You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Lapu-Lapu City
DISTRICT IX
POO ELEMENTARY SCHOOL
San Vicente, Lapu-Lapu City
 
 
UNANG MARKAHAN SA ARAPAN 6

A. Panuto: Isulat sa patlang ang kung TAMA at kung ito ay MALI ang sumusunod na payahag.
______ 1. Matutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo gamit ang globo o mapa.
______ 2. Sa gitna ng isang globo ay may pahalang na guhit na tinatawag na Ekwador.
______ 3. Ang Pilipinas ay napapalibutan nag mga anyong tubig lamang.
______ 4. Isang archipelago o kapuluan an gating bansa.
______ 5. Ang lokasyon ng Pilipinas ay nasa Hilagang Ekwador.
______ 6. Tinatayang 300, 708 kilometro kuwadrado ang laki o sukat ng Pilipinas
______ 7. Nang nabuksan ang Suez Canal naging madali ang pagbiyahe ng mga kalakal.
______ 8. May 1,000 pulo ang bumubuo sa ating bansa.
______ 9. Mahirap matiyak ang kinalalagyan ng Pilipinas.
______ 10. Napakahalaga ng mga mapa at globo sa pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar.
B. Basahin ang bawat tanong. Piliin ang titik nang tamang sagot.
1. Bakit may mga likhang-isip na guhit ang globo?
A. Upang mabasa itong mabuti
B. Upang makapunta sa iba’t ibang lugar
C. Upang matiyak ang malalaking bansa sa buong mundo
D. Upang matukoy ang kinalalagyan ng mga bansa sa buong mundo
2. Saan matatagpuan ang Pilipinas?
A. 4:21: Hilagang Latitud at 116:-127: Silangang Longhitud
B. 4:21: Silangang Latitud at 116:-127: Hilagang Longhitud
C. 8:12: Hilagang Latitud at 110:-127: Silangang Longhitud
D. 10:21: Silangan Latitud at 116:-127: Hilagang Longhitud
3. Bakit kailangan matiyak ang lokasyon at sukat ng bawat bansa?
A. Para mapalagaan ang likas na yaman nito
B. Para maitupad ang Doktrinang Arkipelago
C. Para matiyak ang teritoryo ng bawat isa
D. Para magkasundo ang mga kasapi ng samahan ng mga Nagkakaisang bansa
4. Ito ay isang kilusan na binubuo ng mga pangkat ng makabayang Pilipino na humihingi ng reporma.
A. Propaganda B. La Solidaridad C. Repormista D. La Liga Filipina
5. Isang pahayagan itinatag ng mga Pilipino sa Espanya na pinamumunuan ni Graciano Lopez Jaena.
A. Circulo-Hispano B. Propaganda C. La Solidaridad D. La Liga Filipina
6. Ano ang pangunahing layunin ng Kilusang Propaganda?
A. Maipalaganap ang demokrasya
B. Pagkapantay-Pantay ng mga Pilipino at Espanyol
C. Pakikipaglaban sa kaunlaran
D. Pagpapalaganap ng himagsikan
7. Ano ang tawag sa samahan na itinatag ni Andres Bonifacio?
A. La Liga Filipina B. Propaganda C. Reporma D. KKK
8. Sino ang naging kanang kamay ni Bonifacio at kinikilalang Utak ng Katipunan?
A. Emilio Jacinto B. Emilio Aguinaldo C. Antonio Luna D. Jose Rizal
9. Ano ang pangunahing layunin ng Katipunan?
A. Ipagtanggol ang mga maralita.
B. Magkaroon ng lakas at tatag ang mga kalaban
C. Makamit ang kalayaan sa Pilipinas
D. Ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga espanyol
10. Isang natatanging pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na binubuo ng mahigit limangdaang katipunero.
A. Pagbitay nang Tatlong Paring Martir C. Pagtatag ng KKK
B. Paglagda ng isang Kasunduan D. Unang Sigaw ng Pugad Lawin
11. Siya ang Gobernador Heneral na kumakatawan sa Espanya na nakikipagsundo kay Emelio Aguinaldo sa
kasunduan sa biak na bato.
A. Pedro Paterno C. Baldomero Aguinaldo
B. Isabelo Artacho D. Primo de Rivera
12. Ano ang layunin ng Kasunduan sa Biak-na-Bato?
A. Itigil ang labanan para sa ikatatahimik ng bansa
B. Ibigay na ang kalayaang hinihingi ng Pilipinas
C. Itago sa lahat ang mga anomalya sa pamahalaan
D. Ituloy ang labanan kahit may kasunduan
13. Alin sa mga sumusunod ang pinakamapait na pangyayari sa rebolusyon?
A. pagkamatay ni Andres Bonifacio C. pagsikat ni Emilio Aguinaldo
B. pagkabulgar ng Katipunan D. pag-aalinlangan ng mga Kastila at Pilipino sa isa’t isa
14. Sino ang tumutol na bigyan ng pwesto si Andres bonifacio sa Pamahalaang Rebolusyunaryo?
A. Candido Tirona B. Daniel Tirona C. Mariano Trias D. Emilio Aguinaldo
15. Sino ang gumagamit ng pangalang Laong Laan at Dimas Alang sa kanyang pagsulat sa Kilusang Propaganda?
A. Graciano Lopez Jaena C. Marcelo H. del Pilar
B. Jose Rizal D. Antonio Luna

C. Punan ang bawat patlang ng tamang sagot na nasa kahon.

Kasunduan sa Paris grid digri West Philippine Sea


Spratly Island Teritoryo
Spratly
_________1.Ito ay ginagamit na panukat ng layo ng isang lugar sa ekwador.
________2. Ito ay nabubuo kung pagsama-samahin ang mga guhit latitude at guhit longhitud sa mapa o globo.
________3. Pulo na pinag-aagawan ng iba’t ibang bansa sa Asya.
________4. Ito ay nilagdaan ng Estados Unidos at Espanya noong Disyembre 10, 1898 na nagtatakda ng
hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas
________5. Twag ng Pilipinas sa South China Sea.
D. Punan ang bawat patlang ng tamang sagot na nasa kahon.
___________1. Ito ang samahan naitatag ni Andres Bonifacio upang makamit ang kalayaan gamit ang
armas sa pakikipaglaban.
___________2. Mga nobelang isinulat ni Dr.Jose Rizal na nagpapahayag sa pagmamalabis ng mga Espanyol.
___________3. Naglalaman ng mga aral na dapat sundin ng mga kasapi ng Katipunan
___________4. Isang kapisanang pansibiko na naglalayong ilahok ang mga tao sa kilusang pagbabago, ito’y
pinamunuan ni Rizal
___________5. Isang pahayagan ng kilusang pangreporma na unang inilabas noong ika-15 ng Pebrero,
1889; si Graciano Lopez Jaena ang unang patnugot na sinundan ni Marcelo H. del Pilar.
___________6. Isang mahalagang sulatin ni Apolinario Mabini.
___________7. Ang tatlong paring martir, pinaghinalaan silang nag-alsa sa Cavite, naparusahang ng kamatayan sa
pamamagitan ng paggarote
___________8. Siya ay kilala bilang Tandang Sora, siya ang tumulong sa mga Katipunero
___________9. Siya ang dakilang lumpo na utak ng himagsikan
__________10. Utak ng Katipunan

KKK El Filibusterismo at Noli Me Tangere


La Liga Filipina La Solidaridad Tunay na Dekalogo
GOMBURZA Apolinario Mabini Emilio Jacinto
Melchora Aquino Kartilla

Prepared by:

GENEVIVE C. DAYULA
Teacher III
ANSWER KEY ARAPAN 6

A. 1. 4. 7. 10.

2. 5. 8.
3. 6. 9.

B. 1. D 6. B 11. D
2. A 7. D 12. A
3. C 8. A 13. D
4. A 9. C 14. B
5. C 10. D 15. B
C. 1. Digri
2. grid
3. spratly island
4. Kasunduan sa Paris
5. West Philippine Sea
D. 1. KKK
2. El Filibusterismo at Noli me Tangere
3. Kartilla
4. La Liga Filipina
5. La Solidaridad
6. Tunay na dekalogo
7. GOMBURZA
8. Melchora Aquino
9. Apoloninario Mabini
10. Emilio Jacinto

You might also like