You are on page 1of 8

*ANG PAGTUTURO NG OBRA MAESTRA*

Pangalan: Russel Garcia Aduna ______________ Petsa:_______________ Iskor:_______

Iugnay: Ilahad ang iyong paniniwala at paninindigan sa mabisang pagtuturo at pagkatuto

ng mga mag-aaral.

Naniniwala ako na ang epektibong pagtuturo ay bunga ng epektibong pagpaplano.Dahil ang kaalaman sa
mga paraan at estratehiya sa pagtuturo ay lalong nagiging epektibo kung maymalikhain at mayamang
pag-iisip ang guro sa pagbabalak o pagpaplano ng kanyang aralin.Kinakailangan sa isang guro ang mataas
na pagpapahalaga at pagmamahal sa kanyang gawain at sakanyang mga mag-aaral. Maging bukas ang
isipan sa mga pagbabago upang lalong mapahusay anggampanin at may magandang saloobin at
pananaw sa pagtuturo at sa kanyang pagiging guro. parana rin sa isang guro, importante na may
partikular na estilo ang pamamaraan ng pagtuturo o ang pagkatuto. Hinihingi ng mabisa at mabilis na
pagkatuto ang pag-gamit ng mabubuting pamamaraanng pagtuturo. Nakasalalay sa mabuting paraan ng
pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili atmabisang pagkatuto ng mag-aaral. Gayunpaman, nasa guro pa
rin ang pagpapasya sa pamamaraangkanyang gagamitin na alam niyang magiging angkop sa bunga ng
pagkatuto na nais niyangmakamtan ng kanyang mga mag-aaral, angkop sa sitwasyon, angkop sa
kakayahan ng mag-aaral atgayon din sa uri ng paksang-aralin at asignaturang kanyang itinuturo.
Maraming pagbabago angnangyayari sa larangan ng edukasyon maging ang mga pamamaraan at
estratehiya ng pagtuturo nanagsisilbing malaking hamon na kinakaharap ng mga guro sa kasalukuyang
panahon ng teknolohiyaat agham.Maaari nating sabihin na napakalaki ng epekto sa kalidad ng
edukasyon ang paraan ng pagtuturo ngmga guro sa isang paaralan. Madami mang ibang salik ang
maaring maging hadlang para samatagumpay na pagkatuto ng bata ay lubos pa ring mas nakakaapekto
ang paraan kung paanonailahad o ilalahad ng kanyang guro ang mga leksyon sa kanya ayon sa napiling
estilo nito. Dahil nadin sa pag-usbong ng mga makabagong gamit at kasabay na patuloy na pag-unlad ng
teknolohiya aynagkaroon tayo ng dalawang paraan ng pagtuturo- ito ay ang tradisyunal at ang
makabagong paraanng pagtuturo.

Naniniwala ka rin ba na ang motibasyon ay mahalagang salik sa pagkatuto? Ano ang maari mong gawin
habang ikaw ay nasa proseso ng pagpaplano upang makatiyak na ang motibasyon mo ay mabibigyang-
puwang sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral?
Oo, upang mapalaking achiever ang anak, kailangan munang madebelop ang motibasyon sa paggawa at
sa pagkamit sa tagumpay. Upang madebelop ang motibasyon sa anak, kailangang magsimula sa
paggabay upang madiskubre ang kanilang talento at potensyal. Ang pagtulong rin sa inyong anak kapag
sila ay nahihirapan ay malaking bagay para tumaas ang kanilang kumpiyansa sa sarili. Una, obserbahan
at kausapin ang anak, alamin ang kanilang talento o interes. Tanungin ang anak kung ano ang kanyang
paboriting asignatura sa paaralan at kung saan siya nahihirapan. Kung mahilig sa science ang anak,
magandang reward sa tuwing siya ay nag-eexcel sa paaralan ay dalhin siya sa museums o kaya ay ibili ng
encyclopedia. Maganda rin ang pagbili sa kanya ng mga laruang makatutulong upang madebelop ang
kanilang talino sa syensya. Pangalawa, ipakita sa anak ang kahalagahan ng pagpasok sa eskwela. Ang
paghain ng masustansyang almusal at pag-asikaso sa kanila bago pumasok, mainam din na magtakda ng
‘study area’, kung saan nakalagay ang lahat ng kanyang libro at mga kailangan sa pag-aaral.
Makatutulong ito lalo na kung kadalasang ‘distracted’ ang anak o kadalasang inuuna ang paglalaro o
panonood ng telebisyon. Pangatlo, suportahan at hikayatin ang anak, hayaan siya na magkwento.
Maglaan ng atensyon at papuri, ang simpleng “very good”, “magaling” ay nagbibigay ng motibasyon sa
anak na buong husay na gumawa ng assignments at magparticipate sa paaralan. Pang-apat,may iba’t-
ibang ‘learning style’, maaring auditory, visual, o tactile learner ang inyong anak. Kung siya ay auditory
basahin ang math problem at himay-himayin ang bawat salita. Kung siya naman ay visual, mas madaling
makakaisip ang bata kung ito ay may larawan, halimbawa ang simpleng 8+9 maaring magdrawing ng
mansanas at tsaka bilangin ang kabuuan. Kung siya ay tactile, maghanda ng mga bagay na maari niyang
mahawakan upang ipaunawa ang math problem. Sa ganitong paraan mae-enjoy ng inyong anak ang
pagkatuto at pag-aaral.

Ipaliwanag nang komprehensibo ang mga sumusunod.

Bilang isang edukador, ano ang mga dapat na isaalang-alang sa pagdidisenyo ng kurikulum,
elementarya, sekondarya (junior at senior) o tersyarya man?

Ang pagdesinyo ng kurikulum ay nagsisilbing batayan ng isang bansa sa kalidad ng edukasyon. Ito ay
masiguro na ang mga mag-aaral ng isang bansa ay matutugunanang kaukulang kaalaman at ng mga
mag-aaral sa bawat antas, samakatuwid, angtagagawa ng disenyo ng kurikulum ay laging iniisip ang
pangangailangan ng mgamag-aaral at ang angkop ng kurikulum para sa kanila.Sa mga nakaraang paksa,
tinalakay ang mga modelo ng disenyo ng kurikulum naipinakita ang kahalagahan ng pagdidisenyo ng
kurikulum at isinaalang-alang din angiba’t ibang kakayahan ng mga mag-aaral.Sa pagkakataong ito,
aalamin at isasaalang-alang natin ang mga dimensyon sapagdidisenyo ng kurikulum, mga hakbang sa
pagdedesinyo at proseso ng paglinangng kurikulum. Ayon kay Taba, Stenhouse at Tyler, may apat na
gabay na sinusunod angpagbubuo at pagpaplano sa pagkatuto ng isang mag-aaral sa pamamagitan ng
pag-oorganisa ng kurikulum. Ang apat na gabay ay maituturing na teorya at praktika ngkurikulum. Lubos
na mauunawaan ang mga gabay na teorya at praktika tungkol sakurikulum sa pagkakategorya ni
Aristotle sa karunungan sa tatlong disiplina: teoretikal, produktibo at praktikal. Upang mapaunlad ang
mamamayan sa tulong ng edukasyon, kinakailangang mahusay na maihanda ang kalipunan ng kurso at
gawaing pampagkatuto. Ito ngayon ang tinatawag na kurikulum. Ang kurikulum ayon kina Ragan at
Shepherd, ay isang daluyang magpapadali kung saan ang paaralan ay may responsibilidad sa paghahatid,
pagsasalin at pagsasaayos ng mga karanasang pampagkatuto. Sa pamamagitan ng kurikulum, ang mga
mag-aaral naisasama sa karanasang pang-edukasyonal at tunay na makatutulong sa pagpapaunlad ng
sitwasyon ng lipunan.

Sa iyong pansariling pagtatasa, natutugunan ba ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa pamaraan at


pagdulog na ginagamit sa pagtuturo ng Filipino, wika man o panitikan? Pangatwiranan ang iyong sagot.

Sa aking palagay natutugunan naman ang pangangailangan ng mga mag-aaral.

Ang pagtuturo ng kahit anumang wika ay hindi nag-iiba kung ang ating pag-uusapan ay pananaw at
pamamaraan nito. Sa kahit na anong pagtingin, ang pagtuturo ng wika ay nagiging epektibo kung ang
isang guro ay gumagamit ng isang epektibong teknik, pamamaraan o metodolohiya upang mailipat ang
pagkatuto sa wikang ninanais matutunan ng mga mag-aaral.Sa kabila nito, ang kaalaman at kasanayan
sa pagtuturo ng wika ay maaring nakatuon lamang sa pagtuturo ng wikang Ingles na naging dahilan ng
pagkaiwan ng pag-unlad sa pagtuturo ng sariling wika. Mula sa pananaliksik ng mgamanunulat,
naunawaan ng mga ito na halos wala naman palang pinagkaiba ang mga pamamaraan at gawi ng
pagtuturo ng wikang Filipino sa pagtuturo ng wikang Ingles,mga pangunahing wikang umiiral sa bansa.
Sa mas malawak na pagtingin,magkakatulad na mga approach din ang ginagamit sa pagtuturo at
pagpapakadalubhasa sa pag-aaral ng kahit anong wikang higit pa sa sinusongwika. Dahil dito, nagkaroon
ng ideya ang mga manunulat kung ano at kung paano ito ituturo sa mga estudyante.

Magbigay ng limang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo na naging mabisa o epektibong nagamit mo sa
iyong pagtuturo. Sa iyong pagsusuri, bakit ito naging mabisa?

1. Active learning hinahayaan ang mga magaaral na gawin ang limang makrong kasanayan.
2. Critical thinking koleksyon ng mga gawaing pangkaisipan na may kakayahang makakuha ng
tamang sagot.
3. Experiential learning matututo ang mga mag-aaral kung ipagagawa ang gawaing itinakda sa
kanila.
4. Games / experiment / simulation napapayaman ang gawain sa tulong ng mga laro.
5. Collaborative / cooperative learning hinihikayat ang maliit na grupo na magpangkatan para
maisagawa ang gawain.

Ang pagtuturo ay isang gawaing masalimuot at may maraming anyo. Ang isang listahan ng mga
pamamaraan sa pagtuturo ay kinapapalooban ng maraming ideya at halimbawa, at isang buong
talakayan ng mga ito ay makapupuno ng mga tomo. Gayunman, maaaring pagsama-samahin ang mga ito
sa ilang pangkalahatang paksa sa mga pamamaraan, kasanayan, o estilo ng pagtuturo na lubhang
mahalaga sa epektibong pagtuturo. Ang bahaging ito ay tutugon sa ilan sa mahahalagang paksang ito.

Kapag nagpapasiya kung aling pamamaraan ang gagamitin sa pagtuturo, mahalagang tandaan na ang
mga pamamaraan at kasanayan ay paraan lamang para makamtan ang layunin, hindi dito mismo
nagtatapos. Ang mga titser ay dapat pumili ng mga pamamaraan na pinakamainam na makatutulong sa
mga estudyante na maunawaan ang mga nilalaman, doktrina, at alituntunin ng isang partikular na
scripture block at makatutulong na pangasiwaan ang pagpapasigla at pagsasabuhay. Ang pagsasaisip sa
layunin sa paggamit ng isang partikular na kasanayan o pamamaraan ay makatutulong sa mga titser na
gamitin ang mga ito sa mas makabuluhang paraan. Mahalaga ring tandaan na kung wala ang Espiritu,
kahit ang pinakamabisang pamamaraan at estilo sa pagtuturo ay hindi magtatagumpay.

Gawaing -Pananaliksik :

Mga Isyu at Hamon sa Pagtuturo ng Obra Maestra sa Panahon ng Pandemya

Sa pagdating ng ika-20 siglo ay tuluyang napuspos at hinamon nang kasalukuyang panahon ang
panitikan. Ang kontemporaryong pagsasatitik at pagtupad sa lente’t porma ng panitikan ay nagbigay ng
kaisipan at ideya upang tawirin nito ang mga dagok na umiiral sa pandemya. Maraming saksi ngunit iilan
lamang ang naging bukas ang isip sumunod sa mga palisi at pamantayang turan ng mga pangunahing
sektor at ahensya. Ito ang masalimuot na pagkakapantay-pantay, eksklusyong lingap nang kapatiran
marahil batid ng nakakarami ngunit natutuop paniwalaan. Nabahiran ng hugas-kamay, suhestyong
pinaniningkitan ng mga mapaglinlang at mapagsamantala sa kapwa. Kasalukuyang humaharap ang
panitikan sa iba’t ibang usaping may kinalaman sa pagsasalin, napupuna maging ang kontruksiyon ng
identidad sa pagitan ng wikang Ingles at Tagalog. Naglipana rin ang maling impormasyon at
diskriminasyong handang magbigay ng kalituhan at kaguluhan sa loob at labas ng tahanan. Sa isang
pahayag ni Komisyoner Arthur Casanova pinatunayang malaki ang suporta ng Komisyon ng Wikang
Filipino sa pagsasalin ng mga batis at impormasyong nakasulat sa wikang Ingles na layong maunawaan at
maipabatid sa bawat nangangailangang indibidwal. Hindi nalimitahan ang kakayahan ng panitikang
sumabay sa galaw at ragasa ng napapanahong pangkalusugang krisis bagkus nagkaroon pa ng maraming
oras at oportunidad ito upang makapag-ambag sa lipunan. Muling inilalayag ang direksyon patungo sa
mga makabuluhang kuwento ng karanasan at katatagan, istorya ng pakikipagbayanihan at pag-asa,
idagdag pa ang tindig nang pamamahayag at argumento. Hindi hihinto at mapapagod ang mga
manunulat, mananalumpati’t mananaysay sa paghatid ng mga kaukulang impormasyon na bubusog sa
isipan at mag-iiwan ng kakintalan sa damdamin ng mamamayan.

Sa pantayong pananaw, ang dulog ng panitikan sa gitna ng pandemya ay hindi tipak ng malilit na
salita, hindi nagtatapos sa prediskyon at haka-haka, hindi nangungumusta ng mga talata at hindi
pinalulutang ang mga titik sa hangin. Hindi layon ang pagiging imperyalismo, walang bakas ng pagiging
superyor at diktador. Ito ay higit may laman, may damdamin, may kintal at diskuro. Marahil batid ng
karamihan ang posisyon at identidad taliwas sa mga negatibong paglalahad at pagtatasa ng mga
sitwasyon. Ngunit hindi ito nagtatapos lamang sa kayang ilahad, sa gamit ng mga bantas at bernakular,
maging sa midyum ng pagsasalin at pagbaybay ng mga salita. Ang mukha ng panitikan ay natatangi at
makabuluhan, hindi ito nakikipagpaligsahan upang tingalain at handugan ng mga ritwal at seremonya.
Ito ay madalas sumusubaybay sa pangangailangan ng sitwasyon, nakikiisa’t maaaring bumalikwas, may
balanse at angkop na pagtingin sa bawat pahayag ng mga salita.
Magsaliksik ng (10) estratehiya sa pagtuturo ng Panitikan ( Obra Maestra) sa iba't ibang antas at
magbigay ng tig-3 gawain sa bawat estratehiya at ilahad ang mga pakinabang (benefits) sa mga gawain
na ibinigay.

Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng panitikan.

1. Dugtungang Pagkukuwento

Ang pagkukuwento ay maaaring simulan ng guro o ng isang mag-aaral. Limang mag-aaral ang
magsasagawa nito hanggang sa matapos at mabuo ang kuwento. Pagkatapos masabi ng isa ang kanyang
bahagi, hahawakan niya ang kamay ng katabi at tatantanin ito bilang tanda na siya ay tapos na.

2. Picture Frame
a. Pagsusunud-sunurin ng mag-aaral ang mga larawan. Ito ay iaayon sa pagkaganap ng mga
pangyayari. Pagkatapos, ito ay igagawa ng buod.
b. Bibigyan ng sitwasyon at ito ay isasagawa ng mga mag-aaral.

3. Pakwadrong Pagsasalaysay Paglalahad ng isang kuwento na may tugtugin habang binabasa ang
kuwento, magpatugtog ng mga awiting instrumental.

4. Aklat-Ulat
1. Pamagat ng aklat
2. May-akda ng aklat
3. Pamagat ng kuwento o napiling kabanata ng nobela
4. May-akda ng kuwento o nobela
5. Mga tauhan
5. Pagbabalita (Newscasting)- Gumamit ng mga gamit-biswal sa pagbabalita.
Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng balita?
2. Sino/Ano ang ibinabalita?
3. Saan naganap ang ibinabalita?
4. Kailan naganap ang balita?
5. Bakit?
6. Editorial Cartoon Kwadro 3
a. Batay sa cartoon,
Kwadro 1 anong isyu o pangyayari ang ipinahayag?
b. Ano ang nakukuhang kaisipan naKwadro 2 Simula
naipahayag ng cartoon?
Ang tagpuan ng
c. Sang-ayon ka ba sa opinyon ng
Anglumikha ng ay
mga tauhan cartoon? Nagsisimula ang
kuwento ay naganap kwento sa
7. Concert Writing
sa _________
sina _________
pamamagitan
ng_________
Habang nagsusulat may background music na naririnig. Tiyakin lamang na hindi nakaistorbo ang
musikang pinili sa pag-iisip at pagsusulat ng mga mag-aaral.

Sumulat ng kathang naglalarawan. Pumili ng isang paksang susulatin sa bawat kategorya.

a. tao
b. pook
c. pangyayari
d. isyu / konsepto / kaisipan
8. Inside Outside Circle
1. Sa isang may 40 mag-aaral, pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat na may 10
mag-aaral.
2. Hayaan ang 2 pangkat na bumuo ng dalawang bilog, isang "inside circle" at ang isa ay
outside circle.
3. Hayaan ang pangkat ng "outside circle" na humarap sa pangkat ng "inside circle. Hayaan din
na ang pangkat ng "inside circle ay magbigay ng impormasyon, presentasyon o kaya
magbigay ng iba pang palabas habang ang pangkat ng "outside circle" ay magbigay-puri sa
pangkat at handang tumulong palitan sila ng gawain.
9. Kuwadro
Ang guro ay maghahanda ng mga larawang nagpapakita ng mahahalagang pangyayari sa
kuwento. Hindi wasto ang pagkakasunud-sunod ng mga larawan pag ipinakita sa klase. Ang mag-
aaral ang siyang magsaayos nito. Isalaysay ng mga mag-aaral ang kuwento pag naayos na ang
pagkakasunud-sunod ng mga larawan. Sa pamamagitan din ng mga larawang ito, matututo ang
mga mag-aaral na makuha ang nangingibabaw na kaisipan ng akda
10. Mock Trial

Mainam na gawain ito kung may tauhan sa akda na kunwari ay ihahabla sa isang hukuman upang
hatulan sa mga ginawa niyang kasalanan sa kuwento.

Hal. Dapat bang patawarin o lapatan ng parusa si Nyora Memay dahil sa di-makataong pagtrato sa mga
katulong?

Papangkatin ang klase ayon sa mga sumusunod:

a. hukom
b. taga-usig
c. tagapagtanggol d. naghabla
d. mga saksi

Pinal na Output : Pumili ng isang Obra Maestra na ipapakitang turo-( Video clip )

*SANAYSAY AT TALUMPATI*
Gawaing- Pananaliksik :

Pag-aaral ng pangkasaysayang pag-unlad ng sanaysay na kaagapay ang pagsulat ng mga


kontemporaryong anyo nito.

Ang pagsasanay sa pagsulat at pagbigkas na talumpati. Panunuring Pampanitikan Tumatalakay sa mga


teorya, simulan at pamamaraan ng pagbasa, interpretasyon pagsusuri ng panitikan mula sa Bagong
Kritisismo hanggang sa Post modernismo.

Magbigay ng mga halimbawa ng sanaysay at talumpati.

Sanaysay Tungkol sa Edukasyon

"Ang Kahalagahan ng Edukasyon"

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng
isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi
lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan.
Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang
praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting
maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na
pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung
paano mabuhay ng maayos.

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala
nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag
na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang
na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga
mithiin.

Talumpati Tungkol sa Edukasyon

"Edukasyon: Susi sa Tagumpay"

Edukasyon, isa ito sa karapatan ng bawat tao. Bata pa lamang tayo ay alam na natin na ito ay
pinakamahalagang bahagi ng ating buhay. Bakit nga ba? Mula sa pang-araw-araw nating gawain ay
kaakibat na ang edukasyon na kung saan parte na ito ng ating pamumuhay. Habang tayo ay lumalaki,
nadaragdagan at lumalawak ang ating isipan at kaalaman. Mula dito, nag-uumpisa tayong makihalubilo
sa ibang tao o kapwa na ating makikilala sa paaaralan. Ang ating guro ang nagsisilbing pangalawang
magulang at mga kamag-aral ay intinutring din na ating pamilya.

Malaking kasiyahan para sa ating mga magulang ang makapagtapos. Kayamanan ito para sa kanila dahil
ito lang ang maipamamana nila sa atin. Ito ay mahalaga dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bawat
tao at para magkaroon ng magandang hinaharap. Hindi hadlang ang kahirapan para sa pagtatagumpay.
Kung mahirap ka man, maraming paraan para makamit mo ang iyong tagumpay. Kailangan mo lang
ipakita ang iyong katatagan, pagiging maabilidad at pagkakaroon ng lakas ng loob upang makaisip ng
paraan upang ikaw ay makapagtapos ng pagaaral. Ipakita ang pagtitiyaga, pagsusumikap at pagtitiwala
natin sa ating Panginoon para makamit natin ang ating tagumpay.

Sa mundong ito, hindi ganoon kadaling mamuhay lalo na kung wala kang sapat na kaalaman. Habang
tumatagal, nagiging kumplikado ang lahat. Nagkakaroon ng problemang hindi madaling solusyunan.
Ngunit kung mayroon kang mabisang sandata, malalampasan mo ito. Pangalawa sa Diyos, Edukasyon
ang mabisang panlaban sa problema at pagsubok.

Ayon kay Enriquez (2012), ang edukasyon ay hindi lamang susi sa tagumpay kundi sa marami pang
bagay. Ang kaalamang natututunan natin sa paaralan ang nagbubukas at nagmumulat sa ating kaisipan
tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating kapaligiran at nagbibigay sa atin ng pagkatuto.
Edukasyon din ang nagdadala sa atin sa mga lugar kung saan tayo nararapat na magbanat ng buto.
Edukasyon din ang magbubukas ng daan upang ating malaman ang ating mga karapatan at ang kaakibat
na mga pananagutan.

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng
ating buhay. Matibay ang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan at pagunawa bunga ng mga
pormal na pag-aaral tungkol sa iba’t ibang asignaturang tinuturo sa atin ng mga guro at ng ating mga
magulang. Ang edukasyon ay katumbas ng isang imbisibol na susi, tulay, hagdan, at sandatang
panghabambuhay na bitbit ng bawat isang tao na magagamit nila sa kani-kanilang paglalakbay at mga
hakbang na dadaanan sa buhay. Kung wala ito, mahihirapan ang tao na abutin ang kanilang mga
pangarap at mithiin sa mundong ito.

Susi ang edukasyon sa bawat pinto ng oportunidad. Kung tayo ay mayroon nito, magagawa nating
buksan ang ating puso at isipan na pagsikapan ang tagumpay na gustong makamtan. Ito ay tulay upang
malalagpasan natin ang lahat ng bagay na humahadlang sa atin na maabot ang ating kapalaran. Isa itong
hagdan upang maakyat natin ang mga bundok na humaharang sa ating pagkatagumpay. At ito ay isang
sandata laban sa lahat ng kahirapan na mararanasan sa pagkamit ng pangarap.

Mahalaga ang edukasyon dahil ito ang ugat ng maginhawang buhay. Gaya ng lagi nating naririnig sa
ating mga magulang na edukasyon lamang ang kanilang maipamamana sa atin. Ito ang dahilan kung
bakit sila ay nagpapakahirap magtrabaho para mabigyan lamang tayo ng magandang edukasyon o pag-
aaral. Kaya naman, huwag natin sayangin ang kanilang paghihirap, mag-aral nang mabuti at pagsikapang
makamit ang minimithi. Tunay ngang napakalaking papel ang ginagampanan ng edukasyon sa buhay ng
tao. Subalit ang kaalaman sa pagbasa at pagsulat ay hindi sapat upang maituring na edukado ang isang
tao kaya’t nararapat na de kalidad ang edukasyon na natatanggap ng mga Pilipino.

You might also like