang mamamayan ng Pilipinas
na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang
kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang napangasawa. Batay
naman sa Republic Act 9225 na nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong
Setyembre 17, 2003, ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng
ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling maging
mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual
citizenship). Ang Mamamayang Pilipino

Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal. Unang dahilan
ay kung siya ay sa sa ilalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa. Ang ilan sa mga ito
ay ang sumusunod:

1.)ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa;


2.)tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag maydigmaan, at

3.) nawala na ang bisa ng naturalisasyon.


Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan

1.Jus sanguinis
• Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa
kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod saPilipinas.
• Ang jus sanguinis ay sinusunod sa Pilipinas. Ang anak ng isang Pilipino ay nagiging
Pilipino kahit isa lamang sa kanyang mga magulang ang Pilipino. Itinuturing siyang likas
o lehitimong Pilipino. Kung siya ay isinilang sa Italy, siya ay mananatiling Pilipino kahit
ang ama o ina lamang niya ang Pilipino.
• Ito ay patakarang nababataysa dugo ng magulang. Ang pagkamamamayan ngmagulang
ang batayan sa pagkilala sa sinuman. Ang lugar kung saan ipinanganak ang isang
indibidwal ay hindi nakaaapekto sa kanyang pagkamamayan.
Dati, maaaring mawala ang pagkamamamayang Pilipino ng sinumang sumailalim sa
proseso ng naturalisayon sa ibang bansa. Kadalasan nangyayari ito kapag pinili ang
pagiging mamamayan kung saan naninirahan na nang matagal ang isang Pilipino.
Kailangan nilang gawin ito dahil sa pagnanais nilang matamasa ang mga pakinabang ng
pagiging mamamayan ng ibang bansa.

2.Jus soli o jus loci
• Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang
prinsipyong sinusunod sa Amerika.
• Ito ay patakarang nababatay sa lugar na sinilangan ng isang indibidwal. Ang dugo ng
magulang ay hindi mahalaga. Hindi nakaaapekto ang pagkamamamayan ng kanyang
magulang:
Ang jus soli ay patakarang umiiral naman sa ibang bansa, tulad ng Estados Unidos. Kung
ang isang Pilipino ay nagsilang sa Estados Unidos, ang kanyang anak ay kinikilalang
mamamayan ng Estados Unidos. Sa kabilang banda, itinuturing din siyang mamamayan
ng Pilipinas.
• Halimbawa, maraming Pilipinong nasa Estados Unidos ang naging mamamayang
Amerikano upang magkaroon sila ng maayos na kalagayan sa buhay at trabaho.
Kailangan din iyon para magkaroon sila ng pensiyon sa pagtanda.

Paano magiging mamamayang Pilipino ang isang dayuhan?

Pwede kayang maging mamamayang Pilipino ang isang dayuhan?


• Opo, pwede silang maging Pilipino kung gusto nila. Ang isang dayuhan na gustong
maging Pilipino ay dapat magtaglay ng mga sumusunod na katangian:

• 1.21 taong gulang sa araw ng pagdinig ng kaso


2. 10 taon na naninirahan ng tuloy-tuloy sa Pilipinas 5 taon lamang kung siya ay:
nakapagpatayo ng industriya,
nakapag-asawa ng Pilipino, nanungkulan sa pamahalaan, at ipinanganak sa Pilipinas.
3. May mabuting ugali at reputasyon
4. Kinikilala at ginagalang ang Saligang Batas ng bansa.
5. Maipagkakapuri ang kanyang ugali sa kinabibilangang pamayanan.
6. May mga ari-arian sa Pilipinas, hanapbuhay at gawaing ayon sa batas
7. Nakakabasa at nakakasulat ng isang pangunahing wika ng Pilipinas.
8. Ang mga anak ay nasa paaralan at nag-aaral ng kasaysayan, pamahalaan, at sibika
ng Pilipinas.
• Ayon sa Commonwealth Act No. 475, ang isang dayuhan ay maaaring maging
mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon. Ang naturalisasyon ay isang
legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang
bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte o hukuman. Kapag nabigyan na ng
pagkamamamayang Pilipino ang isang dayuhan, kailangan niyang sumunod sa mga
batas at kultura ng bansa. Matatamasa rin niya ang mga karapatan ng isang
mamamayang Pilipino maliban sa mahalal sa matataas na posisyon sa pamahalaan ng
bansa.

Mga maaaring maging Dahilan para hindi maging naturalisadong Pilipino ang isang

dayuhan :
1. Napatunayang gumamit ng dahas sa pagkamit ng kagustuhan.
2. Nahatulan ng kasalanang kaugnay ng moralidad.
3. Lantarang sumasalungat sa kagustuhan ng pamahalaan.
4. Hindi naniniwala sa kaugalian at tradisyong Pilipino.
5. Sumasang-ayon sa poligamya.
6. Siya ay mamamayan ng bansang hindi nagkakaloob ng naturalisasyon sa mga Pilipinong
naninirahan doon.

Dual Citizenship o Dalawahang Pagkamamamayan

• Ang isang mamamayan ay maaaring magkaroon ng dalawahang pagkamamamayan o


dual citizenship status sa bisa ng Republic Act 9292. Ang batas na ito ay nagkakaloob
muli ng pagka-Pilipino sa mga likas na Pilipino o natural born citizen na naging naturalized
citizen ng ibang bansa. Maaaring maibalik o maging mamamayang Pilipino muli sa
pamamagitan ng paghahain ng petisyon sa Bureau of Immigration and Deportation o BID
ng Pilipinas. Sila ay muling manunumpa o magsasagawa ng oath of allegiance sa
bansang Pilipinas.

Muling Pagkakamit ng Pagkamamamayang Pilipino Ang isang Pilipino na nagdesisyong


maging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa ay maaaring maging Pilipino muli sa
pamamagitan ng sumusunod na mga paraan:

1. Muling naturalisasyon
2. Aksiyon ng Kongreso
3. Pagbabalik sa Pilipinas at muling pagsumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas
4. Pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa isang tumakas na miyembro ng Sandatahang
Lakas

TANDAAN MO !

●Nakasaad sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas ang mga katangian ng isang mamamayang
Pilipino.
• May dalawang uri ng pagkamamamayan: likas okatutubo at naturalisado.

• May
at Jus dalawang
sanguinis.prinsipyo ng likas na pagkama-mamayan ayon sa kapanganakan: ang Jus soli
● Ang mga dayuhan ay maaaring maging mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng prosesong
naturalisasyon.
●Ang pagkamamamayan ay maaaring mawala at makamit muli.

B.Lumawak na Pananaw ng Pagkamamamayan

●Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan. Tinitingnan ngayon


ang pagkamamamayan hindi lamang bilang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng estado,
bagkus, maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan.
Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga
tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat.
Mangyari pa, tinitingnan ng indibiduwal na siya ay bahagi ng isang lipunan kasama ang ibang tao
●Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan ang isang
mamamayan. Bilang bahagi ng isang lipunan na may mga karapatan at tungkuling dapat
gampanan, inaasahan na siya ay magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung
kinahaharap ng lipunan at sa mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito.

●Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, igigiit ng isang mamamayan ang


kaniyang mga karapatan para sa ikabubuti ng bayan. Kaniyang gagamitin ang pamamaraang
ipinahihintulot ng batas upang iparating sa mga kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at
saloobin. Ang mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng
pamahalaan sapagkat wala namang monopolyo ang pamahalaan sa mga patakarang ipatutupad
sa isang estado. Kung gayon, hindi niya inaasa sa pamahalaan ang kapakanan ng lipunan sa

halip,
hamong siya ay nakikipagdiyal
kinakaharap ogo rito upang bumuo ng isang kolektibong pananaw at tugon sa mga
ng lipunan.

●Batay sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, maaari nating matukoy ang mga


katangian ng isang mabuting mamamayan. Ayon kay Yeban (2004), ang isang responsableng
mamamayan ay inaasahang makabayan, may pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa
karapatang pantao, may pagpupunyagi sa mga bayani, gagap ang mga karapatan at tungkulin
bilang mamamayan, may disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip.

●Naglahad ang abogadong si Alex Lacson ng labindalawang gawaing maaaring makatulong sa


ating bansa. Ang mga gawaing ito ay maituturing na mga simpleng hakbangin na maaaring gawin
ng bawat isa sa atin. Ngunit sa kabila ng pagiging simple ng mga ito ay maaaring magbunga ang
mga ito ng malawakang pagbabago sa ating lipunan.

1. Sumunod sa batas-trapiko. Sumunod sa batas.


2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay na smuggle. Bilhin ang mga lokal na produkto. Bilhin ang
gawang-Pilipino.
4. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa.
5. Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingkod bayan.
6. Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon.
9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
10. Magbayad ng buwis.
11. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
12. Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sabayan ang mga anak.

You might also like