You are on page 1of 28

MODULES IN

GRADE 5
QUARTER 3 – WEEK 1
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing

Page 2 of 28
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!


Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito

Page 3 of 28
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!


Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-Day1

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: ____________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Ikatlong Markahan/Unang Linggo/Unang Araw

A. Layunin: Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto

B. 1. Panimula

Kumusta ka? Sana naging maayos ang buhay mo sa bagong


normal? Halika! Kuwentuhan mo naman ako sa mga karanasan mo?
Ano-ano ang naranasan o pinagkaabalahan mo ngayong
panahon ng pandemya? Maikuwento mo kaya?
Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung naranasan mo
na ang mga sumusunod at malungkot na mukha naman kung hindi.
Naranasan mo na bang:
_____ malungkot dahil hindi ka makalabas ng bahay dahil sa
pandemya?
_____ lumabas ng inyong bahay noong panahaon ng GCQ?
_____ nasabik mag-aral at pumasok sa paaralan?
_____ pagalitan ng iyong mga magulang dahil laging gadgets
ang iyong inaatupag?
_____ makitang nagsisikap ang iyong mga magulang kahit sa
panahon ng pandemya para mairaos ang inyong araw-araw na
pangangailangan?

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang karanasan. Ito ay


bahagi ng buhay na may hatid na aral. Ito ang nagtuturo sa atin upang
mahubog natin ang ating pagkatao. May karanasan na masaya,
malungkot at karanasang di malilimutan.

Page 4 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-Day1

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________

Pag-usapan Natin

Simula nang magkaroon ng pandemyang Covid-19, ang lahat ay


natakot at nagulat dahil sa mabilis na pagkalat nito. Lalo na nang ipinatupad ang
Enhanced Community Quarantine (ECQ) para mapabagal at mapigilan ang
pagkalat ng virus.
Nagkakaroon ng lock down sa iba’t ibang lugar lalo na sa Metro Manila.
Dahil sa pangyayaring ito, marahil ikaw ay natakot, nalungkot at nainip. Maaari
ring ikaw ay nagpapasalamat dahil sa gitna ng pandemyang nararanasan, ikaw
ay malusog, malakas at walang sakit.
Ang karanasan ay bahagi na ng ating buhay. Ito ay naghahatid sa atin ng
aral. Ito ang tumulong sa atin upang maging matatag tayo at maging palaban sa
buhay.
Gaya ng nabasa o napakinggang kuwento, madali ninyong naiugnay ang
iyong sarili dahil maaring naranasan ninyo ang pangyayaring ito.
Sa pakikinig ng kuwento, nakatutulong ang karanasan upang maunawaan
ang tekstong napakinggan. Madali itong naiintindihan dahil naranasan ninyo ang
parehong sitwasyon kaya naiugnay ninyo ang inyong sarili.
Kapag naiugnay ninyo ang iyong karanasan sa inyong napakinggan,
nangangahulugan itong naunawaan ninyo ang iyong napakinggan.
Sa pamamagitan din nito, nabibigyan din kayo ng pagkakataon na
maipahayag ang inyong sarili.

2. Mga Gawain

Gawain 1: Makinig Tayo

Panuto: Ipabasa ng iyong kasama sa bahay ang teksto o balita.


Pakinggan at unawain itong mabuti at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Dibisyon ng mga paaralang lungsod ng Pasay - sinisiguro na ipatutupad


ang Health Protocols ng DOH, IATF

Pinaghahandaan ng iba’t ibang paaralan ng lungsod ng Pasay City ang


pagbubukas ng klase sa Oktobre. Tinitiyak na ipapatupad ang health protocols
alinsunod sa Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF).
Pinangungunahan ni Schools Division Superintendent Dr. Loreta B.
Torrecampo ang mga kawani ng kagawaran at mga punong guro ng mga
paaralan sa Pasay upang masunod ang health standards ng DOH at IATF.
Bilang pagsunod, ipinapatupad ng bawat paaralan ang mga alintuntunin
upang masunod ng bawat isa.
Sa pamamagitan ng paglalagay ng thermal scanner sa bawat paaralan
upang makuha ang temperatura ng bawat tao na papasok dito. Paglalagay ng
mga sanitizing equipments tulad ng alcohol, sabon at foothbath.

Page 5 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-Day1

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _____________


Pangalan ng Guro: ____________________

Nagkakaroon din ng paglilinis at disinfection sa mga gamit tulad ng mga


upuan, doorknobs, switches, CR, handwashing area at iba pang mga bagay na
nahahawakan.
May mga nakapaskil ding mga karatola bilang pagpapaalala tulad ng
laging pagsuot ng face mask, face shield, paghuhugas ng kamay at
pagpapanatili ng social distancing.
Batay sa iyong karanasan, ano ang nararapat mong gawin sa mga
sumusunod na sitwasyon;

1. Binawalan pa ang bata na lumabas ngunit nagpumilit ang iyong


nakababatang kapatid na lumabas. ___________________________
_________________________________________________________
2. Niyaya ka ng iyong mga kaklase na pumunta sa kanilang tahanan
upang magkakaroon ng salo- salo. ______________________________
__________________________________________________________
3. Lumalabas ang iyong kuya na walang face mask. ________________
__________________________________________________________
4. Napapansin mo ang iyong kaibigan na pauli-ulit niyang isinusuot ang
face mask. _________________________________________________
__________________________________________________________
5. Nakita mo ang iyong kapitbahay na sa kalsada lamang itinatapon ang
sirang face shield. ___________________________________________
_____________________________________________________.

Gawain 2: Subukin Natin

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang isinasaad sa bawat bilang
ay ang ipinatupad ngayong panahon ng pandemya at ekis (X) kung hindi.

_____1. Ang lahat na bata ay manatili sa loob ng kanilang tahanan.


_____2. Manatiling sarado ang paaralan.
_____3. Ang mga minor de edad ay pinagbabawalan na pumasok sa
mga mall.
_____4. Panatilihin nakasuot ng face mask at face shield lalo na sa
mataong lugar.
_____5. Pinahihintulutan ang paglabas ng mga may edad na 20
pababa at 60 pataas (senior citizen).
_____6. Palaging maghugas ng kamay para makaiwas sa Virus.
_____7. Ang karaniwang sintomas ng may sakit na Covid-19 ay lagnat,
sipon, hirap sa paghinga at pananakit ng katawan.
_____8. Ang Covid-19 ay hindi nakahahawa.
_____9. Maaaring lumabas sa bahay ng walang face mask/shield.
_____10. Social distancing ay isang paraan para makaiwas sa virus.

Page 6 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-Day1

Pangalan: _________________________ Baitang at Pangkat: ________


Pangalan ng Guro: ____________________

Gawain 3: Pag-alabin Natin


Panuto: Ipabasa sa inyong kasama sa bahay ang isang kuwento.
Sagutin ninyo ang mga tanong tungkol dito.

Ang Prinsesa sa Ilalim ng Tulay


Isinulat ni R. Peras

Si Princess ay isang mag-aaral mula sa ikalimang baitang ng


Elementaryang Sulong Juan. Siya ay katulad rin ninyo, may pangarap sa buhay.
Kahit sa kinakaharap nating pandemya, desididong parin si Princess na
ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Ang kanyang pamilya ay nakatira sa isang syudad na may magaganda at
matataas na gusali. Ngunit naiiba ang kanilang tahanan dahil sa kahirapan sa
buhay, nakatira lamang sila sa ilalim ng tulay.
Ang nanay niyang may sakit na si aleng Maria ang nag-aalaga sa kanilang
magkakapatid habang naglalabandera. Samantalang nangangalakal lamang ng
plastic at bote ang tatay niyang si mang Jose.
Nang magsimula ang kumakat na pandemyang Covid-19, naging suliranin
na ng pamilya ang kawalan ng trabaho at pagkakikitaan lalo nang ipinatutupad
ang Community Quarantine.
Nang malaman na magkakaroon ng pagbabago sa paraan ng pagkatuto,
bagamat kapos at walang wala sa buhay buo parin ang loob ni Princess na
ipagpatuloy parin ang kanyang pag-aaral .
“Gusto kong maging isang doctor upang makatulong ako sa mga may
sakit, lalong-lalo sa nanay ko at makakaahon kami sa kahirapan”, ang wika ni
Princess.
Lalong nagpapahirap kay Princess at sa pamilya dahil walang internet
connection at gadgets na gagamitin sa kanyang pag-aaral. Peru ipinangako
naman ng kayang mga magulang na gagabayan siya dahil naniniwala silang
hindi hadlang ang krisis na ito upang matigil ang minimithing pangarap ng
kanilang anak.
Nananalig si Princess na balang araw ay matutupad niya ang kanyang
pangarap sa tulong ng kanyang pamilya at gabay ng Panginoon.
Sagutin ang mga tanong:

1. Sino ang bida sa napakinggang kuwento?


_____________________________________________________
_____________________________________________________
2. Ano-ano ang pangalan ng kanyang mga magulang?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
3. Ano ang gustong maging paglaki ni Princess?
_____________________________________________________

Page 7 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-Day1
Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _____________
Pangalan ng Guro: ____________________

4. Bukod sa krisis na nararanasan, ano pa ang suliranin ng pamilya


ni Princess nang siya’y mag-aaral na? ___________________________
__________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, matatagumpayan kaya niya ang mga pagsubok
na naraarnasan niya ngayon? Bakit?
__________________________________________________________
_________________________________________________________.

C. PAGTATAYA

Panuto: Sa kuwento ni Princess, ano-ano ang naranasan niya na


naranasan din ninyo? Sumulat ng limang (5) karanasan niya at iugnay
sa inyong sariling karanasan. Isulat ang iyong sagot sa dialog box.

jKaranasan ni Princess jKaranasan Ko

1.
2. 1.
3. 2.
4. 3.
5. 4.
5.

Inihanda ni:

RONNIE A. PERAS
Juan Sumulong Elementary School

_________________________________________________________________________________________
Pinagkuhanang Impormasyon at Mga Larawan:
1.) Books: Alab Filipino 5, 2016 pp. 120-125.
2.) https://www.google.com/search?q=filipino+naiuugnay+ang+sariling+karanasan+sa+napakinggang+teksto&tbm=isch&hl=en-
US&rlz=1C1CHBF_enPH915PH915&sa=X&ved=2ahUKEwiJv_2fzdDuAhVSRt4KHR31BfsQrNwCKAJ6BQgBEL4B&biw=1263&bih=553
3.) This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY
4.) https://www.youtube.com/watch?reload=9&v=Iwco-ULYuzQ

Page 8 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-Day2

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: ____________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Ikatlong Markahan / Unang Linggo / Ikalawang Araw

A. Layunin: Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos o ginawi nito

B. 1. Panimula

Isang magandang araw sa iyo! Kumusta ka? May bago na


naman tayong pag-aaralan sa modyul na ito. Upang lubos mo itong
maunawaan, ihanda at buksan mo ang iyong isipan at sabay nating
gawin ang iba’t ibang pagsasanay dito.
Pag-aaralan natin ngayon kung paano inilalarawan ang
katangian ng tauhan batay sa kanyang ikinilos o ginawi na isinasaad
sa kuwento o teksto.
Ang paglalarawan ng katangian ng isang tauhan ay maaaring
mahinuha sa pamamagitan ng pag-unawa kung ano ang kaniyang
ikinikilos, paano ito nagsasalita at kung paano nagpapakita ng
kanyang reaksyon sa mga sitwasyon sa kuwento o teksto.

Pag-aralan Natin

Naranasan mo na bang magpasalamat? Kayo ba ay


nagpapasalamat kung may biyaya kayong natatanggap? Paano mo ipinakita
ang iyong pasasalamat?

Basahin ang talataan at kilalanin ang mga tauhan.

Sa daigdig na ito ay marami tayong dapat pasalamatan. Sa klase ni


Bb. Luna ay iginuhit ng mga mag-aaral ang nais nilang pasalamatan. May
gumuhit ng dyip, kotse, aso, bahay, telebisyon, bentilador at larawan ng mga
magulang at kapatid.

Page 9 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-Day2
Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________
Pangalan ng Guro: ____________________

Samantala, kaiba nga ang iginuhit ng batang si JV. Iyon ang Kamay.
Nang tanungin ng mga kaeskwela, kung bakit niya pinasalamatan ang kamay,
ay hindi agad nakakibo si JV. Kaya nag-isip ang kanyang mga kamag-aral.
Nang magrises, naglabasan ang mga bata mula sa kuwarto upang
magsipagmeryenda sa kantina. Naiwang nag-iisa ang batang si JV. Nilapitan
iyon ng titser at kinausap.
“JV, bakit ka nagdrowing ng kamay? Kanino ba iyon?” “Iyon po ang
kamay ninyo, Ma’am, na lagi pong tumutulong sa akin.”
Biglang-bigla, tumulo ang luha ng titser na si Bb. Luna. Kasi ang
batang si JV ay lumpo pati kanang kamay ay may diperensya. Lahat halos ng
galaw nito ay inaaalayan ni Bb. Luna.
Pati ang pansulat na kanang kamay ni JV na may diperensya,
inaalalayan iyon ni Bb. Luna, hanggang ang bata ay natutong sumulat.
“Ma’am, salamat po sa inyong kamay! Nakangiting sabi ng batang si JV.

Pag-usapan Natin

1. Ano-anong mga damdamin ang ipinakita ni JV sa kuwentong ito?


2. Sa kuwento bang ito ay ipinakita na mahalaga ang kapwa tao?
Ipaliwanag.

Sa iyong binasang kuwento, anong kaugalian o katangian ang ipinakita ng


mga tauhan.

Halimbawa:

1. “Iyon po ang kamay ninyo, Ma’am, na lagi pong tumutulong sa akin.” Sa


sinabi ni JV, anong katangian ang kanyang ipinakita? Siya ay isang batang
marunong magpasalamat sa kanyang guro.

2. Lahat halos ng galaw ni JV ay inaalalayan ni Bb. Luna. Sa ginawa ni Bb.


Luna, anong katangian ang kanyang ipinakita? Si Bb. Luna ay mabait na guro,
matiisin at maalalahanin.

• Isang mabisang batayan ng paglalarawan ng tauhan ang ipinapakita


nitong kilos at pananalita. Sa kuwento ng mga tauhan na ating binasa ay
nailalarawan natin ang katangian batay sa kanilang kilos at pananalita na
siyang ipinakikita sa kuwento.

Umpisahan ang mga pagsasanay upang lubos mo pa itong maunawaan.

Page 10 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-Day2
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________________
Pangalan ng Guro: ________________

2. Mga Gawain
Gawain 1: Subukin Mo
Panuto: Basahin ang mga sitwasyong nasa ibaba. Ilarawan ang katangian
ng mga tauhan dito. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Nasagi ni Rona ang plorera sa balkunahe. Agad niya itong sinabi sa
nanay niya. Si Rona ay isang batang __________.
A. masipag B. matulungin C. matapat
2. Nakita ni Albert ang nanay niya na maraming dalang binili galing sa
palengke. Nilapitan niya ito at binitbit papasok sa kanilang bahay.
A. masipag B. matulungin C. matapat
3.Binigyan ni CJ si JM ng laruan dahil napansin niyang nasira ang laruan
nito. Si CJ ay isang ________ na bata.
A. marunong B. mapagbigay C. masinop
4. Si Rose ay di-gaanong maganda na gaya ni Anna. Pinagtatawanan ni
Anna si Rose sa harap ng ibang tao sabay sabi na pangit si Rose at siya
ang pinakamaganda.
A. mayabang B. sinungaling C. kulang sa pansin
5. Gustong-gusto ni Danny na makipaglaro kay Mark. Tinawag niya ito
upang sumama sa bukid. Hindi pumayag si Mark dahil bilin ng kanyang
tatay na bantayan ang kanilang mga alagang hayop. Si Mark ay isang
batang ___________.
A. magalang B. matalino C. masunurin

Gawain 2: Pag-alabin Mo
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang kuwento. Kilalanin ang
mga tauhan at ilarawan ang ugali nito batay sa ikinilos o ginawi sa
kuwento.
Pagbabago
Isinulat ni: R. Peras

Isang umaga sa tahanan ng pamilya Dela Cruz, ”Inday halika nga rito!
Bilisan mo, huwag kang pabagal-bagal ang hina mong kumilos,” galit at
pabulyaw ni Yurika kay Juna."Maglampaso ka nga rito, at dalhin mo itong mga
damit ko doon sa nanay mo para malabhan. ”Opo, Yurika,” ang pakumbabang
sagot ni Juna.
Si Juna ay anak ni Aleng Juana na isang single parent na katulong ng
pamilya Dela Cruz sa loob ng mahabang panahon.
Kaedad ni Juna si Yurika pero hindi sila makakasundo dahil sa hindi
mabuting pag-uugali ni Yurika. Isang batang mapagmataas at mapang-alipusta.
Samantalang mabait, mapagkumbaba at masunuring bata naman si Juna.
Palibhasa nag-iisang anak ng mayayamang mag-asawang Julio at Vina
Dela Cruz kaya’t nasusunod ang lahat ng gugustuhin niya.

Page 11 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-Day2
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________
Pangalan ng Guro: ________________
Si Gng. Vina ay isang negosyante, namamahala siya ng kanyang sariling
online store. Madasalin, mapagbigay, at miyembro siya ng mga kababaihang
sumusuporta sa mga gawaing pansimbahan ng kanilang lugar. Sumasama din
sa isang organisasyong nagbibigyay ng donasyon sa mga nawalan ng trabaho
dahil sa pandemya.
Ang ama naman ni Yurika ay isang doktor. May-ari siya ng isang malaking
klinika sa kanilang lugar. Kilala rin ito na mababa kung sumingil at kadalasan
ay ililibre niya ang ibang mga pasyente lalo na ang mahihirap.
Takang-taka ang mga nakakilala sa kanila kung bakit iba ang ugali ni
Yurika.
Isang araw, lumapit si Gng. Vina kay Yurika. Pinagsabihan sang anak na
kailangan niyang magbago at matutong maging mabuti at mapagkumbaba.
Dahil kung di siya magbabago ay hindi siya kasisiyahan at walang gugusto na
siya ay maging kaibigan.
Pinag-isipan nang mabuti ni Yurika ang pangaral ng nanay.
Araw ng sabado, kaarawan ni Gng, Vina, lumapit si Yurika na may dalang
cake at umaawit ng maligayang kaarawan. Niyakap ang ina at napahagulhol
habang humingi ng patawad sa kanyang hindi magandang pag-uugali.
Humingi rin siya ng tawad kay Juna sa kanyang hindi magandang
pagtrato. Agad naman itong pinatawad ni Juna. At naging matalik na silang
magkaibigan at kalaro.
Simula noon, si Yurika ay naging mabait at mabuting bata na.
Sagutin ang mga tanong:

1. Sino-sino ang dalawang batang bida sa kuwento? ____________________


______________________________________________________________.
2. Ano-ano ang pagkakaiba ni Yurika at Juna? _________________________
______________________________________________________________.
3. Sino-sino ang mga magulang ni Yurika? ____________________________
______________________________________________________________.
4. Bakit kaya ganoon na lamang ang pag-uugali ni Yurika? _______________
______________________________________________________________.
5. Paano nagbago si Yurika? _______________________________________
______________________________________________________________.
Gawain 3: Pagyamanin Natin:
Panuto: Balikan ang kuwentong “Pagbabago” Kilalanin ang tauhan at mga
pangyayari. Punan ng katangian upang mailarawan ang tauhan sa kuwento.
Pangyayari /ikinilos Katangian/ Paglalarawan
Binulyawan ni Yurika si Juna. Si Yurika ay__________________.
Sinusunod parin si Juna na may kusa ang utos ni Yurika. Si Juna ay___________________.
Palaging kasama sa gawaing simbahan si Gng. Vina. Si Gng. Vina ay_______________.
Mababa kung sumingil ng bayad sa panggagamot si Dr. Si Dr. Julio __________________.
Julio
Kinausap ng mahinahon ni Gng. Vina si Yurika upang Si Gng. Vina ay ______________.
baguhin nito ang kanyang hindi magandang pag-uugali.
Humingi ng tawad si Yurika kay Juna at agad naman itong Si Juna ay___________________.
pinatawad ni Juna.

Page 12 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-Day2
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________
Pangalan ng Guro: ________________

Tandaan:
 Ang pagkakaroon ng mga tamang kilos o gawi ay naglalarawan ng
magagandang katangian ng mga tauhan sa kuwentong binasa.
 Gayondin ang masamang gawi ay nagbibigay aral upang ito ay
maitama at maituwid para sa ikabubuti ng mga tauhan sa kuwento.

C. PAGTATAYA

Panuto: Sumulat ng sariling kuwento ng iyong pamilya. Ilarawan ang


katangian ng miyembro ng pamilya at ang kanilang ugali. (10 puntos)

__________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________________________.
__________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________________________.

Rubrik sa Pagsulat ng Sariling Kuwento

Kabuuang Marka: __________

Inihanda ni:
RONNIE A. PERAS
Juan Sumulong Elementary School
___________________________________________________________________________________
Pinagkuhanang Impormasyon at Mga Larawan:
1.) Books: Alab Filipino 5, 2016 pp. 120-123.
2.) Hiyas sa Pagbasa 5.1999.p. 27* pah. 134-137
3.) https://www.slideshare.net/alicetejero9/filipino-6-dlp-21-mga-katangian-ng-tauhan

Page 13 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-Day3
Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________
Pangalan ng Guro: ____________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Ikatlong Markahan / Unang Linggo /Ikatlong Araw

A. Layunin: Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos

B. Panimula

Ang Modyul na ito ay sadyang nakalaan para sayo. Mahalagang pag


aralan mo ito dahil makatutulong ito sa iyo sa pag aaral ng pang-abay.
Nakapaloob dito ang mga salitang ginagamit sa paglalarawan ng kilos. May mga
pagsasanay kang sasagutin upang masukat mo ang iyong kaalamang nalinang
sa modyul na ito.
Ang pang-abay o adverb sa Ingles ay salitang naglalarawan ng kilos o
galaw. Ito ay nagsasaad kung saan, kung paano, at kung kailan ginawa ang
isang kilos o galaw.

Magbalik-aral Tayo
Napag-aralan mo ang mga salitang kilos o pandiwa, pang-abay na
This Photo
by panlunan at pamanahon.
Unknown Tingnan natin kung gaano ang iyong natutuhan. Gawin mo ang
Author is
sumusunod na pagsasanay.
licensed
under Pagsasanay
CC A.
BY Panuto:Piliin ang mga pandiwa o salitang kilos sa sumusunod na
pangungusap. Isulat ang sagot sa isang papel.
Halimbawa:
Nagpasyal kami sa Luneta noong Linggo.
Sagot: Nagpasyal
Pagsasanay B
Panuto:Piliin ang mga pang-abay sa bawat pangungusap.
Sa tapat ng bawat pang-abay isulat kung lito ay Pamanahon o Panlunan. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
Halimbawa:
Ang Pangulo ng Pilipinas ay nag-alay ng bulaklak sa bantayog ni Jose
Rizal kahapon.
Sagot: sa bantayog - panlunan
kahapon - pamanahon

Page 14 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-Day3
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________________
Pangalan ng Guro: ________________

Mag-aral Tayo
Basahin mo ito.
Tahimik na nagbabasa sa sala ang mag-asawang G. at Gng.
Reyes. May marahang kumatok. Mabilis na tumayo si G. Reyes at
masayang binuksan ang pinto.

"Kayo pala, Gng. Magno! Tuloy po kayo. "Salamat PO," at malugod


na pumasok si Gng. Magno.

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano ang ginagawa ng mag-asawa?
2. Ano ang narinig nila?
3. Ano angginawa ni G. Reyes?
4. Sino ang dumating?
5. Ano ang ginawa ni Gng. Magno?

Tulad ba nito ang sagot mo?

1. tahimik na nagbabasa
2. marahang katok
3. mabilis na tumayo
4. Gng. Magno
5. malugod na pumasok
Sige magpatuloy ka.
Suriin natin ang mga pariralang ito.
tahimik na nagbabasa
kumatok nang marahan
mabilis na tumayo
masayang binuksan
malugod na pumasok
Ano ang tawag natin sa mga salitang may salungguhit? Pandiwa hindi ba?

Anong mga salita ang naglalarawan o tumuturing sa pandiwa?


tahimik na nagbabasa
marahang kumatok
mabilis na tumayo
masayang binuksan
malugod na pumasok
Page 15 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-Day3
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________________
Pangalan ng Guro: ________________

Sinasabi ng mga salitang ito ang paraan ng pagkagawa ng kilos.


Sumasagot ito sa tanong na paano ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos.
Pang-abay na pamaraan ang tawag dito.

Basahin ang sumusunod na pangungusap.

Pansinin ang kinalalagyan ng salitang nagsasabi kung paano ginawa ang


kilos.

1. Masayang nagsalita si Lita.


2.Malakas na isinara ni Nina ang Pinto.
3. Maingat na iniaayos ni Mario ang kanyang mga aklat sa bag.
4. Marahang lumakad ang bata papunta sa ina.
Mapapansin na ang mga salitang nagsasabi kung paano ay makikita sa
unahan ng mga salitang-kilos o pandiwa.
Pansinin naman ito:
1. Nagsalita nang masaya si Lita.
2. Isinara ni Lita nang malakas ang pinto.
3. Lumakad nang marahan ang bata papunta sa ina.
Pansinin ang mga pandiwa o salitang kilos sa pangungusap.
Nasa unahan ito, hindi ba?
Pansinin din ang mga salitang nagsasabi kung paano ginawa ang kilos.
Pag-aralan mo ang mga larawan. Basahin ang pangungusap na kasama
nito.

Papilay-pilay na
lumakad si Alex.

Dahan-dahang pumasok si Anna


upang hindi magising ang ina.

Mapapansin na ang mga salitang nagsasabi kung paano ay maaaring ilagay sa


unahan ng salitang-kilos o pandiwa.

Maaari ring mauna ang salitang-kilos o pandiwa kaysa salitang nagsasabi


kung paano.
1. Lumalakad nang papilay-pilay si Alex.
2. Pumasok nang dahan-dahan si Anna upang hindi magising ang Ina.

Page 16 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-Day3
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________________
Pangalan ng Guro: ________________

papilay-pilay na lumakad lumakad nang papilay-pilay


dahan-dahang pumasok pumasok nang dahan-dahan
Mapapansin na kapag ang pandiwa o salitang kilos ang nauuna, idinadagdag
natin ang nang.
nang papilay-pilay
nang dahan-dahan

Subukin Mo

Panuto: Piliin sa mga pangungusap ang mga pang-abay na pamaraan o


mga salitang nagsasabi kung paano.

Halimbawa:
Umakyat sa tanghalan si Nestor nang patakbo.
Sagot: nang patakbo

Magsimula Rito:
1. Malapit na ang pista ng patron sa Barangay San Antonio kaya tulong-tulong
na naglinis ng paligid ang mga tao.
Sagot: ________________________________________________________
2. Nagkakatuwaan namang nagkakabit ng mga banderitas ang mga
kabataan.
Sagot: ________________________________________________________
3. Pagsapit ng pista ang matatandäng babae ay buong taimtim na
nagdarasal.
Sagot: ______________________________________________________
4. Sama-samang nagsisimba ang bawat mag-anak.
Sagot: ______________________________________________________
5. Ang mga nanay ay buong sipag na naghahanda ng masasarap na
pagkain.
Sagot: ______________________________________________________

Pag-alabin Mo
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga pang-abay na pamaraan batay
sa iba’t ibang gawain. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
1. mag-ingat – pagtawid sa daan
________________________________________________________________
2. kaagad – paggising s aumaga
________________________________________________________________
3. kusa – pagsama sa alay-lakad
________________________________________________________________
4. mabilis – pagbabasketbol
________________________________________________________________
5. dahan-dahan – pag-upo sa silya
________________________________________________________________

Page 17 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-Day3
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________
Pangalan ng Guro: ________________

ñ
Tandaan:
Ang pang-abay o adverb sa Ingles ay bahagi ng pananalitang
naglalarawan ng kilos o galaw. Ito ay nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o
kapwa pang-abay. Ito ay nagsasaad kung saan, kung paano, at kung kailan
ginawa ang isang kilos o galaw. Ang mga salitang naglalarawan kung paano
ginagawa o ginäwa ang kilos ay mga pang-abay na pamaraan. Mga salita itong
nagsasabi kung paano.

C. PAGTATAYA

Panuto:Pag-aralan ang larawan. Sa tulong ng salita at ng larawan, gumawa


ng pangungusap gamit ang pang-abay upang ilarawan ang kilos.
Halimbawa:

ubod-lakas Sagot: Umiiyak nang ubod-lakas ang sanggol.

Magsimula Rito:

1. matulin 2. Maingat
__________________ ________________
__________________ ________________
__________________ ________________

4. mabagal
___________________
___________________
3. buong-husay ___________________
________________
________________
________________
5. mabilis
___________________
___________________
___________________

Inihanda ni:
RONNIE A. PERAS
Juan Sumulong Elementary School
___________________________________________________________________________________
Pinagkuhanang Impormasyon at Mga Larawan:
1.) Books: Alab Filipino 5, 2016 pp. 121-123.
2.) https://lrmds.deped.gov.ph/detail/7894
3.) This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY
4.) BFSW-Wika pahina 181

Page 18 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-D4

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: ____________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Ikatlong Markahan / Unang Linggo / Ikaapat na Araw

A. Layunin : Nakasusulat ng simpleng patalastas

B. 1. Panimula

Ang patalastas ay tumutukoy sa isang paraan ng pag-aanunsiyo ng produkto,


serbisyo, pangyayari, gawain, at pagtitipon sa pamamagitan ng iba’t-ibang plataporma
o anyong komunikasyong pangmasa o pangmadla.

Mga layunin ng patalastas:

1. manghikayat
2. magbalita
3. mang-aliw
4. magbigay ng impormasyon

Mga dapat tandan sa pagsulat ng simpleng patalastas:

1. Malinaw ang mensaheng nais na ipabatid.


2. Maikli lamang ang mensahe sa bawat patalastas.
3. Gumagamit ng mga simpleng pananalita.
4. Sapat at wasto ang mga detalyeng nais ibahagi.
5. Maaaring maglagay ng mga maiikling parirala o pahayag na maaaring
magsilbing bukambibig ng mga mambabasa.

Page 19 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-D4

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________

Ang pinakamahalagang dapat tandaan sa pagsulat ng patalastas ay ang


kasapatan at kawastuhan ng mga detalyeng kinakailangang ilagay.Maaaring
maging gabay rito ang mga sagot sa katanungang ano,sino, kailan, saan, at paano.

Ang mga patalastas ay maaaring nakalimbag na lumalaganap sa anyo


ng poster at mga pahayagan. Sa pag-angat ng teknolohiya, ang mga patalastas ay maaari
na ring malaman sa radyo, telebisyon, at internet.

Mahalagang pag-aralan at unawaing mabuti ang mga patalastas na ating


nababasa, napapanood o napapakinggan sapagkat ang mga ito ay maaaring magdulot ng
impluwensiya sa paraan ng ating pag-iisip at pagkilos sa ating kapaligiran.

Basahin at Unawain ang halimbawa ng patalastas:

PATALASTAS

IPINAGBIBIGAY ALAM SA PUBLIKO na simula


MARSO 01, 2021 sa ganap na ika 8:00 ng umaga ay sisimulan
ang ating pambukas na program na gaganapin sa Brgy.
Maulad Covered Court bilang pakikiisa sa FIRE
PREVENTION MONTH.
Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa ating mga gawain.

“MATUTO KA, SUNOG IWASAN NA.”

Ang mga pahayag sa loob ng kahon ay isang halimbawa ng patalastas na


nagbibigay ng impormasyon sa publiko tungkol sa gagawing programang
pangkomunidad na nanghihikayat ng pakikiisa. Pansinin na ang patalastas ay sumasagot
sa tanong na ano, sino, kailan at saan.

Page 20 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q2-W1-D4

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________

2. Mga Gawain:

Gawain 1: SURIIN MO:

Panuto: Basahin at suriin ang mga pahayag sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang letrang
T kung tama pahayag at M naman kung ito ay mali.

___1. Sa pagsulat ng patalastas, kailangang wasto ang mga detalyeng nais ibahagi.

___2. Ang patalastas ay sa telebisyon lamang napapanood.

___3. Ang patalastas ay nagbibigay sa atin ng mahahalagang impormasyon.

___4. Hindi kailangang sundin ang mga patalastas na nakapaskil sa inyong pamayanan.

___5. Isa sa mga layunin ng patalastas ay ang paghikayat na bilhin ang isang produkto.

___6. Dapat mahaba ang isang patalastas.

___7. Ang patalastas ay maaaring nakalimbag katulad ng poster o ads.

___8. Suriing mabuti ang mga nababasa, napapakinggan o napapanood na patalastas.

___9. Gumamit ng mga simpleng pananalita sa pagsulat ng patalastas.

___10. Ang patalastas ay isang paraan ng pag-aanunsiyo.

Gawain 2: ALAMIN NATIN


Panuto: Basahin ang sumusunod na patalastas. Sagutan ang mga tanong sa bawat bilang.

PATALASTAS

Sa mga residente ng BARANGAY 146 ZONE 2 na


naka-iskedyul tumanggap ng HYGIENE at
EMERGENCY KITS, mangyari pong ihanda ang
inyong stub at ID at pumunta sa ating Barangay
Hall sa Marso 10, 2021 sa ganap na 8:00 ng
umaga.
Magsuot ng face mask at face shield.

Maraming Salamat po!

Mga Tanong: (2 puntos bawat bilang)


1. Tungkol saan ang patalastas?__________________________________
2. Sino ang mga hinihikayat sa nasabing patalastas?__________________
3. Saan gaganapin ang nasabing gawain?__________________________
4. Kailan gaganapin ang nasabing gawain?_________________________
5. Ano-ano ang mga kailangang dalhin ng mga residente?______________

Page 21 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-D4
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________
Pangalan ng Guro: ________________

Gawain 3: PAGSIKAPAN NATIN


Panuto: Sumulat ng maikling patalastas sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa loob
ng kahon.

1. Si Ginoong Sanchez ay isang bumbero sa Barangay Masigasig. Nais niyang magpaskil


ng maiksing patalastas tungkol sa gagawing pagsasanay sa wastong paggamit ng Fire
Extinguisher. Nais niyang hikayatin ang mga residenteng edad 18-40 taong gulang.
Ano- ano ang mga impormasyong isusulat niya sa patalastas na kanyang ipapaskil?
( 10 Puntos )

PATALASTAS

PAGLALAHAT:

Ang patalastas ay tumutukoy sa isang paraan ng pag-aanunsiyo ng produkto,


serbisyo, pangyayari, gawain, at pagtitipon sa pamamagitan ng iba’t-ibang
plataporma o anyong komunikasyong pangmasa o pangmadla.

Ang mga patalastas ay maaaring nakalimbag na lumalaganap sa anyo


ng poster at mga pahayagan. Sa pag-angat ng teknolohiya, ang mga patalastas ay
maaari na ring malaman sa radyo, telebisyon, at internet.

Mga dapat tandan sa pagsulat ng simpleng patalastas:

1. Malinaw ang mensaheng nais na ipabatid.


2. Maikli lamang ang mensahe sa bawat patalastas.
3. Gumagamit ng mga simpleng pananalita at watong bantas.
4. Sapat at wasto ang mga detalyeng nais ibahagi.
5. Maaaring maglagay ng mga maiikling parirala o pahayag na maaaring
magsilbing bukambibig ng mga mambabasa.

Page 22 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-D4
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________
Pangalan ng Guro: ________________

PAGTATAYA:

Panuto: Sumulat ng maikling patalastas tungkol sa isang paksa sa loob ng


kahon.

Si Melodie ang pangulo ng Batang Emergency Response Team ng kanilang


paaralan. Nais niyang hikayatin ang kapwa niya mag-aaral na makiisa sa gagawing
Fire Drill sa kanilang paaralan ( kung Face to Face na) o via Google Meet

RUBRIK SA PAGSULAT NG PATALASTAS


5 4 3 2 1
ANYO
 pagsunod sa uri at anyong hinihingi o ipinasusulat
BALARILA
 wastong gamit ng wika/salita
 baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap
NILALAMAN
 lawak at lalim ng pagtalakay sa paksa

5 – Pinakamahusay 2 - Mapaghuhusay pa
4 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na
3 – Katanggap-tanggap pagsasanay

Inihanda ni:
Renerio T. Torniado
Gotamco Elementary School

____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1.) scribd.com
2.) Slidehare.com
3.) Philnews.ph

Page 23 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-D5

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: ____________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Ikatlong Markahan / Unang Linggo / Ikalimang Araw

A. Layunin : Napagsunod-sunod ang mga pangyayari


sa tekstong napakinggan (kronolohikal na pagsusunod-sunod)

B. 1. Panimula

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tekstong napakinggan ay


isang paraan ng pagbubuod, kung saan mahalaga ang kasanayan sa pagkuha ng
mga pangunahing kaisipan ng bawat talata o pangungusap sa teksto.
Lubos sa nakatutulong ito upang makuha rin ang mahahalagang detalye at
impormasyon sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.

Kronolohikal na Pagkakasunod-sunod

Sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod, ang paksa ay ang tao o kung


anong bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol tulad
ng edad, taon, distansiya, tindi, halaga, lokasyon, posisyon, bilang, dami at iba
pang impormasyon at mahalagang pangyayari ayon sa petsa gaya ng tiyak na
araw at taon .

Kahalagahan ng Tamang Pagkakasunod ng mga Pangyayari

Mahalaga ang tamang pagkakasunod ng mga pangyayari dahil sa mga


sumusunod na dahilan:
1. Upang mailahad nang maayos ang kuwento o teksto.
Importante na tama ang pagkakasunod ng mga pangyayari nang sa gayon ay
maayos ang magiging takbo ng kuwento. Napakaimportante sa isang kuwento
ang simula, gitnang bahagi at wakas nito.

Page 24 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-D5

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: _______________


Pangalan ng Guro: ____________________

2. Upang maintindihan ang mensahe ng kuwento.


Kung magiging magulo ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari ay mahihirapan
ang tagapakinig o mambabasa na intindihin kung ano talaga ang mensahe na nais
ipahiwatig ng kuwento o teksto.

3. Upang mapukaw ang interes ng tagapakinig o mambabasa.


Ang tamang pagkakasunod ng pangyayari sa pagsasalaysay ay pumupukaw rin ng
interes ng tagapakinig o mambabasa dahil naaaliw sila sa bawat pangyayari. Nabubuo
ang magandang ugnayan ng tagapakinig o mambabasa sa kuwento. Nagkakaroon sila
ng pagnanais na malaman ang kahihinatnan ng kuwento.

Page 25 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-D5

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________

2. Mga Gawain

Gawain 1: ALAMIN MO
Panuto: Basahin ang sumusunod na talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Ang ating daigdig ay binubuo ng mga kontinente. Kontinente ang tawag sa


malalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Binubuo ang daigdig ng pitong kontinente.
Ang pinakamalaking kontinente ay ang Asya. Dito napabibilang ang ating bansa. Ang
sumunod na pinakamalaki ay ang Africa. Sa Africa matatagpuan ang
pinakamaraming bansa kung ihahambing sa iba pang mga kontinente. Ang Hilagang
Amerika at Timog Amerika ang sumunod sa listahan ng mga malalawak na
kontinente. Sinusundan naman ito ng Antarktika. Ang Europa naman ang ikalawa sa
pinakamaliit na kontinente at ang pinakamaliit ay ang Australia.

Mga Tanong:

1. Ano ang tawag sa mga malalaking dibisyon ng lupain sa daigdig?____________

2. Ilang kontinente ang bumubuo sa ating daigdig?_______________

3. Ano ang angkop na pamagat sa tekstong binasa?______________

4. Saang kontinente matatagpuan ang bansang Pilipinas?_____________

5. Ano-ano ang mga kontinenteng bumubuo sa ating daigdig? Itala ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit.

1. 5.
2. 6.
3. 7.
4.

Gawain 2: TUKLASIN MO
Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba at punan ng wastong datos bawat bilang.

Paghahanda sa Bagyo

Ang ating bansa ay madalas dalawin ng bagyo. May mga bagyong mahihina
lamang subalit mayroon ding mga mapaminsala kaya mahalaga na handa tayo
kapag may bagyong paparating.
Unang-una, sundan sa radyo o telebisyon ang mahahalagang balitang tungkol
sa panahon. Pangalawa, ay mag-imbak ng pagkain sa bahay at mga emergency
kits. Pinakamahalaga sa lahat ay manatiling mahinahon sa lahat ng sandali
upang makaiwas sa dagdag na sakuna. Panghuli, kailangang makinig sa mga
balita tungkol sa pagbabago ng panahon.

Page 26 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q2-W1-D5

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________________


Pangalan ng Guro: ________________

Mga Tanong:

1. Anong mga katangian ang dapat nating taglayin kapag may mga kalamidad katulad
ng bagyo?___________________________________________

2. Sa paghahanda sa pagdating ng bagyo, anu-ano ang mga dapat gawin?

Una:________________________________________________
Pangalawa:___________________________________________
Pangatlo:_____________________________________________
Pang-apat:____________________________________________

Gawain 3: TUKLASIN MO:


Panuto: Lagyan ng bilang 1-5 ang bawat patlang ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa pinakaumpisa/ pinakauna
hanggang sa pinakahuli .

Ebolusyon ng Wikang Pambansa

______ Hunyo 4, 1946 --Ang Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang


wikang opisyal

______ Disyembre 30, 1937 – Iprinoklama ang wikang Tagalog na magiging


batayan ng Wikang Pambansa

______1940 -- Ipinag-utos ang pagtuturo ng wikang Pambansa sa ikaapat na taon


Sa pampubliko at pribadong paaralan

______1959 – Ang Wikang Pambansa ay tatawaging Filipino upang maiwasan ang


Mahabang katawagang “ Wikang Pambansang Filipino” o “Wikang
Pambansa Batay sa Tagalog”

_____1987 -- Filipino na ang ngalan ng wikang Pambansa, alinsunod sa


Konstitusyon na nagtatadhanang” ang Wikang Pambabnsa ng Pilipinas
ay Filipino.

PAGLALAHAT:
Kronolohikal na Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari

Sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod, ang paksa ay ang tao o kung anong


bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol tulad ng edad,
taon, distansiya, tindi, halaga, lokasyon, posisyon, bilang, dami at iba pang
impormasyon at mahalagang pangyayari ayon sa petsa gaya ng tiyak na araw at taon.

Page 27 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q3-W1-D5
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: ____________
Pangalan ng Guro: ________________

PAGTATAYA

Panuto: Sa loob ng kahon isulat ang mahahalagang pangyayari sa


inyong pamilya nitong mga nagdaang buwan ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod. Maaring maglagay ng petsa at lokasyon upang
mailahad ang kronolohikong pagkakasunod-sunod ng mahahalagang
pangyayari .

Inihanda ni:
Renerio T. Torniado
Gotamco Elementary School

____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1.) scribd.com
2.) Slidehare.com

Page 28 of 28

You might also like