You are on page 1of 1

Paumanhin… Patawad Powersaw Massacre

Ramdam ko kasi may nakatingin sa’kin.. Ang creepy naman diyan. Kinikilabutan na’ko eh…
Ang malaking puno ng manggang iyon ay matagal nang nakatayo roon, sa likod ng 2000, na ngayon
ay tanggapan ng principal. Matandang punong may mayayabong na sanga at malalagong dahon..
Naramdaman mo rin ba ang naramdaman ko mula sa saglit na pagsulyap ko roon?
Ang TNHS ay isang paaralang nasa liblib na baryo sakop ng munisipalidad ng Rosario. Maliit na
paaralan lamang ito at humigit kumulang 200 estudyante ang nag-aaral dito. Maayos naman sana
ang lahat…kundi dahil sa isang pangyayaring nagpabago sa payapang buhay ng mga guro at mag-
aaral doon…
“Halaaa! Andiyan na naman sila. Papasok na naman sa room natin. Marami sila. Nakakatakot ang
hitsura.”
Biglang hinimatay si Kyla Gonzales, 14 na taong gulang, isang mag-aaral na nasa ikatlong antas ng
naturang paaralan. Kasabay ng pagmulat ng kanyang mga matang tila nanlilisik ay ang bigla niyang
pagtayo at kataka-takang mabilis siyang kumikilos palabas ng silid-aralang yaon. Kaagad siyang
nilapitan ng 4 na kaklaseng lalaki at dagling pinigilan.
Ayon sa mga nakasaksi at nakarinig, habang sinasaniban ng masamang ispiritu si Kyla, sinasabi
nitong galit na galit sila sa punong guro ng paaralan dahil sa pagpapaputol nito sa malaking punong
mangga na nagsisilbi nilang tirahan.
“May isa doon na sobrang laking tao niya tapos puro balahibo ang katawan. Yung mata niya eh halos
pula na. Meron din namang 2 maliit lang, parang bata pero kakaiba yung itsura. Nakakatakot silang
tingnan dahil kahit maliit lang sila eh parang kaya nilang pumatay ng tao. Kulay itim na mahaba ang
suot nila. Parang galit na galit sila. ‘Di ko na masyadong matandaan lahat-lahat…”
Pahayag na nagmula mismo sa bibig ni Kyla na nagdulot ng takot at pangamba sa buong paaralan.
Nangyari ito hindi lamang iisang beses, kundi paulit-ulit…
Ayon sa ilang albularyong pumunta sa paaralan, malakas ang puwersang nagmumula sa mga
ispiritung sumasanib sa mga bata kaya’t hindi sila basta-basta mapipigil. Ayon pa rin sa
manggagamot, iisa’t iisang dahilan lamang ang sinasabi ng mga ito at iyon nga ay ang pagputol sa
matandang puno ng mangga.
Bagaman natatakot at hindi masisigurado ang magiging resulta, naglakas loob ang punong guro ng
paaralan na lumapit sa bahaging iyon ng paaralan kung saan ay dating nakatayo ang malaking
punong mangga. Taos puso siyang humingi ng tawad sa mga hindi nakikitang nilalang sa
pagpapaputol sa naturang puno na nagsisilbi nilang tirahan sa mahabang panahon. Ilang beses din
niya itong ginawa hanggang sa hindi nagtagal ay unti-unti nang nababawasan ang mga batang
sinasapian at magpahanggang ngayon ay hindi na nauulit pa…

You might also like