You are on page 1of 23

MODULES IN

GRADE 8
QUARTER 1 – WEEK 1

Page 1 of 23
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain

Page 2 of 23
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!


Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

Page 3 of 23
NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!


Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
PANGALAN: _______________________ Taon at Pangkat: _______________
Guro: ______________________
PASAY-F8-Q1-W1-D1

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan/ Unang Linggo/ Unang Araw

LAYUNIN: Nahuhulaan ang mahahalagang kaisipan at sagot sa mga karunungang-bayang


nabasa. (F8PN-Ia-c-20)

Paksa 1: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO


● MGA KARUNUNGANG – BAYAN (Salawikain, Sawikain at Kasabihan)

PANIMULA
A. ANG IYONG ARALIN:
Ang Panitikan ay isang malinaw na salamin, larawan, repleksyon, o representasyon ng
buhay, karanasan, lipunan at kasaysayan ayon kay Reyes na isang manunulat. Mayaman sa
panitikan ang ating mga ninuno noon pa man. Sumasalamin ang panitikan batay sa mga
kaganapan ng buhay at mga pangyayari sa bawat bayan. Maituturing na kaban ng yaman ng
ating mga ninuno ang paglikha ng mga karunungang-bayan. Sa araling ito, mapapatunayan na
sadyang matatalino at malikhain ang ating mga ninuno dahil sa kanilang mga nilikhang mga
karunungang-bayan.
Karunungang-bayan - Isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag
ang mga kaisipan na nabibilang sa kutura ng isang tribo. Ito ay may kahalagahan sa pagbasa ng
panitikan, maangkin ng mga mag-aaral ang isang kamalayan para sa katutubong tradisyon na
magiging gabay sa pagbasa at pagpapahalaga sa panitik, sa anumang wikang naisusulat ito, sa
gayo’y napapatibay ang pagpapahalaga sa mga kultura’t kabihasnan.
MGA HALIMBAWA NG KARUNUNGANG-BAYAN

Salawikain - Isang patalinghagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noong unang


panahon upang mangaral at akayin ang mga kabataan sa mabuting asal.
Halimbawa: Ang hindi lumingon sa ay hindi makararating sa paroroonan.
Sawikain - Ito ay mga patalinghagang pananalita. Ito ay isang paraan ng pagpukaw at paghasa
sa kaisipan ng tao.Nakalilibang bukod sa nakadaragdag ng kaalaman.
Halimbawa: malayo sa bituka- hindi malubha
Kasabihan - Ito ay bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin sa Ingles ay Mother
Goose o Nursery Rhymes. Ito ay mga tulang pambata o tugmang walang diwa o mababaw ang
isinasaad na kahulugan.
Halimbawa: Ubos-ubos biyaya
Bukas nakatunganga

Mga Sanggunian
Batikan
Pinagyamang Pluma
Kanlungan

Page 4 of 23
PANGALAN: _______________________ Taon at Pangkat: _______________
Guro: ______________________
B. TUKLASIN
MAGSANAY TAYO:

Panuto: Suriin ang sumusunod na karunungang-bayan. Isulat sa tsart ang letra sa angkop na
kolum kung ito’y salawikain, sawikain o kasabihan.

KARUNUNGANG-BAYAN

SALAWIKAIN
SAWIKAIN KASABIHAN

A. Ang taong matiyaga natutupad ang ninanasa.


B. Itaga mo sa bato, ang gumagawa nang mabuti ay pagpapalain ng Panginoon.
C. Umuunlad ang laging nagsusunog ng kilay
D. Ang pagsasabi nang tapat ay pagsasama nang maluwat.
E. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga
F. Ang di lumingon sa pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan.
G. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
H. Walang gawaing mahirap sa taong matiyaga.
I. Kung may hirap ay may ginhawa.
J. Kapag maikli ang kumot matutong mamaluktot.

HANDA KA NA BA?

MAGSANAY PA TAYO
C. MGA GAWAIN
. Piliin ang angkop na salita at tukuyin kung salawikain, sawikain o kasabihan.

___________1. Makati ang ____________.


___________2. Ang maniwala sa _________, walang bait sa sarili.
___________3. Anak na di paluhain, ina ang _______________.
___________4. Anak-_________.
___________5. Magloko ka na sa _________, wag lang sa bagong gising.
___________6. Ang hindi lumingon sa __________ hindi makararating sa paroroonan.
___________7. Taingang-______.
___________8. Ang taong walang kibo, nasa loob ang ________.
___________9. Maluwag ang ___________.
___________10. Kung anong taas ng paglipad, siya ring lakas ng ______________

Page 5 of 23
PANGALAN: _______________________ Taon at Pangkat: _______________
Guro: ______________________
PAGPIPILIAN
sabi-sabi pawis pinanggalingan
kulo pagbagsak dila
patatangisin lasing kawali
turnilyo kuro-kuro paluluhain

D. PAGLALAHAT
KAYANG-KAYA PA NG ISA PANG PAGSASANAY
SAGUTAN MO NA

BUNGA, BUNGA, HINOG KA NA BA?


Masagana Sa bula rin matutong
kaysa Sa ligaya at ng buhay mawawala
mamaluktot
magpaka lungkot, ikaw ay ang sukli
tao sasamahan

Ay siya Palibhasa’y May


Hindi makapito nilaga
ring munang magkabig-
matatakot
sa aanihin isipin kis
kamatayan

Direksyon: Hanapin sa mga bungang nasa loob ng puno ang karugtong ng mga kasabihan sa
bawat bilang.

1. Higit na madaling maging tao,________________________________________________.


2. Matibay ang walis, _________________________________________________________.
3. Ang kita sa bula, ___________________________________________________________.
4. Anuman ang gagawin,_______________________________________________________.
5. Ang gumagawa ng kabutihan,__________________________________________________.
6. Kapag makitid ang kumot, ____________________________________________________.
7. Ang mabuting ugali, _________________________________________________________.
8. Kung may tiyaga, ___________________________________________________________.
9. Ang tunay na kaibigan, ______________________________________________________.
10. Kung ano ang itinanim, _____________________________________________________.

Page 6 of 23
PANGALAN: _______________________ Taon at Pangkat: _______________
Guro: ______________________

Tandaan na ang mahahalagang kaisipan ng Karunungang-bayan ay ang mga


salawikain, mga sawikain at mga kasabihan.

E. PAGTATAYA
HANDANG-HANDA KA NA.
Siguradong naintindihan mo na ang lahat ng tungkol sa Karunungang-bayan. Tiyak na
masasagutan mo na ang maikling pagsusulit na inihanda. Umpisahan mo na.
Panuto: Lagyan ng tsek (X) ang hindi naaangkop sa bawat pangkat.
1. Panitikan
Bunga ng buhay kabang-yaman ng ating mga ninuno
Salamin ng buhay
2. Mga ninuno bago dumating ang mga kastila sa panahon ng karunungang-bayan.
Maraming kaban ng kaalaman tungkol sa karunungang-bayan.
Malikhain at matalino sa paglikha ng mga kasabihan.
Matatapang at handang ipagtanggol ang sariling bayan.
3. Karunungang-bayan
Isang sangay ng panitikan na nagiging daan upa
. Kasabihan, Sawikain, Salawikain
Kwento, Panitikan, Tula
4. Mga halimbawa ng karunungang-bayan.
Kwento
Kasabihan
Salawikain

5. Salawikain
Hindi tao, hindi hayop, lumilipad.
Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin.
Kapag may isinuksok ay may madudukot.

Page 7 of 23
PANGALAN: _______________________ Taon at Pangkat: _______________
Guro: ______________________

6. Hindi salawikain

Ang tumatakbo nang matulin, pag masusugat ay malalim


Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay

7) Hindi Kawikaan
Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan, at ang sinungaling ay wala
ring tatakbuhan
Ang tumutupad sa kautusan ay nag-iingat ng kanyang buhay.

Kung ano ang puno, siya ang bunga.

8) Mga karunungang-bayan.

Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan rin nasa ilalim.
Hayan na, hayan na, hindi pa makita.
Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran.

9) Mga Karunungang-bayan
Balat-kalabaw
Ibaon sa hukay
Isda ko sa Mariveles, nasa lob ang kaliskis.

10) Mga Karunungang-bayan


May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama.
Tinago ko ang puno, sa dulo nagdurugo.

Inihanda ni: Ma. Teresa B. Nicolas


Filipino 8 – Unang Markahan/Unang
Linggo
Pasay City West High School

Page 8 of 23
Pasay-F8-Q1-W1-D2

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan/ Unang Linggo/ Ikalawang araw

Pangalan: _______________________ Taon at Pangkat: __________________


Guro: _______________________

LAYUNIN: Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa


mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan
1. MGA KARUNUNGANG – BAYAN ( Salawikain, Sawikain at Kasabihan)

PANIMULA
A. ANG IYONG ARALIN:
Napag-aralan natin sa Modyul 1 ang panimula ng pag-aaral tungkol sa Karunungang-bayan.
Dadagdagan pa natin ang iyong kaalaman sa mga susunod na pagsasanay tungkol dito. Muli nating
alamin ang pagkakaiba ng mga karunungang-bayan.
Karunungang-bayan
Isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang
sa kutura ng isang tribo. Ito ay may kahalagahan sa pagbasa ng panitikan, maangkin ng mga mag-aaral ang isang kamalayan
para sa katutubong tradisyon na magiging gabay sa pagbasa at pagpapahalaga sa panitik, sa anumang wikang naisusulat ito, sa
gayo’y napapatibay ang pagpapahalaga sa mga kultura’t kabihasnan.

SAWIKAIN SALAWIKAIN KASABIHAN


- Ito ay mga patalinghagang pananalita. -Isang patalinghagang pahayag na Kasabihan
Ito ay isang paraan ng pagpukaw at ginagamit ng mga matatanda noong
- Ito ay bukambibig ng mga bata at
paghasa sa kaisipan ng tao.Nakalilibang unang panahon upang mangaral at akayin
matatanda na kung tawagin sa
bukod sa nakadaragdag ng kaalaman. ang mga kabataan sa mabuting asal.
Ingles ay Mother Goose o Nursery
Rhymes. Ito ay mga tulang pambata
o tugmang walang diwa o mababaw
ang isinasaad na kahulugan.

Mga Halimbawa:
Mga Halimbawa:
Mga Halimbawa :
Pag ang tubig ay magalaw Tulak ng bibig
itaga mo sa bato- pakatandaan Ang ilog ay mababaw Kabig ng dibdib

“Walang gawaing mahirap Ubos-ubos biyaya


malayo sa bituka- hindi malubha
“sa taong matiyaga.” Bukas nakatunganga

mahaba ang kamay- magnanakaw


Ang taong matiyaga
natutupad ang ninanasa Kasama sa gayak
Hindi kasama sa lakad.
Mga Sanggunian
Batikan
Kanlungan
Google
Modyul-Deped-k-12
Pinagyamang Pluma

Page 9 of 23
Pangalan: _______________________ Taon at Pangkat: ___________________
Guro: _______________________

B. TUKLASIN
MAGSANAY TAYO:

MGA GAWAIN

Basahin at unawain ang mga nakahanay na salawikain, sawikain/kawikaan at kasabihan. Isulat ang
kahulugan ng bawat isa. Gayahin ang pormat.

karunungang bayan

salawikain kasabihan
sawikain

Taong nanunuyo, Itaga mo sa bato Malakas ang loob,

Dala-dala’y bukayo Mahina ang tuhod

Kahulugan:

Kahulugan: ________________ Kahulugan:


__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_________________
__________________ ________________
_

Page 10 of 23
Pangalan: _______________________ Taon at Pangkat: ___________________
Guro: _______________________

HANDA KA NA BA?

C. MAGSANAY PA TAYO
Batay sa iyong nakuhang mga impormasyon at sa sinagutang mga gawain, ano ang pagkakaiba
at pagkakatulad ng salawikain, sawikain at kasabihan. Sagutin sa pamamagitan ng
Venn Diagram. Sagutan ito sa ibaba ng pahina ng modyul. Gayahin ang pormat.

A, B, C Katangian ng bawat

isa

D- Pagkakatulad ng tatlo
(A)salawikain

(C)kasabihan
(B)sawikain

Ilagay ang sagot sa bahaging ito, Gumawa ng Venn Diagram. Gayahin ang pormat.

Page 11 of 23
Pangalan: _______________________ Taon at Pangkat: ___________________
Guro: _______________________

D. PAGLALAPAT

KAYANG-KAYA PA NG ISA PANG PAGSASANAY


SAGUTAN MO NA

Direksyon: Bumuo ng sariling likhang karunungang-bayan batay sa larawan ayon sa


hinihingi sa bawat bilang. Iugnay ang mga ito sa kasalukuyang kalagayan
ng buhay

Gumawa ng 2 KASABIHAN batay sa larawan Gumawa ng 2 SAWIKAIN batay sa larawan.


1)____________________________________ 1)_______________________________
_____________________________________ _______________________________
2)____________________________________ 2)_______________________________
______________________________________ ________________________________
3)____________________________________ 3)________________________________
______________________________________ ________________________________

Gumawa ng 2 salawikain batay sa larawan Gumawa ng 2 kasabihan batay sa larawan.


1) _______________________________ 1) ___________________________________
_____________________________________ _________________________________________
2) ___________________________________ 2) _______________________________________
_____________________________________ _________________________________________

Page 12 of 23
Pangalan: _______________________ Taon at Pangkat: ___________________
Guro: _______________________

E. PAGTATAYA
HANDANG-HANDA KA NA.
Siguradong naintindihan mo na ang lahat ng tungkol sa Karunungang-bayan. Tiyak na
masasagutan mo na ang maikling pagsusulit na inihanda. Umpisahan mo na.
Ang palaisipan na ito bilang pagtataya ay makatutulong upang matandaan ang mga kahulugan
ng tinalakay sa nakaraang aralin. Kayang-kaya mo ito. Simulan mo na.

PAGTATAYA-HANAFILITA

PAHALANG

2. Isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na
nabibilang sa kutura ng isang tribo.
6. Ito ay bukambibig ng mga bata at matatanda na kung tawagin sa Ingles ay Mother Goose o
Nursery Rhymes. Ito ay mga tulang pambata o tugmang walang diwa o mababaw ang isinasaad na
kahulugan.
7. pinagmulan ng isang lahi, hayup o halaman
PABABA
1. Isang patalinghagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noong unang panahon upang
mangaral at akayin ang mga kabataan sa mabuting asal.
3. Ito ay mga patalinghagang pananalita. Ito ay isang paraan ng pagpukaw at paghasa sa
kaisipan ng tao.Nakalilibang bukod sa nakadaragdag ng kaalaman
4. isang malinaw na salamin, larawan, repleksyon, o representasyon ng buhay, karanasan,
lipunan at kasaysayan
5. panahon ng pagkakalikha ng mga karunungang-bayan.

Inihanda ni: Ma. Teresa B. Nicolas


Filipino 8 – Unang Markahan
Pasay City West High School

Page 13 of 23
Pangalan: _______________________ Taon at Pangkat: __________________
Guro: _______________________
Pasay-F8-Q1-W1-D3

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan/ Unang Linggo/ Ikatlong araw

LAYUNIN: Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa


mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan
● MGA KARUNUNGANG – BAYAN ( Salawikain, Sawikain at Kasabihan)

PANIMULA
A. ANG IYONG ARALIN:
Ang ating mga ninunong Pilipino ay nagtataglay ng kahanga-hangang mga
katangian na dapat tularan, tulad ng isinasaad sa mga larawan sa ibaba.

MAGINOO MARANGAL PALAKAIBIGAN MABABANG-LOOB


❖ Nahubog sa mabuting pag-uugali ang ating mga ninuno sapagkat nabuhay sila sa isang
kapaligirang maligaya at payapa, na pinaniniwalaang impluwensya ng mga karunungang-
bayan na bahagi na ng kanilang pamumuhay.

❖ Ang karunungang-bayan na minana pa natin sa ating mga ninuno ay kasasalaminan ng


ating pagka-Pilipino. Malinaw na ipinapakita rito ang ating kultura at mithiin bilang isang
bansa. Dahil dito, dapat na maisabuhay muli ang mga karunungang-bayan upang
mailapat ito sa pang-araw-araw nating pamumuhay.

❖ Ang karunungang-bayan na minana pa natin sa ating mga ninuno ay binubuo ng


salawikain, sawikain, at kasabihan.

1. Salawikain na tinutumbasan sa Ingles ng proverbs ay nagsilbing batas at tuntunin ng


magandang asal.

2. Sawikain o Kawikaan ay epigram sa Ingles na may layong magbigay ng aral mula sa


karanasang naranasan.

3. Kasabihan na saying sa Ingles ay nagpapahayag ng mga paniniwala kaugnay ng


nangyayari sa buhay ng tao na kabilang sa isang pangkat.

Mga Sanggunian
Batikan
Kanlungan
Google
Modyul-Deped-k-12
Pinagyamang Pluma

Page 14 of 23
Pangalan:______________________ Taon at Pangkat: __________________
Guro: _______________________

B. TUKLASIN
MAGSANAY TAYO:

MGA GAWAIN

1. Batay sa iyong kaalaman at natutuhan, anu – ano ang iyong


2. nalaman tungkol sa ating mga ninuno?
3.
A. UGALI __________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

B. PANINIWALA _____________________________________
___________________________________________________

___________________________________________________

C. PAMUMUHAY _____________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
D. Panitikan _____________________________
. _______________________________________
______________________________________
HANDA KA NA BA?

C. MAGSANAY PA TAYO

Pag-aralang mabuti ang mga sumusunod na karunungang-bayan. Ibigay ang


kaisipang nakapaloob dito.

1. KAYA MATIBAY ANG WALIS AY SAPAGKAT NABIBIGKIS.

KAISIPAN:

2. ANG PAGSASABI NANG TAPAT AY PAGSASAMA NANG MALUWAT.

KAISIPAN:

3. ANG NAGMAMARUNONG NA WALANG ALAM ANG INAANI’Y KAHIHIYAN.

KAISIPAN:

4. PAG GUSTO MARAMING PARAAN, PAG AYAW MARAMING DAHILAN.

KAISIPAN:

Page 15 of 23
Pangalan: _______________________ Taon at Pangkat: __________________
Guro: _______________________

5. HUWAG MUNA ISUOT ANG DAMIT PANGKASAL.

KAISIPAN:

6. SA PAGSAPIT NG BAGONG TAON, BILOG-BILOG NA DISENYO SA DAMIT ANG


ISUOT.

KAISIPAN:

7. ANG PAGSASABI NANG TAPAT AY PAGSASAMA NANG MALUWAT.

KAISIPAN:

8. ANG HINDI LUMINGON SA PINANGGALINGAN AY HINDI MAKARARATING SA


PAROROONAN.

KAISIPAN:.

9. NASA TAO ANG GAWA, NASA DIYOS ANG AWA


.
KAISIPAN:

10. KUNG ANO ANG ITINANIM AY SIYANG AANIHIN.

KAISIPAN:

Page 16 of 23
Pangalan: _______________________ Taon at Pangkat: __________________
Guro: _______________________

D. PAGLALAHAT

KAYANG-KAYA PA NG ISA PANG PAGSASANAY. SAGUTAN MO NA

Direksyon: Bumuo ng sariling likhang karunungang-bayan batay sa larawan ayon


sa hinihingi sa bawat bilang. Iugnay ang mga ito sa kasalukuyang pandemya na
nagaganap dahil sa Covid 19 virus.

SAWIKAIN ____________________________________________________________________

SALAWIKAIN __________________________________________________________________

KASABIHAN __________________________________________________________________

Page 17 of 23
Pangalan: _______________________ Taon at Pangkat: __________________
Guro: _______________________

SAWIKAIN ____________________________________________________________________

SALAWIKAIN __________________________________________________________________

KASABIHAN __________________________________________________________________

SAWIKAIN ____________________________________________________________________

SALAWIKAIN __________________________________________________________________

KASABIHAN __________________________________________________________________

PAGTATAYA:
HANAPIN ANG MAHAHALAGANG
SALITANG NASA KANANG BAHAGI NA
NAPAG-ARALAN TUNGKOL SA
KARUNUNGANG-BAYAN. MAGAGAWA
MO ITO KASI MARAMI KA NANG
NATUTUHAN. MALIGAYANG
PAGHAHANAP NG MGA FILIPINONG
SALITA! MAGHANAFILITA KA NA!!!

Inihanda ni: Ma. Teresa B. Nicolas


Filipino 8 – Unang Markahan/Ikalawang Linggo/
Ikatlong araw
Pasay City West High School

Page 18 of 23
Pasay-F8-Q1-W1-D4

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Unang Markahan/ Unang Linggo/ Ikaapat na araw

Pangalan: _______________________ Taon at Pangkat: __________________


Guro: _______________________

LAYUNIN: Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghagang ginamit sa tula.

PANIMULA
A. ANG IYONG ARALIN:
Bahagi ng sinaunang Panitikan sa Panahon ng Kastila ang paglikha ng tula. Alamin natin
ang kahulugan ng tula at ang mga elemento nito.

Ang Tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin
sa malayang pagsusulat. Ito ay pinagsamang kaisipan at damdamin sa paglikha ng tula.

Mga Elemento ng Tula


1) Sukat- tumutukoy sa sukat ng taludtod sa 1 saknong.
Saknong- grupo ng mga salita sa isang tula.
2) Tugma- pagkakapareho ng tunog sa huling bahagi ng isang taludtod.
3) Kariktan- maririkit na salita na ginagamit upang masiyahan ang mga mambabasa.
4) Talinghaga natatagong kahulugan ng tula.

B. TUKLASIN
MAGSANAY TAYO:

Magbabasa ka ng isang tulang nilikha ng beterano at itinuturing na


“Ama ng Sabayang Pagbigkas” ng makabagong Panahon.

Si Patrocinio V. Villafuerte – ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in


Elementary Education (BSEED) sa Philippine Normal College na ngayon ay Philippine
Normal University na noong taong 1969. Nakapagtapos siya ng Doctor of Philosophy in
Filipino at Doctor of Education in Administration and Supervision. Premyadong manunulat
at kalaunan ay nagiging hurado na sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa
Maikling Kwento na nagkamit din ng maraming parangal sa Gawad Surian-Gantimpalang
Collantes sa Sanaysay at marami pang iba. Naging Puno ng Kagawaran sa Filipino ng
PNU, naging konsultant ng Komisyon sa Wikang Filipino. Naiimbitahang maging
Tagapanayam o Resouce speaker sa buong Pilipinas. Tunay nga na siya’y kinikilalang
haligi sa pagtataguyod at pagsulong ng pambansang wika, ang wikang Filipino.

Mga Sanggunian

Batikan
Kanlungan
Google
Modyul-Deped-k-12
Pinagyamang Pluma
Mga akdang pampanitikan
ng Persya (modyul)

Page 19 of 23
Pangalan: _______________________ Taon at Pangkat: __________________
Guro: _______________________
.
Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng tula at humanda sa mga pagsasanay.

PANGAKO NI PAT V. VILLAFUERTE

Kayraming pangako akong naririnig,


Tumatagos lahat sa aking pandinig;
Kaya lagi na lang akong nasasabik
Dumating na sana huwag ipagkait.

Pangako ni Daddy sa bakasyong ito,


sa Hongkong ay mararating ko;
Boracay naman anyaya ni Lolo,
Anong pipiliin? Isip nagtatalo.

Pangako ni Mommy bisikleta’t gadget,


Ayokong itanong at baka magalit;
Pangako ni Kuya pupunta sa concert,
Pasyal sa Ilocos, si Ate nagpilit.

Matapos ang klase, ang pangako ni Ma’m,


Sa ‘sang senakulo isasali naman;
Si Sir nag-anyaya sa talumpatian
Isasali ako sa aming barangay.

Pangako ko naman sa aking sarili,


Sa bakasyong ito’y magpapakabuti;
Masasamang bisyo ay isasantabi,
Laging iisipin ang gawang mabuti.

Anang kasabihan, anumang pangako


Ay dapat tuparin di dapat mapako;
Kaya di rin dapat na tayo’y sumuko,
Pangako’y tuparin nang taos sa puso.

MGA GAWAIN:
1) PAGLINANG NG TALASALITAAN:
Panuto: Pumili ng tatlong salitang mahirap maunawaan, ibigay ang kahulugan at
gamitin sa sariling pangungusap.
SALITANG NAPILI KAHULUGAN PANGUNGUSAP

Page 20 of 23
Pangalan: _______________________ Taon at Pangkat: __________________
Guro: _______________________

2) PAGTALAKAY
A) Tungkol saan ang iyong binasang tula?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

B) Ano-ano ang mga pangakong binanggit sa tula?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

C) Ano ang pangako sa sarili ng persona sa tula?


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

D) Ipaliwanag ang mga sumusunod na talinghaga na hinango sa tula.

➢ Anomang pangako dapat tuparin, di dapat mapako.


__________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

➢ Tumatagos sa aking pandinig.


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________.
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Page 21 of 23
Pangalan: _______________________ Taon at Pangkat: __________________
Guro: _______________________

C. MAGSANAY PA TAYO

1) Bumuo at sumulat ng 5 pangako


_ para sa 1) sarili 2) magulang 3) kapatid/pinsan
4) barangay na kinabibilangan 5) guro at mga kaklase
.

MGA PANSARILING PANGAKONG PLANONG GAWIN

1)

2)

3)

4)

5)

D. PAGLALAHAT

KAYANG-KAYA PA NG ISA PANG PAGSASANAY. SAGUTAN MO NA

Basahin ang bersikulo sa bibliya sa Ecclesiastes 5:5-6 at iugnay ito sa nagaganap na


pandemyang covid 19 sa buong mundo.

“Mabuti pang hwag ka nang mangako kaysa mangangako at hindi mo tutuparin.


Huwag mong pabayaang magkasala ka dahil sa iyong pananalita, mangangako ka at
Pagkatapos ay babawiin mo. Sa ganyan galit nag alit ang Diyos.”
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

Page 22 of 23
Pangalan: _______________________ Taon at Pangkat: __________________
Guro: _______________________

PAGTATAYA
HANDANG-HANDA KA NA.
Siguradong naintindihan mo na ang lahat ng tungkol sa Tula. Tiyak na masasagutan mo
na ang maikling pagsusulit na inihanda. Umpisahan mo na.
Panuto: Kulayan ng asul ang masayang smiley kung ang pangungusap ay batay sa tinalakay
na aralin at kulayan ng pula ang malungkot na smiley kung hindi.

1. Ang tula ay pinagsamang kaisipan at panitikan.

2. Ang sukat ay ang mahihirap na salita sa tula.

3. Ang pamagat ng tula ay Pangako.

4. Ang makata ng tula ay si Patrocinio V. Villafuerte

5. Ang kariktan ay pagkakapareho ng tunog sa huling bahagi ng isang taludtod.

6. Ang sukat ay ang bilang ng mga pantig at taludtod sa bawat saknong.

7. Binanggit ang lugar ng Pico de Loro sa tula.

8. Nangako ang persona para sa baying Pilipinas

9. May pangakong pagpunta sa Hongkong Disneyland ang ama ng persona.

10. Nagturo ng aral ang bersikulo sa bibliya tungkol sa pagtupad sa pangako.

Inihanda ni: Ma. Teresa B. Nicolas


Filipino 8 – Unang Markahan/Unang Linggo/
Ikaapat na araw
Pasay City West High Schoo

Page 23 of 23

You might also like