You are on page 1of 7

Learning Area SHS (Core Subject: Filipino)

Learning Modality Modular Learning

Paaralan Dagatan Integrated National High School Baitang 12


Guro G. Renegade C. Lubid Asignatura PAGBASA AT
PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
Petsa Agosto 24-27, 2020 Markahan Unang Markahan
Oras Bilang ng Araw 4 araw
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga ideya sa mga detalyeng nakapaloob sa teksto;
2. Nagagamit ang iba’t ibang grapikong pantulong sa pagtukoy ng mga
I. LAYUNIN
paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa at
3. Naipapahayag ang sariling kaisipan hinggil sa mga paksang tinalakay
sa iba’t ibang tekstong binasa
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa
A. Pamantayang Pangnilalaman sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig
Nakasusulat ng isang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan
B. Pamantayan sa Pagganap sa bansa
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa (PB)
Pagkatuto (MELC) ( Kung Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng
mayroon, isulat ang iba’t ibang uri ng tekstong binasa.
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC)
D. Pagpapaganang Kasanayan (Kung
mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)
II. NILALAMAN Mga Uri ng Teksto
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng MELC SHS (Core Subject Filipino), PIVOT BOW R4QuBE: pahina 348
Guro
b. Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag-
aaral
Bandril, et al.(2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City; Vibal Group,Inc.:pahina 3-90

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace G. (2016). Pinagyamang Pluma


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon
City; Phoenix Publishing House, Inc: pahina 1-99
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Gawaing Pampagkatuto (learning activity/worksheet), larawan, awdyo, video
Panturo para sa mga Gawain sa clip at handout
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction ( Panimula )
Ipapaalala ng guro sa mga mag-aaral ang mga panuntunan sa pag-aaral ng
asignatura at maging ang mga bagay na matamo sa katapusan ng pag-aaral
ng modyul na ibinagay ng guro.

1. Maging aktibo sa mga gawaing may kinalaman sa asignatura sa


pamamagitan ng pagtitingin ng group chat.
2. Matamang basahin at pag-aralan ang mga modyul na ipinamahagi ng guro.
3. Kinakailangang maipasa ang mga papel na naglalaman ng nga gawaing
pampagkatuto sa takdang panahon o oras.
4. Maging isang mabuting tagasunod na naglalayong matamo o makamtan
ang mga kasanayang handog ng pag-aaral ng aisgnatura.

ALAMIN: Ano Ang Dapat Kong Malaman?

Oryentasyon o Paghahabi ng layunin


Gawain Blg. 1: Tuklas-Dunong
Word Identification/ Word Discovery
(Constructivist Approach:Thinking Skills Strategies)

Maghahayag ang guro ng mga parirala o pangungusap na maaaring kaugnay


ng bawat talakayan sa buong semestre. Mangyari lamang na hulaan ng mga
mag-aaral ang salita at bigyan ng kanyang pansariling kaisipan.

1. Walang ibang gagawin kundi pantigin ang letra at kalaunan ay


matututong talaga.

2. Laman ko ang sandamakmak na salitang may iba,t ibang kaisipan sa


talata, manalig kang baling araw ikaw rin ay gagawa.

3. Ako ang bumubuo sa salita, kaluluwa ako ng pagkatuto sa pagbasa ng


madla.

Gabay na Tanong:

1. Anong mga bagay ang kapansin-pansin sa passage na hinulaan?


2. Ano ang gusting ipahiwatig ng mga nahulaang salita? May
pagkakaugnay-ugnay ba ang mga ito?
3. Sa pagay mo, mayroon bang impak sa pagkatao ng isang simpleng
mag-aaral ang pag-aaral ng titik o gawain ng pagbabasa ng teksto, bakit?

Matapos ang malayang pagbabahagi, sasabihin ng guro ang mga layunin


para sa pagkaunawa ng mga mag-aaral gayundi’y magkaroon ng direktiba ang
mga ito sa inaasahan sa kanila.

1. Natutukoy ang mga ideya sa mga detalyeng nakapaloob sa teksto;


2. Nagagamit ang iba’t ibang grapikong pantulong sa pagtukoy ng mga
paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa at
3. Naipapahayag ang sariling kaisipan hinggil sa mga paksang tinalakay
sa iba’t ibang tekstong binasa

Gawain Blg. 2: Lakbay- Pahina


Ilabas ang sikreto sa numero at MAGBASA TAYO!
Mayroong hanay ng mga numero sa kahon na makikita sa ibaba, mangyari
lamang na pumili ang mga mag-aaral ng tatlong numero na may kabuluhan sa
kanila. Itala sa isag papel ang dahilan ng pagkagusto sa numero sa
pamamagitan ng pagsulat ng alawang pangungusap na kadahilanan.
Pagkatapos maitala ay kumuha ng kahit na anong librong makikita sa loob ng
tahanan na nasusulat sa wikang Filipino at buksan ang pahina ng mga napiling
numero.

Matapos ang pagpili, isusulat ng mga mag-aaral sa kaparehas na sagutang


papel ang mga bagay na kanilang nalaman sa palagay nila ay kakaiba at di pa
nila napakikinggan.
Ilang tanong:
May impak ba sa iyo bilang mambabasa ang paglalakbay ng di alam na pahina
para basahin? Bakit?
Ano ang naibibigay o naidudulot sa iyo ng pagbabasa ng iba’t ibang uri ng
babasahin.

B. Development (Pagpapaunlad)
SUBUKIN:Ano Ang Aking Nalalaman?

Gawain Blg. 3: Lapat- Sulat


Integrative Approach
(Discussion Method at Paggamit ng Graphic Organizer)
Ibahagi ang dati ng kaalaman hinggil sa iba’t ibang teksto tulad ng tekstong
impormatibo, deskriptibo,naratibo, prosidyural, persweysib at argumentatibo sa
pamamagitan ng paglalapat ng salita sa mga grapikong pantulong na nasa
ibaba. Sa kahiwalay na sagutang papel ay magsasagot ang mga mag-aaral.

Kalakip ng modyul na ipinamigay ang iba’t ibang talakayan na kaugnay ng


iba’t ibang uri ng teksto. Maaari ding ipasa ng guro ang handout upang
magkaroon ng sariling sipi ang mag-aaral.Kung mayroon man na mga salita o
termihnno na hindi na ganoon kalinaw para sa mga mag-aaral ay maaari din
itong isulat sa kwaderno at mabigyang linaw sa tulong ng kamag-aaral,
magulang at guro.

Gawain Blg. 4: Tuklas-Dunong: Paglalahad ng Konsepto o Aralin


Sa bahaging ito ay babalikan ng mga mag-aaral ang pahina ng aklat na
kanilang binasa buhat sa mga numerong kanilang pinili. Dito masusukat
ang kanilang kakayahang tumukoy ng uri ng teksto ang kanilang binasa.

Para naman mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa


paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong sagutin ang mga tanong sa
ibaba:
1. Saan umiikot ang tekstong iyong binasa?
2. Anong mahahalagang detalye ang maibibigay mon a nagpapakita ng
katangian ng tekstong iyong binasa?
3. Aling mga detalye na nakatulong o nagsilbing suporta upang
mapalawig o mapalawak ang pag-unawa sa teksto?

Gawain Blg. 5: Salok-Kaalaman; Mangatwiran Kaibigan!


May mga halimbawang teksto ang guro na ipamimigay gamit ang hand out
samantalang ang mga may Internet ay maari din namang tumuklas ng kopya.
Sa bawat uri ng teksto kinakailangan lamang na matukoy ang paksang
tinalakay. Gayundin kinakailngang makapagtala ng mga mahahalagang salita
na mayrroon sa teksto at mangyaring bigyan ito ng kahulugan at katangian.

Tekstong Impormatibo:
Sa Makati at Divisorya, Denims ang Hanap Nila ni Valerio L. Nofuente\

Tekstong Deskriptibo:
Kuwentong “Si Teodoro at ang Pulang Bag.”
Tekstong Naratibo:
Mabangis na Lungsod ni Efren R. Abueg

Tekstong Prosidyural:
Chow Down

Tekstong Persweysib:
Depresyon; Huwag Balewalain Salin sa Filipino ni Christian George C.
Francisc

Tekstong Argumentatibo:
K to 12: Dagdag Aralin o Dagdag Pasanin

Pamantayan sa Pagpupuntos

Nilalaman- 60 puntos
Teknikalidad (Gramatika at bantas)- 20 puntos
Kalinisan- 20 puntos

C. Engagement ( Pagpapalihan )
ISAGAWA: Ano Pa?

Gawain Blg.6: Diskubrehin pa Natin!


Individual Concept Discovery (Constructivist Approach )
Matapos ang makabuluhang gawain ng pangangatwiran ay magkakaroon
naman ang mga mag-aaral ng pagkakataon na makapagnilay-nilay ng mga
bagay o ideya na kanilang napulot mula sa matamang pagbabasa. Kanilang
didiskurehin ang mga puntos kung bakit kailangang mahimay nang maaayos
ang bawat kaisipang nakapaloob sa teksto at ano rin ang kaugnayan nito sa
akma o wastong pagdiskubre ng nakaloob na paksa sa teksto, Kailngang isulat
ng mga mag-aaral ang kanilang mga naisip na pagkakdiskubre ng mga dahilan
sa pamamagitan ng acroustic gamit ang salitang PAGBASA.

P-
A-
G-
B-
A-
S-
A-
LINANGIN: Anong Kaya Kong Gawin?

Gawain Blg. 7: Tipon, Lista, Nilay


Sa mga tinalakay na teksto kailangang pumili ang mga mag-aaral ng isa
para pag-ukulang pansin, tipunin at ilista sa isang sagutang papel ang mga
kaisipang may kaugnayan sa sumusunod:
 Sarili
 Pamilya
 Pamayanan
 Bansa
 Daigdig
Pagkagtapos ng gawain ng pagtitipon at paglilista ay kailangang magawa nila
ng pagninilay ang mga konsepto sa pamamagitan ng paglalahad ng kabuuang
reaksyon sa nabasang tekstyo gamit ang isang kotasyon o kasabihan at isulat
ito sa kahon

“ “

Gawain Blg. 8:Talas-Talasalitaan


Bilang paglalahat sa naging talakayan tungkol sa mga teksto ay mag-
iimpok ang mga mag-aaral ng mga salitang sa kanila ay nagpapukaws at
isusulat ito sa kanilang kwaderno. Kailngang makapagtanong o
makpaginterbyu sa mga kasama sa bahay ang mga mag-aaral sa mababaw
na kahulugan ng mga salita. Ang mga mag-aaral na mayroong access sa
Internet ay maari ring bumisita para sa mabilisang pagtuklas. Sa katapusan ng
markahan ay ipapasa ang kwaderno at titingnan ng guro ang mga naitalang
salita bilang bagahi ng kanyang kahingian sa kanyang asignatura
#DapatAlamMo!
C. Assimilation ( Paglalapat )
ISAISIP:Ano Ang Natutunan ko?

Ibahagi mo nang malikhain kaibigan!


Gamit ang pyesa ng isang spoken word poetry at pagsulat nito, magbahagi
ng mga bagay na inyong natutunan sa pagtalakay ng modyul na ipinamigay at
mga aktibiting sinagutan. Dapat ay hindi bababa sa isang minute ang pyesa
kapag ito ay binasa o itinanghal.
TAYAHIN:Ano Ang Kaya Kong Makamit?

Magbabahaging muli ang guro ng babasahin o panapos na pagtataya sa mga


mag-aaral.

Proseso ng Pagtataya:
Nakasulat dito ang mga tanong na tumatalunton sa paksang tinalakay sa
teksto tulad ng:
1. Ano ang pangunahing detalye ng binasang teksto?
2. Saa anong uri ng teksto ito nabibilang?
3. Magbigay ng isang pansuportang detalye na nakapagpaigting sa paksang
tinalakay.
4. Ano ang pinakamahalagang salitang binabanggit sa teksto?
5. Saan ito higit na may bisa : (a) sarili, (b) pamilya, (c) komunidad o (d)
bansa?

Pagsulat sa Journal

Nabatid ko na _________________________________ katulad ng iba’t


V. PAGNINILAY
ibang uri ng binasang teksto na maaari kung ilarawan bilang
________________na kakikitaan ng ugnayan sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa at daigdig.

You might also like