You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
APELO CRUZ ELEMENTARY SCHOOL
E. RODRIGUEZ STREET MALIBAY, PASAY CITY

:_________________________________________GRADE & SECTION:____________________________________

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Pumili ng tamang sagot at isulat ang letra sa patlang.

______1. Ang pagbubukas ng Kanal Suez ang nagbigay-daan sa pagbubukas ng daungan ng bansa sa pandaigdigang
kalakalan. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing epekto nito?
A. Dumami ang mga Europeong nakarating sa Pilipinas.
B. Naging tanyag ang mga Pilipino dahil sa kanilang galing at talino.
C. Bumilis ang paglalakbay at nakarating sa Pilipinas ang kaisipang liberal.
D. Nagkaroon ng kaalyadong bansa ang Pilipinas upang tumulong sa pakikipaglaban
______2. Sa pagbubukas ng daungan ng bansa sa pandaigdigang kalakalan, paano napaunlad ang ekonomiya ng
Pilipinas?
A. Nakarating sa Pilipinas ang mga kaisipang liberal.
B. Nakapagluwas ng maraming produkto at lumaki ang kita.
C. Maraming Pilipino ang nakapag-aral sa ibang bansa gaya ng Espanya.
D. Maraming bansa ang nagbigay ng tulong sa Pilipinas para sa ekonomiya
______3. Ito ang tawag sa anak ng isang Espanyol at katutubong Pilipino. Sila ay kadalasang may kakayahan na
pag-aralin ang mga anak sa Maynila at sa Europa.
A. Indio C. Mestizo
B. Insulares D. Principalia
______4. Ang mga nabansagang _____________ na ibig sabihin ay “naliwanagan” ay mga anak ng mayayamang
Pilipino na nakapag-aral sa unibersidad sa Maynila at Espanya.
A. Ilustrado C. Insulares
B. Indio D. Peninsulares
______5. Ang pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral sa Europa ay nagdulot ng pag-usbong ng gitnang uri ng
lipunan. Alin sa mga sumusunod ang pagbabagong idinulot nito sa lipunang Pilipino?
A. Napayaman ang lahat ng katutubo.
B. Naging dalubhasa sa iba’t-ibang larangan.
C. Nanguna sa pagsulong ideya ng karapatang pantao,
D. Hindi naging pantay ang pagtingin sa kanila ng mga Espanyol.

______6. Ang Dekretong Edukasyon ng 1863 ay nagbigay ng pagkakataon sa mga karaniwang mamamayan na
makapag-aral. Ang mga sumusunod ay mabuting epekto ng Dekretong Edukasyon ng 1863 MALIBAN SA ISA?
A. Naunawaan ang diwang nasyonalismo
B. Mababa ang pagtingin sa sariling kultura.
C. Nagpakadalubhasa ang mga Pilipino sa iba’t ibang larangan
D. Naunawaan ang kahulugan ng edukasyon sa kaunlaran at tagumpay sa buhay.
______7. Si Carlos Maria de la Torre ay kilala sa pagiging liberal na pinuno. Paano niya ito naipakita bilang
gobernador-heneral ng bansa?
A. Pinabalik niya sa Espanya ang maraming Espanyol.
B. Naipadama niya ang kalayaan at karapatan sa mga Pilipino.
C. Pinahanga niya ang mga Pilipino sa kaniyang pamamahala.
D. Nagbigay siya ng magandang posisyon sa mga Pilipino sa pamahalaan.
______8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan sa epekto ng pagbubukas ng mga daungan sa
bansa?
A. Ang kalakalan ang nagbigay ng ideya sa pagkakaroon ng kalayaan, pagkapantay- pantay at pagkakapatiran
ng mga Pilipino.
B. Hindi nakapagdulot ng kaunlaran sa agrikultura ang pakikipagkalakalan ng mga Pilipino sa Espanya.
C. Naging maunlad ang ekonomiya ng Pilipinas dahil lamang sa tulong na ibinigay ng Europa.
D. Ang Pilipinas ay naging maimpluwensiya at maunlad na bansa dahil sa kalakalan.
______9. Ito ay itinatag upang ipagtanggol ang karapatan ng mga Pilipinong paring sekular sa mga parokya.
A. Katipunan C. Reporma
B. Propaganda D. Sekularisasyon
______10. Tinawag na _______________________ ang pangyayari kung saan nag-alsa ang mga sundalo at
manggagawa sa arsenal sa Fort San Felipe dahil sa pagtanggal sa kanilang mga prebilehiyo.
A. Pag-aalsa sa Arsenal C. Pag-aalsa sa Fort san Felipe
B. Pag-aalsa sa Cavite D. Pag-aalsa sa Pilipinas
______11. Ito ang pangyayari noong 1872 na higit na gumising sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino.
A. mga pag-aalsa C. Kilusang Sekularisasyon
B. Pag-aalsa sa Cavite D. Pagbitay sa Tatlong Paring Martir

Address: E. Rodriguez St. Malibay, Pasay City


Telephone Number: 851-5914/777-3082
                 E-mail Address: 136590@deped.gov.ph
______12. Itinatag ng mga ilustrado sa Espanya ang Kilusang Propaganda. Ang mga sumusunod ay layunin ng Kilusang
propaganda MALIBAN SA ISA.
A. Pagkakaloob ng kalayaan sa pananalita, pamamahayag, pagpupulong at paghaharap
ng petisyon.
B. Pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas.
C. Pagiging bahagi ng Pilipinas ng bansang Espanya bilang lalawigan.
D. Pagtatalaga ng mga paring Regular sa bawat Parokya.
______13. Maraming mga ilustrado ang naging bahagi ng Kilusang Propaganda. Alin sa mga sumusunod ang
pinakamatinding epekto ng pagkakabuo nito?
A. Maraming nakilala na magaling sa pagsusulat.
B. Nabuo ang galit ng mga Pilipino sa pamahalaang Espanyol.
C. Nakabuo ng mga samahan ng mga Pilipino na lalaban gamit ang lakas at armas.
D. Namulat ang isipan at mas tumindi ang pagmamahal ng mga Pilipino sa Inang bayan.
______14. Sa kanyang dalawang akdang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay tinuligsa niya ang kasamaan ng mga
prayle at kabulukan ng sistema ng pamahalaan ng mga Español.
A. Juan Luna C. Marcelo H. Del Pilar
B. Jose P. Rizal D. Graciano-Lopez Jaena
______15. Ito ang kilusang may layuning pag-isahin ang mga Pilipino bilang isang malakas at matatag na hukbo upang
makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng himagsikan o rebolusyon.
A. Katipunan C. Propaganda
B. Pag-aalsa D. Sekularisasyon
______16. Siya ang tinaguriang “Ama ng Katipunan” at isa sa nagtatag ng kilusan. Siya rin ay may sagisag-panulat na
“Agapito Bagumbayan”.
A. Andres Bonifacio C. Emilio Aguinaldo
B. Apolinario Mabini D. Emilio Jacinto
______17. Siya ang naging patnugot ng Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan. Kinilala din siya bilang “Utak ng
Katipunan na may sagisag-panulat na Pingkian.
A. Andres Bonifacio C. Emilio Aguinaldo
B. Apolinario Mabini D. Emilio Jacinto
______18. Naganap ang ______________________ sa Cavite dahil sa alinlangan, salungatan, at tunggalian sa
pamumuno ng Katipunan. Sa pangyayaring ito rin naihalal bilang pangulo ng Pamahalaang Rebolusyonaryo si
Hen. Emilio Aguinaldo.
A. Kasunduan sa Paris C. Kumbensyon sa Tejeros
B. Kumbensyon sa Imus D. Kasunduan sa Biak-na-Bato
______19. Ang mga sumusunod ay mga implikasyon ng pagsawalang bisa ni Andres Bonifacio sa naganap na
pagpupulong MALIBAN sa _________________.
A. mabilis na pagkamit ng kalayaan C. pagkatalo sa labanan
B. pagpapahuli sa kanya D. pagpatay sa kanila
______20. Natuklasan ang Katipunan noong Agosto 19, 1896. Ang pagkakadiskubre ay nagsimula lamang sa _______
A. kwento ng mga nagtatag C. liham na nakumpiska ng mga Kastila
B. away ng dalawang kasapi D. artikulong nakasulat sa pahayagan
______21. Ang pangyayaring ito ang naging hudyat ng Rebolusyong Pilipino laban sa kolonyalismo ng Espanya.
A. Kasunduan sa Biak na Bato C. Kumbensyon sa Tejeros
B. Pagkakatatag ng Katipunan D. Sigaw sa Pugadlawin
______22. Tinutulan ni Daniel Tirona ang pagkakahalal ni Andres Bonifacio sa posisyong Direktor Interyor. Alin sa mga
sumusunod ang dahilan bakit hindi raw siya nararapat sa posisyong ito?
A. Mahirap lamang siya. C. Dahil siya ang dapat na presidente.
B. Isang panggugulo lamang ito. D. Isang abogado ang akma sa posisyon.
______23. Nilagdaan ang Kasunduan sa Biak-na-Bato nina Hen. Emilio Aguinaldo at Gob. Hen. Primo de Rivera na
naglalaman na ang mga rebolusyonaryo ay isusuko ang mga sandata at _____________________.
A. bibigyan ng amnestiya C. papatayin kapag sumuko
B. papatawan ng parusa D. pagtatrabahuhin sa pamahalaan.
______24. Maituturing na bigo ang Kasunduan sa Biak-na-Bato. Ano ang dahilan ng pagkabigo nito?
A. Hindi binayaran ng Espanyol ang mga Pilipinong napinsala ng digmaan.
B. Hindi tumupad sa pangakong magbabayad ng halagang ₱ 1,700.000.
C. Walang tiwala ang dalawang panig sa isat isa.
D. Lahat ng nabanggit
______25. Sinisimbolo ng walong sinag ng araw sa ating watawat ang unang walong lalawigang naghimagsik sa mga
Espanyol. Alin sa mga ito ang hindi kabilang?
A. Cavite c. Maynila
B. Laguna d. Palawan

______26. Ang mga kababaihan ay may malaking ginampanan sa Rebolusyon. Alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang sa kanilang mga ginampanan?
A. Nagtago ng mga mahahalagang dokumento.
B. Iniiwan ang lahat ng babae sa bahay tuwing may labanan
C. Gumagamot at nagpapakain sa mga sugatang rebolusyonaryo.
D. Nangunguna siya sa pag-awit at pagsasayaw sa tahanan kung saan ginaganap ang
mga pulong upang lansihin ang mga nagrorondang kawal.

Address: E. Rodriguez St. Malibay, Pasay City


Telephone Number: 851-5914/777-3082
                 E-mail Address: 136590@deped.gov.ph
______27. Tinaguriang “Ina ng Katipunan” si Melchora Aquino o mas kilala bilang Tandang Sora dahil _______________.
A. siya ang nag-iisang babaeng rebolusyonaryo mula sa Iloilo laban sa Espanyol
B. ginamot niya ang mga sugatang Rebolusyonaryo
C. siya ang tumahi ng watawat ng Pilipinas
D. siya ang tagatago ng mga dokumento

______28. Itinatag nya Noong taong 1899 ang "Hijas dela Revolucion" na kinalaunan ay nakilala sa pangalang
"Asociacion de la Cruz Roja" na naging Philippine Red Cross
A. Marcela Marcelo B. Matea Rodriguez C. Hilaria Aguinaldo D. Agueda Kahabagan
______29. Si __________________ na binansagang "Selang Bagsik," ang bayaning nagmula sa Malibay, Pasay City.
Siya ay nakipaglaban sa "Battle of Pasong Santol" sa Imus noong Marso 1897.
A. Marcela Marcelo B. Matea Rodriguez C. Hilaria Aguinaldo D. Agueda Kahabagan
______30. Bakit tinaguriang “Joan of Arc ng Kabisayaan” si Teresa Magbanua?
A. Dahil siya ang nag-iisang babaeng rebolusyonaryo mula sa Iloilo laban sa Espanyol
B. Dahil ginamot niya ang mga sugatang Rebolusyonaryo.
C. Dahil siya ang tumahi ng watawat ng Pilipinas.
D. Dahil siya ang tagatago ng mga dokumento.
______31. Si _____________________ ay nakipaglaban kasama ang mga rebolusyonaryo noong panahon ng mga
Espanyol. Kinilala din siya bilang “Ina ng Philippine National Red Cross” at “Ina ng Biak-na-Bato”.
A. Trinidad Tecson B. Teresa Magbanua C. Melchora Aquino D. Gregoria de Jesus
______32. Sa pagnanais ng mga Pilipino na maging malaya, minarapat nilang tumawag ng kongresong bubuuin ng mga
kinatawang halal ng mga bansa. Ang Kongreso ng Malolos ay pinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain,
Malolos Bulacan.noong ___________________.
A. Setyembre 15, 1988  C. Setyembre 15, 1889 
B. Setyembre 15, 1898  D. Setyembre 15, 1888 
______33. Itinatag ng Saligang Batas ng Malolos ang isang demokratikong republika na nahahati sa tatlong sangay: Alin
sa mga sumusunod ang hindi naging sangay ng Unang Republika ng Pilipinas? 
A. Tagapagpaganap  C. Tagapagbatas 
B. Tagapaghukom  D. Pangalawang Pangulo 
______34. Inatasan ni Hen. Emilio Aguinaldo na tumahi ng watawat ng Pilipinas na ginamit sa pagdeklara ng Kalayaan
ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo, 1898.
A. Delfina Herbosa B. Lorenza Agoncillo C. Marcela Agoncillo D. Lahat ng nabanggit
______35. Siya ang sumulat ng liriko ng pambansang awit ng Pilipinas na mula sa tulang “Filipinas”.
A. Ambrosio Rianzares Bautista C. Jose Palma
B. Emilio Aguinaldo D. Julian Felipe
______36. Ito ang nagbigay ng kauna-unahang pagkakataon na makapagpatakbo ng sariling pamahalaan ang mga
Pilipino. Itinuturing na pinakatugatog ng tagumpay sa pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga dayuhan ang
panahon ng ______________________.
A. Repubilika ng Biak na Rato C. Republika ng Malolos
B. Republika ng Malabon D. Republika ng Pugadlawin
______37. Ang mga sumusunod ay mga nagawa ng Unang Republika ng Pilipinas MALIBAN sa isa.
A. Nagbukas ng mga paaralan
B. Nagtatag ng opisyal na pahayagan.
C. Nilagdaan ang konstitusyon ng Biak na Bato.
D. Pagsasaayos ng mga gawaing propaganda at pandiplomatiko.
______38. Ito ang naging hudyat ng Digmaang Pilipino-Amerikano kung saan ay binaril ni William Walter Grayson ang
isang Pilipino noong ika-4 ng Pebrero, 1899 at nagsimula ng palitan ng putukan sa pagitan ng mga Pilipino at
Amerikano.
A. Unang Putok sa Silencio at Sociego C. Labanan sa Balangiga
B. Labanan sa Look ng Maynila D. Labanan sa Pasong Tirad
______39. Ito ay nilagdaan noong Disyembre 10, 1898 na nagtapos sa Digmaang Espanyol-Amerikano. Nakasaad sa
kasunduang ito ang pagbili sa Pilipinas mula sa Espanya sa halagang $20,000,000 ng Estados Unidos.
A. Kasunduang Bates C. Kasunduan sa Naic
B. Kasunduan sa Biak-na-Bato D. Kasunduan sa Paris

______40. Sa labanang ito nakilala si Hen. Gregorio del Pilar habang kaniyang pinatatakas si Hen. Emilio Aguinaldo mula
sa mga tumutugis na mga Amerikano.
A. Labanan sa Balangiga C. Labanan sa Pasong Tirad
B. Labanan sa Bud Bagsak D. Labanan sa Look ng Maynila
______41. Isa ito sa pinakatanyag na labanan sa pagitan ng mga Amerikano at mga Pilipino na nangyari noong
Setyembre 28, 1901 sa pamumuno ni Hen. Vicente Lukban sa isla ng Samar.
A. Labanan sa Balangiga C. Labanan sa Pasong Tirad
B. Labanan sa Bud Bagsak D. Labanan sa Look ng Maynila
______42. Maraming nakilalang Pilipinong nagpakita ng katapangan sa pakikipaglaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano.
Tumagal ang labanang ito ng ____________ taon.
A. apat B. dalawa C. lima D. tatlo
______43. Ang kasunduang ito ay nilagdaan ni Hen. John C. Bates Sultan Hadji Mohammed Jamalul Kiram II ng
Sultanate of Sulu noong Agosto 20,1899.
A. Kasunduang Bates C. Kasunduan sa Naic
B. Kasunduan sa Biak-na-Bato D. Kasunduan sa Paris

Address: E. Rodriguez St. Malibay, Pasay City


Telephone Number: 851-5914/777-3082
                 E-mail Address: 136590@deped.gov.ph
______44. Si _____________________ay kinikilala bilang pinakamahusay na Pilipinong heneral sa kaniyang panahon at
namuno sa Hukbong Sandatahan ng Himagsikang Pilipino.
A. Antonio Luna B. Gregorio del Pilar C. Miguel Malvar D. Macario Sakay
______45. Nahirang na brigadyer heneral si __________________ nang sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Isa
rin siya sa mga huling heneral na sumuko sa mga Amerikano.
A. Antonio Luna B. Gregorio del Pilar C. Miguel Malvar D. Macario Sakay
______46. Alin sa mga sumusunod ang naging ambag ni Hen. Miguel Malvar sa Digmaang Pilipino-Amerikano?
A. Nagtanggol sa sa Pasong Tirad.
B. Itinatag niya ang Academia-Militar.
C. Naging kinatawan sa Philippine Assembly
D. Inako ang responsibilidad ng pamumuno ng hukbong Pilipino.
______47. Kilala bilang “Matang Lawin” naging mahusay na pinuno at estratego ng mga rebolusyonaryo. Naging
kinatawan sa Philippine Assembly.
A. Apolinario Mabini B. Gregorio del Pilar C. Isidoro Torres D. Emilio Aguinaldo

______48. Itinuring siyang “Utak ng Himagsikang Pilipino.” Siya ang naging tagapayo ni Aguinaldo sa panahon ng
rebolusyon kung kaya’t siya ay nakilala bilang “Dakilang Lumpo”.
A. Apolinario Mabini B. Gregorio del Pilar C. Isidoro Torres D. Emilio Aguinaldo
______49. Ang mga sumusunod ay mga nagawa ni Hen. Antonio Luna para sa Pilipinas. MALIBAN SA ISA.
A. Pinamunuan niya ang pakikipaglaban sa mga Espanyol sa pamamagitan ng pagtatatag ng Kilusang Katipunan
B. Sumapi sa Kilusang Propaganda na humihingi ng pagbabago sa mapayapang pamamaraan
C. Pinamunuan niya ang Jukbong Sandatahan ng Himagsikang Pilipino.
D. Itinatag niya ang Academia Militar.
______50. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginawa ni Isidoro Torres?
A. Bumuo ng pangkat ng Katipunan sa Bulacan.
B. Hinarang ang mga Espanyol sa Ilog ng Masukol
C. Lumaban sa Maynila sa ilalim ng pamumuno ni Antonio Luna.
D. Nakipagkasundo sa mga Espanyol para sa kalayaan ng bansa.

Address: E. Rodriguez St. Malibay, Pasay City


Telephone Number: 851-5914/777-3082
                 E-mail Address: 136590@deped.gov.ph

You might also like