You are on page 1of 28

MODULES IN

GRADE 5
QUARTER 3 – WEEK 2

1 of 28
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing

Page 2 of 28
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!

Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito

Page 3 of 28
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!

Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Module Code: Pasay-F5-Q3-W2-D1

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Pangalan ng Guro: ____________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Ikatlong Markahan / Ikalawang Linggo / Unang Araw

A. Layunin : Nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan

ang isang salaysay

B. 1. Panimula

Sa pagtatanong, gumagamit tayo ng pangungusap na patanong.

Ang pangungusap na patanong ay nilalagyan ng tandang
pananong (?) sa hulihan o dulo ng pangungusap.

Mga salitang ginagamit sa pagtatanong

Ano - ginagamit sa pagtatanong ng ngalan ng hayop at bagay

katangian, pangyayari at ideya
Sino / Kanino - ginagamit sa pagtatanong sa ngalan ng tao
Saan - ginagamit sa pagtatanong o pagtukoy sa isang lugar.
Kailan- ginagamit para sa pagtatanong ng panahon,
petsa, oras at pangyayari
Bakit - ginagamit sa pagtatanong / naghahanap ng dahilan
Paano - nagtatanong ng paraan sa paggawa
Ilan- ginagamit sa pagtatanong sa dami o bilang
Magkano- ginagamit sa pagtatanong tungkol sa halaga ng pera

Iba’t ibang uri ng pagtatanong

1. Tanong na ang sagot ay “oo” o “hindi”

2. Tanong na ang sagot ay may dalawang pagpipilian
3. Tanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar o pangyayari
4. Tanong na humihingi ng palagay
5. Tanong na naghahanap ng dahilan
6. Tanong na panimbang

Page 4 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W2-D1

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________

Pangalan ng Guro: ____________________

Kahalagahan ng Pagtatanong

Laging tandaan na ang pagtatanong ay nakatutulong lalo na kung

may nais kang malaman o mabatid.

Ang pagtatanong ay isang mabisang paraan upang maunawaan ang

mensahe ng napakinggang teksto o salaysay. Sa pamamagitan nito
makatitiyak sa impormasyong narinig at nagiging mas malinaw ang hindi
nauunawaang bahagi ng pahayag ng nagsasalita.

Ang pagtatanong ay makatutulong sa pagbubuklod ng mga

impormasyon, sa pagsusuri ng mga nalalamang ideya at sa pagbuo ng
mga bagong ideya o impormasyon.

Page 5 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W2-D1

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________________

Pangalan ng Guro: ________________

2. Mga Gawain

Gawain 1: TAMANG GAMIT

Panuto: Buuin ang bawat pangungusap na patanong sa ibaba. Pumili ng sagot
Sa loob ng kahon .

Ano Ilan Sino Bakit Paano

Kanino Saan Kailan Magkano

1. ______ piraso ng bakuna ang darating sa bansa?

2. ______ ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon?

3. ______ matatagpuan ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas?

4. ______ mo ibibigay ang mga rosas na iyan?

5. ______ kaya naantala ang pagdating ng mga bakuna?

6. ______ ang hindi mo malilimutang pangyayari noong nakaraang taon?

7. ______ huling pumutok ang Bulkang Taal?

8. ______ ang kinikita ng iyong ama sa pagtitinda?

9. ______ ba natin maiiwasan ang paglaganap ng sakit na Covid-19?

10. ______ ang kasalukuyang Tagamasid Pampurok sa inyong klaster?

Gawain 2: PAGTULUNGAN NATIN

Panuto: Pakiusapan ang iyong nanay o tatay na magbahagi ng maikling

salaysay tungkol sa di malilimutang pangyayari sa kanilang buhay. Pagkatapos
mapakinggan ang kanilang salaysay, sumulat ng mga tanong sa loob ng kahon at
maaari mo itong itanong sa kanila. Itala rin ang kanilang sagot.

Page 6 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W2-D1

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________________

Pangalan ng Guro: ________________

Gawain 3: IBAHAGI MO:

Panuto: Pakinggang mabuti ang kuwentong babasahin ng iyong guro o ng iyong

nanay o tatay. Pagkatapos ay bumuo ng limang tanong tungkol sa kuwentong
napakinggan at isulat ito sa loob ng kahon.

Ang Aming Simpleng Pamilya

Sa isang maliit na bahay kami nakatira ng aking nanay at tatay. Ang aking
Tatay Rene ay isang simpleng kawani ng gobyerno. Si Nanay Marissa naman ay
isang komadrona sa maliit na klinika. Tatlo lamang kami sa aming bahay pero ang
lahat ng mga gawain ay nagiging madali dahil sa aming pagtutulungan. Kahit
maraming gawain ang aking nanay at tatay sa kanilang pinapasukang trabaho ay
hindi nila pinapabayaan ang responsibilidad nila sa aming tahanan.

Ang aming hapag kainan ay napupuno ng tawanan sa pagkukuwentuhan

namin ng mga pangyayari sa buong maghapon. Kapag may libreng oras at may
sobrang pera, namamasyal kami sa parke na malapit lamang sa aming lugar.
Tuwing Linggo naman ay sama-sama kaming nagsisisimba at nagdadasal at
nagpapasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyayang aming natatanggap sa bawat
araw.

Page 7 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-D5
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________
Pangalan ng Guro: ________________

PAGLALAHAT:

Ang pagtatanong ay isang mabisang paraan upang maunawaan ang

mensahe ng napakinggang teksto o salaysay. Sa pamamagitan nito
makatitiyak sa impormasyong narinig at nagiging mas malinaw ang hindi
nauunawaang bahagi ng pahayag ng nagsasalita.

Ang pagtatanong ay makatutulong sa pagbubuklod ng mga

impormasyon, sa pagsusuri ng mga nalalamang ideya at sa pagbuo ng
mga bagong ideya o impormasyon.

PAGTATAYA
Panuto: Magbasa ng isang lathalain o sanaysay na patungkol
Sa Buhay-Isla o anomang paksa sa buhay ng kapwa
o panoorin sa youtube ang dokumentaryong
pinamagatang “Paraisong Salat”
ng I-Witness ni Kara David. Pakinggang
mabuti ang mga salaysay ni Sarfaina tungkol sa mga
suliraning dinaranas nila sa isla. Bumuo ng limang
katanungan tungkol sa nabasang lathalain o sanaysay o
napakinggang salaysay at isulat ang mga ito sa loob ng kahon.

1. ________________________________________________

2. ________________________________________________

3. ________________________________________________

4. ________________________________________________

5. ________________________________________________

Inihanda ni:
Renerio T. Torniado
Gotamco Elementary School

____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1.) Philnews.ph 3.) Slideshare.com
2.) Ruel.positive.com

Page 8 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
IKATLONG MARKAHAN/ IKALAWANG LINGGO/ IKALAWANG ARAW

A. Layunin: Nakasusulat ng simpleng islogan.

B. 1. Panimula

Ang islogan ay isang motto o parirala na ginagamit ng kompanya, politika, sekta ng

relihiyon at iba pa upang ilahad ang idea o layunin nila. Masasabi rin itong isang
maikling mensahe na nakakaantig ng damdamin at madalas nagdudulot ng matagal na
impresyon o leksyon sa mambabasa o nakikinig.

 Nagtataglay ito ng mga salitang kapansin-pansin, kapuna-puna at madaling tandaan.

Upang madali itong tandaan, madalas na ito ay may tugmaan at salitang
nauunawaan ng lahat.
Halimbawa:

“ Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”

“ Disiplina ang kailangan, sa ikauunlad ng bayan”

Islogan ng ilang Kompanya

Halimbawa:

GMA: “Buong Puso Para sa Kapuso”

MERALCO: “ Ang Liwanag ng Buhay”

 Kadalasan din itong isinusulat na tila bahagi ng isang tula na binubuo ng isa
hanggang apat na taludtod.

Halimbawa:

Halina’t tayo’y magtanim

Gaganda ang paligid natin
Luntiang kapaligiran
Hatid nito’y kasiyahan

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Islogan

 Magsaliksik ng paksang nais mong gawan ng islogan

Halimbawa: Kalinisan ng Kapaligiran
Tungkulin ng Magulang at Anak
Edukasyon sa Pagpapakatao
Covid-19
 Mag-isip ng isang ideya /kaisipang kaugnay ng ibinigay na paksa na nais mong ipasa
sa ibang tao
Halimbawa: Papaano maiwasan ang pagkakaroon ng covid-19

 Mula sa ideyang nais mong iparating, maaari kang bumuo ng mensaheng

nakakapukaw ng interes at atensyon ng mambabasa. Mas mainam kung maiksi, may
sukat at tugma.
Halimbawa: “Katawa’y laging linisin, covid-19 alisin natin”

Page 9 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Tandaan:
Sa paggawa ng islogan, opsyonal lamang ang paglalagay ng mga larawan. Ganon pa
man, ang mga larawan ay mainam na pantulong upang makakuha ng higit na atensyon ang
iyong islogan.
Ang pokus ng islogan ay ang mensahe at hindi ang larawan.

2. Mga Gawain
Gawain 1: A. Pag-aralan Mo

Halina’t tayo’y magtanim

Gaganda ang paligid natin
Luntiang kapaligiran
Hatid nito’y kasiyahan

 Ito ang isang halimbawa ng islogan. Pansinin ang pagkakagawa, ideyang nilalaman o kung
ano ang nais iparating ng mensahe.

Ano ang paksa ng islogan?

-pagtatanim
Paano ito ginawa?
-binubuo ng apat taludtod
-ang bawat taludtud ay may walong sukat
-may mga salitang nagtutugma katulad ng sumusunod:
magtanim, natin, kapaligiran, kasiyahan
Ano ang mensaheng nais iparating ng islogan?
-mahalaga ang pagtatanim o maganda ang naidudulot ng pagtatanim

Gawain 1. B. SubukIn Mo

Hindi makakamit ng tamad ang kanyang hinahangad

Ngunit ang masikap laging may magandang hinaharap

Page 10 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

 Subukan mo namang sagutin ang mga tanong batay sa ikalawang halimbawa ng islogan.
Ano ang paksa ng islogan? __________________________________________________________
Ilang taludtod o linya mayroon ito? __________________________________________________
Sa bawat taludtod ilan ang sukat nito?_______________________________________________
Ibigay ang mga salitang nagtutugma. ________________________________________________
Ano ang mensaheng ipinaparating ng islogan? _______________________________________
_____________________________________________________________________________________

Gawain 2: Pag-isipan Mo
A. Basahin at unawain ang islogan at pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na
mga tanong. Isulat ang sagot sa patlang.

“Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin ”

1. Ano ang paksa ng islogan?

______________________________________________________________________
2. Ibigay ang dalawang salita na magkatugma o magkatunog.
______________________________________________________________________
3. Sa palagay mo, ano ang mensaheng pinaparating ng islogan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

B. Bumuo o sumulat ng isang simpleng islogan sa loob ng kahon at isulat ang

mensahe nito na nais mong iparating sa mambabasa sa labas ng kahon.

Page 11 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

________________________________________________________________________________

Tandaan Natin:

Sa Pagsulat ng Slogan
 Magsaliksik ng paksang nais mong gawan ng islogan
 Mag-isip ng kaisipang kaugnay ng paksa na nais mong iparating sa ibang tao
 Maaari ka nang bumuo ng mensaheng nakapupukaw ng interes at atensyon ng mambabasa
 Gawin itong maiksi, may sukat at tugma

C.Pagtataya

Panuto: Bumuo o sumulat ng isang simpleng islogan at isulat ito sa loob ng kahon. Pumili lamang
ng isa sa mga paksa.
Paksang Pagpipilian: Panahon ng Pandemya
Kalinisan ng Kapaligiran
Relasyon ng Magulang at Anak

Page 12 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

RUBRIK SA PAGSULAT NG SLOGAN

MGA PUNTO 5 4 3 2 1
Nilalaman
 Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi
 Lawak at lalim ng pagtalakay
 Ang mensahe ay mabisang naipakita

BALARILA
 Wastong gamit ng wika
 Paglimita sa paggamit ng salitang hiram
HIKAYAT
 Paraan ng pagtalakay sa paksa
 Pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay ng guro kaugnay sa
gawain
Kaugnayan
 May malaking kaugnayan sa paksang slogan
Kalinisan
 Malinis na malinis ang pagkakabuo

5- Pinakamahusay 3- Katanggap-tanggap
4- Mahusay 2- Mapaghuhusay pa
1- Nangangailangan pa ng pantulong sa pagsasanay

Inihanda ni:
GINALYN V. CACALDA
Kalayaan Elementary School

References for Further Enhancement

1) Aklat: Alab Filipino5
2) Hiyas sa Wika 5

Page 13 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
IKATLONG MARKAHAN/ IKALAWANG LINGGO/ IKATLONG ARAW

A. Layunin: Nakapag-uulat tungkol sa napanood/nabasa.

B. 1. Panimula

Ang pag-uulat tungkol sa napanood ay isang aralin na susubok kung gaano

natin natatandaan ang mga mahahalagang detalye sa ating mga
napapanood. Kasama din nito ang pakikinig ng mabuti upang maiulat natin
ng wasto o tama ang mga detalye o impormasyon batay sa ating napanood.
Mahalagang maiulat natin nang wasto ang mga impormasyon o detalye ng
ating napanood o nabasa upang hindi magkaroon ng problema, kaguluhan,
pagkalito o pagtatalo-talo ang sinumang mapagpapasahan o mapagbibigyan
ng impormasyon. Malaking tulong ang pagtatala sa mga mahahalagang
detalye o impormasyon upang hindi natin ito makalimutan sa oras na iuulat
na natin ito. Kadalasan, ang mga impormasyon ay sumasagot sa mga
pangunahing katanungan tulad ng ano, sino, saan, kailan, bakit at paano.
Ang ano ay tumutukoy sa paksa ng iyong pinanood o binasa. Ang sino ay
tumutukoy sa tauhan o kung sino ang pinag-uusapan. Samantalang ang
saan ay tumutukoy sa lugar o mga lugar na pinangyarihan. Kailan naman
ang tanong para sa panahon o kung kailan ito naganap. Bakit naman para
sa dahilan at paano naman kung nais tukuyin ang paraan ng pagkakaganap.

Ang mga sumusunod na pormat ay makatutulong sa mabilis na pagkuha ng

mga detalye o impormasyon na napanood o nabasa.

I. Pamagat/Paksa
II. Pook na binanggit
III. Mahahalagang bagay o isyu
1.
2.
3.
IV. Istasyon/Tsanel o Palatuntunan
V. Petsa
VI. Oras

Page 14 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

2. Mga Gawain
Gawain 1: Pag-aralan Mo
Basahin at unawain ang balita.

Mga Bagong Bayani ng Lahi

Kamakailan lamang ang ating mga Overseas Contract Workers (OCW) o Overseas Filipino Workers
(OFW) ay tinagurian ng ating pamahalaan na mga bayani. Maraming dolyar ang kanilang dinala sa
Pilipinas. Ito ay nakapagdagdag sa umuunti ng reserba ng dolyar sa bansa. Malaking tulong ito sa
pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa. Ang kahirapan at pagtitiis na dinanas nila sa ibang bansa
ay dahilan ng kanilang kabayanihan. Malungkot ang malayo sa mga mahal sa buhay. Nakakatakot
din kapag nakatagpo ng among malupit at nananakit. Sa ganitong sitwasyon, nanganganib ang
buhay ng mga kababayan nating OFW.
Bilang parangal ng ating pamahalaan sa mga OFW, binalak ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura
at Isports (DECS) na isama sa Asignaturang Sibika ang pag-aaral tungkol sa mga bagong bayani
mula sa Unang Baitang hanggang Ikaanim na Baitang. Itatanim sa isipan ng mga kabataang
Pilipino ang pagpapakasakit at pagtulong sa bansa ng mga OFW. Ang layuning ito ay sinimulan
na.

Batay sa nabasa mo, subukin mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang paksa o pamagat ng balita?
_______________________________________________________________________
2. Sino-sino ang tinutukoy na bagong bayani ng lahi?
_______________________________________________________________________
3. Saan sila tumutungo upang maghanapbuhay?
_______________________________________________________________________
4. Ano-ano ang kanilang mga nararanasan at nararamdaman habang malayo sa kanilang mga
mahal sa buhay?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
5. Bakit itinuring na bayani ang mga OFW?
___________________________________________________________________________________________
6. Paano sila pinarangalan ng pamahalaan?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

Page 15 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

7. Mula sa mga sagot ng bawat katanungan iulat muli ang balita sa pamamagitan ng pagbuo ng
simpleng talata.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

Gawain 2: Subukin Mo
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang salaysay upang pagkatapos ay masagot ang mga tanong
at maiulat ito nang wasto.

Nasa Huli ang Pagsisisi

Sa isang maliit na dampa nakatira ang mag-anak ni Mang Gorio at Aling Pacing. Sa kagustuhan
nilang makapag-aral ang kanilang apat na anak , namasukan bilang hardinero si Mang Gorio
habang labandera naman si Aling Pacing. Hindi alintana ng mag-asawa ang pagod at hirap,
maitaguyod lang ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Sabado noon, nagdiriwang ng kaarawan ang kanilang kapitbahay , nagkataong walang pasok sina
Mang Gorio at Aling Pacing. Hindi nakaiwas si Mang Gorio sa tawag ng mga nag-iinuman. “Happy-
happy lang ng konti kuya” ang alok ni Ramon. Ang konti ay umabot sa pagiwang-giwang na
paglalakad ng mga nagkakatuwaang magkakapitbahay.

Nagulat ang lahat nang biglang may sumabog at nagkaroon ng malaking sunog. Walang nagawa si
Mang Gorio kundi ang sabihing “kung alam ko lang, kahit damit man lang sana naming ay may
nailigtas ako”.

1. Ano ang hanapbuhay nila Mang Gorio at Aling Pacing?

__________________________________________________________________________________________
2. Saan nakatira ang mag-anak?
___________________________________________________________________________________________
3. Alan ang anak ng mag-asawa?
___________________________________________________________________________________________
4. Ano ang nais ng mag-asawa para sa kanilang mga anak?
___________________________________________________________________________________________

Page 16 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

5. Sino ang nagdiwang ng kaarawan?

___________________________________________________________________________________________
6. Kailan ito ipinagdiwang?
___________________________________________________________________________________________
7. Paano nakasali si Mang Gorio sa inuman?
___________________________________________________________________________________________
8. Bakit nagsisi sa bandang huli si Mang Gorio?
___________________________________________________________________________________________

9-10. Iulat sa simpleng paraan na patalata ang salaysay na nabasa.

__________________________________________________________________________________________________

Sa pag-uulat mahalaga ang pagtatala ng mga detalye o impormasyon buhat sa pinapanood

o binabasa natin upang wala tayong makaligtaang mahahalagang impormasyon na
maipapasa o maibibigay natin sa iba. Kailangan din maging matalas ang ating pandinig sa
panonood at masusi nating binabasa ang isang salaysay na nais nating iulat.

C.Pagtataya
Panuto: Manuod o makinig ng balita na kapupulutan ng kaalaman ng iyong kapwa mag-aaral o
maging kasama sa bahay. Iulat ito sa simpleng paraan na patalata.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Page 17 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

RUBRIK SA PAGSULAT NG TALATANG NAG-UULAT

MGA PUNTO 5 4 3 2 1
Nilalaman
 Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi
 Lawak at lalim ng pagtalakay
 Impormasyong naitala

BALARILA
 Wastong gamit ng wika/salita
 Baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap
ORGANISASYON
 Lohikal na pagkakaayos /daloy ng mga ideya
 Pagkakaugnay ng mga ideya

5- Pinakamahusay 3- Katanggap-tanggap
4- Mahusay 2- Mapaghuhusay pa
1- Nangangailangan pa ng pantulong sa pagsasanay

Inihanda ni:
GINALYN V. CACALDA
Kalayaan Elementary School

References for Further Enhancement

1) Aklat: Alab Filipino5
2) Makabagong Sining ng Wika 5

Page 18 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
IKATLONG MARKAHAN/ IKALAWANG LINGGO/ IKAAPAT NA ARAW

A. Layunin: Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa napakinggang alamat.

B. 1. Panimula

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, hayop o pook.
Tumatalakay din ito sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Kung minsan, ito ay
nagsasalaysay ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook. Kadalasang mga kathang-isip
lamang ito na nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno. Higit sa lahat, maraming magagandang aral ang
makukuha natin dito.
Layunin ng isang alamat ang sariwain ang mga pangyayaring makasaysayan upang mapukaw ang
damdamin ng mga mambabasa at makapaggunita ng mga bagay na may kinalaman sa nakaraang panahon.
Mahalaga na nauunawaan natin ang mga sinasaad ng isang alamat upang masagot natin ang mga tanong
ukol dito. Mahalaga rin na marunong tayong magtala ng mga pangyayari o kaganapan na nababanggit sa
isang alamat na ating pinapakinggan.

2. Mga Gawain
Gawain 1. Pag-isipan Mo
Panuto: Ipabasa sa magulang o kasama sa bahay ang alamat at sagutin ang mga sumusunod
na tanong matapos pakinggan.

Ang Alamat Ng Pinya

Noong unang panahon ay may mag inang naninirahan sa lib-lib na lugar sa laguna. Ang mag- inang si Aling
Rosa at Pinang, si Pinang ang ka isa- isang anak ni Aling Rosa kaya mahal na mahal niya ito at lahat ng
hilingin ni Pinang ay ibinibigay ni Aling Rosa.
Wala nang mahihiling pa si Pinang sa pag- aarugang ibinibigay ng kanyang ina na si Aling Rosa. Halos lahat
ng kailangan niya'y nakahanda na sa araw-araw at walang oras na hindi siya inaasikaso ni Aling Rosa. At
dahil sa mahal na mahal siya ng kanyang ina ay minabuti nitong turuan si Pinang ng mga gawaing bahay
upang bata palang ay matuto na siya. Ngunit laging kinakatwiran ni Pinang na alam na nya ang mga gawaing
bahay, Kaya't pinabayaan nalang niya si Pinang. Isang araw umuwi si Pinang galing sa palaruan at inabutan
nya ang kanyang ina na nag lilinis ng bahay.
"Pinang anak tulungan mo nga ako maglinis ng bahay at para bang sumasama ang aking katawan" sambit
ni Aling Rosa.
“Pero inay pagod din ako galing sa laruan" agad na sagot ni Pinang at sabay talikod sa ina at dumeretso sa
kanyang silid.
Kaya wala ng nagawa si Aling Rosa kundi ipagpatuloy ang paglilinis ng bahay, at si Pinang naman dahil sa
sobrang pagod sa paglalaro ay nakatulog sa kanyang higaan. Nang magising si Pinang ay magtatakip silim
na kaya agad siyang lumabas ng silid upang hanapin si Aling Rosa, ngunit wala ito sa sala pati narin sa
kusina kaya nagtuloy si Pinang sa silid ng kanyang ina at doon niya natagpuan si Aling Rosa na nakahiga
sa kanyang papag. Lumapit si Pinang upang gisingin ang kanyang ina upang itanong kung ano ang kanilang
hapunan.

Page 19 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
Ngunit sa pag sayad ng kanyang palad sa braso ni Aling Rosa ay bigla syang nagulat dahil sa sobrang init
ng kanyang ina.
"Inay.. inay.. ang sabi ni Pinang" agad namang nagising si Aling Rosa.
"Anak mataas ang lagnat ko at masakit ang aking katawan, maaari mo ba akong ipag- lugaw" sambit ni Aling
Rosa.
At mabilis namang sumunod si Pinang at nagsalang siya ng lugaw, ngunit sa kanyang pag lalaro ay
nakalimutan na niya na may lugaw siyang niluluto, Kaya nanikit ito sa palayok at nasunog. Nag pasensya
nalang si aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit papaano ng kanyang anak.
Umabot ng matagal ang sakit ni Aling Rosa kaya napilitan si Pinang na gumawa ng mga gawaing bahay.
Isang araw sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo kaya itinanong niya kay Aling Rosa kung
nasaan ito. Nang sumunod na araw naman ay sandok naman ang kanyang hinahanap sa kanyang ina. At
halos araw- araw ay wala siyang ginawa kundi tanungin si Aling Rosa sa mga bagay na hindi pa niya
sinusubukang hanapin ng mabuti. Kaya nayamot si Aling Rosa sa kakatanong ni pinang, kaya't na wika niya
na.
“Naku Pinang, sanay magkaroon ka ng maraming mata at nang makita mo ang lahat ng mga bagay at hindi
ka tanong ng tanong sa akin."
Dahil alam niyang galit ang kanyang ina ay di nalang umimik si Pinang at naisip din niya na may pag
kakamali siya, kaya nagpaalam na siya sa kanyang ina upang hanapin ang sandok.
Ngunit kinagabihan ay tinatawag ni Aling Rosa si Pinang ngunit walang sumasagot, kaya napilitan siyang
bumangon at naghanda ng pagkain.
(Rivera, 2013)

1. Ano ang pamagat ng alamat?

___________________________________________________________________________________________
2. Sino-sino ang tauhan sa alamat?
___________________________________________________________________________________________
3. Saan naninirahan sina Aling Rosa at Pinang?
____________________________________________________________________________________________
4. Paano pinapakita ni Aling Rosa ang pagmamahal niya sa anak niyang si Pinang?
___________________________________________________________________________________________
5. Ano ang ninanais ni Aling Rosa na matutunan ni Pinang?
___________________________________________________________________________________________
6. Sinusunod ba ni Pinang ang kanyang ina? Ano ang kanyang laging kinakatwiran?
___________________________________________________________________________________________
7. Ano ang dahilan ni Pinang bakit hindi niya natutulungan ang kanyang ina?
___________________________________________________________________________________________
8. Ano ang naging dahilan bakit napilitang magluto ng lugaw si Pinang? Nagawa ba niya ito nang maayos?
Bakit?
____________________________________________________________________________________________________
9. Bakit napilitang gumawa ng gawaing bahay si Pinang? Ano ang naging ugali niya habang siya ay
gumagawa?
____________________________________________________________________________________________________
10. Dahil sa ugali ni Pinang anong nawika o nasabi ni Aling Pinang sa kanya?
____________________________________________________________________________________________________

Page 20 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
11. Anong aral ang nakuha ninyo sa alamat?
___________________________________________________________________________________________

Gawain 2. Pagtulungan Natin

Panuto: Maghanap ng kapareha at pakiusapang siya ang magbasa ng alamat habang ikaw ay nakikinig.
Pagkatapos mong makinig sagutan ang mga sumusunod na tanong.

Ang Alamat Ng Bulkang Mayon

Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah. Siya ay may anak na
kaakit-akit na ang palayaw sa kanya ng mga tao ay Daragang Magayon na ang kahuluga’y “Magandang
Dalaga.”
Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan kaya di mabilang na mga datu at mga ginoong tanyag
ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa sa mga nanligaw ay si Kauen, anak ng mayamang Rajah sa
kanugnog na kaharian. Naghandog ng mahalagang hiyas at ginto ang binata subalit tumanggi sa regalo
ang dalaga. Si Kanuen ay nabigo subalit nagyabang pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating ng
araw.
Mula sa malayong Katagalugan narinig ni Gat Malaya ang nabalitang kagandahan ni Daragang Magayon.
Marami siyang mga pagkakataong makaniig ang paraluman subalit nagkaroon ng mga sagabal. Minsan,
malapit sa munting ilog, nakita ang dalagang namumupol ng bulaklak. Kinamaya-maya’y ang binibini’y
nagtampisaw sa batis. Ang binata’y nagparinig ng himig ng masayang awit upang matawag ang kanyang
pansin. Nagkatitigan sila at ang binata’y nginitian.
Nabuhayan ng loob ang prinsipeng Tagalog at ito’y nagsalita,
“Magandang Mutya, mula ako sa malayo upang ikaw ay sadyain at makita ang tangi mong kariktan!”
“Sino ka? Hindi kita kilala! Isa kang pangahas!”
“Ako’y si Gat Malaya, galing sa kahariang malapit dito. Bigyan mo ako ng isang bulaklak at ako’y
masisiyahan na!”
Bantulot na ihinagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo sa mga palad ng binata at ito’y kagyat na idinampi
sa kaliwang dibdib.
“Maaari bang kita’y makitang muli?”
At nagsimula ang maraming tipanan ng dalawa sa makasaysayang batis.
“Isang araw,” mungkahi ng lalaki, “kita’y iniibig. Tayo’y pakasal!”
“Ngunit ang Rajah? Ang aking ama?” may alinlangang paliwanag.
“Dapat niyang malaman!”
“Huwag kang mag-alala! Hihingin ko ang kamay mo sa kanya!”
Pumayag ang Rajah. Ang batang prinsipe ay kanyang nagustuhan pagkat magalang at nakakahalina kung
kumilos. Itinakda ng Rajah ang kasal sa pagbibilog ng buwan, matapos ang anihan.
Nagpaalam si Gat Malaya upang ipabatid sa kanyang mga magulang ang itinakdang kasalan. Kakaunin
niya ang ama’t ina at silang tatlo ay babalik sa Albay.
Nabalitaan ni Kauen (nabigong manliligaw) ang napabalitang pag-iisang-dibdib. Kanyang sinamantala ang
pagkakataong wala si Gat Malaya. Pinuntahan niya si Daragang Magayon.
Matigas ang pagtanggi ng dalaga sa kabila ng mga pagbabala: “Kung hindi kita makamtan, walang
magkakamit sa iyo sinuman!”
Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay niya at sa kanyang ama. Siya’y sumagot, “Ako’y
magiging iyo kung si Gat Malaya ay hindi bumalik!”

Page 21 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
Nagtumulin ang mga araw at mga lingo. Malapit na ang tag-ani ngunit wala pa si Malaya. Hindi pa siya
nagbabalik. Gabi-gabi ang dalaga’y nakaupo sa duruwangawan at naghihintay.
Nang dumating ang kabilugan ng buwan napilitan nang pakasal si Daraga kay Kauen. Nagkaroon ng
maringal na handaan – kainan at sayawan.
Sa gitna ng kasayahan dumating si Gat Malaya kasama ang mga magulang.
“Ako’y naparito upang angkinin ang aking nobya!” sabi ni Malaya.
“Hindi maaari!” tugon ni Kauen.
Nagkaroon ng sukatan ng lakas. Magugunita na si Malay ay subok sa espada subalit si Kauen naman ay
malansi at mapaglinlang.
Nang ihahagis ni Kauen ang kanyang sibat, si Daragang Magayon ay tumakbo upang pumagitna at
sawayin ang dalawa. Sa kasamaang-palad, ang sibat ay tumama sa dibdib ng dalaga. Niyakap ni Malaya ito
ngunit pataksil na sinibat ng katunggali. Kapwa nalagutan ng hininga ang magsing-ibig.
Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa’y ilagak na magkasama sa isang
hukay.
Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas hanggang sa itoy
maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng Mayon, bilang alaala kay
Daragang Magayon.
(Ang Alamat ng Bulkang Mayon, n.d.)

1. Ano ang pamagat ng alamat?

___________________________________________________________________________________________
2. Sino-sino ang mga tauhan sa alamat na iyong pinakinggan?
___________________________________________________________________________________________
3. Saan naganap ang mga pangyayari sa alamat?
___________________________________________________________________________________________
4. Sino si Daragang Magayon? At ano ang kahulugan ng kanyang pangalan?
___________________________________________________________________________________________
5. Sino ang dalawang nabanggit na manliligaw ni Daragang Magayon?
___________________________________________________________________________________________
6. Sino sa dalawa ang nagustuhan ni Daragang Magayon at saan sila nagkita?
___________________________________________________________________________________________
7. Ibigay ang katagian ng dalawang manliligaw ni Daragang Magayon.
Kauen- Gat Malaya-
8. Natuloy ba ang kasal nila Daragang Magayon at Gat Malaya? Bakit?
___________________________________________________________________________________________
9. Paano namatay ang dalawang nag-iibigan na si Daragang Magayon at Gat Malaya?
___________________________________________________________________________________________
10. Ano ang nakita nila sa pinaglibingan ng dalawang nagmamahalan at ano ang naging katangian nito at
tinawag nila itong Bundok ng Mayon?
___________________________________________________________________________________________

C. Pagtataya

Page 22 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
Panuto: Ipabasa ang alamat sa magulang o kasama sa bahay at making nang mabuti. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong sa ibaba matapos making.

Ang Alamat ng Rosas

Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na nagngangalang Rosa na kilala dahil
sa natatangi nitong ganda at dahil na rin sa kanyang mapupulang mga pisngi, kung kaya't
pinagkakaguluhan si Rosa ng mga kalalakihan.
Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang mga manililigaw na si Antonio
na kausap ang kanyang mga magulang at humihingi ng pahintulot na manligaw kay Rosa kung saan ay
masaya naman siyang pinayagan ng mga magulang ni Rosa at dahil na rin sa rason na si Antonio lamang
ang lalaking unang umakyat ng ligaw sa kanila. Ang kinakailangan lang naman na gawin ni Antonio ay ang
mapatunayan ang sarili kay Rosa at pasiyahin ito.
Iyon ang naghimok kay Antonio, kaya naman ay pinagsilbihan niya ang pamilya ni Rosa sa pamamagitan ng
dote. Lubos namang natuwa ang mga magulang ni Rosa, lalong-lalo na ang dalaga na unti-unti ay nahuhulog
na ang loob sa masugid na binata.
Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang manliligaw ay doon rin siya labis na
nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din niya nalaman na pinaglalaruan lang pala siya ni Antonio nang
marining niya ito habang kausap ang kanyang mga kaibigan. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rosa
sa kanyang narining. Nadurog ang kanyang puso sa kanyang unang pag-ibig. Hindi tumigil ang pag-iyak ni
Rosa habang siya ay bumalik sa kanilang bahay. Nag-aalala naman siyang tinanong nang kanyang mga
magulang pero hindi sumagot ang dalaga. Kinabukasan ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa susunod
na mga araw.
Isang araw, ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat sanang tagpuan nina Rosa at
Antonio. Tinawag ang halaman na rosas dahil ang pulang kulay nang bulaklak ay nagsisilbing paalala sa
mga mapupulang pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamang ay ang tinik na napapalibot sa halaman na
pinapaniwalaan na si Rosa na nagsasabing wala sinuman ang makakakuha sa magandang bulaklak na hindi
nasasaktan.
(Lloyd, Ang Alamat ng Rosas, n.d.)

1. Ano ang pamagat ng alamat?

___________________________________________________________________________________________
2. Ano ang katangian ni Rosa at sino ang kanyang manliligaw?
___________________________________________________________________________________________
3. Paano niligawan ni Antonio si Rosa?
___________________________________________________________________________________________
4. Bakit hindi nagkatuluyan ang dalawa?
___________________________________________________________________________________________
5. Anong nangyari kay Rosa at bakit tinawag na rosas ang halamang tumubo sa tagpuan nila Rosa at
Antonio?
___________________________________________________________________________________________________
Inihanda ni:
GINALYN V. CACALDA
References for Further Enhancement Kalayaan Elementary School
Aklat: 1. Alab Filipino5 2.Makabagong Sining ng Pagbasa 5
References
Ang Alamat ng Bulkang Mayon. (n.d.). Retrieved from Mga Alamat at Maikling Kwento:
https://mgakwentongpambata.blogspot.com/2018/01/ang-alamat-ng-bulkang-
mayon.html?fbclid=IwAR1Eq7fBBCKdlwEVtoeMEUc20jvIfPVWBRlF0RYE9RLb0-okpv0WM5ibW4I

Lloyd, J. (n.d.). Ang Alamat ng Rosas. Retrieved from BUKLAT: https://buklat.blogspot.com/2017/10/ang-alamat-ng-rosas.html

Rivera, R. (2013, 04 12). Ang Alamat Ng Pinya. Retrieved from https://sites.google.com/site/merlen1603/mga-alamat/ang-alamat-

ng-pinya

Page 23 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D5

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
IKATLONG MARKAHAN/ IKALAWANG LINGGO/ IKALIMANG ARAW

LAYUNIN: Naiuugnay ang sariling karanasan sa binasang talambuhay

Ano na ba ang alam mo?

Ano nga ba ang talambuhay ? Narito ang ibig sabihin ng talambuhay.

Ang talambuhay (mula sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay" na

may diwang "tala ng buhay") o biyograpiya ay isang anyo ng panitikan na
nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala,
pangyayari at impormasyon.
Ang talambuhay o biography ay isang anyo ng panitikan kung saan nagsasaad ito
ng kasaysayan ng buhay ng isang tao batay sa mga tunay na tala, pangyayari, o
impormasyon.. Ang pagsulat ng isang talambuhay ay may dalawang paraan: maaari
itong tungkol sa ibang tao o kaya sa manunulat mismo.

Mga uri ng Talambuhay

Uri ng talambuhay ayon sa paksa at may-akda

1. Talambuhay na pang-iba- isang paglalahad ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao na isinulat ng
ibang tao.
2. Talambuhay na Pansarili- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang may
akda.
Halimbawa: Ang aking Talambuhay Ako si Jose Delatore, isinilang ako sa Bayan ng Calamba
Laguna.Noong June 30,1982.Tatlong taong gulang pa lang ako ay marunong na akong umawit kaya
naman tuwang tuwa sa akin ang aking mga nakatatandang kapatid.
3.Talambuhay na Pangkayo- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na naging sikat sa isang
bansa, lalawigan, bayan, o kahit sa isang maliit na pamayanan o grupo ng mga tao

Mahalaga ang talambuhay dahil dito natin malalaman ang pangyayari sa buhay ng isang tao. Ito ay dapat
bigyang halaga dahil marami tayong matutunan sa mga talambuhay, ang mga karanasan, kamalian, at ang mga
ginawa ng tao upang maabot ang kinalalagyan niya sa buhay ngayon.

Page 24 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D5

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Paano maiuugnay ang sariling karanasan sa binasang talambuhay? Ang mga impormasyong ito tungkol
sa buhay ay makatutulong upang maging mas makatotohanan ang isang talambuhay. Mas magkakaroon ng
kurot sa mambabasa kung babanggitin ang mga karanasang tunay na naiiba o natatangi ng pinapaksang tao.
Mga karanasang kapupulutan ng aral o inspirasyon sa buhay na ating ginagalawan.

Gawin Mo
Sagutin mo ang mga sumusunod batay sa iyong sariling karanasan at kaalaman:

Pangalan mo ____________________ Petsa at Lugar ng iyong Kapangakan ______________________

Pangalan ng iyong mga magulang _________________________
Pang-ilan sa inyong magkakapatid? __________________________
Mga pangarap at balak sa hinaharap. ____________________________
Paniniwala ukol sa buhay? ______________________________________

Ang iyong mga tugon sa mga tanong ko ay mahalagang taglayin ng isang talambuhay na pansarili.
Nauunawaan mo ba? Ang mga sinabi mong detalye ay makatutulong upang maging malaman at may sinasabi
ang iyong talambuhay.
Marahil ay gustong-gusto mo nang isulat ang iyong talambuhay, ano? Kailangan mo munang pag-aralan ang
paggawa ng balangkas o outline. Makatutulong ito sa iyo upang maging maayos ang daloy ng kaisipan ng
iyong isusulat na pansariling talambuhay.
Ano nga ba ang balangkas? Paano ito ginagawa?
Paano ito nakatutulong sa pagsulat ng talambuhay ?

Alamin
Likas na makabayan ang mga Pilipino. Patunay dito ang mga bayaning nag-alay ng kanilang sariling
buhay upang makamit lamang ang minimithing kalayaan.
Ikaw? Sino ang iyong iniidolong bayani ng ating bansa? Bakit mo siya naging idolo? Ano - anong mga
katangian niya ang iyong lubos na hinahangaan? Bakit? Ano -ano ang kanyang mga nagawa para sa bayan?

Sa araling ito, iyong makikilala si Marcelo H. del Pilar.

Alamin mo ang tungkol sa kanya. Isang makabuluhang pagbabasa at pag-aaral!

MARCELO H. DEL PILAR

Si Marcelo H. del Pilar ay ipinanganak noong ika-30 ng Agosto , 1850 sa Kupang, Bulakan, Bulakan.
Siya ang bunso sa sampung magkakapatid na anak ni Don Julian H. del Pilar at Donya Blasa
Gatmaitan. Nag-aral siya hanggang magtapos sa pagkamanananggol. Kilalang-kilala siya bilang si
Plaridel isang matalentong tao, marunong tumugtog ng piyano, biyolin at flute. Mahusay din siya sa
larong fencing. Kumakanta siya ng mga serenata at tumutugtog ng magagandang awitin sa biyolin
tuwing Flores de Mayo.
Ipinalagay ng mga Kastila na si del Pilar ay kalaban ng Espanya dahil sa kanyang mga hinihinging ito
kaya’t tinangkang siya ay ipahuli at ipapiit. Ang mga kamag-anak ni del Pilar na madaling nakaalam ng
balak na pagpapahuli ay dali-daling humikayat sa kanya na umalis at iligtas ang kanyang buhay.

Page 25 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D5

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Dahil sa paliwanag na ito, si del Pilar ay umalis ng Bulakan isang gabi. Tumungo siya sa Maynila at
nanuluyan sa bahay ng isang kaibigan. Matapos ang mga ilang araw na paninirahan sa Maynila,
lumulan siya sa unang bapor na patungong Espanya. Mabigat sa kanyang loob ang lumi kas sa
sariling bayan. Sa Espanya ay pinangasiwaan ni del Pilar ang pahayagang La Solidaridad. Sa
pahayagang ito ay nakuha niyang maipakilala sa España ang mga Pilipino at kanilang hinaing.Si del
Pilar ay naghirap at namulubi. Datapwat ang kanyang balak na pagbabalik sa tinubuang lupa ay
nabigo. Sa Barcelona ay dinapuan siya ng sakit na kanyang ikinamatay, nang hindi man lang nakita
ang kanyang mga anak at asawang minamahal. Pumanaw siya noong ika-4 ng Hulyo 1896 sa
Barcelona, España sa sakit na tuberkulosis. Ngunit nagpatuloy na mabuhay ang kanyang
kabayanihan sa puso ng mga Pilipino at ng bayang kanyang minamahal.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Kailan at saan ipinanganak si Marcelo H. del Pilar?

2. Sino ang kanyang mga magulang?
3. Anu-ano ang natatanging talento ni del Pilar?
4. Bakit nagpunta si del Pilar sa Barcelona?
5. Kailan pumanaw si del Pilar?

 Kung ang iyong sagot ay ang mga sumusunod, ay tama ka. Kung hindi, balikan mo ang teksto. •
Agosto 30,1850 • Don Julian H. del Pilar at Donya Blasa Gatmaitan • Marunong tumugtog ng piyano,
biyolin at flute si del Pilar. Mahusay din siya sa larong fencing. Kumakanta siya ng mga serenata at
tumutugtog ng magagandang awitin sa biyolin tuwing Flores de Mayo. • Dahil ipinalagay ng mga
Kastila na si del Pilar ay kalaban.Pumanaw siya noong Hulyo 4, 1896.

Linangin
Narito ang isang talambuhay tungkol sa akin na isinulat ko mismo. Basahin mo itong mabuti at
gawan ng balangkas pagkatapos.

MUNTING PANGARAP

Nagsimula lamang ang lahat bilang munting pangarap. Ako si Genaro R .Gojo Cruz.
Ako ay ipinanganak at lumaki sa San Jose del Monte, Bulacan noong ika-16 ng Disyembre
1976. Bunso sa siyam na magkakapatid. Ang aking mga magulang ay sina Dominga Ruiz at
Thomas Gojo Cruz na kapwa namayapa na. Mahirap ang aming pamilya, kung kaya ang
aking mga kapatid at maging ako ay namulat sa mga gawain at maagang pagtatrabaho.
.
Natatandaan ko, lagi akong naghahanap ng mga dyaryo, bote, karton at iba pa na maaaring
pagkakitaan at ipagbili. Hindi ko na hinihingi sa aking mga magulang ang aking ibinabaon sa
eswkelahan. Sa eskwelahan, sinisikap kong maging mahusay. Bagamat hindi ako matalino,
nagtitiyaga akong matuto. Ito ang natutunan ko sa aking Tatay, na kailangang magsikap at
magtiyaga upang magtagumpay. Nakatapos ako ng hayskul dahil sa sarili kong pagsisikap at
pagtitiyaga. Alam kong tuwang-tuwa rin si Nanay nang ako’y nakatapos. Siya ang nagsabit sa
akin ng parangal bilang pinakamasipag na bata. Sa aking pag-aaral sa kolehiyo, natuklasan
ko ang isang talento na magiging dahilan pala upang ako’y makilala – ang pagsusulat.
Ginamit ko ang aking mga sariling karanasan sa buhay sa aking pagsusulat. Mahilig akong
magsulat ng tula at maikling-kuwentong pambata.

Page 26 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D5

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Sa katunayan, ang kuwento kong “Ang Lumang Aparador” ay nagwagi ng unang gantimpala sa 2002 Don
Carlos Palanca Memorial Awards for Literture. Isang karangalan itong tunay kong ipinagmamalaki. Sa
kasalukuyan, ako ay nagtuturo sa Pamantasang De La Salle – Maynila at Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Ngayon sa tuwing maiisip ko ang aking mga pinagdaanang buhay, lagi akong nangingiti at nagpapasalamat
dahil lalo akong naging matatag. Siyempre, naaalala ko rin ang aking mga kapatid at mga kaibigang
tumulong upang ako ay magtagumpay. Sa mga karanasan ko, napatunayan kong lahat ng tagumpay sa buhay
ay nagsisimula sa munting pangarap lamang.

Itanong

Nagustuhan mo ba ang talambuhay na iyong binasa? Anong aral ang iyong natutuhan? Natutuhan mong sa
pamamagitan ng pagsisikap, makakamit ang mga pangarap.
Anong uri ng talambuhay ang iyong binasa? Tama! Ito ay pansariling talambuhay o autobiography sa ingles.
Ngayon, handa ka na bang gumawa ng balangkas? Kung handa ka na, kumuha ka ng isang buong papel at
simulan ang iyong balangkas.
Kung ang balangkas na ginawa mo ay kahawig o hindi nalalayo sa aking balangkas sa ibaba, ay binabati kita!
MUNTING PANGARAP
I. Panimula
II. Mga Personal na Impormasyon
a. Pangalan
b. Petsa at Lugar na Kapanganakan
c. Bilang ng Magkakapatid
d. Mga Magulang
III. Pamilya
a. Mahirap na Pamilya /maagang pagtatrabaho
IV. Eskwelahan
a. Pagsisikap na Maging Mahusay /karangalan
V. Buhay Kolehiyo
a. Panibagong Hamon /pagtulong
VI. Pagtuklas sa Talento
a.Pagsulat / parangal na nakamit
VII. Wakas
Paglalahat :
Sa pagsulat mo ng talambuhay, maging ng iyong sariling talambuhay, nakadaragdag sa
kasiningan nito kung magbibigay ka ng panimula o ng maikling introduksyon. Nakatutulong ito upang
maihanda ang mambabasa at hindi sila mabigla. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng wakas dahil nakatutulong
ito upang may maiwan at tumatak sa isipan ng mga tao.
GAWAIN 1
A. Mula sa binasa mong talambuhay sa LINANGIN, itala ang mahahalagang datos na binanggit ng awtor
tungkol sa kanya. Sundan ang format sa ibaba
Panimula __________________________________________________
Pangalan : ___________________________________________________
Petsa at Lugar ng Kapanganakan: ___________________________________
Mga Magulang : ___________________________________________________
Pang-ilan sa Magkakapatid : ___________________________________________
Pagpapakilala sa Sarili ng Awtor
a. Pamilya ______________________________________________________________
b. Eskwelahan ______________________________________________________________
c. Talento/ Parangal ____________________________________________________________
d. Kasalukuyan ___________________________________________________________________
Wakas ____________________________________________________________________________

Page 4 of 5
Page 27 of 28
MODULE CODE: PASAY-F5-Q3-W2-D5

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

B. Salungguhitan ang salita sa loob ng pangungusap na may kaugnayan sa salita sa loob ng kahon.
1. Mahirap ang pamilya namin.
dukha
2.Namulat kami sa gawain at maagang pagtatrabaho.
nakagisnan

3.Ang nanay ko ang nagsabit ng parangal bilang pinakamasipag na bata.

medalya
4. Natuklasan ko ang talento ko habang nag-aaral ako.
kakayahan
5. Matagumpay na nakapagtapos ako sa kolehiyo.
Katuparan ng mga pangarap
Ngayon, handa ka na bang isulat ang iyong sariling talambuhay?
Pagtataya:
Panuto: Punan ng mga impormasyon tungkol sa iyo ang balangkas sa ibaba sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng sariling karanasan sa talambuhay na iyong binasa. Sikapin mo sanang maging matapat sa
iyong mga tugon.
I. Ang Mga Tungkol sa Akin
a. Pangalan ___________________________________________
b. Petsa at Lugar ng aking Kapanganakan _________________________________________
c. Pangalan ng aking mga Magulang ______________________________________________
d. Ang Aking mga Talento _______________________________________________________
II. Ako sa Paaralan
a. Paborito Kong Guro at Aralin________________________________________________
b. Mga Natamong Karangalan/Pagkilala ____________________________________________
III. Ang Aking Mga Pangarap
a. Sa Sarili ___________________________________________________________________
b. Sa Pamilya _________________________________________________________________
V. Ang Aking Mga Pananaw/Paniniwala
a. Sa Buhay __________________________________________________________________
V. Ang Aking mga Plano sa Hinaharap
a. Pag-aaral __________________________________________________________________

NENITA T VEGA
EPIFANIO DELOS SANTOS ELEMENTARY SCHOOL
References:
Modyul 5
Alab Filipino 5
Pluma5 Wika at Pagbasa

Page 28 of 28

You might also like