You are on page 1of 3

Kabanata 2

No assignment policy

Sa ilalim ng DepEd Memorandum Order 392 na inilabas noong 2010, ipinagbabawal ang
pagbibigay ng assignment sa mga estudyante tuwing weekend.

Ito ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na makapaglaro at makapag-
bonding sa kanilang mga pamilya.

Dagdag pa ni Director Almeda, So sa Friday, Saturday, Sunday wala nang assignment para
yung bata maka-devote his or her time to family activities. So theres more bonding, more
enjoyable activities and sharing among family members.

Bukod sa mga assignment, sinabi rin ng DepEd na dapat limitahan ang pagpapagawa ng mga
project sa mga estudyante.

Hindi rin kinakailangan na itoy maging magastos sa halip ito ay dapat na magawa mula sa
creativity ng isang mag-aaral.

Ayon pa sa DepEd, sakaling may problema ang mga magulang sa mga guro at eskwelahan ng
kanilang mga anak, maari silang makipag-ugnayan sa Parent Teachers Association (PTA) upang
mapag-usapan at mabigyang solusyon ang kanilang problema. (JOAN NANO / UNTV News)

Takdang aralin

Ang Takdang Aralin Bilang Isang Gawaing Pampagkatuto


ni Michelle Alipio-MedinaAng takdang-aralin na kilala rin sa Ingles na
Homework Assignment ay tumutukoy saisang gawain na ibinibigay ng guro sa mga mag-aaral na
inaasahang gagawin sa kani-kanilangmga tahanan. At karaniwang sa mga ibinibigay na takdang-
aralin ay nangangailangan ngpagbabasa, pagsusulat, pagtataya at pag-eenkowd. Ibinibigay ang
takdang-aralin upangmatanto ng guro ang mga natutunan at mga dapat pang bigyangg diin sa
paksang pinag-aaralan.Ayon sa kasaysayan, ang pagbibigay ng takdang ay nagsimula sa kultura
ng America.Ngunit may panahon na itinigil ng mga paaralan ang pagbibigay nito dahil
nakadaragdaglamang daw sa mga pang-araw-araw na gawain.Ayon sa pag-aaral ng mga taga-
Duke University, may mabuting dulot sa student achievement ang pagbibigay ng takdang aralin lalo na
kung tama ang dami at tama ang paraanng pagbibigay nito. Dahil kung sobrang dami ang mga
ibinibigay na takdang aralin, maaaringmauwi ito sa pagkahupa (stress), pagkapagod, at
kakulangan ng panahon upang mapag-aralangmabuti ang mga aralin.Makabubuti rin kung ang
mga takdang aralin ay iniwawasto kaagad at binibigyang diinang mga dapat matutunan at hindi
ang puntos o iskor lamang. Ang pagbibigay ng tugon okomento ng guro sa mga takdang aralin
ng mga mag-aaral ay mahalaga rin upang magingmalinaw sa mga mag-aaral ang mga dapat
matutunan .Iminungkahi ni Cooper, ang mga ibinibigay na takdang aralin ay hindi dapat
lalampas sasampung minuto upang gawin ito. Tinawag niya itong 10-minute rule.
Mula sa pinakamababang level magsisimula ito sa paggawa ng takdang aralin na sampung
minuto athabang papataas ang level ng pag-aaral ay madadagdagan ng sampung minuto
angpagsasagawa ng mga takdang-aralin.Sa huli, kailangang iangkop ng mga guro ang level,
kakayahan at panahon ang mgaibinibigay na takdang-aralin sa mga mag-aaral upang hindi
maisakripisyon ang mga mabutingbunga nito sa pagkatuto.
Bakit nagbibigay ng takdang aralin?

Ang mga guro ay nagbibigay ng mga gawain sa loob ng klase mismo at


takdang-aralin para sa bahay. Pareho silang minamarkahan. Kung hindi sapat
ang pagsasanay ng mga mag-aaral sapaggawa ng takdang-aralin na mag-isa,
maaaring mahihirapan sila sa pangkalahatang gawain.
Ang mga tutor na mas mahusay sa Ingles ay maaaring makatulong sa mga mag-
aaral para madagdagan ang kanilang kaalaman.
Inaakala ngilang mga magulang na ang tulong mula sa isang nakatatandang
kapatid ay mauuwi sa mas mahusay na marka. Ang tulong na dapat ibigay ay
gawing mas madaling maunawaan ang mga dapat gawin.

Ayon naman sa Department of Education, mahalaga ang pagkakaroon ng assignment upang lalo
pang mapagbuti ang kakayahan ng mga estudyante at maihanda ang mga ito sa mga susunod na
aralin.

Ngunit paalala ng kagawaran sa mga guro, dapat limitado lamang ang pagbibigay ng homework
sa mga mag-aaral, upang mabigyan pa ng panahon ang mga ito na makapagpahinga pagkagaling
sa ekskwelahan.

Pahayag ni DEP-NCR Dir. Luz Almeda, During school days importante talaga yang
(assignments) except that it should be regulated; yung assignment na hindi naman malaki, dapat
yung kung ano yung magawa ng bata in less than five minutes in ten minutes, iyun lang. Hindi
yung the whole night malaki yung babasahin niya , one novel read overnight thats too
much.

PS. Kasama na yung kahalagahan diyan doi

You might also like