You are on page 1of 12

MGA SALIK TUNGO SA EPEKTIBONG PAMAMARAAN

NG PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO SA K


TO 12 SA MGA GURO NG SEKONDARYA
ELVIRA O. PILLO
SOUTHERN LEYTE STATE UNIVERSITY- COLLEGE OF
TEACHER EDUCATION
elvirapillo123@gmail.com

1.0 Introduksyon

Isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa bawat na


programa sa pag-aaral nainilatag ng DEPEd ay ang Filipino. Ang Filipino ay
isang asignatura na tumatalakay sa mgabagay-bagay na may kaugnayan sa
ating Wikang Pambansa. Dapat lamang na pagtuunan ng pansin ang
asignaturang ito dahilan din na ditonakasalalay kung tunay nga bang isa ka o
ako na Pilipino. Sa kasalukuyan, ang asignaturang itoay isa na may mababa
na grado lalo na sa resulta ng NAT Examination. Masakit mang isipinngunit
kailangang tangapin. Bilang tugon sa mga pangyayari at sa globalisasyon,
ang mga mananaliksik ay naglalayon na matulungan ang ating mga guro sa
pagdetermina kung anu-ano ang mgaepiktibong estratihiya ang magagamit
upang mas mapaunlad pa ang performans ng mga mag-aaral sa
asignaturang Filipino.

Sa akdang Filipino ang kawalan ng interes ng mga mag- aaral sa


pagbabasa ng mga akdang pampanitikan ang parating nahaharap na
suliranin ng mga guro kaya para masolusyunan ito gumagamit ng iba’t ibang
estilo ng pagtuturo o pagdulog sa pagtuturo upang pumukaw ito sa interes
ng mga mag-aaral na basahin ang mga akda (De Juan, 2013 . Isa sa
halimbawa sitwasyon Ay sa pakikipanayam namin kay Esma (2017) isang
mag-aaral sa Mataas na Paaralan sa Lungsod ng Digos, madalas siyang
nawawalan ng gana na makisangkot sa isang aralin sa Asignaturang Filipino
sa kadahilanang ang estilo ng pagtuturo na ginagamit ng guro ay makaluma
o pasibo at hindi pa akma sa paksang aaralin, na siya sanang aakit sa
aktibong motibasyon ng mga mag-aaral. Kaya ito ang naghudyat sa mga
mananaliksik na bigyan ito ng solusyon upang maging gabay ng guro at pati
na rin ng mga mag-aaral sa naturang paaralan

Ang pagkakaroon ng “Dekalidad na Edukasyon”. ay ang responsibilad


ng guro.Sa pahayag ni Cortes (2010) ang guro ay angpinakamahalagang
baryabol sa loob ng silid - aralan na nakapagsasagawang matagumpay at
epektibong pagtuturo. Ngunit hindi lahat ng guro ay may kakayahan pa
tungkol sa paggamit ng epektibong estilo para sa aktibong pag-aaral ayon sa
pag-aaral ni Dee Fink (2003. Ang mag-aaral din ay walang kamalayan sa
kanyang responsibilidad sa pag-aaral Ang pagpili ng epektibong paraan sa
pagtuturo ang siyang isa sa mgasensitibong paksa na dapat pagtuunan ng
pansin sapagkat dito nakadepende ang matatamong pagkatuto ng mga
estudyante kaya Sa isang aksyon riserts na isinagawa ni Saydee (2015) na
naglalayong tukuyin ang mga salik sa epektibong pagtuturo at pagkatuto ng
mga linggwaheng Dari at Pashto, natukoy ng mga guro ang mga bagay na
naghahadlang sa paglinang ng kakayahan at kahusayan sa pagsasalita ng
Dari at Pashto ng mga masinsinang klase. Ayon sa mga guro ng Unibersidad
ng Corcodia Portland (2017), bilang isang tagapagturo isinasaalang-alang mo
kung paano mo gustong lapatan ang iyong paraan ng pagtuturo, ikaw bilang
isang guro ay nagnanais na gumamit ng isang paraan na kapakipakinabang
para sa lahat ng iyong mga mag-aaral upang tamasahin nila ang proseso ng
pag-aaral at para naman sa iyong silid-aralan upang maging maayos at
kontrolado
Ang mga estratehiya sa pagtuturo ay may malalaki at mahahalagang
tungkulin sa pagbibigay ng tulong sa guro upang ang mga katotohanang
nakapaloob dito ay maihatid patungo sa mga mag-aaral na mas madali at
mas maganda ang kalidad ng gawain. Ayon sa kanila Fernandez et al. (2010),
ang lahat ng gawain, malaki man o maliit ay ginagamitan ng mga
pamamaraan upang matapos ang naturang gawain sa kabilang banda
habang ang pangangailangan sa mga gawain ay dumarami lalo sa pagtuturo
ang nakikitang problema dito na kinakailangang pagtuunan ng pansin ay
tungkol sa pamamaraan, metodo, estratehiya na siyang dapat rebisahin at
paunlarin pa upang ang mga resultang minimithi ay siyang matugunan.
Madalas natin na marinig ang parehong mga baguhan at beteranong guro na
nagrereklamo na ang kanilang mga mag-aaral ay hindi "kasangkot" sa mga
aralin o gawain sa loob ng silid-aralan na nakakaapekto sa pagkatuto.

Ito ay nangangailangan ng iba't ibang mga estilo ng pagtuturo o


pamamaraan upang makuha ang mga interes ng mga mag-aaral. Higit sa
lahat, ang guro ay dapat magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga layunin
at pamantayan ng kurikulum, kasanayan sa pagtuturo, interes,
pagpapahalaga at mga mithiin (Barberos, Gozalo at Padayogdog, 2018).
Ngunit sapangyayaring ito marami pa ring mga guro ang nakakulong sa
paggamit ngmga nakaugaliang estratehiya na siyang nagiging dahilan sa
patuloy na pagbaba ng perpormans ng kanyang mga estudyante sa
asignaturangFilipino. Maaaring malaki ang epekto ng pag - aangkopng mga
estilong pampagtuturo sa istilong pampagkatuto ng mgaestudyante. ( Gera ,
2002 ).
Ayon kay Silva (2008), kailangang makita o masalamin sa isang kagamitang
pampagtuturo ang isang mahusay na kurikulum at pagtuturo. Sa
kasalukuyan, batay sa balangkas ng ika- 21 siglong kasanayan (2007),
kailangan ng mga mag-aaral ng ika-21 siglong kasanayan upang maging
matagumpay sa buhay.

Mahinuha sa pahayag ng mga eskperto sa unahan na may malaking


papel na naibahagi ang estratehiya sa larangan ng pagtuturo. Sapagkat
ditonakasasalay ang katagumpayan ng pagtuturo lalo na sa
magigingperpormans ng mga estudyante. At dahil dito, marami ang nag -
aaral atnagsuri ng estratehiya sa pagtuturo partikular na sinuri ang kabisaan
sanasabing estratehiya sa pagtuturo. Marami ng nagsulputang pag - aaral ng
Minsan na ring naranasan ng mananaliksik sa loob ng silid - aralan
angpaggamit ng iisang estratehiya sa magkaibang klase ngunit hindi
nagingmatagumpay ang nasabing estratehiyang ginagamit sa lahat ng
klasemaaaring angkop ang estratehiya sa isang klase ngunit hindi sa ibang
klaseito ang isa sa mga sitawasyon na nagpapahirap sa isang guro sa
pagtuturona siya ring nagtulak sa mananaliksik na pag - aaral ang mga
estratehiyang angkop na gamitin tiyak na kakayahan ng mga estudyante.

Sa pag-aaral na ito, tatalakayin ang mga salik tungo sa epektibong


pamamaraan ng pagtuturo ng Filipino sa K + 12 , gayundin ang epekto nito
sa pagtuturo sa mga estudyante na may kursong edukasyon. Mababatid din
ang kahalagahan ng mga salik sa pagkatuto ng mga mag-aaral Isa sa rin sa
mga kontribusyon ng pag-aaral na magkaroon ng katuwang ang guro sa
pagtuturo ang isang mabisang kagamitang panturo na sasagot sa hamon ng
pagbabago ng panahon, ang mga kagamitang panturo na magsisilbing
tagapaghatid ng kaalaman at tagapaglinang ng mga kasanayan sa isang
mag-aaral.

2.0 Suliranin ng Pag-aaral


Ang Pangunahing Suliranin Sa Pagsasagawa ng Pag-Aaral na Ito Ay: Anu-Ano
ang mga salik tungo sa epektibong Pamamaraan ng Pagtuturo ng
Asignaturang Filipino sa K To 12 sa mga Guro ng Sekondarya.

Nais din ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na


katanungan:

1. Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang ng isang guro upang


maging mabisa ang pamamaraan ng pagtuturo?

2. Anu-ano ang mga salik na mahalaga sa pagtuturo ng isang guro


sa mga estudyante?

3. Paano nakakaapekto ang mga salik tungo sa kabisaan ng


estratehiya ng pagtuturo?
4. Gaano kahalaga ang mga salik sa pamamaraan ng pagtuturo sa
pagkatuto ng mga estudyante?

Kaugnay ng mga suliraning nabanggit, layunin ng mga mananaliksik


ang mga sumusunod:

1. Malaman ang mga salik tungo sa epektibong pamamaraan ng


pagtuturo
2. Makapagbigay ng mga panibagong kaalaman hinggil sa pamamaraan
ng pagtuturo.
3. Malaman ang epekto ng mga salik tungo sa kabisaan ng estratehiya
ng pagtuturo.
4. Malaman ang kahalagahan ng mga salik tungo sa kabisaan ng
estratehiya ng pagtuturo.
3.0 Metodolohiya

Inilalahad sa kabanatang ito ang disenyo at paraan ng pangangalap ng


mga datos sa pananaliksik. Nakapaloob dito ang mga taga-tugon ng pag-
aaral, instrumentong ginamit sa pag-aaral at ang paraan ng pagkuha ng mga
datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Sa pagtukoy ng mga salik tungo sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo,


ang pag-aaral ay gumamit ng Qualitative Research bilang dulog ng pag-
aaral. Ito ay pamamaraan ng pagkuha ng mga impormasyong hindi
nasusukat. Ang mga impormasyon na ito ay ang mga salik tungo sa
epektibong pamamaraan ng pagtuturo.

Ginamit ng mga mananaliksik ang Descriptive Research bilang disenyo


ng pag-aaral. Ito ay isang kwalitatibong pamamaraan ng pangangalap ng
mga datos o impormasyon ukol sa kasalukuyang panahon. Ito ay gumagamit
ng mga talatanungan upang mas mapadali ang paglikom ng mga datos.
Naniniwala ang mga mananaliksik na ang ganitong uri ng pamamaraan ay
angkop na gamitin sa isinasagawang pag-aaral sapagkat mas mapabilis ang
pagkuha ng mga datos mula sa mga respondente

Mga Respondente

Ang mga napiling kasangkot sa pag-aaral na ito ay ang mga Guro na


nagtuturo ng asignaturang Filipino sa k to 12 sa mga guro ng Secondarya .

Sa pagpili ng mga respondent, gumamit ang mga mananaliksik ng sampling


na may layunin o purposive sampling. Ito ay isang uri ng sampling kung saan
nakadepende sa desisyon ng mga mananaliksik ang bilang ng kakasangkutin
sa pananaliksik. Maliban dito, napili ang mga impormante ayon sa mga
katangiang itinakda ng mga mananaliksik.

Instrumento sa Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng instrumentong pakikipanayam


kung saan direktang ininterbyu ang mga respondente at ang mga
impormasyong nakuha ay mga direktang sagot na ibinigay ng mga ito. Ang
ganitong uri ng pagkalap ng mga datos ay angkop sa isinasagawang saliksik
sapagkat nakaayon ang mga kalahok sa pananaliksik sa mga nakatakdang
katangian ng mga pananaliksik. Sa ganitong pamamaraan ay mainam
sapagkat naipaparating kaagad sa nag-iinterbyu ang bawat sagot ng mga
respondent.

Sa pagsagawa ng pakikipanayam, gumamit ang mga mananaliksik ng


interview guide upang magkaroon ng gabay sa pagtatanong at nang sa
gayon ay hindi malihis sa mga suliranin ng pananaliksik. Nakapaloob dito
ang limang katanungan na kailangang sagutin ng mga respondent. Maliban
sa interview guide, ginamit din ang voice recorder sa pagkuha ng
impormasyon. Ito ay upang magkaroon ng kopya at basehan ang mga
mananaliksik sa paggawa ng resulta.
4.0 Bibliograpiya

Corcodia University-Portland. (2017). Which is best: teacher-centered or


studentcentered education? Retrived on April 13, 2018 from
https://education.cuportland.edu/blog/classroom-resources/which-is best-
teacher-centered-orstudent-centered

Dee Fink, L. (2003). A self-directed guide to designing courses for significant


learning director, instructional development program university of oklahoma.
Retrieved November 22, 2018 from
http://webcache.googleusercontent.com/search?q=cache:c3ccnDtEvwEJ:ww
w.bu.edu/sph/files/2011/06/selfdirected1.pdf+&cd=4&hl=en&ct=clnk&gl=ph

Department of Education, Division of Quezon. (2010). K to 12 secondary


guides. Nakuha mula sa:
http://depeddivisionofquezon.wikispaces.com/K+to+12+SECONDARY+GUIDE
S (huling nakalap noong Oktubre 19, 2014)
De Juan, G. (2013). Mga suliranin ng mga guro sa pagtuturo ng filipino.
Retrieved on April 13, 2018 from
https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/mgasuliranin-ng-mga-guro-sa-
pagtuturo-ng-filipino/

Esma, P. (2017). “Pakikipanayam”. isang mag-aaral sa ika-7 taon sa digos


city national high school. November 13, 2017

Fernandez, et al., (2010). Mga salik sa epektibong pamamaraan ng pagtuturo


sa asignaturang filipinon sa mataas na paaralan ng polompon institute of
technology polompon, leyte. Retrieved on April 13, 2018 from
https://www.slideshare.net/lourlse/research-paper-in-filipino.

Quinonez, N. (2014). Different teaching styles and how they affect your
students. Retrieved on April 13, 2018 from https://blog.udemy.com/teaching-
styles/.

Barberos, M. T., Gozalo, A., & Padayogdog, E. (2018). The effect of the
teacher's teaching style on students' motivation action research –research -
nyu steinhardt Retrieved on April 13, 2018 from
https://steinhardt.nyu.edu/teachlearn/research/action/motivation.

5.0 Appendices

Pakikipanayam o Interbyu

Pangalan(optional) : Paaralan

Bilang ng taon na nagtututuro ng Asignaturang Filipino_____


Mga Katanungan

1) Ano ang layunin mo bilang isang guro sa pagtuturo ng Filipino?


2) May kaugnayan ba ang layunin at paglalapat ng mga Gawain sa
pagtuturo ng wikang Filipino?
3) Anu-ano isaalang-alang mo bilang isang guro upang maging mabisa
ang pamamaraan ng pagtuturo?
4) Ano ang iyong ginamit na istratehiya tradisyonal o makabagong
istratehiya?
5) Para sa iyo ano ang mas mainam na estratehiya ang tradisyunal o
makabagong pamamaraan?
6) May malaking kaibahan ba ang tradisyul na pamamaraan at
makabangong pamamaraan?
7) Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Dalawang pamamaraan.
8) Anu-ano ang mga pamamaraan at estratehiya na ginagamit mo sa
pagtuturo ng Wikang Filipino sa K to 12?

9) Ano kaya ang positibong nadudulot ng mga pamamaraan sa Pagtuturo


ng Wikang Filipino sa k to 12

10) Para sa iyo bakit mahalagang magkaroon ng epektibong


stratehiya sa pagtuturo ng Filipino sa k to 12?
11) Ano kaya ang mga epektibong pamamaraan sa pagtuturo ng
wikang Filipino sa k to 12

12) Ano ang salik na nakakaapekto ang mga salik sa epektibong


Pamamaraan tungo sa kabisaan ng estratehiya ng pagtuturo?
13)Paano nakakaapekto ang mga salik sa epektibong Pamamaraan tungo
sa kabisaan ng estratehiya ng pagtuturo?
14)Bakit sa tingin mo mahalagang gamitin ang wikang Filipino sa
pagtuturo?
15)Sa kabouan nagging epektibo ba ang mga pamamaraan at istratehiya
na ginamit mo sa pagtuturo ng Wikang Filipino sa K to 12

6.0 Bionote

BIONOTE

Siya ay si Elvira O. Pillo isang Lisensyadong guro. Sa kasalukuyan siya ay


nagtuturo sa Departmento ng Edukasyon sa Esperanza, National High School
bilang guro sa Senior High School.Siya rin ay kasalukuyang nag-aaral ng
Master of Education sa Southern Leyte State University- College of Teacher
Education

You might also like