You are on page 1of 28

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODULES
IN GRADE 5
QUARTER 2 – WEEK 7

Page 1 of 28
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing

Page 2 of 28
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!


Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito

Page 3 of 28
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!


Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Module Code: Pasay-F5-Q2-W7-D1

Pangalan:_____________________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:_______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Ikalawang Markahan/Ikapitong Linggo/Unang Araw

A Layunin: Naibibigay ang mga mahahalagang pangyayari sa


nabasang talaarawan,talambuhay at sa napanood
na dokumentaryo.

B 1. Panimula:

Ang mahahalagang pangyayari ay tumutukoy sa isang


napaka-importanteng bagay na naganap o maaaring magaganap
pa lamang sa buhay ng isang tao.

● Ang talambuhay ( mula sa pinagsamang mga salitang ‘tala’


at ‘buhay’ na may diwang ‘tala ng buhay’) o biyograpiya ay isang
anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng
isang tao hango sa mga tunay na tala,pangyayari at impormasyon.

● Ang talaarawan ay naglalaman ng personal na pangyayari sa


araw-araw na buhay ng indibiduwal. Bawat araw ay tinatala niya
ang mahahalagang pangyayari na naranasan niya. Isang
sagradong pag-aari ng indibiduwal ang talaarawan,kaya’t ito’y
kanyang itinatago.

● Ang dokumentaryo ay isang uri ng pelikula kung saan ang


kwento ay tungkol sa mga totoong tao na nakabase sa totoong
pangyayari. Ito ay madalas na ginagamit upang magpakita ng
katotohanan at realidad sa ating mundo.

Mahalagang tanong:
Paano natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa nabasang
talaarawan/talambuhay at sa napanood na dokumentaryo.

Page 4 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q2-W7-D1

Pangalan:_____________________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:_______________________________

2. Mga Gawain:
Gawain 1: Tuklasin Mo

Tanong: 1. Kilala mo ba ang taong nasa larawan?


2. Paano mo siya nakilala? Anong larangan ng isports siya nakilala?
3. Ano ang kanyang mahalagang ambag sa ating kasaysayan?

2. Basahin Mo
Basahin ang talambuhay ni Manny Pacquiao
MANNY “PACMAN” PACQUIAO
(Talambuhay)
Si Emmanuel Dapidran Pacquiao o mas kilala bilang Manny Pacquiao ay
ipinanganak noong December 17, 1978 mula sa Kibawe,Bukidnon. Ang kanyang mga
magulang ay sina Rosalio Pacquiao at Dionesia Dapidran Pacquiao. Ang kanyang mga
magulang ay naghiwalay noong siya ay nasa ika-anim na baiting pa lamang. Si Manny ay
pang-apat sa anim na magkakapatid.
Nakumpleto niya ang kanyang edukasyong pang-elementarya sa Saavedra Saway
Elem. School sa General Santos City, pero iniwan niya ang high school dahil sa
matinding kahirapan. Iniwan ang kanyang tahanan sa eded na 14 dahil sa ina na hindi
magawang sapat ang pera para suportahan ang kanyang pamilya. Noong 1995, ang
pagkamatay ng kanyang minimithi at malapit na kaibigan na si Eugene Barutag ang nag-
udyok sa kanya, noong binatilyo, para ipagpatuloy ang kanyang propesyonal na
karerang boksing.
Ikinasal si Manny Pacquiao kay Maria Geraldine Jamora o mas kilala bilang
“Jinkee” noong Enero 10,2000 at biniyayaan ng limang supling.Ang kanyang pamilya ay
nakatira sa kanilang probinsya sa General Santos City,South Cotabato,Philippines.
Ngunit dahil si Manny ay naging Kongresman ng kanilang distrito sa Saranggani,
tumutuloy siya ngayon sa Kiamba, Saranggani, na bayan ng kanyang asawa.
Si Manny ang kauna-unahang Asyano na nagkamit ng apat na World Titles sa
larangan ng boksing sa iba’t-ibang Weight Divisions.
Ang una sa pagiging IBF Super Bantamweight Champion noong ika-23 ng
Hunyo,2001.
Ang pangalawa ay ang pagkamit niya ng karangalan bilang Ring Magazines
Feather Weight Champion nang matalo niya so Marco Antonio Barrera.
Ang pangatlo ay nakamit niya ng mapatumba si Juan Manuel Marquez at makamit
ang Boxing Federation (WBA) at International Boxing Federation (IBF) Feather Weght
Titles.
Nito lamang ika-28 ng Hunyo,2008 ay nakamit niya ang ikaapat na World Title nang
natalo niya si David Diaz sa ikasiyan na round ng kanilang laro. Nakamit niya ang WBC
Light Weight Belt.
Ngayon si Manny ay tinanghal na bayani ng mga Pilipino.ipinagmamalaki ng mga
Pinoy ang tagumpay ni Manny sa larangan ng boksing. Tuwing umuuwi si Manny sa
Pilipinas pagkatapos ng bawat laban sinasalubong siya ng libu-libong tagahanga.

Page 5 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q2-W7-D1

Pangalan:___________________________________ Baitang at Pangkat:__________________


Pangalan ng Guro:_______________________________

Gawain 2. Gawin Ninyo


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.Ibigay ang mahahalagang pangyayari
sa tulong ng grapiko. ( 2 puntos bawat bilang)
a. Tungkol kanino ang talambuhay na binasa?
b. Kailan at saan siya ipinanganak?
c. Sino ang kanyang naging asawa? Kailan sila ikinasal?
d. Ano ang kanyang ginawa noon siya ay nasa edad na 14?
e. Ano ang napakahalagang pangyayari sa buhay niya noong 1995?

a._____________

b._________ c.__________ d._________ e._________


__________ ___________ ___________ ________
Integrated the Development of the Following Learning Skills:
1. Communication Skills 2. Character
a.Following instructions/directions a. Working independently
b.Understanding messages b. honesty

Gawain 3. Gawin Mo
Panuto: Sa nabasang talambuhay ni Manny Pacquiao. Isagawa ang mga sumusunod:
a. Itala ang mahahalagang taon sa buhay ni Manny Pacquiao.( 5 puntos )
b. Kasabay ng pagtatala ng taon, isulat rin ang pangyayaring naganap.
( 5 puntos )

a. Mahahalagang taon b. Pangyayaring naganap

Integrated the Development of the Following Learning Skills


1. Critical Thinking 2. Character
a. Analysis a. working independently
b. Reflection

Page 6 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q2-W7-D1

Pangalan:___________________________________ Baitang at Pangkat:__________________


Pangalan ng Guro:_______________________________

Gawain 4. Pagtulungan Natin


Pagtala ng Mahahalagang Pangyayari sa Napanood
na Dokumentaryo.

Panuto: Manood ng dokumentaryo hinggil sa mga exotic na hayop sa ating


bansa. Ibigay ang mga mahahalagang pangyayari tunkol dito.
( 10 puntos )

Integrated the Development of the Following Learning Skills


a. Communication b. Collaborative
1. Following instructions 1. Cooperative brain storming
2. Responding to ideas 2. Exchange of ideas

Tandaan:
Upang mahango ang mahahalagang pangyayari sa talaarawan
o talambuhay ng isang tao, mahalagang pansinin ang
pagkakasunod-sunod at pagkakaayos ng mga pangyayari. Ang
petsa sa isang talaarawan o talambuhay ay napakahalaga kung
kaya isa sa mga hudyat ng mahalagang bahagi ay may taon o
eksaktong petsa ng pangyayari.

Page 7 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q2-W7-D1

Pangalan:___________________________________Baitang at Pangkat:_________________
Pangalan ng Guro:_______________________________

C. Pagtataya
Basahin ang talaarawan:
Proyekto sa Turismo
Ito ang talaarawan ko sa isang maayos na paggawa ng proyekto sa Araling
Panlipunan.
Setyembre 1, 2020
Maaga akong umuwi mula sa paaralan upang gawin ang proyekto sa Araling
Panlipunan tungkol sa mga turistang dumarating sa Pilipinas. Dapat magamit dito
ang natutunan ko sa asignaturang Filipino na mga hakbang sa pagbuo ng isang ulat
na pang- impormasyon. Una akong naggalugad sa kompyuter ng mga napapanahong
datos nito. Binasa kong pahapyaw at maingat kong sinuri ang kaugnay na
sanggunian sa aking paksa. Isinantabi ko muna ang na-download na mga datos
upang magawa ang takdang- aralin ko sa ibang asignatura.

Setyembre 2, 2020
Oras ng tanghalian sa paaralan,sumaglit ako sa silid-aklatan upang humanap
ng karagdagang sanggunian sa aking proyekto. Mga buwanang magasin at ilang
artikulo ang nakalap ko na sa palagay ko’y makabuluhang ilakip sa aking paksa.
Nanghingi ako ng pahintulot sa laybraryan na maipa-photocopy,ang sipi nito at
napaunlakan naman ako.

Setyembre 3,2020
Kalahating araw lamang ang pasok naming dahil sa buwanang pulong ng mga
guro sa aming distrito.Tuwang-tuwa ako dahil maisasaayos at mabubuod ko na ang
aking proyekto. Nagsaliksik pa ako sa internet. Ginawa kong panimula ang pagdating
ng mga turista sa Pilipinas.

Setyembe 4,2020
Matagumpay ang ulat na inilahad ko sa klase at nabigyan ako ng mataas na
marka sa aking proyekto.

Panuto: Suriin ang sumusunod na mga pahayag upang maibigay kung mahalagang pangyayari
ito sa talaarawan. Isulat ang letrang T kung tama at M kung mali.

_________ 1. Talaarawan ang proyekto ng mag-aaral.


_________ 2. Tungkol sa turismo ang paksa ng kanyang proyekto sa Araling Panlipunan.
_________ 3. Ginamit niya ang natutuhan sa Filipino sa pagbuo ng ulat.
_________ 4. Mula sa magasin at artikulo ang ginamit niyang sanggunian sa proyekto.
_________ 5. Sa aklatan ng pamayanan nangalap ang mag-aaral.
_________ 6. Nagpa-photocopy ito ng sipi ng kanyang ulat.
_________ 7. Naisaayos at naibuod niya ang kanyang ulat noong ika-3 ng Setyembre,2020.
_________ 8. Ginawang panimula ng mag-aaral ang datos ng graph hinggil sa pagdating ng mga
turista.
_________ 9. Nasiyahan ang mga panauhin sa kanyang ulat.
_________10. Mataas ang nakuha niyang marka sa kanyang proyekto.

Inihanda ni:
AGNES F. VILLAFUERTE
Villamor Air Base Elem. School
References for Further Enhancement
1. Alab Filipino 5 p 90-92
2. Kislap ng Wika 5 p 129-130
Page 8 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q2-W7-D2

Pangalan: ___________________________________ Baitang at Pangkat:___________________


Pangalan ng Guro:____________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Ikalawang Markahan/Ikapitong Linggo/Ikalawang Araw

A. Layunin: Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga


pangyayari sa napakinggang teksto.

B.1. Panimula

Ang paghihinuha ay isang naunang hakbang ng pag-


iisip. Ito ay isang matalinong kilos ng isip na nagpapalagay na
ang isang bagay o pangyayari ay tama at totoo batay sa
nakalahad na sitwasyon. Ang pagbibigay ng hinuha ay nag-iiba-
iba ayon sa personal na pananaw ng tao. Maaaring ito ay tiyak o
hindi tiyak; makatwiran o hindi makatwiran; at lohikal o hindi
lohikal.

Sa pagbabasa o pakikinig sa isang kwento o teksto, maging


matalas ang pag-iisip upang maunawaang mabuti ang binasa o
napakinggan.

2. Mga Gawain:

Gawain 1. Sumunod Tayo

Pakinggan ang babasahin ng kasama sa bahay:

Dumidilim na. Galing si Simeon sa paaralan. Nawili kasi siya


sa panonood ng basketbol.Wala ang kanyang mommy sa bahay.
Gagabihin daw kaya siya lang muna ang maiiwan sa bahay.Takang-
taka siya, bakit parang nakaawang ang pinto sa harap ng bahay.
Dahan-dahan siyang lumapit dito at hinawakan ang door knob o ang
hawakan ng pinto. Nakiramdam siyang Mabuti.

Page 9 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q2-W7-D2

Pangalan: ___________________________________ Baitang at Pangkat:___________________


Pangalan ng Guro:____________________________

Mga Tanong:
1.Sino si Simeon?
Maiisip natin na:
a. Siya ay isang estudyante dahil galing siya sa paaralan
b. Mahilig siya sa basketbol dahil ginabi siya sa panonood
c. Hindi marahil siya masyadong bata dahil pwede siyang maiwang mag-isa sa bahay
( Gagabihin ang kanyang mommy)
2. May kakaiba bang mangyayari?
Maiisip natin na:
a. Mayroon dahil takang-taka siya kung bakit nakaawang ang pinto sa harap ng bahay
b. Baka nga dahil dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at hindi kaagad pumasok sa
loob. ( nakiramdam siyang Mabuti)

Ito ang mga halimbawa ng mga hinuhang maaaring mabuo habang nakikinig. Ito ang mga
nauunang ideya o kaisipang pumapasok sa ating isip. Mahalagang bigyan ng tuon ang mga
detalye ng binasa nang sa ganoon ay maunawaang Mabuti ang ibig iparating ng may-akda.

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


1.) Communication
a. Understanding of words/vocabulary
b. Following instructions/directions
c. Reasoning
d.
Gawain 2. Gawin Mo

Piliin ang pinakaangkop na hinuha tungkol sa maaaring kalabasan ng ilang


pangyayari.Bilugan ang sagot.

1. Ang tahanan ni Juan dela Cruz at ng iba pang pamilya ay yari sa tagpi-tagping
karton,papel,plastik, at ilang pirasong kahoy.
Ano ang maaaring mangyari kapag nagkaroon ng sunog sa kanilang pook?

a. Madaling kakalat ang sunog sa lugar.


b. Walang darating na trak ng mga bumbero.
c. Magiging mahal ang pagpapaayos ng bahay.

2. Ang ibang maralitang tagalungsod ay nakatira malapit sa riles ng tren.


Ano kaya ang maaaring maging panganib ng pagtira sa ganitong pook?

a. Maaapektuhan ang pandinig ng mga tao.


b. Darami ang mga taong magkakasakit dahil sa polusyon.
c. Marami ang maaaring maaksidente.

3. Mayroon ding mga mahihirap na pamilya na nakatira malapit sa mga tambakan ng


basura.Ano kaya ang maaaring mangyari sa lugar ng mga taong nakatira sa tambakan
sakaling magkaroon ng napakalakas na bagyo?

a. Babaha ng basura sa paligid.


b. Guguho ang tambak ng mga basura.
c. Magiging maputik sa tambakan
Page 10 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q2-W7-D2

Pangalan: ___________________________________ Baitang at Pangkat:___________________


Pangalan ng Guro:____________________________

4. Kadalasang pagkain lamang ang kaya nilang bilhin. Hindi nila natutugunan ang gastusin
upang makapag-aral ang kanilang mga anak.

Ano kaya ang maaaring maging kinabukasan ng mga kabataan?


a. Madaling magkasakit ang mga kabataan.
b. Tataas ang populasyon.
c. Darami ang mangmang at hindi nakapag-aaral.

5. May iba pang suliraning madalas na kinakaharap.isa na rito ang kawalan ng maayos na
trabaho na mapagkukunan ng kabuhayan.
Ano ang maaaring mangyari?
a. Tataas ang antas ng krimen.
b. Marami ang mangungutang.
c. Malulugi ang mga Negosyo

Integrated the Development of the following Learning Skills:


1. Character
a.Working Independently
b. Adopting to situation

Gawain 3: Gawin Natin

Panuto:Ipabasa ang sumusunod na teksto sa magulang o kung sinong nakatatandang kasama


Sa bahay. Pakinggang Mabuti at ibigay ang inyong sariling hinuha.

a. Napadaan si Joy sa ilog na malapit sa kanilang paaralan. Inaanyayahan siya ng


kanyang mga kaklase na maligo at lumangoy. Tumanggi si Joy sapagkat malapit na
ang oras ng klase at baka mahuli siya. Alam din niyang mali ang ginagawa ng
kanyang mga kaklase. Nagsimula na ang klase ngunit wala pa rin ang kanyang mga
kaklase na naliligo sa ilog. Maya-maya dumating ang kanilang punongguro kasama
ang kanyang mga kaklase na naligo sa ilog.
Ano kaya ang gagawin ng punonguro sa mga kaklase ni Joy?

_______________________________________________________________

b. Tuwang-tuwang nagtampisaw si Ben at kanyang mga kaibigan sa tubig baha. Maya-


maya ay sinaway siya ng kanyang ina sapagkat marumi ang tubig at maaari silang
masugatan mula sa mga inaanod na mga bubog at yero. Hindi nakinig sina Ben at
ang kanyang mga kaibigan at patuloy pa rin sila sa paglalaro. Maya-maya ay
nakarinig ng sigaw si Ben. Sa di kalayuan ay kitang-kita niya ang pag-agos ng dugo
sa talampakan ng kaibigan.
Ano ang maaaring mangyari sa kanyang kabigan?

________________________________________________________________

Page 11 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q2-W7-D2

Pangalan: ___________________________________ Baitang at Pangkat:___________________

Pangalan ng Guro:____________________________

c .Nakita mong siningitan sa pagbili ng pagkain sa kantina ng kaklase mong lalaki ang
kaklase at kaibigan mong babae.
Ano ang gagawin mo?

_____________________________________________________________

d.Ayaw maging kaibigan ng kapatid mong babae ang mga lalaki mong kaibigan at
kalaro dahil galit siya sa mga ito.
Ano ang maaari mong gawin?

__________________________________________________________

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


A Communication Skills B. Critical Thinking
Following instructions decision making
Reasoning

Tandaan:
Isang kasanayan na dapat taglayin sa pagbabasa o pakikinig ay ang
pagbibigay-hinuha. Ang kasanayang ito ay nagpapalawak ng imahinasyon at
nakakatulong sa pag-unawa ng binasa o napakinggang teksto. Ito ay
pagbuo ng kaisipan tungkol sa maaaring mangyari.

C.Pagtataya
Panuto: Ipabasa sa kasambahay ang mga sumusunod na teksto . Pliin sa ibaba ng bawat bilang ang
pangungusap na siyang pinakamalapit sa iyong hinuha o palagay.( 2 puntos bawat bilang )

_______1. Nang matutong magsalita ang mga tao, sila ay nagkasama-sama at nakapagtatag ng
Lipunan. Sila ay naging maligaya. Bakit kaya?

a. Nagkaunawaan sila
b. Nagbabalitaan sila
c. Nagkakatipun-tipon sila
d. Hindi na sila naiinip

Page 12 of 28
Module Code: Pasay-F5-Q2-W7-D2

Pangalan: ___________________________________ Baitang at Pangkat:___________________

Pangalan ng Guro:____________________________

______2. Ang pagkakaroon ng tao ng wikang sinasalita ang siyang nakapagpabago sa takbo
ng kanilang pamumuhay. Nagkaroon sila ng paraan sa pagpapahayag ng kanilang
niloloob. Ano ang kanilang kahihinatnan?
a. Sila ay magiging maingay
b. Sila ay magiging magulo
c. Sila ay naging magkakaibigan
d. Sila ay naging maunlad

______3. Ipinahayag ng guro na magkakaroon ng pagsusulit. Kung mag-aaral ng kanilang


liksyon ang mga bata para ito ay mapaghandaan, Ano kaya ang kanilang mapa-
pakinabang?

a. Hindi nila maipapasa ang pagsusulit


b. Pupurihin sila ng guro
c. Maipapasa nila ang pagsusulit
d. Lahat sila’y magkakamit ng mataas na puwesto

________ 4. Ang kapitan ng barangay ay nagmungkahi ng proyektong magdudulot ng kabutihan.


Kung ang mga tao ay mag-iisip at makikiisa para sa ikabubuti ng kanilang barangay,
maaaring….

a .maging makapangyarihan ang kapitan


b. .mawala ang mga kasamaan
c. .maging maayos ang pangkabuhayang aspeto
d.mapaunlad at mapayapa ang lahat

______5. Bagamat mahirap lamang sina Oca, nagagawa pa rin siyang pag-aralin ng kanyang mga
magulang. Kung magsisikap lamang si Oca, at isasaalang-alang ang ginagawa
ng kanyang mga magulang para sa kanya,siya ay

a. magiging pinakamayaman
b. magkakaroon ng masaganang pamumuhay
c. tatanghaling isang mahusay na manggagawa
d. malamang na makatapos ng pag-aaral

Inihanda ni:

AGNES F. VILLAFUERTE
VILLAMOR AIR BASE ELEMENTARY SCHOOL
_____________________________________________________________________________
References for Further Enhancement
1 Tuklas 6 p354-355
2.Bukal 5 p. 117-118
3. Makabagong Sining sa Pagbasa 5 p 153-154

Page 13 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W7-D3

Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA FILIPINO 5
Ikalawang Markahan / Ikapitong Linggo / Pangatlong Araw

A. Layunin : Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagsasabi


ng hinaing o reklamo, sa pagsasabi ng ideya sa isang
isyu, at pagtanggi.
B. 1. Panimula

ALAMIN MO

Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba’t ibang paraan. Sa kabuuan, ang


paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng respeto at paggalang sa kausap.

Narito ang ilang mga magagalang na pananalita at kung kailan sila ginagamit:

(pangsagot sa tanong
po, ho, opo
o tawag)
Makikiraan (po) (pakikiraan)
Salamat (po) (pagpapasalamat)
(paghingi ng
Maaari (po) ba?
pahintulot)
(pagsasagot sa
Walang ano man.
pasasalamat)
Magandang
(pagbati)
umaga/hapon/gabi/araw (po)
(paghingi ng
Pasensiya na (po)
paumanhin)
(paghingi ng pabor o
Paki…
tulong)

TUKLASIN MO

Narito ang iilan sa mga magagalang na salita na ginagamit natin sa


pakikipag-usap

Magandang umaga.
Salamat.
Magandang tanghali.
Walang anuman.
Magandang hapon.
Hindi ko sinasadya.
Magandang gabi.

Page 14 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W7-D3

Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________________
Maari ba paki-
- Maari bang pahiram ng aklat mo? po at opo - Pakikuha po ng baso.
- Sa inyo po ba itong
- Maari bang samahan mo ako sa aklat? - Pakibigay po ito kay
palengke? Dennis.
- Opo, Inay.
- Maari bang pumunta sa palaruan - Magandang umaga po. - Pakiabot po ng kanin.
ngayon?

SUBUKIN MO
Panuto: Punan ng magagalang na pananalita ang mga sumusunod na eksena.

Integrated the Development of the following Learning Skills:


1.) Communication Understanding of Words/vocabulary

PAGYAMANIN MO
Panuto: Basahin ang mga magagalang na pananalita sa Hanay A at Hanay B.
Itambal ang bawat isa sa pahayag na angkop sa paraan ng paggamit. Isulat ang
tamang sagot sa patlang.
Hanay A Hanay B
___1. Nakita ko itong naiwan mong aklat. Heto, o. A. Walang ano man.
___2. Magandang gabi po. B. Mabuti naman.
___3. Salamat sa paghahatid mo sa aking kapatid. C. Salamat sa iyo.
___4. Aray! Natapakan mo ako. D. Magandang gabi rin sa iyo.
___5. Opo, ligtas kaming nakauwi. E. Pasensiya na. Hindi ko
sinasadya.
ISAGAWA NATIN
Panuto: Isulat mo ang naaayon na magalang na pananalita sa mga sumusunod na
sitwasyon. Ano ang sasabihin mo?

1. Binigyan ka ng laruan ng ninang mo.


______________________________________________________________________
2. Bumisita ang lola mo isang hapon.
______________________________________________________________________
3. Tinanong ka ng nanay mo kung nagawa mo na ba ang iyong takdang-aralin.
______________________________________________________________________
4. Isang tanghali, kumakain ka sa kantina at dumaan ang iyong guro.
______________________________________________________________________
Integrated the Development of the Following Learning Skills:
1.) Communication Skills
a.) Understanding messages b) Responding to Ideas

Panuto: Piliin ang magagalang na salita na dapat gamitin sa bawat sitwasyon. Punan
ng tsek ( ) ang kahon ng tamang sagot.

Page 15 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W7-D3

Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________________
1 Tumawag sa telepono ang kaibigan ng kuya mo at ikaw ang nakasagot

Ay! baka tulog.

Sandali, tatawagin ko.

Sandali lang po, tatawagin ko ang kuya.

2 Dumalaw sa bahay nina Antonia ang kumare ng kanyang nanay

Pasok po kayo, tatawagin ko lang si Nanay.

Ale, hindi ko kayo kilala.

'Nay, nandito ang kumare ninyo.

3 Isang hapon, binisita mo si Dr. Samson sa kanyang klinika

Magandang hapon po, Dr. Samson.

Kamusta ka na?

Dr. Samson, magpapagamot ako.

4 Inutusan ka ng iyong itay na bumili sa tindahan ng bigas

Opo, itay.

Ayoko, itay.

May ginagawa pa po ako.

5 Dadaan si Gerry sa gitna ng dalawang nag-uusap

Makadaan nga.

Padaan.

Makikiraan po sa inyo.

6 Pumunta ka sa bahay ng iyong kaibigan at kuya niya ang nagbukas sa iyo

Magandang umaga, si Jerry?

Nandiyan si Jerry?

Magandang umaga po, nandiyan po ba si Jerry?

7 Tumawag ka sa kaibigan mo at ang tatay niya ang nakasagot

Pwede kay Lawrence?

Si Lawrence ho nandiyan?

Magandang araw po, maaari po ba kay Lawrence?


8 Pinuri ka ng iyong guro dahil sa husay mo sa pagkanta

Talaga pong magaling ako.

Page 16 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W7-D3

Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________________
Wala iyon.

Maraming salamat po.

9 Nakasalubong ni Rodel si Padre Perez

Magandang araw.

Magandang araw po, Padre.

Magandang araw naman.

10 Ikaw ay magpapaalam na papuntang paaralan sa iyong mga magulang

Papasok na ako.

'Ma, 'Pa, papasok na po ako.


Alis na ako.

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


1.) Communication
a.) Understanding messages
b.) Responding to ideas

TAYAHIN MO
Panuto: Isulat kung ano ang sasabihin mo sa mga sumusunod na sitwasyon:
1. Isang umaga nakasalubong mo ang iyong guro sa pagpasok mo sa paaralan.
______________________________________________________________________
2. Gabi na nang dumating ka sa bahay at nadatnan mo sa sala na nanonood ng TV ang iyong
tatay. ______________________________________________________________________
3. Isang hapon nang pauwi ka galing sa paaralan, nakasalubong mo ang iyong tiyahin.
______________________________________________________________________
4. Nakasabay mo sa kantina ang inyong bagong guro.
______________________________________________________________________
5. Nadatnan mo sa bahay na may bisita ang nanay mo.
______________________________________________________________________

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang pananalitang magalang na angkop gamitin sa


sitwasyon o pahayag na hawak ng katambal nito.

Gusto mong pumasok sa silid


ngunit may mga taong
nakaharang sa pinto. Ano ang
sasabihin mo?

Napunit mo ang
pahina ng aking libro.

Page 17 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W7-D3

Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________________
ISAISIP NATIN
Mahalagang gumamit ng magagalang na salita sa pagsasabi ng hinaing o reklamo sapagkat dito
naipapakita ang respeto sa isang tao sa kahit anong sitwasyon. Naniniwala ako na dito natin
makikita ang tunay na ugali ng isang tao. Mapapanatili din natin ang kapayapaan, magandang
relasyon sa ating kapwa, at pagtataguyod ng pagkatao ng isang tao.
KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang pananalitang magalang na angkop gamitin sa
sitwasyon o bawat pahayag. Sagutan ang mga sumusunod na tanong ukol dito.
Natanggap ka sa trabaho. Magpapa authograph ka sa isang artista.

Kukuha ka ng impormasyon para sa census. Nais mong magtanong sa iyong guro.

Nais mong ipatigil ang rally. Hihingi ka ng gamot sa isang doktor.

1. Bakit mahalaga ang magagalang na pananalita?


___________________________________________________________________
2. Kung ikaw ay sinagot ng di naaayon na salita, kailangan bang sagutin mo rin ng hindi
magandang salita? Bakit?
__________________________________________________________________
RUBRIK
5 4 3 2 1
ANYO
 pagsunod sa uri at anyong hinihingi o ipinasusulat
BALARILA
 wastong gamit ng wika/salita
 baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap
HIKAYAT
 paraan ng pagtalakay sa paksa
 lohikal na pagkakaayos/ daloy ng mga ieya
 pagkakaugnay ng mga ideya
NILALAMAN
 lawak at lalim ng pagtalakay sa paksa
5 – Pinakamahusay 2 - Mapaghuhusay pa
4 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na
3 – Katanggap-tanggap pagsasanay

Inihanda ni:
Marivic D. Martinez
Padre Burgos Elementary School
____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1. http://spireuplearning.blogspot.com/2016/09/ang-mga-magagalang-na-salita-sa.html

Page 18 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W7-D4

Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 5
Ikalawang Markahan / Ikapitong Linggo / Ikaapat Araw

A. Layunin : Nagagamit ang Pang-uri sa paglalarawan ng mga makabagong


kagamitan.
B. 1. Panimula
ALAMIN MO

Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan,


karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi
kinikilalang uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may mga
ilang wika ang hindi gumagamit ng mga pang-uri. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing
sa isang pangngalan o panghalip.Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong
mga salita katulad ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao,
mga lugar, o mga bagay.
Uri ng Pang-uri
Panlarawan
Ito ay nagsasaad ng laki, kulay, anyo, amoy, tunog, yari, lasa at hugis ng mga
pangngalan o panghalip. Halimbawa: munti, biluhaba, matamis, malubha
Pantangi
Sinasabi nito ang tiyak na pangngalan. Ito ay binubuo ng isang pangngalang
pambalana at isang pangngalang pantangi. Ang pangngalang pantangi (na
nagsisimula sa malaking titik) ay naglalarawan o tumutukoy sa uri ng pangngalang
pambalana. Halimbawa: wikang Ingles, kulturang Espanyol, pagkaing Iloko
Pamilang
Ito ay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunodsunod ng
pangngalan o panghalip. May ilang uri ito.
Patakaran
Ito ay nagsasaad ng aktuwal na bilang ng tao o bagay. Ito ay mga basal na bilang o
numeral. Halimbawa: isa, apat, limang libo
Panunuran
Ito ay nagsasaad ng posisyon ng pangngalan sa pagkasunod-sunod ng mga tao o
bagay. Isinasabi ng mga ito kung pang-ilan ang tao o bagay.
Halimbawa: ikatlo, una, pangalawa
Pamahagi
Ito ay nagsasaad ng bahagi ng kabuuan ng pangngalan. Ang unlaping tig- ay
nagsasaad ng pantay na pamamahagi . Ginagamit ito kapag ang bilang ng bagay
na ibinigay o natanggap ay parepareho.
Maaari rin na may anyong bahagimbilang o hating-bilang ang pamahaging
pamilang. Ginagamit din ang salitang bahagdan, persentahe,
o porsiyento pagkatapos ng bilang para sa bahagi ng isang daan.

Page 19 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W7-D4

Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________________
Halimbawa: kalahati, limang-kawalo, sangkapat
Pahalaga
Ito ay nagsasaad ng halaga (katumbas na pera) ng bagay o anumang binili o
bibilhin.
Halimbawa: piso, limampung sentimo, sandaang piso
Palansak
Ito ay nagsasaad ng pagpapang-pangkat ng mga tao o bagay. Itinutukoy nito ang
bilang na bumubuo ng isang pangkat ng tao o bagay na pinagsama-sama.
Halimbawa: dalawahan, sampu-sampu, animan
Patakda
Ito ay nagsasaad ng tiyak na bilang ng pangngalan. Ang bilang na ito ay hindi na
madadagdagan o mababawasan pa.
Halimbawa: iisa, dadalawa, lilima

TUKLASIN MO
Panuto: Bilugan ang mga salitang naglalarawan sa bawat pangungusap.
1. Si Joanna ay masipag na bata.
2. Tumutulong siya sa kanyang ina na linisin ang kanilang malaking hardin.
3. Isang kayumangging aso ang alaga ni Joanna.
4. Hinahandaan niya ang kanyang mabait na alaga ng pagkain araw-araw.
5. Maagang umaalis si Joanna patungo sa malayong paaralan.
6. Naglalakad siya sa makipot na daan upang makarating sa paaralan.
7. Maingay ang mga kaklase ni Joanna.
8. Nagtatakbuhan ang mabibilis na mga bata sa palaruan.
9. Nagtutungo si Joanna sa tahimik na silid-aklatan upang mag-aral.
10. Humihiram siya ng mabigat na libro upang basahin sa bahay.
Integrated the Development of the following Learning Skills:
1.) Communication
a.) Understanding of Words/vocabulary; pang uri

SUBUKIN MO

Panuto: A. Kahunan ang salitang naglalarawan sa bawat pangungusap.


1. Masipag ang tatay ni Daisy.
2. Siya ay pumapasok sa malaking opisina.
3. Si Daisy ay may tatlong kapatid.
4. Si Gino ang pinakamatanda sa kanila.
5. Ang bahay nila ay kulay puti.
Panuto: B. Sumulat ng angkop ng salitang naglalarawan para sa pangungusap.
Gawing gabay ang mga salitang nasa loob ng panaklong.
1. Paborito ni Julius na suotin ang kanyang (kulay) __________ na t-shirt.
2. Ang kahon ng mga laruan ay (hugis) __________.
3. Si Franky ay (katangian) __________ dahil umalis sandal ang kanyang nanay.

Page 20 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W7-D4

Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________________
4. Ang mga bata ay nanghuli ng (bilang) __________ na tutubi.
5. Ang (laki) __________ na/-ng puno ay namumunga.
Integrated the Development of the following Learning Skills:
1. Communication
a. Understanding of Words/vocabulary; panguri
____________________________________________________________________________
PAGYAMANIN MO
Panuto: Sumulat ng angkop na pang-uri batay sa bawat larawan.

1. Si Marlon ay
_________________________.

2. Ang bundok ay
_________________________.

3. Si Juancho ay
_________________________.

4. Si Patricia ay
_________________________.

5. Si Tessie ay
_________________________.

6. Ang kwarto ay
_________________________.

7. Ang ale ay
_________________________.

8. Ang telebisyon ay
_________________________.

9. Ang Babae ay
________________________.

10. Ang kompyuter ay


________________________.

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


1.) Communication Skills
a.) Understanding messages
b.) Responding to Ideas

Page 21 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W7-D4

Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________________
ISAGAWA NATIN
Panuto: Tingnan ang mga larawan, magbigay ng tatlong pang-uri na angkop sa laman
ng larawan.

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


2.) Communication Skills Understanding messages

ISAISIP NATIN

Ang Pang-uri ay salitang naglalarawan sa pangngalan (tao, hayop, lugar, bagay,


pangyayari, kaisipan) o panghalip.
Ito ay karaniwang nagsasabi ng bilang, katangian, kulay, hugis, o laki.
Halimbawa:
Ang mga mag-aaral ay magalang. (Ano ang katangian ng mga mag-aaral? magalang)
Ang pulang bola ay nasa loob ng kahon. (Anong kulay ng bola? pula)
Ang mataas na puno ay pinutol ng mga mangangahoy. (Ano ang laki ng puno? mataas)
Ang apat na bata ay naglalaro ng habulan. (Ilan ang mga bata? apat)

KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Gamitin ang ibinigay na pang-uri, sumulat ng makabuluhang pangungusap
tungkol sa mga makabagong kagamitan na ating ginagamit sa araw araw.
1. parisukat – ________________________________________________________
2. sampu – ___________________________________________________________
3. bughaw – ___________________________________________________________
4. maliit – _____________________________________________________________
5. matulungin – ________________________________________________________
Integrated the Development of the following Learning Skills:
1.) Communication 2.) Critical Thinking
a. Understanding Messages a.) Analyzing situations and determining appropriate responses
RUBRIK
5 4 3 2 1
ANYO
 pagsunod sa uri at anyong hinihingi o ipinasusulat

Page 22 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W7-D4

Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________________
BALARILA
 wastong gamit ng wika/salita
 baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap
HIKAYAT
 paraan ng pagtalakay sa paksa
 lohikal na pagkakaayos/ daloy ng mga ieya
 pagkakaugnay ng mga ideya
NILALAMAN
 lawak at lalim ng pagtalakay sa paksa
5 – Pinakamahusay 2 - Mapaghuhusay pa
4 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na
3 – Katanggap-tanggap pagsasanay
Inihanda ni:
Marivic D. Martinez
Padre Burgos Elementary School
____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1. Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan 8 by Remedios Infantado ISBN 978-971-23-7030-
4 p.169

Page 23 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W7-D5

Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________________
DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA FILIPINO 5
Ikalawang Markahan / Ikapitong Linggo / Ikalimang Araw

A. Layunin : Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa


pamamagitan ng pamatnubay na tanong.
B. 1. Panimula

ALAMIN MO
Paano inaayos ang mga pangyayari sa isang seleksiyon?
Dapat mong isaisip na ang pangyayari o hakbang ay inaayos nang may pagkasunud-
sunod ayon sa panahon. Sumusunod ang kahalagahan ng isang ideya, gawain, o
pangyayari sa isang kwento, isang resipe sa paggawa ng lutuin, o sa isang hulwaran ng
pagsasaayos. Madali lang namang kilalanin o tukuyin ang mga pagkasunud-sunod dahil
sa mga salitang naghuhudyat na ginagamit. Ang halimbawa ng mga salitang
nagpapahiwatig ng isang hulwaran ng pagkasunud-sunod ay:

A. una, pangalawa
B. nang nalaunan
C. sa wakas
D. sumunod
E. nagsimula
F. ang pinakahuli
G. pagkatapos
H. unang-una
I. pinakamahalaga

TUKLASIN MO
Panuto: Basahin mo nang maayos ang maikling talata at sagutin ang mga
sumusunod na mga tanong:

Mga Hakbang sa Paghahanda sa Pagdating ng Bagyo


Unang una ay sundan sa radyo o telebisyon ang mahahalagang balita sa pagsama
ng panahon. Pangalawa ay magimbak ng mga pagkain sa bahay lalong lalo na iyong
mga de lata upang hindi magutom. Pagkatapos ay mag-imbak din ng posporo,
kandila, flashlight, at baterya na maaaring magamit kung kinakailangan.
Pinakamahalaga sa lahat ay manatiling mahinahon sa lahat ng sandali upang
makaiwas sa dagdag na sakuna. At panghuli, kailangang makinig sa mga balita
tungkol sa pagbabago ng panahon.

Mga Tanong:

Page 24 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W7-D5

Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________________
1. Sa paghahanda sa pagdating ng bagyo anu-ano ang mga dapat gawin?
Una: ____________________________________________________
Pangalawa: ______________________________________________
Pangatlo: ________________________________________________
Pang-apat: _______________________________________________
Panglima: _______________________________________________

2. Anu-ano ang mga ginamit na salitang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga


pangyayari?

Una: _____________________________________________________
Pangalawa: ______________________________________________
Pangatlo: ________________________________________________
Pang-apat: _______________________________________________
Panglima: _______________________________________________
Integrated the Development of the following Learning Skills:
1.) Communication
a.) Understanding of Words
b.) Following instructions/directions
c.) Responding to ideas

SUBUKIN MO

Panuto: Maraming dapat gawin kapag dumating ang malakas na bagyo. Makapag-
iingat ka kaya? Basahin ang sumusunod na kwento. Unawain at sagutin ang mga
sumusunod na mga tanong.
May Babala ang Bagyo
(Pinaikling kwento galing sa Hiyas sa Pagbasa IV, pahina 158-160)

Mahimbing na mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea. Napakalamig kasi ng panahon.


Ang lakas-lakas ng hangin at walang katigil-tigil ang malakas na ulan. Nagising si Andrea.
Ginaw na ginaw siya. Natanggal kasi ang makapal na kumot na bumabalot sa kanyang
katawan. “Signal number two,” ang sabi ng tagapagbalita sa radyo. “Ang ibig sabihin, sa
loob ng 24 na oras, papalapit ang masamang panahon. Ang dumating na hangin ay may
lakas na 80 hanggang 100 kilometro bawat oras. Walang pasok sa mga paaralan,
elementarya at haiskul. Ang lahat po ay pinag-iingat.” Nag-isip siya. Naalala niya ang
napag-aralan nila sa paaralan tungkol sa bagyo. Kapag signal number one, sa loob ng
36 na oras ay maaaring dumating ang hanging may lakas na hindi hihigit sa 60 kilometro
bawat oras. Kapag signal number two, ang hangin ay may lakas na 60 hanggang 100
kilometro bawat oras. Kapag signal number three, sa loob ng 12 hanggang 18 oras,
maaaring dumating ang hanging may lakas na higit sa 100 kilometro bawat oras. Idinilat
ni Andrea ang kanyang mga mata. Inalis nang tuluyan ang makapal na kumot na
bumabalot sa kanyang katawan at siya’y bumangon. Ibig niyang subaybayan ang balita
tungkol sa bagyo upang ganap silang makapag-ingat.

Batay sa nabasa mong maikling kwento, sagutin ang mga sumusunod na mga
katanungan:

Page 25 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W7-D5

Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________________
1. Bakit napakahimbing ng pagkatulog ni Andrea nang araw na iyon?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Ano ang dahilan at nagising siya?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Kailan idideklarang walang pasok sa elementarya at haiskul kapag may bagyo?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Ano ang naalala ni Andrea na napag-aralan nila tungkol sa bagyo?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

5. Sa palagay mo, saan madaling makakuha ng mahahalagang balita tungkol sa


pagsama ng panahon?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Integrated the Development of the following Learning Skills:
1. Communication
a. Understanding of Words/vocabulary
b. Following instructions/directions
c. Responding to ideas
____________________________________________________________________________

PAGYAMANIN MO

Panuto: Lagyan ng bilang 1-5 ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunud-
sunod ng mga ito sa kwento.
______1. Nagising siya at narinig ang balita sa radyo.

______2. Narinig niya sa radyo ang balita tungkol sa bagyo.

______3. Mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea.

______4. At sa dakong huli ay inalis na niya ang makapal na kumot at patuloy na


nakinig ng balita.

______5. Naalala niya ang kanilang napag-aralan sa paaralan tungkol sa bagyo.

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


1.) Communication Skills
a.) Understanding messages
b.) Responding to Ideas

ISAGAWA NATIN

Panuto: Sundin at sagutan ang mga sumusunod:


1. Balikan mo ang unang talatang nabasa at itala sa kwaderno ang mga dapat gawin
kapag may paparating na bagyo ayon sa nabasa.

Page 26 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W7-D5

Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________________
Unang-una __________________________________________________________.
Pangalawa __________________________________________________________.
Sumunod ___________________________________________________________.
Pinakamahalaga _____________________________________________________.
Panghuli ____________________________________________________________.
2. Sa gawaing ito maaari mong tanungin ang iyong mga magulang o kaya’y magpaturo
sa mga nakakatandang kapatid.
a. Gumuhit ka sa loob ng kahon sa ibaba ng dalawang hugis pabilog.
b. Isulat sa bawat dulo ang pagkakaiba ng mga dapat gawin kapag dumarating ang
bagyo sa dalawang sitwasyong naitala sa dalawang hugis pabilog.
c. Isulat din ang pagkakatulad ng mga dapat gawin sa gitna ng dalawang hugis
pabilog.

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


2.) Communication Skills 3.) Creativity
c.) Understanding messages
d.) Responding to Ideas
_____________________________________________________________________________________________

ISAISIP NATIN

 Ang pangyayari o hakbang ay inaaayos nang may pagkakasunud-sunod ayon sa


panahon. Sumusunod ang kahalagahan ng isang ideya, gawain, o pangyayari sa isang
kwento, isang resipe sa paggawa ng lutuin, o sa isang hulwaran ng pagsasaayos.
 Ang halimbawa ng mga salitang nagpapahiwatig ng isang hulwaran ng pagkakasunud-
sunod ay:

una, pangalawa sumunod ang pinakahuli


nang malaunan nagsimula pagkatapos
sa wakas unang-una pinakamahalaga

Page 27 of 28
Module Code: Pasay F5 – Q2- W7-D5

Pangalan:_________________________________ Baitang at Pangkat:_____________


Pangalan ng Guro:______________________________________
KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Basahin mo nang maigi ang maikling talata sa ibaba at gawin ang sumusunod
na gawain.
Ang isang insekto, kagaya ng isang paru-paro ay dumaraan sa isang paghali-halili o
tinatawag na “life cycle”. Pag-aralan ang mga larawang-guhit at buuin ang sumusunod
na talataan. Maaari mong pagyamanin ang iyong talata sa pamamagitan ng pagbibigay
ng impormasyon sa bawat yugto ng buhay ng isang paru-paro.

Paru-paro

Paghali-halili
Pupa

ng
Paru-paro Itlog

Higad

Ang isang paru-paro ay dumaraan sa isang paghali-halili.


Unang-una ____________________________________________________________.
Pangalawa ____________________________________________________________.
Pagkatapos ___________________________________________________________.
Sa wakas _____________________________________________________________.
Integrated the Development of the following Learning Skills:
1.) Communication 2.) Critical Thinking
a. Understanding Messages a.) Analyzing situations and determining appropriate responses
RUBRIK
5 4 3 2 1
ANYO
 pagsunod sa uri at anyong hinihingi o ipinasusulat
BALARILA
 wastong gamit ng wika/salita
 baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap
HIKAYAT
 paraan ng pagtalakay sa paksa
 lohikal na pagkakaayos/ daloy ng mga ieya
 pagkakaugnay ng mga ideya
NILALAMAN
 lawak at lalim ng pagtalakay sa paksa
5 – Pinakamahusay 2 - Mapaghuhusay pa
4 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na
3 – Katanggap-tanggap pagsasanay
Inihanda ni:
Marivic D. Martinez
Padre Burgos Elementary School
____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1. https://brainly.ph/question/17092

Page 28 of 28

You might also like