You are on page 1of 23

MODULES IN

GRADE 8
QUARTER 1 – WEEK 5

Page 1 of 23
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain

Page 2 of 23
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!

Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

Page 3 of 23
NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!

Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

Module Code: Pasay F8-Q1-W5-D1

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan/ Ikalimang Linggo/ Unang Araw

LAYUNIN: Nabubuo ang angkop na pagpapasiya sa isang sitwasyon gamit ang

pamantayang pansarili at pamantayang itinakda. F8PS-Id-F-21

Paksa: Angkop na pagpapasiya.

Pamantayang Pansarili

A: PANIMULA
Ang Pagpapasiya o pagpili ay maituturing bilang isang prosesong mental o
prosesong kognitibo na nagreresulta sa pagpili ng isang kurso ng kilos mula sa ilang mga
kapalit o alternatibong mga eksena. Ito rin ay pagdedesisyon sa mga hakbang na dapat
mong gawin sa mga sitwasyon o pangyayari.

MGA HAKBANG SA PAGPAPASYA

1. Alamin ang suliranin.

- Mahalagang matukoy ang tunay na suliranin upang ito ay masuri nang
mabuti. Alamin ang pinakaugat ng suliranin.

2. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon.

- Isipin ang maaaring maging solusyon sa suliranin. Alamin ang mga
paraan upang maging madali ang paglutas nito.

3. Isaalang-alang ang mga maaaring ibunga ng bawat solusyon.

- Mula sa mga naiisip na solusyon, isipin ang maaaring kalalabasan o
kahihinatnan. Mabuting malaman ang mga ito upang maging handa rito
at maiwasan ang pagsisisi sa maaaring kahihinatnan ng naisip na
solusyon.

PAMANTAYAN
- Ang pamatayan ay mga prinsipyong sinusunod mo sa iyong buhay.
Pamantayang Pansarili
- Ito ay sariling prinsipyo na sinusunod mo sa iyong buhay na maaaring
batay sa sariling karanasan o kaalaman.

Mga Sanggunian:
Pluma 8
Pedia.org/wiki/pagpapasya
http://www.slideshare.net/ArnelSSI/hakbang-sa-pagpapasya

Page 4 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

B. TUKLASIN
Pagmasdan ang mga bagay na nasa ibaba. Pumili ng tatlong bagay na sa iyong palagay ay
mahalaga sa iyong buhay. Lagyan ng tsek ang kahon at isulat sa patlang kung bakit ito ang iyong
napili.

__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

_________________________________________

________________________________________

Ano ang naging pamantayan mo sa iyong pagpili sa mga bagay na sa tingin mo ay mahalaga? Ito
ba ay base sa iyong kagustuhan o sa iyong pangangailangan? Tandaan na ang tamang pagpili o
pagpapasya ay magiging angkop kung ikaw ay may pamantayang susundin.

HANDA KA NA BA?
Malinaw na ba sa iyo ang ating aralin? Kung hindi pa, subuking balikan ang inilahad na aralin.
Kung malinaw na sa iyo ang aralin, halina’t iyo nang sagutin ang iba pang gawain..

Page 5 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

C. MGA GAWAIN

Gawain 1: KAYA MO YAN!

Magtala ka ng 10 pamantayan na maaari mong maging basehan upang makaiwas sa
sakit na COVID-19.

1. _________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________
6. _________________________________________________________________
7. _________________________________________________________________
8. _________________________________________________________________
9. _________________________________________________________________
10. _________________________________________________________________

Gawain 2: SA PALAGAY MO

Kung ikaw ay isang malapit na kaibigan ng Pangulo ng ating bansa, ano ang mga
pagpapasyang maipapayo mo sa mga sumusunod na sitwasyon upang matulungan siya sa
kanyang pagdedesisyon.

A. Pagbubukas ng mga negosyo, malls, restaurants at iba pa. _______________________

______________________________________________________________________

B. Pagpasada ng mga pampublikong sasakyan gaya ng dyip, bus, tricycle at iba pa.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

C. Mga OFW na umuuwi sa kanilang pamilya at mga umaalis upang makapaghanapbuhay.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

D. Pagbibigay ng mga ayuda sa mamamayang Pilipino. ________________________

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

E. Pagkakaroon ng Mass Testing. _____________________________________________

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

F. Kakulangan sa mga Personal Protective Equipment o PPE. ______________________

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
G. Pagpapabakuna ng lahat ng Pilipino laban sa COVID. ____________________
______________________________________________________________________
H. Pagsasailalim sa Enhance Community Quarantine ng mga lugar sa bansa. __________
______________________________________________________________________

Page 6 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

I. Pagbebenta at pagbili ng alak sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ. _______________

_____________________________________________________________________

J. Pananamantala ng ilang tindahan sa pagbebenta ng mask, alcohol at iba pa. ________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

D. PAGLALAHAT
TANDAAN!
● Ang Pagpapasiya o pagpili ay isang prosesong mental o prosesong kognitibo na nagreresulta
sa pagpili ng isang kurso ng kilos mula sa ilang mga kapalit o alternatibong mga eksena. Ito rin
ay pagdedesisyon sa mga hakbang na dapat mong gawin sa mga sitwasyon o pangyayari.
● Ang angkop na pagpapasiya o pagpili ay nangangailangan ng pamantayang susundin tulad
ng pamantayang pansarili.
● Ang mga hakbang sa pagpapasya ay alamin ang suliranin, pag-aralan ang lahat ng posibleng
solusyon at isaalang-alang ang maaaring ibunga ng bawat solusyon.

Gawain 3: KAYANG-KAYA!
Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ang sitwasyon ay may angkop na pagpapasya at
MALI kung ang pagpapasya ay hindi angkop.

1. Niyayaya ka ng iyong kaibigan na lumabas dahil wala na ang inyong lugar sa ECQ. Dahil
naiinip ka na sa inyong bahay ay agad kang pumayag na lumabas. ___________
2. Si Aling Marta ay nagtungo sa palengke upang mamili. Bagamat siksikan sa tindahan ay
minabuti niyang umatras at maglaan ng espasyo para sa social distancing. _______
3. Dahil nagkakaubusan ng mga alcohol at face mask ay minabuti ng iyong ama na bumili ng
marami upang hindi kayo maubusan. _____________
4. Ang inyong pamilya ay hindi nailista sa ayudang ibibigay ng pamahalaan kung kaya’t ang
iyong nanay ay nagpasyang sugurin ang tanggapan ng barangay._________
5. Nakalimutan ni Mang Nestor ang kanyang quarantine pass habang patungo sa pamilihan.
Habang naglalakad ay kanya itong naalala, ngunit dahil sa pagod at malapit na sa pamilihan
ay ayaw na niya itong balikan. _______________
6. Papasok sana sa trabaho si Mang Carding nang harangin siya ng mga pulis dahil sa
nakalockdown ang kalyeng kanyang daraanan. Agad siyang umikot at nagtungo sa ibang
daan upang makarating sa trabaho. __________
7. Sinabihan si Aling Nena ng kanyang kapitbahay na maglinis at i-dissinfect ang kani-kanilang
mga harapan ng bahay upang makaiwas sa sakit. Dahil napanood niya na mabilis kumapit
ang mga mikrobyo ay agad niyang sinunod ito. __________
8. Ang inyong tindahan ay may stock na alcohol at face mask. Dahil sa nabalitaan niyong
nagkakaubusan ng mga ito ay minabuti niyong ibenta ng doble ang presyo upang kayo ay
kumita ng malaki.
9. Namasada ang dyip ni Mang Mario kahit na alam niyang may banta ng pandemya at ang
kanilang lugar ay nakalockdown. ___________
10. Pinili ni Aling Nora na ienroll ang kanyang anak sa paaralan kahit may banta pa ng covid
dahil nabalitaan niyang ligtas ang programa ng Deped. _____________

Page 7 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

E. PAGTATAYA
Umisip at sumulat ng tag-iisang sitwasyon sa kasalukuyan na maiuugnay sa bawat larawan sa
ibaba. Maaaring magbasa manood o makinig ng balita at kumuha rito. Isulat ito sa kahon na
nasa gilid ng larawan. Matapos nito, isulat mo naman sa loob ng bombilya ang naiisip mong
pagpapasyang solusyon sa bawat sitwasyong iyong naitala.

1 2

3 4

5 6

7 8

9 10

Inihanda ni: Claren DO. Rodolfo

Filipino 8, Unang Markahan
Pasay City East High School

Page 8 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

Module Code: Pasay F8-Q1-W5-D2

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan/ Ikalimang Linggo/ Ikalawang Araw

LAYUNIN: Nabubuo ang angkop na pagpapasiya sa isang sitwasyon gamit ang

pamantayang pansarili at pamantayang itinakda.F8PS-Id-F-21

Paksa: Angkop na pagpapasiya.

Pamantayang itinakda

A: PANIMULA
Ang Pagpapasiya o pagpili ay maituturing bilang isang prosesong mental o
prosesong kognitibo na nagreresulta sa pagpili ng isang kurso ng kilos mula sa ilang mga
kapalit o alternatibong mga eksena. Ito rin ay pagdedesisyon sa mga hakbang na dapat
mong gawin sa mga sitwasyon o pangyayari.

MGA HAKBANG SA PAGPAPASYA

1. Alamin ang suliranin.

- Mahalagang matukoy ang tunay na suliranin upang ito ay masuri ng
mabuti. Alamin ang pinakaugat ng suliranin.

2. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon.

- Isipin ang maaaring maging solusyon sa suliranin. Alamin ang mga
paraan upang maging madali ang paglutas nito.

3. Isaalang-alang ang mga maaaring ibunga ng bawat solusyon.

- Mula sa mga naiisip na solusyon, isipin ang maaaring kalalabasan o
kahihinatnan. Mabuting malaman ang mga ito upang maging handa rito
at maiwasan ang pagsisisi sa maaaring kahihinatnan ng naisip na
solusyon.

PAMANTAYAN
- Ang pamatayan ay mga prinsipyong sinusunod mo sa iyong buhay.
Pamantayang Itinakda
- Ito ay prinsipyo na sinusunod mo sa iyong buhay na batay o itinakda ng
ibang tao, ahensya o organisasyon.

Mga Sanggunian:
Aklat: Pluma 8
Online: Pedia.org/wiki/pagpapasya
http://www.slideshare.net/ArnelSSI/hakbang-sa-pagpapasya
https://www.officialgazette.gov.ph (Guidelines on the Implementation of Community Quarantine)

Page 9 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

B. TUKLASIN
Makikita sa ibaba ang ilang mga pamantayang itinakda ng pamahalaan kaugnay
sa pandemyang COVID-19. Lagyan ng tsek ang loob ng kahon na nagsasaad ng
pamantayang itinakda ng pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine o
ECQ at ekis kung hindi. Maaaring manood sa balita o kaya ay magpatulong sa iyong
kapatid, nanay o tatay o maging sa iba pang kapamilya sa pagsagot sa gawaing ito.
1. Ang lahat ay dapat na manatili sa loob ng kani-kanilang bahay.

2. Ang maaari lamang na lumabas ay ang mga bata edad 21 pababa at matatanda
na may edad 60 pataas.

3. Ang mga pampasaherong sasakyan o transportasyon ay hindi maaaring

pumasada.

4. Papayagang bumiyahe ang mga sasakyang may dala o nagdedeliver ng mga

essential goods tulad ng pagkain, gamot at iba pang pangangailangan.

5. Tuloy ang operasyon ng lahat ng negosyo sa bansa.

6. Hindi maaaring magkaroon ng pagtitipon o selebrasyon na kasasangkutan ng

maraming tao.

7. Magkakaroon ng klase sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa bansa.

8. Dapat na isara ang lahat ng bangko upang maipatupad ang social distancing.

9. Kinakailangan ang pagsusuot ng Face Mask kung kayo ay lalabas upang bumili
ng pangangailangan.

10. Kinakailangan ang Community Quarantine Pass sa tuwing lalabas at bibili ng

mga pangangailangan.

Tama ba ang mga nilagyan mo ng tsek na kabilang sa pamantayang itinakda ng ating pamahalaan sa
ilalim ng ECQ? Tandaan na kapag sinabing itinakdang pamantayan, ito ay pamantayan na itinakda o isinasaad
ng ibang tao, ahensya o maging organisasyon.

HANDA KA NA BA?
Malinaw na ba sa iyo ang ating aralin? Kung hindi pa, subuking balikan ang inilahad na aralin.
Kung malinaw na sa iyo ang aralin, halina’t iyo nang sagutin ang iba pang gawain..

Page 10 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

C. MGA GAWAIN
GAWAIN 1: KAYA MO ITO
Mula sa mga pamantayang itinalaga na mababasa sa bawat bilang, bumuo ka ng
pagpapasya batay sa mga napanood o napabalitang isyu o sitwasyon sa kasalukuyan na
kaugnay rito.
1. BAWAL LUMABAS O ANG STRICTLY HOME QUARANTINE!
_______________________________________________________________________

2. PANATILIHIN ANG SOCIAL DISTANCING
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. PAGGAMIT AT PAGSUSUOT NG FACE MASK
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
4. PAGDADALA NG QUARANTINE PASS
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
5. BAWAL ANG PAG-ANGKAS SA MGA MOTORSIKLO!
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
6. PALAGIANG PAGHUHUGAS NG KAMAY
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
7. LIQUOR BAN

8. PAGTANGGAP NG MGA OSPITAL SA MGA PASYENTE
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
9. PAGBABAWAL SA PAGBILI NG MARAMI O LABIS NA MGA PANGANGAILANGAN TULAD
NG PAGKAIN, ALCOHOL AT IBA PA.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
10. PAGBABAWAL SA PAGPAPATAW NG LABIS NA TUBO SA PRESYO NG ALCOHOL,
MASK AT IBANG KAGAMITANG PANGKALUSUGAN.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

D. PAGLALAHAT
TANDAAN!
● Ang Pagpapasiya o pagpili ay isang prosesong mental o prosesong kognitibo na nagreresulta
sa pagpili ng isang kurso ng kilos mula sa ilang mga kapalit o alternatibong mga eksena. Ito rin
ay pagdedesisyon sa mga hakbang na dapat mong gawin sa mga sitwasyon o pangyayari.
● Ang angkop na pagpapasiya o pagpili ay nangangailangan ng pamantayang susundin tulad
ng pamantayang pansarili at pamantayang itinatakda.
● Ang mga hakbang sa pagpapasya ay alamin ang suliranin, pag-aralan ang lahat ng posibleng
solusyon at isaalang-alang ang maaaring ibunga ng bawat solusyon.

Page 11 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

Gawain 2: IKAW AY MAGPASYA!

Gamit ang iyong sariling pamantayan at pamantayang itinakda ng pamahalaan
kaugnay sa pandemyang COVID-19, bumuo ka ng angkop na pagpapasya hinggil sa
sumusunod na mga sitwasyon.
1. Mahigpit na ipinatutupad ng ating pamahalaan ang hindi paglabas sa ating mga
bahay dahil sa banta ng COVID. Isa lamang sa bawat pamilya ang maaaring
lumabas at ito ay upang bumili lamang ng mga pangangailangan gaya ng pagkain,
gamot at iba pa. Ngunit isang araw ay nakita mong nasa labas ang ilan sa iyong
mga kapitbahay at nagkukwentuhan. Nakita mo rin na may mga kabataang
naglalaro sa inyong lugar. Ano ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon upang
makatulong sa pagsugpo ng pandemya?
____________________________________________________________________________

2. Ayon sa DOH kinakailangan ang pagsusuot ng face mask sa tuwing lalabas ng
ating bahay upang maiwasan ang sakit na COVID. Ngunit isang umaga habang
papalabas ng bahay ang iyong tatay ay nakita mong tinanggal niya ang kanyang
face mask at ito’y ibinulsa. Ano ang maaari mong sabihin sa iyong ama sa
sitwasyong ito?
______________________________________________________________

3. Ang social distancing ay mahigpit ding ipinatutupad lalo na sa mga pamilihan gaya
ng palengke. Isang umaga ay nakita mong kagagaling lang ng iyong nanay sa
pamilihan. Narinig mo sa kanyang kuwento na marami na ang mga taong nasa
palengke gayundin ang mga bukas na tindahan. May ipinakita ang iyong nanay na
bagay na kanyang binili at sinabing nakipag-unahan at nakipagsisiksikan siya
upang mabili ang bagay na iyon. Ano kaya ang maaari mong sabihin sa iyong
nanay kaugnay sa social distancing?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Nakita mong nag-uusap ang iyong tatay at kanyang kaibigan tungkol sa SAP o
Social Amelioration Program ng pamahalaan. Narinig mo na nakatanggap na ang
iyong tatay at kaibigan nito ng ayuda mula sa SSS o Social Security System at
balak ng kanyang kaibigan na magpalista pa sa barangay upang makakuha muli
ng ayuda. Ngunit ayon sa iyong napanood na balita, hindi maaaring magdoble sa
pagkuha ng ayuda at kung sinuman ang mapapatunayang lumabag ay may
kaukulang parusa. Ano sa palagay mo ang dapat gawin ng iyong ama upang hindi
mapahamak ang kanyang kaibigan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Dahil sa pandemyang kinakaharap ng ating bansa, maraming mamamayan ang
nakararanas ng hirap at gutom. Isa sa iyong mga kamag-aral ang humihingi ng
kaunting tulong dahil sa kawalan ng hanapbuhay ng kanyang magulang dala ng
pansamantalang lockdown. Ano ang maaari mong gawin upang matulungan ang
iyong kamag-aral?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
6. Isang pamilya ang lumapit sa iyong ama na isang kapitan ng barangay upang
idulog ang kanilang problema kaugnay sa pagpapaalis sa kanilang tinitirhang
apartment dahil sa hindi nila pagbabayad bunga ng pagsususpindi ng trabaho
dahil sa banta ng COVID-19. Ano sa palagay mo ang dapat gawin ng iyong
ama upang matulungan ang nasabing pamilya?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Page 12 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

7. Sa panonood mo ng balita, nalaman mong ang madalas na paghuhugas ng

kamay ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng
COVID-19. Ang iyong kapatid na kararating lang ay dumiretso sa hapag kainan
upang kumain. Ano ang maaari mong sabihin sa iyong kapatid upang makaiwas
sa sakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
8. Nabalitaan ng inyong pamilya na nagbukas na ang mall na malapit sa inyo kung
kaya’t ninanais ng iyong mga magulang na magpunta dito upang mamili. Ngunit
ayon sa balita na iyong napanood, marami ang nagsipuntahan sa mga mall at
dahil dito tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Ano ang maaari
mong maipayo sa iyong mga magulang na nais magpunta sa mall?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
9. Ipinatupad ang liquor ban sa inyong lugar dahil sa banta ng COVID. Dahil sa
kayo ay may tindahan, minabuti ninyong itabi na ang mga alak upang hindi
maibenta ngunit, ilan sa inyong mga kapitbahay ang lumapit sa inyong tindahan
upang sikretong makabili ng alak na kasalukuyang ikaw ang nagbabantay sa
tindahan. Napansin mo na karamihan sa nais bumili ay mga kaibigan ng iyong
ama at iyong ninong. Ano ang iyong gagawin?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
10. Ang inyong pamilya ay nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan. Malaking
tulong ito upang makabili ng inyong pangangailangan lalo na’t pansamantalang
wlang hanapbuhay ang iyong mga magulang. Nais ng iyong kapatid na humingi
sa iyong nanay ng pambili ng bagong cellphone mula sa nakuha niyong ayuda.
Ano ang maaari mong maipayo sa iyong kapatid sa sitwasyong ito?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

E. PAGTATAYA
Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga kasalukuyang sitwasyon ng bansa na makikita sa Hanay A sa
mga angkop na pagpapasyang maaari mong gawin bilang mag-aaral na makikita sa hanay B.
Hanay A Hanay B
1. Diskriminasyon sa mga healthworkers A. Susunod ako sa mga ipinatutupad na
2. Hindi pagsunod sa mga itinakdang batas upang makaiwas sa pagkahawa sa sakit
pamantayan ng IATF at DOH ukol sa B. Mainam ito dahil ang alak ay isa sa maaaring
pandemya. rason ng pagkakaroon ng gulo o away
3. Pananamantala ng ilang kawani ng C. Isumbong sa kinauukulan ang mga ospital
barangay sa pagbibigay ng ayuda. na namimili at ayaw tumanggap ng pasyente
4. Hindi pagtanggap ng ilang ospital sa D. Hindi ako lalabas upang bumaba ang kaso at
mga pasyente. hindi mahawa
5. Pagdami ng kaso ng COVID-19 E. Maglakad na lamang o mag-bike kung ako
6. Pagsuspindi sa mga trabaho dala ng ay aalis, makabubuti pa ito sa ating katawan
pandemya. F. Magpapaenrol pa rin sapagkat hindi kinakai-
7. Pagpapaliban ng klase sa mga paaralan. langan ang face to face dahil may module.
8. Pagsuspindi sa mga pampublikong G. Igagalang ko at bibigyan sila ng pagpupu-
Transportasyon gay dahil isa silang bayani
9. Pagbabawal sa pag-angkas sa mga H. Magtitipid ako dahil alam kong wala kaming
motorsiklo mapagkukunan ng aming pangangailangan
10. Pagbabawal sa mga alak sa panahon ng I. Susunod ako dito dahil maaaring malabag ang
Pandemya hindi pagkakaroon ng social distancing lalo na
kapag angkas.
J. Isumbong sa kinauukulan ang mga nananaman-
talang opisyal upang mapanagot sa batas.
Inihanda ni: Claren DO. Rodolfo
Filipino 8, Unang Markahan Pasay City East High School

Page 13 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

Module Code: Pasay F8-Q1-W5-D3

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan/ Ikalimang Linggo/ Ikatlong Araw

LAYUNIN: Nakasusulat ng sariling alamat tungkol sa mga bagay na maaaring ihambing sa

sarili. F8PU-Id-f-21
Paksa: Pagsulat ng Alamat

A: PANIMULA
Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang Latin na Legendus na
ngangahulugang “upang mabasa”.
Ang alamat ay kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao na naglalaman ng
pinagmulan ng isang pook, bagay, halaman, hayop, pangalan o katawagan o iba pang
bagay.
Kalimitang ito’y nagtataglay ng mga kababalaghan o mga hindi pangkaraniwang
pangyayari. Ang karaniwang paksa ng mga alamat ngmga alamat ay an gating katutubong
kultura, mga kaugalian at kapaligiran.

BAHAGI NG ALAMAT

1. Simula
- Sa simula matatagpuan ang dalawang mahalagang sangkap o elemento,
ang tauhan na ipinakikilala ayon sa kaanyuan o papel na gagampanan o
katayuang sikolohikal, kung sino ang bida at ang kontra bida. Ang ikalawa
ay ang tagpuan o ang lugar na pinangyarihan ng alamat.
2. Gitna
- Dito makikita ang banghay o ang pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o
eksena. Dito makikita at nasusulat ang mga pangyayari sa
alamat.Makikita rin dito ang pinakamaganda at pinakapanapanabik na
pangyayari sa kuwento.
3. Wakas
- Dito makikita at nasusulat ang unti-unting pagbaba ng takbo ng
pangyayari, maging ang solusyon sa problema at ang magiging wakas ng
isang alamat.

TANDAAN!
Sa pagsulat ng isang alamat, kinakailangang malaman at maunawaan ang mga
bahaging tinataglay nito. Ngayong nalaman mo na ang mga ito, mapadadali na ang
iyong pagsulat.

Mga Sanggunian:
Aklat: Pluma 8 pahina 40-41
Online: https://pinoycollection.com/alamat/

Page 14 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

B. TUKLASIN
Lagyan ng ang mga alamat na iyong nabasa, napanood at maging napakinggan
sa iyong mga magulang. Lagyan naman ng ang mga alamat na hindi mo pa nalalaman. Sa
ilalim ay may makikitang kahon. Isulat sa loob ng kahon ang alamat na iyong nagustuhan at ibigay
ang iyong dahilan kung bakit mo ito nagustuhan.

Alamat ng Saging Alamat ng Rosas

Alamat ng Pinya Alamat ng Waling-waling

Alamat ng Mangga Alamat ng Ahas

Alamat ng Ampalaya Alamat ng Kawayan

Alamat ng Makahiya Alamat ng Gagamba

Alamat ng Lanzones Alamat ng Bayabas

Nagustuhan ko ang alamat ng _____________________________________________,

Dahil ________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Pinakagusto ko ang bahagi ng alamat na _____________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

C. MGA GAWAIN
GAWAIN 1: KAYA MO ITO
Mula sa mga nabasa, napanood o narinig mong alamat sa itaas, pumili ka ng isa at
ibuod mo ito gamit ang grapikong pantulong na nasa ibaba.
__________________________________________________
PAMAGAT NG ALAMAT

Page 15 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

SIMULA Pangyayari 2 GITNA

Pangyayari 1 Pangyayari 3

WAKAS Pangyayari 4

GAWAIN 2: DUGTUNGAN MO!

Dugtungan ang kuwento upang maging ganap na alamat. Isulat ito sa mga guhit na nasa
ibaba.

ALAMAT NG PASAY
Ni : KA BELOY

Maraming taon ang nakalilipas may isang pook noon na kalapit ng Maynila at Makati ang
di pa nakikilala. Ang lugar na ito ay may malawak na lupa na kung umuulan ay halos nagiging
isang malawak ding putikan. Sa pook na ito ay may isang pamilya na may payak lamang na
pamumuhay, ito ay ang mag-asawang Pablo at Lina na ang ikinabubuhay ay ang paghahayupan
tulad ng pag-aalaga ng kambing, kalabaw, kabayo at manok. Ang mag-asawa ay may
magandang dalagang anak na nagngangalang Paz. Kahit sa simpleng buhay ay nagawa ng
mag-asawa na mapag-aral ang anak na si Paz. Pangarap nilang mapagtapos ito ng karera sa
kursong Komersyo at matulungan sila sa buhay. “Anak inaasahan ko na tatapusin mo ang iyong
pag-aaral para matulungan mo kami ng iyong ina.” Pakiusap ni Mang Pablo. “Opo itay,
ipinapangako ko po sa inyo na makakatapos ako.” Sa kanilang pook ay wala nang hihigit pa sa
kagandahan ni Paz na minana niya sa kanyang mga magulang.
Isang araw _____________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Page 16 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

D. PAGLALAHAT

TANDAAN!

Ang alamat ay isang kuwento ng pinagmulan ng mga bagay-bagay sa ating

daigdig. Ang pagsulat ng alamat ay binubuo ng tatlong bahagi: ang simula, gitna, at wakas.

GAWAIN 3:
Pumili sa ibaba ng mga bagay na gusto o maaari mong gawan ng alamat. Lagyan ng
tsek ang bilog na iyong napili at isulat sa gilid ang iyong dahilan kung bakit mo ito napili .

Laptop ______________________________________________________

CCTV ______________________________________________________

Electricfan ______________________________________________________

Cellphone ______________________________________________________

Aircon _____________________________________________________

T.V _____________________________________________________

Refrigirator _____________________________________________________

E. PAGTATAYA
Mula sa mga nilagyan mo ng tsek sa itaas, pumili ka ng isa at gawan mo ito ng sarili
mong alamat. Maaari ka ring umisip o pumili ng iba pang bagay na maaari mong gawan ng
alamat.

Page 17 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

PAMANTAYAN:
5 4 3 2 1
Ang nilalaman ay kakikitaan ng pinagmulan ng
Bagay-bagay.
Ang isinulat na alamat ay nagtataglay ng tatlong
bahagi: ang simula, gitna at wakas.
Ang isinulat na alamat ay kinapapalooban ng
gintong aral na magagamit sa buhay.

5 – Pinakamahusay 3 – Katamtamang husay 1 – Hindi nakamit ang

4 – Mahusay 2 – Hindi masyadong nakamit ang pamantayan
Pamantayan

____________________________________________

Page 18 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

Module Code: Pasay F8-Q1-W5-D4

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan/ Ikalimang Linggo/ Ikaapat na Araw

LAYUNIN: Nakasusulat ng sariling alamat tungkol sa mga bagay na maaaring ihambing sa

sarili. F8PU-Id-f-21

Paksa: Paghahambing sa sarili

A: PANIMULA
Ang paghahambing o komparatibo ay ginagamit kung naghahambing ng dalawang
antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari at iba pa.
Sa pagsulat ng alamat, maaari kang umisip ng mga bagay na maaari mong ihambing
sa iyong sarili upang mas mapadali ang iyong pagsusulat.

Paraan sa pagsulat ng alamat tungkol sa bagay na maaaring ihambing sa sarili

1. Sa paghahambing ng iyong sarili sa isang bagay, unang isipin ang mga katangiang
iyong taglay saka umisip ng mga bagay na parehas sa katangiang tinataglay mo.
2. Piliin ang angkop na bagay na sumisimbolo sa katauhan at katangian mo.
3. Umisip ng pangalan ng pangunahing tauhan na malapit sa pangalan ng bagay na
nais mong gawan ng alamat.
4. Bumuo na ng kuwento o pagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng bagay na iyong
napili batay sa mga bahagi nito: simula, gitna at wakas.
5. Huwag kalimutan ang mga gintong aral na maaaring matagpuan sa iyong isinusulat
na alamat.

B. TUKLASIN
Ihambing ang sumusunod na mahahalagang tao sa iyong buhay sa isang bagay.
Iguhit ang bagay na ito sa loob ng kahon at isulat sa bawat espasyong nakalaan kung
bakit ito ang bagay na inihambing mo sa bawat isa.
1. NANAY/INA
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

Mga Sanggunian:
Aklat: Pluma 8 pahina 40-41
Online: https://www.slideshare.net

Page 19 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

2. TATAY/AMA
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

3. KAPATID
_______ __________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

4. KAIBIGAN
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

5. GURO
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

C. MGA GAWAIN

GAWAIN 1: KAYA MO ITO

Umisip ng limang alamat na iyong nabasa o napanood na maaari mong
maihambing sa iyong sarili at ang dahilan kung bakit. Isulat ito sa dayagram na nasa
ibaba.
PAMAGAT NG ALAMAT Dahilan kung bakit naihambing sa sarili
1.

2.

Page 20 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

C. MGA GAWAIN

GAWAIN 1: KAYA MO ITO

Umisip ng limang alamat na iyong nabasa o napanood na maaari mong
maihambing sa iyong sarili at ang dahilan kung bakit. Isulat ito sa dayagram na nasa
ibaba.
PAMAGAT NG ALAMAT Dahilan kung bakit naihambing sa sarili
3.

4.

5.

D. PAGLALAHAT

Ang Aking Natutuhan!

Buoin ang mga parirala upang maging ganap na pangungusap.

Nalaman ko na ______________________________________________________

_________________________________________________________________.

Kaya naman ________________________________________________________

__________________________________________________________________.

Page 21 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

GAWAIN 2: ISIPIN MO!

Iguhit sa loob ng kahon ang limang bagay na maaari mong maihambing sa iyong sarili
at ilahad ang pagkakatulad mo sa bagay na ito. Isulat ang paglalahad sa loob ng bilog.

ANG AKING SARILI

Page 22 of 23
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: _____________________
Pangalan ng Guro: ______________________________

E. PAGTATAYA
Sumulat ng alamat ng isang bagay na maaaring maihambing sa iyong sarili. Gamiting
pamantayan ang nasa ibaba.

PAMANTAYAN:
5 4 3 2 1
Ang nilalaman ay kakikitaan ng pinagmulan ng
Bagay-bagay o maituturing na alamat.
Ang isinulat na alamat ng isang bagay ay
kakikitaan ng pagkakatulad sa sarili.
Ang isinulat na alamat ay kinapapalooban ng
gintong aral na magagamit sa buhay.

5 – Pinakamahusay 3 – Katamtamang husay 1 – Hindi nakamit ang

4 – Mahusay 2 – Hindi masyadong nakamit ang pamantayan
Pamantayan

____________________________________________
PAMAGAT NG ALAMAT
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Inihanda ni: Claren DO. Rodolfo
__________________________________________________________________________
Filipino 8, Unang Markahan
__________________________________________________________________________
Pasay City East High School
___________________________________

Page 23 of 23

You might also like