You are on page 1of 23

MODULES IN

GRADE 8
QUARTER 1 – WEEK 4

Page 1 of 23
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain

Page 2 of 23
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!


Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

Page 3 of 23
NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!


Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Module Code-Pasay-F8-Q1-W4-D1

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan / Ikaapat na Linggo/ Unang Araw

LAYUNIN: Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat batay sa mga elemento nito.


(F8PB-Id-f-23)

Aralin sa araw na ito: ELEMENTO NG ALAMAT

PANIMULA

ALAMIN NATIN!

Ang alamat ay isang salaysay na tuluyan at


nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay o lugar. Sa dahilang
ang alamat ay isang uri ng salaysay, mababakas sa balangkas
nito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari. Ang
banghay ng alamat ay maaaring maging payak o komplikado.
Ang mga pangyayari rito ay hindi kapani-paniwala o hindi
makatotohanan bagama’t may mga pangyayari ritong kakikitaan
ng kultura ng mga Pilipino,gayondin ang mga gintong – aral na
laging nakapaloob sa uri ng panitikang ito.

Mga Bahagi ng Alamat

1. Simula – Sa simula mababasa ang tungkol sa mga tauhan,


tagpuan at suliranin.
Tauhan – Ang mga tauhan ay maaaring protagonista, antagonista o suportang
tauhan.
Tagpuan – Dito nakasaad ang lugar na pangyayarihan ng mga aksiyon,
pangyayari, gayundin ang panahon kung kalian naganap ang kuwento.
Suliranin – Naglalaman ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

2. Gitna – Ito ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan. Ito ang


katawan ng isang akda tulad ng alamat.
Saglit na kasiglahan – Naglalahad ito ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang nasasangkot sa suliranin.
Tunggalian – Naglalaman ito ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan.
Kasukdulan – Ito ang pinakamahalagang bahagi kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban.

3. Wakas- Binubuo ito ng kakalasan at katapusan.


Kakalasan – ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng
kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
Katapusan – Naglalaman ng magiging resolusyon ng kuwento na maaaring
masaya, malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Mula sa: Kayumanggi 8, Pluma 8

Page 4 of 23
PANGALAN: Taon at Pangkat:
Guro:
Mayroon ka nang sapat na kaalaman sa araling panggramatika, subukin mong
maipakita ang iyong natutuhan sa bahaging ito. Kaya mo ‘yan!

B. TUKLASIN

MAGSANAY TAYO

A. Sagutin: Bakit mahalagang malaman ang mga bahagi ng isang alamat?


Nakatutulong ba ang mga ito upang maihatid ang mahahalagang pangyayari sa
isang akda tulad ng alamat? Ipaliwanag.

B. Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari gamit ang story ladder upang mabuo ang
banghay ng alamat.

A. Biglang may kakaibang naramdaman ang dalaga sa kaniyang sarili. Nanigas ang
kaniyang mga kalamnan at hindi siya nakahinga.

B. Pinuntahan ng taumbayan si Daria upang ipagbigay alam ang nangyari sa kaniyang


ina.

C. Ngayon sa bahaging Mindanao ay maraming nag-aalaga at nagtatanim ng puno ng


Durian.

D. Nanalangin si Aling Rosa na huwag pabayaang nag-iisa at libakin ng kapwa ang


kaniyang anak.

E. Dahil kasing-amoy ni Daria ang bunga ng punongkahoy ay tinawag na lamang nila


itong Daria na sa katagalan ay nagging Durian.

F. Si Daria ay malimit tuksuhin ng ibang tao dahil sa kaniyang mabahong amoy.

G. Dahil sa taglay na amoy ay nabatid ni Aling Mira na si Daria ang punongkahoy na


tumubo sa kanilang looban.

H. Namatay si Aling Rosa pagkaggaling niya sa panalangin.


Page 5 of 23
PANGALAN: Taon at Pangkat:
Guro:

Subukin
Pa Natin!

C. MGA GAWAIN:

Gawain1: Ibigay ang mahahalagang impormasyon tungkol sa binasang alamat mula sa


Mindanao na, “ Alamat ng Durian.”

“ALAMAT NG DURIAN’
Simula
Pangunahing Tauhan:
Tagpuan:
Suliranin:
Gitna
Saglit na kasiglahan:
Tunggalian:
Kasukdulan:
Wakas
Kakalasan:
Katapusan:

Gawain 2: Tukuyin ang mahihinuhang pag-uugali o katangian ng mga tauhan ng


“Alamat ng Durian” batay sa sumusunod na Gawain nila.

1. Halos lahat ng magustuhan ni Daria ay ipinipilit na maibigay ni Aling Rosa kaya


naman nagpapakasipag ito sa trabaho.

2. Ngunit kahit anong pangaral ni Aling Rosa kay Daria ay hindi pa rin talaga ito
mapakain ng masustansiyang pagkain. Hindi rin regular na naliligo at naglilinis ng
katawan.

3. Nakahiyaan ni Daria ang pakikipagkaibigan dahil sa panunukso ng mga tao sa


kaniyang paligid.

4. Panalangin ni Aling Rosa na huwag pabayaang patuloy na libakin ng kaniyang kapwa


si Daria dahil sa kaniyang kalagayan.

5. Pagbisita ni Aling Mira sa tahanan ng mag-ina upang sana ay makatulong.

6. Hindi paglapit ng mga tao sa punong may mabahong bunga.

Page 6 of 23
PANGALAN: Taon at Pangkat:
Guro:

Gawain 3: Ibigay ang iyong pananaw sa naging wakas ng binasang alamat na “Alamat
ng Durian”. Naging makatarungan ba ito o hindi? Bakit?

Gawain 4: Sa isang kuwento,pelikula o teleserye man, kaabang-abang ang bahaging


resolusyon o kinahinatnan sapagkat dito malalaman ng mambabasa o manonood kung
ano ang maaaring mangyari sa pangunahin at iba pang sangkot na tauhan. Sa isang
alamat, gaano kaya kahalaga ang wakas na bahagi nito? Paano nakatutulong ang
wakas upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay? Narito ang mga
halimbawa ng wakas sa ilang alamat. Suriin mo ang kinahinatnan ng mga pangunahing
tauhan.

Nanangis ang binata at nagsisi sa kaniyang narinig. Gusto niyang ibalik ang puso ng ina
ngunit wala na itong buhay. Dahil sa ginawa niya ay bigla itong naging butiki bilang
parusa sa kaniya; gumapang-gapang sa mga kisame at haligi. Ito ang parusa sa anak
na walang utang na loob sa kaniyang pinanggalingan.
Halaw sa: Alamat ng Butiki

Puna:

Pagkakita sa puno,naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa lupa doon mismo sa
pinagtubuan ng puno. Nasambit niya sa sarili ang pangalan ni Aging. "Ang halamang
iyan ay si Aging"wika ni Juana. Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na
"Aging"na di nagtagal ay naging saging.
Halaw sa Alamat ng Saging

Puna:

Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa'y ilagak na
magkasama sa isang hukay.
Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay
tumaas hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis.
Tinawag itong Bundok ng Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon.

Halaw sa Alamat ng Bulkang Mayon

Puna:

Sagutin:
a. Ano ang napuna mo sa naging daloy ng pangyayari?

b. Kapani-paniwala ba ang ganitong uri ng wakas? Ipaliwanag.

c. Sa iyong palagay, bakit karaniwan na sa mga alamat na magkaroon ng kaparusahan


o pagkamatay ng pangunahing tauhan.

Page 7 of 23
ISAISIP NATIN!

Mahalagang malaman ang mga bahagi ng isang alamat dahil ito ay nakatutulong
upang maihatid ang mahahalagang pangyayari sa isang akda katulad na lamang ng
alamat.

D. PAGTATAYA

STORY MOUNTAIN

Gamit ang Story Mountain Organizer ay suriin ang pagkakabuo o pagkakabalangkas ng


mga pangyayari ng binasang “Ang Alamat ng Durian” batay sa elemento ng banghay
nito sa pamamagitan ng pagtatala ng mahahalagang pangyayaring naganap sa akda.
Pagkatapos ay sagutin mo rin ang mga tanong sa ibaba.

Alam kong kayang-kaya mo iyan! Galingan mo!. Ngayon pa lang ay binabati na kita.

References for Further Enhancement


1. Online references - academia.edu.com. google.com,slideshare.net
2. Aklat - Pinagyamang Pluma 8
3. Modyul – Kayumanggi 8 Unang Markahan
Sanggunian:
Kayumanggi 8, Unang Markahan
Pinagyamang Pluma 8 Inihanda ni:
RONALYN C. DINGCONG
T1-PCNHS-MDC

Page 8 of 23
PANGALAN: Taon at Pangkat:
Guro:

Module Code-Pasay-F8-Q1-W4-D2

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan / Ikaapat na Linggo / Ikalawang Araw

LAYUNIN: Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat batay sa mga elemento nito.


(F8PB-Id-f-23)

Aralin sa araw na ito: Pagsusuri ng Alamat batay sa mga Elemento nito

PANIMULA

ALAMIN!

Alam mo ba kung paano nabuo o naisip ng iyong magulang ang iyong pangalan?

Ibahagi mo ang iyong kuwento tungkol sa pagkakabuo ng iyong pangalan. Isulat


ito sa sagutang papel.

Ang iyong
larawan

Ang iyong pangalan

Halimbawa:
Ang pangalang Carmina ay nabuo ng kaniyang mga magulang dahil
noong unang panahon na malapit nang manganak ang kaniyang ina ay dinala ito sa
malapit na ospital. Subalit, hindi na umabot sa ospital at sa halip, naipanganak siya sa
loob ng car. Ang mina naman ay nangangahulugang yaman ng pamilya. Dahil dito,
naisip ng mga magulang na pagsamahin ang car at mina. Dito na nagsimula ang
pangalang Carmina.

Ano ang napansin mong kaugalian ng iyong magulang sa pagpili ng iyong


pangalan?

Page 9 of 23
PANGALAN: Taon at Pangkat:
Guro:

B. TUKLASIN

BASAHIN
Mina ng Ginto
(Alamat ng Baguio)

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga


Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakama-lakas
at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang
pantas.
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin sila
sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng caᾗao
bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay
naniniwala sa iba’t ibang anito.
Kung nagdaraos sila ng caᾗao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay
sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa siya lubhang
nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kanyang
tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba.
Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng
landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil.
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad.
Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya
ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita.
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya’y bumalik sa nayon at
nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, “ Marahil ang ibong iyon ay
ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng caᾗao.”
Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caᾗao,” ang pasiya ni Kunto.
Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caᾗao,” ang pasiya ni Kunto.
Ipinagbigay-alam sa lahat ang caᾗao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos
upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman
ay naghanda ng masasarap na pagkain.
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang
baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man
ay nagagalit sa kanila. Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-
bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng
isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na sa katandaan at halos
hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata sa
kanilang nakita. Sila’y natakot. Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika nang
ganito: “Mga anak magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at
may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay
sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin.
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi.
Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang
inyong caᾗao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito.
Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa
ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at sanga ay maaari
ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag
ninyong tatagain ang katawan nito.”
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang
kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa
matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang
punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat
hanggang sa kaliit-liitang dahon.

Page 10 of 23
PANGALAN: Taon at Pangkat:
Guro:

Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit
sa punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon
kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng
dahon. Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang
matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy
naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng
tingin ng mga tao.

Isang araw, anang isang mamamayan, “kay taas-taas na at hindi na natin


maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin
ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.”

Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng
mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang
mga ugat.Nang malapit nang mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim.
Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit.

Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na


kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “ Kayo ay binigyan ng
gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong-ginto upang maging mariwasa ang inyong
pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan , kasakiman ang naghari sa inyong
mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang
puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.”

At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay
nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa
Baguio at nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.

Masasalamin ba sa alamat ang kultura at tradisyon ng isang pangkat ng mamamayan


sa ating bansa? Maituturing mo bang yaman ng lahi ang mga alamat sa ating
panitikan? Bago mo sagutin ang mga tanong, bigyan mo ng pansin ang kasunod na
mga gawain upang higit mong maunawaan ang nilalaman ng binasa mong alamat

Subukin
Pa Natin!

C. MGA GAWAIN:

Gawain 1: Isalaysay muli ang Alamat batay sa sumusunod na bahagi.

Simula

Gitna

Wakas

Page 11 of 23
PANGALAN: Taon at Pangkat:
Guro:

Gawain 2:

1. Ipaliwanag kung paano binago ng puno ng ginto ang lugar nina Kunto? Ipaliwanag.

2. Ipaliwanag kung paano pinabago ng pagkakaroon ng puno ng ginto ang pamumuhay


at ugali ng mga taga Suyuk?

3. Bakit nauwi sa wala ang kasaganaang tinatamasa ng mga taga- Suyuk? Patunayan.

Gawain 3:
Sa iyong palagay, makatarungan ba ang kaparusahang iginawad ng matanda sa mga
taga-Suyuk? Pangatuwiran ito sa tulong ng sumusunod na diyagram.

Gawain 4: Isa-isahin ang kaugalian ng mga Igorot na binabanggit sa alamat na sa


iyong palagay ay puwede nang di gawin at dapat pang ipagpatuloy. Ipaliwanag.

Page 12 of 23
PANGALAN: Taon at Pangkat:
Guro:

PAKAISIPIN!

“Ang paghahangad nang labis sa anomang kayamanan


Ay nagbubunga ng pagkagahaman sa kawalan”

D. PAGTATAYA

STORY GRAPH

Suriin ang mga elemento ng alamat gamit ang grapikong pantulong.

Alam kong kayang-kaya mo iyan! Galingan mo huh. Ngayon pa lang ay binabati na kita.

References for Further Enhancement


1. Online references - academia.edu.com. google.com,slideshare.net
2. Aklat - Pinagyamang Pluma 8
3. Modyul – Kayumanggi 8 Unang Markahan
Sanggunian:
Kayumanggi 8, Unang Markahan
Pinagyamang Pluma 8
Inihanda ni:
RONALYN C. DINGCONG
T1-PCNHS-MDC

Page 13 of 23
PANGALAN: Taon at Pangkat:
Guro:
Module Code-Pasay-F8-Q1-W4-D3

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan / Ikaapat na Linggo / Ikatlong Araw

LAYUNIN: Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa alamat.


(F8PT-Id-f-20)

Aralin sa araw na ito:

Pagbibigay ng kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa alamat

PANIMULA

PAG-ARALAN NATIN!

Matatalinghagang Pahayag- Ang wikang Filipino ay


puno ng matatalinghagang pahayag. Ang matatalinghagang
pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan.
Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at
pagkamalikhain ng Wikang Filipino.

Narito ang ilang halimbawa ng matatalinghagang


pahayag at ang kahulugan ng mga ito.

Matatalinghagang Pahayag Kahulugan

1. balitang kutsero hindi totoo

2. bugtong na anak kaisa-isang anak

3. kabiyak ng dibdib asawa

4. ilista sa tubig kalimutan na

5. lakad-pagong mabagal

6. magsunog ng kilay mag-aral nang mabuti

7. mababa ang luha iyakin

8. tulog mantika mahabang oras ng pagtulog

9. nagtataingang kawali nagbibingi-bingihan

10. pinagbiyak na bunga magkamukha


Sanggunian: Matatalinghagang Pahayag
Lessonproper.blogspot.com/2011/10/
Page 14 of 23
PANGALAN: Taon at Pangkat:
Guro:

B. TUKLASIN

MADALI LANG ’YAN

A. Tukuyin ang kahulugan ng mga matatalinghagang pahayag na may salungguhit sa


loob ng pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. Kumukulo ang dugo ng mag-anak sa mga taong nagmamaliit sa kanila.

A. Bugnutin C. Masayahin
B. Galit na galit D. Matampuhin

2. Maraming pasa ang bata sa katawan dahil ang kaniyang ama ay mabigat ang
kamay.

A. Basagulero C. Mabait
B. Maalalahanin D. Mapanakit

3. Ibaon na natin sa hukay ang galit at poot sa ating kapwa at matutong magpatawad.

A. Alalahanin C. Itanim sa isipan


B. Ipagtapat D. Kalimutan

4. Umuwi na ang itinuturing na itim na tupa sa kaniyang mga anak.

A. Lasenggong anak C. Masamang anak


B. Mabuting anak D. Masamang anak

5. Balat-kalabaw talaga ang mga taong hindi man lang imbitado ngunit kumakain sa
handaan.

A. Makapal ang mukha C. Matakaw


B. Mapagbigay D. Masunurin

B. Basahin ang matatalinghagang pahayag na nasa hanay ng pahalang at pababa.


Gamitin ang mga letrang nasa Krusigrama bilang palatandaan upang matukoy ang
kahulugan.
2.
A

1. 3. 4.
T I M
7.
A N

6. 5.
W G
8.
I R N
10.
G E

9.
T L G N

Page 15 of 23
PANGALAN: Taon at Pangkat:
Guro:

Pababa Pahalang

1. Itaga mo sa bato 1. Bahag ang buntot

2. Haligi ng tahanan 2. Makapal ang bulsa

3. Balat-sibuyas 3. Hitik na hitik

4. Di-makabasag pinggan 4. Bukas -palad

5. kumukulo ang tiyan 5. Bulanggugo

Subukin
Pa Natin!

C. MGA GAWAIN:

Gawain 1: Piliin ang wastong matatalinghagang pahayag na dapat gamitin sa mga


pangungusap upang mabuo ito.

1. Si Aling Nilda kahit matanda na ay kaya kahit may rayuma na,


nagpipilit pa rin itong sumabay sa mga sayawan.

A. Alog na ang baba C. Pantay na ang mga paa


B. Nagmumurang kamyas D. Parang kiti-kiti

2. Nakita ko kahapon si Roy, may dalang bulaklak, tila e, ke babata


pa!

A. Bantay-salakay C. Naglulubid ng buhangin


B. Nagbibilang ng kotse D. Naniningalang-pugad

3. Mananatiling ang aking buhay sa mga taong nasa paligid ko.

A. Balitang kutsero C. Bukas na aklat


B. Bukas-palad D. Di-maliparang uwak

4. Maraming mga tao ngayon ang sa gobyerno dahil sa Anti-Terror


Bill.
A. Babaha ng dugo C. Magaan ang loob
B. Kumukulo ang dugo D. Makapal ang mukha

5. Hindi ko maintindihan ang sulat mo. Para kasing , kahit ipabasa mo pa sa


iba.

A. Kinahig ng manok C. Puti ang tainga


B. Pinitpit na luya D. Sambakol ang mukha

Page 16 of 23
PANGALAN: Taon at Pangkat:
Guro:

Gawain 2: Hanapin sa loob ng pangungusap ang matatalinghagang pahayag na


ginamit. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Masasabing bahag ang buntot ng mga taong takot sa responsibilidad.

2. Masyadong matalas ang dila ni Aya kaya naman, maraming galit sa


kaniya.

3. Galit na galit ang Punong-barangay sa kaniyang nasasakupang


makakati ang paa at hindi sumusunod sa health protocol ng
pamahalaan laban sa Covid-19.

4. Hindi na malaman ni Victoria kung paano niya tutustusan ang


pangangailangan ng kaniyang sanggol na anak ngayong panahon ng
krisis. Minsan ko siyang nakitang lumilipad ang isip habang nakatingin
sa mga ulap.

5. Nagtaas ng kilay si Aling Luz nang malaman na hindi siya isinama sa


makatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.

Gawain 3. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na matatalinghagang


pahayag. Tukuyin ang kahulugan nito ayon sa pagkakagamit.

1. Mababaw ang luha – .

Pangungusap: .

2. Bukas-palad – .

Pangungusap: .

3. Balitang – kutsero – .

Pangungusap: .

4. Pasang krus- .

Pangungusap: .

5. malamig at pantay na ang paa - .

Pangungusap: .

TANDAAN!

Ang Matatalinghagang Pahayag ay sumasalaminmin sa kagandahan at pagiging


malikhain ng Wikang Filipino sa pagpapahayag.

Ginagamit ito upang maging kaakit-akit at mabisa ang


pagpapahayag.

Page 17 of 23
PANGALAN: Taon at Pangkat:
Guro:

D. PAGTATAYA

HANAP-KAHULUGAN

A. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salitang ginamit sa


alamat (F8PT-Id-f-20)

Panuto: Piliin mula sa iba pang salita sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng
mga matatalinghagang salitang nakasulat nang madiin. Isulat sa kahon ang
sagot.

1. Bagama’t siya ay binatang may kaya ay hindi siya nasanay na mag-


asal mayaman.

2. Mahina na ang tuhod ng ina dahil sa kaniyang katandaan kaya labis


ang pag-aalala ng anak para sa kaniya.

3. Ang kaniyang ulirang asawa ay itinuturing niyang kapilas ng kaniyang


buhay.

4. Napakabilis ng mga pangyayari sa sakuna kaya naman simbilis ng


kidlat na tumugon ang mga pulis upang iligtas ang mga biktima.

5. Naghihingalo na ang matanda nang ito’y isinugod sa hospital at sa


kasamaang-palad ay hindi na rin siya nailigtas ng mga doctor sa
kaniyang pag-aagaw-buhay.

B. Lagyan ng check (√) ang patlang kung ang mga salita ay


magkasingkahulugan at (X) naman kung hindi.
1. Namasdan Nasamyo
Nasilayan 2.
Naamoy

Madalas
3. Madalang
4. Dinapuan
Kinapitan

5. Wagas Masipag
Huwad 6. Batuga

Alam kong kayang-kaya mo iyan! Galingan mo huh. Ngayon pa lang ay binabati na kita.
References for Further Enhancement
1. Online references – lessonproper.blog.spot,
google.com,slideshare.net Inihanda ni:
2. Aklat - Pinagyamang Pluma RONALYN C. DINGCONG
T1-PCNHS-MDC

Page 18 of 23
Module Code-Pasay-F8-Q1-W4-D4

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan / Ikaapat na Linggo / Ikaapat na Araw

LAYUNIN: Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa Maikling-


Kuwento. (F8PT-Id-f-20)

Aralin sa araw na ito:

Pagbibigay ng kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa Maikling-Kuwento

PANIMULA

SIMULAN NATIN!

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong ilarawan ang isang buhay na matagumpay


gamit ang isang imahe o larawan, ano kaya ito?

Panimulang Gawain: Bilang panimulang gawain, gumuhit ka ng isang bagay na para


sa iyo ay maaaring maging simbolo o larawan ng isang masaya, matagumpay, at
kontento sa buhay. Ilagay ito sa loob ng kahon at ilahad ang iyong maikling
pagpapaliwanag para rito.

SIMBOLO

Paliwanag:

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8

Page 19 of 23
PANGALAN: Taon at Pangkat:
Guro:

KILALANIN NATIN!

Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista,


kuwentista,,mananaysay, at kritiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang mga
aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga kuwento. Siya rin
ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga
Pling Akda ng KADIPAN (1964), Mga Agos sa Disyerto
(edisyong 1965,1974, at 1993), at MANUNULAT: Mga
Piling Akdang Pilipino (1970).

Humakot ng parangal si Abueg tulad ng Don


Carlos Palanca Memorial Awards for Literature
(1959),1960,1963, 1964, 1967, at 1974); Timpalak ng
KADIPAN, unang gantimpala (1957); Pang-aalalang
Gawad Balagtas (1969); Timpalak Pilipino Free Press
(1969); Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (1992)
mula Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL);
Timpalak Liwayway sa Nobela (1964,1965, at 1967)

Siya ay sumulat at nag-edit ng maraming


sangguniang aklat at ginagamit magpahanggang
ngayon Efren Abueg
Sa kapwa pribado at publikong paaralan, mula
elementarya hanggang kolehiyo. Bukod dito, malimit
ilahok ang kaniyang mga kuwento sa mga teksbuk na
isinulat ng ibang awtor.

Halina’t iyong basahin ang buod ng isa sa kaniyang mga akdang tiyak na hihipo sa
iyong puso bilang isang anak. Ang isa sa mga maikling- kuwentong kaniyang isinulat na
pinamagatang “Saranggola”.

BASAHIN NATIN!

Saranggola
Ni: Efren Abueg

Nagsimula ito sa nagkwekwentuhang mag-ama na may mga anak na sina Rading,


Paquito at Nelson. Nagsimula na ang ama sa kanyang kuwento:

May isang batang humihiling ng guryon sa kanyang ama, subalit tinuruan ng ama na
magpalipad ng saranggola. Ang ama ay ang may-ari ng kaisa-isang estasyong gasolina
at machine shop.

Pagkalipas ng panahon ay humiling ang anak ng damit, sapatos, malaking baon at


pagsama-sama ng barkada ngunit naghiling ang ama sa kanyang anak na magtipid.

Page 20 of 23
PANGALAN: Taon at Pangkat:
Guro:

Dahil dito, nagtanim ng hinanakit ang anak dahil sa mga kagustuhan ng kanyang ama,
na ang isa ay maging inhinyero siya.

Nang naging 18 na taon ang anak, naghiling siya na mag-aral ng Commerce kasama
ng kanyang tropa subalit tinanggi ng kanyang ama. Dahil dito, kumuha na lang siya ng
Mechanical Engineering. Nagkaroon ito ng nais ng anak na mapaghimagsik sa kanyang
ama.

Nang una, ayaw mag-aral ang anak subalit sa huli itiniis niyang tapusing ang kanyang
pag-aaral dahil sa payo at katuwiran ng kanyang mga magulang.

Pagkatapos nga kanyang pag-aaral ay napabilang siya sa nangungunang unang


dalawampu sa gobyerno. Nagbigay ang ama ng limampung libong piso para sa
hanapbuhay ng anak, na akala niya ay ibibigay ang machine shop ng ama para sa
kanya.

Nagtayo ng machine shop ang anak sa dulo ng bayan. Nagtaka ang ama at itinanong
ng kanyang anak kung bakit sapagkat may kakumpetensya sya sa itinayuan niya.
Pinayuan ng ama na ipalit ang shop sa ikatlong bayan subalit hindi niya sinunod

Makalipas ng isang taon ay nalugi ang machine shop ng anak at napilitang humingi ng
labindalawang piso sa ama. Tinanggihan ng ama dahil hindi sinunod ang kanyang
payo.

Umalis ang anak at naghanap ng trabaho. Nakaipon siya at bumili ng machine shop na
umunlad ng tatlong taon. Nagkaroon siya ng asawa at tatlong anak.

Dumalaw ang ina sa anak at nagsabi na gusto niyang makita ng kanyang ama subalit
tinanggihan niya. Naging kilala ang machine shop niya sa Pasay makalipas ng
dalawang taon.

Isang araw, nagtaka siya na nawala ang kanyang pamilya. Sabi ng katulong ay
pumunta siya sa probinsya. Bumalik ang anak sa bayan niyang sinilangan.

Doon nalaman niya na namatay ang kanyang ama. Ang galit niya ay naging pagsisisi.
Nagsabi ang ina niya na hindi tumubo ng hinanakit ang kaniyang ama kundi
kaligayahan na nag-unlad ang kanyang anak.

Lumapit ang anak at humalik sa pisngi ng kanyang yumaong ama at naalala niya ang
pagpapalipad nila ng saranggola.

Mula sa: theworldnews.net.ph

SAGUTIN NATIN

1. Ano ang kahilingan ng batang lalaki sa kaniyang ama? .

2. Ano ang dahilan kung bakit hindi ipinagkaloob ng ama ang kahilingan nito?
.

Page 21 of 23
PANGALAN: Taon at Pangkat:
Guro:

3. Ano ang naramdaman ng bata nang hindi ibinigay ng kaniyang ama ang kaniyang
hinihiling? .

4. Sa iyong palagay, bakit nasabi ng inang namatay nang walang hinanakit ang ama sa
kaniyang anak sa kabila nag pagrerebelde nito sa kaniya?
.

5. Anong aral ang iyong napulot sa kuwento upang ang isang tao ay magtagumpay sa
buhay? .

SUBUKIN NATIN!

Gawain: Maghinuha tungkol sa nais ipakahulugan ng pahayag. Isulat ang sagot sa


patlang.

1. “ Ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay


nasa husay, ingat, at tiyaga… ang Malaki ay madali
ngang tumataas, pero kapag nasa itaas na, mahirap
patagalin doon, at kung bumagsak, lagging
nawawasak”

2.
“ Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga
magulang kundi nasa mga ituturo nila sa mga ito”

3.
“ Ang dugo ay dugo kaya dinadalaw ang lalaki ng kaniyang
mayedad na ina.”

4.
“ May nabugnos na moog sa kaniyang puso at dahil dito ay
nahalinhan ng pagsisisi ang kanyang hinanakit.”

.
Page 22 of 23
PANGALAN: Taon at Pangkat:
Guro:

5.
“ Magpundar ka ng iyong sariling negosyo. Mabuti na ‘yong
makatindig ka sa sarili mong paa.”

D. PAGTATAYA

A. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag


na ginamit sa akda (F8PT-Id-f-20)

Panuto: Tukuyin at bliugan ang letra ng kahulugan ng sumusunod sa matalinghagang


pahayag, simbolo at pahiwatig na nakasulat nang madiin na ginamit sa akda.

1. “Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?”

A. Maging marumi at mag-ulam ng asin.


B. Makaranas ng matinding hirap at kakulangan sa buhay.
C. Maghirap sa buhay at magtinda ng asin.

2. “Mabuti na ‘yong makatindig ka sa sarili mong paa.”

A. Matutong magsarili sa buhay.


B. Lumakad o magbiyaheng mag-isa.
C. Maging matatag sa buhay.

3. Ngunit may lason na sa kaniyang isip. Hindi na siya naniniwala sa sinasabi ng ina.

A. May nabuo ng maling kaisipan o paniniwala sa kaniyang isipan.


B. May masamang plano nang nabuo sa kaniyang isip.
C. Naging negatibo na ang kanyang mga pananaw sa maraming bagay.

4. “ Nasa itaas ka na. at sabi niya sa akin, pati asawa mo… nakatitiyak siya na
makapananatili ka roon”.

A. Nakamit na niya ang tagumpay.


B. Naging mapagmataas na siya.
C. Mataas na ang kaniyang katungkulan sa buhay.

5. Ang iba naming guryon na lumipad nang pagkataas-taas ay nalalagutan ng tali


at nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang, wasak-wasak.

A. Ang mapagmataas ay agad ibinabagsak ng Diyos.


B. Ang buhay ng tao ay tulad ng guryon na minsan ay nasa itaas at minsan naman
ay nasa ibaba.
C. May mataas o kilalang tao na agad na nagtatagumpay ngunit hindi nananatili
sa kanilang kalagayan.

Alam kong kayang-kaya mo iyan! Galingan mo huh. Ngayon pa lang ay binabati na kita.
References for Further Enhancement
1. Online references – lessonproper.blog.spot,
google.com,slideshare.net Inihanda ni:
2. Aklat - Pinagyamang Pluma 8 RONALYN C. DINGCONG
T1-PCNHS-MDC

Page 23 of 23

You might also like