You are on page 1of 23

MODULES IN

GRADE 8
QUARTER 3 – WEEK 2

Page 1 of 23
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain

Page 2 of 23
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!

Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

Page 3 of 23
NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!

Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Module Code: Pasay F8-Q3-W2-D1
Pangalan: ____________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: _____________________________Baitang at Pangkat:__________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikatlong Markahan/ Ikalawang Linggo/ Unang Araw

LAYUNIN: Naiuulat nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa

pananaliksik. (F8PS-IIIa –c-30)

Paksa: Paglikom ng datos sa pananaliksik.

Pamantayang itinakda

A: PANIMULA
Ang pananaliksik ay isang mapanuri at makaagham na imbestigasyon o
pagsisiyasat ng isang bagay,paksa, o kaalaman sa pamamagitan ng pangangalap,
pagpapakahulugan, pagbubuo, at pag-uulat ng mga ideya ng obhetibo,matapat, at may
kalinawan.
Hakbang sa Paglikom ng Datos sa Pananaliksik

1. Pagpili ng paksa: Sa pagpili ng paksang isusulat, unang bagay na dapat mong

isaalang-alang ay kung ito ba ay kawili-wili o naaayon sa iyong interes. Ikalawa,
kailangang masiguro kung kakayanin mong gawin ang pananaliksik, at huli ay pagpili
sa paksang may sapat na malilikom na datos.

2. Paglilimita ng Paksa: Mahalagang bigyan – limitasyon ang paksang pipiliin upang

hindi ito masyadong maging masaklaw at matapos sa tamang panahon. Sa paglilimita
ng paksa, gawing batayan ang sakop ng panahon, sakop ng edad, sakop ng kasarian,
sakop ng grupong kinabibilangan, sakop ng anyo o uri, at sakop ng perspektiba.
Halimbawa:

• Paksa: Ang Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino

• Nalimitang Paksa: Ang mga Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino sa Rehiyon 1

3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya: Sunod na gawin ang paghahanda

ng pansamantalang bibliyograpiya. Tandaang ang paghahanda nito ay isang patuloy
na proseso.
Ang bibliyograpiya ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat,
artikulo report, peryodiko, magasin, at iba pang nalathalang materyal maging sa
internet. Siguraduhing ang mga aklat o impormasyong isasama sa talaan ay may
kaugnay sa paksang tinatalakay.
Mga bagay na dapat isaalang-alang sa paggawa ng pansamantalang bibliyograpiya.

• pangalan ng awtor
• pamagat ng kanyang isinulat
• impormasyon ukol sa pagkakalathala
• mga naglimbag
• lugar at taon ng pagkakalimbag
• ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman

Page 4 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W2-D1
Pangalan: ____________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: _____________________________Baitang at Pangkat:__________________

4. Ang Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas: Ang pagbabalangkas ay isinasagawa

upang maiayos ang mga ideyang nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng mga
datos. Makatutulong ito upang mabigyan ng gabay at direksiyon ang pananaliksik sa
simula pa lamang. Kailangang isulat ang pangunahing ideya o buod ng pananaliksik.
Isunod na ilista ang mga pantulong na ideya at sumunod ang paglalahad ng maayos
ang mga ideya,

5. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline: Dito na susuriing mabuti

ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga bagay pang
kailangang baguhin o ayusin.

6. Pagsulat ng Borador o Rough Draft: Mula sa iwinastong balangkas ay maaari ng

magsimulang sumulat ng borador. Ang pananaliksik ay dapat na magkaroon ng
panimula na kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin, ang
katawan na kababasahan ng pinalawig na balangkas at ang konklusyon na
nagsasaad ng buod ng mga natuklasan sa iyong pananaliksik.

7. Pagrerebisa: Makatutulong ang muling pagbasa sa sinulat para mamataan ang mga
kamaliang nagawa na kailangang maiwasto. Dito pag-ukulan ng pansin ang
pagbabaybay kaangkupan ng pagkakagamit ng salita, ang gamit ng bantas, at ang
istruktura ng mga pangungusap.

8. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito: Manuskrito ang tawag sa pinal na sipi ng isang

pananaliksik. Ito ay dapat na nakaayon sa pamantayan o istandard na ibinigay ng
guro.

Mga Sanggunian:
Aklat: Pinagyamang Pluma 8

Ngayong natalakay na ang mga kaalamang dapat mong matutuhan upang maisagawa
ang pangangalap ng datos sa pananaliksik ay subukin natin ang inyong natutuhan.
GAWAIN: KILALANIN MO YAN
Mula sa nilinaw na kaalaman sa ating aralin ay tukuyin ang mga kahulugan at
hakbang tungkol sa pananaliksik. Isulat ang letra ng tamang sagot bago ang bilang.
1. Makatutulong ang muling pagbasa sa sinulat para mamataan ang mga kamaliang
nagawa na kailangang maiwasto.
2. Ang tawag sa pinal na sipi ng isang sistematikang pananaliksik.
3. Ito ay dapat na nakaayon sa pamantayan o istandard na ibinigay ng guro.
4. Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung
may mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin.
5. Pagbibigay limitasyon sa paksang pipiliin upang hindi ito masyadong maging
masaklaw at matapos sa tamang panahon.
6. Talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat,artikulo,report,peryodiko at
iba pang nalathalang materyal maging sa internet.

Page 5 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W2-D1
Pangalan: ____________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: _____________________________Baitang at Pangkat:__________________

7. Naglalaman ito ng pangalan ng awtor, pamagat ng kanyang isinulat, impormasyon

ukol sa pagkakalathala, mga naglimbang at iba pa.
8. Ito ay ang paksang isusulat kung ito ba ay kawili-wili o naaayon sa iyong interes at
masiguro kung kakayanin mong gawin ang pananaliksik.
9. Ito ay isinasagawa upang maiayos ang mga ideyang nakalap mula sa inisyal na
paghahanap ng mga datos.
10. Ang isinulat na pananaliksik ay kinakailangang magkaroon ng panimula,katawan at
kongklusyon.
Mga pagpipiliang sagot:
A. Manuskrito
B. Pagrerebisa
C. Bibliyograpiya
D. Pagpili ng Paksa
E. Paglilimita sa Paksa
F. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito
G. Pagsulat ng Borador o Rough Draft
H. Ang Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas
I. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
J. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline

PAGLALAHAT

Ang pananaliksik ay isang mapanuri at makaagham na imbestigasyon o pagsisiyasat ng

isang bagay,paksa, o kaalaman sa pamamagitan ng pangangalap,pagpapakahulugan,
pagbubuo, at pag-uulat ng mga ideya ng obhetibo,matapat,at may kalinawan.
Mga Hakbang sa Paglikom ng Datos sa Pananaliksik
1. Pagpili ng Paksa
2. Paglilimita ng Paksa
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
4. Ang Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas
5. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline
6. Pagsulat ng Borador o Rough Draft
7. Pagrerebisa
8. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito

Page 6 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W2-D1
Pangalan: ____________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: _____________________________Baitang at Pangkat:__________________

PAGTATAYA

Mangalap ng mga datos upang makabuo ng pinal na pananaliksik mula sa bawat

paksang larawan. Pumili ng isang napagpasyahang paksa gamit ang pamantayang nasa
ibaba.

Edukasyon sa Panahon ng Pandemya Kalagayan ng mga Frontliner sa Panahon

ng Pandemya

Mga Programang Pang-Ayuda ng Gobyerno

Panahon ng Pandemya

PAMANTAYAN:

15 12 9 6 3
• Ang nilalaman ay kakakitaan ng pinagsamang
datos sa paksang sinasaliksik.

• Ang isinulat na pananaliksik ay may

kawastuhan, tapat at may sagot na batayan.

• Ang isinulat ay nakapagbibigay ng malinaw

na buod.

15 – Pinakamahusay 9 – Katamtamang Husay 3 – Hindi nakamit ang pamantayan

12 – Mahusay 6 – Hindi masyadong nagamit ang pamantayan

Page 7 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W2-D1
Pangalan: ____________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: _____________________________Baitang at Pangkat:__________________

________________________________
PAMAGAT

_________________________________________________________________________

Inihanda ni:

Marivic S. Santos
Filipino 8, Ikatlong Markahan
Pasay City South High School

Page 8 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

Module Code: Pasay F8-Q3-W2-D2

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikatlong Markahan/ Ikalawang Linggo/ Ikalawang Araw

LAYUNIN: Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag. F8PB-III-e-30

Paksa: Positibo at Negatibo Pahayag

PANIMULA:

Ang positibong pahayag ay mga bagay na naglalaman ng mga magagandang pahayag o mabubuting
pahayag. Karaniwang ito ay nagdudulot ng mabuting epekto sa nakakarinig nito. Halimbawa nito ay ang
pagbibigay papuri at pasasalamat sa isang tao. Ginagamit upang magbigay ng magandang komento
tungkol sa isang bagay,tao o pangyayari.Ang mga salitang paglalarawan ay pawing mga positibo lamang.
Madalas din itong inuugnay sa positibong damdamin ng nagsasalita.

Halimbawa:
“Napakaganda ng sinabi mo kanina sa ating talakayan.”
“Salamat sa masasarap mong pasalubong.”
“Nakakaaliw ang inyong ipinakitang palabas.”
“Naging maayos ang pila sa bigayan ng ayuda”
“Nakatutuwa ang pagbangon ng ekonomiya sa ating bansa.”

Totoo bang nabigyan

kayo ng ayuda?

Masayang masaya nga kami at

nailista ang aming pangalan.
Salamat sa tulong ng gobyerno!

Ay! May solusyon na sa sakit

na COVID-19. Ang vaccine na
aking hinihintay.

Page 9 of 23
COVID-19 free na daw ang ating barangay!

Buti at gumaling na ang may mga sakit

sa COVID-19 dito. Kailangan ang
ibayong pag-iingat at pagsunod natin sa
health protocols.

Tama gawin natin yan!

Ang negatibong pahayag ay tumutukoy sa mga uri ng salita na hindi kaaya-aya o kagandahan ang
hatid ng mga pahayag.May diwang negatibo o hindi pagkiling sa diwa ng nakakarami. Karaniwang
walang paggalang,mapanlait,mapang-uyam at nakapagdudulot ng sama ng loob.

Halimbawa:
“Bumaba ang iyong marka dahil sa madalas mong pagliban sa klase”
“Marami ang nawalan ng trabaho bunga ng pandemya.”
“Problema sa internet connection ang kinakaharap ng mga estudyante.”
”Ipinagbabawal ang paglabas ang mga bata edad 17 pababa sa ilalim ng GCQ sa Metro Manila.”
“May masamang dulot sa ating kalusugan ang matagal na pagtutok sa kompyuter.”

Mahirap talaga kung walang internet

connection. Hindi ako maka-attend sa online
class. Sayang ang aking matututuhan.

Buti ka pa may cellphone.

Sira na nga ito. Talagang

mahirap, kung sa pangastos
nga sa araw-araw hirap tayo.

Mga Sanggunian:
Aklat:
Online: https://brainly.ph/question/2472918 (ANO ANG MGA HALIMBAWA NG POSITIBONG PAHAYAG)

Page 10 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

GAWAIN:
Umisip at sumulat ng mga positibo at negatibong pahayag na maiuugnay sa bawat larawan sa ibaba.
Maaaring iayon ang kasagutan mula sa napanood,nabasa at napakinggang sitwasyon sa panahon ng
pandemya. Isulat sa unang kahon ang positibong pahayag at ikalawang kahon ang negatibong
pahayag.

POSITIBO NEGATIBO

1.

2.

3.

4.

5.

Page 11 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

6.

7.

8.

9.

10.

PAGLALAHAT
TANDAAN!
• Ang positibong pahayag ay mga bagay na naglalaman ng mga magagandang pahayag o mabubuting
pahayag.

• Ang negatibong pahayag ay tumutukoy sa mga uri ng salita na hindi kaaya-aya o kagandahan ang
hatid ng mga pahayag.May diwang negatibo o hindi pagkiling sa diwa ng nakakarami.

Page 12 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

E. PAGTATAYA

Sumulat ng tatlong (3) talata mula sa pagpipiliang paksa. Tiyaking maisulat ang positibo at negatibong
pahayag sa bawat bubuuing talata. Limang (5) puntos ang bawat talata.
Google Classroom Corona Virus
Bakuna sa Covid Ayuda mula sa Gobyerno
Modular Learning Lockdown
Medical Frontliner PPE Personal Protective Equipment
Health Protocol ECQ Enchanced Community Quarantine

PAMANTAYAN; 5 4 3 2 1
Ang nilalaman ay kakikitaan ng positibo at negatibong pahayag.

Ang isinulat na talata ay kinapapalooban ng mensahe kontra Covid-19.

Ang isinulat na talata ay naglalaman ng lipon ng mga pangungusap.

5-Pinakamahusay 3-Katamtamang husay 1-Hindi nakamit ang pamantayan

4-Mahusay 2-Hindi masyadong nakamit ang pamantayan

____________________________
PAMAGAT NG TALATA

________________________________________________________________________________________

Inihanda ni: Marivic S. Santos

Filipino 8, Ikatlong Markahan Pasay City South High School

Page 13 of 23
DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikatlong Markahan / Ikalawang Linggo / Ikatlong Araw
Layunin: Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng balita.
(F8PU-IIIa-c-30)

A. ARALIN: MGA ESTRATEHIYA AT HAKBANG SA PAGSULAT NG

BALITA

Iba’t ibang estratehiya ang maaaring gamitin sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng
balita, komentaryo at iba pa. Maaaring gamitin dito ang nasaksihan o nakitang insidenteng nangyari at
magsagawa ng interbyu sa mga kasangkot sa pangyayari. Ang panonood ay isa ring estratehiya sa
pangangalap ng ideya dahil mas epektibo ang paraan ng pagsulat kung totoong napanood ang isang
pangyayari gaya ng basketball, boxing, dula, pelikula at iba pa.
Nakatutulong din ang pagbasa sa pagkuha ng mga ideya dahil may pinagbabatayan ang isusulat na
balita o komentaryo.
Samakatwid, ang pagsulat ng balita ay nakabatay sa tunay o totoong pangyayari at hindi
sa haka-haka lamang.
Narito ang mga salitang maaaring gamitin o jargon sa pagsulat ng pamatnubay sa balita at
balitang isport.
• Pinangunahan • Pinadapa • Nasakote
• Pinarangalan • Pinasabog • Tinugis
• Itinanghal • Humataw • Nilargahan
• Kinondena • Bumulusok • Ibinasura
• Itinaguyod • Nasungkit • Naghasik

B. TUKLASIN
Panuto: Basahing mabuti ang isang halimbawa ng balita at punan ng mga impormasyon ang bawat
katanungan.
Halimbawa ng Balita
Niragasa ni supertyphoon Yolanda ang Kabisayaan hanggang Kabikulan at ito na ang

sinasabing pinakamalakas na bagyo na tumama sa kalupaan sa buong mundo ngayong 2013 at

maituturing ding isa sa pinakamalakas sa kasaysayan.
Biyernes, Nobyembre 8 nang tumama sa kalupaan ng bansa si Yolanda at anim na beses pang
nag-landfall bago tuluang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Sabado ng hapon.
-www.akoaypilipino.eu/pilipinas/10-000-tinatayang
-nasawi-ng-typhoon-yolanda

Page 14 of 23
SINO?_____________________________________
BAKIT?___________________________________
PAANO?__________________________________
ANO?_____________________________________
SAAN?____________________________________
KAILAN?__________________________________

Pagsulat ng Balita
Ang pagsulat ng balita ay isang kasanayan na kailangang matutuhan sapagkat
magpapayaman ito ng talasalitaan ng mga mag-aaral, nagpapalawak ito ng karunungan at kaalaman sa
mga nagyayari sa bayan, at nagpapatalas ito sa kasanayan sa pagsulat at paghahatid
ng mga impormasyon sa mga mambabasa. Ang balita ay isang bahagi lamang ng kabuoan ng
pahayagan na madalas na binabasa ng mga tagasubaybay ng pahayagan.

Mga Uri ng mga Balita

1. Paunang Balita – nagbibigay ito ng paunang impormasyon sa mangyayari sa isang event.
2. Balitang Di-inaasahan – isang ulat ito ng mga pangyayari na hindi inaasahang mangyari,
tulad ng mga aksidenteng nangyayari sa lansangan, paglubog ng barko, pagsabog ng eroplano
sa himpapawid.
3. Balitang Itinalaga – batay ito sa ibinigay na paksa o assignment na isusulat. Inaasahan itong
mangyayari kaya itinakda ang pagsulat ng balita sa reporter. Halimbawa pagdiriwang sa
kamatayan ni Rizal.
4. Balitang Panubaybay – isa itong ulat sa kasunod na pangyayari na nauna na naiulat.
Halimbawa; basketbol ng PBA, at NBA; at iba pa.
5. Balitang Kinagiliwan – ibig sabiihin nito, palaging nagaganap ang pangyayari at regular
Itong nagyayari gaya ng SONA ng pangulo at pag-uulat sa bar exam.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita

a. Sa pagsulat ng balita, kailangang inuuna ang mahahalagang pangyayari at ito ang ginagawang
pamatnubay o lead. Nakapokus ang pamatnubay sa 5W’s sa pagbuo ng mahalagang
pangyayari. Nakasama rito ang pagsagot sa mga tanong na Ano? Sino? Kailan? Saan? Bakit?

Halimbawa:
• Job security tax reforms pinatitiyak
Pinatitiyak ni Sen.Sonny Angara sa gobyerno na magkaroon ng seguridad sa trabaho
ang mga manggagawa na maaapektuhan ng panukalang tax reform.
-Pilipino Star Ngayon, Agosto 27, 2017
b. Sundin ang pabaligtad na piramide sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa pagsulat ng
balita.

Pinakamalahagang Pangyayari

Ikalawa sa Pinakamahalagng
Pangyayari

Iba pang Detalye

Page 15 of 23
c. Pumili ng salitang ginagamit sa pagbuo ng pamatnubay o iyong tinatawag na jargon upang
makatawag-pansin agad sa mambabasa.
Halimbawa:
• Nasabat • Pinangunahan
• Binatikos • Naisakatuparan
• Inihayag

C. GAWAIN
Panuto: Basahing 3abuti ang isang halimbawa ng balita at punan ng mga impormasyon ang bawat
katanungan.(10 puntos)
Halimbawa ng Balita

Bagyong Ulysses: Update tungkol sa Ulat panahon,

pinakabagong balita sa Pilipinas
ni Rhia Sevilla

Ang bagyong Ulysses (Vamco), ang ika -21 tropical cyclone ng Pilipinas para sa 2020, ay
nagsimulang pumutok sa Luzon noong Nobyembre 11.
Paikut-ikot pa rin mula sa Super Typhoon Rolly (Goni), ang Bicol ang unang nakaranas sag
alit ni Ulysses, dahil ang bagyo ay nag-uudyok ng malalaking pagbaha sa mga bahagi ng rehiyon.

Sinalasa ni Ulysses ang Calabarzon, Gitnang Luzon at Metro Manila , na naglabas ng malakas na
hangin at malakas na ulan na nag-wan ng mga lubog na kabahayan at paghingi ng
tulong ng mga tao para sa kanilang kaligtasan.

https://thefilipinotimes.com/bagyong-ulysses-update-tungkol-sa
-ulat-panahon-pinakabagong-balita-sa-pilipinas/

( Pinakamahalagang Pangyayari)
Sino?________________________________________________
Bakit?_______________________________________________
Paano?______________________________________________
Ano?________________________________________________
Saan?________________________________________________
Kailan?_______________________________________________

Ikalawa sa Pinakamahalagang Pangyayari

_______________________________________________

Iba Pang Detalye

______________________________________________

Page 16 of 23
D.PAGLALAPAT
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap at iguhit ang puso kung ito ay
naglalarawan sa isang balita. Bituin naman kung hindi.

___1. Inuuna ang mahahalagang pangyayari at ginagawang pamatnubay (lead).

___2. Ang ginagamit na hugis ng tamang pagsulat ng balita ay hugis parihaba.
___3. Ang pamatnubay (lead) ay nakapokus sa 5W’s sapagbuo ng mahahalagang pangyayari.
___4. Ang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan ay halimbawa ng balitang panubaybay.
___5. Labanan ng Los Angeles Lakers vs. Golden State Warriors ay isang halimbawa ng balitang
panubaybay.
___6. Kailangang mahaba lamang ang pag-uulat ng mga pangyayari at mahahalagang pangyayari
lamang ang iulat.
___7. Ang pagsulat ng balita ay hango sa tunay na pangyayari at hindi haka-haka lamang.
___8. Kailangang ang balita ay nagaganap, magaganap, o kagaganap pa lamang.
___9. Dapat na maging maliwanag ang mga impormasyong ilalahad ng balita.
___10. Makatawag-pansin agad sa mambabasa ang ginamit na jargon sa pagsulat ng pamatnubay sa
balita.

E. PAGLALAHAT
Tandaan lamang sa pagsulat ng isang balita huwag maging paligoy-ligoy, iwasang maglagay ng
sariling opinyon, pawang katotohanan lamang ang isulat at siguraduhin na ang alitang isusulat ay
walang kinikilingan (no bias)

F. PAGTATAYA
Panuto: Sumulat ng isang napapanahong balita at gawing gabay ang mga pamantayan sa pagsulat ng
balita.
Rubric sa Pagsulat ng Balita
Pamantayan Puntos
1. Epektibo ang ginamit na pamatnubay 3
2. Gamit ang pabaligtad na piramide 3
3. Pagbuo ng pangungusap 3
4. Napapanahon ang balita 3
5. Gamit ang jargon sa pagsulat ng balita 3
Kabuuan 15
__________________________________________________________________________________

Page 17 of 23

References for Further Enhancement:

1. Online references
• www.akoaypilipino.eu/pilipinas/10-000-tinatayang-nasawi-ng-typhoon-yolanda
• https://thefilipinotimes.com/bagyong-ulysses-update-tungkol-sa-ulat-panahon-pinakabagong-balita-sa-
pilipinas/

2. Aklat
• Kalinangan 8 pahina 222-223. Ikatlong Edisyon 2019
• Pinagyamang Wika at Panitikan 8 pahina 169-174.

Inihanda ni: Maribeth D. Soberano

Kalayaan National High School

Page 18 of 23
KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikatlong Markahan / Ikalawang Linggo / Ikaapat na Araw
Layunin: Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng
balita. (F8PU-IIa-c-30)

A. ARALIN: MGA ESTRATEHIYA AT HAKBANG SA PAGSULAT NG

BALITA
Iba’t ibang estratehiya ang maaaring gamitin sa pangangalap ng mga ideya sa
pagsulat ng balita, komentaryo at iba pa. Maaaring gamitin ditto ang nasaksihan o nakitang
insidenteng nangyari at magsagawa ng interbyu sa mga kasangkot sa pangyayari. Ang panonood
ay isa ring estratehiya sa pangangalap ng ideya dahil mas epektibo ang paraan ng pagsulat kung
totoong napanood ang isang pangyayari gaya ng basketball, boxing, dula, pelikula at iba pa.
Nakatutulong din ang pagbasa sa pagkuha ng mga ideya dahil may pinagbabatayan ang isusulat
na balita o komentaryo.
Samakatwid, ang pagsulat ng balita ay nakabatay sa tunay o totoong pangyayari at
hindi sa haka-haka lamang.
Narito ang mga salitang maaaring gamitin o jargon sa pagsulat ng pamatnubay sa
balita at balitang isport.
• Pinangunahan • Pinadapa • Nasakote
• Pinarangalan • Pinasabog • Tinugis
• Itinanghal • Humataw • Nilargahan
• Kinondena • Bumulusok • Ibinasura
• Itinaguyod • Nasungkit • Naghasik

B. TUKLASIN
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang isang halimbawa ng balita. Pagtapat-tapatin ang
katanungan sa Hanay A sa mga kasagutan sa Hanay B.
Halimbawa ng Balita
Dalawang Pinoy ang nasawi habang dalawa pang kasamahang OFW ang malubhang

Karugtong:
Nasugatan sa naganap na pagsabog ng isang tangke ng gas sa isang Turkish restaurant sa
Doha Qatar kamakalawa.

Page 19 of 23
Mula sa pahayagan ng Pilipino Star Ngayon

HANAY A HANAY B
_____ 1. Sino? A. Kamakalawa
_____2. Bakit? B. Tangke ng gas
_____3. Paano? C. Pagsabog
_____4. Ano? D. Dalawang Pinoy; dalawa pang kasamang OFW
_____5. Saan? E. Nasawi; nasugatan
_____6. Kailan? F. Doha Qatar

Pagsulat ng Balita
Ang pagsulat ng balita ay isang kasanayan na kailangang matutuhan sapagkat
magpapayaman ito ng talasalitaan ng mga mag-aaral, nagpapalawak ito ng karunungan at
kaalaman sa mga nagyayari sa bayan, at nagpapatalas ito sa kasanayan sa pagsulat at paghahatid
ng mga impormasyon sa mga mambabasa. Ang balita ay isang bahagi lamang ng kabuoan ng
pahayagan na madalas na binabasa ng mga tagasubaybay ng pahayagan.

Mga Uri ng mga Balita

1. Paunang Balita – nagbibigay ito ng paunang impormasyon sa mangyayari sa isang
event.
2. Balitang Di-inaasahan – isang ulat ito ng mga pangyayari na hindi inaasahang
mangyari, tulad ng mga aksidenteng nangyayari sa lansangan, paglubog ng barko,
pagsabog ng eroplano sa himpapawid.
3. Balitang Itinalaga – batay ito sa ibinigay na paksa o assignment na isusulat. Inaasahan
itong mangyayari kaya itinakda ang pagsulat ng balita sa reporter. Halimbawa
pagdiriwang sa kamatayan ni Rizal.
4. Balitang Panubaybay – isa itong ulat sa kasunod na pangyayari na nauna na naiulat.
Halimbawa; basketbol ng PBA, at NBA; at iba pa.
5. Balitang Kinagiliwan – ibig sabiihin nito, palaging nagaganap ang pangyayari at regular
Itong nagyayari gaya ng SONA ng pangulo at pag-uulat sa bar exam.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita

a. Sa pagsulat ng balita, kailangang inuuna ang mahahalagang pangyayari at ito ang
ginagawang pamatnubay o lead. Nakapokus ang pamatnubay sa 5W’s sa pagbuo ng
mahalagang pangyayari. Nakasama rito ang pagsagot sa mga tanong na Ano? Sino?
Kailan? Saan? Bakit?

Halimbawa:
• Job security tax reforms pinatitiyak
Pinatitiyak ni Sen.Sonny Angara sa gobyerno na magkaroon ng seguridad sa
trabaho ang mga manggagawa na maaapektuhan ng panukalang tax reform.
-Pilipino Star Ngayon, Agosto 27, 2017

Page 20 of 23
b. Sundin ang pabaligtad na piramide sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa pagsulat
ng balita.
Pinakamahalagang
Pangyayari (Lead)
Ikalawa sa Pinakamahalagang
Pangyayari

Iba pang Detalye

c. Pumili ng salitang ginagamit sa pagbuo ng pamatnubay o iyong tinatawag na jargon
upang makatawag-pansin agad sa mambabasa.
Halimbawa:
• Nasabat • Pinangunahan
• Binatikos • Naisakatuparan
• Inihayag

C. GAWAIN
Panuto: Basahing mabuti ang isang halimbawa ng balita at isulat sa loob ng kahon ang mga
tamang impormasyon.(10 puntos)
Halimbawa ng Balita
100 bahay nasunog sa QC
Umaabot sa 100 bahay na gawa sa mahihinang matteryales ang natupok na isang
residential area sa NIA Village barangay Sauyo Quezon City kahapon ng alas 8 ng umaga.
Ayon sa QC Fire department, mabilis na sumiklab ang apoy sa lugar dahil sa dikit dikit
na bahay na may napakaliit na daan at iskinita roon.
Umabot sa 3rd alarm ang sunog na nagsimula bandang alas- 8:23 ng umaga at naapula
ang apoy ng alas-11 ng umaga kahapon. Sa inisyal na imbestigasyon, may 200 katao ang
nawalan ng ng tahanan sa sunog, wala namang nasugatan at may kabuuang halagang P1.5
milyon ang napinsala sa insidente.

Karugtong:
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

Ulat ni: Angie dela Cruz

Sanggunian: Pilipino Star Ngayon
Sabado, Nobyembre 28,2020 Taon XXXV Blg.254

Page 21 of 23
Pinakamahalagang Pangyayari)
_____________________________________________________________________________________

_____________________________________________

(Ikalawa sa Pinakamahalagang pangyayari)

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________
(Iba pang Detalye)
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

D. PAGLALAPAT
Panuto: Basahing mabuti at suriin ang bawat balita. Isulat sa patlang ang letrang
PB- Paunang Balita, BD-Balitang Di-inaasahan, BI-Balitang Itinalaga, BP-Balitang Panubaybay,
at BK-Balitang Kinagiliwan.

_____1. Gilas first-timers may patutunayan.

_____2. TNT vs Ginebra sa FINALS
_____3. Ang pagresign ni Alan Peter Cayetano as Speaker of the House of Representatives
_____4. Pagkawala ni Atty. Ryan P. Oliva.
_____5. Pagkakabundol ng isang motorcycle rider sa Paco, Maynila.
_____6. SONA ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.
_____7. Araw ng Kalayaan (Independence Day)
_____8. Pagsabog ng alkohol sa loob ng kotse.
_____9. Araw ng Rebolusyong EDSA.
_____10. No UPCAT for school year 2021-2022.

Page 22 of 23
F. PAGTATAYA
Panuto: Mula sa iyong mga napanood, nabasa, napakinggan at nasaksihang balita, sumulat ng
isang uri ng balita.
Rubric sa Pagsulat ng Balita
Pamantayan Puntos
1. Epektibo ang ginamit na pamatnubay 5
2. Pagbuo ng pangungusap 5
3. Gamit ang jargon sa pagsulat ng balita 5
Kabuuan 15

Uri ng Balita:__________________________________________________________________
Pinakamahalagang Pangyayari (Lead):____________________________________________
______________________________________________________________________________

1. Pahayagan
• Pilipino Star Ngayon – Nobyembre 28,2020.Taon XXXV Blg.254
2. Aklat
• Kalinangan 8 pahina 222-223. Ikatlong Edisyon 2019
• Pinagyamang Wika at Panitikan 8 pahina 169-174.
Inihanda ni: Maribeth D. Soberano
Kalayaan National High School

Page 23 of 23

You might also like