You are on page 1of 23

MODULES IN

GRADE 8
QUARTER 1 – WEEK 7

Page 1 of 23
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain

Page 2 of 23
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!

Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

Page 3 of 23
NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!

Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________
Module Code-Pasay-F8-Q1-W7-D1

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Unang Araw
LAYUNIN: Nakikilala ang kahulugan ng mga piling salita / pariralang ginamit sa akdang epiko ayon
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan at talinghaga
(F8PB-Ig-h-21)

A. ARALIN : EPIKO

Tuwaang at Ang Dalaga ng Buhong na Langit

Epiko ng mga Bagobo

Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang. Tinawag niya ang
kaniyang kapatid na si Bai.

Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga. Sinabi ni
Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy, isang
bayani sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya nakikipag-usap sa mga
kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para ipatawag si
Tuwaang.

Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Kinakabahan si Bai sa maaaring

mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad
na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang kaniyang sibat at
kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan.

Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad. Sinamahan siya ng

binata ng Pangavukad sa kaniyang paglalakbay.

Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang nagbalita sa

kaniya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit.
Nagsalita ang dalaga at nakilala na nila ang isa’t isa.

Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata ng
Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Gusto siyang
pakasalan ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok.

Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga saan man siya
mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na pinagtataguan ng dalaga, kaya naghanap ang
dalaga ng pagtataguan sa mundong ito.

Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata ng
Pangumanon, balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ni Batooy.

Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga sandata. Ngunit
magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata. Tinawag ng Binata ng
Pangumanon ang kaniyang patung, isang mahabang bakal. Ito’y kaniyang ibinato at pumulupot
kay Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at namatay ang
apoy. Tinawag ni Tuwaang ang kaniyang patung at ibinato sa binata. Lumiyab ito at namatay ang
binata. Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng kaniyang
laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat.
Page 4 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________

Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panginip na darating si Tuwaang sa

Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na sumama sa paglalakbay niya;
tinanggap naman ito ng Gungutan. Tumuloy na sila sa paglalakbay.

Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng Panayangan, na

nakaupo sa gintong salumpuwit, ang Binata ng Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang
Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang
Binata ng Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita)
ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon

Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-anak ang mga
savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay ng mga
kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng babaeng ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi
mabayaran. Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang
bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong bilang
kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi (o gintong plawta) sa pangalawang
bagay.

Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang dalagang ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat
ng bisita. Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng nganga, umupo siya sa tabi ni
Tuwaang. Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay.
Ang Gungutan, samantala ay nakapatay na ng mga kasama ng binata hanggang sa anim na
lang ang natira. Nagkipaglaban ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na lamang
ay si Tuwaang at ang Binata ng Sakadna.

Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at nakita niya ang isa
sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa mundo ang binata at itinapon naman
si Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman ni
Tuwaang ang kahinaan ng binata, at pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na
nagtataglay ng buhay ng binata. Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa
kampon ni Tuwaang, sinira ni Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay.
Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari habambuhay.

Sanggunian
Kayumanggi

Page 5 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________

B. TUKLASIN

Panuto : Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may diin upang higit mong maunawaan ang
kwento. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga.

A. Bato
B. Kendi
C. Tinapay
D. Betel nut o Hitso

2. Nagbigay siya ng gintong gitara at gintong bansi bilang regalo sa kasal.

A. Gintong plato
B. Gintong singsing
C. Gintong plawta
D. Gintong sandata

3. Nakaupo ang binta sa gintong salumpuwit.

A. Kama
B. Mesa
C. Lapag
D. Upuan

4. Ibinato niya ang kanyang patung upang patayin ang kanyang kalaban.
A. Pana
B. Espada
C. Palakol
D. Bangkaw

5. Ginamit niya ang sinaunang gong upang tawaging ang mga tao.
A. Tambol
B. Batingaw
C. Gitara
D. Mikropono

C. GAWAIN

Panuto : Ibigay ang kasalungat ng mga salitang may diin sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Ang mainggitin ay hindi magandang ugali ng tao.

A. Kontento
B. Magagalitin
C. Masayahin
D. Nainisin

Page 6 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________

2. Dapat bang magkaroon ng digmaan sa pagitan ni

Tuwaang at Bai?
A. Kasiyahan C. Kaguluhan
B. Pagkakaunawaan D. Pag-aaway

3. Mabilis na sumalakay si Tuwaang sa kanyang

kalaban.
A. Umabante C. Umuwi
B. Umatras D. Sumugod

4. May tyansa kayang matalo si Tuwaang sa kanyang

huling nakalaban?
A. Tumakbo C. Tumakas
B. Manalo D. Tumalikod

5. Nagdiwang ang lahat sa tagumpay na natamo ni

Tuwaang.
A. Nagdalamhati C. Nagsaya
B. Naghanda D. Nagdaos

Page 7 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________

D. PAGTATAYA

Panuto: Bilugan ang kasingkahulugang salita o parirala sa loob ng pangungusap at isulat sa

patlang ang kasingkahulugan nito na makikita sa ibaba.

Kaharian Bilanggo
Kampilan Konseho
Pinaglamayang Patay

______________1. Ang hari ay

nagtalaga ng mga kawal sa buong
palasyo upang mabantayan ang kanyang
mga anak.

______________2. Nakaburol na ang

patay nang siya’y dumating.

______________3. Madalas mag-usap

ang mga sanggunian ng mga prinsepe sa
kaharian tungkol sa kapayapaan.

______________4. Gumamit Tuwaang

ng kanyang sandata upang matalo ang
maraming kaaway.

______________5. Naging bihag ng

kalaban si Tuwaang ngunit panandalian
lamang.

Inihanda ni: Danilo D. Hernandez Jr.

Filipino 8
Pasay City South High School

Page 8 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________
Module Code-Pasay-F8-Q1-W7-D2

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Ikalawang Araw

LAYUNIN: Nakikilala ang kahulugan ng mga piling salita / pariralang ginamit sa akdang epiko ayon
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan at talinghaga
(F8PT-Ig-h-21)

A. ARALIN : EPIKO

Tuwaang at Ang Dalaga ng Buhong na Langit

Epiko ng mga Bagobo

Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang. Tinawag niya ang
kaniyang kapatid na si Bai.

Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga. Sinabi ni
Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy, isang
bayani sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya nakikipag-usap sa mga
kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para ipatawag si
Tuwaang.

Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Kinakabahan si Bai sa maaaring

mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad
na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang kaniyang sibat at
kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan.

Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad. Sinamahan siya ng

binata ng Pangavukad sa kaniyang paglalakbay.

Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang nagbalita sa

kaniya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit.
Nagsalita ang dalaga at nakilala na nila ang isa’t isa.

Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata ng
Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Gusto siyang
pakasalan ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok.

Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga saan man siya
mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na pinagtataguan ng dalaga, kaya naghanap ang
dalaga ng pagtataguan sa mundong ito.

Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata ng
Pangumanon, balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ni Batooy.

Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga sandata. Ngunit
magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata. Tinawag ng Binata ng
Pangumanon ang kaniyang patung, isang mahabang bakal. Ito’y kaniyang ibinato at pumulupot
kay Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at namatay ang
apoy. Tinawag ni Tuwaang ang kaniyang patung at ibinato sa binata. Lumiyab ito at namatay ang
binata. Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng kaniyang
laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat.

Page 9 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________

Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panginip na darating si Tuwaang sa

Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na sumama sa paglalakbay niya;
tinanggap naman ito ng Gungutan. Tumuloy na sila sa paglalakbay.

Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng Panayangan, na

nakaupo sa gintong salumpuwit, ang Binata ng Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang
Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang
Binata ng Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita)
ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon

Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-anak ang mga
savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay ng mga
kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng babaeng ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi
mabayaran. Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang
bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong bilang
kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi (o gintong plawta) sa pangalawang
bagay.

Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang dalagang ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat
ng bisita. Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng nganga, umupo siya sa tabi ni
Tuwaang. Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay.
Ang Gungutan, samantala ay nakapatay na ng mga kasama ng binata hanggang sa anim na
lang ang natira. Nagkipaglaban ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na lamang
ay si Tuwaang at ang Binata ng Sakadna.

Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at nakita niya ang isa
sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa mundo ang binata at itinapon naman
si Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman ni
Tuwaang ang kahinaan ng binata, at pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na
nagtataglay ng buhay ng binata. Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa
kampon ni Tuwaang, sinira ni Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay.
Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari habambuhay.

Sanggunian
Kayumanggi

Page 10 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________

B. TUKLASIN

Panuto : Sagutin ang mga sumusunod ng bilang ayon sa binasang akda.

Paano ginamit ni Tuwaang ang kanyang kapangyarihan?

___________________________________________________________
_

_Maituturing bang bayani si Tuwaang? Patunayan.
___________________________________________________________
_
___________________________________________________________
_
___________________________________________________________
_
___________________________________________________________
_
___________________________________________________________
_
___________________________________________________________
_Paano natin dapat tanggapin ang mga kabiguang dumarating sa ating
buhay?
___________________________________________________________
_
___________________________________________________________
_
___________________________________________________________
_
___________________________________________________________
_
___________________________________________________________
_ Page 11 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________

C. GAWAIN

Panuto: Kailangan bang maging “Superhero” upang makatulong sa kapwa? Gamitin ang
sumusunod sa pagsagot.

OO HINDI

__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ Kailangan bang __________________
maging superhero
__________________ __________________
upang makatulong
__________________ sa kapwa? __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________

Kongklusyon
____________________________________________________________

Page 12 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________
D. PAGTATAYA

Panuto: Tukuyin ang mga kahulugan ng mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
Patlang at gamitin sa pangungsap.

Hanay A Hanay B
1. Nakaupo ang binta sa gintong A. Sandata
salumpuwit. _____

2. Ibinato niya ang kanyang patung B. Betel nut

upang patayin ang kanyang kalaban.
_____

3. Ginamit niya ang sinaunang gong C. Tambol

upang tawaging ang mga tao.
_____

4. Nagbigay siya ng gintong gitara D. Upuan

at gintong bansi bilang regalo sa kasal.
_____

5. Ang magkapatid ay ngumuya E. Bangkaw

ng nganga. _____

6 _________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
7. _________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
8. _________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
9. _________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
10 _________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Inihanda ni: Danilo D. Hernandez Jr.

Filipino 8
Pasay City South High School

Page 13 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________
Module Code-Pasay-F8-Q1-W7-D3

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Ikatlong Araw

LAYUNIN: Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: paghahawig o pagtutulad,
pagbibigay ng depinisyon, pagsusuri
(F8PS-Ig-h-22)

A. ARALIN : PAGTATALATA AT PAGPAPALAWAK NG PAKSA

Pagtatalata at Pagpapalawak ng Paksa

Ang talata ay isang malaking kathang binubuo ng mga pangungusap ng

magkakaugnay, may balangkas, may layunin at may pag-unlad ang kaisipang nakasaad
sa pinakapaksang pangungusap na maaaring lantad o di-lantad. Layunin ng isang talata
ang makapaghatid ng isang ganap na kaisipan sa tulong ng mga pangungusap na
magkakaugnay.

Upang maging mabisa ang isang talata, ito ay dapat na may isang paksang diwa,
buong diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad at may tamang pagkakaugnay at
pagkakasunod ng mga kaisipan.

May iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan ng komposisyon. Una ay ang
panimula. Ito ang nasa unahan na isang komposisyon. Dito nakasaad ang paksa na nais
talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang ipinaliliwanag, isinasalaysay,
inilalarawan o binibigyang katwiran. Sumunod ay ang gitnang talata o talatang ganap. Ito
naman ang nasa gitnang bahagi ng isang komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o
palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo ito ng mga sumusuportang ideya upang
ganap na matalakay ang paksang nais bigyang linaw ng mga manunulat. Ang huli ay ang
wakas o talatang pabuod. Ito naman ang kadalasang pangwakas ng isang komposisyon.
Dito nakasaad ang mahahalagang kaisipang nabanggit sa gitnang talata. Minsan
ginagamit ito upang bigyang-linaw ang kabuoan ng komposisyon.

Sa pagsulat ng talata, mahalaga ring mabigyang pansin ang pagpapalawak ng

paksa upang higit na maging mabisa at maliwanag ang pagsusulat o paglalahad. May
iba’t ibang paraan o teknik ang ginagamit sa pagpapalawak ng paksa, ito ang mga
sumusunod:

1. Pagbibigay-katuturan o Depinisyon
May mga salitang hindi agad-agad maintindihan kaya’t kailangang bigyan ng
depisisyon. Ito’y mga bagay o kaisipang nangangailangan ng higit na masaklaw na
pagpapaliwanag. Ang kaurian, kaantasan at kaibahan ng mga salitang ito ay binibigyang
diin sa pagbibigay ng depinisyon. Halimbawang ang salitang binibigyang katuturan ay
pag-ibig sa bayan, kailangang maipaliwanag kung anong uri ng damdamin ito nabibilang,
nasa anong antas ng katindihan ito, at ano ang kaibahan nito sa ganoong uri ng
damdamin. Sa ganito ay hindi na maipagkakamali ang pag-ibig sa bayan sa ordinaryong
damdaming pagmamahal.

Sanggunian
Kayumanggi

Page 14 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________

2. Paghahawig o Pagtutulad
May mga bagay na halos magkapareho o nasa iisang kategorya. May mga bagay
rin naming magkakaiba. Samakatiwid, ang mga bgay na magkakatulad ay
pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang mga tiyak na katangian, samantalang
ang mga magkakaiba at pinagtatambis naman upang maibukod ang isa’t isa.

3. Pagsusuri
Ang pagsusuri ay nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuoan ng
isang bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa.
Samakatuwid, dahil masaklaw ito, higit na madaling maintidihan ang kalikasan ng isang
bagay sa pamamagitan ng pagsusuri. Magandang halimbawa nito ang konsepto ng isang
akdang pampanitikan. Dito dapat talakayin ang kaugnayan ng mga bahagi ng akdang
pampanitikan tulad ng tauhan, tagpuan, banghay at layunin ng pagkakasulat nito.

Sanggunian
Kayumanggi

B. TUKLASIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ano ang talata?

___________________________________________________________________

Page 15 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________

Ano ang layunin ng pagsulat nito?

___________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
_

Bakit mahalagang balikan ang mga kaisipan tungkol sa pagtatalata?

___________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
_

Paano nakatutulong sa pagsulat ng talata ang pagpapalawak ng kaalaman

sa paksang tinatalakay?
___________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
_
Page 16 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________

Paano naiba ang bawat teknik sa bawat isa?

___________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
C. _
GAWAIN

Panuto: Isulat ang hinihingi ng mga sumunod na bilang. Piliin ang sagot sa ibaba.

Pagbibigay-katuturan o Depinisyon Gitnang Talata

Panimula Pagsusuri
Wakas Paghahawig o Pagtutulad

_______________1. May mga bagay na halos

magkapareho o nasa iisang kategorya.

_______________2. . Ito’y mga bagay o kaisipang

nangangailangan ng higit na masaklaw na
pagpapaliwanag.

_______________3. Ito ay may tungkuling paunlarin o

palawakin ang pangunahing paksa

_______________4. Nagpapaliwanag hindi lamang ng

mga bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi pati na
rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa.

_______________5. Dito nakasaad ang paksa na nais

talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang
ipinaliliwanag

Page 17 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________

D. PAGTATAYA

Panuto: Ang pagpapalawak ng paksa ay isang gawaing nagpapakita nang malawak na

kaalaman tungkol sa isang tiyak na bagay. Ngayong marami ka nang alam
tungkol sa akdang pampanitikang lumaganap sa panahon ng ating mga ninuno
gaya ng karunungang-bayan at mga kuwentong-bayan ay ipakita mo kung gaano
nakalawak ang iyong kaalaman tungkol dito batay sa teknik na makikita mo sa
diagram. Pumili lamang ng isang uri ng akdang pampanitikang bibigyang-diin.

Pagbibigay ng sariling depenisyon sa akdang pampanitikang napili

______________________________________________________

___

Pagtutulad nito sa iba pang sinaunang akdang pampanitikan

______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
___

Kaibahan nito sa iba pang sinaunang akdang pampanitikan

______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
___

Pagsusuri sa iba pang katangian sa akdang napili

______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
___

Inihanda ni: Danilo D. Hernandez Jr.

Filipino 8
Pasay City South High School

Page 18 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________
Module Code-Pasay-F8-Q1-W7-D4

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan / Ikapitong Linggo / Ikaapat Araw

LAYUNIN: Naisusulat ang talatang binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap,

nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan, nagpapakita ng simula, gitna at wakas
(F8PU-Ig-h-22)

A. ARALIN : PAGTATALATA AT PAGPAPALAWAK NG PAKSA

Pagtatalata at Pagpapalawak ng Paksa

Ang talata ay isang malaking kathang binubuo ng mga pangungusap ng

magkakaugnay, may balangkas, may layunin at may pag-unlad ang kaisipang nakasaad
sa pinakapaksang pangungusap na maaaring lantad o di-lantad. Layunin ng isang talata
ang makapaghatid ng isang ganap na kaisipan sa tulong ng mga pangungusap na
magkakaugnay.

Upang maging mabisa ang isang talata, ito ay dapat na may isang paksang diwa,
buong diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad at may tamang pagkakaugnay at
pagkakasunod ng mga kaisipan.

May iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan ng komposisyon. Una ay ang
panimula. Ito ang nasa unahan na isang komposisyon. Dito nakasaad ang paksa na nais
talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang ipinaliliwanag, isinasalaysay,
inilalarawan o binibigyang katwiran. Sumunod ay ang gitnang talata o talatang ganap. Ito
naman ang nasa gitnang bahagi ng isang komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o
palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo ito ng mga sumusuportang ideya upang
ganap na matalakay ang paksang nais bigyang linaw ng mga manunulat. Ang huli ay ang
wakas o talatang pabuod. Ito naman ang kadalasang pangwakas ng isang komposisyon.
Dito nakasaad ang mahahalagang kaisipang nabanggit sa gitnang talata. Minsan
ginagamit ito upang bigyang-linaw ang kabuoan ng komposisyon.

Sa pagsulat ng talata, mahalaga ring mabigyang pansin ang pagpapalawak ng

paksa upang higit na maging mabisa at maliwanag ang pagsusulat o paglalahad. May
iba’t ibang paraan o teknik ang ginagamit sa pagpapalawak ng paksa, ito ang mga
sumusunod:

1. Pagbibigay-katuturan o Depinisyon
May mga salitang hindi agad-agad maintindihan kaya’t kailangang bigyan ng
depisisyon. Ito’y mga bagay o kaisipang nangangailangan ng higit na masaklaw na
pagpapaliwanag. Ang kaurian, kaantasan at kaibahan ng mga salitang ito ay binibigyang
diin sa pagbibigay ng depinisyon. Halimbawang ang salitang binibigyang katuturan ay
pag-ibig sa bayan, kailangang maipaliwanag kung anong uri ng damdamin ito nabibilang,
nasa anong antas ng katindihan ito, at ano ang kaibahan nito sa ganoong uri ng
damdamin. Sa ganito ay hindi na maipagkakamali ang pag-ibig sa bayan sa ordinaryong
damdaming pagmamahal.

Sanggunian
Kayumanggi

Page 19 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________

2. Paghahawig o Pagtutulad
May mga bagay na halos magkapareho o nasa iisang kategorya. May mga bagay
rin naming magkakaiba. Samakatiwid, ang mga bgay na magkakatulad ay
pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang mga tiyak na katangian, samantalang
ang mga magkakaiba at pinagtatambis naman upang maibukod ang isa’t isa.

3. Pagsusuri
Ang pagsusuri ay nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuoan ng
isang bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa.
Samakatuwid, dahil masaklaw ito, higit na madaling maintidihan ang kalikasan ng isang
bagay sa pamamagitan ng pagsusuri. Magandang halimbawa nito ang konsepto ng isang
akdang pampanitikan. Dito dapat talakayin ang kaugnayan ng mga bahagi ng akdang
pampanitikan tulad ng tauhan, tagpuan, banghay at layunin ng pagkakasulat nito.

Sanggunian
Kayumanggi

B. TUKLASIN

Panuto: Sumulat ng talatang naglalahad ng sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan at

opinyong nakapaloob sa akdang binasa “Tuwaang at Ang Dalaga ng Buhong ng
Langit” kung totoo o hindi totoo at may pagbabatayan o kathang isip lamang ang mga
ito.

____________________________________________________________________

Page 20 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

C. GAWAIN

Panuto: Sumulat ng isang mahabang sanaysay na pinagkukumpara ang ating

katutubong kultura at ang kulturang kinasasanayan mo sa kasalukuyan.
Maaaring gawing batayan para sa sanaysay na ito ang isyu katulad ng paniniwala
na naging sibilisado lamang ang Pilipinas nang sakupin ng mga dayuhan at ang
pananaw na walang orihinal na mga ideya ang mga Pilipino at madalas lamang
tayong manggaya dahil wala tayong kuturang hindi hiram.

Paniniwala na naging sibilisado lamang ang Pilipinas nang

sakupin ng mga dayuhan
_______________________________________________________

Page 21 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________

Paniniwala na naging sibilisado lamang ang Pilipinas nang

sakupin ng mga dayuhan
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

D. PAGTATAYA

Panuto: Sumulat ng mga talatang nagpapahayag ng iyong sariling palagay tungkol sa

mga sinaunang uri ng panitikang Pilipino. Sabihin kung anong naging
magandang bunga o epekto nito sa buhay ng mga Pilipino noon maging hanggang
sa kasalukuyan. Ito ang gawaing isasagawa mo bilang bahagi ng adbokasiyang
buhayin at paunlarin ang sinaunang uri ng panitikang Pilipino gaya ng
karunungang-bayan, alamat, kuwentong-bayan at epiko. Isaalang-alang ang
natutuhan sa pagtatala at pagpapalawak ng paksa para sa gawaing ito.

Page 22 of 23
Pangalan: ________________________________ Taon at Pangkat: _____________
Guro: ________________________________

Panitikang Pilipino Noon at Ngayon

________________________________________________________
_____________________________________________________________

Rubriks sa pagsulat:
5-higit na inaasahan 4-nakamit ang inaasahan 3-bahagyang nakamit 2-hindi nakamit 1-walang napatunayan
Kategorya : Nilalaman, kaugnayan sa tema, paggamit ng mga sailta.

Inihanda ni: Danilo D. Hernandez Jr.

Filipino 8
Pasay City South High School

Page 23 of 23

You might also like