You are on page 1of 28

MODULES IN

GRADE 6
QUARTER 2 – WEEK 4
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing

Page 2 of 28
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!


Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito

Page 3 of 28
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!


Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D1

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________________

Pangalan ng Guro: __________________________________

Department of Education

Schools Division of Pasay City

Modyul sa Filipino 6

Ikalawang Markahan / Ikaapat na Linggo / Unang Araw

A.Layunin: Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan sa ibat-ibang sitwasyon.

B.1.Panimula:

Pang-uri – ay salitang naglalarawan

Pang-uring Panlarawan – nagsasabi tungkol sa hitsura,laki,lasa,amoy,hugis at iba pang katangian ng


pangngalan at panghalip.

Halimbawa:

a.Ang malulusog na bata ay malayo sa sakit.

b.Mabangong bulaklak ang Ilang-ilang

c.Ang maninipis na papel ay tinangay ng hangin.

2. Mga Gawain

Gawain 1:

Isulat sa patlang ang pang-uri na nasa loob ng pangungusap.

__________1.Ang saya ng babae ay maganda.

__________2.Maasim ang suka.

__________3.Ang aklat ay manipis.

Page 4
2 of 28
26
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D1

Pangalan:__________________________ Baitang at Pangkat:__________________________

Pangalan ng Guro:__________________________________

__________4.Pandak ang anak niya.

__________5.Hugis kandila ang mga daliri niya.

__________6.Ang kalye ay maputik.

__________7.Kulay bughaw ang langit.

__________8.Siya ay marunong.

__________9.Ang bahay kubo ay sira-sira

__________10.Matangos ang ilong ng bata

Gawain 2: Gawin Natin

Panuto: Bilugan ang salitang naglalarawan at salungguhitan minsan ang pangngalan o panghalip
na ginamit sa pangungusap.

1.Ang mahinhing dalaga ay maganda.

2.Masagana ang ani.

3.Walang tigil ang masayang bata sa kalulundag.

4.Naputikan ang magandang tsinelas ni Lola Eva.

5.Ang matabang aso ay nasagasaan .

Page 5
3 of 28
26
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D1

Pangalan:__________________________ Baitang at Pangkat:__________________________

Pangalan ng Guro:__________________________________

6.Lahat ng batang mababait ay may regalo kay Santa Claus sa pasko.

7.Malaking isda ang nahuli ng lambat

8.Ang mga mabagal sa paglakad ay naiwanan

9.Malamig ang hangin

10.Kulay bughaw ang dagat

Gawain 3:Pag-isipan Mo

Bumuo ng mga pangngungusap gamit ang mga salitang pangngalan na nakatala sa


loob ng kahon.Gumamit ng mga salitang naglalarawan o pang-uri.

guro bulaklak palengke

bola lapis bangko

doktor dalaga

aklat upuan

1.

Page 6
4 of 28
26
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D1

Pangalan:__________________________ Baitang at Pangkat:__________________________

Pangalan ng Guro:__________________________________

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Pagtataya:

Panuto: Pumili ng isang pagdiriwang batay sa mga larawang nakatala.Lagyan ng mga pang-
uring kaugnay sa napiling larawan gamit ang “word network” sa ibaba.

Moriones Pahiyas Maskara

Page 7
5 of 28
26
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D1

Pangalan:__________________________ Baitang at Pangkat:__________________________

Pangalan ng Guro:________________________________

Inihanda ni :

EVA C. ANDAYA

KALAYAAN ELEMENTARY SCHOOL

References for further Enhancement:

Landas sa Wika 6 pah.132-136

Pag-unlad sa Wika at Pagbasa pah.106-108

Page 8
6 of 28
26
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D2

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________________

Pangalan ng Guro: __________________________________

Department of Education

Schools Division of Pasay City

Modyul sa Filipino 6

Ikalawang Markahan / Ikaapat na Linggo / Ikalawang araw

A. Layunin: Nabibigyang kahulugan ang sawikaing napakingan.

B.1.Panimula:
Sawikain-Ang sawikain ay mga matatalinghagang salita na
karaniwang ginagamit sa pang araw-araw na buhay.Ito ay karaniwan
ding tinatawag na idyoma .Ito ay kadalasang salita o kalipunan ng
mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang kahulugan o
komposisyunal.Ito rin ay maaaring isang motto o pagpapahayag ng
damdamin.

Hal. Di-makabasag pinggan -mahinhin at masyadong tahimik.

Halik ni Hudas-ay nangangahulugang pagtatraydor o pagtataksil.

2. Mga Gawain

Gawain 1. Sumunod tayo

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sawikaing may salungguhit sa pangungusap.Piliin ang
titik nang wastong sagot sa loob ng kahon.

A.Pansamantalang pagpapakitang tao o hindi tunay naG.Pagpapakitang


pakikilahok
Luha ng buwaya- pagdadalamhati tao
B.Pagbingi-bingihan H.Niyakap ng mahigpit

C.hirap na maintindihan ang mga bagay bagay I.Pagtataksil

D.Pagsisiping ng bagong kasal J.Mahinhin

E.Pansamantalang kasipagan K.Masipag

F.Pagbubuhos ng pagod sa kabila ng walang katiyakang bunga nito


Page 9 7 of 2826
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D2

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________________

Pangalan ng Guro: __________________________________

____________1.Ang aming bagong kapitbahay ay di-makabasag pinggan.

____________2.Nahuli ang panginoong Hesus dahil sa halik ni Hudas.

____________3.Bata pa si Lino kaya salingpusa muna siya sa paaralan.

____________4.Nagalit ang ina dahil ang kanyang mga anak ay nag tengang kawali sa kanyang
mga utos.

____________5.Umiyak si Dona dahil tinawag siyang utakbiya ng kanyang kaklase.

____________6. Ibinilanggo sa mga bisig ng ama ang kanyang mga anak dahil matagal niya
itong hindi Nakita.

____________7.Siya ay nakitaan ng luha ng buwaya nang mamatay ang kanyang asawa.

____________8.Ang mga magsasaka ay nagpamalas ng karayom sa gitna ng dayami,kaya sila ay


kahanga-hanga.

____________9.Hindi umaasenso si Ruel dahil siya ningaskogon sa mga gawain.

___________10.Ang regalong tinanggap ng mga bagong kasal ay ang kanilang pulot gata sa
ibang bansa.

Page
Page 10
8 of
of 26
28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D2

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________________

Pangalan ng Guro: __________________________________

Gawain 2:

Panuto: Pagdugtungin ng guhit ang kahulugan ng mga sawikaing at ang nasa Hanay A at Hanay
B.

A. B.

1.abot-tanaw lasing

2.agaw-dilim mabango

3.alilang-kanin naabot ng tingin

4.amoy pinipig malapit nang gumabi

5.amoy tsiko utusang walang bayad

6.anak-pawis mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran

7.anak dalita mahirap

8.asal hayop manggagawa

9.balat-kalabaw matapang ang hiya

10.balik-harap masama ang ugali

C.Pagtataya:

Panuto:Piliin ang tamang kahulugan ng salitang may salungguhit na nasa loob


pangngungusap.

Bilugan ang titik nang wastong sagot.

1.Magaling sa balitang kutsero si Mang Victor.

a.maling balita c.hulang balita

Page
Page 11
9 of
of 26
28
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D2
b.totoong balita d.inaasahang balita

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________________

Pangalan ng Guro: __________________________________

2.Akala mo’y mabait ngunit bantay-salakay naman pala.

a.mabuting bantay c.natutulog na bantay

b.bantay sarado d.hindi mapagkakatiwalaan

3.Basa na ang papel ng prinsipal ang inyong ginawa kaya huwag na kayong magsinungaling.

a.binuhusan ng tubig c.nagustuhan niya

b.bistado na d.binalewala ang nakita

4.Mahilig sa basag-ulo si Paking.

a.mambasag c.away

b.makipag-kaibigan d.kasiyahan

5.Bilang na ang araw ni Aling Linda.

a.malapit nang mamatay c.malapit na umalis

b.malapit na ang kasal d.malapit na Manalo

6.Sikat ay may buhok anghel.

a.may puting buhok c.may mahabang buhok

b.may maikling buhok d.may magandangbuhok

7.Bukal sa loob ni Henry ang pagtulong sa kapwa.

a.taos puso/tapat c.pilit lang

b.pakitang tao d.humingi ng bayad

8.Hindi namalayan ni George ang oras kaya bukang liwayway na ng siya’y makauwi.

a.tanghali na c.malapit ng mag umaga

b.hapon na d.gabi na

Page 12
10 of 28
26
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D2

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________________

Pangalan ng Guro: __________________________________

9.Bungang tulog lang pala! Akala ko’y totoo na.

a.pantasya c.pangarap

b.panaginip d.ambisyon

10.Busilak ang puso ng batang si Angel.

a.walang pakialam sa iba c.malinis ang kalooban

b.may sakit sa puso d.walang puso sa magulang

Inihanda ni:

EVA C. ANDAYA

Kalayaan Elementary School

References for further Enhancement

Brainlyph.ellenettereyesdimas Virtuoso

Pinoycollection.com

Page 13
11 of 28
26
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D3

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________________

Pangalan ng Guro: __________________________________

Department of Education

Schools Division of Pasay City

Modyul sa Filipino 6

Ikalawang Markahan / Ikaapat na Linggo / Ikatlong araw

A. Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng pamatnubay na


tanong.

Ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento ay naglalahad o nag-aayos sa


pagsasalaysay ng mga pangyayari upang mas lalong maunawaan at maintindihan ng
mambabasa.

Ang banghay ay tumutukoy sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari sa kwento ay isang paraan ng pagbubuod,kung saan mahalaga ang kasanayan sa
pagkuha ng mga pangunahing kaisipan ng bawat talata o pangungusap sa kwento.

2.Mga Gawain:

Gawain 1.Sumunod Tayo

Panuto:Basahin ang maikling kwento.Isaayos ang mga pangyayari ayon sa pagkasunod-sunod


nito.Isulat ang letrang A-J.

Isang araw naliligo sa ilog si kalabaw ng siya’y tapos na sa pagtrabaho,naligo siya ng


buong araw hanggang natabunan na ng araw kinabukasan si kalabaw ay palakad papunta
kung saan naroon ang kanyang amo hanggang hinayaan ito ng maghapon,subalit may isang
hayop na nilalamig na dahil sa sobrang lamig at nangangailangan ng tulong niya at ito ay si
kambing.

Hindi lamang sa malamig ang panahon ito ay lumakas na rin ang hangin,ulan at
naninilim ang langit.Nang si kambing ay nakita niyang giniginaw ito’y pinuntahan niya upang
tulungan subalit si kambing ay takot na takot sa tubig dahil siya ay mababasa.Ang ginawa ni
kalabaw ay naghakot ng ilang dahoon ng saging at ginawang parang bahay kubo upang may
mapagsilungan si kambing .

Page 14
12 of 28
26
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D3

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________________

Pangalan ng Guro: __________________________________

Kinabukasan sila’y nakamulat na lamang ng maayos na ang takbo ng panahon ng sila


ay makalabas sa ginawang parang bahay kubo ni kalabaw.Laking pasalamat ni kambing kay
kalabaw kasi di siya nabasa at inalagaan siya nito.

Sa katagalan sila’y naging magkaibigan kahit saan man sila magkita.Patuloy na


isinapuso ni kambing ang ginawang tulong ni kalabaw sa kanya.

_____________1.Sa katagalan naging magkaibigan sina kalabaw at kambing.

_____________2.Patuloy na isinapuso ni kambing ang ginawang tulong ni kalabaw.

_____________3.Laking pasasalamat ni kambing kay kalabaw.

_____________4.Isang araw naligo sa ilog si kalabaw.

_____________5.May nakitang hayop si kalabaw na nilalamig.

_____________6.Kinabukasan si kalabaw ay palakad patungo sa kanyang amo.

_____________7.Gumawa ng bahay kubo si kalabaw para kay kambing.

_____________8.Naghakot si kalabaw ng ilang dahon ng saging.

_____________9.Malamig ang panahon at lumakas rin ang hangin.

_____________10.Pinuntahan ni kalabaw ang kambing upang tulungan.

Integrated the Development of the following Learning Skills.

A.Communication / Following instruction / Responding to ideas

B.Collaboration

C.Character

Page 15
13 of 28
26
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D3

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________________

Pangalan ng Guro: __________________________________

Gawain 2: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa mga larawang nakatala.

A.Lagyan ng bilang 1-4 ang mga larawan. B.Lagyan ng bilang 5-10 ang mga larawan

______________________________________________________________________________

Page 16
14 of 28
26
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D3

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________________

Pangalan ng Guro: __________________________________

C. Pagtataya

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong,mula sa kwentong binasa “Magkaibigang


Mantsing at Pagong”.Punan ang patlang ng tamang sagot.Piliin sa loob ng kahon.

Hinati sa dalawa Sa bao saging

Matsing Pinarusahan niya si Pagong Pagong

Kinain ni Matsing ang saging Namatay Itinapon siya nito sa kanyang


tahanan

Nilagyan ng mga tinik ni Pagong ang puno ng saging

1.Anong uri ng puno ang nakita nina Matsing at Pagong ng sila’y naglalakad? _______________

2.Ano ang ginawa nila sa puno ng saging ? __________________________

3.Kanino napunta ang bahaging may ugat? ________________________

4.Ano ang nangyari sa itinanim ni Matsing? _______________________

5.Sino ang umakyat sa puno upang makuha ang mga hinog na saging? ___________________

6.Bakit nagalit si Pagong kay Matsing? _________________________

7.Paano nakaganti si Pagong kay Matsing? ______________________

8.Saan nagtago si Pagong? _______________________

9.Anong balak gawin ni Matsing kay Pagong? ___________________

10.Bakit nasiyahan si Pagong sa parusa ni Matsing? _______________________

Page 17
15 of 28
26
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D3

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________________

Pangalan ng Guro: __________________________________

______________________________________________________________________________

Integrated the Development of the following Learning Skills.

1.Communication

a. Following instruction

b. Responding to ideas

2.Critical Thinking

a. Analysis

b. Interpretation

c.Explanation

Inihanda ni :

EVA C. ANDAYA

Kalayaan Elementary School

______________________________________________________________________________

References for further Enhancement

Books: Landas sa Pagbasa pah.9-11

Page 18
16 of 28
26
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D4

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________________

Pangalan ng Guro: __________________________________

Department of Education
Schools Division of Pasay City
Modyul sa Filipino 6
Ikalawang Markahan / Ikaapat na Linggo / Ikaapat na araw

A.Layunin:Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-kilalang salita sa pamamagitan ng


sitwasyong pinaggagamitan ng salita.

B.1.Panimula

Pamilyar – Ang pamilyar na salita ito ang mga salitang palasak na sa iyong pandinig o lagi mo
ng naririnig.

Di-pamilyar – Ito yung mga salitang bihira mong marinig o hindi mo pa naririnig

Halimbawa.

A.Pamilyar –

1.marunong-matalino

2.mayaman-masalapi

3.mabango-mahalimuyak

B.Di-Pamilyar

1.nagdidildil ng asin-mahirap

2.pantablay-charger

3.kapos-kulang

2.Mga Gawain :

Gawain 1:Sumunod Tayo

Panuto:Isulat sa patlang ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa loob ng bawat


pangungusap.Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Naipon katapusan

Kulang nagmamadali

payapa

Page 19
17 of 28
26
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D4

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________________

Pangalan ng Guro: __________________________________

1.Marami ang napahamak dahil sa walang patumanggang paglalaban kung kaya’t napilitan
silang umalis.

____________________________

2.Hindi niya nabili ang pinapangarap na gamit dahil kapos ang dala niyang pera.
____________________

Naipon nagmamadali sumagot

Magpapatumpik-tumpik

3.Humahangos naman siyang kumilos ngayon nang malamang tanghali na.

_______________________

4.Marami silang tumugon sa panawagan ng isang may mabuting


kalooban.__________________

5.Kung sila ay magdidili-dili pa, maaaring may mapahamak na mga bata. ___________________

6.Naibabahagi na sa mga nangngangailangan ang lahat ng gamit at halagang nalikom ng


pangkat._______________________

Paglalambing maibigay

Payapa katapusan

Importante kulang

7.Balewala sa kanila ang pagod at hirap na dinanas sa nilipatang lugar sapagkat mahalaga ay
magkaroon sila ng katahimikan ._____________________

8.Walang nagawa ang pang-aalo ng ina sa umiiyak na anak._________________

9.Mapanatag na ang kalooban ng mga tao dahil nayari na ang tulay na kanilang
tatawiran.__________________

10.Binili nila ang mga tsinelas upang may maihandog sila sa mga bata sa
lansangan.__________________

_____________________________________________________________________________

Page 20
18 of 28
26
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D4

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________________

Pangalan ng Guro: __________________________________

Gawain 2: Alamin natin

Panuto:Piliin mula sa scroll sa kanan ang angkop na salita upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

1.Madalas ang kanyang ________________


sa mga pangyayari sa kanyang buhay.

2.________________na naglalakad pauwi si


Carmela habang sumisigaw nang malakas.

3. Upang hindi na siya gaanong mag-


isip,__________siya ng kanyang kapatid.

4.____________ang lahat ngunit


naliwanagan rin nang kanyang isa-isahin
ang mga pangyayari. Inalo

Tugon
5.Maganda ang naging ____________ng
Inaasam
taong bayan sa kanilang panawagan.
Pagdili-dili

Humahangos
6.Hunsoy ang ibinigay na
Nagulumihanan
______________ni Mario sa kaarawan
ng kanyang Lola. Piging

Lunong-luno
7.Naghanda ng isang _____________ang Naglaon
ama para sa pagdating ng alibugha niyang
anak. Marikit

Regalo

8.________________ang pakiramdam ni
Roy pagkatapos niyang tumakbo nang
mabilis.

9._________________ na ang kanyang


mga ipinangako sa akin.

Page 21
19 of 28
26
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D4

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________________

Pangalan ng Guro: __________________________________

10.______________ang suot na damit ni


susan.

C.Pagtataya

Panuto:Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa loob ng pangngungusap.Isulat ang


titik ng wastong sagot.

_________ 1.Binabagtas ng delivery van ang bayan ng Alcala at Gattaran upang maibigay -ang
relief goods.

a.linalaktawan c.iniiwan

b.dinadaanan d.iniikotan

_________2.Ang mga produktong ginagawa ng mga etnikong Bagobo ay iisa lamang at walang
kapara.

a.kapareho c.sira

b.kulay d.halaga

_________3.Nagkukumahog na umalis si Cora papuntang paaralan.

a.nagmamakaawa c.nanggigigil

b.naglulupasay d.nagmamadali

_________4.Natutulog na kami nang may naulinigan akong kumakaloskos sa likod ng bahay.

a.naririnig c.naamoy

b.nakikita d.nasisilip

__________5.Hindi ko masindihan ang lampara dahil kinuha ni Lolo ang kasapwego.

a.lighter c.posporo

b.gaas d.baterya

__________6.Ang tanging laman ng aking butsaka ay isang daan.

a.bulsa c.pitaka

b.bag d.maleta

Page 22
20 of 28
26
Module Code:Pasay-F6-Q2-W4-D4

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________________________

Pangalan ng Guro: __________________________________

__________7.Tanaw sa himpapawid ang salipawpaw na lumilipad.

a.ibon c.eroplano

b.tsubibo d.helicopter

__________8.Siya ay nasasabik na dumalo sa piging sapagkat kaarawan ng kanyang iniirog.

a.handaan c.inuman

b.sayawan d.kapistahan

_________9.Nag-iisa lamang ang miktinig ng karaoke.

a.mikrobyo c.kampana

b.mikropono d.telepono

_________10.Tinanggap pa rin ng ama ang kanyang alibughang anak.

a.matalino c.suwail

b.masipag d.mapera

_____________________________________________________________________________

Inihanda ni
Eva C. Andaya
Kalayaan Elementary School

Reference :Brainly.ph.Michael Paroginog / Youtube.jayson baguio

Page 23
21 of 28
26
Module Code: Pasay-F6-Q2-W4-D5

Pangalan:__________________________Baitang at Pangkat:_________________
Pangalan ng Guro:_____________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 6
IKALAWANG MARKAHAN/ IKAAPAT NA LINGGO/IKALIMANG ARAW

A. Layunin: Nagagamit nang wasto ang uri ng pang-uri.


B. 1.Panimula

Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip. May tatlong uri ito:

 Panlarawan ito ang mga pang-uring naglalarawan ng katangian ng mga pangngalan


at panghalip. Maaring ito’y nagsasabi ng kulay, hugis, o anyo, laki o sukat, lasa o uri
ng salitang inilalarawan.
Halimbawa:
1.Napakatamis ang malalaking dilaw na manggang hinog.
2. Matatalino na’y masipag pa ang aking kaibigan.
3. Nauubos na ang mga luntiang punongkahoy sa malalayo at malalapit na
kagubatan.
 Pantangi ito ang mga pang-uring hango sa mga pangngalang pantangi, samakatuwid
ito’y laging nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa:
1.Masarap ang lumpiang-Shanghai.
2. Kaygandang tingnan ang barong-Tagalog.
3.Tanyag sa buong bansa ang pansit-Malabon.
 Pamilang ito ang mga pang-uring nagsasabi ng bilang, dami o halaga ng mga
pangngalan at panghalip.
Halimbawa:
1. Libu-libong mga bata ang hindi makapagtatapos ng pag-aaral.
2. Humigit-kumulang sa daang piso ang isang aklat na iyon.
3. Dalawang-katlo ng ating populasyon ay nasa gulang ng pagiging kabataan.

Limang uri ng Pang-uring Pamilang


 Patakaran o Kardinal ito ay karaniwang ginagamit sa pagbilang.
Halimbawa: isa, dalawa, limandaan, siyam na llibo
 Panunuran o Ordinal ito ay nagpapahayag ng ayos o pagkakasunod-sunod.
Halimbawa: una, ikalima, pang-apat, pampito
 Pahalaga ito ay nagsasabi ng halaga o presyo.
Halimbawa: tig-singko, tig-apatnapung piso, mamiso, mamera
 Pamahagi ito ay ginagamit sa pagbabahagi o paghahati ng isang kabuuan.
Halimbawa; kalahati (1/2), dalawang katlo ( 2/3), kalima (1/5), talong
kapat (3/4)
 Palansak ito ay bilang na nagpapakita ng pagpapangkat-pangkat.
Halimbawa: daan-daan, isa-isa, limahan, tatluhan

Page 24
22 of 28
26
Module Code: Pasay-F6-Q2-W4-D5

Pangalan:__________________________Baitang at Pangkat:_________________
Pangalan ng Guro:_____________________

2. Magsanay Tayo
Pagsasanay 1
Bilugan ang mga pang-uring ginamit. Pagkatapos ay isulat kung ito’y panlarawan, pamilang o
pantangi.
__________ 1. Makabuluhang aklat ang Noli Metangere.
__________ 2. Maraming kabanata nito ang ukol sa pang-aabuso ng mga Kastila.
__________ 3. Bayaning Pilipino ang sumulat nito si Dr. Jose Rizal.
__________ 4. Ang ikalawang nobela niya ay ang El Filibusterismo.
__________ 5. Nagising ang damdaming makabayan ng ating mga kababayan.
__________ 6. Ang daan-daang puno ay pinutol ng mga lalaki.
__________ 7. Siya’y mahinhin at kalugod-lugod.
__________ 8. Magaan ang mga buto ng puno ng pino.

__________ 9. Naging maligaya na rin sa wakas si Dan.

__________ 10.Ang mga buto ng pino ay kumalat sa ilang pook sa kapaligiran.

Pagsasanay 2
Tukuyin kung anong uri ng pang-uring pamilang ang mga pang-uring may salangguhit. Isulat
sa patlang ang iyong sagot.
__________ 1. Pangalawa siya sa mga await.
__________ 2. Tigdadalawang kendi ang mga bata.
__________ 3. Manalapi ba ang tinapay na ito.
__________ 4. Nakakuha ako ng limang bunga ng kaimito.
__________ 5. Buong-buo ang ibinigay na sweldo ng tatay.
__________ 6. May tatlo akong kapatid.
__________ 7. Nasa ikaanim na grado na tayo.
__________ 8. Tigpipiso silang dalawa.
__________ 9. Ang daan-daang puno ay pinutol ng mga lalaki.
__________ 10. Hahatiin natin ang mga butong ito isangkapat sa iyo.

Page 25
23 of 28
26
Module Code: Pasay-F6-Q2-W4-D5

Pangalan:__________________________Baitang at Pangkat:_________________
Pangalan ng Guro:_____________________

Pagsasanay 3.
Punan ng wastong pang-uring panlarawan, pamilang at pantangi ang bawat bilang. Pumili sa
kahon ng tamang sagot.
maligaya maganda libu-libong Tsino Cebu makulay
malamig makipot mabangis ikawalong Amerikano mainit

1. Hinahangaan siya ng lahat sapagkat siya’y _____________ .


2. Kumain na tayo habang ____________pa ang pagkain.
3. May dugong _____________ ang mag-anak na Tan.
4. Nagsusuot ako ng sweter kapag Disyembre pagkat _____________
5. _____________ tao ang dumayo sa lungsod ng Naga para sa Pista Penafrancia.
6. Hindi nakadaan ang mga sasakyan sa kalye na iyon sapagkat _____________ doon.
7. Biyaheng _____________ ang malaking barko na iyo.
8. Bukas ang _____________ anibersaryo nina Benjamin at Becky.
9. Kanina pa siya nakangiti pagkat _____________ siya.
10. Malakas ang impluwensiya ng kulturang _____________ sa mga kabataan natin.

Pagsasanay 4
Kumuha ng kapareha maaring kaklase o kapatid. Sumulat ng mga pangungusap tungkol sa
mga sumusunod na paksa. Gamitin ang mga uri ng pang-uri sa pagsulat.
1. Ang Paborito mong Tanawin sa Pilipinas
Panlarawan: ____________________________________________________
Pamilang: ____________________________________________________

2. Isang Produktong gawa sa Pilipinas


Pantangi: ____________________________________________________
Pamilang: ____________________________________________________

3. Ang Hinahangaan mong Tao


Panlarawan: ________________________________________________
Pamilang: ____________________________________________________

4. Mga kabataang nakikilahok sa mga gawain sa barangay


Panlarawan: _________________________________________________
Pamilang: ___________________________________________________

5. Mga kabataang tumutulong sa magulang sa gawaing -bahay


Panlarawan: __________________________________________________
Pamilang: ____________________________________________________

Page 26
24 of 28
26
Module Code: Pasay-F6-Q2-W4-D5

Pangalan:__________________________Baitang at Pangkat:_________________
Pangalan ng Guro:_____________________

Tandaan
 Ang pang-uri ay naglalarawan o tumuturing sa pangngalan o panghalip. Tatlo ang uri
ng pang-uri.
 Ang panlarawan nagsasabi tungkol sa hitsura, laki, lasa, amoy o hugis ng isang
pangngalan o panghalip
 Pantangi may anyong pangngalang pantangi na naglalarawan sa pangngalan o
panghalip.

 Pamilang nagbibigay katangian sa dami o bilang ng isang pangngalan o panghalip.

 Patakara, panunuran, pahalaga, pamahagi, palansak ang mga uri ng pang-uring


pamilang.

Pagtataya
Pagmasdan ang mag-anak na nasa larawan. Sumulat ng talata tungkol dito na gumagamit ng
ibat ibang uri ng pang-uri. Bilugan ang mga ito.

________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Page 27
25 of 28
26
Module Code: Pasay-F6-Q2-W4-D5

Pangalan:__________________________Baitang at Pangkat:_________________
Pangalan ng Guro:_____________________

RUBRIKS SA PAGSULAT NG TALATA

5 4 3 2 1
Nilalaman
- Pagsunod sa uri at anyong hinihingi
- Lawak at lalim ng pagtalakay
Balarila
- Wastong gamit ng wika/salita
- Baybay, bantas at estraktura ng mga pangungusap
Hikayat
- Lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga ideya
- Pagkakaugnay ng mga ideya

5- pinakamahusay 2- mapaghuhusay pa
4- mahusay 1- Nangangailangan pa ng mga
3- katanggap-tanggap pantulong sa pagsasanay

References
Abando, A., & Asperas, A. (1994). Ang Pang-uri at ang mga Uri Nito. In Pagsulong sa Wika (pp. 95-100).
Makati City: Salesiana Publisher, Inc.

Raflores, L. C. (n.d.). Ang Pang-uri. In Katha 6 (pp. 213-214).

Resuma, V., Basaca, C., & Agno, L. (1982). Mga Uri ng Pang-uri. In Wika At Panitik (pp. 152-154). Quezon
City: JMC Press, Inc.

Inihanda ni:
Sabina S. Rafael
Villamor Air Base Elementary School

Page 28
26 of 28
26

You might also like