You are on page 1of 2

Mala- Masusing Banghay Aralin

Sa Filipino SHS 11
Elvira O. Pillo July 29, 2019
Guro

I. Mga Layunin :
Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Napapahalagahan ang paggamit ng tekstong perusweysiv sa pamamagitan ng paglikha ng
propaganda devices para sa panghihikayat;

II. Paksang Aralin :


A. Pamagat : Uri ng Teksto” Tekstong Persuweysiv.
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
Panalangin
Pagbati
Pagtala sa liban
B. Pagganyak
a. Magpakita ang guro ng isang video clip sa mga mag-aaral.
b. Magbibigay ang guro ng dalawang tanong sa klase “Classroom Sharing” (5 minuto)

1. Tungkol saan ang patalastas?


2. Ano ang nais iparating nito sa manonood?
C. Paglalahad
Ang guro ay maglalahad sa klase ng paksa ang “ Tekstong Persuweysiv
D. Pagtatalakay
a. Pagtalakay ng guro sa Katangian ng tekstong Persuweysiv
b. Pagtawag ng guro ng mga mag-aaral upang magbigay ng sarili nilang halimbawa ng mga
tekstong persweysiv.
c. Magpapatuloy sa pagtatalakay sa tatlong elemento at paraan ng panghihikayat at mga
Propaganda devices sa Tekstong Persuweysiv.
E. Pagpapayaman
Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral. Ang layunin ng pangkatan ay magamit ng
mga mag-aaral ang tekstong persuweysiv sa isang malikhaing Pagtatanghal . Buhat dito ay
hihilingin ng guro na gamitin ng mga mag-aaral tekstong perweysiv sa pagsasagawa ng patalastas
PAGSASAGAWA SA MGA SITWASYON:

Pagbibigay ng marka batay sa:

Rubrik sa pagmamarka ng dula

Deskripsyon Puntos
Kaangkupan sa tema ng gawain 20
Maayos at nakakaagaw pansin ang patalastas 15
Pagkakaisa ng mga Kasapi sa grupo 5

Kabuuang Puntos 40

F. Paglalahat/Pagbubuod
Sa pagtatapos ng talakayan hihilingin ng guro sa mga mag-aaral na lagumin ang
kanilang aralin sa araw na iyon sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga pangungusap.
K-Ano ang nalaman na ninyo tungkol sa ating paksa ngayon?
W- Ano ang gusto niyong malaman sa hinaharap?
L- Ano ang inyong natutunan sa hapong ito?

IV. Pagtataya
Gamit ang Tekstong Persweysiv Pumili at gumawa ng limang Propaganda Devices alin man sa
mga sumusunod.
1. Name Calling
2. Glittering Generalities
3. Transfer
4. Testimonial
5. Plain Folks
6. Bandwagon
7. Card Stacking
V. Takdang Aralin
Gamit ang Internet magsaliksik tungkol sa Tekstong Argumentativ. Basahin ang katangian at
kalikasan ng tekstong ito. Magkakaroon ng oral recitation sa susunod na pagkikita.

You might also like