You are on page 1of 7

MODYUL 4

TEKSTON NARATIBO O MAHUSAY NA PAGKUKUWENTO

Rosalita Ayessa D. Rosalita


STEM 12-B

SALOK-DUNONG

/ 1. sumusuporta sa isang punto o nagpapahayag ng pangunahing ideya.


/ 2. Nagtataglay ng mga tiyak na detalye ng mga obserbasyon sa tao, lugar o
pangyayari.
x 3. Isinasalaysay ang mga pangyayari nang magkakasunod-sunod.
/ 4. Nakagaganyak ang panimula sa teksto
/ 5. Sinaliksik at pinag-aralan ang mga impormasyong nailahad.
/ 6. Nagtataglay ng personal na karanasan ng mga sangkot na tauhan.
/ 7. Naglalahad ito ng isang detalye nakapanghihikayat sa madla.
/ 8. Nagpapakita ng isang matibay na opinion ukol sa paksa
/ 9. May ipinakilalang suliraning kinakaharap ang mga tauhan.
/ 10. kawili-wili ang pamagat ng teskto.

LAMBAT LIKHA

Humanap ng isang kuwentong pampanitikan sa anumang genre.

Ang aking napiling pampanitikan ay maikling kwento. Ang maikling kwento ay isang akdang
gumagamit ng tekstong naratibo sapagkat ito ay nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod na
pangyayari at pagsasalaysay na siyang pangunahing ginagawa ng tekstong naratibo. Sa
pamamaraang ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na magkaroon ng imahe ng kwento
sa maliwanag na paraan.

Kapag ika’y nagmamahal, ano ang iyong basehan? Ugali? Talino? Panlabas na kaanyuan? O
Gulang? Ano pa man iyan, Lahat ay katanggap tanggap ‘pagkat paraan natin ito upang piliin ang
nararapat para sa ating pamantayan. Ngunit, mahalaga ng pa ng aba ito? Ito baa ng sukatan ng
pagmamahal? Paano kung sa iyong paggising mo’y is aka nang kalbo dahil sa pagmamahal na ito?
Narito ang kwento!
Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May katutubong kultura
ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang kalinangan, ang isang
lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang
masustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sa


paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. Lagi siyang
abala sa pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng
datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang
tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang
magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya.

Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang


buhay. Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang
dilag sa pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng matiyagang
pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring
umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng
datu kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait pa.
Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit
niyang mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.

Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at


napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal
na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya. Dahil
sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang
bata ang asawa.
“Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito,
magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.”

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga


ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa.
Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing
pa.

Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa.


Maganda, mabait si Farida ngunit kasintanda ng datu.
Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting
buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang
magmukhang matanda.

Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag


tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na
buhok ng asawa.

Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang datu.


Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya nag-asawa.
Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi
niya nakilala ang kanyang sarili.

“Kalbo! Kalbo, ako!” sigaw ng datu.

Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Aral:

Kung talagang mahal mo ang isang tao, matutong tanggapin ang lahat sa kanya.
Huwag lang pisikal ang iyong gawing batayan sa pagmamahal. Higit na mahalaga ang
mabuting ugali kaysa panlabas na kagandahan.
Kayang-Kaya mo!

Sumulat ng isang tekstong naratibo batay sa isa sa mga naging karanasan mo ngayong
panahon ng Pandemya.

Bakit Sira ang Orasan?

"Gising na, tanghali na!" sigaw ng aking makulit na kapatid habang nagtutupi ng kumot
at habang pinagtatapid-tapid ang mga naglalambutang unan.

"Nakaririndi naman" mahinahon kong sagot sa kanya.

Sa aking paglabas, dumampi sa aking balat ang init ng araw na galing sa aming bintana.
Tirik na ito. Tumigil na rin sa pagtilaok ang mga manok at maririnig mo na ang ingay
ng traysikel sa daanan. Bigla akong inalimpungatan.

"Ngayon ay araw ng lunes, hindi ba? May klase ako!" sigaw ko nang may halong kaba.
Nadagdagan pa ang aking kagustuhang magmadali nang makita ko ang aming orasang
nasa eksaktong alas syete na nang umaga.

Agad-agad kong kinuha ang aking tuwalyang nakasampay. Pagkatapos ay nagpainit ng


tubig at naghanda ng aking isusuot habang naghihintay na uminit man lamang ang tubig
hanggang sa ako ay matapos.

Sa aking daan papunta nang kwarto, nakasalubong ko si mika, ang aming bunsong
kapatid. Tinitigan niya ako ng mga limang segundo at napangisi.

"Ate, nakalimutan mo na ba? Walang klase ngayon dahil sa Pandemic. Anong


ginagawa mo?"
" At kung may klase man, sabado ngayon ate", dagdag ng pangalawa kong kapatid.

Lahat ng tao sa bahay ay nagtawanan pati na rin si aling Nita na bumibisita lamang sa
aming mga bagong pananim at nanghihingi ng malunggay ay napasabing, "Nasobrahan
sa sipag ang apo niyo ah."

Biglang nawaksi sa aking isipan na isang linggo na pala matapos magpatupad ng


pagkansela ng klase ang aming unibersidad. Walang kasiguraduhan kung kailan ito
magpapatuloy muli. Sa aking hiya, napatingin ako sa orasan katabi ng aming
telebisyon. Luma na ito at hindi na gumagalaw ang mga kamay. Ito rin ang parehong
orasan na nakita ko kanina lamang.

Agad kong inerason, "Bakit kasi sira ang orasan?".

Napatawa muli sina mama sapagkat mukhang wala namang konekta ang aking dahilan
sa mga pangyayarin sa akin. Tila isa ito sa aking mga "Lutang moments". Napangiti rin
ako sa aking ginawa. Nakahinga naman ako nang maluwag. Bumalik ako sa kusina
upang patayin ang lutuan ng aking mainit na tubig.

Lumipas ang mga araw, naghihintay parin ako ng anunsyo na magsisimula na ulit ang
klase, ngunit mukhang wala nang pag-asa dahil sa patuloy na pagkalat ng sakit. Hindi
naman ako iyong taong mahilig lumabas, mas gusto ko nga ang nananatili lamang sa
bahay ngunit hindi ko pa rin maiwasang ma-miss ang mga panahon bago ang
pandemya. Nagbago na rin ang paligid. Sa paglipas ng mga araw, patahimik ng
patahimik ang aming lugar. Makikita mo rin ang mga taong naka-facemask at
faceshield. Balita, balita, balita tungkol sa pandemikong ito ang maririnig at pagsasalita
ng mga buwayang patuloy na nagnanakaw ng pera ng bayan. Hindi mo rin mapapansin
ang paglipas ng oras. Lagi ko na lamang nakakalimutang sira pala ang orasan sa aming
sala kaya't lagi na lamang ako nagugulat kapag nakikitang alas syete na.

"Bakit kasi sira ang orasan?", bulong ko sa aking sarili na may halong inis.
Sa bawat araw, palabo ng palabo ang tyansang magkakaroon ng klase sa mismong
unibersidad. Nang magsimula na ang bagong taon ng klase, lahat ay ginagawa online.
Dito nagsimula ang sunod sunod na gawain, walang humpay na takdang aralin galing
sa Iba't ibang guro, at patong patong na babasahin na mayroong takdang panahon ng
pagsumite. Nakakapagod ngunit ito na ang kapalaran naming mga estudyante. Lahat
ay para sa kinabukasan, lahat ay para sa pangarap. Kung paghahambingin, mas marami
ang naibibigay na modyul ngayon kumpara sa face-to-face na klase at kung sa isang
semester ay nakatatapos lamang ng tig-apat na modyul, sa online ay tig aanim, minsan
pa nga ay tigwa-walo. Sa kabila nito ay pursigido pa rin akong matuto, at gayon naman
ang aking mga kamag-aral at mga guro. Humahanga ako sa tibay at dedikasyon ng
bawat isa.

Napansin ko rin na nag-iba ako ng oras ng pagtulog. Kung dati ay maaga, dahil
kailangang maghanda papuntang klase kinabukasan, ngayon ay medyo lagpas ng nang
ala dos ako nagpapahinga. Napansin kong lahat ng oras na mayroon ay iginugugol sa
gawaing bahay at mga takdang aralin. Napasabi ako sa sarili ko na napakabilis lumipas
ng oras. Katatapos umidlip, at pagkamulat ay bagong umaga na naman
Tila isang segundo lamang ang pagitan. Dahil late akong natutulog at maaga akong
nagigising, nakakatulog ako sa hapon at hindi na uli nakatutulog sa gabi:

"Naku, sira na ang aking orasan.", sa puntong ito, hindi lang orasan sa sala ang sira
kung hindi pati na rin ang aking biological clock. Matutulog nang pagod at magigising
din nang pagod. Hindi lang naman ako ang nakararanas nito kundi lahat ng aking
kamag-aral.

Sa gitna ng pandemya, tila bumabagal at bumibilis ang takbo ng oras. Mabilis ang oras
para sa mga taong may iniiwasan o mga taong aligagang matapos ang kanilang gawain.
Tila madali lang maubos ang oras para sa akin. Nakararamdam na ako ng istres at
pressure na dapat ay matapos ko ang bawat gawain bago dumating ang takdang
panahon ng pagsumite.
Mabagal ang oras para sa mga taong nawalan ng minsmahal sa gitna ng pandemya.
Mga taong nawalan ng hanap buhay, mga taong nawalan ng tirahan, mga taong
nakararanas ng matinding emosyon at kalungkutan sa gitna ng pandemya. Lahat sila
ay nababagalan sa oras.

"Sana matapos na", ito ang wika ng aking mga kakilakang nakararanas niyan. Maririnig
ko rin ang mga katagang ito sa mga dokumentaryo at balita.

Tumigil ang oras para sa iba. Tila nga tumigil ang oras ng buong mundo at sa pagtigil
nito, napakaraming pagbabago ang naganap. Napakaraming realisasyon at pag-iisip.
Napakaraming pabghihinayang na sana ay sinulit nila ang mga oras na nakalipas.

Sa puntong ito, hindi ko maitatanong kung bakit sira ang orasan sapagkat iba-iba ang
ating persepsyon sa paglipas ng nito.

Ilan lamang ito sa aking mga karanasan sa gitna ng isolasyon dahil sa pandemya.
Napakarami pa ngunit tila wala nang oras.

You might also like