You are on page 1of 2

Dapat bang tanggalin ang pagbibigay ng takdang aralin sa mga

mag-aaral?

Dapat na bang tanggalin ang takdang aralin? Sa kasalukuyang panahon, isa sa mainit
na isyu sa larangan ng edukasyon ang usapin tungkol sa pagtanggal o pagbabawal sa takdang
aralin sa mga paaralan. Ang takdang aralin ay ang mga gawain na ibinibigay ng guro sa mga
mag-aaral upang gawin sa labas ng oras ng klase. Ang ilan ay nagsasabing dapat nang itigil ang
pagbibigay ng takdang aralin dahil maaari itonh makadagdag sa stress at makaapekto sa
kalusugan ng mga mag-aaral. Sa kabilang banda, marami ang nagtutulak na mahalagang bahagi
ng edukasyon ang takdang aralin. Ayon sa kanila, ang takdang aralin ay nagpapalalim sa
kaalaman at nakakatulong upang linangin ang pamamahala sa oras at responsibilidad Kung
ipagbabawal ang takdang aralin, maaaring itong magdulot ng ilang isyu. Ang mga mag-aaral ay
maaaring magkaroon ng mas maraming libreng oras sa bahay, ngunit may karampatang
responsibilidad pa rin silang gampanan. Kung walang takdang aralin, maaaring mapalakas ng
ilang mag-aaral ang kanilang paglalaro ng video games, panonood ng TV, o paglalagi sa social
media, na maaaring makasama sa kanilang pag-unlad at edukasyon. Bukod pa rito, ang
pagkakaroon ng takdang aralin ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na magpapraktis
ng kanilang kasanayan at masanay sa paggamit ng kanilang oras sa isang produktibong paraan.
Sa kabila ng mga hinaing ng mga estudyante sa pagkakaroon ng mga takdang aralin,
maraming ebidensya ang nagsasabing malaking tulong ang pagkakaroon ng takdang aralin sa
pag-uunawa ng mga mag-aaral sa mga aralin na itinuturo sa paaralan. Sa pag-aaral nina Mary
Anne E. Doyle at Betsy S. Barber, ang pagkakaroon ng mga mga takdang aralin ay nakakatulong
para sa “Intellectual Discipline” ng mga mag-aaral. Natututong yakapin ng mga mag-aaral ang
pagkakroon ng pagkukusa, pagsasarili, at gampanan ang kanilang mga responsibilidad. Sa
kabilang banda, kailangang mapagtanto ng mga guro kung anong klaseng takdang aralin ang
tunay na makakatulong at mahalaga sa parte ng pagpapalago ng pag-uunawa ng mga mag-aaral.
Ang mga takdang aralin ay hindi lamang tungkol sa paggawa ng mga sanaysay at pagresolba ng
mga nakatakdang mga katanungan, ito ay isang pag-aayos ng isang bagay na mahalaga rin –
responsibilidad. Nabibigyan ng dahilan ang mga mag-aaral upang magkaroon sila ng
pagsasaayos ng kanilang oras o tinatawag na “time management”. Ayon kay Janine Bempechat,
nagbibigay ang mga guro ng takdang aralin sa mga mag-aaral bilang paraan para matulungan ang
mga bata na magkaroon ng mga kasanayan na kakailanganin nila kapag sila ay matanda na,
upang simulan ang pagtanim ng responsibilidad at matuto ng mga kasanayan sa pagpaplano at
organisasyon. Ito ang sa palagay niya na pinakamahalagang ginagampanan ng mga takdang
aralin, sa paglinang ng mga paniniwala tungkol sa pag-aaral at mga kasanayan na kaugnay ng
tagumpay sa pag-aaral. Kung babawasan o aalisin ang takdang aralin sa eskuwela, pinagkakaitan
natin ang mga bata at magulang ng mga pagkakataon na maisabuhay ang mga mahahalagang
gawi sa mga mag-aaral.
Sa usaping paglinang, ang takdang aralin ay pinahuhusay ang memorya at
pagpapanatili. Ito ay nagdaragdag ng potensyal para sa mga mag aaral na matandaan ang
materyal ng klase dahil kailangan nilang muling bisitahin ito. Nagpapataas ng potensyal na
praktikal na paggamit ng kaalaman. Sa mas malalim na pag-unawa sa mga materyal ng lesson,
maaaring mas madaling ipamuhay ng mga estudyante ang alam nila. Makakatulong ito sa iyo na
mapaunlad ang isang mentalidad ng isang indibidwal. Sa halip na pakiramdam na biktima ng
mga hamon, kabiguan, at iba pang mga paghihirap, magkakaroon ka ng isang kaisipan kung saan
tiningnan mo ang mga bagay na ito bilang mga pagkakataon upang lumago. Sa pagtatapos ng
araw, ang mga paghihirap na ito ay maaaring maging pinakamahusay na mga guro mo. Ito ay
base kay Daniel W., noong Pebrero 27, 2024.
Masama rin sa mga mag-aaral ang bigyan sila ng patong-patong na takdang aralin dahil
sa hindi lamang nito pinapagod ang pisikal at mentalidad ng isang mag-aaral, nawawalan din sila
ng pagkakataong makapagpahinga at magkaroon ng tinatawag nilang “Leisure Time”, imbes na
nagagawa nila ang mga nais nilang gawin sa bahay ay mas naitutuon nila ang kanilang atensyon
sa paggawa ng takdang aralin. Ngunit sa kabilang banda, hindi nito mapapantayan ang maraming
napatunayan ng benepisyo nito sa paglinang at pag-uunawa ng mga bagong kaalaman mula sa
paaralan. Nasa guro na ang problema kung nagbibigay ito ng mga takdang aralin na walang
mahalagang magiging dulot sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral at hindi praktikal at
kakayanin ng mga mag-aaral tugunan sa nakatakdang panahon. Ang pagkakaroon ng takdang
aralin ay hindi lamang isang “side quest” na sinasabi nga ng nakararaming kabataan ngayon,
kung hindi man sa sinasagutang katanungan o kaya naman sa naatasang aktibidad mo
mahahanap ang pagkatuto, minsan ay sa proseso ng paggawa mo ito nahahanap o natutuklasan.
Kung takdang aralin ay nilulunod na ang isang mag-aaral, ano pa kaya kung mamangka ang
isang mag-aaral sa dagat ng responsibilidad na naghihintay rito sa darating na panahon.

You might also like