You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
NORTHERN SAMAR DIVISION
BOBON DISTRICT

ARALING PANLIPUNAN
GRADE YEAR/LEVEL:6 QUARTER: 1
Week 5 (Day 1)

Pangalan ______________________ Petsa: ___________________________

LEARNING CONTENT: ANG PAGPAPAHAYAG NG KASARINLAN NG BANSA


COMPETENCY: Napahahalagahan ang deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas.

Kahit hindi pa nasusupil ang mga espanol sa ibang panig ng bansa ipinag utos na ni Aguinaldo na
ipahayag na ang kasarinlan ng Pilipinas sa kabila ng pagtutol ni Apolinario Mabini. Unang naideklara sa
Kawit Cavite noong Hunyo 12, 1898 ang kasarinlan ng Pilipinas. Sa isang madamdaming seremonya,
iwinagayway ang pambansang watawat na ginawa ni Marcela Agoncillo kasama sina Lorenza Agoncillo at
osea Herboza Natividad at inawit ang pambansang awit.
Ang ating PAMBANSANG AWIT
LUPANG HINIRANG
Bayang magiliw ang kislap ng watawat mo’s
Perlas ng silanganan Tagumpay na nagniningning
Alab ng puso Ang bituin at araw niya
Sa dibdib mo’y buhay kalian pa ma’y di magdidilim

Lupang hinirang Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta


Duyan ka ng magiting buhay ay langit sa piling mo
Sa manlulupig Aming Ligaya nap ag may mang-aapi,
Di ka pasisiil Ang mamatay ng dahil sayo.

Sa dagat at bundok
Sa simoy at sa langit mong bugahaw
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal

Exercises/Activities/Pamamaraan
Sagutan ang mga katanungan ayon sa iyong natutunan sa araling ito. (5 puntos )
1. Paano inilalaraan an gating bansa sa awit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______
2. Ano ang ipinahahaag ng ating pamansang awit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______
3. Ano ang kahalagahan ng pambansang watawat sa ating bansa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______
4. Kalian naganap ang unang pagagayway ng ating pambansang watawat?
______________________________________________________________________________
___
5. Sinu-sino ang mga taong naging saksi sa pagpapahayag ng kasarinlan ng ating bansa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________

Inihanda ni
Angeline C. Amaranto
Teacher – III

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VIII
NORTHERN SAMAR DIVISION
BOBON DISTRICT

ARALING PANLIPUNAN
GRADE YEAR/LEVEL:6 QUARTER: 1
Week 5 (Day 2)

Pangalan ______________________ Petsa: ___________________________

LEARNING CONTENT: ANG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS


COMPETENCY: Natatalakay ang mga pangyayari sa pagkakaroon ng Unang Republika ng Pilipinas.

Ang Unang Republikang Pilipino ay ang pamahalaan ng Pilipinas na itinatag kasabay ng


pagpapahayag ng Saligang Batas ng Malolos noong Enero 23, 1899 sa Malolos, Bulacan hanggang sa
pagdakip at pagsuko ni Emilio Aguinaldo, sa mga sundalong Amerikano noong Marso 23, 1901 sa Palanan,
Isabela, na nagtapos sa Unang Republika.
Ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas ang naging pinakamahalagang pangyayari sa
himagsikan ng mga Pilipino laban sa pamamahala ng mga kastila.
Ginamit ng mga manunulat na Pilipino ang kanilang panulat upang pukawin ang damdaming
makabayan ng mga tao.
Ang 4 na pangunahing manunulat sa Unang Republika:

1. Jose Palma ( 1876 –1903 )


2. Fernando Ma. Guerero ( 1873 – 1929 )
3. Cecilio Apostol (1877 – 1903 )
4. Apolinario Mabini pinakadakilang manunulat na pulitikal nang panahon iyon,kabilang sa kanyang
mga isinulat ay :
 Constitutional Programme of the Philippines Republic
 The True Decalogue
 The Philippine Revolution

Exercises/Activities/Pamamaraan
Test I- Narito ang talaan ng mga manunulat at ang kanilang mga isinulat noong panahon ng Unang
Republika. Iugnay ng guhit ang mga pamagat sa hanay A sa mga sumulat sa hanay B.

Hanay A Hanay B
1. Filipinas Apostol

2. Mi Patria Jose Palma

3. Rizal Guerero

4. True Decalogue Nakpil

5. Pahimakas Mabini
6. Un Recuerdo Julian Felipe

Test II - Nasa ibaba ang ilang mga mahahalagang panyayari na kaugnay ng Rebolusyong 1896 na
nakatulong sa pagkakabuo ng Pilipinas bilang Bansa. Ayusin ang mga ito ayon sa wastong pagkakasunod-
sunod. Lagyan ng bilang 1 – 10 sa mga patlang.
_____ Itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas.
_____ Itinatag ang simbahang Iglesia Filipina Independiente.
_____ Pinasinayaan ang Kongeso ng Malolos.
_____ Inihayag ang kalayaan ng Pilipinas.
_____ Napatay si Gregorio del Pilar.
_____ Binuo ang Kongreso ng Saligang Batas.
_____ Isinuko ni Aguinaldo ang Republika ng Pilipinas sa mga Amerikano.
_____ Tinugis ng mga Amerikano ang mga Pilipino sa Pasong Tirad.
_____ Patuloy na lumaban ang mga Pilipino sa pananakop ng Amerika.
_____ Nadakip si Emilio Aguinaldo

Inihanda ni
Angeline C. Amaranto
Teacher – III

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VIII
NORTHERN SAMAR DIVISION
BOBON DISTRICT

ARALING PANLIPUNAN
GRADE YEAR/LEVEL:6 QUARTER: 1
Week 5 (Day 3)

Pangalan ______________________ Petsa: ___________________________

LEARNING CONTENT: ANG KONGRESO NG MALOLOS


COMPETENCY: Naipapaliwanag ang nakapaloob at mga magawa ng Kongreso ng Malolos.
Ang Kongreso ng Malolos o pormal na kinikilala bilang ‘’ Pambansang Asambleya’’ ng mga
kinatawan ay ang asamleya ng mga nahalal ng Unang Republika ng Pilipinas. Sila ay nagtipon-tipon sa
Simahan ng Barasoain sa Lungsod ng Malolos Bulacan. Ito ang siang bumuo ng kontitusong Malolos.
Noong ika-15 ng Setyembre 1898, pinasinayaan ang kongreso ng Malolos. Ang mga kinataan ay mga 85
mamamayang nabibilang sa may mataas na pinag-aralan matalino, at mayroong kaya sa buhay.
Sa pamumuno ni Felipe G. Calderon ang mga kinatawan ng kongreso ay naghanda ng Saligang
Batas. Ang Saligang Batas ng Malolos na nagtahana ng isang pamahalaang demokratiko.

Exercises/Activities/Pamamaraan
Ipares ang mga pangyayari sa hanay A sa epekto o ibinunga nito sa hanay B.

A B
_____ 1. Ipinahayag ng mga Pilipino ang a. Bumaksak ang Republika ng Pilipinas
Kalayaan ng bansa. b. Nadakip si Pangulong Emilio Aguinaldo
_____ 2. Binuo ng mga Pilipino ang c. Tinugis sila ng mga Amerikano at
Kongreso ng Malolos pinarusahan
_____ 3. Natalo sa digmaan ang mga d. Nagalit ang mga Pilipino sa mga
Pilipino laban sa mga Amerikano Amerikano
_____ 4. Natalo sa labanan ang puwersa ni e. Bumuo sila ng Saligang Batas
Heneral Gregorio del Pilar f. Tumangging sumuko ang mga Pilipino
_____ 5. Nagpatuloy sa pakikipaglaban sa Pamahalaang Amerikano
Ang mga Pilipino

Test II.
Lagyan ng tsek (√) ang angkop na hanay na nagpapahayag sa kahalagahan ng Kongreso ng Malolos ng
Paglalahad ng kasarinlan ng bansa. Lagyan ng ekis (X) ang hindi.
MGA GAWAIN NAGAWA BINALA HINDI
K
1. Bumuo ng Saligang Batas
2. Magtatag ng malayang bansa
3. Magtatag ng republika
4. Maghalal ng pangulo ng bansa
5. Kilalanin bilang malayang bansa ng iba’t ibang bansa
Inihanda ni
Angeline C. Amaranto
Teacher III

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VIII
NORTHERN SAMAR DIVISION
BOBON DISTRICT

ARALING PANLIPUNAN
GRADE YEAR/LEVEL:6 QUARTER: 1
Week 5 (Day 4)

Pangalan ______________________ Petsa: ___________________________

LEARNING CONTENT: ANG SALIGANG BATAS NG MALOLOS


COMPETENCY: Natatalakay ang mga nakasaad sa Saligang Batas ng Malolos.

Pinakamahalagang nagawa ng kngreso ng Malolos ay ang paghahanda ng isang Saligang Batas. Ang
Saligang Batas ng Malolos ay nagtadhana ng isang pamahalaang demokratiko. Ang Saligang Batas ng
Malolos ang itinuring na kauna-unahang demokratikong konstitusyon na nagawa sa buong Asya. Itinatag
ang konstitusyon ang isang malayang Republika ng Pilipinas. Pinasinayaan ang unang Republika ng
Pilipinas noong Enero 23,1899 at si Heneral Emilio Aguinaldo ang nahalal na unang Pangulo nito.
Mga nakasaad sa Saligang Batas ng Malolos
 Pagkakaroon ng mga karapatan (Bill o Rights)
 Paghihiwalay ng Simbahan at Estado
 Libreng edukasyon pampubliko
 Pangangalaga sa buhay at ari-arian ng bawat mamamayan
 Pangongolekta ng buwis ayon sa batas
 Pagkakaroon ng sangay ng pamahalaan
 Tagapagpaganap o ehekutibo (Pangulo at VP)
 Tagapagbatas o lehislatibo (Asembleya)
 Hudikatura (katas-taasang hukman)

Exercises/Activities/Pamamaraan

Sagutin ang mga katanunagn ayon sa iyong natutunan. (5 puntos bawat bilang)

1. Anong uri ng pamahalaan ang itintag ng Saligang Batas ng Malolos?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
____

2. Nabigyang proteksiyon ba ng Saligang atas ng Mallos ang karapatan ng mga mamamayan? Ano-
anong karapatan ang mga ito?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
______

3. Bakit kaya sadyang pinaghiwalay ang tungkulin ng simbahan at pamahalaan sa Saligang batas na
ito?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
----------

Inihanda ni
Angeline C. Amaranto
Teacher III
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII
NORTHERN SAMAR DIVISION
BOBON DISTRICT

ARALING PANLIPUNAN
GRADE YEAR/LEVEL:6 QUARTER: 1
Week 5 (Day 5)

Pangalan ______________________ Petsa: ___________________________

LEARNING CONTENT: ANG KASUNDUAN SA PARIS AT ANG REPUBLIKA NG MALOLOS


COMPETENCY: Natatalakay ang nilalaman ng Kasunduan sa Paris at ang Repulika ng Malolos.

Ang Kasunduan sa Paris


Pagkaraan ng ilang buwan pumirma ang mga kinatawan ng Spain at Amerika sa kasunduan sa Paris
noong Disembre 10 1898. Ayon sa kasunduang ito:
1. Pormal na winakasan ang digmaan ng dalawang bansa
2. Kinilala ng Spain ang kalayaan ng Cuba.
3. Ibinigay ng Spain sa United States ang karapatang sakupin ang Guam, Puerto Rico, at ang Pilipinas.
4. Bilang kapalit ng karapatang ito ay binayaran ng mga Amerikano ng halagang US Ṩ20,000,000 ang
mga Espanyol.
Ang Republika ng Malolos
Ang Republika ng Malolos a itinatag noong Enero 23, 1899. Si Heneral Emilio Aguinaldo ang
nahalal na unang pangulo nito. Ang unang Republika na itinatag ng mga Pilipino ay hindi kinilala ng
mga Amerikano.
Namulat ang mga Pilipino na ang tunay nap aka ng mga Amerikano ay sakupin ang Pilipinas at hindi
ang kalaaan nito.
Exercises/Activities/Pamamaraan
Lagyan ng tsek (√) ang mga pangyayaring kaugnay ng kasunduan sa Paris at ang Unang Republika ng
Pilipinas, at ekis (x) ang hindi.
_____ 1. Ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas.
_____ 2. Nagdaos ng kumbensiyon ang Kongreso ng Malolos
_____ 3. Itinatag ang Pamahalaang Rebolusyonaryo.
_____ 4. Bumuo ng Saligang Batas.
_____ 5. Nakamit ang kalayaan sa Spain.
_____ 6. Nakipagkasundo si Aguinaldo sa mga Amerikano.
_____ 7. Nagdaos ng halalan.
_____ 8. Nagbalangkas ng isang demokratikong pamahalaan.
_____ 9. Ipinakilala ang Pilipinas sa ibang Bansa.
_____ 10. Nakabili ng mga makabagong armas.

Inihanda ni
Angeline C. Amaranto
Teacher III

You might also like