You are on page 1of 4

FILIPINO

Mala-masusing Banghay-aralin
“Pagtuturo at Pagtataya ng Makrong Kasanayang Pangwika”
I. Layunin
Sa loob ng animnapung minutong talakayan ang mag-aaral ay
inaasahang:
A. Naibibigay ang kasaysayan ng Wikang Pambansa.
B. Naiuulat ang iba’t ibang kasaysayan ng Wikang Pambansa.
C. Naipapakita ang pagpapahalaga sa Wikang Pambansa.
D. Nakagagawa ng isang timeline tungkol sa kasaysayan ng Wikang Pambansa.

II. Paksang-Aralin
A. Paksa
Kasaysayan ng Wikang Pambansa (unang bahagi)
B. Mga Kagamitan
 PowerPoint presentation
 Laptop
 Aklat
C. Sanggunian
K-12 Teacher’s Guide Filipino Grade 12, Pinagyamang
Pluma:Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino nina
Alma M. Dayag at Mary Grace G. del Rosario, pahina 78-85

III. Proseso ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
a) Panalangin
b) Pagpuna sa kaayusan ng silid-aralan
c) Pagtsek ng atendans at pagtala ng liban
d) Pagbati at pangungumusta sa bawat isa
e) Pagbabalik-aral (Magbigay ng mga katanungan tungkol sa
tinalakay noong karaang tagpo)

B. Pagganyak
Jigsaw Puzzle (Pangkatang Gawain)
Hahatiin ang klase sa apat na grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng mga
ginupit-gupit na larawan na kanilang bubuoin sa loob ng isang minuto at
paunahan silang ididikit ito sa pisara. Kailangan din magbigay ng isang
representanti bawat grupo upang ipaliwanag kung ano ang nasa larawan.
Panahon ng Hapones Panahon ng Amerikano

Mga katutubong Pilipino Panahon ng Kastila

C. Paglalahad ng Aralin

Base sa ginawa nating laro, ano ang kaugnayan ng mga larawan sa ating
magiging paksa ngayong araw? Sino bang may ideya ng ating magiging
paksa?

D. Pagtatalakay (Tanong sagot na pagtatalakay)

Buksan ang aklat sa pahina 78-85. Ang mga mag-aaral na makakasagot


sa mga katanungan ay bibigyan ng mga hugis-pusong papel na may
kaakibat na puntos at ito ay kokolektahin matapos ang klase para itala.
Mga gabay na tanong:
 Ano ang tawag sa sinaunang paaran ng pagsusulat ng mga
Pilipino?
 Ilang titik ang Alpabetong Romano?
 Sino ang bumuo ng Abakada?
 Itinuro ba ng mga kastila ang kanilang wika sa mga Pilipino?
 Ano ang pangunahing layunin ng mga kastila sa pananakop nila sa
ating bansa?
 Ano ang tawag sa mga gurong Amerikano?
 Ipinatupad bas a paaralan ang paggamit ng wikang Ingles sa
panahon ng pananakop ng mga Amerikano?
 Paano binura mga Hapon ang impluwensya ng mga Kastila?
 Bakit ang panahon ng mga hapon ang tinaguriang Gintung
Panahon ng Panitikang Pilipino?
 Sino ang nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa?
 Siya ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa, sino siya?
 Kailan iprinoklama ang wikang Tagalog bilang basehan g Wikang
Pambansa?
 Noong taong 1987, ano ang tawag sa ating Wikang Pambansa?
 Ilang letra ang alpabetong Filipino?
 Ano-anu ang walong hiram na titik na idinagdag sa ating alpabeto?

E. Paglalahat
Napakaraming pinagdaanan ang ating wika ngunit ito’y nanatiling
nakatayo sa likod ng unos at delobyong naranasan. Malaki ang kontribusyon ng
ating mga ninuno sa paglinang ng ang ating wika. dugo at pawis ang inialay nila
mapanatili lamang ang ating Wikang Pambansa.
Ang mga bansang sumakop sa atin ay malaki ring impluwensya sa
paghubog ng damdaming Makabayan ng mga Pilipino at nag-udyok ito ng
hangaring magkaroon ng sariling kasarinlan, kakikilanlan at sariling wika kaya
naitaguyod ang Surian ng Wikang Pambansa at iba pang grupo na
nkikibaka sa pagtataguyod at paglilinang ng ating sariling wika.
Ang mga katutubong wika ng ating bansa ay nagpapatunay lamang kung gaano
kayaman at hitik ang kultura nating mga Pilipino bagama’t nagkakaisa at
nagkakaintindihan parin tayong lahat dahil may iisa tayong wika, ang wikang
Filipino. Kaya bago natin mahalin at tangkilikin ang wika ng mga dayuhan gawin
muna nating tatas ang ating sarili sa wika ng ating sinilangang bayan. Bigyang
halaga natin ang buhay na inialay ng ating mga ninuno at bayani matamo
lamang ang kalayaan ng na nararapat sa ating mahal na bansa. Ikan ga ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal , “Ang hindi magmahal sa sariling wika
ay daig pa ang hayop at malansang isda.”. Isinaad din niya na ang kabataan ang
pag-asa ng bayan, isang malaking responsibilidad at inatas sa inyong mga
balikat dahil sa inyo nakasalalay ang pagpapanitiling buhay at pagpapayabong
ng ating sariling wika, ang wikang Filipino.

F. Paglalapat
Dahil lubusan niyo ng naiintindihan ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa,
isarado ang inyong mga aklat at kumuha ng isang kalahating papel(cross-wise).
Sa loob ng labinlimang minuto, gumawa ng Timeline sa Kasaysan ng Wikang
Pambansa. Siguraduhing tama ang pagkakasunod-sunod simula panahon ng
mga katubong Pilipino hanggang sa makabagong panahon at huwag kalimutang
lapatan ng pagkamalikhain.

Krayterya sa Pagmamarka:
Tamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari - 45
Pagkamalikhain - 15
Kabuuan - 60 puntos

G. Takdang-Aralin
Sa isang bondpaper short, gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagkakaiba
ng salitang Filipino at Pilipino. Ugaliing maging malikhain.
Krayterya sa Pagmamarka:
Kalinawan sa mensahe ng iginuhit - 35
Pagkamalikhain - 15
Kabuuan - 50 puntos

You might also like