You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII - CENTRAL VISAYAS
Schools Division of Cebu Province
District of Sibonga
__________________________________________________________
________

TEACHER-MADE LEARNER’S HOME TASK


School: MANGYAN ELEMENTARY SCHOOL Date: Q1-WEEK6DAY3
Grade/Section: VI - B Subject Area/s: ARALING PANLIPUNAN

I.MELC: Napahahalagahan ang deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas at ang pagkakatatag ng Unang


Republika.
II. Objective/s:
Knowledge: Naipapahayag ang kahalagahan ng Kongreso ng Malolos.
Skills: Nailalarawan ang sanhi ng pagbagsak ng Republika ng Malolos.

Values/Attitude: Nasasabi ang mahahalagang probisyon ng Saligang – Batas ng Malolos.

III. Subject Matter Ang Kongreso ng Malolos


IV. References:
V. Procedure:
Pagkatapos ng pagpapayahag ng kasarinlan ng Pilipinas , naging tagapayo ni Hen. Aguinaldo si
Apolinario Mabini, ang Dakilang Lumpo. Dahil sa kanyang angking talino, tinawag siyang Utak ng
A. Readings Rebulosyon ng Pilipinas. Sa payo ni Mabini binago ni Aguinaldo Ang Pamahalaang Diktadura at
ginawang Pamahalaang Rebulosyonaryo.

Ang Kongreso ng Malolos


Ang Pamahalaang Rebulosyunaryo ay inilipat sa Malolos. Pinasinayaan ito sa Simbahan ng
Barasoain, Malolos, Bulacan at tinawag itong Kongreso ng Malolos noong Setyembre 15, 1898. Layunin
ng kongresong ito ang sumulat ng isang Saligang Batas para sa bagong republika. Pinagtibay kaagad ng
Kongreso ng malolos ang kasarinlan ng Pilipinas noong Setyembre 29, 1898 sa isang pampulitikong
pagdiriwang. Sa araw na ito, ipinahayag ni Hen. Aguinaldo na “ Ang Pilipinas ay para sa Pilipino kung
paanong ang Estados Unidos ay para sa mga Amerikano”.
Naging pinuno ng Kongreso si Pedro Paterno bilang Pangulo; Benito Legarda , pangalawang
Pangulo; at Gregorio Araneta at Pablo Ocampo , mga Kalihim.
Ang Saligang Batas ng Malolos
Isa sa nagawa ng Kongreso ng Malolos ay ang paghahanda ng isang Saligang-Batas. Tatlong
mungkahing Saligang Batas ang pinag aralan ng Kongreso: ang sinulat ni Mabini; ang munkahi ni Pedro
Paterno na batay sa Saligang Batas ng Espanya; at ang mungkahi ni Felipe Buencamino na sinulat ni
Felipe Calderon at Cayetano Arellano na batay sa mga Saligang Batas ng Costa Rica, Guatemala,
Mehiko, Belgium , Pransya at Brazil. At pagtapos nang masusing pag-aaral, ang pangatlong mungkahi
ang pinili ng Kongreso. Masusi itong sinuri ng Kongreso at binagtibay noong ika-29 ng Nobyembre 1898.

Taglay ng konstitusyong ito ang sumusunod na mahahalagang probisyon:

1. Paghihiwalay ng Simbahan at Estado;


2. Pagkilala sa kalagayan ng bawat isa;
3. Libre at obligadong pampublikong edukasyon sa lahat ng paaralan sa bansa;
4. Pagtatatanggol sa buhay, paninirahan, at ari-arian; at
5. koleksyon ng buwis ayon sa batas

Sa wakas, noong Enero 21, 1899 ipinahayag ni Hen. Aguinaldo ang Konstitusyon ng Malolos o
Saligang Batas ng Malolos bilang Saligang-Batas sa buong kapuluan.

Ang Unang Republika ng Pilipinas


Pagkatapos ipinahayag ang Saligang-Batas ng Kapuluan ay itinayo ni Aguinaldo ang Unang
Republika ng Pilipinas noong ika – 23 ng Enero 1899 sa simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan.
Siya rin ang naging Pangulo ng Bagong Republika. Ang ilan sa mga opisyal ay sina Apolinario Mabini
bilang Punong Ministro at Kalihim ng Ugnayang Panlaba; at Heneral Mariano Trias bilang Kalihim ng
Pinansiya at Digma.

Ang Unang Republika ng Pilipinas ay isang tunay na Republika ng pamahalaang Pilipino, at para
sa mga Pilipino. Ito’y ipinagmamalaki ng karaniwang Pilipino at kinilala ito sa buong kapuluan.
Mga Pahayagan ng Republika:

El Heraldo de la Revolucion – Opisyal na Pahayagan ng Republika ng Pilipinas


La Independensia – pinamatnugutan ni Heneral Antonio Luna
Republica Filipina – pinamatnugutan ni Dr. Pedro A. Paterno
El Nuevo Dia – pinamatnugutan ni Sergio Osmena at naging pinakabantog na pahayagang panlalawigan
Ang Pagbagsak ng Unang Republika ng Pilipinas
Sa kabila ng hindi pagkilala ng Estados Unidos at ng ibang bansa sa Unang Republika ng
Pilipinas, mahusay pa rin ang pagtakbo nito. Subalit hindi ito nagtagal. Sumiklab ang digmaan sa pagitan
ng Pilipino at Amerikano. Muling nakipaglaban ang magigiting na pinuno ng Republika. Subalit malakas
ang pwersa ng mga Amerikano. Nadakip si Pangulong Aguinaldo sa Palanan Isabela noong Abril 1901.
Dahil dito, bumagsak ang Unang Republika.

Exercise 1:
B. Exercises for Skills Directions :Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Subjects/Analysis
Questions using 1. Sino ang tinaguriang” Ang Utak ng Rebulusyon ng Pilipinas”?
HOTS for Content 2. Kailan inilipat ang Pamahalaang Rebulusyonaryo sa Malolos, Bulacan?
Subjects 3. Ano ang pangunahing layunin ng Kongreso ng Malolos?
4. Sino ang makapagbigay ng inyong pahayag tungkol sa kahalagahan ng pagbuo ng Kongreso ng
Malolos?
5. Ano-ano ang mahahalagang probisyon nakapaloob sa Saligang-Batas ng Malolos?
6. Ano ang naging dahilan ng pagbagsak ng Unang Republika ng Pilipinas?

Exercise 2:
A. : Isulat ang tamang sagot sa patlang.

1. Sino ang kauna-unahang obispo ng Iglesia Filipina Independiente? __________


2. Kailan itinatag ang ng Iglesia Filipina Independiente?________________
3. Ano ang pangunahing layunin nina Aglipay upang itatag ang Iglesia Filipina Independiente?
_________
4. Sino ang nagsimula ng relihiyong Iglesia Filipina Independiente? ______________
5. Sino-sino ang mga paring martir na unang naghangad ng kasarinlan ng Simbahang Pilipino?
_________________

Bakit mahalaga ang Unang Republika ng Pilipinas sa ating kasaysayan? (ESSAY)


C. Assessment/
Application ______________________________________________________________________
_____________
______________________________________________________________________
______________
______________________________________________________________________
______________
______________________________________________________________________
______________
______________________________________________________________________
______________
______________________________________________________________________
_____________

Prepared by:

JOAHER GO -SODICTA
Teacher

Verified by:

ZENDA A. RAMOS, M.Ed.


School Caretaker

You might also like