You are on page 1of 3

Takdang aralin

Ang takdang aralin ang nag sisilbing gabay para tayo ay matuto galing saating kaisipan. dahil dito
nahuhubog ang ating kaalaman sa pag- aaral nang ating sarili, ang takdang aralin o (assignment o school
work sa Ingles) ay trabahong tinatakda ng mga guro, paaralan o isang edukasyonal na institusyon. Ito ay
isang termino kung saan ginagawa ito sa tahanan( homework o araling pambahay) at iba pang
tinatrabaho sa klase. Karaniwang binibigay sa klase ang takdang aralin sa oras na ibinigay ng instruktor o
guro ang mga gawain. Maaaring gawin sa tahanan o sa labas ng klase.

Ang Takdang Aralin Bilang Isang Gawaing Pampagkatuto Ni Michelle Alipio-Medina Ang takdang-aralin
na kilala rin sa Ingles na Homework Assignment Ay tumutukoy sa isang gawain na ibinibigay ng guro sa
mga mag-aaral na inaasahang gagawin sa kani-kanilangmga tahanan. At karaniwang sa mga ibinibigay na
takdang-aralin ay nangangailangan ng pagbabasa, pagsusulat, pagtataya at pag-eenkowd. Ibinibigay ang
takdang-aralin upang matanto ng guro ang mga natutunan at mga dapat pang bigyang diin sa paksang
pinag-aaralan. Ayonn sa kasaysayan, ang pagbibigay ng takdang ay nagsimula sa kultura ng
America.Ngunit may panahon na itinigil ng mga paaralan ang pagbibigay nito dahil nakadaragdaglamang
daw sa mga pang-araw-araw na gawain.Ayon sa pag-aaral ng mga taga-Duke University, may mabuting
dulot sa Student achievement Ang pagbibigay ng takdang aralin lalo na kung tama ang dami at tama ang
paraanng pagbibigay nito. Dahil kung sobrang dami ang mga ibinibigay na takdang aralin, maaaring
mauwi ito sa pagkahupa (stress), pagkapagod, at kakulangan ng panahon upang mapag-aralangmabuti
ang mga aralin.Makabubuti rin kung ang mga takdang aralin ay iniwawasto kaagad at binibigyang
diinang mga dapat matutunan at hindi ang puntos o iskor lamang. Ang pagbibigay ng tugon o komento
ng guro sa mga takdang aralin ng mga mag-aaral ay mahalaga rin upang maging malinaw sa mga mag-
aaral ang mga dapat matutunan .Iminungkahi ni Cooper, ang mga ibinibigay na takdang aralin ay hindi
dapat lalampas sasampung minuto upang gawin ito. TInawag niya itong “10-minute rule”. Mula sa
Pinakamababang level magsisimula ito sa paggawa ng takdang aralin na sampung minuto at habang
papataas ang level ng pag-aaral ay madadagdagan ng sampung minuto ang pagsasagawa ng mga
takdang-aralin.Sa huli, kailangang iangkop ng mga guro ang level, kakayahan at panahon ang mga
ibinibigay na takdang-aralin sa mga mag-aaral upang hindi maisakripisyon ang mga mabuting bunga nito
mga pagkatuto.Sanggunian:http://today.duke.edu/2006/03/homework.html.
http://en.wikipedia.org/wiki/Homework#cite_note-13

Kadalasang kasama ang (lessoned plan) banghay aralin ang mga itinakda ng guro para sa kanyang mag-
aaral. Ang layunin nito ay para mahubog ang kanilang mga kaisipan sa mga nakaratay ay na gawain para
maging mahusay ang kanilang mga kaalaman sa susunod na araw. Ang layunin nito ay ihasa ang
kaalaman ng mag-aaral tungkol sa nakaraang aralin o mga susunod na aralin. Kapag may
impormasyong pinapakuha mula sa pinanggagalingan, isinasama rito ang mga sangguniang
ginamit. Mayroong ilang mga mag-aaral na nagsasabi na ang takdang-aralin ay sayang lang ng
oras at kaalaman. Gayunpaman, madalas na pinaniniwalaan na ang takdang-aralin ay mahalaga
para sa isang mag-aaral sapagkat maaari itong makatulong sa kanilang pagsusulit at
edukasyonTinutulungan din ng takdang-aralin ang mga magulang na malaman ang kalagayan
ng kanilang mga anak na umuunlad sa pag-aaral. Maaari rin nitong turuan ang isang bata na
maging responsable. Sa kasalukuyang panahon, maraming mga modernong kagamitan ang
ginagamit bilang katuwang sa pag-aaral tulad ng Computer at Cellphone.

Noong pandemya ay hindi tayo makalabas labas ng ating mga bahay kaya’t tayo ay nasa bahay
lang at nag aaral, pupunta lang tayo sa paaralan para kuhain at ibalik ang mga modyul na pinag
aralan kung kaya naman nasanay na tayo na paulit-ulit na ating ginagawa, para saaming mga
mag-aaral ngayon ay nahihirapan kaming gumawa ng mga takdang-aralin dahil sa maraming
sunod-sunod na binibigay ng aming mga guro ang mga dapat namin gawin,masasabi ko na
hindi lang ako sanay na ganito dahil sa pandemya. Nalaman ko rin dati ang no homework policy
ang paraang ito bilang pagkatuto ng mga estudyante ay kontrobersyal at sinasabing may
masamang dulot. Noong 2019, sinuportahan ng Deped ang pagpapatupad ng 'No-homework
policy' sa senado na naglalayong ipagpaliban ang mga takdang aralin sa katapusan ng linggo.
Masasabi natin na ang takdang aralin ay nakapgbibigay saatin ng mga dagdag na kaalaman ngunit sa
ibang banda ang takdang aralin, ay nakapag bibigay ng pagod marahil sa dagdag na gawain sa ating
bahay Halos kalahatingaraw ang iginugugol ng mga mag-aaral sa paaralan sa pakikinig ng leksiyon kung
kaya’t pagdating sa bahay, Ay hindi maiiwasang makaramdam ng pagod na siyang dinadagdagan pa ng
mga takdang-aralin. Ayon sa pagsusuri, ang labis na takdang-aralin ay nagdudulot sa mga bata na
maramdaman ang“burnt out”.

Dahil mahihirapan ang iba Ng mga mag-aaral lalo na sa elementarya na gawin ang assignments ay
ipapagawa na lamang nila sa kanilang mga magulang. Paano matututo ng tamang bata kung ang takdang-
aralin mismo hindi sila ang gumagawa. Maaari namang magbigay ng homework ang mga guro subsalit
dapat limitado lamang ang kanilang ibibigay sa mga estudyante upang sila ay makapagpahinga
pagkagaling sa paaralan at maingatan ang kanilang kalusugan.Sa kabilang banda naman ay napag-alaman
ng Review of Educational Research na ang Takdang-aralin ay nagpapaunlad sa pagkatuto ng isang mag-
aaral lalo na sa mga kasanayan sapaglutas ng problema, disiplina sa sarili at ang pagkakaroon ng mataas
na marka sa pagsusulit.Layunin ng takdang-aralin na maging tulay sa pagitan ng agwat ng paaaralan at ng
bahay. Bilangkaragdagan ay makatutulong ito upang lalo pang mapagbuti ng estudyante ang kanyang
kakayahan at maihanda niya ang kanyang sarili para sa susunod na aralin.

Hindi naman ang takdang-aralin ang primaryang kalaban ng mga mag-aaral kung marunong lamang
siyang balansehin ang kanyang iskedyul. Kung magiging disiplinado at organisado lamang ang isang
estudyante ay tiyak na magtitiwala sa kanya ang guro at sakaling matulungan ka pa nila.Tama namang
magsumikap para sa magandang tunguhin, pero gaano ka man kalakas,limitado pa rin ang kaya mong
gawin sa isang araw.Gayunpaman, isaisip natin na ang mgatakdang-aralin ay pagsasanay na tutulong para
tayo ay maging handa sa totoong mundo at tmaging matagumpay sa hinaharap. Kahit parang wala ng
katapusan ang mga takdang- aralin aymatatapos rin tayo sa pag-aaral nang hindi natin namamalayan.
Pawang sipag at tiyaga ang puhunan dahil kapag nagtrabaho na tayo ay ipagpapasalamat nating natapos
na ang mgatakdang-aralin . Sa huli, tayo ang makikinabang sa ating pagsisikap.

You might also like