You are on page 1of 23

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODULES
IN GRADE 8
QUARTER 3 – WEEK 5

Page 1 of 23
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain

Page 2 of 23
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!

Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

Page 3 of 23
NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!

Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D1
Pangalan: ______________________________________ Petsa: ________________________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat: ____________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikatlong Markahan/ Ikalimang Linggo/ Unang Araw

LAYUNIN: Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang binasa. (F8PB-IIIe-f-31)

Paksa: Pagtalakay sa paksa, layon at tono ng akdang binasa.

A. Panimula
Ang akdang pampanitikan ang panitikan ay nag mula sa “pang-titik-an”. Ang

kahulugan nito ay ang literatura o mga akdang nasusulat. Ito rin ay naglalaman ng mga

akdang tumatalakay sa pang araw-araw na buhay. Bahagi rin nito ang mga kathang-isip,

pag-ibig, kasaysayan at iba pa. Ang akdang pampanitikan ay tumutukoy sa mga akda o

mga sulatin katulad ng mga tula, maikling kwento, pabula, parabula, epiko, alamat,

sanaysay, talumpati at marami pang iba. Ito rin ay nagsasalaysay ng kaalaman,

damdamin, kultura, at mga ideya nga mga tao.

Ang akda ay pinaloloban ng paksa, layon at tono.

Paksa- ito ang ideya o mahalagang kaisipan na nakapaloob sa isang akda

Layon- binibigyang tuon dito ang nais mangyari ng isang manunulat sa

kaniyang mambabasa

Tono- tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kaniyang sinulat

Mga Sanggunian:
Aklat: Pinagyamang Wika at Panitikan 8 at Pluma 8
Online: https://web.facebook.com/protocol.zoan/posts/3202428186473813
https://philnews.ph/2020/10/03/akdang-pampanitikan-kahulugan-at-halimbawa-nito/

Page 4 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D1
Pangalan: ______________________________________ Petsa: ________________________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat: ____________________

BASAHIN
.
CHECK OUT
Ni: Algani Beceril
Tapos na ang 9.9 sale Marami na namang na-check-out si Feliza Sabik na sabik

s'ya sa pagdating ng mga gamit na pinamili n'ya online Sa kabilang banda, problemado

muli si Aling Perla.

. "Ano kaya ang uulamin namin ngayon" tanong nito sa kanyang isipan "Saan

kaya ako kukuha ng pambili ng pagkain" ang palagi nitong iniisip sa tuwing sasapit ang

panibagong araw simula ng nagkaroon ng pandemya Pag-utang, paglalabada at ayuda

lamang ang inasahan ng ginang bilang pagsuporta sa pamilya nito ngayong pandemya.

Isang araw, may tumawag kay Aling Perla.

"Aling Perla, may delivery daw para sa anak mo walang nasagot sa tawag"

Pagdating sa kanto s'ya ay siningil kapalit ng kagamitang nakabalot pa. Walang ano-

ano'y inabot agad ang pera na sana'y pambili ng makakain. "Lintek na bata ito, kung

ano-ano na naman ang pinamili" bulyaw ng kanyang isipan. Masaya namang kinuha ni

Feliza mula sa ina ang bagay na pinamili nito sa online shop, kasabay ang pag-abot ng

salapi na katumbas ang halagang inabono ng kanyang ina.

Sa isip ng ginang... Sana man lang inalala mo muna anak ang ating pangkain sa

araw-araw bago ang mga luhong kinasasabikan... Naalala ng ginang... Naku a-diyes na

pala bukas.

Page 5 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D1
Pangalan: ______________________________________ Petsa: ________________________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat: ____________________

GAWAIN
Panuto: Sagutin ang sumusunod na bilang ayon sa binasang akda.

1. Tungkol saan ang paksang binasa?

Sagot: __________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Bakit problemado si Aling Perla sa kaniyang anak?

Sagot: __________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Ano ang ikinabubuhay ng mag-ina upang makaraos sa pang-araw-araw na gastusin?

Sagot: ____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

4. Ano ang dahilan bakit tinawag si Aling Perla?

Sagot: _____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Ano ang pangunahing layunin sa akdang binasa?

Sagot: _____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
6. Ano ang inisip ng ginang sa kaniyang anak na si Feliza ng binayaran nito ang pinamili sa
online shop?
Sagot:_____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

7. Ano ang tono o damdaming nangingibabaw sa akdang binasa?

Sagot: ____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Page 6 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D1
Pangalan: ______________________________________ Petsa: ________________________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat: ____________________

PAGLALAHAT

TANDAAN!
Ang akda ay nangangahulugan o isang sulat o komposisyong

nakalahad at itinuturing na pinakapayak na paraan na kinapapalooban ng paksa. Ito

ang ideya o mahalagang kaisipan na nakapaloob sa isang akda, layon na

binibigyang tuon dito ang nais mangyari ng isang manunulat sa kaniyang

mambabasa at tono na tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kaniyang

sinulat

PAGTATAYA
Panuto: Sumulat ng isang akdang pampanitikan napapanahon at kinapapalooban
ng paksa, tono at layon.
PAMANTAYAN
5 4 3 2 1
Ang nilalaman ay kakikitaan ng paksa, layon at tono
Maayos at kompleto ang balangkas na nabuo
Ang isinulat na akdang pampanitikan ay napapanahon

5- Pinakamahusay 3- Katamtamang husay 1- Hindi nakamit ang pamantayan

4- Mahusay 2- Hindi masaydong nakamit ang pamantayan

Page 7 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D1
Pangalan: ______________________________________ Petsa: ________________________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat: ____________________

_____________________________________
Pamagat ng Akda

_____________________________________________________________________

Inihanda ni:

Pearlhet Angeleque F. Tubale

Filipino 8, Ikatlong Markahan
Pasay City West High School

Page 8 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D2
Pangalan: ______________________________________ Petsa : _________________________
Pangalan ng Guro: _______________________________ Baitang at Pangkat:__________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikatlong Markahan/ Ikalimang Linggo/ Ikalawang Araw

LAYUNIN: Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may kaugnayan
sa paksa. (F8PT-IIIe-f-31)

Paksa: Pagbuo ng puzzle na may kaugnayan sa paksa

A: PANIMULA
Hindi makakailang bahagi na ng kulturang Pilipino ang sama-samang panonood ng
pamilya ng telebisyon araw-araw, pakikinig sa mga dulang panradyo na ating naririnig sa
mga paborito nating istasyon o sa mga nababasa nating iskrip na halimbawa ng dula sa
mga paborito nating mga libro.

Bilang panimula, magsagawa ka ng sarbey sa mga tao sa loob ng inyong tahanan

gamit ang talatanungan sa ibaba.

Talatanungan Sagot
1. Anong programa sa telebisyon, dulang
panradyo na iyong narinig o iskrip na
halimbawa ng dulang iyong nabasa ang
paborito mo?

2. Sinubaybayan mo ba ang programa o

iskrip na ito?

3. Ano ang kaibahan ng programang ito

sa ibang programang napanood,
napakinggan o nabasa mo?

4. Bakit mo irerekomenda sa iba ang

programang ito?

Mga Sanggunian:
Aklat: Pluma 8, Pinayamang Wika at Panitika 8 at Kayumanggi
Online: https://www.gmanetwork.com/news/showbiz/content/176436/10-years-of-i-witness/story/
https://www.scribd.com/document/402047701/Act-7-Sa-Gitna-Ng-Dilim

MGA HAKBANG SA PAGPAPASYA

1. Alamin ang suliranin.

- Mahalagang matukoy ang tunay na suliranin upang ito ay masuri ng
mabuti. Alamin ang pinakaugat ng suliranin.

2. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon.

- Isipin ang maaaring maging solusyon sa suliranin. Alamin ang mga
Page 9 of 23
paraan upang maging madali ang paglutas nito.
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D2
Pangalan: ______________________________________ Petsa : _________________________
Pangalan ng Guro: _______________________________ Baitang at Pangkat:__________________________

‘’SA GITNA NG DILIM’’

Ni M. Adonis
Kasalukuyan akong nasa hayskul nang una kong mapanood ang
maituturing kong isa sa pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang
dokumentaryo ni Kara David na Gamu-gamo sa Dilim ang nagbukas sa mura kong pag-
iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong dapat ito‘y pinahahalagahan.

Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit sa lahat sa mga kabataan ng mga taga-
Little Baguio dahil bagama‘t kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng
kanilang mga landas ay patuloy silang nagsusumikap, nangangarap at lumalaban upang
maging masmaliwanag ang kanilang kinabukasan.

Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito,

nabago ang aking naunang mga pangarap sa buhay.

Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhenyero upang tuparin

ang naunsiyaming pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili subalit, napalitan ito
ng higit namataas na pangarap, pangarap na makatulong sa ibang tao at maging boses
at mata ng mgataong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit na atensyon.

Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan

ng lahat naaking kukunin. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin
ng dokumentaryong
Integrated Gamu-gamo
the Development sa Dilim,Learning
of the Following kinuha koSkills:
ang kursong AB Mass Communication.
Communication Following Instructions/directions Critical Thinking Collaboration

Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang mga
bagay na hindi nakikita ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan ay higit kong
makilala. Nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang iguguhit ko sa
papel at mga kuwentong akingisusulat ay higit na maunawaan atmakikilala ng mga tao
ang kanilang mga sarili gayun din angmga tao sa kanilang paligid. Gusto ko, dumami
ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ngkahirapan, sa gitna ng walang kasiguraduhang
buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilitniyang nilampasan ang lahat at naging
isang ganap na tanglaw at liwanag.

Page 10 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D2
Pangalan: ______________________________________ Petsa : _________________________
Pangalan ng Guro: _______________________________ Baitang at Pangkat:__________________________

Gawain: Batay sa binasa isulat ang pagsusuri sa mga sumusunod gamit ang puzzle.

Pahalang

Pababa

Page 11 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D2
Pangalan: ______________________________________ Petsa : _________________________
Pangalan ng Guro: _______________________________ Baitang at Pangkat:__________________________

PAGLALAHAT

TANDAAN!

Ang paksa ay pangunahing tinatalakay sa isang akda. Ito ay mahalaga

sapagkat ito ang nagmumulat sa mga mambabasa kung ano ang magiging epekto ng

kilos ng isang karakter sa kwento, nobela, o sanaysay sa kabuuang takbo ng

kwento. Ang ilan sa mga pangkaraniwang tema na ginagamit ng mga manunulat sa

kanilang mga akda ay: pagkamakabayan, pagmamahal sa kapwa, pananampalataya, o

pagkakaibigan at marami pang iba.

Page 12 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D2
Pangalan: ______________________________________ Petsa : _________________________
Pangalan ng Guro: _______________________________ Baitang at Pangkat:__________________________

Pagtataya
Pagbuo ng mga katanungan ayon sa bumubuo ng mga tao sa inyong
komunidad na ang sagot ay gamit ang puzzle.

Mga Pamantayan Puntos

1. Akma sa paksang 5 puntos
ibinigay
2. Nailahad ng maayos 5 puntos
ang pagkakabuo ng
mga katanungan
3. Malinis at maayos 5 puntos
na pagkakasulat ng
katanungan at
kasagutan (puzzle)

Inihanda ni:

Pearlhet Angeleque F. Tubale

Filipino 8, Ikatlong Markahan
Pasay City West High School

Page 13 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D3
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:_____________

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikatlong Markahan / Ikalimang Linggo / Ikatlong Araw

LAYUNIN: Naipapahayag sa lohikal na paraan ang pananaw at Katwiran.

(F8PS-IIIe-f-32)

Aralin sa araw na ito: Ang Lohikal na paraan ang pananaw at katuwiran.

PANIMULA

PAG-ARALAN NATIN!

May mga ekspresyong sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw na ginagamit

upang mabigyang-halaga ang mga taong ginamit ang ideya o pananaw sa isang pag-
aaral o kaya ipinapahayag ang sanggunian kung saan kinuha o hinango ang
impormasyong ito.
Halimbawa:

Ayon kay , Sang-ayon kay/sa

Batay sa, Alinsunod kay/sa,

May mga ekspresyon din na nagpapahayag ng pagbabago o pag-iiba ng paksa

Sa ganang akin… sa aking pananaw..
at/o pananaw. Ang mga ekspresyong ito ay nagpapahiwatig ng pangkalahatang
sa aking palagay
pananaw.

Sa isang banda , Sa kabilang dako

Samantala

Sa ganang akin… sa aking

pananaw.. sa aking
palagay

Sanggunian:
Pinagyamang Wika at Panitikan
Batayang Aklat sa Filipino 8
Batikan 8

Page 14 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D3
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:_____________

B. TUKLASIN

MAGSANAY TAYO!

A.Panuto: Lagyan ng Check (√) ang bawat patlang kung ang pangungusap ay
nagtataglay ng Lohikal na pananaw(x) kung hindi naman ito nagtataglay ng lohikal na
pananaw.

_________1. Alinsunod sa batas,kinakailangan tayong sumunod sa mga

ipantutupad na batas trapiko.

_________2. Nakababahala ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin.

_________3. Sa tingin ko,dapat ang lahat ng mga Pilipino ay pantay- pantay pagdating
sa batas

_________4. Marami sa atin ang nawalan ng mga trabaho dulot ng nararanasan nating
pandemya.

_________5. Batay sa lumabas na datos mula s DOLE maraming negosyo ang

nagsara dahil sa nararanasan na pandemya.

_________6. Tayo ay nararapat na sumunod sa mga alituntunin ng IATF upang

makaiwas sa sakit na Covid19.

_________7. Ilang probinsya ang sumailalim sa GCQ dahil tumaas ang kaso ng
Covid19 ayon sa IATF.

_________8. Batay sa Survey marami sa mga Pilipino ang nangangamba sa

pagbabakuna kung ito ba ay ligtas o hindi.

_________9. Samantala patuloy ang ginagawang programa ng ating pamahalaan

upang sugpuin ang sakit na nakakahawa.

_________10. Ayon sa pag aaral pinakamabuti sa ating kalusugan ang pagkain ng

mga prutas at gulay upang labanan ang sakit na Covid 19.

A. Panuto: Mula sa gawain A, itala sa loob ng kahon ang mga Lohikal na

paraan ng pananaw at katwiran

Page 15 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D3
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:_____________

Malinaw na ba sa iyo ang ating aralin? Kung hindi pa, maaari mong balikan ito. Kung
handa ka na halina’t iyong sagutan ang iba pang gawain..

C. MGA GAWAIN:

Gawain 1:
Panuto: Bilugan ang mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto ng
Pananaw sa mga sumusunod na mga pangungusap.

1. Ayon sa pangulo ng ating bansa, kailangang mabakunahan kontra Covid-19 ang

lahat ng mga Pilipino.
2. May parating na namang malakas na bagyo batay sa ulat ng PAGASA.
3. Alinsunod sa batas, tayo ay kailangang sumunod sa mga itinalagang Health
Protocols.
4. Batay sa isinagawang pag-aaral ng Lungsod ng Maynila,marami pa ring pang
aabusong ginagawa sa matatanda kaya kailangan silang bigyan ng Proteksyon.
5. Ayon sa mga Opisyal ng Kagawaran ng Edukasyon ay magkakaroon ng limang
araw na In-Service Training ang mga Guro sa lahat ng Pampublikong Paaralan.
6. Sa isang banda, maa makakabuti pa rin na patuloy tayong sumunod sa mga
alituntuning pangkalusugan para sa ating kaligtasan.
7. Sa kabilang dako, hindi natin maipapatupad ang batas kung tayo mismo ang
lumalabag.
8. Samantala, makabubuting alamin at sundin na lamang natin ang mga
alituntuning batas pangkaligtasan para na rin sa ating Kapakanan.
9. Ayon sa balita,marami na sa ating mga kababayan ang nakpagpabakuna na
kontra Covid 19.
10. Batay sa Datos ay patuloy na ang pagbaba ang mga kaso ng kakahawang sakit.

Page 16 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D3
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:_____________

C. MGA GAWAIN:

Gawain 2: OPINYON MO’Y MAHALAGA

Panuto: Gamit ang Lohikal na paraan ng pagpapahayag ng pananaw, Ilahad sa
iyong sariling pangungusap ang iyong Pananaw sa mga sumusunod na mga
mahahalagang isyu ng ating bansa ngayon

1.Patuloy na pagtaas ng mga bilihin 1. Pagtaas ng Krimen sa ating bansa

_____________________________ ____________________________
_____________________________ ____________________________
_____________________________ ____________________________
_____________________________ ____________________________

3. Pangamba sa papapabakuna kontra 4. Pagtaas ng bilang nawalan ng

Covid 19. trabaho sa ating bansa

_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________

5.Pagbabalik ng Face to Face na

klase sa mga paaralan.
____________________________
____________________________
____________________________

Paglalahat:

Ang mga Lohikal na Paraan ng pananaw at Katwiran ay ginagamit

upang magbigay ng hinuha at palagay sa isang isyu o paksa na
tinatalakay.Inihuhudyat ng mga Ekpresyon na ito ang iniisip,sinasabi o
pinaniniwalaan ng isang tao tungkol sa isang napapanahomg isyu o paksa.

Page 17 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D3
Pangalan: ______________________________________ Petsa: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________ Baitang at Pangkat:_____________

D. PAGTATAYA:
Panuto: Gamit ang mga natutunan sa ekpresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto
ng Pananaw at Katwiran Sumulat ng komentaryo tungkol sa napapanahong isyu.
Pumili ng isa sa mga sumusunod. Sunding gabay ang rubrik ng pagmamarka.

1.Pagpapabakuna kontra Covid-19.

2.Pagbabalik ng face to face classes.

3.Pagpapatupad ng Death Penalty

Pamagat ng Napiling Napapanahong Isyu

________________________________________________________________
______________________________________________________________________

_____________________________________________________________________.

Mga Pamantayan sa Pagmamarka

5 4 3
Napakahusay Mahusay Kailangang
Pagbutihin
1.Pagbibigay ng
impormasyon sa
paksang
tinalakay
2.Kahusayan ng
mga
komentarista sa
pagtalakay ng
paksa
3.Paggamit ng
mga angkop na
ekspresyon sa
pagpapahayag
ng mga konsepto
ng pananaw

Inihanda ni:
Maricel V.Calimlim
-PCCANHS

Page 18 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D4
Pangalan: ____________________________________Petsa : _________________________
Pangalan ng Guro: ____________________________ Baitang at Pangkat:___________________

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikatlong Markahan / Ikalimang Linggo / Ikaapat na Araw

LAYUNIN: Nagagamit nang wasto ang mga lohikal ekspresyong hudyat ng kaugnayang
lohikal(dahilan-bunga,paraan-resulta)
(F8WG-IIIe-f-32)

Aralin sa araw na ito: Ang mga lohikal na ekspresyong(dahilan-bunga,paraan-resulta)

PANIMULA

PAG-ARALAN NATIN!

Mga Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal.

May mga konseptong may kaugnayang lohikal na nakabubuo ng isang makahulugang

pahayag. Halimbawa nito ang ugnayang sanhi at bunga. na tinatawag ding pangatnig na
pananahi. Kapag pinagsama ang dalawang ito, nakalilikha ng pangungusap na
nagpapahayag ng ugnayang lohikal.

Halimbawa:

1.Dahilan at Bunga
Dinala si Mang Ben sa bahay-ampunan kaya nalungkot siya nang labis.
Mapapansin na matatagpuan sa unahan ang sanhi/dahilan ng pangyayari na
may isang salungguhit at ang bunga/resulta ay ang nasa loob ng bilog na
pahayag mula s pangungusap.
2. Paraan at Resulta
Dahil sa pagbisi-bisita ni Jay sa kaniyang lolo, nabigyan niya ng kaligayahan
ang matanda.
Ang sugnay na di-makapg-iisa na may isang salungguhit ay tumutukoy sa
paraan samantalang mga nasa loob ng bilog ay nagpapahayag ng resulta o
bunga na ginawa ni Jay.

Sanggunian:
Pinagyamang Wika at Panitikan,
Batayang Aklat sa Filipino 8
.

Page 19 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D4
Pangalan: ____________________________________Petsa : _________________________
Pangalan ng Guro: ____________________________ Baitang at Pangkat:___________________

B. TUKLASIN

MAGSANAY TAYO!

A. Isulat ang DB kung ang pangungusap ay nagsasaad ng dahilan at

bunga,at PR naman kung ito ay nagsasaad ng Paraan at Resulta.
_________1. Hindi natuloy ang pagpupulong dahil ang biglang umulan nang malakas.

_________2. Sa pagkakaisa at pagtutulungan,maipapanalo ang covid 19.

_________3. Nakaipon siya ng malaking halaga sa pagtitinda lamang ng mga pagkain
sa online.

_________4. Si Liza ang itinanghal na panalo,kaya’t lubos ang kanyang galak.

_________5. Dinala si Mang Caloy sa ospital kaya labis na nag-alala ang kanyang
pamilya.

_________6. Dahil sa pagkakaisa at pagsunod ng mga mamamayan,bumaba ang kaso

ng Covid 19 sa kanilang lugar.

_________7. Sa matiyagang pag-aaral, nakatapos siya ng kurso.

_________8. Dahil sa pagtutulungan ng ibat ibang ahensya ng ating gobyerno ,kaya

malapit nang magkaroon ng bakuna kontra Covid 19.

_________9.Hindi muna maisagawa ang face to face classes sa mga paaralan dahil sa
banta ng Covid 19.

_________10. Dahil sa Pandemyang ating nararanasan,kaya marami sa

ating mga kababayan ang nawalan ng hanapbuhay.

Gawain 1.
A. Panuto: Bilugan sa mga sumusunod na pangungusap ang dahilan at
salungguhitan naman ang bunga.
1.Naging masikap at masigasig si Jay sa kanyang pag aaral kaya mataas ang kanyang
marka.
2.Matiyagang nakikinig at aktibong nakikilahok sa kanyang Online Class si Mary kaya
marami siyang natututunan sa kanyang mga aralin.
3.Nanalo siya sa paligsahan dahil sa kanyang masidhing determinasyong manalo.
4. Malusog ang kanyang pangangatawan dahil kumakain siya madalas ng gulay at
prutas.
5.Maagap sa mga gawain si Ana kaya madali siyang makatapus ng mga gawain.

B.Panuto: Bilugan sa mga sumusunod na pangungusap ang paraan at

salungguhitan naman ang resulta.
1. Dahil sa patuloy na pagsunod sa mga protocol ng IATF,bumaba ang kaso ng Covid
sa kanilang lugar.
2. Patuloy sa kasipagansa pag aaral si James kaya tuwang –tuwa ang kanyang mga
magulang.

3.Nagsasagawa ng Disinfection araw araw sa ang mga opisina kayat walang naitatalang
bagong kaso ng Covid.
4. Patuloy ang mga malawakang programa kontra covid,kayat patuloy din ang pagbaba
ng kaso ng sakit.
5.Nagtakda ng batas ang IATF ang pagsusuot ng Face Mask at Face Shield,upang
makaiwas sa sakit ng Covid 19.
Page 20 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D4
Pangalan: ____________________________________Petsa : _________________________
Pangalan ng Guro: ____________________________ Baitang at Pangkat:___________________

Malinaw na ba sa iyo ang ating aralin? Kung hindi pa, maaari mong balikan ito. Kung
handa ka na halina’t iyong sagutan ang iba pang gawain..

C. MGA GAWAIN:

Panuto: Gamitin ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang

lohikal(dahilan/bunga,paraan/resulta)

1.Dahilan: Masigasig na pag- aaral ni Mary

Bunga:

2. Dahilan: Patuloy na pagsunod sa mga health protocols ng mga mamamayan

Bunga:

3. Paraan: Tamang paghuhugas ng mga kamay at pangangalaga sa sarili

Resulta:

4. Paraan: Palagiang paggamit ng facemask at faceshield

Resulta:

5.Paraan: Dahil sa pagpapanatili ng social distancing

Resulta:

6.Dahilan: Dahil sa kaniyang pagtitiyaga na makapag- ensayo para sa kanyang laro

Bunga:

7.Paraan: Pagbabawal ng mga menor de edad sa paglabas ng bahay

Resulta:

8.Paraan: Pagsunod sa mga alituntuning pangkalusugan ng IATF at DOH

Resulta:

9.Dahilan: Naging pabaya si Jay sa kaniyang pag-aaral

Bunga:

10.Paraan: Dahil sa hindi pagkain ng gulay at prutas ni Ana

Resulta:

Page 21 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D4
Pangalan: ____________________________________Petsa : _________________________
Pangalan ng Guro: ____________________________ Baitang at Pangkat:___________________

DAPAT TANDAAN

➢ Ang Dahilan at Bunga ay nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng isang

pangyayari.Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ng resulta nito.
➢ Ang Paraan at Resulta ay nagsasaad naman kung paano nakuha ang resulta.

Pagtataya:A.
Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal sa hanay
A (dahilan,paraan )at sa hanay B (bunga,resulta).

Isulat ang sagot sa patlang:

Hanay A Hanay B

___1.Dahil sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan

na labanan ang sakit na Covid19 A.Siya ay nakatapos ng
kanyang pag aaral.
___2.Dahil sa kanyang pagtitiyaga sa kanyang pag aaral. B.kaya siya naakdisente
sa daan
___3.Dahil sa patuloy na pagsasagawa at pagsunod ng
mga mga health protocols C.kayat bumababa ang
kaso ng Covid sa ating bansa
___4.Dinala si Aling Maria sa Ospital D. masaya ang kanyang lolo
na may karamdaman
___5. Umuwing masaya at magaling ang pasyente E.Walang naitalang
mula sa ospital bagong kaso sa kanilang
barangay

___6.Dahil sa pagsunod sa mga bilin at payo F.dahil nakaranas ito ng

ng doktor paninikip ng dibdib at hirap sa
paghinga
___7. Dahil sa pagbisita ni Jay sa Ospital G.kaya siya
naaksidente sa kalsada
___8. Dahil sa pagsasagawa ng mga Cleaning H. nagtagumpay ang doktor na
Operation ng Barangay magamot at mapagaling
ang kanyang pasyente
___9. Laging naghuhugas ng kamay si Marie bago I.Nananatiling malinis
at pagkatapos kumain at ligtas sa sakit
ang kanilang barangay

___10. Dahil sa hindi pagsunod ni G.Reyes sa Batas trapiko

Page 22 of 23
Module Code: Pasay F8-Q3-W5-D4
Pangalan: ____________________________________Petsa : _________________________
Pangalan ng Guro: ____________________________ Baitang at Pangkat:___________________

Pagtataya B:
Panuto: Pumili ng isang dokumentaryong pantelebisyon at panoorin ito.Pagkatapos isulat
ang napanood na dokumentaryo na ginagamit ang mga ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal. Isulat ang mga hinihinging imporamasyon sa ibaba.

Halimbawa ng mga dokumentaryong pantelebisyon:

1.Reporters Notebook(GMA-7)
2.i-Witness(GMA-7)

Pamagat ng Dokumentaryo:_______________________________________
Lumikha ng Dokumentaryo:_______________________________________
Channel ng Telebisyon:__________________________________________
Oras ng Palabas:________________________________________________

Mula sa napanuod na dokumentaryo itala ang mga pangyayari na nagsasaad ng

Dahilan-Bunga

1______________________________________
2.______________________________________
3.______________________________________

Paraan-Resulta

1._____________________________________
2.______________________________________
3.______________________________________

Sanggunian: Pinagyamang Wika at Pantikan Batayang aklat sa Filipino 8 quizlet.com with Google
www.coursehero.com

Inihanda ni: Maricel V. Calimlim,Guro sa Filipino

President Corazon’’Cory’’C.Aquino National High School

Page 23 of 23

You might also like