You are on page 1of 1

Pagpupursigi sa kabila ng Ga-Kahong Tahanan

STEM student. Matalino, may pangarap sa buhay, may paninidigan at di patitinag sa lahat ng
problema ng buhay.

Itago na lang natin sya sa pangalang JM, ang buhay para sa kanya ay tila isang magandang
destinasyon na kailangang mapuntahan, tulay na kailangang bagtasin at dagat na kahitr gaano kalawak
ay kailangang languyin. Ang paghihirap para sa kanya ay isang normal na araw na kanya na ring
nakasanayan.

“Bata pa lang ako, namulat na ako sa hirap ng buhay. Halos araw-araw nagdidildil kami sa isin o
kung minamalas ay tubig lang mismo ang panlaman sa ming kumakalam na sikmura

Sa gitna ng paghihirap na ito ay tila apoy na nag-aalab ang kanyang pagkatao dahil kakikitaan
ang binata ng lingas na makatapos sa pag-aaral.

“Second family po kami ng tatay ko, anak po kami sa labas ng kapatid ko. Mulat na po kami
simula pagkabata sa sitwasyong ito dahil nabanggit nap o ito ng aming Mama simula nang magkaisip
kami. Mahirap, sobrang hirap dahil sinusugod po kami nung mga panahong una ng unang asawa ng tatay
ko. Sabi po ng nanay ko, kailangang makatapos kayo ng pag-aaral kahit anong manyari at iyon po ang
ginagawa ko.

Simula elementarya ay laman na ng mga paligsahan si JM at lagging tiyak ang kanyang


pagkapanalo. Consistent honor student at palaging nangunguna sa klase. Hindi alintana sa kanya ang liit
ng tahanan na kanyang pinamamalagian.

“Minsan naiinggit na lamang ako sa mga kaklase na sobrang lalaki ng bahay, ako po yata ay
namulat na ganito ang bahay namin. Tuwing umuulan po ay tumutulo po ang sasang bubong ng bahay
namin at binabaha po ang sahig at nagpuputik dahil wala pong flooring. Nakakalungkot na tuwing
bumbagyo ay parang inaagawan kami ng bahay dahil ang tyansa ng pagkakasira ay napakalaki. Di na po
kami makagalaw sa halos ga-kahon naming tahanan. Aapat na lamang po kami ay halos siksikan kami
lagi.

Sa mga paghihirap na ito kakikitaan talaga ng pagpupursigi si JM sa kabila ng ga-hon nilang


bahay. Nahihirapan man pero positibo pa ring nakikibaka sa hamon na ibinibigay ng mundo at
nananatiling positibo na makapagtapos dahil may pangarap syang maging isang inhenyero baling araw.

You might also like