You are on page 1of 23

MODULES IN

GRADE 8
QUARTER 1 – WEEK 6

Page 1 of 23
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain

Page 2 of 23
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!

Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

Page 3 of 23
NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!

Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

Module Code: Pasay F8-Q1-W6-D1

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan/ Ikaanim na Linggo/ Unang Araw

LAYUNIN: Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa pang-abay na pamanahon at

panlunan sa pagsulat ng sariling alamat. F8PN-Id-f-21

Paksa: Pang-abay na Pamanahon

A: PANIMULA
Pang-abay ang tawag sa salita o lipon ng mga salitang nagbibigay-turing sa
pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Sa madaling salita, ang pang-abay ay mga salitang
maaaring maglarawan sa pandiwa o isang kilos o galaw, sa pang-uri at maging sa kapwa
nitong pang-abay.

PANG-ABAY NA PAMANAHON

- Ito ang pang-abay na nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap o gaganapin

ang sinasabi ng pandiwa sa pangungusap.
- Ang mga sa salitang ginagamit ay ang mga sumusunod:

nang kahapon
sa kanina
noong ngayon
kung mamaya
tuwing bukas
buhat sandali
mula
umpisa
hanggang
Halimbawa

1. Naitala kahapon ang pang 13,000 na kumpirmadong kaso ng covid-19.

2. Ugaliing magsuot ng face mask tuwing lalabas ng inyong bahay.
3. Sinisimulan na ngayon ng pamahalaan ang tinatawag na “New Normal”.
4. Nagsimulang madiskubre ang corona virus noong Disyembre, 2019.
5. Mamaya ay magkakaroon ng press briefing ang pangulo kaugnay sa magiging
sitwasyon ng bansa sa pagharap sa pandemya.

Mga Sanggunian:
Aklat: Pluma 8 pahina 46
Online: departmax.com, gograph.com, clipartart.com,hiclipart.com,istockphoto.com,webstockreview.net

Page 4 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

B. TUKLASIN
Tukuyin ang mga pangungusap na nagsasaad o tumutukoy sa panahon kung
kailan naganap, nagaganap o gaganapin ang isang pangyayari o kilos. Lagyan ng
kung ang bawat bilang ay tumutukoy sa panahon at kung hindi.

1. Palaging maghugas ng kamay tuwing bago at pagkatapos kumain upang

maiwasan ang sakit.

2. Dumarami na ang mga kaso ng covid-19.

3. Mahirap sa panahon ngayon ang magkasakit dahil sa lumalaganap na

pandemya.

4. Dumarami ang mga nagkakasakit tuwing tag-ulan.

5. Mamaya ay magkakaroon na ng curfew sa ating lugar.

6. Ang buong NCR ngayon ay nasa ilalim na ng GCQ.

7. Hindi nasusunod ang social distancing sa ilang pamilihan sa bansa.

8. Magbibigay ng ayuda bukas ang ating lokal na pamahalaan.

9. Maraming pulis ang nagbabantay sa mga checkpoint.

10. Pupunta muna ako sandali sa palengke upang bumili ng alcohol bago umuwi.

C. MGA GAWAIN

GAWAIN 1: KAYA MO YAN

Bilugan ang pang-abay na pamanahon na ginamit sa bawat pangungusap.

1. Umpisa bukas ay mararanasan natin ang mas pinahigpit na lockdown dahil sa covid-
19.

2. Panatilihin ang social distancing sa tuwing pupunta sa palengke.

3. Maglinis araw-araw ng bahay upang maiwasan ang mga kumakalat na sakit.

4. Ngayong Agosto pa lamang magbubukas ang klase dahil sa banta ng covid.

5. Mag-ehersisyo tuwing umaga upang lumakas ang ating mga katawan at resistensya
at maiwasan ang sakit.

6. Ngayong araw magsisimula ang pagpapatakbo sa ilang transportasyon sa bansa.

7. Nag-ikot kanina ang kapitan ng barangay upang sitahin ang mga taong nakatambay
sa kalsada.

Page 5 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

8. Magkakaroon ng press briefing ang Department of Health o DOH ukol sa mga kaso
ng covid-19.

9. Nagnegatibo na kahapon sa covid testing ang isang health worker.

10. Umalis siya sandali upang bumili ng mga pangangailangan bago maghard lockdown.

GAWAIN 2: SUBUKIN MO!

Gawan ng pangungusap ang mga larawang makikita sa ibaba gamit ang mga
pang-abay na pamanahon. Isulat ito sa espasyong nakalaan sa bawat bilang.
1. _______________________________________________________
______________________________________________________.

2. ________________________________________________________

3. ______________________________________________________
_____________________________________________________.

4. ______________________________________________________

5. ______________________________________________________

6. ______________________________________________________

7. ___________________________________________________
__________________________________________________.

8. ____________________________________________________
___________________________________________________.

9. _________________________________________________
________________________________________________.

Page 6 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

10. _______________________________________________
_______________________________________________.

D. PAGLALAHAT
TANDAAN!

Ang pang-abay ay mga salitang maaaring maglarawan sa pandiwa o isang kilos o

galaw, sa pang-uri at maging sa kapwa nitong pang-abay.
Ang pang-abay na pamanahon ay mga salitang tumutukoy o nagsasaad kung kailan
naganap, nagaganap o gaganapin ang kilos o pangyayari.

GAWAIN 3: KAYANG-KAYA! BA
Basahin ang alamat sa ibaba at itala sa loob ng kahon ang mga ginamit na pang-
abay na pamanahon.
Si Bulan at Si Adlaw
Noong unang panahon daw ay may nag-isang dibdib na dalawang nilalang
na nagngangalang Bulan at Adlaw. Sa tamis ng kanilang pagsasama ay nagkaanak sila
ng marami. Ilang buwan ang lumipas, nagpatuloy ng pag-aanak si Bulan hanggang sa
mapuna ni Adlaw na maraming-marami na pala ang mga bunga nila at nagsisikip na sila
sa kanilang bahay.
Isang araw, naisip ni Adlaw na kausapin si Bulan na pagpapatayin na
lamang nila ang iba pa nilang anak upang lumuwag ang kanilang tinitirhan. Tumutol si
Bulan sa mungkahi ni Adlaw at ito ang naging dahilan ng kanilang pag-aaway. Halos
nag-aaway sila araw-araw na para silang mga aso’t pusa. Umiksi ang pisi ni Bulan kay
Adlaw kaya’t kinabukasan ay nagpasya siyang makipaghiwalay na lamang dito. Nagalit
si Adlaw. Sandali siyang nag-isip at sa huli ay pumayag na siyang makipaghiwalay kay
Bulan sa kondisyong isasama lahat ni Bulan ang kanilang mga anak at huwag na muling
magpapakita pa sa kanya.
Kaya ngayon, makikitang si Adlaw o ang araw ay nag-iisang sumisikat sa
araw, at si Bulan o ang buwan ay sa gabi na lamang lumilitaw na kasama ang kanyang
mga anak na bituin.
MGA PANG-ABAY NA PAMANAHON NA GINAMIT SA ALAMAT
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Page 7 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

E. PAGTATAYA
Sumulat ng sariling alamat gamit ang mga pang-abay na pamanahon. Guhitan ang
mga pang-abay na pamanahon na iyong ginamit sa alamat.
PAMANTAYAN:
5 4 3 2 1
Ang nilalaman ay kakikitaan ng pinagmulan ng
Bagay-bagay o maituturing na alamat.
Ang isinulat na alamat ay ginamitan ng mga pang-
abay na pamanahon.
Ang isinulat na alamat ay kinapapalooban ng
gintong aral na magagamit sa buhay.

5 – Pinakamahusay 3 – Katamtamang husay 1 – Hindi nakamit ang

4 – Mahusay 2 – Hindi masyadong nakamit ang pamantayan
Pamantayan

____________________________________________
PAMAGAT NG ALAMAT
______________________________________________________________________

Inihanda ni: Claren DO. Rodolfo

Filipino 8, Unang Markahan
Pasay City East High School

Page 8 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

Module Code: Pasay F8-Q1-W6-D2

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan/ Ikaanim na Linggo/ Ikalawang Araw

LAYUNIN: Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa pang-abay na pamanahon at

panlunan sa pagsulat ng sariling alamat. F8PN-Id-f-21

Paksa: Pang-abay na Panlunan

A: PANIMULA
Pang-abay ang tawag sa salita o lipon ng mga salitang nagbibigay-turing sa
pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Sa madaling salita, ang pang-abay ay mga salitang
maaaring maglarawan sa pandiwa o isang kilos o galaw, sa pang-uri at maging sa kapwa
nitong pang-abay.

PANG-ABAY NA PANLUNAN

- Kumakatawan ito sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.

- Pang-abay na tinatawag na pariralang sa.

Halimbawa:

1. Nagsimula ang paglaganap ng coronavirus sa Wuhan, China.

2. Maghugas agad ng kamay kapag umuwi galing sa labas.

3. Marami ang mga nagpunta sa Mall kung kaya’t dumami ang kaso ng covid-19.

4. Bumili siya ng mga alcohol at face mask sa botika nila Mang Nestor dahil mas mura
ang kanilang bentahan nito.

5. Pumila sila sa covered court para makuha ang kanilang ayuda.

B. TUKLASIN
Tukuyin ang mga pangungusap na nagsasaad o tumutukoy sa lugar kung saan
naganap, nagaganap o gaganapin ang isang pangyayari o kilos. Lagyan ng kung ang
bawat bilang ay tumutukoy sa lugar at kung hindi.
1. Dumarami na ang mga kaso ng covid-19.

2. Maraming mga na stranded na Pilipino ang natuwa sa muling pagbabalik sa

probinsya.

Mga Sanggunian:
Aklat: Pluma 8 pahina 46
Online: departmax.com, gograph.com, clipartart.com,hiclipart.com,istockphoto.com,webstockreview.net

Page 9 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

3. Walang naitalang bagong kaso ng covid-19 ngayon sa bansang Vietnam.

4. Mahirap sa panahon ngayon ang magkasakit dahil sa lumalaganap na

pandemya.

5. Maraming pasyente ang dinala sa ospital dahil sa sintomas ng covid-19.

6. Sa NCR naitala ang pinakamaraming kaso ng Covid-19.

7. Agad na magpunta sa ospital kung nakararanas ng hirap sa paghinga.

8. Pupunta muna ako sandali sa palengke upang bumili ng alcohol bago umuwi.

9. Mamaya ay magkakaroon na ng curfew sa ating lugar.

10. Maraming pulis ang nagbabantay sa mga checkpoint.

C. MGA GAWAIN

GAWAIN 1: KAYA MO YAN

Ikahon ang pang-abay na panlunan na ginamit sa bawat pangungusap.

1. Naglagay ng mga karatulang “bawal lumabas!” ang mga opisyal ng barangay sa
bawat kalsada.

2. Si Mang Berting ay isang delivery boy at kasalukuyan siyang naghahatid ng

pagkain sa isang lugar sa Pasay.

3. Masarap kumain sa restawran kaya lamang ay bawal pa ang dine-in.

4. Marami ng nagbukas na mga kainan sa buong Metro Manila.

5. Mahaba ang pila sa estasyon ng pulis upang kumuha ng mga travel pass.

6. Makukuha na raw ang ayuda bukas sa plaza.

7. Kakaunti pa lang ang mga sasakyang bumibyahe sa Edsa.

8. Siya ay lumabag sa batas kaugnay sa pandemya kung kaya’t siya ay nasa

kulungan.

9. Makikita sa malalayong probinsya ang walang kaso ng covid-19.

10. Magmula ngayon ay hindi na muna ako pupunta sa mga Mall upang makaiwas sa
sakit.

Page 10 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

GAWAIN 2: SUBUKAN MO!

Gawan ng pangungusap ang mga larawang makikita sa ibaba gamit ang mga
pang-abay na panlunan. Isulat ito sa espasyong nakalaan sa bawat bilang.
1. _______________________________________________________
______________________________________________________.

2. ________________________________________________________
______________________________________________________.

3. ______________________________________________________
_____________________________________________________.

4. ______________________________________________________
_____________________________________________________.

5. ______________________________________________________
_____________________________________________________.

6. ______________________________________________________
_____________________________________________________.

7. ___________________________________________________
__________________________________________________.

8. ____________________________________________________
___________________________________________________.

9. _________________________________________________
________________________________________________.

10. _______________________________________________
_______________________________________________.

Page 11 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

D. PAGLALAHAT
TANDAAN!

Ang pang-abay ay mga salitang maaaring maglarawan sa pandiwa o isang kilos o

galaw, sa pang-uri at maging sa kapwa nitong pang-abay.
Ang pang-abay na panlunan ay mga salitang tumutukoy o nagsasaad kung saan
naganap, nagaganap o gaganapin ang kilos o pangyayari.

GAWAIN 3: KAYANG-KAYA! BA
Basahin ang alamat sa ibaba at itala sa loob ng kahon ang mga ginamit na pang-
abay na panlunan.
ALAMAT NG PASAY
ni: Ka Beloy

Maraming taon ang nakalilipas may isang pook noon na malapit sa Maynila at sa Makati
ang di pa nakikilala. Ang lugar na ito ay may malawak na lupa na kung umuulan ay halos nagiging
isang malawak ding putikan. Sa pook na ito ay may isang pamilya na may payak lamang na
pamumuhay, ito ay ang mag-asawang Pablo at Lina na ang ikinabubuhay ay ang paghahayupan
tulad ng pag-aalaga ng kambing, kalabaw, kabayo at manok. Ang mag-asawa ay may magandang
dalagang anak na nagngangalang Paz. Kahit sa simpleng buhay ay nagawa ng mag-asawa na
mapag-aral sa magandang paaralan ang anak na si Paz. Pangarap nilang mapagtapos ito ng
karera sa kursong Komersyo at matulungan sila sa buhay. “Anak inaasahan ko na tatapusin mo
ang iyong pag-aaral para matulungan mo kami ng iyong ina.” Pakiusap ni Mang Pablo. “Opo itay,
ipinapangako ko po sa inyo na makakatapos ako.” Sa kanilang pook ay wala nang hihigit pa sa
kagandahan ni Paz na minana niya sa kanyang mga magulang. Maraming nagkakagusto kay Paz
ngunit ang mga lalaking ito ay di niya pinapansin dahil lagi niyang inaalala ang kanyang mga
magulang. Dumating ang araw ng pagtatapos ni Paz at lumipas nga ang mga araw siya ay naging
isa nang ganap na akawntant sa isang kilalang tanggapan.
Tuwang-tuwa ang kanyang mga magulang dahil naging isang mabuting anak ito at tinupad
ni Paz ang kanilang mga pangarap. Si Paz ay may nakilalang isang makisig na lalaki sa isang baryo
sa katauhan ni Toni. Si Toni ay mabait at mapagmahal kaya nga nagugustuhan na rin siya ni Paz
subalit inaalala ng dalaga ang mga bilin sa kanya ng kanyang mga magulang. Isang Araw
napagdesisyunan ni Toni na itanan na lamang si Paz at dalhin ito sa malayong lugar at ito ay
itinakda niya sa kapistahan ng patron nilang si Santa Clara. Pagkagaling ni Paz sa simbahan ng
Sta. Clara kasama ang mga magulang ay may humintong sasakyan sa kanilang harapan at sa
pagbukas nito ay bumaba si Toni at biglaang hinila si Paz at isinakay sa awto at napasigaw ang
mag-asawang Pablo at Lina ng ..… PAZ ....AYYY!!!!!! . Narinig ng mga tao ang pagsigaw ng mag-
asawa at narinig nila ang katagang Paz..ay. Malinis naman ang hangarin ni Toni kay paz kayat
buong pusong tinanggap na siya ng mga magulang ni Paz. Di nalimutan ng mga tao ang kuwento
ng pag-iibigan nina Paz at Toni kayat ang lugar na iyon ay tinawang na nilang Pasay.

MGA PANG-ABAY NA PANLUNAN NA GINAMIT SA ALAMAT

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Page 12 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

E. PAGTATAYA
Sumulat ng sariling alamat gamit ang mga pang-abay na panlunan. Guhitan ang
mga pang-abay na panlunan na iyong ginamit sa alamat. Maaaring Alamat ng lugar kung
saan ka pinanganak o alinman sa naging karanasan mo o ng pamilya mo.
PAMANTAYAN:
5 4 3 2 1
Ang nilalaman ay kakikitaan ng pinagmulan ng
Bagay-bagay o maituturing na alamat.
Ang isinulat na alamat ay ginamitan ng mga pang-
abay na panlunan.
Ang isinulat na alamat ay kinapapalooban ng
gintong aral na magagamit sa buhay.

5 – Pinakamahusay 3 – Katamtamang husay 1 – Hindi nakamit ang

4 – Mahusay 2 – Hindi masyadong nakamit ang pamantayan
Pamantayan

____________________________________________
PAMAGAT NG ALAMAT
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Inihanda ni: Claren DO. Rodolfo
Filipino 8, Unang Markahan
Pasay City East High School

Page 13 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

Module Code: Pasay F8-Q1-W6-D3

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan/ Ikaanim na Linggo/ Ikatlong Araw

LAYUNIN: Nakikinig nang may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng napakinggan at
maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari. F8PN-Ig-h-22

Paksa: Paglalahad ng layunin

Pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari

A: PANIMULA

Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang

linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan
ng nakikinig o bumabasa.

Sa pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao

dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang ideya o kaisipan na
makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa paksang pinag-uusapan.

Ang layunin ay nangangahulugan ng intension, adhikain o ang mga bagay na nais

gawin o isakatuparan ng isang tao na maaaring pansariling kapakanan o para sa
ikabubuti ng karamihan.

Ang pagkakaugnay-ugnay ng pangyayari ay ang pagkakaroon ng relasyon ng

mga pangyayari sa isa’t isa sa mga akdang binabasa. Mahalaga ang pagkakaroon ng
pagkakaugnay-ugnay ng mga pagyayari sa pagbabasa o panonood upang higit na
maunawaan ang nais iparating ng isang babasahin o anumang pinanonood.

Kung ang isang akda ay walang pagkakaugnay-ugnay sa isa’t isa, ililigaw nito ang
mambabasa sa tunay na kahulugan ng akda at hindi ito mauunawaan ng mambabasa.

Sa isang manunulat, mahalaga na ang isinusulat ay may pagkakaugnay-ugnay

ang bawat detalye o pangyayari sa kanyang isinusulat upang higit na maunawaan,
maranasan at maramdaman ng kanyang mambabasa ang damdamin at nilalaman ng
isang akdang kanyang isinusulat.

Mga Sanggunian:
Aklat: Pluma 8
Online: http://www.slideshare.net/akivakirin/anyo-ng-pagpapahayag
https://brainly.ph/question/546506
https://www.facebook.com/UPLBDHFDS/videos/811442336012034/

Page 14 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

B. TUKLASIN
Isulat at ilahad sa mga hagdan na makikita sa ibaba ang iyong mga layunin o mga
nais gawin o isakatuparan sa iyong buhay simula ngayon na ikaw ay nasa ikawalong
baitang hanggang sa ikaw ay magkaroon na ng isang magandang buhay. Magsimula sa
ibabang bahagi patungo sa itaas.

C. MGA GAWAIN

GAWAIN 1: KAYA MO YAN

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa ibaba upang mabuo ang

maikling salaysay. Lagyan ng bilang 1-10.

Page 15 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

___Nagpunta na sa palengke si Aling Marta.

___Nakipag-away si Aling Marta sa mga barangay tanod na nagbabantay sa palengke.
___Gumising nangg maaga si Aling Marta.
___Walang nagawa si Aling Marta kundi sumunod at umuwi na lamang.
___Habang siya ay naglalakad patungong palengke ay naalala niya ang kanyang
quarantine pass na nakasabit sa kanilang bahay.
___Humingi ng paumanhin si Aling Marta at nangakong hindi na kakalimutan ang
quarantine pass.
___Nagpatuloy pa rin sa paglalakad patungong palengke si Aling Marta kahit walang
dalang quarantine pass.
___Nang makitang walang laman ang refrigerator ay nagdesisyon si Aling Marta na
mamili.
___Tinignan niya ang laman ng kanyang refrigerator.
___Nilista muna ni Aling Marta ang kanyang bibilhin upang mas mapabilis ang kanyang
pamimili at upang makauwi agad dahil siya ay nag-iingat na madapuan ng sakit.

D. PAGLALAHAT
TANDAAN!

Ang paglalahad ay ang pagpapahayag ng anomang naiisip at nadarama o

saloobin ng isang tao ukol sa isang tao, bagay o pangyayari.
Ang layunin naman ay ang hangarin o nais mong gawin o isakatuparan sa
iyong buhay.
Sa paglalahad ng anumang nais ipahayag maging ang iyong layunin,
tandaan na ito ay dapat na may pagkakaugnay-ugnay ang pangyayari sa bawat isa.

GAWAIN 2: SUBUKIN MO!

Lagyan ng tsek kung ang bawat bilang ay naglalahad ng magkaugnay na
pangyayari at lagyan ng X kung hindi.
___1. Ang covid-19 ay isang nakahahawang sakit. Sa sakit na tuberculosis ay marami
ang namamatay.
___2. Laging dalhin ang inyong mga quarantine pass tuwing lalabas. Ang pagdadala ng
quarantine pass ay patunay na maaari kang lumabas.
___3. Ugaliing maghugas lagi ng ating kamay. Ang paghuhugas ay isang paraan upang
maiwasan ang sakit.
___4. Dumami ang mga nagpositibo sa covid-19. Dahilan ito upang matulog nang
maaga.

Page 16 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

___5. Laging magsuot ng mask lalo na kung ikaw ay lalabas ng inyong bahay. Masaya ang naging
resulta ng covid testing.
___6. Masaya ang ilang mga OFW na nagbalik sa Pilipinas. Nakauwi na sila sa kanilang mga
pamilya.
___7. Masusing nagbabantay ang mga pulis sa lahat ng checkpoint sa bansa. Makabubuti ito
upang walang lumabas at maiwasan ang pagkakahawaan ng mga tao.
___8. Laging manood at makinig sa mga balita. Hindi ito ang lunas sa sakit na covid-19.
___9. Laging maglinis ng bahay at paligid nito upang maiwasan ang mga sakit na lumalaganap sa
bansa. Ito ay paraan upang maging ligtas ang bawat isa.
___10. Nagbigay ang lokal na pamahalaan ng mga relief goods para sa buong barangay.
Nagpasalamat ang lahat dahil kahit papaano ay may pantawid gutom na sa ilang araw.

E. PAGTATAYA

Ipabasa ang maikling kuwento sa ibaba sa iyong magulang, kapatid o kahit na

sinong kapamilya. Pakinggan ang kuwento na kanilang babasahin. Matapos
mapakinggan, sa espasyong makikita sa ibaba ay sumulat ng dalawang talata na
naglalahad ng layunin ng akdang binasa at pangatwiranan kung magkakaugnay-ugnay
ang mga pangyayari sa akda.
Ang Mga Maskara ni Miko
Kwento ni: Kate Del Rosario
Guhit ni: Rachelle Ann Fabula

“Bakit po kaya ang lahat ng tao ngayon, nakasuot ng maskara, Tatay?” tanong ni Miko kay
Mang Berto. “Pero bakit po kaya ilong at bibig ang tinatakpan ng maskara nila?”
“Bakit Miko, ano ba ang dapat tinatakpan ng maskara?” tugon ni Mang Berto.
Kinuha ni Miko ang kanyang “Batman” na maskara at isinuot. “Tatay ako si Batman! Ang
ganda po ng maskara ko. Buong mukha ko ang natatakpan. Walang makakakilala sa akin
kapag suot ko ito. Pwede po kayang ganito ang isuot nilang maskara?”
“Hahaha, nakakatuwa ka talagang bata ka.! Tama! Pihadong walang makakakilala sa iyo
‘pag ganyan ang suot mo. Pero hindi pwedeng ganyan ang isuot ng mga tao” natatawang
sagot ni Mang Berto.
Kinuha naman ni Miko ang maskarang ginamit niya sa programa sa eskwelahan. “Ito na
lang po! Tinahi ito ni nanay para sa costume ko. Maganda ito at makulay. Mga mata lang ang
kailangan takpan. Hindi mahirap magsalita”.
“Maganda nga iyan! Naalala ko nang ginamit mo yan noong nakaraang buwan. Kaya lang
hindi rin yan maaaring gamitin ng mga tao ngayon. Pwede lamang gamitin ‘yan sa mga
espesyal na okasyon”, paninigurong tugon ni Mang Berto.
“Alam ko na! Eto na lang po!” Ipinakita ni Miko ang maskarang yari sa supot. “Madali lang
po ito gawin at mura pa!” “Mura nga iyan at kahit maliit na bata ay kayang-kayang gawin.”
Nakangiting sambit ni Mang Berto. “Kaya lang, ang kailangan nating lahat ngayon ay isang
maskara na hindi lang basta maganda o mura. Kailangan natin ng maskara na magbibigay
proteksyon sa ating kalusugan. Kaya kailangan na matakpan ang ating ilong at bibig. Ang iba,
pati ang mata ay kailangan ding matakpan.”
“Bakit po? Mausok po ba sa labas? Baka tayo ubuhin? Tanong ni Miko.
“Siguro nga ay mausok din pero sa ngayon, kailangan nating maging ligtas sa isang virus
na kung tawagin ay Coronavirus. Maliit ang virus na ito, at hindi natin nakikita.”
“Pwedeng magkaubo, lagnat, pananakit ng katawan, lalamunan o tiyan ang isang tao na
magkakasakit nang dahil sa virus na ito.” “Kawawa naman po pala ang mga taong
magkakasakit dahil sa virus,” malungkot na sambit ni Miko.
Ipinakita ni Mang Berto ang “face shield” kay Miko.

Page 17 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

“Bukod sa maskara ang iba ay nagsusuot din ng ganito. “Face Shield” naman ang tawag
dito. Pinoproteksyunan din nito ang mata at ang buong mukha para mas ligtas.”
“Bukod sa pagsusuot ng mascara o ng “face shield”, mas mainam din na ugaliin nating
maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig para siguradong malinis tuwing hahawak sa sarili.
Higit sa lahat kailangan muna nating manatili sa loob ng ating bahay para mabilis na gumaling ang
mga may sakit at tuluyan nang mawala ang virus.”
“Hindi na po ba tayo maaaring lumabas ng bahay, tatay? Sabik na rin po kasi akong makita
ang mga kaibigan at guro naming sa eskwelahan. Gusto ko na rin pong maglaro ulit ng basketball
kasama sina Beni at francis!” malungkot na tugon ni Miko.
Niyakap ni Mang Berto nang mahigpit si Miko. “Pansamantala lang ang lahat ng ito Miko.
Hindi magtatagal, magagamot ang lahat nang may sakit dahil sa coronavirus. Sa ngayon,
manatili muna tayo sa bahay at magpalakas.”
“Alam ko na Tatay” sigaw ni Miko habang tumatakbo papunta kay Aling Susan na kanyang
ina. “Itatanong ko na lang kay nanay kung may mga gamit siya para makagawa ng maskara na
pwedeng ibigay sa iba.”

PAMANTAYAN:
5 4 3 2 1
Ang nilalaman ng unang talata ay naglalahad ng
layunin ng napakinggang kuwento.
Ang nilalaman ng ikalawang talata ay
pangangatwiran sa pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari sa kuwento.
Ang naisulat ay mga talata (hindi pangungusap
lamang) at binubuo ng dalawang talata.

5 – Pinakamahusay 3 – Katamtamang husay 1 – Hindi nakamit ang

4 – Mahusay 2 – Hindi masyadong nakamit ang pamantayan
Pamantayan

_____________________________________________________________________

Page 18 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

Module Code: Pasay F8-Q1-W6-D4

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan/ Ikaanim na Linggo/ Ikaapat na Araw

LAYUNIN: Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:

paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda at dating kaalaman kaugnay sa binasa
F8PB-Ig-h-24

Paksa: Paghihinuha

A: PANIMULA
Ang paghihinuha ay prediksyon sa mga mangyayari gamit ang mga impormasyon
at mga pangyayari. Ito rin ay ang pag-intindi ng mga bagay mula sa pahiwatig at clue
nito.
Ang paghihinuha ay kinapapalooban ng mga clues o himaton o tanda, bakas o
palatandaan. Madalas ginagamit ito sa ilang mga akda gaya ng kuwento, nobela at iba
pa.
Ang hinuha ay mga pahayag ng mga inaakalang mangyayari batay sa sitwasyono
kondisyon.
May mga salitang maaaring gamitin sa paghihinuha. Ito ay ang mga sumusunod:
Ang tingin ko ay…
Sa palagay ko…
Marahil..
Siguro…
Tila…
Baka…
Wari…

Halimbawa:
1. Si Juan ay lumiban sa klase dahil siya ay naulanan kahapon. Marahil siya ay may
sakit ngayon.
2. Makulimlim ang panahon ngayon. Siguro ay uulan mamaya.
3. Madungis ang mukha ng batang si John. Baka kumain siya ng cake o tsokolate.

Mga Sanggunian:
Aklat: Pluma 8
Online: https://prezi.com/ethplfpr1ewh/paghula-at-paghihinuha/
www.coursehero.com
google.com, apps.frontline.org, shutterstock.com, vectorstock.com, clipart.email, clipart-library.com
istockphoto.com, istock.adobe.com

Page 19 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

B. TUKLASIN
Hulaan ang posibleng nangyari batay sa larawan. Isulat ang iyong hula sa espasyong
nakalaan sa tabi ng larawan.

__________________________________________

___________________________________________________

Page 20 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

C. MGA GAWAIN

GAWAIN 1: KAYA MO YAN

Dugtungan ng iyong paghihinuha ang bawat pangungusap o parirala sa bawat bilang.
Isulat sa espasyo ang iyong sagot.
1. Naiwanang nakabukas o nakasindi ang kalan ni Aling Marta.
__________________________________________________________________________

2. Sumakit ang tiyan ni Buknoy.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Nawawala ang mga aklat ni Rey.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. Nabalian ng buto ang makulit na si Troy.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
5. Hinuli ng pulis ang isang lalaking naglalakad sa kalsada.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
6. Nabasag ng magkapatid na si Ana at Mae ang baso.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Page 21 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

7. Nagdala ng payong si Aling Dolores papuntang palengke.

________________________________________________________________________

8. May batang umiiyak sa gilid ng Mall at sumisigaw ng “mommy, mommy!”
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
9. Nahuli nang pasok si Roy kaya nagalit ang kanyang guro.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
10. Malungkot na tinignan ni Jay ang pagsusulit na ibinalik ng kanilang guro.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

D. PAGLALAHAT
TANDAAN!
Ang paghihinuha ay prediksyon sa mga mangyayari gamit ang mga
impormasyon at mga pangyayari. Ito rin ay ang pag-intindi ng mga bagay mula sa
pahiwatig at clue nito.
Ang paghihinuha ay kinakailangan na angkop at nakabatay o nakabase sa
mga clue o pahiwatig.
Tandaan na may mga salitang ginagamit sa paghihinuha. Ito ay ang mga
sumusunod:
Ang tingin ko ay… Sa palagay ko… Marahil.. Siguro…
Tila… Baka… Wari…

GAWAIN 2: SUBUKAN MO!

Maghinuha sa mga possible o maaaring mangyari batay sa mga
sumusunod na mga napapanahong isyu o usapin sa bansa. Isulat ang iyong paghihinuha
sa loob ng kahon na makikita sa ilalim ng bawat bilang.
1. Bakuna kontra Covid-19

2. Patuloy na pagpunta at pagdagsa ng mga tao sa mga lugar gaya ng palengke at Mall.

3. Hindi pagsusuot ng face mask at face shield.

4. Walang social distancing sa mga pamilihan

5. Lumulobong bilang ng mga nagpopositibo sa covid-19.

Page 22 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

6. Muling pagbubukas ng mga pampublikong transportasyon.

7. Paggamit ng mga bisikleta bilang transportasyon.

8. Kawalan ng ayudang natatanggap ng ibang pamilya.

9. Hindi pagtanggap ng ilang ospital sa ibang mga pasyente.

10. Kawalan ng hanap-buhay ng ilang mga Pilipino dala ng covid-19 at lockdown.

E. PAGTATAYA

Basahin ang maikling talata sa ibaba. Bumuo ng isang talatang paghihinuha sa

maaaring mangyari batay sa mga ideya o pangyayari sa talata o kaya naman ay dating
kaalaman kaugnay sa binasa.
Ang pamilya Santos ay kasalukuyang nanonood ng balita sa kanilang tahanan.
Nakagawian na nila ito simula nang maglockdown ang mga lugar sa bansa.
Nabalitaan nilang ang kanilang lugar at iba pang karatig lugar ay nasa ilalim na ng
General Community Quarantine at ang ilang establisimiyento ay magbubukas na
kabilang ang ilang restawran at mall. Sabik na sabik ang kanilang pamilya na
makalabas at magtungo sa mga establisimiyentong ito.

Mahihinuha kong _______________________________________________________

_____________________________________________________________________________

Ang paghihinuha ay binubuo ng isang talata.
Ang nilalaman ng paghihinuha ay may kaugnayan o
batay sa akdang binasa.
Maayos at malinaw ang paghihinuha sa maaaring
mangyari sa akda.

5 – Pinakamahusay 3 – Katamtamang husay 1 – Hindi nakamit ang

4 – Mahusay 2 – Hindi masyadong nakamit ang pamantayan
Pamantayan

Inihanda ni: Claren DO. Rodolfo

Filipino 8, Unang Markahan
Pasay City East High School

Page 23 of 23

You might also like