You are on page 1of 3

“SSSSHHHH”

NI:JAMES JUPET BOLIMA

“Dugo…!” “Aswang?” “Sariwang lamang loob ng tao..” “Manananggal, tiyanak, kapre, tikbalang”
kakakilabot!!.. Sa kabila ng moderno at makabagong teknolohiya ng ating panahon, may ilang bagay
parin sa mundo na hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. Bagama’t sabi ng iba ito ay hamak na kathang
isip lamang ng tao ngunit marami na sa atin ang nakapagbigay ng patunay ayon sa kanilang mga
karanasan. Maaring sa mga matatanda ay kwento lamang ngunit ang sa iba’y may kakapangilabot na
danas. “huwag kang maingay, baka marinig ka nila!” ssssssshhh….

Ang lugar talaga naming magkakaibigan ay balot na balot na ng katatakutan lalo na kung tungkol
sa aswang at mga lamang lupa ang pag-uusapan. Noong ako'y 12 anyos pa lamang, Noon pa ma'y
mahilig na talaga ako sa mga kwentong katatakutan. Ewan ko ba kung bakit yan ang nakahiligan ko.
Siguro ay dahil nagbibigay ito sa akin ng "thrill" alam nyo yun, yung naeexcite ka na may halong
kyuryosidad sa iyong utak. Yun na nga, nasa ika-dalawang taon na ako ng Kolehiyo at kaming
magbabarkada ay nakakahiligan na naming magkwentuhan sa loob ng klase ng mga kwentong
katatakutan kapag hindi pa dumarating ang guro. Si Randy at Menel sila ang aking matalik na kaibigan at
talagang malalim na ang aming samahan. Sa katunayan parang magkakapatid na ang aming turingan.
Alas 3:00 ng hapon noon ika-22 ng Oktubre, hindi pa dumarating ang guro namin sa math kaya naisipan
naming magbahagi ng aming mga nakakatakot na kuwento total malapit na rin naman ang araw ng mga
patay. Una si Randy, ikinwento niya sa amin ang tungkol sa animo'y aswang sa kanilang baryo. Usap-
usapan sa kanilang baryo ang tungkol sa isang aswang na kanyang pinangalanang "Bebang". Marami raw
sa kanilang lugar ang nakasaksi sa pagbabagong anyo nitong si Bebang sa tuwing kumakagat ang dilim.
Anim na tao na raw ang nabiktima nito kabilang na ang dalawang sanggol. Ang mga bangkay ng mga
nabiktima ay nakakagimbal sapagkat masasabing hindi tao ang may gawa. Ito'y natatagpuang gutay-
gutay ang mga katawan at ang iba naman ay nawawala ang puso.

Isang araw may mag-asawa sa kanilang lugar na nakatira sa pinakaliblib na bahagi ng kanilang
baryo. Habang tahimik na nakaupo ang mag-asawa sa kanilang balkunahe, may napansin ang asawang
lalake, isang kaluskos na para bang nanggagaling sa bubong ng kanilang bahay. Agad itong tiningnan ng
lalake at laking gulat niya ng nakita niya ang isang nilalang na may malalapad na pakpak at wala itong
paa. “Ahhh! Manananggal!!” Sigaw ng lalake habang dali-daling pumasok sa kanilang bahay. Pinatago
nito sa ilalim ng kama ang asawa nitong buntis at tinungo ng lalake ang kanilang kusina. Kinuha nito ang
lalagyan ng asin at lakas loob nitong isinaboy sa aswang. Swerte nila at takot pala ang aswang sa asin.
liiiiaaaak! Agad itong lumipad papalayo sa kanilang kinaroroonan. Simula noon ay lumipat na ang mag-
asawa ng tirahan at siniguro nilang sila'y magiging handa sa pagbabalik nitong aswang. Matapos
magkuwento ni Randy ay nakuha ko pang magbiro dahil nahalata ko ang katabi kong si Menel na
masyadong seryoso ang mukha. "Sexy ba yung aswang"? patanong kung sabi."loko-loko"! wala ngang
katawan diba? HAHAHA”. Halakhak ni Randy.

Sumunod namang nagkuwento ay si Menel.. Humanda raw kami dahil talagang nakakatakot ang
kanyang kwento. Nangyari daw ang nakakatakot na pangyayari sa kanyang buhay noong walong taong
gulang pa lamang siya. Noong bata pa raw siya ay hindi raw likas sa kanya ang pagiging matatakutin.
Isang gabi habang abala si Menel at ang kanyang mga pinsan sa panood ng t.v. inutusan siya ng kanyang
nanay na bumili ng chichiria sa tindahan upang may makain raw sila ng kanyang mga pinsan habang
nanonood ng t.v.. Pasado alas dyes ng gabi na noon, kaya medyo madilim na ang paligid sa labas ngunit
dahil nga hindi naman siya matatakutin at malapit lang naman ang tindahan ay pumayag siya. Di
kalaunay lumabas na siya ng bahay at habang naglalakad siya papunta sa tindahan ay napansin niyang
tahimik ang paligid. Tila ba tumindig ang kaniyang mga balahibo sa kaniyang braso at parang may
kakaibang nadarama, kaya naman dali-dali siyang naglakad papunta sa tindahan. Pagkatapos niyang
makabili ng pagkain ay naglakad na siya pauwi ng bahay. Nang siya'y malapit nang makauwi ay napansin
niya ang isang sulok na kanilang bahay kung saan naroon ang kanilang bakuran. Madilim doon at puno
ito ng pananim. Laking gulat niya nang tumingala siya sa isang puno ng saging. Nakita niya ang isang bata
at itoy nakangiti sa kanya. Hindi niya masyadong maaninag ang buong itsura nito dahil nga sa madilim
roon. Nagtataka siya kung pano napunta roon ang isang bata kung gayong hindi basta-basta kayang
akyatin ng tao ang puno ng saging.

Nangilabot siya at para bang nabalutan ng yelo ang kanyang katawan. Hindi nya maipaliwanag
kung bat hindi siya makagalaw na kahit anong pilit nyang igalaw ang mga paa ay hindi nya magawa.
Hindi rin sya makasigaw kaya ang tanging ginawa nya na lamang ay pumikit at mag-dasal. “Hoy! Menel!
Bakit parang nakapako ka na diyan sa kinatatayuan mo?’’ biglang sigaw saakin ng pinsan ko na diko
namalayan ay nasa harap ko na pala. “ahh ehh.. wala wala may kakaiba lang akong nakita hayaan mona
tar ana pumasok na tayo delikado rito sa labas madilim na” utal kong sabi sa kaniya at pumasok na kami
sa loob ng bahay. "Nakakatakot naman yan Menel” takot na sabi ni Randy.

Matapos ay ako na ang sumunod na nagkuwento. Ang aking kwento ay nangyari noong
sampong taong gulang pa lamang ako. Noong mga panahong iyon ay kasa-kasama ko pa sa bahay ang
aking dalawang pinsan dahil sa magkakalapit pa noon ang aming mga bahay. Ang saya-saya naming
palagi sa aming bahay dahil lagi kaming magkakasama maglaro, kumain at kung anu-ano pa. Isang gabi
pasado alas dyes ng gabi, tulog na ang aking magulang at kami nalang magpipinsan ang gising. Dito sila
minsan natutulog at pinapayagan naman sila ng kailang magulang. Nagpagpasyahan naming manood
muna ng t.v. bago matulog. Kumuha kami ng mga pagkain at maiiinom para may pagkakaabalahan kami
habang nanonood. Sumunod ay binuksan ko ang t.v. at dvd at isinalang ko ang paborito kung pelikula
ang "Sherlock Holmes", bago itong movie noon kaya exciting. Habang nanonood ay bigla akong
nakaramdam ng pagkaihi kaya nagpaalam muna ako sa mga pinsan ko na iihi lang saglit. Lumabas ako ng
bahay at pumunta ako sa aming bakuran. Doon ako pumwesto sa pinakudulo ng bakuran. Mula roon
makikita mo ang nakakatakot na narrow figure ng kalsada. Tahimik roon at wala ng taong dumaraan.
Maya-maya pagkatapos ko ay naglakad na ako pabalik ng bahay. “Tulong... Tulong…” nagulat ako sa
aking narinig Lumingon-lingon ako sa paligid. Sinundan ko kung saan nagmumula ang boses na iyon. Sa
di kalayuan nakita ko ang isang babaeng nakayakap- tuhod sa isang malaking puno ng acacia. Medyo
hindi ko naaaninag ang kanyang mukha sapagkat medyo madilim ang kanyang pwesto at natatabunan
ng acacia ang liwanag ng street light. Nakasuot ito ng itim na bistida at wala itong suot na saplot sa paa.
Hindi mo masasabing isang pulubi dahil malinis siya tingnan. Sa Sobrang pagtataka, agad-agad ay lakas
loob akong lumapit sa babae. Habang papalapit ako sa kaniya, naririnig ko ang kaniyang paghikbi "Miss
bakit po kayo umiiyak" tanong ko. Tuloy parin sa pag iyak ang babae. "Miss!?? Ok ka lang ba? Pag aalala
ko kuno. Unti-unti ay umaangat ang ulo ng babae at sa aking di inaasahan na pangyayari ay nanlilisik ang
mga mata nito sa akin! Hindi ko malaman kung sisigaw ba ako o tatakbo. Hindi ko mabuka ang bibig ko
at para bang nakadikit ang mga paa ko sa lupa. Ang mga mata nya ay halos kulay puti at ang ang kanyang
luha ay dugo!! Bigla itong nagsalita "Bakit mo ko pinabayaan?? Bakit? Bakit? Hinawakan ako nito sa paa.
Nanlamig ang aking buong katawan at sobrang takot at pangingilabot ang aking nadarama sa mga
sandaling iyon. Ang tanging ginawa ko na lamang ay ang ipikit ang aking mga mata at nagdasal sa Diyos.
"Ama ko, tulungan niyo ko". Ilang sandali pa naramdaman ko na wala nang nakahawak sa aking mga paa
at pagmulat ko wala na ang babae. Kumaripas ako ng takbo pauwi sa aming bahay at pagdating ko gulat
na gulat ang mga pinsan ko. “bakit parang namumutla at pagod na pagod ka?” tanong ng aking mga
pinsan. “ah wala wala sobrang lamig lang sa labas kaya napatakbo ako” Di ko na sinabi sa kanila ang
nangyari dahil di rin naman sila maniniwala. Pagkatapos ng insidenteng yun ay mas lumakas pa ang
pananalig ko sa Diyos na alam kong siya lamang nag maaaring magligtas sa ating lahat.

Matapos ang aming kwentuhan bakas sa aming mga mukha ang trauma at takot sa pagbabahagi
ng aming kwento, biglang lumakas ang ihip ng hanging dumadampi sa aming mga katawan kasabay ng
pagpasok ng aming guro sa silid-aralan, laking pagtataka naming mga magkakaklase dahil tila may
kakaiba sa kinikilos ng aming guro, nakayuko ito at laking gulat namin dahil may mga bahid ng dugo sa
kaniyang uniporme at ang kaniyang mga kuko ay maiitim at mahahaba.. “bakit naririto pa kayo sa
paaralan? Takipsilim na hindi niyo ba alam na delikado na ang panahon ngayon?” marahang sambit ng
aming guro habang nakayuko. “Ma’am ahhh ehh ano pong nangyari sa inyo bakit po maraming dugo sa
damit niyo” bakas sa boses ng aking kaklase ang takot habang nagtatanong sa aming guro. “bigla akong
nagutom sa isang klase kanina kaya diko napigilan ang sarili ko, medyo kinulang pa ako kaya kailangan ko
yata ng panghimagas galing sainyo, HAHAHAAHAHHA. Malakas na halakhak ng aming guro habang
nanlilisik ang mata saamin. “Ma’am huwag po!!!” “ahhhhh!!!” sabay-sabay na takbo naming mga
magkakaklase palabas ng silid..

“hoy!! Jupet!!” “Aray!!” biglang kong nabangga ang isa sa mga kaibigan kong si Marie na
galing kantina. “Anong nangyayari sayo? Bakit parang hinahabol ka ng aswang dyan?” “Si.. si.. Ma’am..
dugo.. yung mata niya.. halika na umalis na tayo tumakas na tayo!” utal-utal kong sabi sa kaniya.. “Ha?
Naglalakad ka na naman ba ng tulog? Behhh nananiginip kaa hoiii gising!” biglang sampal saakin ni
Marie. Ako’y nahimasmasan at bumalik saaking ulirat naglakad kami pabalik ng silid at Nakita ko ang
aking mga kaklase na gumagawa ng kanilang takdang-aralin. “Bawas-bawasan mo yang paghilig mo sa
mga kwento na yan masyado kang nanenerbyos” Sambit ni Marie saakin. Sabay tawanan naming mga
magkakaibigan.

You might also like