You are on page 1of 23

MODULES IN

GRADE 8
QUARTER 2 – WEEK 6

Page 1 of 23
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain

Page 2 of 23
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!


Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

Page 3 of 23
NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!


Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D1

Pangalan: _______________________________________Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikalawang Markahan/ Ikaanim na Linggo/ Unang Araw

LAYUNIN:Naihahambing ang anyo ng tulang binasa sa iba pang anyo ng tula. .


F8PB-Iii-j-28

Paksa: Anyo ng tula.

A: PANIMULA
Mga Anyo ng Tula
Uri ng Taludtod

1. Tradisyunal - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may
matalinghagang kahulugan.

HALIMBAWA:
Sa Huling Silahis
ni: Avon Adarna

1
Inaabangan ko doon sa Kanluran,
Ang huling silahis ng katag-arawan,
Iginuguhit ko ang iyong pangalan,
Sa pinong buhangin ng dalampasigan.

2
Aking dinarama sa hanging habagat,
Mga alaala ng halik mo’t yakap,
Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap,
Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.

3
Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo,
Ang iyong larawan at mga pagsuyo,
Ang lungkot ng diwa’t dibdib pati puso,
Sa kutim na ulap nakikisiphayo!

4
Sa pag-aagawan ng araw at buwan,
At pagkapanalo nitong kadiliman
Ay nakikibaka ang kapighatian,
Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.

5
Ang iyong pag-iral, hindi na babalik,
Kahit na ako’y lubos na tumangis
Pag-ibig na lamang na igting na nais
Ang makakapiling sa huling silahis.

Mga Sanggunian:
Online: departmax.com, gograph.com, clipartart.com,hiclipart.com,istockphoto.com,webstockreview.net

Page 4 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D1

Pangalan: _______________________________________Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: _______________________________

2. Berso Blangko - tulang may sukat bagamat walang tugma o kaya naman ay
may tugma ngunit walang sukat.

HALIMBAWA:
Teodoro E. Gener
Maliit na Bato

Isang munting bato ang aking nadampot!…


Nang ako’y mapuno ng duming alabok,
Ay ipinukol ko agad na padabog
Na taglay sa puso ang sama ng loob…

Nang aking ipukol ay tumama naman


Sa lalong malaking bato sa may pampang;
Sa lakas ng tama’y dagling umilandang,
Nagbalik sa aki’t ako ang nasaktan

Di ko akalaing yaong munting bato


Na tinatapakan ng sino mang tao,
Sa di sinasadyang pagmamalikot ko’y
Batuhin ang biglang naghagis na ako…

Mandin ay totoong ang lahat sa lupa


Ay may katutura’t kagamitang pawa;Ang bato, kung batong sinlambot ng luha,
Sa palad ng tao’y tatalsik, tatama.

2. Malayang taludturan - tulang walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng


tulang ito ay siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng
pagbabago ng mga kabataan. Ito ay isang uri ng tula na walang sinusunod na
patakaran kung hindi ang anumang naisin ng sumusulat. Ito ay ang anyo ng
tula na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla.

HALIMBAWA:
Pandesal sa Umaga

Tuwing umaga si Nena ay nagtitinda,


“Pandesal kayo diyan, pandesal sa umaga”.
Pagkatapos magtinda, siya ay nagpapaligo pa,
Ng kaniyang kapatid na may diperensiya.

Habang papasok sa eskwela,


Tindahan ng sapatos ay dinudungaw niya,
Ang presyo nito ay hindi niya kaya,
“Isang araw mabibili din kita” sambit niya.

Kinabukasan, “pandesal kayo diyan, pandesal sa umaga”


Ang bungad ni Nena, na may ngiting hindi maipinta.
Pagkatapos magtinda, siya ay nagpapaligo pa,
Ng kaniyang kapatid na may diperensiya.

Pagpasok sa eskwela, suot suot na


Ang sapatos na dinudungaw niya,
Salamat kay Ma’am, na nagbigay sa kanya,
Ng bagong sapatos na noon pa lamang, pinangarap na niya.

Page 5 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D1

Pangalan: ________________________________________Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________

B. TUKLASIN
Isulat sa patlang kung ang mga piling saknong ng tula ay nasa anyong Tradisyonal,
Berso Blangko o Malayang taludturan at isulat sa loob ng kahon ang maikling paliwanag.

1. Makabuhay ni Lope K. Santos - ____________________

Lubid kang luntiang sa gubat nanggaling, PALIWANAG:


Sa bakod ng dampa’y naging salang baging…
Dahil sa dagta mong may pait na lihim,
Hayop man o tao’y takot kang sagiin.

2. Buhay sa Dilim - ____________________

Hindi inaashang sa putikan babagsak PALIWANAG:


Bunga ng kagipitan,doon nagtampisaw
Bubot na katawan, ginawang kalakal
Salaping ibinabayad, pikit matang tinatanggap

3. Dugo at Laya ni R. Alejandro - ____________________


Tanging lalaki kang nagmahal sa bayan PALIWANAG:
Na ang sinandata’y panitik na tangan…
Nang ikaw’y barilin ng mga kaaway
Dugo mo ang siyang sa laya’y umilaw!

4. Aking Ulap ni Amado. V. Hernadez - ____________________

Lunday ka ng aking sanlibong pangarap, PALIWANAG:


Sa dagat na langit ay lalayag-layag;
Sa lundo ng iyong dibdib na busilak,
May buhay ang aking nalantang bulaklak.

5. Guro - ____________________

Sila’y nagsisilbing liwanag sa dilim PALIWANAG:


Kahit gaano kahirap ay patuloy na gumagabay
Sa bagong mundo’y nakikipagsabayan
Para sa kapakanan ng bawat mag-aaral

Page 6 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D1

Pangalan: ________________________________________Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________

C. PAGLALAHAT
TANDAAN!

Ngayong natapos na ang aralin ay natutuhan kong:

1. Ang mga anyo ng tula ay _____________,_______________, at ______________.


2. Ang Tradisyonal na tula ay ____________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
3. Ang Berso Blangko naman ay _________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
4. Ang Malayang taludturan naman ay ____________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
5. Kung papipiliin naman ako ay mas nais kong isulat ang nasa anyong __________________
Dahil ____________________________________________________________________
________________________________________________________________________.

D. PAGTATAYA

Basahin ang tula sa ibaba. Ihambing ang binasang tula sa iba pang tula na inyong
nabasa batay sa anyo ng tulang mayroon ito. Isulat ang inyong paghahambing sa
grapikong pantulong sa ibaba.

Para sa mga Frontliner


Ni Junaif Ampatua

Kulang ang salitang “salamat”


Bilang papugay sa lahat ng inyong hirap
Itong sakunang nangyari’y di inaasahan
Ngunit sa inyo kami ngayon nakapasan

Ilang buhay man ang nanganib,


Ilang buhay din ang iyong nasagip,
Ilang buhay man ang sa inyo’y nasawi
Sa amin kayo’y mananatiling bayani!

Page 7 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D1

Pangalan: ________________________________________Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________

Alam naming di ito ang dapat


Na hantungan at katapusan nating lahat
Kaya naman lubos ang paghanga
Aming mga bagong mandirigma!

Inyong baunin sa laban, aming mga panalangin


Pati na ang pag-asang, lahat ay aayos din
Sinubok na tayo noon at dati pa
Ngunit walang makakatinag sa pusong Maharlika

Dugo ng mga bayani sa ugat nati’y nanalaytay


Likas na sa atin ang pagiging matibay
Para sa mga taong nasa unahan
Padayon! Kasama kami sa inyong laban!

Tulang binasa Iba pang nabasang tula


“Para sa mga Frontliner” __________________________
(5 Puntos) (Pamagat) (5 Puntos)

Inihanda ni: Junneth Ann Marie R. Ditan


Filipino 8, Ikalawang Markahan
Pasay City East High School

Page 8 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D2

Pangalan: __________________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: __________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikalawang Markahan/ Ikaanim na Linggo/ Ikalawang Araw

LAYUNIN: Naihahambing ang sukat ng tulang binasa sa iba pang tula.


F8PB-Iii-j-28

Paksa: Sukat ng tula.

Sukat ng Tula

Sukat– ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang


saknong.

Mga uri ng sukat

1. Aaniming pantig

HALIMBAWA:
Ako ay may lobo
Lumipad sa langit

A/ko/ ay/ may/ lo/bo/


1 2 3 4 5 6
Lu/mi/pad/ sa/ la/ngit/
12 3 4 5 6

2. Wawaluhing pantig

HALIMBAWA:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loo bang kaliskis

Is/da/ ko/ sa/ Ma/ri/ve/les/


1 2 3 4 5 6 7 8
Na/sa/ lo/ob/ ang/ ka/lis/kis/
1 2 3 4 5 6 7 8

3. Lalabindalawahing pantig

HALIMBAWA:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat

Ang/ la/ki/ sa/ la/yaw/ ka/ra/ni/wa’y/ hu/bad/


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12
Sa/ ba/it/ at/ mu/ni/, sa/ ha/tol/ ay/ sa/lat/
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

Mga Sanggunian:
Online: departmax.com, gograph.com, clipartart.com,hiclipart.com,istockphoto.com,webstockreview.net

Page 9 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D2

Pangalan: ________________________________________Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________

4. Lalabing-animing pantig

HALIMBAWA:
Sari-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis,
Ang naroon sa loobang may bakod pa ang paligid

Sa/ri/-sa/ring/ bu/ngang/ka/hoy/, hi/nog/ na/ at/ ma/ ta / ta /mis,/


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
Ang/ na/ro/on/ sa/ lo/o/bang/ may/ ba/kod/ pa/ ang/ pa/ li /gid/
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 14 14 15 16

5. Lalabingwaluhing pantig
HALIMBAWA:
Tumutubong mga palay, gulay, at maraming mga bagay,
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay

Tu/mu/tu/bong/ ma/nga/ pa/lay/, gu/lay/, at/ ma/ra/ming/ ma/nga/ ba/gay/,


1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18
Na/ro/on/ din/ sa/ lo/o/bang/ may/ ba/kod/ pang/ ka/hoy/ na/ ma/la/bay/
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18

KARAGDAGAN:

• Ang salitang “mga” ay may bilang na dalawang pantig dahil ito ay binabasa sa
paraang “ma-nga”.
• Ang mga tulang may lalabindalawahing pantig at lalabingwaluhing ay may sesura
o hati na nangangahulugang saglit na paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat
ikaanim na pantig.
• Noong panahon ng Hapon, may tulang dinala rito ang mga Hapones. Ito ang
tinatawag na Haiku, na may limang pantig lamang sa loob ng isang saknong at
Tanaga na may pitong pantig sa loob ng isang saknong.

B. TUKLASIN

Isulat sa patlang ang tamang bilang ng pantig ng bawat tulang nasa ibaba.
Sa ilalim naman ng kahon ay isulat ang tamang pagpapantig.

______1.
Sa bawat na takipsilim
Bagong umaga’y darating
___________________________________________________
___________________________________________________

Page 10 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D2

Pangalan: ________________________________________Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: ________________________________

_____2. Lahat ng problema’y masosolusyunan,


Kung ang bawat isa ay nagtutulungan

_____________________________________________________

_____________________________________________________

_____3. Pag-aalinlangan sa iyong isip ay dapat mong alisin,


Ito ay magiging hadlang lamang sa iyong mga naisin

________________________________________________
________________________________________________
_____4.
Patuloy na bumabangon,
Kalimutan ang kahapon
____________________________________________________

____________________________________________________

_____5.
Kayang abutin ang lahat ng iyong mga pangarap,
Sa bawat gagawin lamang ay palaging magsumikap

_____________________________________________________

____________________________________________________

C. KAYA MO YAN!

Gamit ang bawat ay lumikha ka ng isang tula na mayroong lalabindalawahing pantig.


Sundin ang pamantayan sa pagsulat ng iyong tula.

PAMANTAYAN:
5 4 3 2 1
Ang nilalaman ng tula ay kaugnay sa larawang ibinigay.

Ang isinulat na ay mayroong lalabindalawahing pantig.

Ang isinulat na tula ay nasa wastong balarila o


gramatika.

5 – Pinakamahusay 3 – Katamtamang husay 1 – Hindi nakamit ang


4 – Mahusay 2 – Hindi masyadong nakamit ang pamantayan
Pamantayan

Page 11 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D2

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: _______________________________

1. ___________________________________________________
__________________________________________________.

2. ___________________________________________________
__________________________________________________.

3. ___________________________________________________
__________________________________________________.

D. PAGTATAYA

Basahin ang tula sa ibaba. Ihambing ang binasang tula sa iba pang tula na inyong
nabasa batay sa sukat ng tulang mayroon ito. Isulat ang inyong paghahambing sa
grapikong pantulong sa ibaba.

Para sa mga Frontliner


Ni Junaif Ampatua

Kulang ang salitang “salamat”


Bilang papugay sa lahat ng inyong hirap
Itong sakunang nangyari’y di inaasahan
Ngunit sa inyo kami ngayon nakapasan

Ilang buhay man ang nanganib,


Ilang buhay din ang iyong nasagip,
Ilang buhay man ang sa inyo’y nasawi
Sa amin kayo’y mananatiling bayan

Page 12 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D2

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: ______________________________

Alam naming di ito ang dapat


Na hantungan at katapusan nating lahat
Kaya naman lubos ang paghanga
Aming mga bagong mandirigma!

Inyong baunin sa laban, aming mga panalangin


Pati na ang pag-asang, lahat ay aayos din
Sinubok na tayo noon at dati pa
Ngunit walang makakatinag sa pusong Maharlika

Dugo ng mga bayani sa ugat nati’y nanalaytay


Likas na sa atin ang pagiging matibay
Para sa mga taong nasa unahan
Padayon! Kasama kami sa inyong laban!

Tulang binasa Iba pang nabasang tula


“Para sa mga Frontliner” __________________________
(5 Puntos) (Pamagat) (5 Puntos)

Inihanda ni: Junneth Ann Marie R. Ditan


Filipino 8, Ikalawang Markahan
Pasay City East High School

Page 13 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D3

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: ______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikalawang Markahan/ Ikaanim na Linggo/ Ikatlong Araw

LAYUNIN: Naihahambing ang anyo at mga elemento (tugma) ng tulang binasa sa iba pang
anyo ng tula. F8PB-IIi-j-28

Paksa: Paghahambing sa tugma ng tulang binasa sa iba pang tula.

A: PANIMULA
Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag
ang damdamin sa malayang pagsusulat. Binubuo ang tula ng mga saknong at
taludtod. Samakatuwid, ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng
damdamin ng isang tao.
Ang Tugma Bilang Elemento ng Tula
Ano ang tugma? Ito ay isa sa mahalagang elementong nagbibigay ng higit
na rikit o ganda sa isang tula dahil sa pagkakaroon ng pagkakapareho o
magkakasintunog.
Ang tugma ay isang katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa
tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita
ng bawat taludtod ay magkakasintunog.
Lubha itong nakagaganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbibigay sa tula
ng angkin nitong himig o indayog.
Mga Uri ng Tugma
1. Tugma sa patinig (TUGMAANG GANAP)

Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob
ng isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
Ang mga taludtod ay nagtatapos sa patinig o impit na tunog at sa gayon ay
mayroong ganap na pagkakatugmaan ang huling pantig ng mga taludtod ng tula.

a a a
Hal: Mahirap sumaya
a a b Ang taong may sala
a b a
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
a b b Minsa;’y nalilimot ang wastong ugali

Sanggunian:
http://www.slideshare.net/Mdaby/kahulugan-ng-tula-at
http://www.slideshare.net/KairaGo/elemento-ng-tula
Pluma 7 pahina 257
http://vylhphilippines.blogspot.com/2020/04/para-sa-mga-frontliner-isang-tulang.html

Page 14 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D3

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: ______________________________

2. Tugmaang Di Ganap
May magkakaparehong patinig sa huling pantig o dalumpantig subalit
nagkakaiba ang huling katinig sa bawat taludtod.
Hal:
Pinipintuho kong bayan ay paalam
Lupang iniirog ng sikat ng araw
Mutyang mahalaga sa dagat Silangan
Kaluwalhatiang sa ami’y pumanaw

B. TUKLASIN
Piliin sa loob ng bilog ang katunog na huling pantig ng mga salita sa bawat
bilang. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Bahay Paraan
Bagyo Salat
Kalahati Tama Hakot
Aanihin Masipag Bitaw

1. Bahagi

2. Bago

3. Luma

4. Sulat

5. Kamay

6. Maagap

7. Takot

8. Sayaw

9. Katawan

10. Hangin

Page 15 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D3

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: ______________________________

C. MGA GAWAIN

GAWAIN 1: KAYA MO ITO


Umisip ng salita na maaaring itugma sa mga salita sa bawat bilang batay sa
tugmaang ganap at di ganap.

TUGMAANG GANAP TUGMAANG DI-GANAP

1. Bisyo - 1.Kapalit -

2. Kaklase - 2. Simbahan -

3. Sinta - 3. haplos -

4. Bumili - 4. Papel -

5. Bunga - 5. Talim -

D. PAGLALAHAT

TANDAAN!

Ang tugma ay isa sa mahalagang elementong nagbibigay ng higit na rikit o


ganda sa isang tula dahil sa pagkakaroon ng pagkakapareho o magkakasintunog.
May dalawang uri ng tugma.
1. Tugma sa patinig (TUGMAANG GANAP)

Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob
ng isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
Ang mga taludtod ay nagtatapos sa patinig o impit na tunog at sa gayon ay
mayroong ganap na pagkakatugmaan ang huling pantig ng mga taludtod ng tula.
2. Tugmaang Di Ganap
May magkakaparehong patinig sa huling pantig o dalumpantig subalit
nagkakaiba ang huling katinig sa bawat taludtod.

GAWAIN 2:

Kayang-Kaya Mo Ito!

Guhitan ang mga salitang magkakatugma at tukuyin kung anong uri ng tugmaan
mayroon ang bawat saknong sa bawat bilang. (2 Puntos sa bawat bilang)

Page 16 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D3

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: ______________________________

1. Pakinggan mo aking bunso itong mga sasabihin


Na sa aking katandaa’y parang huling habilin
Sa puso mo ay ingatan, at sa diwa’y kandilihin
Balang araw ay tutubot parang utang na singilin

URI NG TUGMAAN :
2. May isang lupain sa dakong Silangan
Na nag-aalaga ay sikat ng araw
Kaya napatanyag ay sa kagandahan
At napabalita sa magandang asal
URI NG TUGMAAN :

3. Wala na, ang gabi ay lambong ng luksa,


Panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
Ni ibon, ni tao’y hindi matuwa.
URI NG TUGMAAN :

4. Ang hiling ko lamang, bago paliparin


ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo’t paulo’y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
URI NG TUGMAAN :

5. At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,


matangay ng iba o kaya’y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!

URI NG TUGMAAN :

E. PAGTATAYA
Basahin ang tula sa ibaba. Ihambing ang binasang tula sa iba pang tula na inyong
nabasa batay sa tugma at uri ng tugmaan mayroon ito. Isulat ang inyong paghahambing sa
grapikong pantulong sa ibaba.

Para sa mga Frontliner


Ni Junaif Ampatua

Kulang ang salitang “salamat”


Bilang papugay sa lahat ng inyong hirap
Itong sakunang nangyari’y di inaasahan
Ngunit sa inyo kami ngayon nakapasan

Page 17 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D3

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: ______________________________

Ilang buhay man ang nanganib,


Ilang buhay din ang iyong nasagip,
Ilang buhay man ang sa inyo’y nasawi
Sa amin kayo’y mananatiling bayani!

Alam naming di ito ang dapat


Na hantungan at katapusan nating lahat
Kaya naman lubos ang paghanga
Aming mga bagong mandirigma!

Inyong baunin sa laban, aming mga panalangin


Pati na ang pag-asang, lahat ay aayos din
Sinubok na tayo noon at dati pa
Ngunit walang makakatinag sa pusong Maharlika

Dugo ng mga bayani sa ugat nati’y nanalaytay


Likas na sa atin ang pagiging matibay
Para sa mga taong nasa unahan
Padayon! Kasama kami sa inyong laban!

Tulang binasa Iba pang nabasang tula


“Para sa mga Frontliner” __________________________
(5 Puntos) (Pamagat) (5 Puntos)

Inihanda ni:
Claren DO. Rodolfo
Filipino 8, Ikalawang Markahan
Pasay City East High School

Page 18 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D4

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: ______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikalawang Markahan/ Ikaanim na Linggo/ Ikaapat na Araw

LAYUNIN: Naihahambing ang anyo at mga elemento (talinghaga) ng tulang binasa sa iba
pang anyo ng tula. F8PB-IIi-j-28

Paksa: Paghahambing sa talinghaga ng tulang binasa sa iba pang tula

A: PANIMULA
Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag
ang damdamin sa malayang pagsusulat. Binubuo ang tula ng mga saknong at
taludtod. Samakatuwid, ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng
damdamin ng isang tao.
Talinghaga Bilang Elemento ng Tula
Ang talinghaga ay mga salitang may malalim na kahulugan na hindi literal at
nagpapahiwatig ng nakatagong hiwaga mula sa mga salitang hindi
pangkaraniwan. Ito ang paggamit ng masining na salitang nagbibigay ng higit na
kariktan sa tula. Mga tayutay ang isa sa karaniwang ginagamit na paraan sa
pagbibigay ng talinghaga sa tula at maaari rin namang mga idyoma.
Ang mga tayutay na madalas gamitin ay ang pagtutulad, metapora,
personipikasyon, pagmamalabis at iba pa.

Halimbawa:
Agaw-buhay - naghihingalo Butas ang bulsa - walang pera
Anak-dalita - mahirap kumukulo ang tiyan - gutom

Ang buhay ay mistulang gulong Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


Ang pagtaas at pagbaba ay panapanahon dagiti’t dumagit, saanman sumuot…
Problema sa buhay tulad ng alon O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
Ikaw ay manalig, nariyan ang Poon bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!

-hango sa tulang “Ang guryon”


Ni Ildefonso Santos

Sanggunian:

https://youtu.be/SOkuNgi2LXs
Pluma 7 pahina 258

Page 19 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D4

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: ______________________________

B. TUKLASIN
Piliin sa loob ng manga ang mga salitang may malalim na kahulugan o
matalinghagang salita gayundin ang kanilang kahulugan. Isulat ito sa kahon sa
ibabang bahagi.

Balat-sibuyas

Bigo Laylay ang balikat


Duwag

Bahag ang buntot


Pusong mamon Maramdamin

Maawain
Mayaman

Makapal ang bulsa

SALITA KAHULUGAN

C. MGA GAWAIN

GAWAIN 1: KAYA MO ITO


Isulat ang matatalinghagang pahayag o salita na ginamit sa pangungusap
at ibigay ang kahulugan ng mga ito.
1. Sumasayaw ang mga puno dahil sa luwag ng mga kalsada bunga ng lockdown.

Matalinghagang pahayag/salita: ___________________________________


Kahulugan : ___________________________________________________

Page 20 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D4

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: ______________________________

2. Kumukulo ang dugo ng kapitan dahil sa mga pasaway na hindi nagsusuot ng


face mask
Matalinghagang pahayag/salita: ___________________________________
Kahulugan : ___________________________________________________

3. Ang bata sa kalye ay buto’t balat dahil sa kawalan ng makakain bunga ng


pandemya. .

Matalinghagang pahayag/salita: ___________________________________


Kahulugan : ___________________________________________________

4. Kinakailangan ni Ana na magsunog ng kilay sa kanyang pag-aaral upang makapasa sa


board exam upang maging ganap ng nurse nang makatulong sa mga naapektuhan ng
pandemya.
Matalinghagang pahayag/salita: ___________________________________
Kahulugan : ___________________________________________________

5. Ibinaon na niya sa hukay ang kaniyang galit sa kaibigan nang makita ang kalagayan nito
dahil sa sakit na covid-19.
Matalinghagang pahayag/salita: ___________________________________
Kahulugan : ___________________________________________________

D. PAGLALAHAT

TANDAAN!

Ang talinghaga ay mga salitang may malalim na kahulugan na hindi literal at


nagpapahiwatig ng nakatagong hiwaga mula sa mga salitang hindi pangkaraniwan. Ito
ang paggamit ng masining na salitang nagbibigay ng higit na kariktan sa tula. Mga
tayutay ang isa sa karaniwang ginagamit na paraan sa pagbibigay ng talinghaga sa tula
at maaari rin namang mga idyoma.
Halimbawa
Agaw-buhay - naghihingalo Butas ang bulsa - walang pera
Anak-dalita - mahirap kumukulo ang tiyan - gutom

GAWAIN 2:

Kayang-Kaya Mo Ito!
Guhitan ang matalinghagang pahayag na ginamit sa bawat saknong ng tula at
ibigay ang kahulugan nito. Isulat ito sa katabing kahon o espasyo.

Page 21 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D4

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: ______________________________

1.
Ang puso ay ostiya ng tao sa dibdib
Sa labi ng sala’y may alak ng tamis
Kapag sanay ka nang lagi sa
hinagpis
Nalalagok mo rin kahit anong pait
Mula sa tulang “Puso, ano ka?”
Ni Jose Corazon De Jesus

Ang pag-ibig ko sa iyo


2. Ay lanzones na malasa
Ganyan din ang pagsinta mong
May lamukot na ligaya

Mula sa tulang “Parang buto ng Lanzones”

3. O may mga tugtog na nagsasalita


Malungkot na boses ng nagdaralita
Pasa-bahay ka na at nagugunita’t
Parang naririnig saanman
magsadya

Mula sa tulang “May mga Tugtuging hindi


ko malimot” ni Jose Corazon De Jesus

4. May isang binatang may luha sa


mata,
May tinik sa puso, at tigib ng dusa
Ang binatang ito nang iyong Makita
Nakaramdam ka rin ng munting
balisa

Mula sa tulang “Bugtong” ni


Iňigo Ed. Regalado

Mapuputing kamay, malasutla’t


5. lambot
Kung hinahawi mo itong aking
buhok
Ang lahat ng aking dalita sa loob
Ay nalilimot ko nang lubos lubos

Mula sa tulang “kamay ng


Birhen” ni Jose Corazon De Jesus

E. PAGTATAYA
Basahin ang tula sa ibaba. Ihambing ang binasang tula sa iba pang tula na inyong
nabasa batay sa talinghagang mayroon ito. Isulat ang inyong paghahambing sa grapikong
pantulong sa ibaba.

Page 22 of 23
Module Code: Pasay F8-Q2-W6-D4

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________


Pangalan ng Guro: ______________________________

“Taliba ng Bayan”
(Para sa mga Babaeng Frontliners)
Ni Virgilio S. Almario

“Tutulaan kita, munti kong prinsesa,


Perlas ng Silangan at walang korona,
Lingkod ka ng bayang kung maalaala
Dahil nakita kang lugmok sa umaga.

Wala kang medalya, gawad o parangal


Na maitatampok sa gitna ng altar
Ngunit may dambana ang iyong larawan
Sa puso ng madlang napaglilingkuran.

Di mo man nais na maging balita


Ang pagkalinga mo sa maraming dukha
Ang malasakit mo’y taal ng adhikang
Kapwa’y damayan lalo’t may pinsala

Tunay kang taliba: Nasa unang hanay


Anuman ang panganib ang dapat labanan
Kalong mo ang musmos ng kinabukasan
Akala mo’y matandang dapat mong bayaran

Tutulaan kita hindi mo man hiling


Upang ang dibdib mo’y hindi magupiling
Tula lamang ito ngunit kung mapansin
Maligaya akong ikaw ay narating.”
Tulang binasa Iba pang nabasang tula
“Taliba ng Bayan” __________________________
(5 Puntos) (Pamagat) (5 Puntos)

Inihanda ni: Claren DO. Rodolfo


Filipino 8, Ikalawang Markahan
Pasay City East High School

Page 23 of 23

You might also like