You are on page 1of 82

Reincarnation of Lucifer

***@@#@@***^#~o0o~#^***@@#@@***

Naririnig ko na naman sila. Ang iyak ng kanilang paghihinagpis na parang sinusun


og ang kanilang mga katawan sa mainit na apoy. Ang mga kaluluwa na humihingi ng
kapatawaran sa langit upang sila ay mailigtas mula sa madilim na mundo ng impyer
no.
"Iligtas nyo po kami!"
"Nagsisisi na po kami Ama!"
"Mainit! Napakainit!"
"Tulungan nyo ako!"
"AAAAAAAAAHHHHH!!"
"Ayoko dito! Hindi ako dapat dito!"
Tinakpan ko ang magkabila kong tenga para hindi sila marinig. Nanginginig akong
napaupo sa sahig at ipinikit ang aking mga mata upang mawala sila. Hindi ko man
sila nakikita sa gitna ng kadiliman, naririnig ko naman ang kanilang mga boses.
"Nagustuhan mo ba mahal ko?" ang tanong ng isang pamilyar na boses.
Tumingin ako sa kanya. Sa gitna ng dilim, nakikita ko parin sya. May pulang liwa
nag ang nakabalot sa kanya. Tila mga sumasayaw na apoy sa kanyang katawan. Isang
ngiti ang rumehistro sa kanyang anghel na mukha.
Iniliyad nya sa harap ko ang kanyang palad.
"Halika mahal ko, pagmasdan mo sila. Pagmasdan mo ang kaharian na ginawa ko para
sa iyo. Nagustuhan mo ba?"
***
AURA. Ito ang pangalan na ibinigay sa akin ng aking mga magulang. Hindi pangkara
niwan. Iilan lang ba ang may ganitong pangalan?
"Aura anak! Bumaba ka na rito," tawag sakin ni Mama.
Tumingin ako sa orasan. Tanghali na pala. May isang oras nalang ako para maghand
a at pumasok sa eskwela.
Pagkatapos kong mag-ayos ay agad na rin akong bumaba mula sa kwarto ko. Nakahain
na ang pagkain sa mesa.
"Happy birthday Aura!" bati sakin nila Mama at Papa na may hawak na chocolate ca
ke at isang kandila sa gitna.

Nakangiti naman sa akin ang aking kuya.


"Make a wish baby, then blow the candle," excited na sabi ni Mama.
"Hilingin mo na magka-boyfriend ka na. Pfft!" asar sa akin ni kuya.
"Hep! Bawal pa! Kahit na eighteen ka na Aura, bawal parin ang boyfriend," pagbab
awal ni Papa.
"Papa, hindi pa po ako magbo-boyfriend," natatawa kong sabi.
Nakahinga naman nang maluwag si Papa.
"Hay, hayaan mo nga na magka-boyfriend si Aura. Malaki na sya," sabi naman ni Ma
ma.
Sumimangot nalang si Papa at tumawa si kuya.
"Ako ang bahala Pa. Bantay sarado 'yan si bunso," sabi ni kuya.
"Isa ka pa Gabriel. Kailan ka ba magkaka-girlfriend?" tanong ni Mama.
"Mama. Hindi naman po kami nagmamadali. Mabuti nang handa dyan, hindi ba bunso?"
tanong sakin ni kuya.
Napangiti nalang ako. Alam naman nila na wala pa akong panahon para sa mga bagay
na yon. Hindi ko rin alam, pero hindi ko pa gustong makipag-relasyon.
'Sana manatili kaming isang masayang pamilya,' tahimik kong hiling bago hipan an
g kandila.
"Yes naman! Dalaga na si bunso!" sabi ni kuya bago gulohin ang buhok ko.
"Kuya!" reklamo ko.
"Gabriel tigilan mo na ang kapatid mo, birthday nyan ngayon," suway ni Mama.
"Sige na nga," sabi ni kuya.
Umupo na kami sa harap ng lamesa na napupuno ng pagkain. Nagdasal muna kami at n
agpasalamat sa Dyos para sa pagkain at para sa araw na ito.
Habang nagdadasal ay hindi ko magawang alisin sa isip ko ang tungkol sa panagini
p ko. Isa 'yong panaginip na meron ako mula pa nang bata ako hanggang ngayon. Sa
tuwing sasapit ang aking kaarawan ay napapanaginipan ko iyon.
Tila isang paalala na hindi ko dapat kalimutan.
***
Kasabay ko si kuya Gabriel papasok ng school. Nasa fourth year na sya ng kursong
Nursing samantalang ako naman ay sophomore sa kursong Education. Kotse nya ang
gamit namin at dadaanan namin ang kaibigan nyang si Miguel sa bahay nito. Isa it

o sa mga madalang na araw kung saan papasok kaming magkakasabay. Magkakaiba kasi
ang aming mga class schedules.
"Birthday girl!" bati ni Miguel sa akin nang makapasok sya sa kotse. "Kumusta?"
Nasa passenger seat sya at si kuya ang nasa driver seat. Okupado ko mag-isa ang
backseat.
"Okay lang," tipid kong sagot.
"Parang ang lungkot mo ah," puna nya.
"May sakit ka ba bunso?" tanong bigla ni kuya.
"Wala, tinatamad lang ako ngayon," sabi ko nalang at muling tumingin sa madilim
na langit.
Mukhang uulan.
Nang dumating kami sa St Lourdes International, ang school na pinapasukan naming
tatlo, tumigil na naman sa paglalakad ang mga estudyante para tumingin sa papar
ating naming sasakyan.
Hindi kaila sa akin ang atensyon na aming nakukuha mula sa kanila.
Hindi maipagkakaila na kakaiba kaming tatlo.
Bumaba na kami ng sasakyan at nag-umpisang maglakad. Nakatingin sila sa amin. Pu
no ng admiration at shock ang kanilang mga mukha. Hindi parin sila nagsasawa na
tignan kami. Sa mga mata nila, mukha kaming perpektong tao na pinagkalooban ng m
agagandang hitsura at talino.
"Aura," tawag sa akin ni kuya "I-text mo lang ako kapag magpapasundo ka na."
"Isasabay nyo ako pag-uwi?" gulat na tanong ko. Hindi naman kasi sabay ang dismi
ssal namin.
"Basta," sabi nya na parang nag-aalala "Mabuti nang mag-ingat"
Inihatid nila ako sa tapat ng room ko.
"Text ka ha," sabi ulit ni kuya.
Tumango nalang ako.
"See 'ya later birthday girl! Here catch!" may inihagis si Miguel sa akin na mal
iit na box.
Umalis na sila ni kuya patungo sa building nila.
Pumasok na ako sa loob ng room. Pagkaupo ko sa table ko, binuksan ko na ang ibin
igay sa akin ni Miguel.
Isa iyong silver na kwintas. May pendant itong dalawang pakpak na magkadikit at

gumawa ng hugis puso. Namangha ako sa detalye na meron ang pakpak. Tila pakpak n
g isang anghel.
***
Nagpapaliwag ang instructor namin sa chemistry pero sa hindi ko malaman na dahil
an ay nahihirapan akong ituon dito ang aking atensyon. May kakaiba akong nararam
daman katulad nalang ng parang may nagmamasid sa akin.
Tumingin ako sa mga kaklase ko pero wala ni isa sa kanila ang nakatingin sa akin
. Lahat sila ay nagsusulat o di kaya ay nakatingin sa ginagawa ng aming instruct
or.
Tumingin ako sa bintana. Halos tumigil ang pintig ng puso ko nang makita ang nap
akaraming itim na ibon na nakadapo sa malapit na puno. Lahat ng mga ibon ay naka
tingin sa akin.
Napalunok nalang ako. Kakaiba ang mga tingin nila.
Tingin na may karunungan katulad ng sa mga tao.
***
Hindi ko na hinintay pa na matapos ang buong araw para umuwi. Gusto ko nalang tu
makbo palayo mula sa lugar na iyon.
Hindi ko maintindihan kung bakit may mga ganoong ibon dito ngayon. Napakadami ni
la. Saan sila galing? Bigla nalang silang sumulpot dito.
Biglang dumilim na naman ang langit.
Napatigil ako sa paglalakad at napatingin ako sa itaas. Ilang daang ibon ang lum
ilipad sa itaas ko. Ang mga itim na ibon kanina.
Mga uwak.
Sinusundan nila ako.
Tumakbo ako para makapagtago mula sa kanila. Kakaibang takot ang naramdaman ko.
Narinig ko ang malakas na paghagupit ng kanilang pakpak sa hangin at ang mga tun
og na pinapakawalan nila habang lumilipad sa itaas ko. Parang sinasabi nila na h
wag akong tumakbo.
Na kahit ano'ng takbo o pagtatago ang gawin ko ay masusundan at mahahanap nila a
ko.
Tumakbo ako papasok sa isang eskinita. Isang shortcut papunta sa bahay namin.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa bigla nalang akong napatid at napahiga sa s
emento.
Tumingin ako sa langit.
Maliwanag.

Wala na ang mga ibon.


Nakahinga ako nang malalim.
Nawala nalang sila bigla.
Namalikmata lang ba ako kanina?
Bakit sila biglang nawala?
Sinubukan kong tumayo pero mukhang napilayan yata ako.
Tumayo nalang ako nang isang paa lang ang nakasayad sa lupa.
Makakauwi kaya ako?
"Hik!"
May narinig akong parang suminok.
May isang lalaki na papalapit sa akin. Isang matandang lalaki na may hawak na bo
te ng alak.
"Hik! Hi Miss. Naligaw ka ba? Hik!"
Oh dear..
Gustuhin ko mang lumayo ay hindi ko magawa.
Kahit mag-tatalon ako palayo gamit ang isa kong paa sigurado naman akong maabuta
n nya ako.
Ni wala man lang gamit sa paligid na maaari kong maidepensa sa sarili ko.
Kung meron mang gamit, hindi ko rin alam kung kaya ko iyong gamitin laban sa lal
aking ito.
Hindi ko alam kung kaya kong manakit ng tao.
Tatlong hakbang nalang ang layo nya sa akin.
"Miss beautiful..hik!" ngumiti sya habang ang mga mata nya ay tumingin sa kabuua
n ko. "Gusto mo bang sumama sakin?"
"A-Ayoko," puno ng takot na sagot ko sa kanya.
Tila nasiyahan pa sya sa takot na nakikita nya sa mukha ko.
"Hik! Ang ganda mo Miss," at unti-unti nyang isinara ang distansya sa pagitan na
ming dalawa.
Napapaatras nalang ako.

"AH!" sigaw nya bigla.


Napigil ko ang paghinga ko nang may makita akong lalaki sa likod nya. May pula i
tong buhok na katulad ng sa apoy at may matatalas na mata na nakatingin sa lalak
i.
Nakahawak ang isang kamay nito sa balikat ng lalaki.
"AAAAAHHH!!" sigaw nya na tila nahihirapan.
"Mortal, isang basura.." sabi ng lalaking may pulang buhok sa mababang tono.
"AAAAAAAAHHH!!" mas lumakas ang sigaw ng matandang lalaki.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa sa kanya ng lalaking kararating palang.
Napasinghap ako nang tumingin sa akin ang lalaking pula ang buhok. Nakita ko ang
dalawang maliit na sungay sa ulo nya.
Ang lalaking ito..
"AAAAAAAAAAAAHHHH!!"
Unti-unting binalot ng apoy ang matandang lalaki na nagmula sa loob ng katawan n
ito palabas.
Kitang-kita ko kung paano nawala ang buhay nito.
Sa loob ng isang minuto tumumba ang walang buhay nitong katawan para lang mabasa
g at maging abo.
Hindi ako nakagalaw.
Nanghihina ang tuhod ko at napa-upo nalang ako.
Hindi ko maalis ang tingin sa lalaking naging abo na ngayon.
Hindi ako makahinga sa sobrang takot sa nakita ko.
Bigla nalang syang nasunog.
Hindi ko namalayan na na umiiyak na pala ako.
Nanginginig ako sa sobrang takot.
Hindi tumigil ang paghikbi ko kahit nang makita ko ang itim na kasuotan ng lalak
ing pumatay sa matanda na nasa harap ko.
Nasa harap ko na sya.
Inangat ko ang ulo ko para tignan sya.
Hindi ko magawang mag-salita.

Umiilaw ang sya.


May kakaibang liwanag ang dalawang sungay nya pati na rin ang mga mata nya.
Hindi sya tao.
Papatayin din ba nya ako?
"Aura," tawag nya sa akin.
Bumaba sya sa level ko para titigan ako nang mabuti.
Kusang nablanko ang isip ko.
Hindi ako nag-protesta nang haplusin nya ang pisngi ko.
"Mahal ko"
Yun ang huling salita na narinig ko bago dumilim ang paligid ko.
II

May malamig na hangin na umiihip sa aking pisngi. Iminulat ko ang aking mga mata
at nagising nalang ako na nakahiga sa kama ko.

Nasa loob ako ng kwarto ko.

Nung una akala ko ay normal lang na nagising ako pero nang maalala ko ang lahat
nang nangyari..

Napaupo nalang ako hawak ang noo ko.

Pano ako napunta dito?

Gumagalaw ang kurtina na nakasabit sa nakabukas kong bintana.

Tumayo ako para isara 'yon.

Madilim na sa labas pagtingin ko.

Nanaginip na naman ba ako?

Sa panaginip ko nakita ko na sya.

Nandito na sya sa mundo namin at pinuntahan nya ako.

Iniligtas nya ako.

Nakita ko sya nang buo sa liwanag.

Sobrang makatotohanan ang panaginip na 'yon.

Matapos kong isara ang bintana ay naisipan kong dumiretso sa kusina, pero hindi
pa man ako nakakalabas ng kwarto ko nang mapatigil ako.

Nadaanan ko ang salamin.

Napamaang nalang ako sa nakita ko.

Suot ko parin ang uniporme ng eskwelahan na pinapasukan ko.

Bakit ako nakasuot nito?

Napatingin ako sa itim na palda ng uniporme. May dumi na para bang nagpagulong g
ulong ako sa lupa.

Pagtingin ko sa binti ko, wala naman akong sugat hindi kagaya nang sa panaginip
ko.

At wala rin akong pilay sa paa.

Pero.. paano ko maipapaliwanag na panaginip lang ang lahat kung suot ko pa ang u
niporme ko?

Hindi kaya.. SYA ang nagdala sa akin dito?

***

"Aura sa susunod mag-text ka kung uuwi ka nang maaga," sermon sa akin ni kuya ha
bang papunta kaming school "Hinanap ka namin kahapon. Ang akala namin kung ano n
a ang nangyari sa'yo. Mabuti nalang nasa bahay si Mama at sinabing natutulog ka
sa kwarto mo. Bakit ka nga pala umuwi nang maaga kahapon? May sakit ka ba?"

Nakumpirma ko kahapon kina Mama na hindi nga pangaginip ang lahat. Eighteenth bi
rthday ko kahapon at totoong umuwi ako nang maaga dahil sa mga uwak.

Awtomatiko akong napatingin sa langit. Maliwanag. Wala sila. Walang mga ibon.

"Aura?"

"Huh?"

"Tinatanong kita. May sakit ka ba?" usisa ni kuya at sumulyap sa akin sandali ba
go tumingin sa harap ng kotse.

"Wala," sagot ko.

"Aura yung regalo ko bakit hindi mo ginagamit? Ayaw mo ba?" tanong sa akin ni Mi
guel.

Napakurap ako.

Ngumiti ako at umiling sa kanya.

"Gusto ko. Nakalimutan ko lang na birthday ko pala kahapon. Akala ko nanaginip l


ang ako," sabi ko habang hinahanap sa bag ang maliit na box.

"Haha! Ang weird nun ah," tawa ni Miguel.

Kinuha ko ang kwintas mula sa box. Agad ko iyong isinuot.

"Ayan," ngumiti ng malapad si Miguel "Bagay sa'yo. Hwag mong tatanggalin ha?"

May kakaiba sa mata nya. Nakangiti sya pero seryoso sya.

"Miguel ano ba ang ibinigay mo sa kapatid ko?" narinig kong tanong ni kuya.

"Wala naman," nag-shrug si Miguel "Proteksyon"

***

May nararamdaman akong kakaiba nang tumapak ako sa loob ng room namin.

Nagbalik sa akin ang pakiramdam na may nagmamasid sa akin pagkapasok ko palang.

Napatingin ako sa direksyon na 'yon at hindi ako nakagalaw nang makita ko sya.

Tatlong upuan mula sa pwesto ko, nakaupo sya at nakatingin sa akin.

Nag-taasan nalang ang balahibo ko nang mamukhaan ko kung sino sya.

Sya ang demonyo na nakita ko kahapon.

Sya ang pumatay sa matandang lalaki sa eskinita.

Nasa klase ko sya.

Ano'ng ginagawa nya dito?

Sa uri ng tingin na ipinupukol nya sa akin ay alam ko na ang sagot.

Nandito sya para sa akin.

"Aura natapos mo ba ang notes sa chemistry? May quiz kasi tayo ngayon eh, pwede
pahiram?" tanong sa akin ng kaklase kong si Anna. "Please Aura? Pleaaaaase."

"H-Huh? Oo sige," kinuha ko ang notebook ko mula sa bag.

"Alam mo iba ang titig sa'yo ni Lucci," sabi nya.

"Ano?" napatingin ako sa kanya.

"Si Lucci. Kanina pa sya nakatingin sa'yo. Ang gwapo nya, ang swerte mo mukhang
napansin nya ang ganda mo," masayang sabi nya at kinuha ang notebook na hawak ko
.

"Sino si Lucci?" mahinang tanong ko.

"Ano ka ba? Halos dalawang taon na natin syang kaklase hindi mo parin sya kilala
? Hahaha! Ayun sya oh," sinundan ko ang tingin nya.

Nakatingin sya sa direksyon kung saan nakaupo ang demonyo.

"Sya si Lucci."

***

Kung nahirapan ako kahapon dahil sa tingin ng mga uwak habang nasa klase ako, sa
mpung beses non ang kaba ko ngayon.

Habang nasa klase wala akong ibang naramdaman kundi takot at kaba.

Hindi nawala ang pakiramdam na nakatingin sya sa akin. Nakatingin mula sa likod
ko. Nakamasid sa bawat kilos ko.

Ang ipinagtataka ko ay kung bakit sinasabi nila na dalawang taon na namin syang
kaklase. Alam ko at kilala ko lahat ng kaklase ko, hindi namin sya kasama sa loo
b ng halos dalawang taon na yon.

Pula parin ang buhok nya na katulad sa kulay ng apoy. Nakasuot sya ng bonnet sa
ulo.
Naalala ko na meron syang dalawang maliit na sungay.

Itinatago nya ba 'yon kaya sya may suot na bonnet?

Mabilis kong iniligpit ang gamit ko nang makita na patapos na ang klase.

Pagkatunog ng bell, ako ang nangungunang lumabas ng silid.

Tumakbo ako sa gitna ng siksikang hallway.

Wala akong ibang gusto ngayon kung hindi ang makalayo sa kanya.

Hindi na ako pwedeng umuwi sa bahay ngayon, alam ko na susundan nya lang ako. Ma
s maganda kung dito lang ako sa loob ng campus at hintayin sina kuya para isabay
ako pauwi.

Kung saan mas maraming tao, mas magandang dun ako mamalagi.

Hindi nya naman siguro ibubuko ang sarili nyang balat-kayo sa harap ng maraming
tao.

Pero bakit ba nya ako sinusundan?

Ano'ng kailangan nya sa'kin?

"Hi Aura"

Napatigil ako at nagulat.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo? Nagulat ba kita? Sorry," hinging paumanhin ni Jak
e.

Si Jake. Ang manliligaw ko. Ilang beses ko na syang sinabihan na tumigil pero an
g sabi nya hayaan ko lang syang patunayan ang pagmamahal nya sakin.

Pero kahit na matagal na syang nanliligaw wala parin akong maramdaman na espesya
l para sa kanya.

"Yayayain lang sana kita na mag-lunch kasabay ko. Okay lang ba?" tanong nya.

Napalingon ako sa likod nang maramdaman ko na papalapit na sya.

Sinusundan nya ako?

"Aura?"

"Huh?" napatingin ako kay Jake.

"Lunch? Kasama ko? Okay lang ba?" tanong nya ulit.

"Ah. O sige"

Mabilis kong hinila si Jake patungo sa canteen. Lumingon ulit ako sa likod ko.

Matalim na tingin ang sumalubong sa akin galing kay Lucci.

Bigla syang naglaho pagkatapos ng ilang segundong palitan namin ng tingin.

***

"Kilala mo ba si Lucci?" tanong ko kay Jake.

"Yung kaklase mong pula ang buhok?"

Napahinga ako nang malalim. Bakit pati si Jake kilala ang lalaking 'yon? Kung ga
non kilala sya ng buong estudyante dito? Pero sigurado ako na ito ang unang araw
nya sa school na 'to.

Hindi kaya kinontrol nya ang mga ala-ala ng mga tao dito?

Isa nga syang demonyo kung ganon.

Pero bakit hindi nya binago ang alaala ko?

[Mr. Jake Cardena kailangan ka sa Dean's Office] sabi ng babae sa intercom.

Napatingin ako kay Jake.

"Well, mukhang hindi na kita maihahatid sa klase mo," sabi nya habang mukhang na
nghihinayang.

"Okay lang. Walang problema sa'kin."

Tumayo sya at kinuha ang gamit nya.

"Pano? Bukas nalang ulit?" tanong nya na puno ng pag-asa ang mga mata.

Tinatanong nya ako kung pwede kaming mag-lunch ulit na magkasama bukas.

Ngumiti nalang ako at tumango.

Mas maganda rin siguro na palagi akong may kasama para hindi ako malapitan ni Lu
cci.

"Salamat Aura," nginitian nya ako bago sya umalis.

Bakit may kakaiba akong nararamdaman?

Tumingin ako sa paligid. Wala naman si Lucci dito. Wala ring uwak na nakatingin
sa akin mula sa bintana.

Ibinalik ko nalang sa lamesa ang tingin ko.

Nakita ko na nakalimutan ni Jake ang cellphone nya sa lamesa. Kinuha ko ang mga
gamit ko at inabot at cellphone sa mesa.

Lumabas ako ng canteen at hinanap si Jake.

Habang palayo ako nang palayo sa canteen, paunti nang paunti ang mga tao sa pali
gid ko.

Nakapagtataka dahil sa mga ganitong oras dapat marami paring estudyante sa hallw
ay.

Lumiko ako papunta sa kabilang building kung nasan ang Faculty office.

Napatigil ako bigla.

Tila nababalot ng kakaibang dilim ang buong building. Nagtaasan bigla ang mga ba
lahibo ko.

Naramdaman ko bigla ang presensya nya bago ko sya nakita.

Bago ko sila nakita.

"JAKE!!"

"A-Aura--hwag!" pigil nya sakin na lumapit.

Hawak sya ni Lucci sa leeg gamit lamang ang isang kamay. Tila isang magaang baga
y lamang si Jake para sa kanya. Nakaangat sa lupa ang mga paa ni Jake. Nasasakal
sya.

"Tigilan mo yan! Mapapatay mo sya!" sigaw ko.

Tumingin lang sakin si Lucci sandali. Ngumiti sya sa akin bago muling tumingin k
ay Jake.

"AHHHH!!" sigaw ni Jake.

"JAAAAKE!!" tumakbo ako palapit.

Bigla nalang nilamon ng apoy si Jake.

"AAAAAAAAHHHHH!!!"

Nakangiti syang pinagmamasdan ni Lucci.

"AAAAHHHH.."

Napatigil ako.

Nahuli na ako.

Binitawan sya ni Lucci. Bumagsak ang katawan ni Jake sa sahig at tulad ng nangya
ri sa lalaki kahapon, nabasag ang katawan ni Jake at naging abo nalang.

Napaluhod ako at napa-upo.

Wala na sya.

Wala na si Jake.

Patay na sya.

Walang tigil ang agos ng luha ko habang nakatingin sa abo na nasa sahig.

Kanina lang kasama ko syang kumain. Wala pang kalahating oras ang nakakalipas na
ng yayain nya ako na sumabay ulit sa kanya mamaya.

Ngayon wala na sya.

"Bakit mo iniiyakan ang isang basurang mortal mahal ko?"

Papalapit sa akin si Lucci.

Hindi ako makagalaw. Nanghihina ako sa nasaksihan ko.

Wala na si Jake.

"Bakit mo sya pinatay?" umiiyak na tanong ko.

Ngumiti lang sya sa akin. Iniluhod nya ang isa nyang tuhod sa harap ko at ang is
a naman ay pinatungan nya ng siko.

"Bakit?" tanong nya "Hindi ka ba nasiyahan? Wala nang gagambala pa sa'yo."

"Isa kang demonyo, napakasama mo," mahinang sabi ko.

"Tama mahal ko. Isa nga akong demonyo."

Inangat nya ang isa nyang kamay para hawakan ang pisngi ko.

Hindi ko nagawang gumalaw.

Nang dumampi ang kamay nya sa aking pisngi agad din syang napaatras.

"Hsss.." nakatingin sya sa kamay nya.

Napasinghap ako nang makita na may puting apoy ang daliri nya. Hindi katulad ng
apoy nya, nasasaktan sya ngayon dahil sa puting apoy na 'yon.

Agad din iyong nawala. Mabagal na gumaling ang sugat nya pero mabilis parin para
sa karaniwang tao.

Tumingin sya sakin.

"Nilagyan ka nila ng harang laban sakin," nagtitimpi sa galit na sabi nya "Panga
ko mahal ko, papatayin ko kung sino man ang gumawa nito sa'yo."

Kinilabutan ako kung paano nya ako tignan. Hindi sya titigil sa pagpatay.

Ngumiti sya sakin. Napatingin ako sa kamay nya.

Isang harang.. laban sa kanya?

Napatingin ako sa kwintas ko at naalala kung ano ang sinabi ni Miguel sa kapatid
ko.

'Miguel ano ba ang ibinigay mo sa kapatid ko?'

'Wala naman, proteksyon'

"Hindi ka nila mailalayo sa akin."

Nabalik kay Lucci ang tingin ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa mga pula nyang mata na tila lu
miliwanag. May tila apoy na nagsasayaw sa mga yon.

"Sa akin ka lang Aura. Hindi nila ako mapipigilan sa pagkuha sa'yo."

***\(*^*)/***
III
***
A life without you is like an imprisonment for life
An extinction from the world to the point where I'd go crazy
Your existence is a chronic disease, repitition of pain
You're a lingering attachment in my heart
The people of the world have turned their backs against me
The corners of their eyes are all twisted up
The greatest pain to me,
Is the fact thay you became the same as them
- Monster [BIGBANG]
***

Ilang araw pagkatapos mamatay ni Jake, nagkalat na ang Missing posters sa buong
syudad. Hindi lang sya ang pinaghahanap ngayon kundi pati na rin ang matandang l
alaki sa eskinita. Pareho silang pinatay ni Lucci. At dahil naging abo sila at w
alang katawan na nahanap, patuloy parin silang hinahanap ng mga kamag-anak nila.

"Excuse me Mr. Bautista," sabi ni Dean na nasa labas ng pinto.

Sandaling lumabas si Mr Bautista. Makaraan lamang ang ilang minuto ay muli syang
pumasok sa loob ng klase.

"Ms. Angeles," tawag sa akin ni Mr. Bautista "Kailangan ka sa Dean's Office"

Nakaramdam ako ng titig sa akin ng ilang pares ng mga mata. Kinuha ko na ang mga
gamit ko at lumabas ng silid. Napalingon ako sandali kay Lucci na nasa dulo ng
classroom. Nakatingin sya, agad kong binawi ang tingin ko at isinara ang pinto s
a likod ko. Sinalubong ako ng Dean sa labas at tahimik kaming naglakad patungo s
a opisina nya.

Nadaanan namin ang bulletin board kung saan may missing poster si Jake. MISSING
basa ko sa malalaking letra na nakalagay doon. Sa ibaba naman ay ang nakangiting
mukha ni Jake. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Hindi sya dapat namatay. Mab
uti syang tao.

Nakarating na kami sa opisina ng Dean. Agad nya akong pinaupo sa upuan na nasa h
arap ng table nya. May dalawang pulis sa loob kasama namin, isang babae at isang
lalaki.

"Ms Angeles, hwag kang kabahan. Nandito lang sila para tanungin ka," sabi ni Dea
n.

"Ms Angeles may ilang katanungan lang kami sa'yo. Ayon sa mga saksi, ikaw ang hu
ling nakita nila na kasama si Mr Cardena," sabi ng lalaking pulis.

Nag-umpisa nang sumikip ang dibdib ko sa kaba. Tatanungin nila ako kung ano ang
nangyari. Masasabi ko ba na pinatay sya ng isang demonyo? Na sinunog at naging a
bo na ang katawan nya kaya hindi nila makita? At paano ko ipaliliwanag sa kanila
ang lahat nang hindi napagkakamalan na baliw?

"Ms Angeles ano ang relasyon mo kay Jake?" malumanay pero puno ng awtoridad na t
anong ng babaeng pulis.

"Kaibigan ko po sya," sagot ko habang nakakuyom ang dalawang kamay sa palda ng u


niporme ko.

"Kaibigan? Yun lang?"

"N-Nanliligaw po sya sa'kin"

May sinulat sya sa notepad nya.

"May napansin ka bang kakaiba sa kanya nang makausap mo sya?"

Umiling ako. "Wala po"

"May nasabi ba sya sa'yo na problema?"

"Wala rin po" nakayukong sagot ko.

"Ms Angeles may alam ka ba sa pagkawala ni Mr Cardena?"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ito na ang tanong na kinatatakutan ko. May kinalam
an ako. Nandon ako nang mangyari ang lahat nang 'yon.

"P-Po?"

"Ayon sa record na nakuha namin, nung araw na hindi umuwi sa bahay nila si Mr Ca
rdena. Hindi ka pumasok kinabukasan. Maaari bang malaman kung bakit?" tanong ng
lalaking pulis.

Napalunok ako. Nung araw na nakita kong namatay si Jake tumakbo na ako pauwi. Da
hil sa sobrang takot na naramdaman ko bigla akong nilagnat kaya naman hindi ako
nakapasok kinabukasan. Hanggang ngayon hindi parin ako makabawi sa mga nakita ko
. Ayoko lang na mag-alala sina Mama kaya naman pinilit ko na pumasok na.

"M-May sakit po ako ng araw na 'yon"

Hindi ko kinaya ang tingin na ibinibigay nila sa akin kaya naman napayuko ako.

"O sige. Yun nalang muna sa ngayon, kung may mga kailangan pa kaming itanong bab
alik nalang ulit kami," narinig kong paliwanag ng lalaking pulis. "Salamat sa ko
operasyon."

"Pwede ka nang bumalik sa klase mo Ms Angeles."

Mabilis akong lumabas ng Dean's Office. Tumakbo ako palayo. Pumasok ako sa Ladie
s Room. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle doon at isinara ang pinto. Ibinaba ko
ang takip ng toilet bowl at umupo ako roon.

Unti-unting pumatak ang mga luha ko. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman
ngayon. Sobra akong natatakot at kinakabahan. May dalawang tao ang namatay sa ha
rap ko nang magkasunod na araw. Ang masama hindi ko iyon masabi sa kahit na sino
dahil sa takot ko.

Pero may dalawang pulis dito sa campus. Maniniwala kaya sila kung sasabihin ko n
a si Lucci ang pumatay sa dalawang nawawala?

Pinunasan ko ang mga luha ko at lumabas ng cubicle. Natigilan ako nang makita an
g babaeng pulis na nakaharap sa salamin at naghuhugas ng kamay.

Ito na ang pagkakataon ko. Kailangan ko lang subukan na ipaliwanag sa kanya ang
lahat. Sana lang maniwala sya.

"E-Excuse me," lumapit ako sa kanya.

Napatingin sya agad sa akin at rumehistro ang pagkakilala nya sa akin.

"Ms Angeles?"

"May importante akong sasabihin.. A-Alam ko na mahirap paniwalaan pero totoo ang
sasabihin ko maniwala ka," paliwanag ko. "Si Jake at pati na rin yung isang mat
andang lalaki na nawawala. Patay na silang pareho."

Nagulat sa sinabi ko ang pulis.

"Huminahon ka Ms Angeles. Sigurado ka ba na patay na sila?"

"O-Opo. Namatay sila sa harap ko. Pinatay sila ni Lucci."

"Sino si Lucci? Isa ba sya sa mga estudyante rito? Halika, kailangan natin itong

sabihin kay sarhento--" hinawakan nya ako sa braso at iginiya palabas.

Biglang namatay ang ilaw sa loob ng ladies room.

Halos tumigil ang pintig ng puso ko nang maramdaman ang presensya ng taong tinat
akbuhan ko.

Kasabay ng pagbalik ng ilaw ang paglitaw ni Lucci sa harap namin. Nakatingin ng


masama sa babaeng pulis.

Isang segundo. Sa loob ng isang segundo nakalapit na si Lucci sa babaeng pulis.


Hawak nya ito sa leeg at inangat ang katawan sa ere.

"AH--!" nasasakal na protesta ng babae.

"Lucci! Itigil mo 'yan!" awat ko sa kanya kahit na alam ko na wala akong magagaw
a.

Isang matalim na tingin lang ang isinagot nya sa akin bago muli tumingin sa bikt
ima nya.

Namumutla na ang mukha ng babaeng pulis. Kung hindi ako kikilos may mamamatay na
naman sa harap ko.

Ayoko nang tumakbo!

Napatingin ako sa kwintas ko. Naalala ko na hindi nya ako pwedeng hawakan dahil
sa proteksyon ko.

Tumakbo ako at itinapon ang sarili ko kay Lucci mula sa likuran nya.

"AAAAAAHH!"

Sabay kaming bumagsak habang nakaibabaw ako sa kanya. Agad akong lumayo nang mak

ita na nasusunog sya sa puting apoy. Napatingin ako sa babaeng pulis.

Hawak nya ang leeg nya at hindi makapaniwalang nakatingin kay Lucci na patuloy n
a nilalamon ng puting apoy sa sahig.

Nilapitan ko ang babae at inalalayan tumayo. Kailangan ko syang ilayo dito.

Hinila ko sya sa kamay at sabay kaming tumakbo palabas ng ladies room. Tumakbo k
ami sa gitna ng abandonadong hallway.

Lumiko kami pabalik sa Dean's Office pero imbes na opisina ang tumambad sa amin
ay isa na namang mahabang hallway. Tinakbo namin iyon at muling lumiko sa isang
kanto at muli ay isang mahabang hallway na naman ang tumambad sa amin. Sa gitna
ng hallway ang Ladie's room na pinanggalingan namin. Tila paikot-ikot lang kami.

"A-Ano'ng nangyayari?" tanong ng babaeng pulis.

Lumingon ako sa likod namin at binunggo ako ng takot nang makita si Lucci sa dul
o ng pasilyo. Madilim ang tingin nya sa amin. Wala ang bonnet nya sa ulo at patu
loy ang pag-ilaw ng pulang apoy sa sungay nya.

"Aura," tawag nya. "Hindi nyo ako matatakasan."

Kinilabutan ako sa uri ng tingin nya. Handa syang pumatay. At sa pagkakataon na


ito, mukhang kasama pati ako.

Nakarinig ako ng kasa ng baril.

Saktong pagtingin ko sa babaeng pulis naiputok nya ang baril sa direksyon ni Luc
ci.

Nakaramdam ako ng sobrang takot. Hindi ko rin alam kung bakit. Mabilis akong tum
ingin kay Lucci. Tinamaan sya ng bala sa dibdib nya. May nakita akong umagos na
itim na likido sa dibdib nya.

Halos hindi ako nakagalaw. Bigla nalang akong nanghina nang makita ko na tinamaa

n sya ng bala. Isa syang demonyo, dapat lang sa kanya ang mawala pero bakit nata
takot ako ngayon na mawala sya?

"Lucci.." bulong ko.

Humakbang ako palapit sa kanya.

"Lucci.."

"Hwag kang lumapit sa kanya!" hinawakan ako sa braso ng pulis at pinigilan. "Isa
syang demonyo!"

Biglang tumingin sa amin si Lucci. Bigla syang napaligiran ng apoy. Lumakas ang
ihip ng hangin at natakpan ng mga makakapal na ulap ang langit. Naging madilim a
ng paligid.

Kahit nasa magkabilang dulo pa kami ng hallway, ramdam ko ang panginginig nya sa
galit. Mas tumitindi ang apoy sa pagdaan ng bawat segundo.

Hinila ako ng pulis palayo kay Lucci.

"Kailangan na nating makaalis dito!" sigaw nya.

"AURA!!!" sigaw ni Lucci na ikinagitla ko.

Nagpatuloy kami sa pagtakbo ng babaeng pulis palayo kay Lucci. Tumakbo kami nang
tumakbo sa hallway pero sa tuwing liliko kami, palagi namin syang nakikita sa d
ulo.

"DITO TAYO!" pumasok kami sa isang classroom.

Ini-lock nya ang pinto at hinarangan namin iyon ng lamesa.

Napatingin kami sa tanging exit ng silid. Sliding na salamin ang bintana. Kasya

kami kung sakali. Sabay kaming lumapit doon. Nasa 5th floor kami ng building.

Marahas na bumukas ang pinto at lumipad palayo ang mga harang na inilagay namin
doon. Lumipad ang lamesa at tumama sa salaming bintana. Malakas na tunog ng pagk
abasag ng salamin ang sunod na narinig ko at huli na para maka-iwas ako sa lumip
ad na bubog sa pisngi ko.

"Pahangas na mortal."

Napalingon ako at nakita na hawak ni Lucci sa buhok nito ang babaeng pulis. Tuma
kbo ako para pigilan sya pero mabilis nya akong napansin at itinulak palayo. Nak
ita ko rin na nasunog ang kamay nya ng puting apoy pero parang hindi nya iyon na
pansin.

Sa lakas ng pagkakatulak nya sa akin nahulog ako mula sa bukas na bintana. Nahig
it ko ang kurtina para hindi malaglag sa building.

Napatingin ako sa ibaba at nalula sa sobrang taas ng kinaroroonan ko. Napakapit


ako nang mas mahigpit sa kurtina. Sigurado na mamamatay ako sa oras na bumitaw a
ko.

Napatingin ako sa kurtina at narinig ko ang paglaslas non. Unti-unting napipilas


ang kurtina. Hindi ako kayang suportahan no'n nang matagal.

"AAAAAAAAAHHHH---" narinig ko ang sigaw ng babaeng pulis sa loob ng silid.

Nakita ko ang pulang apoy sa loob non pero masyado na akong mababa para makita k
ung ano ang nangyayari sa loob. Alam ko.. patay na sya.

Wala na naman akong nagawa para makapagligtas ng buhay ng isang tao.

Muling napilas ang kurtina. Desperado ko iyong tinignan.

Nagpatuloy lang iyon sa paglaslas. Mabagal na parang binibigyan ako ng pagkakata


on na magdasal. Ipinikit ko ang mga mata ko nang makita na malapit na iyong mapu
nit hanggang dulo.

Naramdaman ko na nalaglag ako.

Pakiramdam ko nasa lalamunan ko na ang puso ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso k
o.

"AURAAAA!!"

May yumakap sa katawan ko at pumigil sa pagkahulog ko.

Binuksan ko ang mga mata ko.

Nakita ko ang itim na tela at alam ko na si Lucci iyon.

Nasa ere kami. Nakatigil kami sa tapat ng third floor ng gusali.

Napatingin ako sa kanya at bumungad sa akin ang malalaki at pulang apoy na pakpa
k sa likod nya.

"Hsss..."

Nasusunog sa puting apoy ang katawan ni Lucci na nakadikit sa akin. Nanlaki ang
mga mata ko.

"Bakit..?" bulong ko.

Hindi nya ako sinagot. Bakas sa mukha nya na nahihirapan sya.

Pinilit nya parin na lumipad paitaas.

"Lucci!"

Bumagsak kami sa rooftop. Bumigay na nang tuluyan ang mga pakpak nya.

Mabilis akong lumayo sa kanya pagkabagsak namin.

Pinagmasdan ko sya habang nakahiga sya sa sahig. Tinutupok ng puting apoy ang ka
tawan nya.

Bakit nya ako hinawakan? Bakit nya ako iniligtas? Bakit pinilit nyang sagipin ak
o kahit na alam nya na masusunog sya?

Napahawak ako sa kwintas ko at napatingin sa kanya. Hindi sya gumagalaw. Unti-un


ti na rin nawawala ang mga puting apoy sa kanya.

Nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya. Nakapikit sya. Namumula ang balat nya na
parang nasunog ng araw.

"Lucci.." mahinang tawag ko sa kanya.

May kung anong kirot sa puso ko nang makita syang nahihirapan. Nasasaktan ako pa
ra sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Unti-unti nyang iminulat ang kanyang mga mata. Tumingin sya sa akin. Nagulat ako
dahil hindi ang malamig na tingin ang nakita ko sa mga mata nya. Lungkot.

"Bakit Aura...?" nanghihinang tanong nya "Bakit mas pinipili mo ang mga mortal k
aysa sakin?"

"Dahil.. iyon ang tama," sobra akong nakaramdam ng lungkot sa naging sagot ko.

Tumawa sya ng mahina.

"Hanggang ngayon nananatili parin na busilak ang puso mo mahal ko," tumingin sya
sa langit "Hanggang ngayon ipinagtatanggol mo parin sila."

Mahabang katahimikan ang lumipas.

"Galit ako sa mga mortal.." sabi nya "Sila ang dahilan kung bakit nawala ka saki
n. Ang sakim nilang mga puso ang dahilan kung bakit ka nawala. Hindi ko sila map
apatawad."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Naguguluhan ko lang syang tinignan.

Muli syang tumingin sa akin.

"Magkikita tayong muli mahal ko," itinaas nya ang isa nyang kamay para hawakan a
ng pisngi ko. "Hwag mo sana akong kamuhian."

Nang dumampi ang kamay nya sa balat ko napapikit ako nang mariin.

Pagmulat ko.. wala na sya.

Naiwan akong nakaupo at nag-iisa.

Napahawak ako sa pisngi ko at napansin ang isang bagay.

Nawala ang sugat sa pisngi ko.

***!!<(>0<)>!!***
IV
Hindi pumasok si Lucci kinabukasan. Mukhang wala rin nakapansin sa pagkawala nya
. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Hindi naman siguro sya namatay k
ahapon. Natakot ako sa naisip ko. Hindi naman siguro.

Hindi ko kayang ipaliwanag kung ano ang naramdaman ko nang mawala sya sa harap k
o. May parte sakin na nagluluksa pero hindi ko maintindihan kung bakit. Isa syan
g demonyo at tatlong tao na ang napatay nya. Dapat lang na matuwa ako dahil wala
na sya hindi ba?

Pero bakit tingin ako ng tingin sa bakanteng upuan ni Lucci? Nasanay na akong pa
laging nararamdaman ang tingin nya sakin. Hinahanap hanap ko ba sya?

"Anna," tawag ko sa katabi ko "Nakita mo ba si Lucci sa campus?" tanong ko.


Binigyan nya ako ng nagtatakang tingin.
"Lucci? Sino 'yon?"

Doon ko lang nalaman kung bakit walang nakapansin sa pagkawala nya. Nabura na an
g alaala nila tungkol kay Lucci. Kaya pala hindi tinawag ang pangalan nya sa rol
l call.

"W-Wala.." sagot ko nalang.

Tumingin ako sa bintana sa tabi ko. May nakita akong itim na ibon na nakadapo sa
sanga ng puno. Pero hindi katulad dati, nag-iisa lang ang ibon na 'yon.

Natapos ang buong araw nang hindi ko nakikita ni anino nya. Umuwi na ako sa baha
y. Wala sina Mama at Papa. Ngayon ang wedding anniversary nila kaya naman pumunt
a silang Palawan para mag-bakasyon sandali ng tatlong araw. Sa Lunes ang balik n
ila.

Nag-iisa lang pala ako ngayon sa bahay.

Bukas pa ang uwi ni kuya. Nasa hospital sila ngayon at naka-duty. Marami ang nas
unog na bahay kagabi lang. Marami ang nasaktan at namatay sa sunog. Iniisip ko k
ung kagagawan ba yon ni Lucci. Hindi ba at galit sya sa mga mortal?

Humiga lang ako sa kama at tinitigan ang kisame. Yung babaeng pulis kahapon isa
na rin sa mga pinaghahanap ngayon. Tatlo na silang nawawala. Naaawa ako sa pamil
ya nila pero ano'ng magagawa ko? Hindi ko talaga kayang pigilan ang isang demony
o. Muntik na akong mamatay nang subukan ko.

Naalala ko ang nangyari kahapon. Nalaglag ako sa building at iniligtas nya ako.
Pero bakit?

At ano ang sinasabi nya na 'dahil sa mga mortal kaya nawala ako'? Kilala ko ba s
ya dati? May nabura ba akong alaala? Bakit parang kilala nya ako matagal na?

Yung mga panaginip ko. Ano ang kinalaman non kay Lucci? Hindi ko maintindihan ku
ng bakit ko sya nakikita sa mga panaginip na 'yon.

Isasama nya ako sa mundo nya? Sa impyerno ba?

"Meow~" tumalon sa kama ko si Whiskey.


"Whiskey ano 'yon?" tanong ko. Hinimas ko ang kulay puting balahibo nya.

Tinitigan ako ng kulay asul nyang mga mata. Isa syang albino na pusa at hindi sy
a nakakarinig kaya naman nonsense kung kakausapin ko sya.

"Meow~" humiga sya sa tyan ko.


"Nagugutom ka na ba?" tanong ko ulit.
Hindi sya sumagot. Dinilaan lang nya ang paa nya.

Binuhat ko sya at tumayo ako sa kama. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina
. Ikinuha ko sya ng catfood at inilagay 'yon sa bowl nya. Tahimik syang kumain.

Ganon lang natapos ang gabi ko. Walang kahit na ano'ng kakaiba ang nangyari.

SABADO.
Umuulan kaya naman hindi ako nakalabas ng bahay. Nanatili lang ako sa loob. Masy
adong tahimik ang loob ng bahay. Nasa kwarto nya si kuya at natutulog. Tanging s
i Whiskey lang ang katabi ko. Sya lang ang kinakausap ko kahit na hindi nya ako
naririnig.

Natulog lang kaming dalawa sa kama ko habang malakas parin ang buhos ng ulan sa
labas. Sa tingin ko nanaginip ako dahil nakita ko si Lucci na nakatayo sa dulo n
g kama ko.

LINGGO.
Maaliwalas sa labas. Pumunta ako ng simbahan para sa misa. Habang nasa loob ako
ng simbahan parang may naramdaman akong nakatingin sa akin. Hindi ko nalang pina
nsin. Hindi si Lucci 'yon. Kung pano ko nalaman, hindi ko rin alam. Basta, kapag

nasa malapit sya nararamdaman ko sya. Parang may tali na nag-uugnay sa aming da
lawa.

Pagkatapos ng misa lumibot muna ako sa mga tinitinda sa labas ng simbahan. May m
ga rosaryo at kung anu-ano'ng ugat ng halaman na pangtaboy daw sa mga engkanto.
Meron din kaya sila para sa demonyo?

Kinapa ko ang kwintas ko. Saan kaya ito nabili ni Miguel?

"MALAPIT NA ANG KATAPUSAN NG MUNDO!" may matandang lalaki ang sumisigaw. Madungi
s sya at may suot na itim na salamin sa mata. "HUMINGI NA KAYO NG KAPATAWARAN SA
DYOS! KUKUNIN NG DEMONYO ANG INYONG KALULUWA KUNG HINDI KAYO MAG-SISISI!"

Kukunin ng demonyo ang kaluluwa ng mga tao..

Iyon ba ang pakay sa akin ni Lucci? Isa syang demonyo, interesado ba sya sa kalu
luwa ko?

Naguguluhan na umuwi ako ng bahay. Hindi nawala ang pakiramdam na may nakamasid
sa'kin.

LUNES
"Aura, yung baon mo," tawag sa akin ni Mama "Heto oh, muntik mo nang makalimutan
."
"Salamat Ma"
"Nagmamadali ka yatang pumasok"
"Uh.."
"Haha napaka-sipag mo talaga mag-aral, sige na baka mahuli ka pa sa klase mo," n
akangiting sabi ni Mama.
"Bye Ma," humalik ako sa pisngi nya at umalis na.

Hindi ko kasabay si kuya at si Miguel ngayon. Sa bus ako sumakay. Hindi ko rin a
lam kung bakit ba ako nagmamadali na pumasok. Parang ang pangit isipin na nagmam
adali ako dahil gusto kong malaman kung pumasok na si Lucci.

Mabilis akong naglakad sa hallway. Napatigil ako sa labas ng room ko. Parang nat

atakot akong madismaya ngayong araw. Ano ba ang nangyayari sa'kin? Hindi ko dapa
t kalimutan na isa syang demonyo. Masama sya. Pero iniligtas nya ako. At kahit n
a ano'ng sama pa nya, hindi ko kayang makaramdam ng galit para sa kanya.
Huminga ako nang malalim at binuksan ko ang pinto.

Napalundag ang puso ko sa saya nang makita sya na nakaupo sa dulo ng classroom.
Pula ang buhok, may suot na bonnet sa ulo at nakatingin sa akin na parang kanina
pa nya ako hinihintay. Hinihintay nya ako.

Napayuko ako at mabilis na lumakad papunta sa upuan ko. Nang makaupo na ako, nil
ingon ko sya. Kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para tignan sya sa mata ay h
indi ko alam.

Nagtitigan kaming dalawa. Unti-unti ay nawala ang mga tao sa paligid ko. Sya lan
g ang nakikita ng mga mata ko. Sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko.

Tumayo sya at naglakad palapit sa akin. Umupo sya sa bakanteng silya sa tabi ko.
Nakatingin lang ako sa kanya at ganoon din sya. Hindi kami nagsasalita.

Nasa tabi ko sya. Magkatabi kami ngayon. Ang lapit nya sakin. Ang dami kong gust
ong itanong sa kanya pero di ko magawang ibuka ang bibig ko.

Nagkadikit ang dulo ng mga daliri namin at may munting puting apoy na sumunog sa
daliri nya.

Kumunot ang noo nya habang nakatingin sa daliri nya. Nawala rin agad ang puting
apoy na yon at mabilis na gumaling ang sunog sa daliri nya.

Mariin nyang ikinuyom ang mga kamao nya. Galit sya. Nakatingin sya sa lamesa nya
at doon nya ibinuhos ang matalim na tingin nya.

Pinagmasdan ko lang sya nang matagal. Hinihintay ko na mawala ang galit nya pero
mukhang mas tumitindi ang galit nya sa paglipas ng minuto.

"Saan ka pumunta?" tanong ko sa kanya na parang dati pa kaming magkaibigan "Nung


nawala ka. Saan ka pumunta?"

Nalipat sa akin ang tingin nya. Nakita ko na napalitan na ang emosyon sa mata ny
a.

"Kinakausap mo na ako mahal ko. Lumipas na ba ang galit mo sa'kin?"


"Hindi ako galit sa'yo. Pero ayokong pumapatay ka ng mga inosenteng tao."
"Hindi sila inosente," dumilim ang mukha nya "Hwag mo silang ipagtanggol sa hara
p ko."
"Ikaw ba ang may kagagawan kung bakit nagkaron ng sunog dito?"
Ngumiti sya nang madilim. "Oo ako ang may gawa non."
"Bakit mo ginawa 'yon?" bulong ko.
"Hindi mo maiintindihan. Isa akong demonyo mahal ko. Nabubuhay ako sa kasamaan n
g mga tao. Ang pagiging makasarili nila ang nagpapalakas sa akin. Pero ang pinak
anagpapalakas sa amin ay ang pagkuha sa mga kaluluwa nilang makasalanan."
"Hindi ko maintindihan," sabi ko. "Pumapatay ka.. para lumakas?"
"Itigil mo na ang pagmamalasakit mo sa mga mortal Aura. Hindi mo sila dapat pina
g-aaksayahan ng panahon."
"Mortal ako," pagbibigay diin ko "Hindi ako katulad mo. Isa akong tao Lucci. Hwa
g mo akong kausapin na parang iba ako sa kanila."
Nabalot ng galit ang mga mata nya.
"Iba ka sa kanila mahal ko, hwag mong isipin na mababa kang uri ng nilalang katu
lad nila," mariin nyang sabi na may halong galit "Hindi ka makukulong sa mortal
na katawan na 'yan kung hindi ka nila hinayaan na mamatay."
Kinilabutan ako sa sinabi nya. Namatay ako?
"Alam mo ba kung kanino ako pinaka-galit ngayon?"
"Kanino?"
"Sa Dyos ng mga tao."

ISANG demonyo si Lucci. Sa panaginip ko, sya si Lucifer. Ayon sa mga libro isang
dating anghel si Lucifer na naging sakim at gustong agawin ang kapangyarihan na
nakuha ni Hesus sa langit. Isa syang anghel na pinapaboran ng Dyos higit sa lah
at, nang umakyat si Hesus sa langit nakaramdam sya ng inggit at poot dahil nawal
a ang atensyon sa kanya. Bumuo sya ng isang hukbo na kakalaban sa Dyos ngunit hi
ndi sya nagtagumpay. Pinutol ang kanyang mga pakpak at ipinatapon sa impyerno. M
ay iba namang paniniwala na hindi si Lucifer ang anghel na nalaglag mula sa lang
it kundi si Satan. May iba naman nagsasabi na iisa lang ang dalawang 'yon.

Sa sobrang dami ng kwento tungkol sa kanya mukhang nabaluktot na ang totoong pan
gyayari.

Walang hindi nakakakilala sa kanya. Pero bakit galit sya sa kasakiman ng mga tao
kung naging sakim din sya noon? Bakit sya galit sa mga tao kung nagiging malaka
s sya dahil sa kanila? Mukhang may mas malalim na dahilan pa ang galit nya. Hind
i ko maiwasan na isipin na may kinalaman din ako doon. Ang sabi nya namatay ako
kaya nakulong ako sa katawan ng isang 'mortal'? Ano'ng ibig nyang sabihin doon?
Ano ba ako dati?

Tinitigan ko nang diretso si Lucci.


"Ano ba ang gusto mong makuha sa'kin?" tanong ko matapos ang mahabang katahimika
n sa aming dalawa.
Tinignan nya ako ng seryoso. "Ang kaluluwa mo mahal ko. 'Yon ang gusto ko mula s
a'yo."
Nabalot ako ng takot.
"Papatayin mo rin ba ako?"
"Hindi sa ngayon mahal ko. Hindi pa ngayon."

***\(*^*)/***\
V
Simula nang sabihin sakin ni Lucci na interesado sya sa kaluluwa ko at may balak
sya na patayin ako, dumistansya ako sa kanya. Hindi ko sya tinitignan o pinapan
sin. Hindi ko sya maintindihan, bakit nya ako sinagip kung may balak syang kunin
ang kaluluwa ko?
Ni minsan hindi nawala ang tingin nya sakin.
Hindi nya ako kinakausap o nilalapitan pero lagi lang syang nakasunod sa kung sa
an ako magpunta.
Kung minsan napapagod na rin ako sa kakasunod nya. Para kasi akong nakakulong, p
alagi akong hindi makakilos nang malaya. Natatakot rin ako na makipag-usap sa ka
hit na sino kapag nandyan sya. Baka kasi pumatay syang muli.
Ang mga nabiktima kasi nya ay mga tao na nakausap ko.
Magpapasalamat ba ako dahil hindi pa nadadagdagan ang mga tao na pinatay nya sa
harap ko?
Isang linggo na ang nakalipas simula nang huli kaming nag-usap.
Nasa bahay ako ngayon at nag-rereview. Umpisa na ng midterm exam namin.
Abala ako sa pagbabasa nang may narinig akong malakas na sirena ng ambulansya. N
apatayo ako at sumilip sa labas ng bintana.

Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba. Nakita ko si Mama na may kausap sa la


bas ng bahay. Maya-maya lang ay pumasok na sya.
"Aura hwag kang lumabas ng bahay," agad na bilin ni Mama.
"Bakit po Ma? Ano po ang nangyayari sa labas?" tanong ko.
"Yung anak ni Tilde na si Atong, namatay sa aksidente."
"N-Namatay po sya?"
"Oo, pupuntahan ko muna si Tilde ikaw na muna ang bahala dito sa bahay Aura. Del
ikado nag-iisa ka pa naman. I-lock mo ang pinto paglabas ko," kinuha lang ni Mam
a ang pitaka nya mula sa cabinet at umalis na.
Ini-lock ko ang pinto katulad ng bilin nya.
Si Atong ay isang trenta anyos na lalaki na may pag-iisip ng isang walong taong
gulang na bata. Palagi ko syang nadadaanan sa labas ng tindahan nila at nakikipa
glaro sa ibang mga bata doon. Si Aling Tilde ay kaklase ni Mama at kaibigan mula
Higshschool, may-ari sila ng isang sari-sari store sa kabilang kanto.
Napaka-lapit ng aksidente pero ano kaya ang nangyari?
Biglang pumasok sa isipan ko si Lucci.
Umiling ako. Hindi ko dapat isisi sa kanya lahat ng pagkamatay ng mga kakilala k
o. At ang isang pa, hindi ko naman nakakausap si Atong kaya hindi nya 'yon papat
ayin. Pero pumatay parin sya ng maraming tao kamakailan lang sa isang sunog hind
i ba? Hindi ko tuloy masabi kung aksidente ba ang pagkamatay ng anak ni Aling Ti
lde o sinadya.
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig. Umakyat na ulit ako sa kwarto ko. Ipin
atong ko ang baso sa lamesa ko at umupo na.
Napatingin ako sa bintana. Nakasara.
Napatayo akong muli nang maalala na nakabukas ko iyong iniwan. Sumilip pa nga ak
o sa labas.
"Napakalinis ng kwarto mo mahal ko"
Ang boses na 'yon. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit hindi ko sya napa
nsin kanina nang pumasok ako?
Tumingin ako sa kanya.
"Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Dumadalaw," simpleng sagot nya bago humiga sa kama ko.
Kinakabahan na napahawak ako sa kwintas ko.
"Papatayin mo na ba ako?"
Tumingin sya sakin.
"Naiinip ka na ba? Gusto mo na ba akong makasama nang habangbuhay mahal ko?" may
inilabas syang gintong punyal.

Napaurong ako nang makita iyon.


"Gagamitin mo ba 'yan sa pagpatay sa'kin?"
"Oo mahal ko," sagot nya bago tignan ang punyal "Pero nakikita ko na natatakot k
a ngayon kaya naman hindi pa ito ang oras para gamitin ko ito sa'yo."
Naguluhan ako sa sinabi nya. Tila lahat ng sinasabi nya sakin ay nakakagulo sa p
ag-iisip ko.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Gagamitin ko lang ito kapag hiniling mo sa'kin mahal ko," itinago nya ang punya
l sa damit nya "Hindi ko ito magagamit sa'yo kung nababahid ng takot ang puso mo
."
Sa tingin ko malala ang epekto ng lahat ng ito sa akin dahil natawa ako bigla.
"Sino ba ang hindi natatakot mamatay?"
"Mahal ko," tumayo sya at lumapit sa akin "Hindi mo ba ako gustong makasama sa k
abilang buhay? Hindi ka pa ba pagod sa pagiging mortal mo?"
Unti-unti akong nakakaramdam ng inis.
"Hindi kita maintindihan," naiinis na umiwas ako ng tingin sa kanya "Bakit ko na
man hihilingin sa'yo na patayin mo ako?"
"Dahil gusto mo akong makasama," sagot nya "Hangga't nasa katawan ka ng isang mo
rtal hindi kita maisasama sa kaharian natin."
Sa kaharian. Naalala ko ang panaginip ko. Balak nya akong isama sa impyerno, sa
kaharian na ginawa nya.
"Bakit mo naman iniisip na gusto kong sumama sa'yo?" tanong ko at nagpatuloy nan
g hindi sya sumagot "Bakit ako sasama sa isang demonyo na katulad mo?"
"Dahil gusto mo"
"Bakit?"
"Dahil gusto mo akong makasama."
"Mali ka. Hindi kita gustong makasama Lucifer."
Nakita kong naikuyom nya ang mga kamao nya. Dumilim ang mukha nya at tumalas ang
tingin nya sa'kin.
"Gusto mo," mariin nyang sabi "Gusto mo akong makasama Aura."
"Hindi," madiin kong sagot "Walang dahilan para gustuhin ko na makasama ka."
"Dahil mahal mo ako!" malakas nyang sabi na ikinabigla ko "Mahal mo ako."
"Hindi kita mahal," matatag na sabi ko "Paano ko mamahalin ang isang napakasaman
g nilalang na katulad mo? Naisip mo ba?"
Bigla nalang nya akong hinawakan sa magkabilang balikat at isinandal sa pader. U
miilaw sa galit ang mga mata nya, pero sa pinakatagong bahagi non ay may nakita
pa akong isang emosyon na hindi ko maintindihan.

"Ano ba ang ginagawa mo?!" sigaw ko nang makita na nasusunog na ang mga kamay ny
a.
"Bakit Aura?! Bakit hindi mo ako maalala?!" galit na tanong nya habang dumidiin
sa balat ko ang mga daliri nya.
"Hindi kita kilala! Bitiwan mo ako!" nagpumiglas ako sa hawak nya pero masyado s
yang malakas.
"Alalahanin mo ako Aura! Pilitin mo!" utos nya.
"Bitawan mo ako!"
Binitawan nya rin ako. Mabilis ang paghinga nya habang iniinda ang sakit ng pagk
akasunog ng kamay nya. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya.
Tumakbo ako papunta sa pinto ngunit bigla iyong sumara nang malakas.
Pinihit ko ang seradura pero ayaw nitong bumukas.
Naramdaman ko ang mabibigat nyang yabag at bago ko pa mamalayan ay nahila na nya
ako at naitapon sa kama ko.
Nagulat ako nang tumama ang likod ko sa malambot na higaan.
Pinilit kong bumangon pero mabilis nya akong dinaganan. Itinulak ko sya sa dibdi
b pero itinaas nya lang ang dalawa kong kamay gamit ang isa nyang kamay. Nasa it
aas ito ng ulo ko ngayon.
Kinakabahan ako. Sobra akong natatakot lalo na nang makita ko na hindi lang umii
law sa apoy ang dalawang sungay sa ulo nya, lumaki iyon.
"Sa akin ka lang Aura! Hindi mo ako matatakasan!" galit na galit sya.
May kung ano'ng nagbago sa kanya. Iba ang galit nya ngayon kaysa dati. Iba'ng ib
a. Hindi man lang nya napapansin na nasusunog sya dahil sa proteksyon ko.
"A-Ano ba ang kailangan mo sa'kin?" naiiyak na tanong ko.
"Ilang libong taon kitang hinintay Aura! Hindi mo alam kung gaano katagal kitang
hinintay! Hindi ako nanghintay nang ganon katagal para lang marinig na hindi mo
na ako mahal!" nagtatagis ang bagang na sabi nya.
"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo! Bitawan mo ako!"
Hinawakan nya ang baba ko para matitigan sya sa mata.
"Hindi na ako maghihintay pa na bumalik ang alaala mo mahal ko," may galit parin
nyang sabi "Mas mabuti kung ipaalala ko na sa'yo ang lahat ngayon. "
"Ano'ng gagawin mo sa'kin?"
Tumingin sya sa leeg ko. Mabilis nyang hinablot ang kwintas at pinigtas. Itinapo
n nya ito sa malayo.
"Inisip mo ba na hindi ko mahahalata?" mababang sabi nya at ngumisi "Na sa tuwin
g natatakot ka ay hinahawakan mo ang kwintas na 'yon? Ang proteksyon mo?"

Nakaramdam na talaga ako ng sobrang takot sa kanya. Ngayong wala na ang proteksy
on ko magagawa na nya lahat ng gusto nya sa'kin. Naluha nalang ako sa sobrang ta
kot.
Ibinaba nya ang mukha nya sa akin at pilit akong hinalikan sa labi. Tila naparal
isa ang buo kong katawan nang maramdaman ang epekto ng halik na 'yon. Sya ang un
ang lalaki na humalik sa akin. May malakas na boltahe ng kuryente ang dumaloy sa
balat ko at awtomatiko akong napapikit. Naglaho ang takot na nararamdaman ko at
napalitan ng init.
Nagtatalo ang isip ko at ang puso ko sa dapat kong gawin.
Dapat ko syang itulak pero pinipigilan ako ng nararamdaman ko. Tuluyan nang nagl
aho sa pag-iisip ko na lumaban nang mawala ang distansya sa mga katawan namin. N
aramdaman ko ang bigat ng katawan nya sa'kin. Ang init nya.
Napasinghap ako nang maramdaman na kinagat nya ang labi ko. Nagulat ako nang ipa
sok nya ang dila nya sa bibig ko.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya.
Parang kinokontrol nya ang katawan ko, ni hindi ko magawang lumaban.
Lumipat ang bibig nya pababa hanggang sa gilid ng leeg ko at patuloy parin akong
hinahalikan. Ang bawat halik nya ay nag-iiwan ng mainit na pakiramdam sa balat
ko.
"Alalahanin mo mahal ko," bulong nya sa tenga ko at naramdaman ko ang mainit nya
ng hininga "Ang pakiramdam na ito. Pilitin mong alalahanin."
Napapikit ako nang mariin nang marinig ang pagwasak nya sa damit ko.
Pilitin na alalahanin ang pakiramdam na ito?
Pinakawalan nya ang mga kamay ko. Naisip ko na itulak sya pero hindi ko magawa.
Tinitigan ko lang sya habang nakatingin sya sakin na parang may hinihintay.
Nawala na ang galit nya. Bumalik na rin sa dating laki nito ang mga sungay nya.
Kalmado na ulit sya.
"Hayaan mo na ipaalala ko sa'yo mahal ko," malumanay nyang sabi habang hinahaplo
s ang pisngi ko.
Muli nya akong hinalikan.
Nahihilo ako sa dami ng nararamdaman ko ngayon.
"Mahal ko.." bulong nya sa pagitan ng mga halik. "Aura.."
Pabilis nang pabilis at tila sasabog ang dibdib ko sa bilis ng pintig ng puso ko
.
Mali ito. Maling mali.
Pero hindi sumasangayon ang nararamdaman ko.
Iginalaw ko ang mga kamay ko at hinaplos sya sa mga braso hanggang sa mapagsalik
op ko ang dalawang kamay ko sa batok nya.
Hinila ko sya nang mas malapit at tinugon ang bawat halik at haplos nya.

***~(*^*)~***
VI
Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa lupa. Masyado itong malapit sa kinaroro
onan ko. Agad kong hinagilap ng tingin si Lucifer. Nakita ko syang nakikipaglaba
n sa isang demonyo.
May naramdaman akong papalapit sa akin kaya naman agad kong itinaas ang espada n
a hawak ko para sanggain ang atake nya. Isa syang mababang uri ng demonyo ayon s
a laki ng sungay nya. Ginamit ko ang mga pakpak ko para dagdagan ang pwersa ng a
take na gagawin ko. Nahati ang espada nya at bumaon ang espada ko sa dibdib nya.
"AAAAAAAAAAHHH!!" sigaw nya bago sya nasunog sa puting apoy at naglaho.
Kapag namamatay ang mga demonyo walang pinupuntahan ang mga kaluluwa nila. Nawaw
ala nalang sila sa mundo. Ang tanging may kakayahan na mapatay sila ay kami, ang
mga anghel.
Isa na namang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong paligid.
Naramdaman ko na lang na tumilapon ako sa kung saan. Ilang segundo akong natigil
an, ilang minuto akong walang narinig at nanlalabo ang mga mata ko.
Sa unti-unting pagbalik ng mga pakiramdam ko ay unti-unti ko ring naramdaman ang
sakit ng katawan ko. Malala ang naging epekto sakin ng pagsabog. Malala ang pag
kakabagsak ko. Nadaganan ko rin ang mga pakpak ko kaya hindi ko magawang igalaw
sila.
Nanatili akong nakahiga.
Naririnig ko ang mga sigaw ng mga demonyo at anghel na naglalaban. Naririnig ko
ang tunog ng mga nagbabanggaang espada nila.
Nakita ko si Gabriel at Miguel na tinutulungan ang ibang anghel na nanghihina na
.
May isang anghel akong hinahanap. Ang mahal ko. Si Lucifer. Nasaan sya?
Wala pa akong nakita na kasing perpekto nya. Sya ang pinaka-perpektong anghel na
nakita ko. Ang mahal kong Lucifer. Napakaganda nyang pagmasdan habang nakikipag
laban.
Mabilis nyang tinalo ang kalaban nyang demonyo. Lumingon sya sa pwesto ko kanina
kung saan ako huling pumatay ng demonyo. Lumapit sya roon at lumingon sa paligi
d habang hinahanap ako.
"AURA!!" sigaw nya sa pangalan ko.
"Lucifer.." pilit kong isinigaw ang pangalan nya ngunit isang mahinang tawag lan
g ang nagawa ko.
"May buhay pa palang anghel dito" isang boses ng demonyo ang narinig ko.
Lumapit sya at tumayo sa kung saan ako nakahiga. Pinagmasdan ko sya. May sungay

sya na mas malaki kaysa sa ibang demonyo, kulay pula ang balat nya at mas malaki
sya kumpara sa karaniwang demonyo. Sya na siguro si Satanas, ang anghel na bumu
o ng hukbo laban sa Dyos.
Ito ang ikalawang digmaan na ginawa nya. Hindi namin inaasahan na magiging ganit
o kalakas ang pwersa nila. Gumawa sila ng paraan para makakuha ng lakas mula sa
mga tao.
"AURAAAA!!" narinig kong sigaw muli ni Lucifer.
Tinignan ko kung nasaan sya. Humahangos sya nang takbo papunta sa akin. Nababalo
t ng takot ang mukha nya habang nakatingin sa mukha ko.
Ngumiti ako sa kanya.
'Huli na ang lahat mahal ko.'
Naramdaman ko ang espada na tumusok sa dibdib ko.
Isang sigaw na puno ng pighati ang narinig ko mula kay Lucifer bago ko ipinikit
ang mga mata ko.
'Mahal kita.. Lucifer.. Paalam mahal ko..'

***
Nagising ako bigla at napaupo sa kama. Pinagpapawisan ako at parang tumakbo ako
nang napakalayo sa bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang totoo.
Ramdam na ramdam ko ang sakit ng pagtusok sakin ng espada nya.
Pati na rin ang mga pag-sabog. Totoong totoo ang lahat.
Kinalma ko ang sarili ko. Isa lang panaginip yon. Panaginip lang.
Huminga ako nang malalim at yumuko nang may biglang sumakit sa akin. Bigla ko na
lang naalala ang nangyari sa amin ni Lucci. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala
ang mga ginawa namin. Hindi ko akalain na hahayaan ko syang.. gawin 'yon. Pero
mas dumoble ang laki ng mga mata ko nang makita na wala ako sa kwarto ko. Nasa i
bang lugar ako. Ibang silid. Puro kulay pula at kulay abo ang kwarto.
Tinignan ko ang pulang kumot na tumatakip sa hubad kong katawan. Nakaupo ako sa
pulang kama na mukhang apat na beses ang laki kaysa sa kama ko sa bahay namin.
Nasaan ako?
Ang huling natatandaan ko ay nasa kwarto ko kami nang gawin namin yon. Ano'ng gi
nagawa ko dito?
May bumukas na itim na pinto. May usok na lumabas mula roon at isang pigura ng t
ao ang nakita ko.
"Lucci?"
Hindi nga ako nagkamali. Si Lucci ang lumabas mula sa pinto na 'yon. Lumabas sya
na pantalon lamang ang suot. Hindi ko na-kontrol ang sarili ko nang hagurin ko
sya ng tingin. Napaka-puti ng balat nya, katamtaman lamang ang laki ng katawan n

ya pero kababakasan iyon ng kapangyarihan.


Kakaibang kaba ang naramdaman ko nang magtama ang mga mata namin. Bakas sa mga m
ata nya ang pagnanais na makasama ulit ako. Tinitignan nya ako na parang isang p
agkain. Mabilis syang lumakad palapit sa akin.
Mahigpit kong hinawakan ang kumot at itinakip sa katawan ko.
"Hwag mong gawin yan," sabi nya at hinila ang kumot mula sa akin "Hwag mong itag
o ang sarili mo sa akin mahal ko."
Namula ako nang hagurin nya ng tingin ang katawan ko. Umupo sya sa tabi ko at hi
nawakan ang pisngi ko.
Agad nya akong ginawaran ng isang malalim na halik. Pakiramdam ko sa iba na nama
n ang kahahantungan nito kaya naman itinulak ko na sya palayo.
Naglagay ako ng distansya samin habang habol ko ang hininga ko.
"Mahal ko bakit mo ako nilalayuan?" tanong nya sa mababang tono.
Bakas sa mukha nya na hindi nya nagustuhan ang paglayo ko. Mas napaurong ako pal
ayo sa kanya.
Nasa kabilang dulo na ako ng kama at nakasandal sa ulunan nito. Kinuha ko ang pu
lang unan at itinakip sa katawan ko. Nasaan ba ang mga damit ko?
Hindi ko namalayan nang umakyat si Lucci sa kama. Hinila nya ang magkabila kong
paa, napahiga ako at napasigaw sa gulat. Bago ko pa mamalayan ay nakapaibabaw na
sya sa akin.
"Napakaganda mo mahal ko" bulong nya habang tinititigan ang kabuuan ko.
Agad akong namula. Akmang hahalikan nya na naman ako nang iiwas ko ang mukha ko
sa kanya.
"Hwag Lucci," tinulak ko sya sa magkabilang balikat.
"Hwag mo akong labanan mahal ko," banta nya at gamit ang isang kamay ay pinahara
p nya ako sa kanya "Alam ko na nagustuhan mo ang nangyari sa atin. Gusto mo na m
alapit ako sa'yo, gusto mo ang mga haplos ko. Bakit mo ako itinutulak palayo?"
Napuno ng takot ang dibdib ko. Totoo ang mga sinabi nya. Pero hindi ko 'yon maga
wang aminin sa sarilli ko. Alam kong mali ang nangyari sa amin. Hindi ko sya mah
al.
"Ano'ng makukuha mo kapalit ng pagtulak mo sakin palayo? Ano ang makukuha mo sa
paglaban sa nais ng katawan mo?" hinaplos nya ang katawan ko.
Nakagat ko ang labi ko at pilit na pinipigilan ang gustong gawin ng katawan ko.
Hindi pwede. Hindi 'yon pwedeng mangyari ulit. Isa 'yong malaking pagkakamali.
"Ayokong may mangyari ulit sa'tin Lucci," mahinang sabi ko.
"Kasinungalingan!" diin nya.
"Hindi ako nagsisinungaling!" itinulak ko syang muli.
Hinablot nya ang magkabila kong kamay at itinaas iyon sa ulo ko.

"Hwang mong subukan na labanan ang sarili mo Aura," mariing sabi nya habang naka
titig sa akin ng diretso "Mapapagod ka lang"
Ibinaon nya ang ulo nya sa gilid ng leeg ko at marahas nya akong hinalikan doon.
Napasinghap na ako nang maramdaman ang pagkagat nya roon. Dumaloy muli ang maini
t na sensasyon na dulot ng mga halik nya. Sa bawat balat na madampian ng labi ny
a ay nag-iiwan ng kaaya-ayang pakiramdam.
Ano nga ba ang makukuha ko sa pag-tanggi sa kanya?
Nilalabanan parin ng isip ko ang kagustuhan ng katawan ko.
Napaungol ako nang bumaba ang labi nya patungo sa dibdib ko.
"Sa akin ka lang Aura," bulong nya habang paulit ulit na sinisipsip ang balat ko
"Sa akin ka lang."
Pilit kong hinihigit ang mga kamay ko sa hawak nya. Isang kamay lang ang gamit n
ya roon pero hindi ko parin maalis.
"Hwag Lucci.. Hwag mong gawin.." mahina kong tanggi habang naluluha dahil sa kah
inaan ko.
"Hindi mahal ko," sagot nya "Hindi ako titigil hanggat hindi mo inaamin na gusto
mo rin ito."
"Hwag please.. Nagmamakaawa ako.. Hwag"
Dumoble ang kaba ko nang makita na naalis na nya ang huling saplot nya sa katawa
n at inihahanda ang sarili nya sa pagitan ng mga hita ko. Para akong nabuhusan n
g malamig na tubig. Matapos ang nangyari sa amin kagabi hindi pa ako handa na ma
y mangyari ulit. Masyado paring masakit ang katawan ko.
Nagpumiglas ako sa hawak nya.
"Hwag Lucci!" sigaw ko sa kanya
"Sabihin mo na mahal mo rin ako Aura!"
"Hindi kita mamahalin kung ipipilit mo ang sarili mo sakin!"
Lumiyab ang mga mata nya sa galit.
"Bakit mo ba ako pilit na nilalabanan Aura?! Bakit?!" galit na tanong nya.
"Dahil hindi ito tama! Hindi kita mahal!" mariin kong sabi.
Umilaw ng kulay pula ang mga sungay nya. Nanginginig sya sa sobrang galit. Mas h
umigpit ang hawak nya sa kamay ko. Nakaramdam ako ng sobrang takot dahil baka ma
s ituloy nya ang gusto nyang mangyari.
"Ilang libong taon," nagngingitngit sa galit na sabi nya "Ilang libong taon kita
ng hinintay. Hindi pa ba sapat ang pagdurusa ko ng mga panahon na 'yon?! Bakit m
o ako kinalimutan Aura?! Paano mo nagawa sa akin ito?!"
Natahimik ako sa mga sinabi nya. Punong puno ng pighati at galit ang mga mata ny
a. Na sobra syang nahihirapan at nasasaktan.

Bigla nalang akong naiyak. Nalulungkot ako at nasasaktan para sa kanya.


Umalis sya mula sa ibabaw ko. Isinuot nya ang pantalon nya at mabilis na lumabas
ng kwarto. Malakas na sumara ang pinto sa likod nya.
Naiwan akong umiiyak sa kama.
Nasaktan ko sya. Nasasaktan ako na isipin na nasasaktan ko sya.
Pero ano'ng gagawin ko? Mali na mahalin ko sya. Hindi sya tao.
Kaya ko ba na magmahal ng isang demonyo?
Bumukas ang pinto at pumasok si Lucci. Nakabihis na sya at mahinahon.
"Lucci," napa-upo ako.
May nilapag syang damit sa kama. Mga damit ko.
"Magbihis ka," sabi nya sa malamig na tono "Ibabalik na kita."
Yumuko ako at kinuha ang mga damit ko.
Nagbihis ako sa harap nya.
Hindi sya gumagalaw o nagsasalita. Napaka-lamig ng tingin nya sakin.
Parang may harang sa pagitan namin.
Ibabalik na nya ako sa bahay namin.
Bakit imbes na matuwa ako, mas lalo lang akong nasaktan?

***~(*3*)~***
VII
Wala akong ginawa sa bahay kundi ang umiyak. Hindi ako lumabas sa kwarto ko nang
makabalik ako. Sa tuwing papasok si Mama sasabihin ko lang sa kanya na masama a
ng pakiramdam ko. Nahihiya ako na harapin sya. Nahihiya ako sa ginawa ko. Nahihi
ya ako na nagsisinungaling ako sa kanya.
Nagpasalamat ako nang umulan nang malakas kinabukasan. Agad na sinuspinde ang mg
a klase sa mga paaralan. Kahit papaano may oras ako para makapag-isip. Hindi ko
pa sya mahaharap agad. Nagmukmok lang ako sa loob ng kwarto ko.
May mga bagay akong hindi masagot. Ako ba talaga ang Aura na sinasabi ni Lucci n
a mahal nya? Hindi kaya kamukha ko lang sya? Pero kung hindi ako, bakit ko sya n
apapanaginipan? Bakit parang totoong totoo na ang mga panaginip ko kung saan nam
atay ako?
Namatay nga kaya ako noon? Muli akong nabuhay bilang isang mortal?
Kung totoo yon, isa akong anghel? Ganoon din sina Kuya at Miguel..? Natatandaan
ko na nakita ko sila sa panaginip ko. Sila ang dalawang anghel na tumutulong sa
iba pang nasugatan habang nakikipaglaban.

Isang reincarnation.
Napaupo ako sa kama ko. Namatay din kaya sila kaya naman nabuhay silang muli bil
ang mortal naman?
Higit sa lahat na ipinagtataka ko. Magkaibang demonyo si Satanas at Lucifer. Hin
di katulad ng sinasabi ng iba na iisa sila.
Pero sa pagkakatanda ko, isang anghel si Lucci sa panaginip ko. Bakit naging dem
onyo na sya ngayon?

***
"Bunso," tawag sa akin ni kuya bago ako lumabas ng bahay "may sakit ka ba?"
Umiling ako. "Wala naman kuya."
"Hay nako Gabriel yang kapatid mo mukhang masyadong natututok sa pag-aaral kaya
nagkakasakit," sabi ni Mama habang inaayos ang pagkain sa mesa.
Kakatapos ko lang mag-almusal. Ngayon palang kakain si kuya. Mamaya pa ang pasok
nya kaya naman hindi kami sabay.
Nagtaka ako nang hindi inaalis ni kuya ang tingin nya sa akin. Nakakunot ang noo
nya at tinitignan ako na parang may nagbago sa akin.
"Aura magsabi ka ng totoo, may boyfriend ka na ba?" tanong nya.
"H-Huh?"
"Para kasing..." ibinulong nya ang kasunod na salita kaya naman hindi ko narinig
.
"Ano 'yon kuya?"
"Wala, ingat ka sa pag-pasok. Gusto mo bang sumabay sa pag-uwi?"
"Hindi na kuya. Bye Ma! Alis na po ako."
"Sige Aura, yung payong mo nilagay ko sa bag mo. Hwag kang magpapa-ulan."
"Opo Mama."
Medyo madilim parin ang langit paglabas ko ng bahay. Mukhang uulan ulit mamaya.

***
Mga nakatayo at nagke-kwentuhan ang mga kaklase ko nang pumasok ako sa loob ng r
oom. Wala pa ang GenPsy instructor namin.

"Kyaah! Lucci hwag dyan, nakikiliti ako," may narinig akong tumili.

Agad na napadako roon ang tingin ko. Pakiramdam ko sinampal ako nang malakas sa
mukha. Doon sa dulo ng room, si Lucci may kasamang babae na nakakandong sa hita
nya.
Mukha silang normal na magkasintahan na naglalambingan.
Hindi ako makahinga, parang may bumara sa dibdib ko at bigla iyong sumakit. Hind
i ko magawang iiwas ang tingin ko sa kanilang dalawa. Naguguluhan ako sa nangyay
ari. Bakit sila magkasama?
Gusto na ba ni Lucci ang babaaeng 'yon?

"Nandyan na si Maam!" sigaw ni Sandy na nagmamadaling umupo sa pwesto nya.

Pinilit kong lumakad papunta sa upuan ko. Napahinga ako nang malalim nang maabot
ko ang pwesto ko. Naririnig ko parin sila.

"Okay class settle down" sabi ng ni Ms Corpuz habang inilalapag sa teacher's tab
le ang gamit nya. "May faculty meeting kaya naman ang gusto ko gumawa muna kayo
ng essay tungkol sa last topic natin habang wala ako. I want five hundred words
okay?"
"Yes Maam"

Umalis na rin si Maam agad. Ni hindi man lang nya sinaway sina Lucci na patuloy
sa ginagawa.
Wala sa sarili na kumuha ako ng yellow pad at isinulat ang essay. Hindi ako mapa
kali dahil sa ginagawa ni Lucci sa likod ko. Ang sabi nya mahal nya ako? Naghint
ay pa nga sya ng libong taon para sakin. Kasinungalingan lang ba ang mga 'yon?
Dahil ba nakuha na nya ang gusto nya sakin? Dahil naibigay ko na sa kanya ang ka
tawan ko?
O naghanap sya ng iba dahil hindi ko hinayaan na may mangyari ulit samin?

"Gosh Lucci ang hot mo talaga. You're hot as hell."


"Gusto mo bang isama kita sa impyerno?" narinig ko ang boses ni Lucci.
"Sure baby, basta kasama kita," tumawa ang babae.
Isasama nya ang babaeng 'yon sa impyerno?
Naalala ko na naman ang panaginip ko kung saan isinama nya ako sa mundo nya. Ipi
nakita nya sa akin ang kaharian na ginawa nya para sakin.

"But before tayo pumunta sa impyerno dadalhin muna kita sa langit," mapang-akit
ang boses ng babae.
"Kaya mong gawin 'yon?"
"Oo naman"

Nagsimulang magkagulo ang mga kaklase namin.


"Whooo!! Ang hot nyo!"
"Dun na kayo sa labas! PDA!"
"Ayos yan! Di na magiging boring ang sex education natin!"
"Pre! Astig mo!"
"Danna! Ako naman isunod mo!"
"Gusto ko rin makapunta sa langit!"

Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman ang ginagawa nila. Napatingin a
ko sa isinusulat ko. May mga tulo ng tubig doon.
Pinunasan ko agad ang pisngi ko. Nagmamadali kong inayos ang mga gamit ko at pat
akbo na lumabas ng classroom.
Isa nga pala syang demonyo. Bakit ba ako naniwala sa mga sinabi nya? Isa syang m
anloloko. Sinungaling. Sasabihin nya ang lahat para lang makuha ang gusto nya.

Saktong paglabas ko sa pinto bigla akong napatigil. Imbes na hallway ang mapunta
han ko, nakita ko ang sarili ko na nakatayo sa loob ng classroom. Nakatayo ang m
ga kaklase ko at nagku-kwentuhan. Hindi katulad kanina na nagsisigawan at humihi
yaw, nasa tahimik na pwesto lang ang mga lalaki at naglalaro ng PSP.
Napatingin ako sa pwesto ni Lucci.
Nakatingin lang sya sakin na parang pinag-aaralan akong mabuti.
Walang babae sa kandungan nya.

"Nandyan na si Maam!" sigaw ni Sandy na nagmamadaling umupo sa pwesto nya.

Umayos ng upo ang mga kaklase ko. Naguguluhan parin na pumunta na ako sa pwesto
ko.

"Okay class settle down" sabi ng ni Ms Corpuz habang inilalapag sa teacher's tab
le ang gamit nya. "May faculty meeting kaya naman ang gusto ko gumawa muna kayo
ng essay tungkol sa last topic natin habang wala ako. I want five hundred words
okay?"
"Yes Maam."

Tila isang replay ang nangyari. Isang edited na replay kung saan walang Danna na
kasama si Lucci. Hindi ko rin tanda na may Danna kaming kaklase.

Umalis ang instructor namin pero hindi parin ako nagsimulang isulat ang essay.
Imahinasyon ko lang ba 'yon?
Lumapit si Lucci at umupo sa tabi ko. Nagtatanong ang mga mata na tinignan ko sy
a.

"Hindi totoo ang mga nangyari kanina," sabi nya habang diretso ang tingin sa har
ap nya.
Nakumpirma ko na sya ang nagmanipula sa isip ko. Kung hindi sya, paano nya nalam
an?
"Bakit mo 'yon ginawa? Bakit mo pinaglaruan ang isip ko?"
Humarap sya sa akin nang galit.
"Ano pa ba ang gusto mo na gawin ko Aura? Napapagod na ako sa pag-tanggi mo saki
n na mahal mo rin ako."
Natigilan ako.
"Ginawa mo 'yon para saktan ako?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Saglit syang ngumiti.
"Kung ganon nasaktan ka mahal ko? Alam mo ba ang ibig sabihin ng naramdaman mo?"
Na mahal ko sya? Gusto nya na aminin ko 'yon? Yun ba ang ibig sabihin non? Nasak
tan ako dahil mahal ko sya?
"Pinaglalaruan mo ba ako?"
"Hindi mahal ko," mariin nyang tanggi "Ginawa ko yon para malaman mo na mahal mo
ako."
"Ilang beses ko ba na sasabihin sa'yo Lucci? Hindi kita--"
"Ituloy mo ang sasabihin mong yan Aura, sa susunod hindi ko na yon gagawin sa is
ip mo lang. Tototohanin ko na ang lahat," nag-aalab ang mata na banta nya.

Tinutukoy nya ang pakikipaghalikan sa ibang babae.

Sa gulat ko ay nakaramdam ako ng matinding galit at sakit. Natakot ako sa sarili


ko dahil kaya ko palang magalit nang ganon.
Ayoko syang makita na may kasamang iba. Ang gusto ko akin lang sya. Ayoko na may
ibang babae na hahawak o hahalik sa kanya, ako lang ang may karapatan sa kanya.
Naitikom ko ang bibig ko. Hindi ko magawang tumanggi. Hindi ko masabi na hindi k
o sya mahal. Natatakot ba ako sa gagawin nya sa susunod?
Kumuha na ako ng yellow paper at nag-sulat nang tahimik. Buong oras ay nakatingi
n lang sa akin si Lucci. Pinagmamasdan ako.
Hinawakan nya ang ilang hibla ng buhok ko at pinaglaruan iyon sa daliri nya.

"Mahal ko," mahinang tawag nya.


Tumigil ako sa pagsusulat at tumingin ako sa kanya. Mahinahon na sya ulit. Napak
abilis magbago ng emosyon nya.
"Kung naging mortal ba ako, magagawa mo ba akong mahalin?"
Nagulat ako sa tanong nya. Magsisinungaling ba ako o hindi?
"Hindi ko alam.." bulong ko "Siguro.."
"Pero hindi ako mortal. Kaya ba hindi mo ako mamahalin?"

Kumunot ang noo ko. Hindi ko sya gustong mahalin dahil isa syang demonyo. Pero k
ung tao syang katulad ko mamahalin ko sya?
Mahal ko na ba si Lucci?
Itinatanggi ko ba na mahal ko sya dahil isa syang demonyo na pumapatay?
Ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya?

"Lucci. Bakit mo ako mahal?"


"Dahil nilikha ka para sa akin. Ikaw ang kalahati ko Aura."
"Pero paano ka nakakasiguro na ako nga ang mahal mo? Iba na ako."
"Ikaw parin si Aura. Nakikita ko ang kulay ng kaluluwa mo. Hindi ako maaaring ma
gkamali."
"Mahal mo ba talaga ako o ang anghel na Aura noon?"
"Pinagdududahan mo ba ang pagmamahal ko sa'yo?" hinawakan nya ang pisngi ko "Paa
no mo nalaman na isang anghel si Aura?"
"S-Sinabi mo sakin.." hindi ko matandaan kung sinabi nga nya iyon sakin. Pero ay
okong sabihin na dahil napanaginipan ko ang tungkol don.
"Mahal ko, may itinatago ka ba sa'kin?"

Hindi ko sya sinagot. Nagsulat nalang ako katulad ng bilin ng instructor. Dapat
ko bang sabihin?

***
May babaeng nakatayo sa tapat ng bahay namin pag-uwi ko. May ginto syang buhok a
t katamtamang kulay ng balat. Mukhang kasing edad ko sya. Nakasuot sya ng kulay
itim na damit, itim na jacket at pantalon.

Ngumiti sya sa akin nang makalapit ako.

"Ikaw na siguro si Aura," bati nya at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.
"Ako nga, kilala ba kita?" nagtatakang tanong ko.
May kamaganak ba kaming umuwi galing sa ibang bansa?
"Magkakilala tayo," sabi nya.
"Pasensya na pero hindi kasi kita maalala. Kamaganak ka ba namin?" tanong ko.
Ngumiti lang sya.
"Ang pangalan ko ay Hecate. Pwede ba tayong mag-usap?"
Hecate.. Parang pamilyar ang pangalan nya pero sigurado ako na ngayon ko lang iy
on narinig.
"S-Sige.." binuksan ko ang gate at pinapasok sya.
"Mabuti naman. Marami tayong dapat na pag-usapan Aura."
May kinuha syang pulang bote. Inalis nya ang takip nito at may lumabas na pulang
usok.
"A-Ano'ng ginagawa mo?"
Pinanood ko ang pulang usok na lumibot sa buong bahay namin. Umikot yon sa palig
id ng bahay namin at tumaas sa langit. Nagkaron ng pulang ulap na syang dahilan
para maging madilim ang paligid.
"Sinisigurado ko lang na hindi makakagambala sa usapan natin si Lucifer pati na
rin ang dalawang anghel na nagbabantay sa'yo."
Ibinalik nya ang maliit na bote sa itim nyang jacket.
"K-Kilala mo si Lucci?"
"Lucci? Yan na pala ang pangalan nya ngayon. Kung sabagay, masyadong halata kung
gagamitin nya ang totoo nyang pangalan," nagkibit balikat sya.
"Isa ka rin bang demonyo?" kinakabahan na tanong ko.

Tumawa sya.
"Mukha ba akong demonyo?" tumatawang tanong nya.
Lumakad sya papasok sa bahay. Kung hindi sya demonyo.. anghel ba sya?
"Masyado naman yatang maliit ang bahay mo," puna nya.
Hindi maliit ang bahay namin para sa akin. Simple lang iyon pero sapat sa aming
pamilya ang espasyo ng bahay.
"Ano ba ang kailangan mo sakin?"
"May pagkakamali akong nagawa noon. Gusto ko sana iyong itama," tumitingin tingi
n parin sya sa loob ng bahay namin.
Tumigil ang mga mata nya sa The Last Supper na litrato. Nakasabit iyon sa sala.
"Ano naman ang kinalaman ko don?"
"Ikaw ang pagkakamali na tinutukoy ko Aura. Hindi ka dapat nabuhay muli," tuming
in sya sa akin.
"Hindi ko maintindihan.."
"Hindi ko dapat sinabi kay Lucifer kung paano ka bubuhayin muli. Hindi ko dapat
sya tinulungan. Hindi ko dapat sinuway ang kagustuhan ng Dyos. At ngayon napakal
aking kaguluhan ang magiging epekto nito sa mga tao."
"Ikaw.. ang bumuhay sa akin?"
Umiling sya.
"Tinulungan ko lang si Lucifer. Sinabi ko sa kanya ang isang bagay na mahigpit n
a ipinagbabawal at ngayon pagdurusahan iyon ng mga mortal. Hindi ka dapat bumali
k Aura."
"Hindi ko.. maintindihan. Papatayin mo ba ako?"
"Patawad Aura. Nagkamali ako. Hindi ko dapat ginawa 'yon," kumuha sya ng isang p
atalim mula sa likod nya.
Napasinghap ako nang makita kung gaano katalas 'yon.
Papatayin nya nga ako.
"Ito lang ang tanging paraan na nakikita ko para mabago ang hinaharap ng mga tao
."
Napaatras ako nang lumapit sya.
Ano'ng gagawin ko?
"Hwag kang mag-alala. Hindi mo mararamdaman ang sakit nito."

***<(@0@)>***
VIII
Ito ba ang kamatayan?
Napakadilim at napakalamig naman.
Tila nakalutang ako sa hangin.

"Aura! Aura!"

Bigla kong iminulat ang mga ko.

"Aura.. mahal ko."

Hinawakan nya ang pisngi ko. Napa-init ng kamay nya.

"Lucifer.. mahal ko.." bulong ko.

Nalasahan ko ang sarili kong dugo sa bibig ko. Malala ang sugat sa dibdib ko. Al
am ko na hindi na ako magtatagal.

"S-Si Sa..tanas.."
"Wala na sya mahal ko," bakas ko ang takot sa mga mata nya "Pinatay ko na sya. H
indi ka na nya masasaktan. Dito ka lang Aura. Hwag kang matutulog. Dito ka lang.
"

Ngumiti ako.
Buhat nya ako, lumipad sya sa himpapawid.

"H-Hind ka pwedeng mawala sakin, dito ka lang Aura.." mabilis nyang sabi sa akin
"Dito ka lang. Hwag mo akong iiwan."

Pinilit ko na sundin sya. Marami nang dugo ang nawawala sa akin. Alam ko na mala
pit na ang oras ko. Hindi sinasabi sa amin kung ano ang mangyayari sa isang angh
el kung mamamatay sila. Katulad ba ng demonyo na basta nalang mawawala?

"Uriel!" sigaw ni Lucifer.


"Lucifer, ano ang ginagawa mo dito?"
"Si Aura, kailangan nya ng tulong!"

Tinignan ako ni Uriel na may bakas ng awa sa mata. Alam ko na ang sagot bago pa
nya ito sabihin. Tanggap ko na 'yon. Tanggap ko na ang kapalaran ko.

"Wala na akong magagawa sa kanya," inaasahan ko na sabi nya.


"Hwang mong sabihin 'yan! Nasan si Ama?! Sa kanya ako hihingi ng tulong!"
"Wala si Ama rito Lucifer, inaayos nya ang problema sa lupa. Kahit na nandito pa
sya, wala na syang magagawa sa anghel."
"ITO BA?! Nakipaglaban kami, itinaya ang buhay para sa kanyang kaharian pero ito
ang igaganti nya sa amin?!"
"Hwag mong pagsalitaan nang ganyan si Ama, Lucifer!" sigaw sa kanya ni Uriel.
"Bakit Uriel? Hindi ba at totoo naman? Nawala sa'yo si Karisma dahil hindi sya i
niligtas ni Ama! Nawala sa'yo ang babaeng mahal mo at hindi ka man lang nya tinu
lungan!" sigaw pabalik ni Lucifer.

Hindi nakasagot si Uriel.

"Lu..cifer.. tama na..." nahihirapan akong huminga.

Hindi ko na makita ang mukha nya. Nanlalabo na ang paningin ko.

"Aura! Pangako gagawin ko ang lahat mabuhay ka lang," naramdaman ko syang muling
lumipad.
"Lucifer!" boses ni Uriel.

Hindi ko na makita kung saan sya pumunta. Nararamdaman ko lang ang hangin sa
Lucifer..

"Hindi ka mawawala. Hindi pwede Aura. Hindi ka pwedeng mawala sa akin. Hindi ka
pwedeng umalis."

Nanlalamig na ang buong katawan ko. Nararamdaman ko na ang unti-unting paghina n


g pakiramdam ko. Hindi ko na magawa pang ibukas ang bibig ko para tawagin ang pa
ngalan nya.
Hindi ko alam kung nakasara na ba ang mga mata ko o hindi. Wala na akong makita.
Napakadilim na.

"HECATE!!"

Hecate.. Bakit.. Bakit sya lumapit sa Dyosa ng Mahika?

"HECATE!! Alam kong nandyan ka!! Magpakita ka!!"


"Ano ang kailangan mo Anghel?" isang malamig na boses ng babae ang sumagot.
"Tulungan mo ako! Tulungan mo si Aura!"
"Wala na akong magagawa pa para sa kanya"
"May kakayahan ka! Alam ko na kaya mo syang tulungan."
"Espada ni Satanas ang pumasok sa dibdib nya. Alam mo ba kung saan gawa ang espa
da na 'yon? Isang libong kaluluwa! Sa oras na matamaan ka ng espada nya, hihigup
in nito ang kaluluwa mo. Ito ang nagpapalakas sa espada nya. Unti-unti nang kinu
kuha ng espada ang buhay ng anghel na yan. Mawawala na sya. Tanggapin mo na."

Tama sya. Nararamdaman ko na ang pagkawala ko. Tanggap ko na. Pero si Lucifer..

"Tumigil ka! Hwag mong sabihin 'yan! Gumawa ka ng paraan! Handa kong ibigay ang
kahit na ano! Gumawa ka lang ng paraan para mabuhay sya.. Kahit ano Hecate."

Lucifer..

"Kahit ang iyong mga pakpak?"

Hindi.. Hwag ang mga pakpak nya. Lucifer. Pabayaan mo nalang ako.

"Ibibigay ko sa'yo kahit na ano. Kahit ang buhay ko pa Hecate," matigas na sabi
ni Lucifer.

Unti-unting nadudurog ang puso ko.

"Sige Anghel," pagpayag ni Hecate "Bunutin mo ang mga pakpak mo at ibibigay ko s


a anghel na yan ang isang buhay na walang hanggan.."
"Pagagalingin mo ba sya?"
"Hindi ko na magagawa pa 'yon. Kailangan nyang mamatay. Muli syang mabubuhay mak
alipas ang dalawang libong taon. Mabubuhay sya sa mundo ng mga mortal."
"Dalawang libong taon?!"
"Kailangan ko ang espada ni Satanas. Dalawang libong tao ang kailangan ko para m
uling kunin ang kaluluwa nya sa loob nito."

Lucifer... Hwag mong gagawin. Kung hahawakan mo ang espada nya.. Hindi ka na maa
ari pang bumalik sa langit.

"Sana lang ay alam mo kung ano ang mangyayari sa oras na hawakan mo ang espada n
ya. Kung tama ang hula ko na patay na sya, kailangan ng bagong hari ng impyerno.
"
"Nang talikuran ng langit si Aura, tinalikuran ko na rin sila."

Hindi Lucifer. Hwag mong gawin..

"Maghihintay ako.." matatag na sabi nya, bakas ang lungkot sa boses nya "Hihinta
yin kita Aura. Muli tayong magkakasama mahal ko."

Iyon ang mga huling salita na narinig ko bago ako nawala nang tuluyan. Magkikita
kaming muli pagkalipas ng dalawang libong taon.

Itatama ko ang pagkakamali nya.

Kahit na ano pa ang mangyari, itatama ko ito.

(ITO ay flashback kung hindi pa halata.)


***~(*0*)~***
IX
Pagkagising ko mula sa mahimbing na pagkakatulog ko, agad kong napansin ang dala
wang bagay. Una, nawala na ang sakit sa dibdib ko na dulot ng pagkakasaksak saki
n ni Hecate, ang ikalawa ay ang mga boses na nag-uusap sa di kalayuan.
May isang boses sa isip ko na nagsasabing hwag ko munang ipaalam na gising na ak
o. Binuksan ko ang mga mata ko nang kaunti upang silipin ang paligid. Nasa loob
ako ng kwarto ko. Sa labas ng bahagyang nakabukas na pintuan, sa tapat ay may mg
a nag-uusap, nagtatalo.
Pinilit kong mabuti na pakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Ano sa tingin mo ang gagawin ni Lucifer sa oras na malaman nya na pinagtangkaan


mo ang buhay ni Aura? Naisip mo ba na palalalain mo lang ang sitwasyon Hecate?"
boses ni Miguel.
"May hindi magandang epekto sa mga mortal ang muling pagkabuhay ni Aura. May mas
malaking bagay na mangyayari sa hinaharap. Mas malaki pa kaysa sa digmaan ng mg
a demonyo at anghel," sagot ni Hecate.
"Pero hindi mo dapat ginawa 'yon kay Aura!" sigaw ni kuya Gabriel "Hindi ko mais
ip kung ano ang mangyayari sa kanya kung sakaling hindi ako lumabas mula sa kwar
to ko. Mabuti nalang at nandito ako sa bahay at hindi umalis! Ano nalang ang man
gyayari kung sakaling napatay mo nga ang kapatid ko--"
"Nakakalimutan mo na ba kung sino ka Gabriel? May misyon ka!" matigas ang pagkak
asabi ni Hecate. "Hindi mo sya totoong kapatid. Hindi ka mortal. Ipinadala ka la
ng dito para bantayan sya. Alam nating lahat na mangyayari ito. Darating sa punt
o na kailangan humantong ang lahat sa kamatayan nilang dalawa. Sila ang isinumpa
ng magkasintahan! Hindi sila maaaring magsama."
"Ang isinumpang dalawa ayon sa propesiya?" usisa ni Miguel.
"Oo, ang mga isinumpang anghel na hindi maaaring magsama. Sa oras na magkasama s
ila, magiging impyerno ang mundong ito. Magugulo ang mundo ng mga mortal," paliw
anag ni Hecate.

May nakabibinging katahimikan ang sumunod. Hindi ko maintindihan.. Isinumpang ma


gkasintahan?

"Kung ganon ano ang dapat nating gawin? Wala sa propesiya na isa sa atin ang dap
at pumatay kay... Aura, ibig sabihin ay nakatakda syang mabuhay," si Miguel ang
bumasag sa katahimikan.
"Kailangan nyang mamatay," ang matigas na sagot ni Hecate "Pinagsisisihan ko kun
g bakit ko sya binuhay pa. Nasira ko ang balanse ng mundo kaya naman magkakagulo
sa lupa. Maraming mortal ang mapapahamak. Maraming anghel ang mamamatay."

"Si Lucifer ang dapat na mamatay. Bakit hindi sya ang patayin mo Hecate?" tanong
ni kuya Gabriel.

Hindi kami maaaring magsama ni.. Lucci.. May kailangang mamatay sa amin?

"Hindi ko kayang tumapak sa mundo nya," sagot ni Hecate "Hindi ko kayang pumunta
sa purgatoryo. Masyado na rin syang lumakas simula nang huli naming pagkikita.
Dala nyo ba ang gintong punyal?"
"Oo, maingat ko iyong itinago. Yun nalang ang tanging sandata na maaaring pumata
y kay Lucifer. Masyado syang naging malakas sa paglipas ng dalawang libong taon,
" sagot ni kuya Gabriel sa kanya.
"Sadyang lalakas sya kung araw-araw ay ilang libong kaluluwa ang nakukuha nya,"
seryosong sabi ni Miguel. Nakakapanibago na marinig ang ganitong tono nya.
"Masyado nang dumarami ang mga masasamang mortal kung ganon," kumento ni Hecate.

Muli silang tumahimik. Nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang pinto. Nakati
ngin sa akin si Hecate.

"Ilang minuto ka nang gising Aura?" tanong ni Hecate.

Pumasok sa loob sina kuya at Miguel nang marinig ang sinabi ni Hecate. Tinignan
ko silang tatlo, may iba't-ibang emosyon na dumaan sa mga mukha nila. Pagkagulat
, pag-aalala.

"Aura!" lumapit si kuya sa akin.

Agad akong lumayo. Hindi ko sya kapatid. Isa syang anghel. Hindi sya tao. Niloko
nya ako. Alam rin kaya nila Mama at Papa ang tungkol dito?

"Aura.." malungkot na sambit ni kuya habang nakatingin sa akin.


"Alam na nya," sabi ni Hecate atsaka bumuntong-hininga.
"Oo, alam ko na gusto nyo akong patayin pati na rin si Lucci," mahinang sabi ko.
Tumingin ako kay Hecate "Natatandaan ko na sinaksak mo ako sa dibdib kanina. Mu
ntik mo na akong mapatay."
"Muntik lang," sabi nya na parang hindi importante 'yon "At ang isa pa, ibinigay
ko sa'yo ang buhay na yan. May karapatan akong kunin yan mula sa'yo."

"Nakipag-kasundo sa'yo si Lucifer," matiim ko silang tinitigan. "Isinuko nya ang


mga pakpak nya para sa buhay na 'to. Wala ni isa sa inyo ang may karapatan upan
g bawiin ito. Sya lang."

Natahimik sila sa sinabi ko. Naalala ko na. Isa akong anghel noon, namatay ako a
t muling nabuhay dahil kay Lucifer. Ang buhay ko ngayon ang kapalit ng paghugot
nya sa sarili nyang mga pakpak.
Hindi ko matanggap 'yon. Napakasakit ng ginawa nya sa sarili nya. Buhay ng isang
anghel ang mga pakpak nila, kung huhugutin nila ang mga 'yon, imposible pa na m
abuhay sila sa sobrang sakit.
Pero kinaya iyong lahat ni Lucifer. Wala sa kalingkingan ng ginawa ni Lucifer an
g ginawa ni Hecate upang ibigay sa akin ang buhay na ito.
Walang mas hihigit pa sa sakripisyo na ginawa nya.

"Aura bumalik ka na.." sabi ni Miguel na tila di makapaniwala.

Ngumisi si Hecate habang nakahalukipkip ang mga braso, nakasandal sya sa saradon
g pintuan ng kwarto. Nakatayo naman si Miguel, nakatingin sa akin. Napaupo naman
sa kama ko si kuya.. hindi.. hindi ko nga pala sya kapatid.

"Oo," pag-amin ko sa kanila "Bumalik na ang mga alaala ko. Naaalala ko na kung a
no ang nangyari."
Tinitigan ko ang dalawang anghel sa harap ko.
"Naaalala ko na rin kayo Gabriel.. Miguel."

"Kung narinig na nya ang lahat, kailangan syang ikulong sa bahay na ito bago pa
nya sabihin ang plano natin sa mahal nyang demonyo," suhestyon ni Hecate.

Tinitigan ako nila Gabriel at Miguel na parang nahahati ang desisyon.

"Hindi nyo na kailangan pang gawin 'yan, isa pa rin naman akong anghel.. dati,"
hindi ako makapaniwala na isa na akong mortal. Dati ay tagabantay lang nila ako
pero ngayon ay ako na ang binabantayan ng mga anghel. "Nasa pagkatao ko parin na
gawin ang tama."

Isa akong dating anghel, nilikha upang pagsilbihan si Ama pati na rin bantayan a
ng mga mortal dito sa lupa. Sa di inaasahang pangyayari, namatay ako.

Tinignan ko ang mga kamay ko.


Sino na ba ako ngayon? Isa na akong mortal, ito na ang mundo ko at hindi sa lang
it. Pero nananaig sa akin ang katarungan. Kailangan kong gawin ang tama.
Kailangan kong magsakripisyo para sa kanilang lahat.
Kailangan kong gawin ito.

"Ano ang ibig mong sabihin Anghel?" tanong ni Hecate na hindi inaalis ang mapanu
ring tingin sa akin.
"Kung sino man ang may karapatan na kunin ang buhay na ito, si Lucifer lang 'yon
," bulong ko "At kung sino man ang may karapatan na patayin si Lucifer, ako lang
'yon."

Natigilan silang tatlo. Hindi nila inaasahan ang mga sinabi ko. Kahit na ako ay
nasasaktan din sa gagawin ko.
Ang isipin na ako ang kailangang bumawi sa buhay ng mahal ko.. isa iyong napakab
igat na misyon na nakapatong sa balikat ko.

"Sinasabi mo ba na ikaw..." nag-aalalang bulong ni Gabriel.

Tumango ako.

"Kung plano nyo na kunin ang buhay ng mahal ko, ako ang dapat na gumawa nito at
hindi kayo."

***!!<(0__0)>!!***
X
Araw ng byernes nang napagdesiyunan kong sabihin kay Lucci ang pagbabalik ng aki
ng mga alaala. Napakalaki ng pagbabago na nakita ko ngayon sa mundo. Iba'ng iba
na ito kumpara sa kapanahunan ko noon. Noon bilang isang anghel na nakatanaw lan
g mula sa langit.
Masyado nang moderno ang panahon ngayon. Napakaraming bagay ang naimbento ng mga
tao na nakamamangha para sa akin.

Pumasok ako sa loob ng classroom. Sinadya kong agahan ang pagdating. Gusto ko sy
ang makausap.

Pagka-upo ko sa upuan ko, lumingon ako sa likod. Wala pa sya. Nakapagtataka. Mad
alas ay sya ang laging nauuna.

Tumingin ako sa pinto. Inaabangan ko ang pagpasok nya.

"Aura pupunta ka sa acquaintance party diba?" tanong sa akin ng kaklase kong si


Kara.
"Uhm. Oo bukas 'yon diba?" sagot ko.
"Oo," may inilapag sya sa lamesa ko na listahan. "List yan ng mga siguradong pup
unta. Pa-sign nalang sa tapat ng pangalan mo."
"Okay," kinuha ko ang ballpen at nilagyan ng pirma ang tapat ng pangalan ko.
"Oo nga pala, magiging formal ang theme."
"Formal?"
"Oo, dapat kasi overnight swimming lang ang acquaintance pero dahil tag-ulan nga
yon ginawa nalang party. So i-ready mo na ang dress mo," nakangiti nyang sabi.
Kinuha na nya ang list at ipinapirma sa iba pa naming kaklase.

Nakapangalumbaba akong bumalik sa ginagawa ko kanina. Nakatingin sa may pintuan.


Hinihintay pumasok si Lucci. Ang tagal nya yata.
Napa-ayos ako ng upo nang maramdaman sya.
Lumingon ako sa likod ko. Sa dulo ng classroom nandon sya, nakaupo at nakatitig
ulit sa akin katulad ng palagi nyang ginagawa noon. Kanina pa ba sya roon?
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita sya. Ang mahal kong si Lucifer. Nabalot
ng saya ang puso ko nang makita sya. Ngumiti ako sa kanya.
Dala ang mga gamit ko ay tumayo ako at nilapitan sya. Ito ang unang beses na ako
ang kusang lalapit sa kanya.
Inilapag ko ang gamit ko sa mesa na katabi ng kanya, umupo ako sa tabi nya.
Tinignan ko sya at hinawakan sa kamay. Nahapit nya ang hininga nya nang gawin ko
'yon. Naramdaman ko ang init ng kamay nya pati na rin ang sensasyon na dumaloy
sa akin nang hawakan ko sya.
Tila napakatagal na panahon na rin simula nang magsama kami, dalawang libong tao
n. Kahit kakakita palang namin kahapon, hindi ko maiwasan na hanap-hanapin ang p
resensya nya. Gusto ko palagi ko syang kasama.
Ngayon alam ko na kung bakit kahit wala ang alaala ko sa kanya ay kakaiba na ang
nararamdaman ko kapag wala sya o kapag malapit sya. Mahal ko sya. Hindi ko mait
atanggi 'yon. Mahal ko si Lucifer. Mahal na mahal ko sya.

"Bakit ka dito palaging umuupo mahal ko? Bakit hindi sa tabi ko?" tanong ko sa k
anya.

Nakatingin sya sa magkahawak na kamay namin na nasa lamesa. Hinigpitan ko ang ha


wak ko sa kamay nya. Inangat ko yon at marahang idinampi sa labi ko. Pinagmamasd
an lang nya ako habang ginagawa ko 'yon.
Binitawan ko ang kamay nya, hahawakan ko sana ang mukha nya pero mabilis nyang k
inuha ang kamay ko pabalik at mahigpit iyong hinawakan.
Ngumiti ako sa kanya nang tignan nya ang mukha ko.

"Mahal ko may problema ba?" tanong ko. "Bakit ang tahimik mo?"
"Tinawag mo akong mahal ko," bulong nya. Nakikita ko sa mga mata nya ang labis n
a pagkalito.
Hinaplos ko ang pisngi nya.
"Bakit hindi? Mahal naman kita," sagot ko.
Natahimik sya sandali.
"Mahal mo ako?" hindi makapaniwalang tanong nya.
"Oo, mahal kita," mabilis kong sagot. "Alam mo naman 'yon diba"
Tinitigan lang nya ako.
Bumuntong hininga ako.
"Mahal ko, alam ko na nakalimot ako. Sana mapatawad mo ako kung nasaktan kita sa
mga inasal at nasabi ko sa'yo nang mga panahon na hindi kita nakilala. Pero gus
to ko na mag-umpisa tayo'ng muli," tinitigan ko sya sa mga mata "Pwede ba tayo'n
g mag-umpisa muli mahal ko?"

Bilang sagot ay mabilis nyang inangkin ang aking labi. Malalim at ubod ng pagmam
ahal nya akong hinalikan.
Mabilis ko sya itinulak nang maalala kung nasaan kami.

"Lucci.." kapos sa hiningang tawag ko sa kanya "Hwag dito.."


Tumayo sya at binuhat ako.
Sa isang iglap ay naglaho ang mga nasa paligid namin, napalitan iyon ng isang ba
gong lugar. Ito ang silid na pinagdalhan nya sa akin nang may mangyari sa amin.
"Nasaan tayo?" tanong ko.

Maingat nya akong inihiga sa kama. Muli syang tumayo at hinubad ang pang-itaas n
a damit nya. Lumuhod sya sa kama at unti-unting pumaibabaw sa akin.
"Sa tinutuluyan ko habang nasa mundo ako ng mga mortal," muli nyang hinalikan an
g labi ko "Sabihin mong mahal mo ako. Gusto kong marinig mahal ko."

Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi. Tinitigan ko ang mga mata nya, ang mins
ang asul nyang mata ay napalitan ng kulay pula. Tanda ng pagtataksil nya sa lang
it, tanda ng walang hanggan na pag-ibig nya para sa akin.
Mas lalo lang lumalim ang pagmamahal ko para sa kanya.
"Mahal kita Lucifer.." marahang sabi ko "Mahal na mahal."
"Naaalala mo na ako mahal ko?" tanong nya.
"Oo. Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang kalahati ko. Mahal na mahal kita."

Isang maalab at malalim na halik ang pinagsaluhan namin. Muli, nauwi 'yon sa pag
bibigay ko sa kanya ng sarili ko. Hindi ko 'yon pagsisisihan, habang buhay kong
itatatak sa isip ko ang pag-iisa ng mga katawannamin. Niyakap ko sya nang mahigp
it at tinugon ang bawat halik nya.
Napa-iyak ako sa saya at lungkot.
Maaaring ito na ang huling beses na gagawin namin ito. Ito na ang huling beses n
a magiging masaya kaming dalawa. Ang huling beses na magkakasama kami.

***
"Sabihin mo ulit.." bulong nya habang pinaglalaruan ang ilang hibla ng buhok ko
"Sabihin mo na sa'kin ka lang.."
Ngumiti ako habang nakapikit ang mga mata. Pinakikinggan ko ang tibok ng puso ny
a. Mahigpit ko syang niyakap at isiniksik ang sarili ko sa dibdib nya.
"Sa'yo lang ako mahal ko. Sa'yo lang."
Hinawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa dibdib nya. Hinalikan nya iyon.
"Napakasaya ko mahal ko.." hinalikan nya ang noo ko "Masaya ako dahil bumalik ka
na.."
Niyakap nya ko nang mas mahigpit.
"Masaya rin ako mahal ko, hinanap mo ako.." sagot ko at tinitigan sya sa mga mat
a "Hindi ka sumuko sa pagmamahal mo sa'kin."
Ngumiti sya.
"Gusto mo na bang sumama sa'kin mahal ko?" tanong nya "Gusto mo na ba'ng makita
ang kaharian na ginawa ko para sa'yo?"

Para makapunta ako don, kailangan nyang gamitin sa akin ang gintong punyal na ip
inakita nya sa akin noon. Katulad ng kay Hecate, kaya nitong tapusin ang buhay k
o. Ang ipinagkaiba, buburahin ng kay Hecate ang kaluluwa ko, at ang kay Lucci na
man ay ipadadala ako sa impyerno.
Sandali akong nanahimik at nag-isip.

"Bukas ng gabi.." sagot ko "Gusto kong pumunta tayo sa isang pagdiriwang. Gusto
kong makasama ka sa pagdaraos na 'yon."
"Isang pagdiriwang?"
"Oo mahal ko, masaya 'yon. Bago mo ako isama sa mundo mo, maaari ba na pumunta m
una tayo doon?"
Ngumiti sya habang hinahaplos ang pisngi ko.
"Kung 'yan ang makapagpapasaya sa'yo mahal ko."
Nginitian ko sya. Inangat ko ang ulo ko at hinalikan sya sa labi.
"Maraming salamat mahal ko.."

Muli kong ipinatong ang ulo ko sa dibdib nya.


Bukas ng gabi, doon ko gagawin ang plano ko.
Unti-unting dinudurog ang puso ko sa naiisip ko. Kailangan kong kayanin, ito ang
tamang gawin. Kailangan kong isakripisyo ang pagmamahalan namin para sa ikabubu
ti ng iba. Sa ikabubuti ng mundong ito. Kailangan kong ibalik ang balanse ng mun
do.
Patawarin mo ako mahal ko.
Patawarin mo ako sa gagawin ko.

***#(TT^TT)#***
XI
Tumigil ang sasakyan namin sa tapat ng engrandeng Green Leaf Hotel. Sa loob nito
idaraos ang kasiyahan.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo Aura?" puno ng pag-aalala na tanong sa akin ni Gab


riel.

Napag-usapan na namin ang plano, pero palagi nya parin akong tinatanong. Parehas
sila ni Miguel na di sangayon sa gagawin ko. Mas gusto nila na sila ang gumawa
ng misyon ko. Masyado daw itong delikado, ngayon pa na isa lamang akong mortal.
Iniisip nila ang posibilidad na malaman ni Lucci ang tungkol sa pagtataksil ko s
a kanya at sa plano ng pagpatay ko sa kanya.

"Ilang beses ko ba'ng kailangan ulitin Gabriel?" napapagod na sagot ko "Hindi ko


hahayaan ang isa man sa inyo na galawin sya. Sa akin nakapatong ang responsibil
idad na ito. Ako lang dapat ang tumapos nito, hindi nyo kailangan makialam."
"Pero--"
"Ibigay mo na sa kanya ang gintong punyal Gabriel," utos sa kanya ni Hecate.

Magkatabi silang dalawa sa unahan ng kotse, nasa likod naman kami ni Miguel. Bum
untong hininga si Gabriel bago kunin ang punyal at ibigay sa akin.

"Sasamahan kita sa loob," sabi ni Miguel.


"Kaya ko'ng mag-isa," sagot ko. Itinago ko ang punyal sa maliit kong hand bag.
"Aura," pigil sa akin ni Miguel bago ko buksan ang pinto ng kotse
Nilingon ko sya.
"Manonood parin kami sa mangyayari, kung hindi umayon ang lahat sa plano," tumig
il sya sandali para titigan ako sa mga mata "Pasensya na pero kami ang tatapos s
a nasimulan mo."
Dumilim ang tingin ko sa kanya. Hindi ako anghel, isa na lamang akong mahinang m
ortal ngayon pero hindi ako kasing hina nang iniisip nila. Alam ko ang ginagawa
ko.
"Hinding hindi mangyayari 'yan," sagot ko saka lumabas ng kotse.

Malamig na hangin ang sumalubong sa akin paglabas ko ng kotse. May isang valet n
a lumapit sa akin at pinayungan ako, umaambon. Inangat ko ang laylayan ng palda
ko. Nakasuot ako ng pinaghalong teal at gold na dress. Mahaba ito na abot hangga
ng sa paa ko, nakabukas ang likod nito at hugis puso ang disenyo ng sa harap. Is
ang eleganteng damit para sa isang epesyal na okasyon. Ngayong gabi, mababahiran
ng dugo ng mahal ko ang aking mga kamay.
Nilunok ko ang sakit na gustong umahon sa puso ko, muli ko iyong ibinaon sa pina
kamalalim na parte ng puso ko. Hindi ako maaaring magkamali ngayon, hindi ako ma
aaring matakot. Malaking pagkakamali ang ginawa nya, mahal ko man sya o hindi, i
to ang tamang gawin. Nabubuhay lamang kami para protektahan ang mga mortal. Kami
ang mga taga-gabay nila. Pero si Lucci, napakarami na nyang inempluwensyahan na
mga mortal upang gumawa ng masama. Napakarami na ng mga kaluluwa na kinukuha ny
a, halos doble noong si Satanas pa ang hari.
Hindi ko alam na magiging ganito sya kasama.

Hindi ko kailanman naisip na darating sa punto na ako pa ang kailangan tumapos s


a kanya.

"Mahal ko," bati nya nang makita ako.

Ngumiti ako sa kanya. Pormal ang suot nya, wala ang bonnet sa ulo nya. Pero hind
i naman 'yon pansin ng mga tao. Hindi nila pansin ang dalawang maliit na sungay
sa ulo ni Lucci na bahagyang natatakpan ng pulang buhok nito. Sa tingin ko ay da
hil ito sa pagkontrol nya sa isip nila.
Naalala ko nang mga anghel pa kami. Nagliliwanag ang buong paligid dahil sa kany
a. Walang kayang tumapat sa kakisigan at lakas na taglay nya noon. Isa syang per
pektong anghel na may mataas na posisyon sa langit. Isa lamang akong pangkaraniw
ang anghel noon, mahina. Pero pinili nya parin ako. Tinuruan nya ako na maging m
alakas. Minahal nya ako nang lubos.
Ngayon iba na. Ibang liwanag na ang nakapaligid sa kanya. Ang dating puti ay nag
ing pula. Ang dating pagmamahalan namin ay mababahiran na ng kataksilan.

"Lucifer.." tumigil ako sa harap nya "Kanina ka pa ba?"


Ngumiti sya at pinagmasdan ako sandali.
"Napakaganda mo ngayong gabi mahal ko," ngumiti sya.

Kinuha nya ang pulang rosas sa dibdib nya at inilagay sa buhok ko. Pinagmamasdan
ko lang sya habang ginagawa iyon. Nakangiti sya, masaya sya ngayon. Mas dumoble
ang sakit sa puso ko. Kahit ano pa ang pigil ko, hindi ko parin mapigilan na ma
saktan. Sobra ko syang mahal, pero bakit kailangan mangyari ito sa amin? Bakit k
ami pa?
Niyakap ko sya nang mahigpit nang matapos nyang ayusin ang rosas sa buhok ko. Ka
ilangan ko syang maramdaman. Kailangan ko sya sa tabi ko.

"Ilang oras nalang mahal ko.." bulong nya sa tenga ko habang nakayakap din sakin
"Magsasama na tayo sa kaharian na ginawa ko para sa'yo. Hinding hindi na tayo m
aghihiwalay pa."
"Talaga mahal ko?" nakangiti akong tumingin sa kanya "Hindi na ako makapaghintay
."

***
Pormal ang party sa loob ng malaking bulwagan. Walang upuan kaya naman nakatayo
kaming lahat. May kanya-kanyang matataas na lamesa na pabilog kung saan may naka

patong na mga bulaklak. May buffet table at mga waiter na naglalakad na may dala
ng mga baso na may lamang alak ang iba naman ay mga pagkain.
Kanina pa nag-umpisa ang party. Ang saya nilang lahat habang nagsasayawan sa tug
tog na likha ng mga musikero sa stage.

"Hi Aura!" lumapit sa amin si Kara na may dalang camera "Kukunan ko kayo ng pict
ure ni Lucci okay lang?"

Tumingin ako kay Lucci. Mukhang hindi sya komportable. Niyakap ko lang ang braso
nya at nginitian sya.

"Oo sige," sagot ko kay Kara.


"Okay! One, two.." bilang nya "Three! Ayan.. Ang cute nyo!"
Umalis na si Kara at naiwan na naman kami ni Lucci na nakatayo sa harap ng isang
lamesa.
"Halika," yaya ko sa kanya "Mag-sayaw tayo."

Mukhang ayaw nya pero nang makita nya ang ngiti ko sa kanya, pumayag na rin sya.
Pumunta kami sa gitna kasama ang iba pang pares na nagsasayaw. Mabagal at malun
gkot ang tugtog. Tinitigan ko ang mga mata nya. Kahit man lang sa paraan na ito,
mayakap ko sya nang matagal.

***
"Gaano mo ako kamahal Lucci?" tanong ko habang naglalakad kami sa hardin ng hote
l.
"Higit pa sa buhay ko," diretso at seryoso nyang sabi.
Tila may humarang sa lalamunan ko. Pilit ko iyon nilunok at huminga ako nang mal
alim. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin ako sa langit.
"Hindi ka ba nagsisi? Na isinuko mo ang mga pakpak mo para lang mabuhay ako?"
"Hindi kailanman mahal ko," niyakap nya ako mula sa likod "Wala nang mas hahalag
a pa sa'yo."

Hinawakan ko ang kamay nya. May tumulong luha sa mga mata ko. Pinunasan ko iyon
bago humarap sa kanya. Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi at hinalikan ko sy
a sa labi. Mabilis syang gumanti sa halik at niyakap ako nang mahigpit, hindi sy
a nag-iwan ng puwang sa pagitan ng mga katawan namin.
Iniyakap ko sa likod nya ang mga kamay ko. Dahan dahan kong kinuha ang gintong p

unyal sa loob ng maliit na bag na dala ko.


Ito na ang oras na kailangan kong gawin ito. Nanginginig ang mga kamay ko habang
itinututok sa likod nya ang maliit na kutsilyo. Ang banal na punyal na sisira s
a kaluluwa nya at sa kahit na anong klase ng demonyo.
Lahat ng alaala naming magkasama ay dumaan sa isip ko. Nalasahan ko ang luha ko
sa pagitan ng halik namin.
Tumigil sya sa paghalik sa akin at naguguluhan na tinignan ang mukha ko.

"Bakit mahal ko?" tanong nya.


"M-Mahal kita," umiiyak na saad ko "Mahal na mahal kita."
"Alam ko," ngumiti sya "At magsasama na tayo habang buhay."

Hinawakan ko gamit ang dalawang kamay ang punyal. Patuloy parin sa panginginig a
ng mga kamay ko habang nakatutok ito sa likod nya.

"Patawarin mo ako.." puno ng sakit na sabi ko sa kanya "Patawarin mo ako mahal k


o.."

Inilayo ko nang kaunti ang punyal mula sa likod nya. Kumuha ako ng bwelo. Nagbil
ang ako bago ko mabilis na ginalaw ang mga kamay ko. Kailangan kong gawin ito...
Kailangan kong gawin para sa kabutihan nang mas nakararami..

"Ako rin mahal ko.." bulong nya.

Nabitawan ko ang punyal. Nakaramdam ako ng sobrang sakit mula sa likod ko. Bigla
akong nanghina, sinalo nya ako nang matumba ako. Tinignan ko sya sa mukha. Puno
ng pighati at lungkot ang mga mata nya.

"Patawarin mo ako," bulong nya bago halikan ang noo ko "Sandali lang ang sakit m
ahal ko. Pag-gising mo, nasa kaharian na tayo. Matulog ka muna, dito lang ako sa
tabi mo pangako."

Nabigo ako. Tumingin ako sa langit. Tila nagdadalamhati sila sa nangyari. Pumata
k isa-isa ang butil ng ulan. Nakita ko sina Gabriel at Miguel sa di kalayuan bag
o ako nawalan ng malay.

***!!!<(0__0)>!!!***
Reincarnation of Lucifer [Fin] - XII (p.1 of 9)
XII
Pagmulat ng mga mata ko, muli kong narinig ang mga boses na sumisigaw sa aking p
anaginip. Mga boses ng mga nahihirapan at sinusunog na kaluluwa sa impyerno.

"Iligtas nyo po kami!"


"Nagsisisi na po kami Ama!"
"Mainit! Napakainit!"
"Tulungan nyo ako!"
"AAAAAAAAAHHHHH!!"
"Ayoko dito! Hindi ako dapat dito!"

Ito'ng ito ang laman ng mga panaginip ko. Ang ipinagkaiba lang, ngayon alam ko n
a totoo na ito at hindi na panaginip. Namatay ako at napunta sa kaharian ni Luci
fer ang kaluluwa ko. Pinatay nya ako.
Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa mga boses na naririnig ko. Tumayo ako
at naglakad patungo sa liwanag. Tila nasa loob ako ng isang kweba. Nagbabagang a
poy ang sumalubong sa akin sa labas. Ang buong paligid ay nababalutan ng apoy.
Sobrang init. Ito na ba ang impyerno? Mukhang nasa loob kami ng isang pumutok na
bulkan. May mga kaluluwa ng tao na nalulunod sa kumukulong lava. May mga demony
ong kulay pula ang buong katawan, may sungay at nakakatakot na mukha ang naglala
kad sa paligid. Pinagmamasdan at pinagtatawanan nila ang mga nahihirapang kalulu
wa. Ang iba naman sa kanila ay may hawak na latigo at hinahampas sa likod ang il
ang kaluluwa na nakatali sa isang malaking bato, pagkatapos ay itatapon nila ang
bato na yon kasama ang nakatali sa kumukulong lava.

"Nagustuhan mo ba mahal ko?" ang tanong ng isang pamilyar na boses.

Tumingin ako kay Lucifer. Tila mas umangat ang kapangyarihan nya ngayong nasa mu
ndo na nya kami. May pulang liwanag ang nakabalot sa kanya, mas maliwanag at mas
mapula na tila dugo. Tila mga sumasayaw na apoy sa kanyang katawan. Mas malaki
na rin ang sungay sa ulo nya. Isang ngiti ang rumehistro sa kanyang mala-anghel
na mukha. Iniliyad nya sa harap ko ang kanyang palad.

"Halika mahal ko, pagmasdan mo sila. Pagmasdan mo ang kaharian na ginawa ko para
sa iyo. Nagustuhan mo ba?"
"Lucci.. Ano'ng ginawa mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Mahal ko," lumapit sya sa akin nang nakangiti "Sa wakas hindi na tayo magkakahi
walay pa. Sabay nating pamumunuan ang kaharian na ito. Ikaw ang magiging reyna k
o."
"Hindi.." bulong ko "Hindi.. Hindi.." umiling ako.

Napaupo ako. Nabigo ako. Sunod-sunod ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Nabigo
ako. Nabigo ako sa misyon ko, hindi ko sya napatay. Hindi ko nagawa. Kasalanan
ko 'to. Tinakpan ko ang magkabila kong tenga para hindi marinig ang mga iyak ng
kaluluwang sinusunog. Mas dadami pa sila ngayon, dadami ang krimen sa mundo ng m
ga tao at patuloy na dadami ang mga kaluluwa na susunugin sa impyerno. Hindi dap
at ganito.

"LUCIFER!!!!!!!!"

May sumabog na puting liwanag sa harap namin. Mula doon ay lumabas sina Uriel, M
iguel at Gabriel. Nakaputi sila at nababalutan ng gintong baluti, nakalabas ang
mga pakpak. May mga hawak na espada.

"AAAHHHHHHH!!!!" sigaw ng ilang demonyo sa paligid namin. Nakatakip sila sa mga


mukha nila na parang nasisilaw. Maya-maya lang ay nasunog sila at nawala na.

"MGA ANGHEL!! ANO'NG KARAPATAN NYONG PUMASOK SA KAHARIAN KO?!!" sigaw ni Lucifer
saka bumunot ng espada. Malaki at kulay pula ang espada nya. Naalala ko na ito
rin ang espada na pumatay sa akin dalawang libong taon na ang nakararaan.
"IBIGAY MO SA AMIN SI AURA! ALAM MONG HINDI SYA DAPAT NA NARIRITO!" sigaw ni Gab
riel.
"Mamamatay muna ako bago nyo sya makuha mula sa akin!" nagngingitngit sa galit n
a sagot ni Lucifer. "SA AKIN LANG SYA!"
"KUNG GANON SA NGALAN NI AMA, MAMAMATAY KA!" sabi ni Miguel habang nasa itaas pa
rin.
"HWAG KAYONG PAKASIGURO!! NASA KAHARIAN KO KAYO!!" sagot ni Lucifer.

May mga matataas na uri ng demonyo ang lumitaw, may suot silang baluti at hawak
na espada. Sumugod sila kina Uriel, Gabriel at Miguel. Tatlong arkanghel laban s
a isang batalyon ng mga demonyo. Wala akong magawa kundi ang panoorin ang labana
n. Mas maraming demonyo ang namamatay ngunit hindi sila nauubos. Sa tuwing may m
amamatay, may agad na papalit sa kanila.
May humawak sa akin at inangat ako.

"Mahal ko, hwag kang mag-alala. Hindi ko sila hahayaan na paghiwalayin tayong mu
li," sambit sa akin ni Lucifer habang buhat nya ako sa mga braso nya "Papatayin
ko sila. Papatayin ko lahat nang magtangka na paghiwalayin tayong dalawa."
"Lucifer.." umiiyak na tawag ko sa kanya "Itigil mo na ito.."
"Hwag kang umiyak mahal ko.. AH!"
May dumaplis sa pisngi nya, umagos ang itim nyang dugo mula roon. Napalingon ako
sa lumipad na bagay. Nakita ko ang gintong punyal na tumama sa isang malaking b
loke ng bato.
"LUCIFER!!!!!!!"

Nabitawan ako ni Lucci nang dambahin sya ni Miguel. Bumangon ako at nakita na na
glalaban silang dalawa. Espada sa espada.
Napaatras ako nang dumami at mas naging mahigpit ang laban ng mga demonyo at ng
tatlong anghel. Kinuha ko ang gintong punyal mula sa pagkakatarak nito sa bato.
Mahigpit ko itong hinawakan sa mga kamay ko.
Makaraan ang napakatagal na oras, nakikita ko na ang resulta ng laban. Gaano man
kalakas ang tatlong arkanghel, wala silang laban sa isang batalyon ng mga matat
aas na antas na mga demonyo. Tama si Lucifer, nasa kaharian nya ang tatlo. Wala
silang laban.

"AAAAHH!!"
Agad akong napalingon sa direksyon nila Miguel at Lucifer. Nakahiga at sugatan s
i Miguel, nakatayo naman si Lucifer at nakadagan ang isang paa nito sa dibdib ng
anghel. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, matutuwa ba ako dahil ligta
s ang mahal ko o matatakot para sa buhay ng kaibigan ko?
"Ano ang pakiramdam anghel?" tanong ni Lucifer kay Miguel "Ano ang pakiramdam na
pabayaan ka ng itinuturing mo'ng Ama?"
"Hindi ko alam Lucifer," nakangiting sagot ni Miguel sa kabila ng sakit na narar
amdaman nya "Bakit hindi ikaw ang sumagot dyan? Alam mo ang pakiramdam hindi ba?
AAAH!!" daing ni Miguel ng diinan ni Lucifer ang tapak nito sa dibdib nya.
"Hangal na anghel. Ito ang nakukuha ng mga hangal na katulad mo, kamatayan!"
"Mas hangal ka Lucifer.. dahil tinalikuran mo si Ama.." may dugong lumabas sa bi
big ni Miguel.
"Bakit hindi ka nalang mamatay?" madilim ang mukha na sambit ni Lucifer bago ian
gat ang kanyang espada.
"Naaawa ako para sa'yo Lucifer.." umubo ng dugo si Miguel "Hindi mo alam kung an
o ang idinulot mong sakit sa pinakamamahal mo.."

Tumingin sa akin si Miguel, nakangiti sya habang naghihintay ng kamatayan nya. T


umigil ang tibok ng puso ko. Hindi ito dapat nangyari. Kailangan kong mamili. Ka

ilangan ko ng desisyon at alam kong habangbuhay kong sisisihin ang sarili ko sa


gagawin ko.
Mabilis akong tumakbo at isinaksak sa likod ni Lucifer ang gintong punyal. Naram
daman ko ang sakit ng ginawa ko sa puso ko, para ko naring sinaksak ang sarili k
o.
Isang mahabang katahimikan ang sumunod.

"Patawarin mo ako mahal ko," malakas na iyak ko sa kanyang likod.


Narinig ko ang pagbagsak ng kanyang espada.
"Patawad.. Patawarin mo ako!" sigaw ko sa gitna ng pag-iyak ko.
Hinarap ko sya at tinignan sa mukha. Bakas ng pagdurusa ang mukha nya, nandon an
g katanungan sa mga mata nya na parang hindi makapaniwala sa nangyari.
Napaluhod sya sa lupa at tumingin sa dibdib nya. May itim na tila ugat ang kumal
at sa buo nyang katawan. Mas lumakas ang iyak ko.
"Patawarin mo ako. Patawad mahal ko.."
"Bakit Aura.." bulong nya bago tuluyang napahiga "Bakit?"
Lumuhod ako at umupo sa tabi nya. hinawakan ko nang mahigpit ang kamay nya. Unti
-unti nang nawawala ang apoy sa paligid ng katawan nya. Kasabay non ang pagliit
ng sungay nya.
"Hindi tama ang ginawa mo mahal ko," hinawakan ko ang pisngi nya "Hindi mo dapat
sinuway si Ama. Hindi mo dapat ako binuhay pa. Hindi mo dapat sinira ang balans
e ng mundo."
"Mas pina..halagahan mo ang mga mortal.. kaysa sa pagmamahalan natin?" tanong ny
a.
Umiling ako.
"Hindi ko kayang makita na ang kapalit ng pagmamahalan natin ay ang pagkamatay n
g napakaraming inosenteng tao.. Hindi ko kaya.."
Huminga sya nang malalim na tila sumusuko na. Tumingin sya sa akin. Wala akong n
akikitang galit sa mga mata nya sa ginawa ko sa kanya.
"Mahal.. na mahal kita.." sambit nya at nakita ko na lumuha sya ng dugo "Mas nan
aisin ko ang mamatay kaysa mawala ka sa'kin.."
Mas lumakas ang iyak ko. Mahigpit kong hinawakan ang kamay nya habang nakatingin
sa mukha nya. Hinalikan ko ang kamay nya.
"Mahal kita Lucifer.. Kung maibabalik lang ang panahon.. Kung naging normal lang
sana tayo.." niyakap ko sya nang mahigpit "Kung may magagawa lang sana ako para
sa ating dalawa mahal ko.."
Hinaplos nya ang buhok ko. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak sa dibdib nya.
"Mahal ko.." bulong nya. "Siguro nga.. ito ang nakatakda para sa ating dalawa."

Humiwalay ako sa yakap at muli syang tinignan. Kumalat na rin ang itim na linya
sa mukha nya. Inangat nya ang kamay nya. Kinuha ko 'yon at idinikit ang palad ny
a sa pisngi ko.
"Pata..warin mo ako kung naisama kita.. sa impyerno.." mahinang sabi nya na puno
ng pagsisisi ang mga mata "Sana.. hindi ka Nya pabayaan ngayon.. Sana.. tanggap
in ka Nyang muli... bilang anghel sa.. kaharian nya."
"Hwang mo akong alalahanin mahal ko.." umiling ako at paulit-ulit na hinahalikan
ang kamay nya.
"Aura.." habol ang hiningang tawag nya sa pangalan ko "Mahal.. na ma..hal kita..
"
Ipinikit na nya ang mga mata nya. Nawala na ang maputla nyang balat, nabalutan n
a ito ng kulay itim. Ang buong katawan nya ay ay nabalutan ng kulay itim, indika
syon ng kanyang pagkamatay.
"Luci... mahal ko!!" niyugyog ko ang katawan nya pero hindi na sya gumalaw pa "M
ahal ko!! LUCIFER!!"

Wala na sya. Wala na sya! Pinatay ko sya! Bakit kailangan pang mangyari sa amin
ito?! Bakit kami pa ang kailangan dumaan dito?! Niyakap ko ang katawan nya at um
iyak nang umiyak. Sumigaw ako nang sumigaw para mailabas ang sakit sa dibdib ko.
Hindi ako makahinga. Sobrang sakit. Paulit ulit kong tinawag ang pangalan nya.
Wala na sya.
Nagdaan ang ilang oras, mukhang naubos ang luha sa mga mata ko. Tulala lang akon
g nakayakap sa kanya. Hindi ko sya magawan iwan. Hindi ko sya iiwan. Ang sabi ny
a gusto nyang sa tabi nya lang ako palagi. Dito lang ako sa tabi nya. Sasamahan
ko sya sa pagtulog nya.

"Aura," tawag sa akin ni Miguel.


Nilingon ko sya. Nasa likod nya sina Gabriel at Uriel.
"Kailangan na nating umalis.." malungkot na sabi ni Gabriel.
"Iwan nyo na ako," paos na sagot ko "Dito lang ako sa tabi nya."
"Aura hwag mong gawin ito," nakikiusap ang mga mata ni Miguel.

Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Wala na akong pakialam sa kahit na ano'ng
iisipin nila. Hindi ko iiwan ang mahal ko dito. Patay na rin naman ako hindi ba
? Dito lang ako. Hindi ko sya iiwan.

"Hindi na kayang suportahan ni Hecate ang lagusan. Kailangan na nating umalis di


to," narinig kong sabi ni Uriel.
"Aura," may humawak sa balikat ko, si Gabriel "Kailangan na nating umalis bago p
a tayo makulong dito habang buhay."

"Umalis na kayo.." mahinang sagot ko at mas hinigpitan pa ang yakap sa katawan n


i Lucifer.
"Magiging abo na sya mamaya," paalala ni Miguel "Mawawala na rin sya. Gusto mo b
ang makulong dito nang nag-iisa?"

Umiyak ako. Mawawala na rin pati ang katawan nya. Umiyak ako nang umiyak.

"Aura," niyakap ako Gabriel "Umalis na tayo.."


"Si Lucci.." umupo ako at tinignan muli si Lucifer.
"Wala na tayong magagawa pa. Hindi na sya babalik pa," sabi sa akin ni Gabriel.
Binuhat nya ako at pilit na kinalas ang hawak ko sa kamay ni Lucci. Hindi ko ina
alis ang tingin ko sa kanya. Lucci..
"Tayo na.." sabi ni Miguel.

Unti-unti kaming tumaas. Lumipad na sila. Naiwan ang katawan ni Lucifer sa impye
rno. Naiwan syang nag-iisa. Pumasok sa portal na nilabasan nila sina Gabriel. Na
wala na nang tuluyan sa paningin ko si Lucci. Niyakap ko si Gabriel at umiyak sa
dibdib nya.

Iyon na ang huling beses na makikita ko sya. Ang huling beses na nakita ko ang l
alaking minahal ko mula buhay hanggang kamatayan. Paalam Lucifer. Paalam mahal k
o.

***~(TT~~TT)~***
XIII
Napatigil ako sa kalagitnaan ng pagta-type sa keyboard ng laptop nang pumatak an
g luha ko. Pinunasan ko ang pisngi ko pero nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Ang
alalahanin ang lahat at isalaysay ang mga pangyayari ay isang napakasakit na bag
ay para sa akin. Muli nitong binuksan ang malalim na sugat sa puso ko. Kahit na
lumipas ang napakaraming taon, hindi nabawasan ang sakit at pangungulila ko para
sa lalaking minahal ko nang lubos. Minahal ko sya at nagawa ko syang patayin ga
mit ang sarili kong mga kamay.
Tumigil ako sandali at tinitigan ang screen ng laptop ko. Ito ang huling kabanat
a ng istorya ni Lucifer. Ano na ngayon ang gagawin ko? Natapos ko na ang nobela
na isinusulat ko. Hindi ito ang ending na gusto ng mga readers ko online.
Bumuntong hininga ako bago ko pindutin ang 'Save and Publish'. Ilang minuto lang
ay nagdagsaan na ang notifications ko, marami na ang nakabasa at nag-komento sa

huling kabanata na in-upload ko.


Hindi ko kayang basahin ang mga 'yon.
Isinara ko na ang latop ko. Kahit na sabihin pa nila na umiyak sila at nasaktan,
alam ko na makakalimutan din nila ang istorya ni Lucifer. Madali lang silang ma
kakapag-move on dahil istorya lang naman ito para sa kanila. Hindi totoo sa pani
niwala nila. Hindi katulad ko, araw-araw walang oras na hindi ko naalala ang mah
al ko.
Makalipas ang dalawang daang taon, hindi na tumanda ang katawan ko. Matapos kong
bumalik mula sa impyerno, nakulong na ako sa imortal na katawan na ito. Ito ang
katawan na nilikha ni Hecate kapalit ng mga pakpak ng mahal ko. Isang imortal n
a katawan at buhay na walang hanggan.
Isang sumpa.
Ang paulit-ulit na makita na ang mga taong malalapit sa akin ay namamatay at ako
ay hindi. Paulit-ulit kong kailangan lumayo sa mga kaibigan ko makalipas ang il
ang taon kasama sila para lang hindi malaman na hindi ako tumatanda. Kung minsan
natatakot ako sa sarili ko.
Bakit pa nga ba ako nabubuhay? Ano ang dahilan ko para mabuhay?
Hindi ko kayang patayin ang sarili ko. Ang buhay na ito ay bigay sa akin ng maha
l ko kaya bakit ko itatapon? Dahil lang sa kalungkutan?

*beep.beep*
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa lamesa. Binasa ko ang text message.

[Ms. Otor =( un na po ba tlga ang ending ng s2ry? bakit po reincarnation of luci


fer ang title? dba dapat mabubuhay xa ulit? T_T huhu please upload pa kau ng 1 c
hap]

Napahinga nalang ako nang malalim. Bakit ko nga ba naisip ang ganong title? Inii
sip ko ba.. hinihiling ko ba na muli syang mabuhay bilang isang mortal? Naalala
ko ang tanong nya sa akin noon. Kung naging mortal ba sya, magagawa ko ba syang
mahalin?
Sana naging mortal nalang kami. Sana naging mas simple ang buhay para sa amin.
Maswerte ang mga tao. Ang mga iniisip nilang mahirap na sitwasyon ay hindi kasin
g hirap nang sa amin. Hindi nila alam kung gaano sila kaswerte na naging mortal
sila. Na kaya nilang tumanda at mamatay. Hindi nila naranasan ang mapagod dahil
sa tagal ng buhay nila. Hindi rin nila naranasan ang mga naranasan ko.
Hindi ko alam kung bakit lumikha si Ama ng mga tao. Para ba magkaroon ng silbi a
ng mga anghel o para may mangalaga at tumira sa mundo?
Bakit sya lumikha ng mga tao? Kahit na alam nyang may pagkasakim ang mga ito. Hi
ndi dalisay ang puso ng mga tao, hindi sila kasing puro ng mga anghel. Pero baki
t mahal ni Ama ang mga tao?

Bakit nya inatas sa amin ang pagprotekta sa kanila?


Tila kahit lumipas ang ilang libong taon ay hindi ko ito masasagot. Tanging si A
ma lang ang nakakaalam ng mga sagot sa tanong ko.

***
"Uwaah! Nag-update na sa ROL! Grabe ang iyak ko dun! Kawawa naman si Lucci, ang
mahal ko!" sabi ni Janice, ang kaklase ko.

Isa akong estudyante. Isang kolehiyala. Kung bata akong mag-uumpisa sa isang lug
ar, mas matagal akong maaaring manatili dito. Limang taon ang inilalagi ko sa is
ang lugar. Palagi kong sinasabi na kailangan kong mag-migrate sa ibang bansa par
a hindi na nila ako kulitin na makipagkita sa kanila. Katulad nalang ng sa mga r
eunion.

"Oo nga eh. Pero malay mo naman, may next chapter pa diba? Kasi reincarnation ng
a eh tapos walang reincarnation si Lucifer dun? Di naman pwede 'yun!" sabi ng is
a ko pang kaklase na si Meridith.
"Kawawa naman si Aura no? Ano na kayang nangyari sa kanya? Naging anghel kaya sy
a?" tanong ni Karen.
"Malay nyo! Pero baka na-reincarnate ulit sya pati si Lucci tapos happy ending n
a sila!" sabi ni Luisa.
"Haay grabe naman kasi si miss author nun, bakit bitin? Magpo-post ako sa wall n
un mamaya!"
"Bruha ka! Hwag mong awayin! Ang warfreak mo pa naman sa mga online writers dun!
Lagi mo silang inaaway kapag may di ka gusto! Kakahiya ka!"
"Di ko naman sya aawayin, kukulitin ko lang na mag-update!"
"Sus! Yan din sinabi mo nung nakaraan pero inaway mo nung di ka bigyan ng soft c
opy!"
"Ang sarap nilang pag-tripan eh. Di naman nila ako kilala kaya okay lang. Hahaha
!"

Napailing nalang ako. Hindi ko nalang siguro bubuksan ang account ko sa site na
'yon. Tapos na rin naman ang novel ko kaya wala na akong gagawin pa don. Gusto k
o lang talagang may mapag-sabihan ng nakaraan ko. Naisip ko na masyadong limitad
o ang pag-iisip ng mga mortal. May mga bagay silang hindi pinaniniwalaan.
Kahit si Ama ay hindi pinaniniwalaan ng iba. Kahit na napakadami nang milagro sa
mundo, hindi parin sila naniniwala sa Dyos.
Ngayon kinukwestyon ko ang sarili ko.
Tama ba na isinakripisyo ko ang buhay ng mahal ko para sa ikabubuti nila? Sa pag

lipas ng dalawang daang taon nang pag-iisip at pakikisalamuha sa mga tao, tila n
aiiba na ang tingin ko sa kanila. Nahahawa na rin ba ako sa kanila at nakakalimu
tan ko ang parte ng pagiging anghel ko?
Nahahawa na ba ako sa pagiging sakim nila?
Pinili ko sila kaysa kay Lucifer. Dapat ba na pinabayaan ko nalang sila noon?

Tumingin ako sa katabi kong bintana. Bakit ko ba itinatanong ang mga 'yon sa sar
ili ko. Hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan. Hindi ko na maibabalik ang buhay
na nawala.

"----Lucifer Rising,"
Napalingon ako sa mga kaklase ko. Ano'ng sinabi nila?
"Ah! Yung boy band? Oo may ticket na ako para sa concert nila! Pupunta ako!"
"Grabe! After one million years pupunta na rin sila dito sa Pilipinas!"
"Ang alam ko nga hindi kasama ang bansa natin sa world tour nila pero bigla sila
ng naglabas ng statement last week na pupunta sila dito!"
"Yiiieeehh! Sobrang hot nila!"
"Oo! Sobrang hot nila! Super sikat nila!"
"Super yaman din! Alam nyo bang billion dollars ang kinikita ng world tour nila?
Pangatlo na 'to eh!"
"Napaka-successful ng group nila no? Kahit ang bata pa nila."
"Pero alam nyo ba ang balita na part daw sila ng Illuminati?"
"Illuminati? Yung mga hindi naniniwala kay Papa God? Yung anti-Christ daw?"
"Yep! Sa demons daw sila sumasamba kaya sobrang sikat nila."
"Di naman yan totoo eh. Chismis lang 'yan!"
"May mga satanic symbols daw kasi yung mga music videos nila--"
"Baka naman yung gumawa lang ng MV ang illuminati?"
"Siguro."
"Pero ang weird ng pangalan diba? Lucifer Rising? Ano 'yun?"
"Hahaha! Pakialam ko? Catchy nga eh. Astigin! Basta crush ko parin sila kahit an
o'ng mangyari!"
"Sira talaga 'to! Lucci daw kasi yung pangalan ng Presidente ng Entertainment na
pinagbuuan ng group nila kaya ganon. Kaya ang nangyari, ginawa nalang nilang Lu
cifer."

"HAAAAA?!!"
"Parang yung online story? Reincarnation of Lucifer?"
"Ay! Oo nga noh?!"
"Siguro fanfic yung story ni otor. Baka may crush sya dun sa President ng LAEnt.
"
"Eeew! Matanda na?"
"Twenty-six palang naman 'yun! Nag-start yung company eight years ago, unang tra
inees ang Lucifer Rising!"
"Wow ang galing naman ng President! May picture ka ba nya?"
"Wala, di naman kasi nagpapakita 'yun."
"Baka nga crush ni otor 'yun!"
"Haaay! Excited na ako sa concert mamayang gabi!"
"Kikidnapin ko sila at ire-rape ko hahaha!"
"Baliw! Uunahan mo pa ako sa plano ko hahaha!"

Napatayo ako sa upuan ko at lumapit sa grupo nila. Nakaramdam ako ng kakaibang k


aba nang marinig ko ang pangalan nya. Lucci ang ginamit nyang pangalan noon.

"Ano'ng sinabi nyo?" tanong ko "Lucci ang pangalan ng Presidente ng LAEnt?"


Mukha naman silang nagulat.
"O-Oo--"
"Kasama ba nila sa tour ang presidente?" tanong ko ulit.
"Huh? Ah ehh hindi ko alam.."
"Oo kasama nila ang president. May nakita kasi akong lalaking naka-shades sa sto
len shots sa airport, mukhang sya yun. Mukha pati syang importante kaya baka sya
nga yun."
"Alam nyo ba kung saan silang hotel?"
"Sa Green Leaf, mga isang oras ang layo dito--"

Nagmamadali kong kinuha ang bag ko at tumakbo palabas. Si Lucci. Nandito sya.
Sa wakas, pagkalipas ng dalawang daang taon. Makikita ko na ulit sya.
Pumunta ako sa hotel na sinasabi nila. Halos sumabog sa kaba ang dibdib ko.

Naglakad ako sa loob, kung tama ang iniisip ko, sa Presidential Suite ang kukuni
n nilang kwarto. Nasa pinakatuktok ito ng hotel, kailangan ng VIP card para maka
punta don ang elevator. Kailangan kong gamitin ang hagdan sa fire exit.
TOP FLOOR.
Nilalamig ang mga kamay ko habang nakatayo ako sa pintuan ng suite.
Ano'ng gagawin ko kung hindi sya 'yon?

Bumukas ang pinto sa harap ko. Gulat akong napatingin sa lalaking nagbukas non.
Tinignan nya ako bago ngumiti. Namumukhaan ko sya, myembro sya ng grupong Lucife
r Rising. Hindi nga ako nagkamali ng kwarto.

"Come in," nilawakan nya ang bukas ng pintuan.


Sumilip ako sa loob. Hinila nya ang kamay ko papasok sa kwarto.
Labing isang pares ng mga mata ang biglang tumingin sa akin. Nakaupo sila sa mah
abang sofa at ang iba naman ay nakatayo.
"Is that her?"
"She looks like her."
"It's her."

Napaatras ako nang lumapit sila sa akin at titigan ako.


Ano'ng nangyayari? Niyakap nila ako bigla isa-isa. Hindi ako nakagalaw nang isaisa nilang gawin 'yon.

"That's enough Kai.." sabi ng isang kalmado ngunit malamig na boses.

Humiwalay sa akin ang lalaking huling yumakap sa akin. Napatingin ako sa direksy
on ng nagsalita. Tila nabalutan ng yelo ang katawan ko, hindi ako makagalaw. Nap
akatagal na simula nang huli ko syang nakita.

"Lucci.. Ikaw nga.."

***
HECATE.

Pinanood ko ang pagbabalik ng tatlong anghel mula sa impyerno kasama ang kaluluw
a ni Aura. Nananatiling puro at dalisay ang kanyang kaluluwa. Sobrang ganda ng k
aluluwa nya na naaakit akong kunin ito. Isinara ko na ang lagusan.

"Ano'ng dapat nating gawin sa kaluluwa ni Aura?" tanong ng anghel na si Miguel.


"Kailangan natin syang dalhin kay Ama," sagot naman ni Gabriel habang nakatingin
sa nanghihinang kaluluwa sa mga braso nya.
"Hindi pa sya tuluyang namamatay," lumapit ako sa kanila.
Napatingin silang tatlo sa akin.
"Nilagyan ko ng proteksyon ang katawan ng mortal na 'yan. Maaari pa syang bumali
k sa katawan nya at ipagpatuloy ang naudlot nyang buhay."
"Magagawa mo 'yon?" tanong ni Gabriel.
Kinuha ko mula sa kanya ang kaluluwa at ibinalik sa katawan nya na nakahiga sa m
ahabang upuan.
"Kailangan nyo nang umalis," babala ko sa kanila "Buburahin ko ang kanyang alaal
a. Mas makabubuti kung hindi nya kayo makikita."

Lumapit ang dalawang anghel sa mortal para magpa-alam. Nilapitan ko si Uriel. Ti


nignan ko sya nang matiim. Tumango sya sa akin. Kung ganon, tuloy ang parin ang
plano. Pareho naming tinignan ang mortal.
Natapos na rin ang unang propesiya. Kailangan na naming paghandaan ang ikalawa.
Hindi dapat manatiling bakante ang pwesto ng hari sa impyerno. Kailangang may pu
malit sa pwesto. Ang sinumang humawak sa espada ni Lucifer ang magiging bagong h
ari.

"Patawad Gabriel, Miguel pero hanggang dito nalang ang misyon nyo. Maraming sala
mat sa pagtulong," sabi ni Uriel sa dalawang anghel.
"Uriel! Bakit mo hawak ang espada na 'yan?!"
"Ano'ng ibig sabihin nito?!"

Hindi ko na pinanood ang sumunod na ginawa ni Uriel sa dalawang anghel. Binuhat


ko ang katawan ng mortal at inilayo sa kanila.

"Aura.. Gumising ka," utos ko sa kanya na may kalakip na mahika.


Agad syang dumilat at tumingin sa akin.

"Hecate.." mahinang bulong nya.


"Makinig kang mabuti sa itatanong ko sa'yo. Sumagot ka ayon sa nararamdaman mo."
Tumango sya.
"Gusto mo bang maibalik sa'yo ang buhay ni Lucifer?"
"Oo," namuo ang luha sa mga mata nya.
Ngumiti ako sa kanya.
"Kung ganon ano ang kaya mong ibigay sa akin kapalit ng muli nyang pagkabuhay?"
"K-Kahit ano.."
"Matulog ka na Aura, sa muling pag-gising mo hindi mo maaalala ang usapan na ito
."

Gamit ang mahika ko ay sinunod ng katawan nya ang utos ko. Lumapit sa amin si Ur
iel. May bahid ng dugo ang puti nyang kasuotan. Ang dugo ng dalawang anghel.

"Tapos na ba? Nakuha mo na ba si Karisma?" naiinip na tanong sa akin ni Uriel.


"Mag-ingat ka sa tono mo Uriel. Maaaring magkakampi nga tayo pero hindi mo ako u
tusan," babala ko sa kanya.

Tinutukoy nya ang namatay nyang kasintahan na isa ring anghel. Si Karisma, ang a
nak ko.
Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa tyan ng
hindi pa naisisilang na sanggol. Inilipat ko
ng muling magsisilang sa anak ko. Ang anak ko
g Dyos na mamatay sa digmaan. Dahil sa walang
ang mawala ang anak ko.

mortal. Mula roon ay kinuha ko ang


ito sa katawan ko, ako na ngayon a
na pinabayaan ng itinuturing nilan
kwentang propesiya ay hinayaan nil

"Tapos na," tumayo ako at iniwan ang mortal na nakahiga sa lupa.


"Binura mo ba ang alaala ng mortal?" tanong nya sa akin.
"Hindi nya malalaman na may anak sila ni Lucifer. Hwag kang mag-alala."
"Bakit hindi mo nalang binura nang tuluyan ang alaala nya?"
"Isa syang imortal Uriel. Hayaan na natin sya. At ang isa pa, marunong akong tum
upad sa kasunduan. Sila parin ang naging susi sa pagbabalik ng anak kong si Kari
sma. Kahit papaano marunong akong tumanaw ng utang na loob," matalim ko syang ti
nignan para tumigil na.

Umalis na kami ni Uriel. Hindi nila malalaman ang katotohanan na hindi sila ang
isinumpang magkasintahan kung hindi ang anak ko at si Uriel.
Hindi si Lucifer ang dapat nilang pinatay. Hindi rin dapat namatay noon si Aura.
Pero ang pagbabalik ng anak ko ay matagal nang nakasulat sa libro ng tadhana. H
indi nila ito mapipigilan kahit na ano ang gawin nila.
Kahit pa gaano kalakas ang kapangyarihan ng Ama nila, hindi parin nila magagawan
g kunin ang buhay ni Aura. Dahil isa syang mortal. At ang mga mortal ang kahinaa
n ng Dyos nila.
Nakakatawang isipin na dahil sa sobrang pagmamahal nya sa isang mortal, mabubuo
ang impyerno sa mundo ng mga tao.
Ano na kaya ang gagawin nya ngayon?
Muli ba nyang ipapadala ang anak nya sa mundo para pasanin ang bigat ng kasalana
n ng mga tao?
Siguro? Siguro ganon nga ang gagawin nya..

***~(;__;)~***
End

You might also like