You are on page 1of 23

MODULES IN

GRADE 8
QUARTER 2 – WEEK 1

Page 1 of 23
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain

Page 2 of 23
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!


Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

Page 3 of 23
NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!


Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D1

Pangalan: ______________________________ Baitang at Pangkat: __________________


Pangalan ng Guro: ______________________

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikalawang Markahan/Unang Linggo/Unang Araw
LAYUNIN: Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa.
(F8PB-IIa-b-24)

Paksa 1: ANG PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN


● SANAYSAY

p PANIMULA
A. ANG IYONG ARALIN:

Sanaysay
Alam mo ba na sinasabing ang sanaysay bilang akdang pampanitikan ay huling nakakita
ng liwanag sa larangan ng panitikan. Ang sanaysay ay naglalahad ng pananaw at opinyon ng
sumulat tungkol sa tiyak na paksa.
Uri ng Sanaysay
Sa pangkalahatan, dalawa ang uri ng sanaysay- (1) ang pormal o impersonal na sanaysay
at (2) ang di-pormal o personal na sanaysay.Tumatalakay sa mga seryosong paksa ang pormal
na sanaysay, tulad ng kamatayan, agham, pag-unlad, kabihasnan samantalang magaan ang mga
paksang matatagpuan sa di-pormal, tulad ng paghihintay sa bus, kahit na ng pagtulog. Ang
kapormalan ng una ay nagdidikta ng uri ng wika nito- di malapit o nakikipaglayo, siyentipiko, may
himig na nag-uutos, mataas, istandard. Ang pagkamalapit ng impormal na sanaysay ay
nagmumungkahing ang lenggwahe nito ay parang nakikipag-usap, mainit, mataginting, kung
minsa’y garapal ngunit mapagnilay-nilay rin sa ibang paraan. Unang makatatawag ng pansin sa
kaisipan, bago sa damdamin ang pormal na sanaysay; kabaligtaran sa di-pormal.

Mga Tiyak na Uri ng Sanaysay


May 12 natatanging uri ng sanaysay: (1) pasalaysay, (2) naglalarawan, (3) mapagdili-dili,
(4) kritikal o mapanuri (5) didaktiko o nangangaral, (6) nagpapaalala, (7) editoryal, (8) maka-
siyentipiko o makaagham, (9) sosyo-politikal, (10) sanaysay na pangkalikasan, at (11) sanaysay
na bumabalangkas sa isang tauhan.
Mahalaga rin ang pagtukoy sa pangunahing ideya o kaisipan ng isang teksto at mga
pantulong na kaisipan para sa lubusang pag-unawa ng nilalaman ng akda.
PANGUNAHING KAISIPAN
- pinakamahalagang bahagi ng talata
- tumutukoy sa nais sabihin at ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa
- karaniwang matatagpuan sa unahan at hulihang bahagi ng talata

PANTULONG NA KAISIPAN
- nagtataglay ng mahahalagang impormasyon o detalye na gagabay sa mga mambabasa upang
maunawaan ang nilalaman ng talataan Mga Sanggunian
Batikan
Google
Kanlungan
Pinagyamang Pluma
Talastasan

Page 4 of 23
Pangalan: ______________________________ Baitang at Pangkat: __________________
Pangalan ng Guro: ______________________
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D1

B. TUKLASIN
MAGSANAY TAYO:
Panuto: Basahing mabuti ang sanaysay. Sagutin nang mahusay ang mga pagsasanay.
Si Job ay "isang mabuting tao, sumasamba sa Diyos at umiiwas sa masamang gawain" (Job
1:1). Mayroon siyang sampung anak at isang taong napakayaman. Sinasabi sa atin sa Bibliya na
humarap sa Diyos si Satanas isang araw at tinanong kung ano ang Kanyang opinyon tungkol kay Job.
Inakusahan ni Satanas si Job na sinasamba nito ang Diyos dahil pinagpapala siya ng Diyos. Kaya
pinahintulutan ng Diyos si Satanas na kunin ang kayamanan at ang buhay ng mga anak ni Job. Sa
huli, pinahintulutan ng Diyos si Job na magkaroon ng karamdaman. Nalungkot ng labis si Job ngunit
hindi Niya sinisi ang Diyos sa mga pangyayari (Job 1:22; 42:7–8).
Hindi kailanman nawalan ng pananampalataya si Job sa Diyos, kahit sa panahon ng pinaka-
nakakapanlumong pangyayari na sumubok sa kanyang pagkatao. Mahirap isipin na mawawala ang
lahat sa atin isang araw —ang ating mga pag-aari, kayamanan at maging ang ating mga anak.
Maraming tao ang magkakaroon ng depresyon at maaring makaisip magpakamatay kung makaranas
ng ganito kalaking trahedya. Bagama't nakaranas ng depresyon na sapat para sumpain ang araw ng
kanyang pagsilang (Job 3:1–26), hindi kailanman sinumpa ni Job ang Diyos (Job 2:9–10) o
naapektuhan man ang kanyang paniniwala na ang Diyos pa rin ang may kontrol sa lahat ng nangyayari
sa kanyang buhay. Sa kabilang dako naman, sa halip na aliwin si Job, nagbigay ng maling payo ang
kanyang mga kaibigan at inakusahan pa siya ng napakalaking pagkakasala na anupa't iyon diumano
ang dahilan ng pagpaparusa sa kanya ng Diyos. Kilala ni Job ang Diyos ng sapat at alam niyang hindi
ganoon ang pamamaraan ng Diyos; sa katunayan, mayroon siyang malapit at personal na relasyon
sa Kanya na kaya niyang sabihing, "Hindi ako natatakot kung ako man ay patayin, maiharap lamang
sa kanya itong aking usapin" (Job 13:15). Nang payuhan si Job ng kanyang asawa na sumpain na
niya ang Diyos para siya mamatay, sumagot si Job, "Hindi mo naiintindihan ang iyong sinasabi.
Pagpapala lang ba ang tatanggapin mo sa Diyos? Hindi ba natin tatanggapin kung bigyan niya tayo
ng pagdurusa?" (Job 2:10).
Ang karanasan ni Job, mula sa pagkamatay ng kanyang mga anak at pagkawala ng kanyang
mga ari-arian, hanggang sa pagsusugat ng kanyang buong katawan, at ang paghusga sa kanya ng
kanyang mga tinatawag na kaibigan ay hindi naging dahilan para manghina ang kanyang
pananampalataya. Alam niya kung sino ang kanyang Manunubos, alam niya na Siya ay buhay na
Tagapagligtas, at alam niya na isang araw, Siya ang maghahari sa mundo (Job 19:25). Naunawaan
niya na bilang ang araw ng tao sa mundo at hindi na iyon mababago (Job 14:5). Ang lalim ng espiritwal
na buhay ni Job ay makikita sa buong aklat. Ginamit ni Santiago si Job bilang isang halimbawa ng
pagtitiis, "Mga kapatid, tularan ninyo ang mga propetang nagsalita sa pangalan ng Panginoon. Buong
tiyaga silang nagtiis ng kahirapan. Sinasabi nating pinagpala ang mga nagtitiyaga at nagtitiis. Narinig
na ninyo ang tungkol sa pagtitiis ni Job at ang ginawa sa kanya ng Panginoon sa bandang huli.
Talagang napakabuti at tunay na mahabagin ang Panginoon" (Santiago 5:10–11).
Maaaring ang pinakamagandang aral na matututuhan natin sa buhay ni Job ay hindi nananagot ang
Diyos kaninuman sa kung ano ang nais at hindi Niya nais gawin. Itinuturo sa atin ng karanasan ni Job na
maaaring hindi natin malaman ang dahilan ng ating pagdurusa ngunit dapat tayong magtiwala sa
makapangyarihan, banal at makatarungang Diyos. Ang Kanyang mga gawa ay sakdal (Awit 18:30). Dahil ang
gawa ng Diyos ay perpekto, makakapagtiwala tayo na anuman ang Kanyang gawin at anuman ang Kanyang
pahintulutan ay perpekto din naman. Hindi natin maaasahan na ganap nating mauunawaan ang isipan ng Diyos
gaya ng ipinapaalala Niya sa atin, "Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan, ang inyong kaparaanan ay hindi ko
kaparaanan. Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong
kaparaanan, at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan" (Isaias 55:8–9).
Mga gabay na tanong:
1. Tungkol saan ang sanaysay? _____________________________________________
2. Ano-ano ang mga pagsubok na pinagdaanan ni Job? __________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Anong mahalagang aral ang matututuhan sa sanaysay ng buhay ni Job?
_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Page 5 of 23
Pangalan: ______________________________ Baitang at Pangkat: __________________
Pangalan ng Guro: ______________________
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D1

HANDA KA NA BA?
MAGSANAY PA TAYO

C. MGA GAWAIN
Panuto: Punan ng mga pantulong na kaisipan ang Pangunahing kaisipan na nasa ibaba ng
pagsasanay.
(2 puntos ang bawat bilang)

Si Job ay dumanas ng maraming pagsubok sa kanyang buhay na sumukat ng


katatagan ng kanyang pananampalataya sa Panginoon.

1) _________________________________ 2) __________________________________

3)__________________________________ 4) ______________________________________

5) ________________________________

Page 6 of 23
Pangalan: ______________________________ Baitang at Pangkat: __________________
Pangalan ng Guro: ______________________
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D1

D. PAGLALAPAT

KAYANG-KAYA PA NG ISA PANG PAGSASANAY


SAGUTAN MO NA

. MGA GAWAIN
Panuto: Punan ng mga pantulong na kaisipan ang Pangunahing kaisipan na nasa ibaba ng
pagsasanay.
Isulat ang sagot sa loob ng kahon upang maging mga pantulong na kaisipan.

Naging matatag ang buhay ni Job dahil sa mga katangian niyang taglay.

1)

2)

3)

4)

5)

6)

7)

8)

9)

10)

Page 7 of 23
Pangalan: _____________________________ Baitang at Pangkat: __________________
Pangalan ng Guro: ______________________

E. PAGTATAYA Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D1

HANDANG-HANDA KA NA
Gayahin natin ang mga katangiang
taglay ni Job sa pagharap sa mga
GGaGddddGd
suliranin sa buhay. Lalo na sa
kasalukuyang pandemya na
nagaganap sa buong mundo.

A. Panuto: Batay sa mga pamagat ng sanaysay suriin at tukuyin kung ito’y Pormal
O di-Pormal ang mga ito. Isulat ang sagot sa patlang.
_______1)Si Vice Ganda at si Jhong Hilario. _______4) Tiktok, ang sayang gawin
_______2)Bakit may pandemya ngayon?
_______3)Ang Pagpapasara ng Isang Istasyon

B. Panuto: Magbigay ng 2 pantulong na kaisipan at lakipan din ito ng 1 pangunahing


kaisipan batay sa mga larawan.

5-7)

Pangunahing kaisipan ___________________________________________


Mga Pantulong na kaisipan ___________________________________
____________________________________________________
_______________________________________________

8-10)

Inihanda ni:
Ma. Teresa B. Nicolas
Teacher 3
Pasay City West High School

Pangunahing kaisipan _______________________________________


Mga Pantulong na kaisipan _________________________________
_______________________________________________
__________________________________________

Page 8 of 23
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D2

Pangalan: ______________________________ Baitang at Pangkat: __________________


Pangalan ng Guro: ______________________

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikalawang Markahan/ Unang Linggo/ Ikalawang Araw

LAYUNIN: Nabubuo ang mga makabuluhang tanong batay sa napakinggang palitan ng katuwiran.
(F8PN-IIc-d-24)

Paksa 1: ANG PAGBUO NG MGA MAKABULUHANG TANONG


● SANAYSAY-TALUMPATI

p PANIMULA
A. ANG IYONG ARALIN:

Sanaysay
Alam mo ba na sinasabing ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong
tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan. Ayon sa Wikipedia, ang talumpati ay isang
buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa
entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Ang sanaysay ay ginagamit bilang talumpati. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang
sanaysay ay” pagsasalaysay ng isang sanay”. Ang sanaysay ay isang anyo ng liham na
isinalang sa Pransiya noong 1580 at si Michel de Montaigne ang ama. Ang talumpati ayon
sa libro ng Gintong Pamana, wika at panitikan, ni Lolita R. Nakpil, ito ay isang sangay ng
panitikang nagpapahayag ng kaisipan upang basahin o bigkasin sa harap ng mga taong
handang magsipakinig. Ang mga tiyak na layunin ng talumpati ay humihikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Ito ay tinawag niyang essai na ang ibig sabihin ay isang pagtatangka, isang pagtuklas,
isang pagsubok sa anyo ng panulat. Ang sanaysay ay may dalawang uri; pormal at di-
pormal o pamilyar na ating napag-aralan sa nakaraang modyul. Ang pormal o impersonal
na sanaysay at (2) ang di-pormal o personal na sanaysay. tumutukoy sa nais sabihin at
ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa
Mahalaga rin na matutuhan ang pagbuo ng mga tanong pagkatapos makarinig ng
sanaysay-talumpati. Makatutulong ang karagdagang kaalaman sa ibaba.

Mga Sanggunian:
Batikan
Google - Wikipedia
Kanlungan
Pinagyamang Pluma
Talastasan

Page 9 of 23
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D2

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: __________________


Pangalan ng Guro: ______________________

B. TUKLASIN
MAGSANAY TAYO:
Panuto: Basahing mabuti ang sanaysay. Sagutin nang mahusay ang mga pagsasanay.

Ayon sa Bibliya, si Noah ay inutusan ng diyos na si Yahweh upang lumikha ng isang arko
upang iligtas ang sarili nito at ang kanyang pamilya sa isang bahang ipadadala ni Yahweh dahil
sa kasamaan ng mundo. Si Noah ay inutusan na magdala ng isang pares ng mga babae at
lalake ng lahat ng hayop sa Genesis 6:19-20. Pagkatapos na ipasok ang mga hayop, pumasok
si Noah at ng kanyang pamilya sa arko at umulan ng 40 araw at gabi. Ang ulan ay bumaha sa
buong mundo sa loob ng 150 araw at ang lahat ng nabubuhay sa mundo ay namatay. Nang
tumila na ang baha, ang arko ay lumapag sa Bundok Ararat. Sa ikasampung buwan, ang mga
tuktok ng bundok ay nakita na at si Noah ay nagpadala ng uwak at isang kalapati upang makita
kung humupa na ang baha. Muling nagpadala si Noah ng isang kalapati ngunit hindi na ito
bumalik. Pagkatapos ng mga isang taon, si Noah at ang kanyang pamilya ay lumabas sa arko.
Pagkatapos nito ay nagtayo siya ng altar at sinamba si Yahweh sa pamamagitan ng mga
inihaw na handog ng mga hayop. Si Yahweh ay nagalak sa samyo ng mga handog na ito at
nangakong hindi na muling wawasakin ang lahat ng mga buhay na nilalang.

Mga gabay na tanong:


1. Tungkol saan ang sanaysay? _____________________________________________
2. Bakit nagpagawa ng Arko ang Panginoon kay Noah? __________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Anong mga katangiang taglay ni Noah ang dapat nating tularan sa kasalukuyang pandemya?
_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________

HANDA KA NA BA?
MAGSANAY PA TAYO
C. MGA GAWAIN
Panuto: Bumuo ng tig-2 tanong batay sa mga larawan sa pagbuo ng arko ni Noah.

1-2) 3-4)
________________________________ ______________________________________
________________________________ ______________________________________

Page 10 of 23
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D2

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: __________________


Pangalan ng Guro: ___________________

5-6) 7-8)
_________________________________ _________________________________________
______________________________ ____________________________________

9-10) 11-12)
________________________________ _____________________________________
________________________________ _____________________________________

13-14)
____________________________
____________________________

Dagdag Kaalaman:
Ang iyong mababasang una at panghuling bahagi ng sanaysay-talumpati
ay nagkamit ng Pambansang Kampeon nung taong 1996 na inisponsor at
inorganisa ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), na buong
husay na binigkas ni MaryJane Garrido mula sa Pasay City West High School
bilang kalahok. Isinulat ito ni Dr. Evaristo Sobremisana sa wikang Ingles at isinalin
sa wikang Filipino ni Lt. Col. Bernardo N. Bermejo Sr..

Page 11 of 23
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D2

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: __________________


Pangalan ng Guro: ______________________
D. PAGLALAPAT
KAYANG-KAYA PA NG ISA PANG PAGSASANAY
SAGUTAN MO NA

MGA GAWAIN
Panuto: Ipabasa sa kasama sa bahay, pakinggan at suriing mabuti ang nilalaman ng sanaysay-
talumpati. Gumawa ng 10 makabuluhang tanong sa mga katwirang binibigyang-diin at
isulat sa loob ng kahon.

Hanggang hindi nakapaglilingkod ang isang nilalang sa kanyang kapwa, ay hindi nya
maaaring masabing natupad na nya ang dahilan ng pagkakalikha sa kanya at maging karapat-
dapat na mamamayan sa langit. Hanggang hindi nya naibabahagi ang kanyang kakayahan
tungo sa ikabubuti ng bayan at kaluwalhatian ng Diyos ay hindi niya maaaring angkinin na ang
kanyang buhay ay isang tagumpay.
At bilang pagwawakas, hayaan ninyong ibahagi ko ang mga pangungusap na
nagsisilbing patnubay at liwanag sa landas na aking tinatahak. Kahit na nasa akin ang
kapangyarihan at pananalig na mapakikilos ang matarik na bundok, kung wala naman akong
pag-ibig, ay wala akong silbi sa daigdig. Kahit na ang puso ko ay punung-puno ng pag-ibig
kung hindi ko naman magagamit sa mga taong kapus-palad, ang mga bagay-bagay na nasa
aking mga palad ang nakatutulad ko’y isang instrumentong walang nalilikha ay ingay. Kahit
na taglay ko pa ang karunungan ng mga propeta’t mga henyo, kung hindi ko naman
magagamit para sa kabutihan ng ating bayan at sa kaluwalhatiaan ng Diyos, hungkag ang
aking buhay.
Ako ang pinakadakilang handog ng Panginoon sa aking sarili.. Kung ano man ako na
maging sa kinabukasan, ay siya kong pinakadakilang handog sa Panginoon.
.

1)

2)

3)

4)

5)

6)

7)

8)

9)

10)

Page 12 of 23
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D2

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: __________________


Pangalan ng Guro: ______________________

E. PAGTATAYA
HANDANG-HANDA KA NA

A. Panuto: Ang pagtatayang ito ay tinatawag na HANAFILITA. Hanapin ang mga Filipinong
salita batay sa pinag-aralang paksa.

Pahalang

Pababa

Inihanda ni:
Ma. Teresa B. Nicolas
Teacher 3
Filipino 8 – Ikalawang Markahan-Unang lingo-Ikalawang
araw
Pasay City West High School

Page 13 of 23
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D3

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: __________________


Pangalan ng Guro: ______________________

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikalawang Markahan/Unang Linggo/Ikatlong Araw
LAYUNIN: Naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng balagtasan. (F8PB-IIc-d-25)
Paksa : ANG BALAGTASAN AT ANG PAGBIBIGAY NG OPINYON AT KATWIRAN

p PANIMULA ANG BALAGTASAN


A. ANG IYONG ARALIN:

Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan


Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito noong panahon na ang
Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon ng patulang pagtatalo gaya ng
Karagatan, Batutian at Duplo.
Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na sa tradisyong tulang sagutan
sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May tinatawag na patulang Balitao ang Aklanon maging ang Cebuano,
isang biglaang debate ng lalake at babae. Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang
nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at binata ang Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng
mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay sa inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng
ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang
mga tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalang-alang.
Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo ay gumaganap na nasa isang
korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na
piskal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing tagisan ng katuwiran sa
panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na debate
sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay-aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan,
talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang Balagtasan ay ginamit ng mga manunulat
upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at napapanahong mga pangyayari at
usapan.
Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat noong Marso 28,
1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay
naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o
Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2. Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong Balagtas.
Hinunlapiang “an” ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito.
Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng makata ang nagtalo na
gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina José Corazón de Jesús at Florentino
Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo na magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa dalawang kagalang-
galang na makatang ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium sa
Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon
de Jesus bilang si "Huseng Batute" dahilan sa kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan noong 1920.
Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig, naging paboritong aliwan
ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon,
gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng
Crisostan ng mga Pampango (mula sa pangalan ng Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto).
Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang mga kalahok ay
inaasahang magaling sa pag-alala ng mga tulang mahahaba at pagbigkas nito ng may dating (con todo
forma) sa publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig ( Mambabalagtas).
May mga hurado na magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang mas may makabuluhang
pangangatuwiran.
Mga Sanggunian:
Batikan/ Diksyonaryo ng Wikang Filipino
Google - Wikipedia
Kanlungan
K-12 Modyul sa Filipino-Deped
Pinagyamang Pluma/ Talastasan

Page 14 of 23
Mga Sanggunian:
Batikan
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D3

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: __________________


Pangalan ng Guro: ______________________

Humanda sa pagbibigay ng opinyon at katwiran sa mga susunod


na pagsasanay. Ngunit bago ka sumagot ng mga gawain, iyo
munang alamin ang kahulugan ng opinyon at katwiran.

Opinyon – Anumang palagay na bunga ng paghahaka o hinagap;


sariling kuru-kuro tungkol sa mga bagay-bagay; palagay.
Katwiran – Paglalahad ng paliwanag tungkol sa anumang bagay na
ginawa, sinabi o isinaisip ninuman

B. TUKLASIN
MAGSANAY TAYO
Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat sa kahon ang sagot.
Ano ang Balagtasan?

Bakit mahalaga ang mga tauhan? (Lakandiwa at Mambabalagtas)

Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Balagtasan sa ating


bansa?

HANDA KA NA BA?
MAGSANAY PA TAYO
C. MGA GAWAIN
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pyesang pambalagtasan sa ibaba. Pagkatapos ay
sagutin ang mga pagsasanay.

DAPAT BA O HINDI DAPAT ISABAY ANG PANLILIGAW SA PAG-AARAL?


sa panulat ni Rafael A. Pulmano
LAKANDIWA:
Isang mapagpalang araw ang malugod na handog
DAPAT:
ko
Sa lahat ng Pilipinong nagkalat sa buong mundo (Unang Tindig)
Mayrong isang katanungan na natanggap ang Nang ang tao sa daigdig ay nilikha ng
lingkod n’yo Maykapal,
Apurahang naghahanap ng sagot sa tanong na ‘to. Magkasamang nilangkapan ng damdamin at
isipan
DAPAT BA O HINDI DAPAT PAGSABAYIN ANG Kung di dapat pagsabayin ang mag-aral at
DALAWA: manligaw,
ANG MAG-ARAL AT MANLIGAW? DAPAT O HINDI Sana’y isip na lang muna ang sa tao’y
DAPAT? ibinigay.
Sa nais na makisali, ang tanghalan ay bukas na
Ipahayag ang katwiran nang marinig ng balana.

Page 15 of 23
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D3

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: __________________


Pangalan ng Guro: ______________________
Sa tahanan una munang namumulat sa pag-ibig, Kabataan mag-aaral, isipin ang kasabihan,
Ang sanggol na laging kupkop ng ina sa kanyang Hindi pwedeng magkasabay na sambahi’t
paglingkuran
dibdib,
Ang dalawang panginoon ang puso at isipan
Bago pa man makagapang, magsalita at Mabuti pang pag-aaral na muna ang katutukan.
magkaisip,
Daman a ang pagmamahal ng magulang at Ganito ang natutuhan sa minsang pagkakamali,
kapatid. Ngunit kayong di pa huli, wag sayangin ang
sandali,
Sa eskwela hinuhubog, pinapanday ang isipan Pag-aaral ay tapusin, panliligaw ay madali
May subject na Health at PE para naman sa Lalo’t ikaw’y tagumpay na’t limpak-limpak ang
katawan, salapi.
Mayroon ding Social Studies at iba pang
pagsasanay, DAPAT:
Panliligaw samantalang nag-aaral ay maganda,
Upang maging mamamayang responsable sa
Kapwa naming natitimbang ugali ng isa’t isa,
lipunan. Kung kami ay maka-gradweyt, magtrabaho, mag-
asawa,
Kumpleto ang kurikukum upang tayo’y Sa pagharap sa dambana, walang puwang ang
makumpleto pangamba
Sa paglago ng isipan, katawan at pagkatao,
Kapag ang crush, o puppy love, o ang pana ni Ang manliligaw samantalang nag-aaral ay tama
kupido lang,
Ay dumating, bahagi ‘yan bg dapat na ikatuto. Pagkat minsan lang kami dadaan sa kabataan,
Aanhin ang kayamanan sa oras ng katandaan,
Kaya kung ang estudyante ay pumorma at Kung kulubot na ang mukha’t walang gusting
magpaligaw?
manligaw
Walang dapat ipagtaka pagkat ito ay normal lang, HINDI DAPAT
Ang binatang umiibig, ang dalagang minamahal, Maganda nga kung gagradweyt muna bago mag-
Ganado at inspirado sa kanilang pag-aaral. asawa,
Ngunit ating nababatid na di ganyan ang resulta,
LAKADIWA: Maraming di makahintay sa pagmartsa nang may
Napakinggan nating lahat ang katwirang pumapanig, toga
Na dapat daw pagsabayin, pag-aaral at pag-ibig, Dahil labis na nabuyo, sa damdamin nagpadala.
Sunod nating tatawagin upang ito’y humagupit,
HINDI DAPAT, salubungin ng palakpak na mainit! Ang ganito’y maaaring iwasan kung panliligaw
Ay di muna isasabay samantalang nag-aaral
HINDI DAPAT: (UNANG TINDIG) Prayoridad ang syang susi sa pangarap na
Sinasabing mas madali sa tao ang maging henyo, tagumpay.
Matapos na magkamali at magbunga ng di gusto,
Sa pangaral ng magulang na noon ay sinuway ko, LAKANDIWA:
Mapait na kapalaran ang inaming pagkabigo. Tumigil na kayong dal’wang umuusok na ang
tuktok,
Pagtuntong sa kolehiyo, sa kaklase’y nahalina, Sumapit na ang sandal upang tayo’y magkatapos
Mas maraming oras kaming ginugol na magkasama, Igagawad ko ang hatol, ngunit bayang nanonood
Sa halip na makatapos ay maagang nag-asawa, Palakpakan muna natin ang makatang
Kaya high school diploma lang ang pwede kong nagpanuntok!
iparanya.
Sino’ng dapat na tanghaling kampeon nitong
balagtasan,
LAKADIWA: Walang dudang kapwa sila magagaling mangatwiran,
Ngayon hirap na maghanap ng trabahong papasukan, Kaya itong aking pasya: Sila’y patas, tabla lamang,
Hirap akong matustusan ang gastusin sa tahanan, Muli nating paulanan, malutong na palakpakan .
Kung sana ay inuna ko sa halip na panliligaw
Ay nag-aral nang mabuti, mas malapit ang tagumpay. DAPAT BA O HINDI DAPAT ISABAY ANG PANLILIGAW SA PAG-AARAL?

ANG DI DAPAT
AKING
DAPAT
PASYA
AY

Page 16 of 23
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D3

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: __________________


Pangalan ng Guro: ______________________
D. PAGLALAPAT
KAYANG-KAYA PA NG ISA PANG PAGSASANAY
SAGUTAN MO NA

MGA GAWAIN
A. Panuto: Magbigay ng 5 opinyon tungkol sa binasang pyesang pambalagtasan.
Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
1)

2)

3)

4)

5)

B. Panuto: Pumili ng isang panig batay sa paksang pinagtatalunan sa balagtasan.


Suportahan mo ito ng 5 katwiran. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
1)

1)2)

3)

4)

5)

Page 17 of 23
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D3

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: __________________


Pangalan ng Guro: ______________________

E. PAGTATAYA
HANDANG-HANDA KA NA

A. Panuto: Ang pagtatayang ito ay tinatawag na HANAFILITA. Hanapin ang mga Filipinong
salita batay sa pinag-aralang paksa.

PAHALANG

PABABA

Inihanda ni:
Ma. Teresa B. Nicolas
Teacher 3
Filipino 8 – Ikalawang Markahan-Unang lingo-Ikatlong araw
Pasay City West High School

Page 18 of 23
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D4

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: __________________


Pangalan ng Guro: ______________________

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikalawang markahan/Unang linggo/Ikaapat na araw
LAYUNIN: Nakapaglalahad sa paraang pasulat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa isang argumento.
(F8PU-IIc-d-25)

Paksa 1: ANG PAGLALAHAD SA PARAANG PASULAT NG PAGSANG-AYON AT PAGSALUNGAT


SA ISANG ARGUMENTO
• PAGSANG-AYON AT PAGSALUNGAT SA PAGPAPAHAYAG NG OPINYON

p PANIMULA
A. ANG IYONG ARALIN: MGA DAGDAG PANG KAALAMAN TUNGKOL SA BALAGTASAN
Kay Francisco Balagtas iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawaging Balagtas. Hinunlapiang
“an” ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito.

May isang paksang entablado


pinagtatalunan

Mambabalagtas
Mambabalagtas

Lakandiwa

B. Mahalagang iyong mapag-aralan na sa pagbibigay ng opinyon ay maaari kang sumang-ayon


o sumalungat. Narito ang mga salitang dapat mong pag-aralan sa pagpapahayag o
paglalahad ng pagsang-ayon o pagsalungat.

Pagsang-ayon - ito ay nangangahulugan Pagsalungat – paglaban, pagtutol, di-


din ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o pagsang-ayon sa anumang sinasabi, sinulat
pakikibagay sa isang pahayag o ideya. o ginagawa ng iba.

Mga halimbawa: Mga halimbawa


Sang-ayon ako, talagang kailangan, kaisa Sumasalungat ako, ayaw ko ang pahayag
ako sa bahaging, bilib ako sa, iyan din ang na, hindi ako sang-ayon dahil, hindi ko
palagay ko, tunay na, totoong, iyan ay matatanggap, mali ang, hindi ako
nararapat, ganoon nga naniniwala, hindi totoong, ikinalulungkot ko

Page 19 of 23
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D4

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: __________________


Pangalan ng Guro: ______________________

B. TUKLASIN
MAGSANAY TAYO:
Panuto: Basahing mabuti ang sanaysay. Sagutin nang mahusay ang mga pagsasanay.
Sina Abraham at Sara ay walang anak, pero nangako si Jehova na gagawa siya ng isang malaking
bansa mula kay Abraham. Idinagdag pa ni Jehova na lahat ng pamilya sa lupa ay pagpapalain sa pamamagitan
ni Abraham. (Genesis 11:30; 12:1-3) Nang maglaon, inulit ni Jehova ang pangako niyang iyon. Sinabi niya
kay Abraham na ang kaniyang supling ay magiging kasindami ng mga bituin sa langit.—Genesis 15:5, 6.
▪ Nang 99 na taóng gulang na si Abraham at si Sara naman ay malapit nang mag-90, pinangakuan sila ni
Jehova ng isang anak na lalaki. Para sa mga tao, imposible ito. Pero di-nagtagal, napatunayan nina Abraham
at Sara na walang “lubhang pambihira para kay Jehova.” (Genesis 18:14) Pagkalipas ng isang taon, sa edad
na 100, si Abraham ay nagkaroon nga ng isang anak na lalaki, na pinangalanan niyang Isaac. (Genesis
17:21; 21:1-5) Ipinangako ng Diyos na sa pamamagitan ni Isaac, dakilang mga pagpapala ang tatamasahin ng
sangkatauhan.

▪ Pagkaraan ng ilang taon, isang di-kapani-paniwalang bagay ang hiniling ni Jehova kay Abraham: Sinabi niya
kay Abraham na ihain nito ang kaniyang minamahal na anak na si Isaac, gayong wala pa itong asawa at mga
anak.* Bagaman napakasakit nito para kay Abraham, handa pa rin niyang ihandog si Isaac. Naniniwala si
Abraham na kayang buhaying muli ng Diyos si Isaac, kung kailangan, para matupad ang Kaniyang pangako.
(Hebreo 11:19) Noong aktuwal nang ihahandog ni Abraham ang kaniyang anak, hindi ito ipinahintulot ng Diyos.
Pinuri niya si Abraham dahil sa pagiging masunurin nito. Pagkatapos, inulit ni Jehova ang kaniyang mga
pangako kay Abraham.—Genesis 22:1-18.

▪ Namatay si Abraham sa edad na 175. Sinasabi ng Bibliya na siya ay “namatay sa lubos na katandaan,” anupat
“matanda na at nasisiyahan.” (Genesis 25:7, 8) Kaya naranasan ni Abraham ang katuparan ng isa pang
pangako ng Diyos—ang magkaroon ng mahabang buhay at mamatay nang payapa.—Genesis 15:15.

Mga gabay na tanong:


1. Tungkol saan ang sanaysay? _____________________________________________
2. Ano ang iniutos ng Panginoon kay Abraham? ________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Anong mga katangiang taglay ni Abraham ang dapat nating tularan sa kasalukuyang
pandemya?
_____________________________________________________________________
______________________________________________________________________

HANDA KA NA BA?
MAGSANAY PA TAYO
C. MGA GAWAIN

Panuto: Bumuo ng opinyon gamit ang mga wastong pahayag batay sa hinihingi na nasa
panaklong.

1) 2)
Pag-utos ng Diyos upang patayin ni Abraham si Isaac Pagkakaroon ng anak nina Abraham at
(Pagsang-ayon) Sarah sa matandang gulang
(Pagsang-ayon)

________________________________ ______________________________________
________________________________ ______________________________________

Page 20 of 23
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D4

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: __________________


Pangalan ng Guro: ______________________
Paggawa ni Noah ng malaking arko (Pagsalungat) Mga Pagsubok kay Job (Pagsang-ayon)

3) 4)
_________________________________ _________________________________________
________________________________ ______________________________________
__________________________________ _________________________________________

Mahigpit na pagpapatupad ng paggamit ng Pagsabay ng pag-aaral sa pag-ibig (Pagsalungat)


face mask at face shield sa loob ng mga mall
(Pagsang-ayon)

5)_____________________________ 6)________________________
_________________________________ ________________________________
_________________________________ __________________________________
Pagkakaroon ng batas ng diborsyo sa Paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa mga
Pilipinas (Pagsalungat) nakatatanda (Pagsang-ayon

7)____________________________ 8) _______________________________________
______________________________ ________________________________
______________________________ ________________________________

Pagmamano sa Paglilimos sa
mga nakatatanda mga pulubi
(Pagsalungat)
(Pagsang-ayon)

9) ______________________________________ 10) __________________________________________


________________________________ ___________________________________
________________________________ ___________________________________

Page 21 of 23
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D4

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: __________________


Pangalan ng Guro: ______________________

D. PAGLALAPAT
KAYANG-KAYA PA NG ISA PANG PAGSASANAY
SAGUTAN MO NA

MGA GAWAIN
Panuto: Idrowing sa kahon sa kaliwang bahagi ang mukhang nakangiti kung ang
pangungusap ay nagpapahayag ng pagsang-ayon sa pangungusap at idrowing ang mukhang

malungkot kung nagpapahayag ng pagsalungat.

1} Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya tungkol sa kabutihan ng diborsyo

2) Ganoon din ang gusto kong mangyari sa ating samahan.

3) Kaisa nila ako sa mga pagbabagong nais nilang ipatupad para sa bayan.

4) Ikinalulungkot ko ngunit hindi tama ang mga sinasabi mo kanina.

5) Sang-ayon ako sa mahigpit na pagpapatupad ng pagsuot ng face mask at face shield.

6) Maling-mali talaga siya sa pagpili sa magiging lider ng ating pangkat.

7) Tunay na pinagpapala ang mga mabubuti ang puso at may nakalaang palasyo para sa
kanila.sa langit.

8) Hindi ko matatanggap ang iyong sinabi na aasa ka na lamang sa iyong mga magulang.

9) Bilib ako sa iyong sinabi na mapapalad ang mga mapagkumbaba sapagkat itataas sila
ng Panginoon.
10) Lubos akong nananalig na maibabalik din ang inalis na istasyon.

Page 22 of 23
Module Code: Pasay-F8-Q2-W1-D4

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: __________________


Pangalan ng Guro: ______________________

E. PAGTATAYA
HANDANG-HANDA KA NA

A. Panuto: Ang pagtatayang ito ay tinatawag na HANAFILITA. Hanapin ang mga Filipinong
salita batay sa pinag-aralang paksa.

PAHALANG

PABABA

Inihanda ni:

Ma. Teresa B. Nicolas


Teacher 3
Filipino 8 – Ikalawang Markahan-Unang linggo-Ikaapat na
araw
Pasay City West High School

Page 23 of 23

You might also like