You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

I.Layunin:

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa :
Kahalagahan ng pagkamamayaan at pakikilahok sa mga gawaing pansibiko
tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may
pagkakaisa

B. PAMANTAYANG SA PAGGANAP
Ang mga mag- aaral ay :
nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko at pulitikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling
pamayanan
C.PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Naipaliliwanag ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong
mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko
AP10PKKIVb-2

a . Naiisa-isa ang mga tungkulin at gampanin ng mamamayan


bilang miyembro ng lipunan.

b. natutukoy ang mga tungkulin at gampanin ng mamayan


bilang bahagi ng lipunan

c. naipaliliwanag ang konsepto ng lumawak na pananaw ng


pakamamamayan.

d. nabibigyang halaga ang lumalawak na pananaw ng


pagkamamayan.

e. nakakabuo ng malalim na pang unawa sa konsepto ng


pagkamamamayan.

II.NILALAMAN

A.PAKSA
Aralin 1: Pagkamamamayan: konsepto at katuturan
Paksa: Ang lumalawak na pananaw ng pagkamamamayan

B.SANGGUNIAN
Gabay Pangkurikulum Code: AP10PKKIVb-2

Kagamitan: Yeso,Pisara, Pentel pen, Manila paper, Laptop

Sanggunian: “Learning Material for Grade 10-Contemporary Issue”


Aralin 2: Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan. Pp. 359-360
III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
1.Panimulang Gawain

a.Panalangin

Tumayo ang lahat para sa ating panalangin (Mananalangin ang mag mag-
aaral)
b.Pagbati

Magandang umaga sa inyong


lahat
Magandang umaga rin po!
Bago kayo umupo ay nais ko
munang tingnan ninyo ang ilalim
ng inyong mga upuan, damputin
ang mga kalat at ayusin ang
iyong mga upuan.

Maaari na kayong umupo! Salamat po!

c.Pagtatala ng liban

Mayroon bang lumiban sa ating


klase ngayon? Wala po!

Magaling, dahil ngayong umaga ay isang bagong


aralin ang ating tatalakayin kayat mahalagang
narito kayong lahat.

d.Balik aral

Bago natin simulan ang ating bagong aralin


ngayong umaga ay nais ko munang mag balik-
tanaw sa ating nakaraang aralin.

Ano ang ating tinalakay nang nakaraang


aralin?
Ang atin pong nakaraang
aralin ay patungkol sa ligal na
pananaw ng
pagkamamamayan.

Maari ba ninyong ibigay ang kahulugan ng


salitang pagkamamamayan? Ang pagkamamamayan ay
tumutukoy sa kalagayan ng
isang tao ba pagiging kasapi
nito sa isang bansa o samahang
Tama! pampolitiko.
Saan naman nagmula ang konsepto ng
pagkamamamayan? Ito ay nagmula sa
kabihasnang griyego. Citizen
ang tawag nila sa mga taong
naninirahan sa polis na
binubuo nman ng lungsod
estado. Mayroon silang iisang
mithiin at pagkakakilanlan.
Bawat citizen ay mayroong
ding tungkulin at karapatan.

Magaling!
Mahalaga ba ang pagkamamamayan sa isang
indibidwal? Opo! Dahil ito ang
pagkakakilanlan ng isang
indibidwal o saang estado siya
Magaling! napabilang.
Mayroon pa ba kayong katanungan patungkol
sa ating nakaraang aralin? Wala na po!

Dahil wala na kayong katanungan, alam kong


lubos ninyong naunawaan ang ating aralin kaya
ngayon ay dadako na tayo sa ating susunod na
aralin.

Paglinang na Gawain

e. Paganyak
Bago tayo dumako sa ating bagong aralin,
mayroon akong inihandang “video clip”. Panoorin
ninyong mabuti at alamin kung ano ang nais
ipahiwatig nito. (Manonood ang mga mag
aaral)

Saan kaya patungkol ang video na inyong


napanood? Pagigiging mamamayan o
pagkamamamayan.
Tama!
Para sa inyo ano kaya ang nais ipahiwatig ng
video? Mga mamamyang
nagtutulungan at nagkakaisa.

Magaling!
Para mas malinaw may inihanda akong gawain,
alam nyo ba ang larong wordscape? Opo!

Ayusin ang mga letrang nakasulat upang


makabuo ng isang salita. Maliwanag? Opo!

___ ____ ____

2.Paglalahad
Base sa video na inyong napanood at sa gawaing
inyong ginawa, patungkol kaya saan ang ating
bagong aralin ngayong umaga? Lumawak na pananaw ng
Pagkamamamayan
Magaling!
Ang ating tatalakayin ngayong araw ay
patungkol sa Lumawak na Konsepto ng
Pagkamamamayan

Narito ang ating mga layunin para sa ating


aralin ngayong umaga. (babasahin ng mga mag-
(ibibigay ng guro ang mga layunin ng aralin) aaral ang layunin)

3.Pagtalakay
Ngayon ay nais kong balikan ninyo ang ligal
konsepto ng pagkamamamayan na ating
tinalakay nang nakaraang aralin.

Maaari ba ninyong ibigay


ang kahulugan ng salitang mamamayan? Ito ay tawag sa mga taong
kabilang sa isang samahan o
bansa.

Magaling!
Ano ang nagiging basehan ng
pagkamamamayang Pilipino ayon sa artikulo IV
ng ating saligang batas? Ayon sa unang seksyon ng
artikulo IV kapagka ang mga
magulang ay mamamayang
Pilipino sa panahon ng
pagpapatibay ng ating saligang
batas .

Magaling, mayroon pa bang karagdagan? Kapag ang mga ama at ina ay


mamamayan ng pilipinas at
yong mga naging mamamayan
ayon sa batas.
Magaling!
Ano naman ang lumalawak na pananaw ng
pagkamamamyan? Ang pagiging isang
mamamayan ay hindi
nagtatapos sa pagiging
miyembro ng lipunan o maging
ang pagkamamayang Pilipino
ay hindi lamang dahil pumasa
ka sa mga batayang sinasaad
ng batas ng isang estado kundi
paano ka din naman
gumaganap sa iyong mga
tungkulin para sa kabutihang
panlahat.
Magaling!
Para lubos ninyong maunawaan ang lumalawak
na pananaw ng pagkamamamyan ay
magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.
Hahatiin ko ang klase sa apat na pangkat. Bawat
pangkat ay bibigyan ko ng envelop na
naglalaman ng “task card”. Nariyan ang panuto
sa nakatakdang gawain para sa inyong pangkat.
Mayroon kayong sampung minuto para sa
paghahanda at tatlong minuto naman para sa
presentasyon. Ang maingay na pangkat ay
mababawasan ng puntos.

Narito ang ating pamantayan:


Ideya 15
Presentasyon 10
Kooperasyon 5

Maari na kayong pumunta sa inyong mga


pangkat.

Maari na kayong magsimula!


Unang pangkat:
Teknik sa presentasyon:(Tula)

Bumuo ng isang tula tungkol


sa mamamayang hindi lamang
magiging tagamasid sa mga
pagbabagong nagaganap sa
lipunan. Bilang bahagi ng
isang lipunan, may mga
karapatan at tungkuling dapat
gampanan, inaasahan na siya
ay magiging aktibong kalahok
sa pagtugon sa mga isyung
kinahaharap ng lipunan at sa
mas malawak na layunin ng
pagpapabuti sa kalagayan nito.

Ikalawang pangkat:
Teknik sa presentasyon:
(awit)

Bumuo ng isang awit


patungkol sa mamamayang
igigiit ang kaniyang mga
karapatan para sa ikabubuti
ng bayan. Kaniyang gagamitin
ang pamamaraan
ipinahihintulot ng batas upang
iparating sa mga kinauukulan
ang kaniyang mga hinaing at
saloobin.

Ikatlong pangkat
Teknik sa presentasyon:
(Pagbabalita)

Bumuo ng isang pagbabalita


patungkol sa mamamayang
hindi tagasunod lamang sa
mga ipinag-uutos ng
pamahalaan sapagkat wala
namang monopolyo ang
pamahalaan sa mga
patakarang ipatutupad sa
isang estado. Kung gayon,
hindi niya inaasa sa
pamahalaan ang kapakanan
ng lipunan sa halip, siya ay
nakikipagdiyalogo rito upang
bumuo ng isang kolektibong
pananaw at tugon sa mga
hamong kinakaharap ng
lipunan.

Ikaapat na pangkat
Teknik sa
presentasyon:(Kampanya)

Bumuo ng isang kampanya


Batay sa lumawak na pananaw
ng pagkamamamayan, maaari
nating matukoy ang mga
katangian ng isang mabuting
mamamayan. Ayon kay Yeban
(2004), ang isang
responsableng mamamayan ay
inaasahang makabayan, may
pagmamahal sa kapuwa, may
respeto sa karapatang pantao,
may pagpupunyagi sa mga
bayani, gagap ang mga
karapatan at tungkulin bilang
mamamayan, may disiplina sa
sarili, at may kritikal at
malikhaing pag-iisip.

Magaling ang presentasyon ng bawat pangkat!


Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili!

Patuloy ang paglawak ng konsepto ng


pagkamamamayan sa kasalukuyan. Tinitingnan
ngayon ang pagkamamamayan hindi lamang
bilang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng
estado, bagkus, maituturing ito bilang
pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng
kanilang lipunan. Ayon nga kay Alex Lacson
maging ang simpleng pagsunod sa mga batas
trapiko, paghingi ng opisyal na resibo sa
anomang binibili, pagtapon ng basura sa tamang
lalagyan at pagging mabuting magulang o anak
ay mga simpleng hakbangin para sa malawakang
pagbabago sa ating lipunan.

4.Paglalapat
Ngayon ay magkakaroon tayo ng “Tree-ty” o
kasunduan ang inyong gagawin ay isusulat nyo sa
gilid ng puno ang inyong sariling pakahulugan sa
lumawak na pananaw ng pagkamamamayan
pagkatapos ay mangangako kayo na inyong
gagampanan at tutuparin ang mga tungkulin ng
pagkamamamayan batay sa lumawak na
konsepto nito sa pamamagitan ng panunumpa at
tumbmark. Bibigyan ko lamang kayo ng
dalawang minuto para sa gawain.

5.Paglalahat
Ano ano ang mga tungkulin at gampanin ng
mamamayan bilang miyembro ng lipunan?

Bilang mamamayan siya ay


inaasahang aktibong
nakikilahok sa mga isyung
panlipunan at hindi tagasunod
lamang o inaasa sa
pamahalaan ang kapakanan ng
lipunan. Bilang isang
responsableng mamamayan ay
inaasahang makabayan, may
pagmamahal sa kapuwa, may
respeto sa karapatang pantao,
may pagpupunyagi sa mga
bayani, gagap ang mga
karapatan at tungkulin bilang
mamamayan, may disiplina sa
Magaling! sarili, at may kritikal at
Ano naman ang lumalawak na pananaw ng malikhaing pag-iisip.
pagkamamamayan?

Ayon sa lumalawak na
panananaw ng
pagkamamamayan ang
pagiging isang
mamamayan ay hindi
nagtatapos sa pagiging
miyembro ng lipunan o
dahil pumasa
ka sa mga batayang sinasaad
ng batas ng isang estado kundi
paano ka gumaganap sa iyong
Magaling! mga tungkulin para sa
kabutihang panlahat.
Bilang mag aaral paano mo maipapakita ang
lumawak na pananaw ng pagkamamamayan?

Maipapapkita ko ang
lumalawak na pananaw ng
pagkamamamayan sa
pamamamagitan ng pag aaral
ng mabuti at pagsunod sa mga
6. Pagpapahalaga batas at alituntunin ng paaralan
Mahalaga ba ang pagkakaroon ng malawak na at ng pamayanan.
pananaw ng pagkamamamayan? Bakit?

Naisasapuso at naisasaisip ko
po ang mga tungkulin at
gampanin ng
pagkamamamayan dahil ang
pagkamamamayan ay hindi
lamang nakabatay sa pagiging
Wala na bang katanungan patungkol sa ating miyembro lamang ng lipunan o
tinalakay? paganap sa mga batayan ng
estado.
Naunawaan ba ang ating aralin?
Kung ganon ay magkakaroon tayo ng maikling Wala na po!
pagsusulit.
Opo!

IV. PAGTATAYA
I. Panuto: Magbigay ng anim(6) tungkulin at gampanin ng pagkamamamayan
bilang miyembro ng lipunan.
II. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.
_____1. Alin sa mga sumusunod na katangian ang dapat taglayin ng isang
responsableng mamamayan?
I. Makatao
II. Makabayan
III. May disiplina sa sarili
IV. Tagapagmasid lamang sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan.

A. I, II at III C. I, II at IV
B. II, III at IV D. I, III at IV
_____2. Ayon sa lumalawak na pananaw ng pagkamamamayan, ang isang
mamamayan dapat ay______?
a. Walang anomang gampanin sa lipunan
a. Inaasa sa bayan ang kapakan ng lipunan
b. Karaniwang miyembro lamang ng lipunan
c. Aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng lipunan at sa
mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito.
_____3. Bilang mag aaral paano mo mapapahalagahan ang pagiging mabuting
mamamayan?
I. Paggalang sa mga guro
II. Pagsunod sa mga alituntunin ng paaralan
III. Pagkakaroon ng pagkukusa sa mga gawaing pampaaralan
a. I at II b.II at III c. I at III d. I, II at III
______4. “Ang mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos
ng pamahalaan sapagkat wala namang monopolyo ang pamahalaan sa mga
patakarang ipatutupad sa isang estado” ano ang nais nitong ipakahulugan?
a. Hindi niya inaasa sa pamahalaan ang kapakanan ng lipunan sa halip, siya
ay nakikipagdiyalogo rito upang bumuo ng isang kolektibong pananaw at
tugon sa mga hamong kinakaharap ng lipunan.
b. Ang mamamayan ay hindi tagasunod lamang sa pamahalaan samakatuwid
siya ang dumidikta dito.
c. Ang mamamayan ay mas makapangyarihan sa estado at ang estado ay
tagasunod lamang sa kanya.
d. Lahat ng pinapatupad ng estado ay kailangang sundin ng mamamayan.

V. TAKDANG ARALIN
Magsaliksik at magtala ng limang karapatang pantao at isulat ito sa
kalahating bahagi ng papel.

Inihanda Ni: CHRISTINE T. GATUSLAO


Student Teacher

You might also like