You are on page 1of 28

MODULES IN

GRADE 5
QUARTER 1 – WEEK 5

Page 1 of 28
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain

Page 2 of 28
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!


Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

Page 3 of 28
NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!


Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Unang Markahan / Ikalimang Linggo /Unang Araw

A. Layunin : Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagsasabi ng


hinaing o reklamo.

B. 1. Panimula

Iba’t ibang Paraan ng Pagpapakita ng Paggalang:

A. Paghingi ng Paumanhin
 “Pasensiya na po kayo sa nangyari.”
 Humihingi po ako ng tawad sa lahat kong kasalanan.”
 Paumanhin ko po sa nagawa kong gulo.”

B. Pagtanggap ng Paumanhin
 “Tuloy po kayo sa aming munting tahanan.
 “Dumito muna kayo habang hinihintay ninyo si G. Edison.”
 “Kayo po pala, pasok po kayo.”

C. Paghingi ng Pahintulot at Pakiusap


 “Makikiusap po sana ako na pagbigyan ninyo ang aming
kahilingan.
 “Pasensiya na po at ngayon lang kami nakapagbigay.”
 “Maaari po bang palitan ang binili kong sapatos?

D. Pagpapakilala
 “Nais ko pong ipakilala ang aking ina na si Ginang Lita
Castillo.”
 “Ako po si Tommy, kamag-aral ng anak ninyo.”

Iba-iba man ang paraan ng pagpapakita ng paggalang, ang mga


salitang “Po” at “Opo” ay mga pangunahing kataga na ating
madalas gamitin. Paano kaya kapag maglalahad tayo ng ating
hinaing o saloobin? Hindi kailangang mawala ang paggamit ng
magagalang na salita, lalo kung ang kausap ay nakatatanda.

Handa ka na ba? Simulan….

Page 4 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

2. Mga Gawain

Gawain 1: PAG-ARALAN MO

Basahin ang sumusunod na diyalogo. Isulat sa kuwaderno ang


Panuto:
mga pahayag na ginamitan ng magagalang na salita.

Bilin ng ng ina ni Isko na hintayin nito ang tiyahin na darating upang alagaan ang
kaniyang nakababatang kapatid.
Aling Ayet: Isko, Anak, hintayin mo ang Tiya Oreng mo bago ka umalis ng bahay
ha.
Isko: Opo, ihahanda ko lang po ang aking gamit.
Aling Ayet: Tumawag na ang Tiya mo, malapit na raw siya.
Mauuna na ako at baka mahuli ako sa aking trabaho.
Isko: Opo, Inay, ingat po kayo.

Maya-maya pa’y dumating na ang Tiya Oreng ni Isko. Nagpaalam na si Isko sa


kaniya na siya’y papasok na sa paaralan.

Isko: Mano po, Tiya, aalis na po ako. Kailangan ko na pong magmadali. Baka po
mahuli na ako sa pagpasok sa paaralan.
Tiya Oreng: Sige, Isko, mag-iingat ka.

Tanong:
1. Sino ang bida sa iyong binasang teksto?

2. Ano-ano ang mga ipinhayag ni Isko?

3. Paano ka magiging ”Isko” sa inyong tahanan? Paaralan? Pamayanan?

4. Paano ipinahayag ni Isko ang kanyang hinaing?

5. Paano mo ipararating sa kinauukulan ang iyong hinaing o


pangangailangan?

6. Ano ang dapat tandaan sa pagsasabi ng hinaing.

Page 5 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

Gawain 2: SURIIN MO

Panuto: Gumamit ng magagalang na salita gaya ng ”po” at ”opo” sa pagsasabi ng


iyong saloobin o hinaing. Kopyahin ang mga pahayag na ginagamitan ng
magagalang na salita. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

PULIS: Psst. Hoy! Huli ka, huwag kang tumakbo.


CALOY: Bakit po? Ano po ba ang nagawa kong kasalanan?
PULIS: Hindi mo ba nakikitang bawal tumawid dito?
CALOY: Naku, paumanhin po. Akala ko po ay maaaring tumawid sa bahagoing ito
ng kalsada.
PULIS: Alam mo bang may karampatang parusa sa iyong ginawa?
CALOY: Naku, pasensiya na po kayo. Mangyari po kasi kanina ay may naunang
tumawid dito na dalawang babae, kaya po inakala kong ito ay tamang
tawiran.
PULIS: Ah, pinapayagan naman na tumawid dito ang matatandang di na
maaaring umakyat sa tamang tawiran at ang mga may karamdaman. Sila
lamang at hindi ang mga tulad mong bata pa. Gayondin, sila ay
tinutulungan ng mga pulis trapiko.
CALOY: Ganon po ba? Ang tulad ko po kaya na bagama’t isang bata ngunit may
dinaramdam sa tuhod ay hindi ninyo mapagbibigyan? May pilay po kasi
ako. Maaari po kaya kung ngayon lamang habang ako ay hindi pa
lubusang gumagaling?
PULIS: Ah, ganoon ba? Sige maaari ka naming mapagbigyan ngayon pero sa
oras na ikaw ay gumaling, kinakailangan mong sumunod sa batas-
trapiko.
CALOY: Opo, sir. Marami pong salamat.

Tanong:
1. Bakit sinita si Caloy ng pulis?

2. Paano ipinahayag ni Caloy ang kanyang saloobin sa pulis?

3. Anong magagalang na salita ang kanyang ginamit?

4. Ano-ano ang mga pahayag na ginamitan ng magagalang na salita?


Iwasto ito sa paggabay ng magulang o kasama ng bata sa bahay.

5. Kung ikaw si Caloy, pano mo ipahahayag ang iyong saloobin?

Page 6 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

C. Paglalahat

Tandaan:

 Dapat gumagamit ng “Po” at “Opo” kapag nagbibigay ng


saloobin o hinaning.
 Mahalagang maalala at magamit ang magagandang
pananalita sa pang-araw-araw na buhay.
 Maaring simulan sa tahanan, paaralan at sa mga kaibigan.

D. Paglalapat

Panuto: Dula-dulaan. Kumuha ng kapareha.Gamitin ang magagalang na


salita sa pagpahayag ng saloobin.

Ano ang ginagawa ninyo?

Page 7 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D1

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

D. Pagtataya

Panuto: Sumulat ng pahayag o saloobin gamit ang magagalang na salita


ayon sa sumusunod na sitwasyon.

1. Naglalaro ka ng saranggola. Bigla itong sumabit sa puno ng mangga


ng kapitbahay. Umakyat ka sa puno upang kunin. Nakita ka ng may-
ari at pinagalitan ka.
______________________________________________________
2. Nadulas ka sa sahig kaya nabitawan mo ang plorera. Nabasag ito at
nagulat ang nanay mong natutulog.
______________________________________________________
3. Sinabihan ka ng nanay mo na bantayan ang nakababata mong
kapatid. Ngunit may “Online Lesson” ka sa oras na iyon.
______________________________________________________
4. Nahuli ka ng tatay mo na naglalaro ng ML imbes na mag-aral.
______________________________________________________
5. Inagaw mo ang biskit ng nakababata mong kapatid. Umiyak ito at
narinig ng iyong nanay.Ano ang sasabihin mo sa nanay mo?
______________________________________________________
6. Sumasakit ang ulo mo kaya hindi ka nakasabay sa “Online Class” mo.
Ano ang sasabihin mo sa iyong guro?
______________________________________________________
7. Lumabas ka ng bahay dahil natatakot ka mag-isa sa loob. Hinuli ka ng
tanod dahil hindi ka nakapagsuot ng face mask.
_______________________________________________________
8. Oras na ng pagtulog ngunit hindi ka pa inaantok. Kinuha moa ng iyong
celphone at naglaro ka. Nakita ka ng nanay mo. Ano ang sasabihin
mo?
_______________________________________________________
9. Dali-dali kang pumasok ng bahay. Hindi mo nakita ang dalawang
matatandang nag-uusap. Kaya napadaan ka sa pagitan nila.
Pinagalitan ka ng Lola mo.
_______________________________________________________
10. Kampante kang nakaupo sa upuan. Biglang napasigaw ang ate mo
dahil naupuan mo pala ang earphone niya. Ano ang sasabihin mo sa
kanya?
_______________________________________________________

Inihanda ni:

ALMA C. BALLENAS
Apelo Cruz Elementary School

____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1.) Books: Alab Filipino 5, 2016, pahina 40 - 43
2.) Magagalang na Salita, https//www.slideshare.net
3.) https//www.shutter.stock.com

Page 8 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Unang Markahan / Ikalimang Linggo /Ikalawang Araw
A. Layunin : Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa usapan at
paglalahad tungkol sa sariling karanasan.

B. 1. Panimula

Alam mo na ba?

Ang panghalip pananong ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao,


hayop, bagay, lugar, gawain, katangian, pangyayari, at iba pa. Ginagamitan
ito ng tandang pananong (?) sa hulihan ng pangungusap.

Ang tsart na ito ay nagpapakita ng iba’t ibang uri ng panghalip pananong.


Paano kaya sila ginagamit?

Basahin at unawain. Handa ka na ba?


Mga Panghalip Pananong Sumasagot sa tanong tungkol sa:
Isahan Maramihan
1. Sino Sino-sino tao
2. Kanino Kani-kanino
3. Ano Ano-ano hayop, bagay, katangian, pangyayari
4. Kailan Kai-kailan panahon
5. Saan Saan - saan lugar o pook
6. Bakit dahilan ng pangyayari
7. Paano Paa-paano paraan ng paggawa
8. Ilan Ilan-ilan bilang o dami ng nais malaman
9. Alin Alin-alin pagpipilian
10. Gaano Gaa-gaano sukat o bigat
11. Magkano Magka-magkano halaga

Halimbawa:
1. Sino-sino ang tumulong sa mga Pilipino sa panahon ng pandemya?
2. Kanino dapat magpatala kapag mag-aaral?
3. Magkano ang baon mo araw-araw?
4. Saan galing ang virus na Covid-19?
5. Ano ang nagustuhan mo sa damit na iyan?

Naunawaan mo na ba ang gamit ng panghalip pananong?

Simulan mo na!

Page 9 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________
2. Mga Gawain

Gawain 1: PAGBUO

Panuto: Piliin ang tamang salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. ______ (Sino, Saan, Ano) ang paborito mong pagkain?


2. ______ (Sino, Saan, Ano) kayo nagsisimba ng inyong pamilya?
3. ______ (Sino, Saan, Ano) ang kaibigan ng iyong kapatid na kaibigan
mo rin?
4. ______ (Alin, Kailan, Ilan) ang pangkat na nagtatanghal kanina?
5. ______ (Alin, Kailan, Ilan) sa mga ito ang napili mong isuot?
6. ______ ( Bakit, Paano, Paa-paano) nakaligtas ang magkapatid sa
hampas ng alon at pag-uga ng lupa?
7. ______ (Alin, Ano, Ano-ano) kaya ang mga pinamili ni nanay sa
tindahan?
8. ______ (Ilan, Magkano, Magka-magkano) ang presyo ng binili mong
sapatos, damit at gamit sa eskwela?
9. ______ ( Sino, Sino-sino, Kani-kanino) ang nakatanggap ng mga
ayuda?
10. _____ (Gaano, Ano, magkano) kalaki ang nahuli nilang isda?

Integrated the Development of the following Learning Skills:


A. Communication
1. Understanding of Words/vocabulary; panghalip
2. Following instructions/directions
3. Responding to ideas

Gawain 2: GAWIN MO

Panuto: Bumuo ng mga tanong tungkol sa mga larawan. Gamitin


ang mga panghalip pananong sa loob ng panaklong. Isulat ang
pangungusap sa kuwaderno.

( Ano) ( Sino) (Sino-sino)

________________ ____________ ____________________

Page 10 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

(Paano) (Ano-ano) (Ilan)

_____________ _________________ _______________________

Gawain 3: TAMANG GAMIT


Panuto: Palitan ng maramihan ang mga panghalip pananong sa bawat pangungusap.
Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
Halimbawa: Saan ka pupunta sa Linggo?
Sagot: Saan-saan ka pupunta sa Linggo?
1. Ano ang dala ni Candice sa kaarawan mo?
2. Alin ang itatago mo sa kabilang kuwarto?
3. Sino ang iyong isasama pagbakasyon mo sa Baguio?
4. Ilan ang dala nilang bag?
5. Kanino kayo humingi ng makakain?
6. Saan ba tayo mamamasyal?
7. Magkano ang naibigay ni Donya Elena sa mga nasalanta ng lindol?
8. Paano ba ang inyong ginagawa sa inyong proyekto sa Filipino?
9. Gaano kadalas bumisita ang inyong Lola sa inyo?
10. Maituturo mo ba kung alin dito ang mga gamit na dadalhin ko

C. Paglalahat

Tandaan:
Ang panghalip pananong ay kumakatawan sa pangalan ng tao o bagay sa
paraang pagtatanong. Ito ay maaring isahan o maramihan. Nagtatapos ito palagi sa
tandang pananong (?).
Halimbawa:
1. Ano ang itinuturo ng bata? 3. Saan siya pupunta?

2. Sino-sino ang binabasahan niya? 4. Magkano po ito?

Page 11 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

Ipagpatuloy mo ngayon!

D. Paglalapat

Panuto: Lagyan ng wastong panghalip pananong ang sumusunod na


pangungusap. Bigyang pansin ang mga sagot sa loob ng pananklong.

1. _________ ang mapagmahal sa kanyang alaga?


( si Aicel)
2. _________ ang mga batang magagaling sumayaw?
( sina Joan at Bernadette)
3. _________ ang dala ni Dr. Benzon?
(face mask at mga guwantes)
4. _________ humingi ng tulong ang paralitiko?
( kay kapitan)
5. _________ nagtanim ng gulay ang mga mag-aaral ng Apelo at T. Paez?
(sa mga paso at bakanteng lote)
6. _________ bahay ang nabuwal ng madaanan ng Buhawe?
(kay Mang Sebastian)
7. _________nahulog ang dala-dalang mong pagkain kanina?
(dahil dumulas sa kamay ko)
8. _________ ba ang karapat-dapat bigyan ng tulong pinansiyal?
(mga mahihirap at nawalan ng trabaho)
9. _________ kalaking kahoy ang kailangan mo para iharang sa pinto?
(apat na pulgada)
10. ________ ka dadalaw sa pinsan mo na nasa ospital?
(sa darating na sabado)

E. Pagtataya

Panuto: Punan ng angkop na panghalip pananong ang patlang batay sa mga


larawan. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Ano ang Dapat Gawin?

A. Kapag may Sunog

_________ 1. I-oof ang ng kuryente.

_________ 2. Hangga’t maaari, iwan na ang mga

_________3. Siguraduhing makalabas ng na nasusunog.

_________4. Isama ang mga palabas ng bahay.

Page 12 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D2

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

_________5. Tumungo sa na malayo sa nasusunog na


bahay.

B. Kapag May Lindol!

________ 6. Habang lumilindol, huwag .

________ 7. Patayin ang gamit na ginagamitan ng kuryente tulad ng

________ 8. Protektahan ang katawan. Sumilong sa ilalim ng

upang hindi mabagsakan ng


anumang bagay ang ulo.
________ 9. Sa panandaliang paghinto ng lindol, kung nasa
pinakamataas ng palapag ng gusali, pumunta sa mga
matitibay na istruktura tulad ng

________10. Kung nasa ibabang bahagi naman ng gusali, umakyat sa


pamamagitan ng pinakamalapi na

Inihanda ni:
ALMA C. BALLENAS
Apelo Cruz Elementary School

____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1.) Books: Alab Filipino 5,2016 pp. 42-43
2.) Sining sa Wika 4, 1998, pp. 81-87
3.) Filipino Wika at Pagbasa 6, 2003 pp. 154-155
4.) google. search.com
a. deposit photos
b. clker.com.vector.clip
c. Pinterest
d. www.gograph.com

Page 13 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D3

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Unang Markahan / Ikalimang Linggo /Ikatlong Araw
A. Layunin : Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata.

B. 1. Panimula

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang


makapagbibigay na ng angkop na pamagat ng talata.

Ang pamagat (title) ng isang akda o larawan ay nagpapahayag ng diwa o


paksa.

Paano ba makapagbibigay ng tugmang pamagat sa isang talata.


1. Basahin at unawain ang bawat nilalaman ng pangungusap.
2. Alamin kung tungkol saan ang pinag-uusapan.(Itanong mo sa sarili mo:
“Tungkol saan ang pinag-uusapan?” Kapag alam mo kung ano ang
pinag-uusapan, mas madali mong maibibigay ang pamagat.
3. Hanapin ang mga salita o parirala na magtuturo sa iyo ng tamang
pamagat.
4. Ang pamagat ay binubuo ng salita o parirala. Nagsisimula ang mga
salita sa malaking letra.

Halimbawa:
Basahin mo ang talata.
Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang
mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay
may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila’y
naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap
na pagkain at naghahanda ng maraming prutas at inumin.
Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing pasalubong ng
panauhin.

Nakita mo ba kung ano ang pinag-uusapan sa talata?

Ang pinag-uusapan sa talata ay tinatawag na paksa.

Sagot: Katangian ng mga Pilipino


Alin sa mga salita ang nakasulat sa malaking titik?

Nakuha mo ba?
Mahusay!!!
Pwede ka ng magpatuloy.

Page 14 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D3

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

2. Mga Gawain

Gawain 1:

Panuto: Basahin ang talata. Sagutin mo ang tanong pagkatapos. Isulat sa


kuwaderno ang sagot.

Hindi na mabibilang ang mga kababayan nating nangunguna sa larangan ng


pag-awit, pagpipinta at pag-ukit.Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produkto nating
gawang kamay na tulad ng binurdahan at nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain
sa iba’t ibang larangan.

Ano ang pinag-uusapan o paksa ng talata?


Ano ang pamagat ng talata? ________________________________________

Gawain 2:

Panuto: Basahin at isulat ang paksang pangungusap. Ito ay maaaring matagpuan


sa una, sa gitna o sa hulihang pangungusap.

Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang


bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang
pasasalamat sa kanilang patron.
Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan
ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga
kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga
lalawigan.

Ano ang paksang pangungusap? ___________________________________

Piliin ang angkop na pamagat


A. Mga Kapistahan sa lalawigan
B. Kapistahan ng mga Pilipino
C. Tradisyon ng mga Pilipino
D. Ang Bayanihan

Page 15 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D3

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________
Gawain 3:

Panuto: Basahin at unawain ang kasunod na talata.

Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa


gitna ng maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa
at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Ano
mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang
pamilya. Bukod dito biyayang Diyos an gating pamilya kaya’t patuloy mong
ingatan.

Piliin sa ibaba ang angkop na pamagat ng talata.


A.Biyaya ng Diyos ang Pamilya
B. Ang Problema sa Pamilya
C. Ang pamilyang Pilipino
D. Ang Pamilya

C. Paglalahat

a
Isaisip Mo

Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata, alamin mo


muna ang muna ang pinag-uusapan o paksang pangungusap. Makatutulong
ang mga ito sa pagbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat. Ang
pinakapaksa ng bawat talata ay matatagpuan sa unahan, gitna o
hulihan ng talata.
Sa pagsulat ng pamagat, isinusulat sa malaking letra ang
una at iba pang mahahalagang salita.

Nauunawaan mo na ba? Magaling!

D. Paglalapat

A. Panuto: Piliin ang angkop na pamagat sa mga pagpipilian na kasunod ng


bawat talata.

1. Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit


pa. Natatangi sa lahat ng puno ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay
maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba pa.

A. Ang mga Gamit ng Niyog C. Ang Niyog


B. ang mga gamit ng Niyog D. ang niyog

Page 16 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D3

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

2. Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue) ay ang


sangay ng pamahalaan na namamahala sa pangongolekta ng buwis ng mga
mamamayang may hanapbuhay. Bawat manggagawang Pilipino ay may
tungkuling magbayad ng kaukulang buwis. Ang buwis na ibinabayad ang
siyang ginagamit na pondo ng pamahalaan sa pagpapaganda at
pagpapaunlad ng ating bansa.

A. Ang Kawanihan ng Rentas Internas


B. Ang Pagpapaganda ng Ating Bansa
C. Ang nangongolekta ng Buwis
D. Ang sangay ng pamahalaan

B. BUUIN AT ILARAWAN.

1. Panuto: Sumulat ng maikling talata batay sa sumusunod na larawan. Ibigay


ang pamagat ng iyong talata. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

___________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________.

2. Panuto: Sumulat ng maikling talata tungkol sa iyong karanasan batay sa


mga larawan. Ibigay ang pamagat ng iyong talata. Isulat ito sa iyong
kuwaderno.

___________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________.

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


A. Communication
1. Following instructions/directions
2. Understanding messages
B. Critical Thinking
C. Creativity

Page 17 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D3

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

E. Pagtataya

Panuto: 1. Buuin ang mga impormasyon upang mabuo ang talata. Ibigay ang
pamagat pagkatapos. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot

Basain ang mga kamay


Lagyan o pahiran ng sabon
Kuskusin ang harapat likod ng mga palad, pagitan ng daliri, loob ng kuko
at braso. Pwedeng awitin ang “Happy birthday” ng dalawang beses
Banlawan ang mga kamay ng malinis na tubig.

2. Isalaysay sa pamamagitan ng tatlo hanggang limang pangungusap


nang ginawa mo noong panahon ng Enhanced Community
Quarantine
_______________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

Panuto: Basahin mo ang talata sa ibaba. Ibigay ang angkop na pamagat.


Isulat ang sagot sa kuwaderno.
3. Ang pating ay isang uri ng karniborong isda. Sa kasalukuyan,
mayroong mahigit na limandaang uri ng pating. Karamihan ng uri ng
pating ay nanatili sa tubig-dagat ngunit iilang nabubuhay sa tubig
tabang. Ang pinakamaliit na pating ay may habang anim na pulgada.
Ang pinakamahaba naman ay ang butanding. Ito ay umaabot sa ibaba
na labindalawang metro.

A. Ang Iba’t Ibag Uri ng Pating


B. Ang Nakakatakot na Isda
C. Ang Pating

4. Kalikasan man ngunit nangangailangan din ng pahinga.


Lumiwanag ang langit noong panahon na natigil ang lahat ng sasakyan
sa pagbiyahe. Nahinto ang mga pabrika sa pagbuga ng nakakalason na
usok. Humilom ang nawawasak na “Ozone Layer.” Nabawasan ang
pagkakalat ng mga tao sa paligid. Kaya ang tao ang pinakamalaking
ambag sa pagkawasak ng ating kalikasan.
Pamagat: _________________________________________________

Inihanda ni:
ALMA C. BALLENAS
Apelo Cruz Elementary School
____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1.) Books: Alab Filipino 5, 2016, pp. 49
2.) Hiyas sa Pagbasa 4, 2000, pp. 47
3.) DepEd Learning Portal:lrmds.deped.gov.ph
4.) teacherabiworksheets.blogspot.com
5.) google search: dlrciligan.weebly.com
6.) google search: CNN Philippines

Page 18 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Unang Markahan / Ikalimang Linggo /Ikaapat na Araw

A. Layunin : Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong


napakinggan.

B. 1. Panimula

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang


makapagbibigay na ng angkop na pamagat ng talata.

Ang pamagat ang pinakapaksa ng katha o talata. Dito


nakatuon ang lahat ng kaisipan sa isang talata o kuwento.

Isang paraan ng pag-unawa sa binasa ay ang pagbi-


bigay ng pamagat ng isang talata.

2.
Mga Gawain

Gawain 1:

Panuto: Pakinggan ang talatang babasahin ng kasama sa bahay. Ibigay


ang angkop na pamagat ng napakinggang talata. Isulat sa
kuwaderno ang sagot.

“Kahapon ay isinama akong muli ng amok o sa bayan.


Ipinagamit ako sa mga taong sumasakay sa kalesa. Alam mo bang
pagkasakit-sakit ng katawan ko kahapon? Dahil ito sa dami at bigat
ng kanyang inilagay sa kalesa. Halos sumayad na sa lupa ang aking
mahabang dila sa matinding hirap na dinanas ko. Lubog na ang araw
nang umuwi kami ng aking amo. Ngunit tulad mo, hindi rin ako
pinapakain o pinapainom man lang.”

Tungkol saan ang talata na narinig?__________________________


Ano ang pamagat ng talata? _______________________________

Page 19 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

Gawain 2: SURIIN MO

Panuto: Narito ang iba pang halimbawa ng talata. Babasahin ito ng kasama sa
bahay ng mag-aaral.

1. Pamagat _______________________________________________

Napakasaya ng pista sa aming barangay sa aming bayan.


Tatlong araw pa lamang ay pinaghahandaan na ang pagdiriwang na ito.
May mga tugtugan, awitan at sayawan. May iba’t ibang palaro. Ang
magagandang dilag ay isinakay sa mga karuwahe at pinangungunahan
ng parada.

2. Pamagat ______________________________________________

Naanyayahan na kaming magpiknik sa resort ng Siraan Hot


Spring. Maghapon kaming naligo sa maligamgam na pool.
Napakasarap sa pakiramdam. Gusto pa sana naming maglublob ng
matagal ngunit pinaahon na kami ng bantay. Tumataas daw kasi ang
init na libel ng tubig.

3. Pamagat ________________________________________________

Pangarap ni Betty na makita ang Bulkan ng Mayon sa Bicol. Ibig


niyang makita iyon para mapatunayang totoo nga ang mga nababasa
niya sa aklat.
”Hoy!” ang minsan ay sabi niya kay Rea na kanyang kaibigan.
”Hindi ba ang sabi mo’y uuwi ka sa Albay sa isang linggo para
dumalaw sa iyong Lola?”
”Oo. Huwag kang mag-alaala at tiyak na isasama kita. Naisulat
ko na iyon kay Lola.”
Ganon na lamang ang tuwa ni Rica. Pagdating na pagdating sa
bahay ay ibinalita niya iyon sa kanyang Ate Mary Ann.
Kinaumagahan ay sumakit ang tiyan niya. Hindi rin siya
makahinga kung kaya’t dinala siya sa ospital. Hanggang sa sumapit
ang araw ng linggo ay nasa pagamutan pa rin si Betty. Hindi siya
nakasama ni Rea sa pag-uwi sa Bicol. Hindi rin niya tuloy nakita ang
Bulkan ng Mayon.

4. Pamagat ________________________________________________

Mahilig sa pagbabasa si Randy. Iba-ibang aklat ang kanyang


binabasa. Pati mga aklat tungkol sa pagtatanim at pagluluto ay
binibigyan din niya ng oras para mabasa. Minsan ay nakita pa nga siya
ni Tita Romina na nagbabasa tungkol sa paggawa ng iba’t ibang
laruan gayong takipsilim na.
”Naku! Ang batang ito,” ang sabi ng kanyang Tiya, ”huwag na
huwag kang magbabasa sa dilim. Mabilis manlalabo ang mga mata
mo niyan.”

Page 20 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

5. Pamagat _____________________________________________

Hindi mahirap turuang gumuhit si Charlene. Talaga yatang sa


larangan ng sining ay wala nang gagaling pa sa kanya sa Dibisyon ng
Pasay. Kahit krayola, lapis o pintura ang kanyang gamitin ay
napakaganda kapag tapos na. Marahil ay mahihigitan pa niya ang
kanyang gurong si Sir Mark na isang mahusay ring pintor.
Panoorin mo siyang minsan habang gumuguhit at natitiyak kong
hahanga ka rin sa kamag-aral kong ito na siyam na taong gulang pa
lamang.

C. Paglalahat

a
Isaisip Mo

Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata, alamin mo


muna ang muna ang pinag-uusapan o paksang pangungusap. Makatutulong
ang mga ito sa pagbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat. Ang
pinakapaksa ng bawat talata ay matatagpuan sa unahan, gitna o
hulihan ng talata.
Sa pagsulat ng pamagat, isinusulat sa malaking letra ang
una at iba pang mahahalagang salita.

Alam mo na ba? Mahusay!

D. Paglalapat

Panuto: Pakinggan ang talatang babasahin ng kasama sa bahay. Isulat ang


tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni Magellan ang


Pilipinas, gusto niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari ng Espanya. Tinutulan
ito ni Lapulapu at naganap ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at katutubo
kung saan tinalo ni Lapulapu si Magellan at naging sanhi ng pagkasawi nito sa
laban.

Ano ang pamagat ng talata? _______________________________________

Page 21 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

2. Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong ika-6 ng Enero, 1821. Ang kanyang


mga magulang ay sina Juan Aquino at Valentina Aquino. Noong kabataan niya
ay madalas siyang maimbitahan sa pabasa. Hinirang rin siyang Reyna Elena ng
Santakrusan. Kahit na walumpu’t tatlong taon-gulang na si Tandang Sora, ito ay
hindi naging hadlang sa kaniyang paglilingkod sa bayan. Lihim niyang
tinulungan ang mga katipunerong maysakit at nagugutom.

Ano ang pamagat ng talata? _______________________________________

E. Pagtataya

Panuto: Pakinggan ang talata sa ibaba na babasahin ng kasama sa bahay.


Ibigay ang angkop na pamagat. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. Isa sa mga naging mahalagang personalidad sa People Power ay si


Hilario G. Davide Jr. Siya ang punung-hukom ng Kataas-taasang
Hukuman ng Pilipinas. Siya rin ang nagtalaga kay dating Pangalawang
Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong Pangulo ng bansa.
Nakamit rin niya ang Ramon Magsaysay Award para sa paglilingkod sa
pamahalaan noong 2002, dahil sa kanyang mahusay na serbisyo.

Pamagat: __________________________________________________

2. Napakahalaga ng Bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang


lalong luminaw an gating mata. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay
maaaring magdulot ng paglabo ng paningin. Ang mga pagkain na
mayaman sa bitamina A ay atay, (manok at baka) itlog, gatas, keso, mga
luntian at dilaw na gulay at prutas.

Ang angkop na pamagat ay ____________________________________

3. Ang kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia ay ginaganap sa Naga City sa


Bicol tuwing ikatlong Sabado ng buwan ng Setyembre. Pero ngayon ay
ginaganap na rin ito sa buwan ng Mayo para sa mga hindi nakadadalo sa
Setyembre. Bago ang mismong araw ng kapistahan, may siyam na araw
na novena sa Birhen. Sa ikasiyam na araw, ibinabalik sa dambana ang
imahen at idinadaan ito sa Ilog Naga sa paraang prusisyon ng mga
bangka.

Ang pamagat ng talata ay _____________________________________

Page 22 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D4

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

4. Ipinagmamalaki naman sa bahagi ng Rehiyon IV ang Puerto Galera na


matatagpuan sa Oriental Mindoro. May 130 kilometro ang layo nito mula
sa bahaging Timog ng Maynila. Dinarayo ng mga turista ang mapuputing
buhangin sa mga beaches nito. Gayundin, napakaganda ng mga corals
at iba pang laman-dagat na makikita sa kailaliman ng mga katubigan.

Ano ang pamagat ng talata? ___________________________________

5. Si Pablo Planas ay isang dating tsuper at mekaniko. Siya ang


nakaimbento ng Khaos Super Turbo Charger (KSTC) na isang tipid-gas
na gamit para sa mga de-gasolinang sasakyan. Hindi siya nasilaw sa
multi-milyong pisong alok ng bansang Amerika para lamang ibenta ang
kanyang imbensyon. Ito ang nagpapatunay ng kanyang hangaring
makatulong sa ating bayan.

Ang angkop na pamagat ng talata ay _____________________________

Inihanda ni:
ALMA C. BALLENAS
Apelo Cruz Elementary School

____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1.) Books: Sining sa Pagbasa 4, 1998, pp. 78-81
2.) Hiyas sa Pagbasa 4, 2000, pp. 47-48
3.) DepEd Learning Portal:lrmds.deped.gov.ph
4.) Teacherabiworksheets.blogspot.com

Page 23 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D5

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Unang Markahan / Ikalimang Linggo /Ikalimang Araw

A. Layunin : Nakapagbibigay ng panuto

B. 1. Panimula

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang


makapagbibigay na ng panuto.

Ano ba ang panuto?

Ang panuto ay mga alituntunin o gabay na nagbibigay sa


atin ng kalinawan na paglalarawan sa kung ano ang dapat
nating gawin.
Kinakailangan lamang na ating unawaing mabuti ang
sinasabi ng panuto upang maisagawa din natin ng maayos at
tama ang bagay na sa atin ay ipinapagawa.

Ang panuto, simple man o kumplikado ay kasa-kasama


natin araw-araw. Ito ay naririnig natin sa ating tahanan,
paaralan, barangay at komunidad.

Halimbawa: Ang Pagsasaing


Una, ihanda ang kaldero o Rice Cooker. Ikalawa,
magtakal ng bigas at hugasan ito. Ikatlo, ilagay sa kaldero o
Rice Cooker at lagyan ng tubig depende sa dami ng takal ng
bigas. Ikaapat, isalang at antayin maluto.

May ideya ka na ba?


Simulan mo na ang araling ito.

2.
Mga Gawain

Gawain 1: Tahanan

Panuto: Isulat ng patalata ang mga sumusunod na pangungusap upang


mabuo mo ang isang panuto.

Paraan ng pagluluto ng sinigang na baboy


1. Palambutin ang karne
2. Pakuluan sa aparteng kalderong may kaunting tubig, kamatis at
sampalok.

Page 24 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D5

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

3. Kapag lumambot na ang karne ay ihulog ang buong gabi.


4. Kapag malambot na ang gabi ay isabay ang sitaw, kangkong,
sigarilyas at okra.
5. Hanguin ang inilagay na nilagang kamatis sa pinggan at ligisin o
pigain at ihulog sa sabaw ng sinigang.
6. Hanguin ang sampalok at ligisin ito sa pinaglagaang tubig at salain
bago itimpla sa sabaw ng sinigang.
7. Isama ang asin ayon sa alat at asin.

Gawain 2: SURIIN MO
Panuto: Bigyan ng panuto ang gawain na sumusunod. Kopyahin ito at sagutin
Sa iyong kuwaderno.
1. Bawat bata sa ating bayan ay may karapatan anuman ang kaniyang
antas sa lipunan, maging mayaman o mahirap man. Paano mo
hihikayatin ang mga bata na alamin ang kanilang karapatan at gamitin
ito nang wasto?

2. Ang pangkat ninyo ang Cleaners for the Day. Nagkataon naman na ang
araw na iyon ay ang araw ng kuhanan ng magulang ng report card.
Siyempre pa, makakapaglinis lamang kayo kapag nakakuha na lahat ng
magulang ng report card. Paano mo sasabihin sa mga kasama mo na
huwag silang maiinip at dapat na malinis ninyo ang inyong silid-aralan
kahit na medyo naantala ang inyong pag-uwi?

Gawain 3: ITURO MO
Panuto: Magbigay ng panuto gamit ang mapa.

Page 25 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D5

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

Sitwasyon: Mula sa inyong bahay, pupunta kayo sa simbahan. Paano mo


ito bibigyan ng panuto?

_____________________________________________
_________________________________________________
___________________.

C. Paglalahat

Isaisip Mo
Sa pagbibigay ng panuto:
 Isang paraang malinaw, simple, tiyak at madaling
maunawaan.
 Nakatutulong ang mga senyas, oras, mapa, pananda at
larawan upang maisagawa nang wasto at tama ang
isang bagay.
 Napadadali at napagagaan ang isang gawain kapag
marunong tayong sumunod sa panuto at direksiyon.

Halimbawa:
1. Sa tahanan: “Walisin ang dumi mula sa itaas
pababa, mula sa sulok papunta sa gitna. Saka mo
dakutin.”
2. Sa paaralan: “Ilagay ang kanang kamay sa
kaliwang bahagi ng dibdib habang inaawit ang
“Lupang Hinirang.”

 Maaring pabigkas o nakasulat ang panuto.


 Ginagamit din ang mga salita tulad ng: sa kanan, sa
kaliwa, sa itaas o sa ibaba sa pagbibgay ng panuto.
 Maging magalang sa pagbibigay ng panuto.

Maliwanag na ba sa iyo ang aralin? Magaling!


.
D. Paglalapat

Panuto: Magbigay ng panuto sa sumusunod na sitwasyon.

Sitwasyon:

Meron kang bagong kaklase na galing sa probinsiya. Gusto


niyang makita ang inyong paaralan. Nakatira siya sa Edang. Paano mo
ngayon ito ituturo sa kanya gamit ang mapa.

Page 26 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D5

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

E. Pagtataya

Panuto: Magbigay ng panuto sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang


sagot sa modyul.

A. 1. Naatasan ka ng iyong guro na pamunuan ang inyong klase sa


pagbibigay ng storytelling session sa mga batasa Day Care Center sa
inyong pamayanan. Paano mo bibigyan ng panuto ang iyong mga
kamag-aral?

___________________________________________________
_______________________________________________________

2. Gagawa kayo ng plot na pagtatamnan ng mga punla ng mustasa at


petsay. Handa na rin ang mga asarol, abono at sprinkler na
gagamitin sa pagtatanim. Bilang lider ng inyong klase, paano mo
bibigyan ng direksiyon o panuto ang inyong mga kamag-aral na hindi
gaanong alam ang inyong gagawin?
___________________________________________________
____________________________________________________

3. Inutusan mo ang iyong kapatid upang gumawa ng calamansi juice.


Paano mo ituturo sa kanya ang paggawa nito?

___________________________________________________
____________________________________________________.

4. Paano mo ibibigay ang panuto sa iyong mga nakababatang kapatid


na tumawid sa tawiran?

___________________________________________________
_____________________________________________________.

5. Pagpasok mo sa paaralan, may nakita kang mga marka sa daanan.


Ito ay inilagay upang mapanatili ang “social distancing” ngayong
panahon ng pandemya. Alam mo ang tungkol dito. Paano mo ito
ituturo sa mga kamag-aral na hindi ito alam?

Page 27 of 28
Module Code: Pasay F5 - Q1- W5-D5

Pangalan:_____________________________Baitang at Pangkat:__________

Pangalan ng Guro:______________________________________

_________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________.

6. Kung ikaw ang nasa tabi ng drayber, paano mo siya bibigyan ng


panuto sa ganyang sitwasyon?

_________________________________________________
____________________________________________________.

Inihanda ni:
ALMA C. BALLENAS
Apelo Cruz Elementary School

____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1.) Books: Alab Filipino, 2016. p. 50
2.) https://www.slideshare.net
3.) https://www.google.com/images
4.) books.google.com.ph/books
5.) google.com/maps/dir/Philtranco-+Pasay+Terminal

Page 28 of 28

You might also like